Past and Future

By DarkPncyl

221K 5.5K 280

BOOK THREE OF SWEET BACHELOR SERIES |Rated SPG Matt is a gorgeous man. All woman was easily captivated by his... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter

Chapter 2

9.1K 213 10
By DarkPncyl

"FUCK!" HE cursed. Parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit dahil nag-inuman pa sila kagabi ng kapatid niya bago umuwi. Kinuha niya ang dalawang advil na sa night stand saka 'yung baso na puno ng tubig saka niya ininom 'yung gamot.

Basta may hangover siya alam ni manang Nori 'yon kaya tuwing gigising siya laging may advil sa night stand niya. Tumayo na siya at saka dumeretso sa banyo saka naligo.

Pagkatapos niyang maligo dumeretso siya sa closet saka nagsuot ng damit. Dahil tuesday ngayon, sa restaurant lang siya tatambay kaya hindi niya na kailangan magsuot ng suit.

Mamayang hapon na ang kasal ng kapatid niya at Unyce. Doon na siya magbibihis ng suit sa restaurant tutal may sarili namang siyang banyo do'n.

Pagkabihis niya lumabas na siya ng kwarto niya at bumaba sa hagdan. Naabutan niya pa si manang Nori na nagwawalis sa sala.

"Morning, manang." Bati niya kay mananv nang makababa siya. Tumigil ito sa pagwawalis at tumingin sa kanya.

"Magandang umaga rin ho, sir." Nakangiting bati rin nito sa kanya. "Nagluto na ho ako ng makakain niyo."

"Sabayan mo na ako kumain, manang." Sabi niya habang naglalakad patungong kusina. Narinig naman niya na sumunod ito sa kanya. "Ngayon na kayo aalis kaya gusto ko sabay tayo kumain."

"Ay nako, sir, hindi na ho." Tanggi nito. Ito na ang nag-ayos ng pagkakainan niya at siya naman ang naglagay ng pagkain sa pinggan. "Kumain na ako kanina bago ako maglinis ng bahay."

"Dapat nagpahinga na lang kayo, manang." Wika niya habang kumakain. Umupo ito sa kaharap niyang upuan. "Hindi naman gano'n kadumi ang bahay."

"Hindi ho kasi ako sanay nang hindi naglilinis." Napapahiyang wika nito na napapakamot pa sa batok. "At saka, gusto ko kasi na kaunti na lang ang lilinisin ng pamangkin ko pagdating niya rito."

"Speaking of him," sabi niya tapos nilunok muna ang nginunguya bago ulit nagsalita, "kailan ho siya darating?"

"Ah, hindi ho siya lalaki, sir. Babae siya." Wika nito na nakapagpatigil sa kanya. Babae? "Maya-maya lang ho, sir, e nandito na rin 'yon."

"Babae ho?" Tanong niya kasi parang mali lang 'yung pagkakarinig niya.

"Oho. Mabait ho 'yon at mapagkakatiwalaan." Sagot niti tapos ngumiti.

"Magkaedad lang ho ba kayo?" Tanong niya na naman.

'Curios ako e.'

"Ah, hindi ho. Twenty-eight years old pa lang siya." Sagot ni manang tapos ngumiti ng malapad. 'Yung ngiting nakakaloko. "Bakit ho, sir?"

"Nagtanong lang ho ako." Sagot niya tapos tinapos na 'yung pagkain. "Sige ho, manang. Alis na po ako."

"Mag-iingat ho kayo, sir." Sabi ni manang. Nginitian niya lang ito saka umalis ng kusina. Kinuha niya muna 'yung susi ng kotse niya bago lumabas ng bahay.

Paglabas niya tumakbo siya papunta sa kotse niya saka sumakay. At dahil tinatamad siyang magdrive, binagalan niya lang ang pagpapaandar. Para siyang pagong habang nagpapaandar.

Hindi pa nagtatagal ang pagdadrive niya nabagot agad siya kaya pinaharurot niya na ang sasakyan. Pero agad niyang natapakan ang preno dahil muntik na niyang mabangga 'yung babaeng naglalakad.

Nakahawak pa rin siya sa manubela habang nakatingin sa babaeng halos mamutla na. Hindi agad nakagalaw ang babae at nanatili itong nakatingin sa kotse niya.

Lumipas ang ilang segundo, ipinilig nito ang ulo at masama ang tingin na naglakad palapit sa driver seat. Nakatingin lang siya sa babae habang kumakatok sa nakasarang bintana ng kotse niya.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. He really don't know why! Binuksan niya na 'yung bintana dahil baka mamaya magdugo ang kamay nito kakakatok.

"Yes?" Tanong niya nung mabuksan niya ang binata ng kotse niya. Aaminin niya na maganda ito. Maputi, may height din, matangos-tangos ang ilong nito at simple lang kung manamit. "May kailangan?"

"May kailangan?! Tanga ka ba, ha?!" Halata ang inis sa tono ng pananalita nito. "Muntik mo na akong mabangga tapos itatanong mo kung may kailangan ako! Tarantado ka pala e! Kung sa tingin mo na race track 'tong lugar na 'to! Nagkakamali ka dahil village 'to at hindi ito race track! Kaya kung pwede lang, mag-ingat ka sa pagdadrive mo dahil baka bigla ka na lang makulong!"

"Miss, pwede ba wag kang sumigaw?" Tanong niya rito na pinipigil ang inis. Sa unang pagkakataon, ngayon lang may nagsabi sa kanya na tanga siya at tarantado. At babae pa talaga! "Ikaw 'tong bigla na lang sumusulpot sa daan tapos ako ang sasabihin mo ng tanga. Miss, kung hindi ka pagala-gala sa daan, e di sana hindi ka na muntik mabangga."

"Hoy! Antipatikong tuko! May speed limit ang mga sasakyan sa bawat village! Siguro naman alam mo 'yon?"

'Did she just call me antipatikong tuko?'

(o_0)

"Excuse me, miss. Did you just call me 'antipatikong tuko'?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Sa gwapo kong 'to? Tatawagin mo kong antipatikong tuko?"

"Wag ka ngang assuming. Hindi ka gwapo kaya wag kang mahangin!" Sigaw nito saka naglakad palayo sa kotse niya.

Naiwan siyang nakatunganga sa hangin at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

'Antipatikong tuko?! Hindi ako gwapo kaya wag akong mahangin?!'

'Anak ng! Babae ba talaga 'yon?!'

SIRAULONG LALAKING 'yon! Muntik na siyang mabangga dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito tapos siya pa ang sisisihin nito!

'Muka bang race track 'tong village na 'to?!'

Tapos ano daw? Gwapo ito? Anak ng tinipa naman. Sobrang hangin pala ng lalaking 'yon e. Oo, gwapo nga ito pero antipatiko naman. Ano pang silbi ng kagwapuhan nito kung antipako naman.

Nakarating na siya sa bahay kung saan siya magtatrabaho bilang katulong. Nasa labas pa lang siya pero masasabi niyang maganda ang bahay. Hindi naman ganoong kalaki pero maganda. Simpleng bahay lang ito at sigurado siyabg madali lang linisin.

At dahil bukas ang gate, pumasok na siya at dumeretso sa pinto. Pinindot niya ang doorbell at naghintay na bumukas 'yon. Pagkalipas ng isang minuto bumukas ang pinto at nakita niya ang Tita niya.

"Tita!" Masayang tawag niya rito. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "Namiss kita, tita."

"Ay nako, namiss din kita, Marga." Masayang wika ng tita niya tapos niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. "Dalagang dalaga ka na at lumaki kang sexy."

"Hehe, salamat po." Pasalamat niya rito at tuluyang pumasok sa bahay. Namangha siya ganda ng bahay. Simple ang lahat ng mga gamit at ang desenyo ng loob ay simple lang rin. "Ang ganda naman dito, tita."

"Tama ka. Kaya dapat mapanatili mong maayos at malinis ang bahay ni sir." Sabi nito at tinulungan siyang itabi ang mga gamit niya sa sala. "Halika at ipapakita ko sayo ang kabuuan ng bahay."

Tumango siya at sinundan ito. Una nilang pinuntahan ang kusina at pinakita din sa kanya ng tita niya ang likod-bahay. May pool do'n at pwedeng magparty kasi malawak ang likod-bahay.

Sunod naman nilang pinuntahan ang isang kwarto na para sa mga bisita. Naglakad naman sila papunta sa may gilid ng hagdan. May pinto do'n at nang buksan 'yon nakita niya ang maliit pero magandang kwarto.

"Ito ang magiging kwarto mo. Nilinis ko na rin ito para sayo." Nakangiting wika nito. Naglakad ulit ito paakyat sa hagdan kaya sumunod naman siya. May tatlong pinto sa taas at ang unang pinto ang binuksan ng Tita niya. "Ito ang opisina ni sir. Kadalasan dito na siya natutulog dahil sa tambak na trabaho. Kapag ganoon, kailangan dalhan mo siya ng mainit na kape." Wika nito at ang sunod na pinto naman ang binuksan. "Ito naman ang kwarto ni sir. Ayaw ni sir ng maingay sa oras na nagpapahinga na siya. Mas gusto niya ang tahimik kesa sa maingay. At ang kwartong iyon," turo nito sa panghuling pinto, "pinagbabawal ni sir na buksan iyan kahit anong mangyari."

"Bakit naman po?" Tanong niya habang nakatingin sa pinto. "May kayamanan po ba d'yan?"

"Syempre wala. Hindi lang talaga pwedeng pumasok riyan." Sagot nito at sabay harap sa kanya. "Kapag lunes, huwebes, at biyernes, nasa opisina si sir at madaling araw na kung umuwi at minsan ay lasing pa kaya dapat hintayin mo siyang makauwi. Kapag martes at miyerkules naman ay nasa restaurant si sir na pagma-may ari niya. Maaga siyang umuuwi kapag ganoon. Pero ang problema dito naglalasing si sir. Kapag sabado at linggo naman ay nagpapahinga lang siya rito."

"Ang dami namang alam ni ser." Nakangusong sabi nita at sabay silang bumaba ng hagdan.

"Ibibigay ko sayo ang mga listihan ni sir sa pang-araw araw niyang gawin at ang mga ayaw at gusto niya sa isang tao." Wika ng tita niya at kinuha ang gamit nito na nakalagay sa sofa. "Oh siya, kailangan ko ng umalis at baka gabihin ako sa daan."

"Sige po, tita. Ako na po ang bahala dito." Wika niya at hinalikan ito sa pisngi. "Mag-iingat po kayo."

"Maraming salamat." Pasalamat nito at ngumiti sa kanya. "Martes ngayon kaya nasa restaurant lang si sir at pupunta siya ngayon sa kasal ng kapatid niya. Alam kong hindi magtatagal do'n si sir dahil marami na siyang napuntahan na ganyang kasal at hindi talaga siya nagtatagal. Kaya dapat magluto ka na ng makakain niya bago siya umuwi."

"Copy that, Tita." She said and she even salute to her. "Sige na po. Baka gabihin pa kayo."

"Sige sige. Paalam na." At 'yon na nga. Tuluyan nang lumabas ang tita niya ng bahay. Sinundan niya pasiti ng tingin habang naglalakad palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

Pumasok na siya sa loob ng bahay at sinara niya pa ang pinto saka naglakad papuntang sala. Umupo muna siya sa sofa at nagpahinga.

'Nakakapagod kayang maglakad, 'no.'

Napatingin siya sa bawat sulok ng bahay at nagtaka siya nang wala siyang makitang litrato ni isa. As in isang picture wala talaga. May nag-iisang picture frame pero alam niyo ba kung ano ang nakalagay?

Litrato ng Justice League.

'What the hell? Seryoso, ilang taon na ba ang amo ko?'

(-.-)

A/N: Sorry everyone pero bihira lang ako ngayon makakaupdate dahil ang kapal ng modules na sasagutan ko huhu. Sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

24K 211 33
MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED The Villarreal family was known as the third richest in the world. Even the Villarreal Business Empires are known i...
29.8K 651 31
Ben Kaslana, Son of Cecilia Schariac and Siegfried Kaslana, has been kidnapped by the doctors of Babylon Labs, yet, this time, his end will come with...
224K 1.1K 199
Mature content
458K 11.6K 41
WARNING: SPG Ave has a very stupid suitor, It's the most powerful personality in their province. She get away,to save her life for the treats,.she ap...