Ignored by Mr. Famous (ASHLEY...

By lady_assasin2004

67.7K 1.5K 29

Ignore me now... Regret Later. Read at your own Risk! Nicolette Fren Ashley's Story it is. •Ashley 5 (Third G... More

First Note
Ignored by Mr. Famous!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Nicolette and Kezia
Epilogue

Chapter 31

1.3K 32 1
By lady_assasin2004

Chapter 31


Revelation 1 - Papa


Nakatiim bagang ako habang pilit na nilalabanan ang mga titig ng mga tauhan ni papa, Si papa naman ay palakad lakad sa harap ko habang sa suot kong singsing nakatingin. Alam kong possibleng hindi niya ito magustuhan pero... napagdesisyonan kong ipaglalaban ko ito.



"Nicolette Fren Ashley. Na-ospital siya tama?"



Napakuyom ako ng kamao, bat ko ba nakalimutang pinababantayan niya ako? Shit.



"May nangyari sa kaniya."




Tumango tango pa siya, nagkatinginan sila ng tauhan niyang si Diego, ang right hand niya, saka siya umupo sa sofang pang-isahang tao. Tiningnan niya pa saglit ang suot kong singsing saka ako tiningnan sa mukha. Buong tapang kong sinalubong ang malamig niyang tingin.




"Ano naman ang nangyari? Kezia. "




Lumunok ako. "N-nalason siya."



Tumaas ang isang kilay niya sabay tingin ulit kay Diego na nasa likuran ko.




"Palpak!" Biglang sigaw niya na ikinagulat ko.



Palpak? "Anong palpak? Papa anong ibig mong sabihin?"



Sinabunutan niya ang sariling buhok, nagtagis ang kaniyang bagang at tinuro ako.



"Gawin mo sa huwebes ang pinapagawa ko, kezia, at gaya ng pinangako ko ay kukunin ko ang mga anak mo, at ibabalik sa iyo sa lalong madaling panahon."



Kung nung una ay wala akong pag-aalinlangan, pero ngayon naman ay parang gusto kong umatras, ngunit hindi na pwede, hindi dapat lalo pat nakasalalay dito ang mga anak ko.




Alam kong may binabalak ang ama ko, at ngayon ay unti-unti na akong nagsisisi.




"May meeting kami mamayang ten, I can't Have lunch with you." Madrama niyang sabi.



Napangiti nalang ako at napakagat labi. "It's ok, wala ka namang sinabi sa aking sabay tayo mag lunch ngayon eh."



"Wala? But isn't required?"



Nangunot ang noo ko pero nakangiti padin. "Required?"



"Yeah, your my wife so dapat sabay tayo laging kumain, kahit merienda."




I let out a soft chuckle. "Anong Asawa? Eh wala pa nga, Baka naman madali ka ng magsawa niyan sa akin?"



Bumuntong hininga siya. "I won't get tired of you, baby."



Naging malungkot ang ngiti ko, hindi ko alam kung saan galing at bakit bigla ako nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bigla kong naalala ang mga anak namin, sorry Nic...




"I love you..." biglang sabi niya dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.



Napahawak ako sa dibdib ko at bahagya itong minasahe, ang lakas.



"I love you..." halos pabulong kong sabi pero alam kong narinig niya ito dahil rinig na rinig ko ang pagbilis ng paghinga niya.





"God, I'm so inlove with you, damn it."



Ngumuso ako para pigilan ang kilig, may sasabihin pa sana ako pero may biglang humablot ng cellphone ko, matalim kong tiningnan si Diego na ngayoy blanko lang ang expresyon sa mukha havang nilalagay sa kaniyang bulsa ang cellphone ko.




"Wala kang karapatang pakialaman ang gamit ko, Diego. "



"Trabaho ko ang iligtas ka."



Matunog akong ngumisi. "You know what? Your paranoid-"



"And your Stupidly Gullible."


I'm what?



"How dare you?" Nanliliit na mga mata kong sabi.




Hindi niya inalantana ang sinabi ko. "So if I were you, I'll behave and stop being childish. "


"What?!" Magkasalubong na kilay kong saad sa kaniya.



"I'm just following orders."



I laugh in a leering way, Pinilig ko ang aking ulo para tingnang mabuti ang kaniyang mukha, maging ang kaniyang kabuuan niya.




"What are you? A robot?"




He just shrug, and it makes me more pissed off. Umamba akong tatayo at mabilis naman siyang gumalaw para sana daluhan ko but I glare at him.



"Ano? Ultimo pagtayo?" Masungit kong sabi saka tumayo ng tuluyan at inilahad ang kamay ko sa kaniya, nangunot naman ang noo niya.



"Hindi ako basta basta nakikipag holding hands, ma'am Kezia."




Napatanga ako sa sinabi niya. What the hell?





"What- ang hangin mo! I want my phone back at hindi makipag-holding hands sa iyo! And please I already got a fiancee."





Tumango siya, hindi ko alam kung para saan ang tangong iyon.




"Wala rin namang kasalang magaganap, maam Kezia."



Sa inis koy dinuro ko siya. "You shut up! Akin na ang cellphone ko!"




Bumaba ang tingin niya sa daliri kong nasa dibdib niya, at ng tingnan niya ako ulit sa mata ay bigla siyang ngumisi.



"Ma'am Kezia, tauhan ako ng Papa mo, naka-assign akong bantayan ka, gwardiya mo po ako hindi bayarang lalaki."



Mas nanlaki pa ang mata ko. What kind of person is this man?!




I let out a groan due to frustration. "Akin na ang cellphone ko, Diego."




Saglit pang nanatili ang ngisi niya saka tuluyang binigay sa akin ang cellphone ko, balak ko sanang tawagan ulit si Nic pero may bigla akong naalala. Tiningnan ko si Diego, Mukhang wala akong choice.




"Diego, samahan mo akong-"




"Kung di ka na po makapagpigil ay may kwarto ka naman dito."





Napairap ako at dahil sa inis ay binato ko siya ng flat sandal ko.



"Bastos!"




"Ano po bang iniisip niyo? Ang ibig ko lang naman pong sabihin ay may banyo naman po sa kwarto niyo, doon nalang kayo maglabas ng sama ng loob at di na po kailangang magpasama ka pa." Natatawa niyang sabi.




How come he became a tease? Kanina lang ay para siyang robot tapos ngayon? Saang lupalop ba ito napulot ni papa?



Kinalma ko ang sarili ko saka siya tiningnan habang nakangiti.





"Samahan mo akong mamalengke, at akin na ang tsinelas ko."



Nagpipigil na tawa siyang tumango sabay luhod sa harapan ko, di pa man ako nakakapagsalita ay naisuot na niya sa akin ang flat sandal ko. Nakangiti na siyang tumayo at nilahad pa ang isang kamay sa daan papuntang pinto habang ang isang kamay ay nasa likuran niya.





Napailing ako saka naglakad na papuntang pinto at siya naman ay nakasunod na sa akin.




"Weird."




Hindi ako dinala sa palengke ni Diego, dahil idineretso niya ako sa Mall, nagreklamo ako at ang dahilan niya? Mas safe saw sa Mall, inirapan ko nalang siya at hinayaan nalang sa mga gusto niya. Baka kasi kapag may ginawa akong ayaw niya ay isumbong niya ako kay papa.




Ang bilin kasi ni papa ay hindi ako aalis ng bahay pero heto ako ngayon, wala din naman siya, Pumunta siyang bacolod para sa negosyo niya.



"Mayroon pa ba?" Pang walong beses na tanong niya.




"Mayroon pa." Madiin kong sabi. He let out a small groan.




Siya kasi ang nagtutulak ng cart ko, habang ako naman ay seryosong seryoso sa pamimili ng karneng gagamitin ko mamaya. Magkasalubong na kilay kong itinaas ang chicken wings at pinagmasdan ang bawat sulok neto, nagulat ako ng may biglang dalawang daliri ang napunta sa gitna ng mga kilay ko, he split his fingers to erase my frown.




"Ang seryoso mo naman ma'am."




Ibinalik ko ang pagkasalubong ng kilay ko at inilingan siya. So far, hindi naman siya ganoon ka weird, medto weird lang. Hindi ko nga lang masabi kung totoo bang ugali ang pinapakita niya sa akin o hindi. Habang nagluluto ako ay nakatingin lang siya sa akin, hindi naman nakakailang kaya hinayaan ko nalang.






Tinali ko ang buhok ko habang nagluluto narinig ko ang pagmura ni Diego pero nginiwian ko lang siya at hindi na binigyang pansin ang kaweirduhan niya.




"Hintayin mo nalang ako dito, Diego."




Napabuntong hininga ako ng makitang balik sa walang emosyon ang mukha niya, kukulitin ko pa sana kaso past twelve na, kaya naman Imbes na pagtuonan ng pansin ang pagiging weirdo nanaman ni Diego ay tumakbo na ako papasok saa building ng HUE Empire.




Kung di ko lang alam kung ano ang nasa likod ng companyang ito ay mamangha ako sa laki at ganda neto, tsk.




Pingatitinginan ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko kaya di ko maiwasang pangunutan ng noo, ganito ba talaga dito? May mapa sa giliran ng elevator kaya doon ko hinanap kung saan ang opisina ni Nic pero ng makarating ako sa eighth floor ay naligaw ako, hindi ko kasi inaasahang mas malawak at mas maraming pasikot-sikot ang floor na ito.





Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong bente minutos nalang at mag-a-ala-una na. Shit. Kahit na di ako sigurado ay kumatok ako sa isang pintong gawa sa salamin, may blinds kaya di ko kita ang nasa loob at mukhang soundproof dahil wala akong naririnig mula sa loob, o baka naman wala talagang tao?





Kumatok ako ulit. Ilang segundo pa bago ito bumukas. Isang lalaking kaedad ko lang, nakakunot ang noo at kung makatingin sa akin ay parang ako na ang pinaka-ignorateng tao sa buong mundo, naka business suit siya at nakasalamin.





Ngumiti ako. "Hi! Saan dito ang opisina ni Nic?"




Mas kumunot pa ang noo niya.



"I mean, Mister Nicolette Fren Ashley?"



Tumaas ang isang kilay niya, at pinasadahan ako ng tingin. "Miss, do you have any appointment with Mr. Ashley?"



Napalunok ako at biglang nahiya. "W-wala, pero nandito ako para ihatid ang lunch niya."





Nakangiting sabi ko sabay pakita ng lunch box na hawak ko. Tiningnan niya ito saglit at umiling.





"Miss, nagme-meeting kasi kami, at... nakakaisturbo ka."




Mas namula pa ako, pakiramdam ko ay nasa mukha ko na ang lahat ng dugo sa katawan ko, nakakahiya!



May biglang lumapit sa amin, may katandaan na ito at nakasuot ng business suit, at isa lang ang masasabi ko, halatang gwapo siya nung kabataan niya, kasi kahit na may wrinkles na siya ay litaw na litaw parin ang mala-adonis niyang taglay. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang taong ito, Si Dark Jay Ashley! Jusko po!





"Ano bang nangyayari dito?"



Lumunok ako ulit. "K-kasi po, nandito po ako para k-kay N-nic."



Sheyt na malagkit!




Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Are you Kezia Dawn Balura?"




Lumunok ako saka tumango. Kinakabahan. "O-opo, m-magandang ahm tanghali po, Sir."



Ang kaninang malamig niyang expresyon ay napalitan ng natutuwang mukha.





"Nic! Apo! Your woman is here!"





Kulang ang salitang hiya para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon lalo na nang hilain ako papasok ng matanda, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang mahabang mesa kung saan naka-upo ang halos bente yata katao, lahat sila ay halatang makapangyarihan at maimplewensyang tao. May mga myembro pa nga sa gobyerno na matataas ang posisyon eh.





Hindi ko maiwasang mag-isip, so ang mga taong ito ay mga... sindikato din?



"Ladies and Gentelemen, my grandchild's woman, Kezia Dawn Balura." Pagpapakilala sa akin ng katabi ko, binati naman ako ng lahat, napipilitang ngumiti naman ako sa kanila.





It's embarrassing!





At halos gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ng magtama ang mga mata namin ni Nic, he is freaking smiling at me! Hindi ba niya alam kung gaano siya kagwapo ngumiti?! Pinanlakihan ko siya ng mata.




Natatawang tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko, sobrang nagulat ako ng bigla niya nalang akong hapitin sa beywang at halikan sa labi! Ang daming nanonood!




"A-ano ba Nic!" Namumula kong sabi at hinampas pa siya, pero imbes na layuan ako ay ginawaran niya ako ulit ng mabilis na halik sa labi.




May iilang tumikhim, halos mga babae.



Pinanlakihan ko siya ng mata at bahagyang kinurot sa Tagiliran, napangiwi siya pero di parin natatanggal ang ngisi. Hinarap niya ako sa lahat habang nasa beywang ko parin ang kamay niya.



"My wife's here, so the meeting's adjourn." Sabi niya na para bang hindi importante ang ginagawa nila!




At inaasahan kong pipigilan siya ng lolo niya, kaso wala itong ginawa kundi ang yayain ang lahat na lumabas na!



May iilan sa kanila ang napangiwi at napa-iling, halatang di nagustuhan ang sinabi ng loko-loko. Hiyang hiya ako sa tuwing napapatingin sila sa akin, nasa may pintuan pa kami kaya lahat ng lumalabas ay tinitingnan pa ako bago umalis!



Tinulak ko si Nic, hindi dahil ayaw ko sa ginawa niya, kundi dahil sa hiya. Nakangising lumapit sa akin ulit si Nic.



"Sungit mo ah? Buntis ka ba?" Bulong niya ng muli niya akong mahawakan sa beywang.



Nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa dibdib, medyo malakas iyon dahil napadaing pa siya, maawa na sana ako kaso lang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, nakasuot kasi ako ng v-neck na t-shirt kaya medyo kita ang clevage, hinampas ko siya ulit.



May biglang tumikhim.




Napatingin ako sa may katandaang lalaking nasa harap lang pala namin! Damn. Ngumiti siya sa akin.




"It's nice to finally meet you." Naglahad siya ng kamay ay natatarantang tinanggap ko naman iyon.




Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpakilala dahil kilala naman niya ako, binaggit niya pa nga ang buong pangalan ko kanina diba?



Tumikhim si Nic at inagaw ang kamay kong hawak padin ng matanda.




"Lolo, asawa ko tu." Madiing saad ni Nic na nagpatawa sa matanda.



"Fuck, I don't have any plans to steal your woman Nic my boy, I have my Aurora and she's more than enough for me."



Medyo napatanga pa ako hindi lang dahil sa pagmumura niya kundi dahil mas gumwapo siya habang tumatawa.




Medyo nagulat pa ako ng biglang hawakan ni Nic ang magkabilang pisnge ko gamit ang mga daliri ng isang kamay niya habang nakatingin ng matalim sa kaniyang lolo.





"Lolo, baka gusto mo ng umalis?" Medyo may pagkabastos na sabi pa ni Nic sa lolo niya.






"Okay then, see you later jealous man." Tumatawang saad neto habang kumakaway at naglalakad na paalis.


"Tss." Masungit na singhal ni Nic at saka pa pinakawalan ang panga ko.




Hinampas ko naman siya.



"Bat mo ginawa iyon sa Lolo mo?"



"What? So you're on his side now?"


"Ang bastos mo." Dismiyado kong sabi, may kasama pang pag-ngiwi.



Saglit pa siyang natigilan, at nanlalaking mata akong tiningnan. Hindi ko nalang siya pinansin, bagkus ay naglakad ako papunta sa mesa at nilapag na ang lunch box na dala ko, uupo na sana ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.




"Baby, You mad?"




Hindi ko alam kung anong nakain ko pero hindi ako nagsalita. Sinubukan kong ialis ang kamay niyang nasa beywang ko pero mas hinigpitan lang niya ito.



"I'm sorry, I didn't mean to be rude, I promise you, I won't be rude anymore. Baby, please don't be mad? I'm sorry." Masuyo niyang sabi.




Napakagat labi ako para pigilan ang aking ngiti.





"Bakit ba kasi ang bastos mo." Pagsusungit ko.





"I got Jealous."



"Lolo mo iyon! Anong akala mo sa akin? Ha?"




"I'm sorry, seloso ako eh." He sounded so possessive but scared at the same time.



Huminga ako ng malalim at unti-unting hinarap siya kahit pa nakapulupot parin sa beywang ko ang mga braso niya, I encircled my arms around his nape and give him a peck on his lips.




"No need to be jealous, ikaw naman mahal ko eh." Sabi ko at nginitian siya.



Napatitig siya sa akin ng ilang segundo saka bumaba ang tingin niya sa mga labi ko, he licked his lower lip.



"Pero seloso ako eh."



Nakanguso siya kaya di ko mapigilang panggigilan siya, I pinched his cheeks and kiss the tip of his nose.



"Gutom lang yan."



Hinila ko siya pa-upo at binuksan na ang mga lunch box na dala ko. Sinulyapan ko siya, nakatitig lang siya sa akin, kinindatan ko nalang siya at tatawa-tawang naghila ng upuan palapit sa kaniya.




Mas sumimangot pa siya ng maka-upo na ako. "Bat ka nandyan?"



Kumunot ang noo ko. "Bakit? Saan ba ako dapat."



Inginuso niya ang kaniyang mga hita. "Dito."




Inirapan ko siya. "Magtigil ka Nicolette Fren Ashley."




Madiin kong sabi at bahagyang tumayo para abutin ang kutsara at tinidor.Hindi ko pa man naabot ang mga ito ay hinila na ako ni Nic paaupo sa kandungan niya.





Napatili pa ako dahil sa ginawa niya, I glared at him pero nanatili siyang nakanguso at pinatong na ang baba sa aking balikat habang yakap yakap ako.



"Kumain ka na. Oh." Sabi ko sabay tapat sa mukha niya ang hawak kong kutsara at tindior.



Ngumuso siya. "Feed me, baby, please?"


Why so clingy, Nic?




Umiling nalang ako at nagsimula na siyang subuan, nakakailang dahil habang ngumunguya siya ay nasa akin ang paningin niya, iniirapan ko siya pero walang epekto. Ganoon ang nangyari hanggang sa matapos na siyang kumain.




I even wiped the sides of his lips dahil may kunting kalat ito. Nakatitig parin siya sa akin at mas ngumuso pa. Natawa ako at pinaulanan siya ng halik.




"Bat ka ba nakanguso?" Natatawa kong sabi, nakatayo na ako ngayon sa harapan niya, pero bahagyang nakayuko para magkalapit lang ang mga mukha namin.





"You won't divorce me because I'm rude, right?"




Natigilan ako. "San mo naman nakuha ang ideyang iyan?" Namewang ako. "Hindi kita ididivorce nu!"




Lumiwanag ang mukha niya. "Really?"



"Oo, hindi pa naman tayo kasal eh, kaya hindi divorce ang tawag dun, Break up, makikipag break ako sa iyo."



Nagdilim ang mukha niya. "You won't do that, Kezia Dawn Balura Ashley. " madiin niyang sabi.




Abat...?




Tinaasan ko siya ng kilay at nagpanggap na naiinis. "At bakit naman hindi? Abay, hindi pa nga tayo kasal-"





Tumayo siya bigla at hinawakan ang dalawang kamay ko at tiningnan ako diretso sa mga mata.



"Hindi ako papayag. I waited, I waited enough to have you, kaya di ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin. Baby, If we have a problem let's talk and settle it down, If your jealous or mad tell me what's wrong, If you have something you don't want me doing then I'll do what you want, I'll do my best to understand you. Kaya walang hiwalayang magaganap, Kezia, wala." Sabi niya na para bang isa itong batas na kailangang sundin at hindi pwedeng labagin.




And with that I fell... harder, deeper for the one and only Nicolette Fren Ashley.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 76.6K 36
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
10.2K 66 11
Beautiful female supporting characters in period novels (年代文里的漂亮女配) Author: December is not cold In an accident, something happened to the Meng famil...
17.1K 486 45
I'll make you cry. Read at your own Risk! Abraham Second Ashley •Ashley 8 (Third Generation ) Date Started: 03/16/21 Date Ended: 06/16/21 Status: Com...
448K 25.6K 46
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ☆|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...