Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 11: September 5

125 7 0
By AillexSkcy

Chapter 11: September 5

Magdamag akong nagbabantay kay Mama matapos ang pamamasyal namin kanina ni Shaine sa buong Blant Styl, kahit pagod ako ay nanatiling dilat ang mga mata ko na akala mo'y hindi napapagod.

"Marami akong tanong sayo Ma, ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anak niyo po ba talaga ako?" Nakasimangot kong tanong sa aking Ina na nakahiga sa kama, hinawakan ko ang kamay niya sa mga sandaling iyon. Hindi ako makatulog, hindi rin ako mapakali sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Tsaka naiinis ako sa hitsura ni Nico kapag sinasabi niyang Prinsesa ako, hays Nico na naman.

Una sa lahat pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala sa mga sinasabi nila, pero hindi pa rin nabubura sa puso't isipan ko na si Mama Alondra ang totoo kong magulang.

Kung ako ang Prinsesa na matagal na nilang hinahanap bakit ngayon lang sila dumating sa buhay ko? Bakit kung kailan malapit na akong tumungtong sa edad na 25 saka pa nila ako nahanap? Hindi naman malayo ang Europe dito sa Gemolis City pero bakit ngangayon lang sila naghanap sa kanilang alaga.
Napapikit na lang ako ng mata sa mga tanong  ng isip ko mga sandaling iyon.

.

.

.

Kinabukasan ay sa Blant Styl na ako dumiretso maging sa magkakasunod na araw ko dito sa trabaho, at gaya ng sinabi ni Shaine noong nakaraang araw kailangan kong mag-aral, akalain niyo ba namang aralin ang tungkol sa business, kung ano pa ang pinaka-hate ko sa lahat  'yun pa talaga ang ibinigay sa akin sa magkasunod na araw, kaya minsan naisip ko pinapahirapan lang ako ng walang hiya Nico na 'yun tsaka nitong si Shaine. Hindi naman ako makatanggi dahil laging nakamonitor si Ma'am Vel sa bawat scores na nakukuha ko at the end of the day. At ito pa ang pinakaayaw ko, palaging  nakaposture ang katawan ko na akala mo naman ay rarampa sa fashion show. Aba naman, sila kaya ang gumawa at sobrang nakakangalay sa likuran, 'yung tunay sobrang sakit na ng likod ko. 

"Last but not the least, history."

"Ayaw ko na, lugaw na ang utak ko hmp!" Nakasimagot kong sagot kay Shaine na kanina pa tawa ng tawa, wala namang nakakatawa sa reaksyon ko.

Maghapon ba naman akong nag aral tungkol sa walang katapusang business matter at feasibility study about this company, sa tingin niyo hindi malulugaw ang utak niyo. Buti nga nalampasan ko ang accounting kahapon, akala ko mamamatay na ako sa sobrang hirap. Puro mga numbers, tangible asset, intangible asset, liabilities, equity  tapos mga expense. Try niyo aralin for sure sabaw ang kakalabasan. Aba kasalanan ko ba na isa akong slow learner when it comes to academic, e sa Arts lang naman ako magaling at matinong estudyante. Kaya nga designer ang kinuha kong kurso hays.

"Alam kong napapagod ka na, pero last day na ngayon about sa Academics na isa sa pinakamahalaga sa lahat."

"Noong isang araw pa yang last na day, promise."

"How are you Princess?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na iyon, agad naman akong napatayo at yumuko pagkaharap sa kanya.

"I-I'm still breathing m-ma'am." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Shaine kaya napakagat labi na lang ako ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi kong iyon. Ang tanga mo talaga Dia kahit kailan, kung ano ano ang sinasabi mo kay Ma'am Vel sa tuwing bumibisita siya, paano ba naman kung saan saan nasulpot ng hindi ko alam, minsan naisip ko may kapangyarihan siya ng teleportation.

"Good to hear that."

"Let's have dinner after your lesson." Dahan dahan kong itinunghay ang ulo ko ng marinig iyon. Umalis na din siya kaya nakahinga ako ng maluwag, bumalik ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga feasibility study.

There are 5 types of feasibility study, including technical, economic, legal, operational and scheduling feasibility which is the most important to have a successful project to an economical company, not only here in this country but also around the universe.

Bakit ko nga ba inaaral ang mga ganito? Dahil sa akin nakapangalan ang Blant Styl, kung saan ako ang CEO at promise kahit hilong hilo na ako sa mga ganitong bagay pinipilit ko pa ring gawin, lahat ng ito ay para kay Mama at hindi sa sarili kong kaligayahan. Kung gusto ko ng sariling kaligayahan edi hindi ko na dapat isinubsob pa ang sarili ko sa nakakalunod na academics. Hindi ko nga ito sineseryoso noong high school at college ako, tapos kung kailan graduate na ako saka isusungab sa akin ang mga gabundok na libro na kasing kapal ng mukha ni Nico. Teka bakit ba siya na naman ang nadamay sa mga iniisip ko? Hays mababaliw na talaga ako.

"Number one."

"Teka! Hindi pa ako tapos magreview, 10 more minutes pa."

"5 minutes."

"Ala naman, ikaw na lang mag exam mag-isa."

"Nasa labas lang si Tita Vel your highness, tsaka promise last day mo na talaga ngayon sa academics." Napakunot noo ko siyang tiningnan. Siguraduhin mo lang dahil bukas ibabato ko sayo ang mga makakapal na librong nasa harap ko ngayon.

"5 minutes lang, dahil may history pa tayo."

"Oo na. Kainis!" Padabog kong binalikan ang mga binasa ko kanina maging ang mga itinuro sa akin ng isang striktong professor kanina. Sa lahat ng naging professor ko siya ang pinakaterror.
Alam mo Dia magreview ka na lang hindi yung kwento ka ng kwento. Sumimangot na lang ako sa tutya ng isip ko.

.

.

.

Nakasimangot kong tiningnan ang score ko sa feasibility, matapos ang exam.

"Ito lang ang kailangan mong aralin sa history." Nabura ang lungkot sa mukha ko ng ilapag ni Shaine ang isang mainipis, kulay brown at medyo lumang libro.

Nakangiti kong binuksan ang librong iyon, ngunit tila nalusaw ng mabilis ang mga ngiting iyon ng makita ang nasa unang pahina ng libro.

Parang ayaw ko ng basahin ang nilalaman ng librong iyon dahil sa introduction na nakasulat.

"And that is the most important thing you need to know." Maya maya pa ay binuksan niya ang projector sa harapan, iniharap ko ang sarili ko doon upang makita iyon ng ayos.

"Rallnedia was a poor country before King Geeno Wayler. England wanted to seized this country because of it's natures treasure, while Greenland claimed that Rallnedia is not a country, they also claimed that Rallnedia was the lost city of their land." Napatuon ang atensyon ko sa ipinakita niyang litrato na nakaproject sa white board.

Rallnedia established its goverment 220 years after being founded. They hailed their first king after the battle of England against North Greenland. King Geeno Wayler was the first Emperor of Rallnedia from year (1820-1890), he was a general soldier before hailed as King.
After bad blood he built a wall to protect the country but bankruptcy struck the country which resulted in them being conquered again by England
His son, King George Lamber Wayler (1840-1940) succedeed as the High King of the Rallnedia after war. At the age of 30, he married the Countess of Stania, Abella Lopez Wayler. But at the age of 45, his wife died from Peripheral Artery Disease. Months after Countess Abella's death, King George had his untimely demise leaving his 15 year old son, Prince Dean Wayler (1887-1994). He became the Great King of the nation but had a child with a noble woman at the age of 43. He died at the age of 107. Prince Louise Achelles Madrid Wayler (1945-1995) was crowned king at the age of 29. He married a commoner named Elisita Rosales Wayler who brought rumors around Rallnedia and even the neighboring monarch countries. The couple was the last to rule over Rallnedia. They were ambushed on their way back to the country.

"This was the last footage of King Louise and Queen Elisse of Rallnedia." Imbes na sa video ako nakatuon ay nakapako lang ang mata ko sa petsa na nasa ibabang bahagi ng screen.

September 5, 1996, saktong sakto sa birthday ko at sa death anniversary ng Lola ko, ang Nanay ni Mama Alondra na si Lisa.

.

.

.

Evelyn's POV

Lumabas ako ng opisina ng marinig ang audio na nagmumula sa room ni Dia, hindi ko pa kayang pakinggan ang pinagdaanan ng Rallnedia noon hanggang ngayon, lalong lalo na sa nangyari sa kapatid ko magdadalawampu't apat na taon na ang nakakalipas.

Ramdam ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi, hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad palabas.

Sariwa pa rin ang sugat sa puso ko, maging ang mga sandaling naliligo sa sariling dugo ang kapatid ko na si Elisse. Pilit kong binubura sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon, ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy na bumabalik ang sinapit nila. Nakaukit na yata sa isip ko ang mga scenario noong mga panahong iyon, maging ang huling sandali na nakahiga siya sa kulay itim na kabaong.

Sa mismong araw ding iyon ay naglahong bigla si Princess Ela. Ika-5 ng September taong 1996, ang unang kaarawan niya ngunit nanlumo at tila binagsakan ng mundo ang buong Rallnedia dahil sa sinapit ng Wayler Family.

"Your grace tapos na po ba ang lesson ng Prinsesa?" Nagulat ako ng biglang dumating si Erick, ngumiti lang ako at pinunasan ng patago ang luha na nasa pisngi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
180K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...
158K 4.3K 58
It is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but bein...
46.8K 2.2K 38
Nathalie is a highschool student who loves about intriguing in horrors, mystery, suspense and specially in zombies. One day the unexpected disaster h...