Unexpected Royal

Door AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... Meer

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 8: Bill

144 9 0
Door AillexSkcy

Chapter 8: Bill

Shine’s POV

Kadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.

“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.

“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalungkot at ang pinagdaanan ng luha niya.

“Natanggal na ang blood clot sa artery niya, ngunit aabutin ng 4 hanggang 6 na linggo bago siya makarecover.” Mahinhin kong sagot sa tanong niya, muli kong nasilayan ang luha sa mga mata niya ng sabihin ko iyon kaya napasimangot na lang dahil sa sinagot ko.

Alam kong nahihirapan din si Dia sa mga nangyayari, halos isang taon na dito si Tita Alondra sa hospital ngunit ngayon lamang siya naoperahan, alam ko ang mga paraan kung paano kumakayod si Dia na makaipon para sa bill ni Tita lalo na ngayon ay naoperahan na.

.

.

.

Nico’s POV

“Nakakahiya naman po, pero pag iisipan ko po.” Mahinhing sambit ni Alira na kausap ni Tita Vel, may business proposal na naman kasi si Tita Vel sa babaeng ito kaya nandito.

“Sige po kailangan ko ng bumalik sa studio.” Tumayo siya gayundin din si Tita Vel, nakipagbeso pa siya bago lisan ang room.

“Mag iingat ka, inform ko na lang ang handler mo about sa new business proposal.”

Pagkatapos ay umalis na din ang isa sa mga model na kinukuha ng Mondragon Company sa tuwing magkakaroon ng bagong labas na designs and never nawala sa listahan si Alira, ewan ko ba kay Tita Vel kung bakit yung babaeng iyon ang top list niya sa mga model niya.

“Nicolai ayaw mo ba talagang kunin na model si Alira?”

“Tita Vel hindi ko kukunin ang isa sa top model mo lalo na ngayon na may bago kang proposal.”

“Okay sabi mo yan. Pero maiba ako sa tingin mo ba napaniwala natin si Dia?”

“Nasa sa kanya na kung maniniwala siya o hindi, pero hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya naidadala sa Rallnedia.” Ibinaling ko ang atensyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sa mga sandaling kausap ko si Tita Vel.

“Yes.” Sambit ko sa kabilang linya ng masagot ang tawag mula kay Kade.

“Tita Vel kailangan ko na pong umalis.”

“Sige mag iingat ka.” Nakangiting tugon ni Tita Vel, tumayo naman ako at lumapit sa kanyaupang makipagbes bago lisan ang room na iyon habang nasa linya pa rin si Kade. Pagkalabas ko sa room ay muli kong kinausap si Kade sa cellphone na hawak.

“Sigurado po ba kayo na dito lang ako?” Tanong ni Kade sa kabilang linya, napatawa naman ako sa tanong niya. Si Kade ang klase ng tao na hindi basta basta sumusuway sa utos at hindi din basta basta sumusunod sa mga utos, kaya minsan may sarili siyang desisyon.

“Yes hanggang sa makauwi siya.” Sagot ko naman habang binabaybay ang daan patungo sa parking lot.

“Pero…

“Wala ng pero pero, basta subaybayan mo lang siya hanggang sa makauwi siya sa kanila.”

“Mukhang hindi na.”

“Bakit naman?”

“Napakinggan ko kasi kanina sa mga nurse na nakasalubong ko, na nasa ICU ang Mama niya.”

“Mas mabuti hindi mo na kailangang umalis, diyan ka na muna hanggang bukas.”

“Ano?!”

“Oo, si Kuya Erick na lang muna ang driver ko bukas.”

“Pero…

“Ano na naman yang pero? Sige na kailangan ko ng umalis.” Natawa ako ng marinig ang pagsinghap ni Kade mula sa kabilang linya ng putulin ko ang connection. Inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone at sumakay sa nakapark na kotse.

.

.

.

Shine’s POV

Alas sais na ng hapon ngunit tulog pa rin si Dia, nakaupo siya habang nakasubsob ang ulo sa kama at ang kamay naman niya ang nakapatong sa kamay ni Tita Alondra na may nakakabit na dextrose. Ayaw ko pa sanang umalis ngunit may kailangan pa akong kunin na documents sa office para bukas, isang araw lang kasi ang ibinigay sa akin upang bantayan si Tita Alondra. Lumabas na ako ng ICU room at nagpalit ng damit, pagkalipas ng ilang minuto ay sumilip ako sa frosted window mula sa labas upang muling makita si Dia at si Tita Alondra bago umalis.

“Excuse me.” Napalingon ako ng marinig ang boses na iyon, pagtingin ko isang lalaki na naka navy blue suit ang naglalakad papalapit sa akin. Seryoso ang mukha niya na nakatingin lang sa akin.
Ako ba ang kinakausap niya?

Tsaka sino ba ito? Tanong ko sa sarili ko habang nakatuon pa rin sa kanya ang aking mga tingin.

“Ikaw ba si Shine Yong?” Napakunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba ang lalaking ito? Muli kong bulong sa sarili ko.

“Ito pala yung mga documents na pinabibigay ni Ms. Karen Winston.” Mas lalong napakunot ang noo ko ng iabot niya sa akin ang isang folder na may logo pa ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Kinuha ko iyon mula sa kanya at tiningnan, maya maya pa ay tumingin muli ako sa kanya ngunit naglalakad na siya palayo sa kinatatayuan ko.

“Teka, sino ka?!” Sigaw ko na tanong sa kanya, napahinto naman siya sa paglalakad at dahan dahang inilingon ang kanyang ulo kasabay ang kanyang kanang balikat.

“Messenger?” Nagsalubong ang kilay ko sa isinagot niya na tila patanong din, muli siyang naglakad at lumiko sa kaliwang bahagi ng pasilyo. Tumakbo ako at sinundan siya ngunit ng makaliko ako ay wala na ang pigura ng lalaking iyon, sinubukan kong tumakbo upang habulin siya ngunit ng makarating ako sa front desk at lobby ay walang anino ng lalaking iyon, nagpalinga linga pa ako ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Tiningnan ko ang hawak kong folder at napabuntong hininga bago lumabas ng hospital upang makauwi.

.

.

.

Pagkarating ko sa bahay ay agad ko ding inasikaso ang documents na ibinigay sa akin ng lalaki kanina, dalawang page ng papel ang laman niyon, isang may pirma at ang isa naman ay ang listahan ng mga designs kasama na ang mga pangalan ng model para sa nalalapit na fashion show.

Kung kailan naman nalalapit na ang fashion show tsaka naman pinaalis si Dia sa kompanya, mabuti na lang at nakakaya kong tiisin ang ugali ng superior namin na mas mataray pa sa mga napapanood namin ni Dia sa teleserye gabi gabi.
Makapagtrabaho na nga lang para makatulong ako kay Dia kahit sa ganitong paraan.

“Anak kumain ka na ba?” Narinig ko ang boses ni Nanay na nagmumula sa kusina, tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng apron habang may pat holder sa kamay niya.

“Ako na po diyan, magpahinga na po kayo.” Kinuha ko mula sa kamay niya ang pat holder at itinuloy ang niluluto niya.

“Sigurado ka ba?”

“Opo.”

“Pero may tinatapos ka pang trabaho.”

“Okay lang po iyon Nay, pahinga na po kayo then gigisingin ko na lang kayo kapag luto na ang pagkain.” Nginitian ko siya bago ituloy ang niluluto na nasa harapan ko, napansin ko naman na umakyat na si Nanay at tumungo sa kuwarto niya. Ayaw kong napapagod si Nanay lalo na ngayong bumabalik na naman ang trangkaso niya, nakapagpacheck up na siya noong nakaraang linggo ngunit bumalik na naman ang mga sintomas ng trangkaso niya kaya kadalasan gising ako buong araw at gabi dahil kailangan niyang bantayan at alagaan. Alam ni Dia na may trangkaso si Nanay ngunit hindi niya alam na bumalik ito ngayong linggo, ayaw ko na siyang pag isipin pa lalo na ngayong katatapos lang maoperahan ni Tita Alondra.

Maya maya pa ay nilagyan ko ng tubig ang niluluto ko, sweet chicken adobo ang ulam ko ngayon habang soup naman para kay Nanay, sinusuka niya lang kasi kapag kanin at ulam hindi tulad ng soup na nadadigest.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ako sa niluluto ko, binalikan ko ang ginagawa ko sa living room at inayos ang listahan sa laptop na kaharap ko, ngunit napalingon ako sa orasan maging sa kuwarto ni Nanay.

“Nay tulog na po ba kayo?” Tanong ko sa kanya ngunit walang sumagot, kaya napatayo na lang ako at naghanda ng pagkain niya. Pagkatapos ay umakyat na din ako at pumunta sa kuwarto niya. Nabitawan ko ang hawak kong tray ng buksan ko ang pinto ng kuwarto ni Nanay, agad akong lumapit sa nakahilatang katawan niya sa sahig at sumigaw ng saklolo.

“Tita Silda!” Nangingiyak kong sigaw sa kapitbahay namin.

“Nay gising, Nay!” Sinubukan ko siyang buhatin ngunit hirap akong maiangat siya dahil hindi ako ganoon kalaki para makayanang buhatin ang Nanay ko na may taas na 5.5” samantalang 4.11” lang ako.

“Shine!” Napalingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon, si Tita Silda iyon kasama ang anak niya na si Darell, agad namang lumapit sa kinauupuan ko si Darell at binuhat si Nanay.

.

.

.

Dia’s POV

Hindi ko alam kung saan kukuha ng mahigit 600,000 pesos, nakatitig lang ako sa bill ni Mama na hawak ko. Sa loob ng isang taon 100,000 pesos pa lang ang naibabayad ko, at hindi ko alam kung saan kukuha ng natitirang pera.

Dapat ko na bang paniwalaan ang sinasabi ng boss ko o magmatigas dahil si Mama ang tunay kong magulang. Hays hindi ko na alam ang gagawin, magpapadesperada na ba ako?

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
357K 15K 64
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a lif...
West University Door kris ♡

Mysterie / Thriller

14.1K 479 43
Ardemount Series # 1 A school where life is priceless. A place ruled by darkness, with walls that shade the truth. A branch of hell on the living wor...
2.3K 137 33
Meet the Agatha Arthurs, the Madonna of Justice.