Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 7: The Lost Grand Princess

172 8 0
By AillexSkcy

Chapter 7: The Lost Grand Princess

Shine’s POV

Nagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.

“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.

2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.

Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya ko sa aking isipan sa aking paglalakad.

.

.

.

“Maayos na ang kalagayan ni Mrs. Alondra pagkatapos ng surgery, nasa ICU siya ngayon kaya inililipat ang iba niyang gamit doon. Ngunit hindi kami sigurado kung aabutin siya ng anim na linggo bago makarecover, pero nakamonitor naman ang lahat sa kanya.” Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang balitang iyon mula kay Dr. Sylvia.

“Ito ang nakuha naming blood clot mula sa artery niya at sa right lung niya.” Isang larawan na hugis veins ang inilapag niya sa table, kinuha ko naman iyon at hinawakan.

“Shine sa ngayon kung pwede lang na huwag mo munang banggitin kay Dia ang tungkol dito.” Hindi ko maiiwas ang tingin ko kay Dr. Sylvia dahil sa sinabi niya, naglakas loob akong bumuntong hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili bago ibuka ang aking bibig.

“Bakit po ba ayaw niyong malalam ni Dia ang sitwasyon ngayon ni Tita Alondra?” Tanong ko sa kausap ko na habang hawak ang papel na nasa harap niya lang kanina.

Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mga mata pero hinintay kong sagutin niya ang tanong ko, palipat lipat ang kanyang mga tingin sa hawak niyang papel maging sa akin. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima hanggang sampung segundo bago niya bitawan ang hawak niya at tumayo sa kanyang kinauupuan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na wari koy magsasalita na siya, ngunit may iniabot lang siya sa akin na isang envelope.

Napakunot ang noo ko dahil doon, hinihintay niyang kunin ko ang iniaabot niya tiningnan ko lang siya bago kunin ang envelope na hawak niya.
Dahan dahan ko iyong binuksan at tiningnan ang nasa loob nito, pagkabukas ko isang papel na may mahabang liham ang bumungad sa aking paningin. Sinimulan kong basahin ang liham, makalipas ang ilang minuto natapos ko din iyon at gulat na gulat sa nabasa ko lalong lalo na sa bandang hulihan ng liham. Binalikan ko iyon at binasa muli, baka kasi namamalik mata lang ako sa nabasa ko ngunit hindi, nakasulat mismo sa papel na hawak ko ang mga salitang hindi ko akalain na mababasa ko doon.

“Sinulat iyan ni Mrs. Alondra dalawang linggo na ang nakakaraan, noong una ayaw niya pang sabihin sa akin ang dahilan pero kinalaunan nag open na din siya.” Pansin ko ang lungkot sa mukha ni Dr. Sylvia, alam kong nasasaktan din siya sa gustong mangyari ni Tita Alondra, sa loob ng maraming buwan hindi niya sinukuan ang kalagayan ni Tita Alondra tapos susuko siya sa lahat lahat ng nangyari. Bigla akong may naramdaman na luha sa aking pisngi na umagos mula sa kanang mata ko, hindi ko mapigilan ang hindi maging emosyonal sa mga sandaling ito.

“Bago ko simulan ang surgery kanina nakita ko ito sa kanyang gown, kaya itinabi ko hanggang sa matapos ang operation sa kanya.” Isang mas maliit na envelope ang iniabot sa akin ni Dr. Sylvia, agad ko namang binuksan iyon, at doon nakita ko ang isang lumang larawan na may nakalakip na susi.

“Sige Shine kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko, kung hindi ka pa aalis sa waiting room ka na lang muna.” Tumayo si Dr. Sylvia at muling isinuot ang kanyang lab coat bago lisan ang kanyang opisina, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at lumabas upang tumungo sa waiting room.

.

.

.

Dia’s POV

Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa office kasama sina Ma’am Vel at Sir Nocilai, nakatingin lang ako sa kawalan sa mga sandaling iyon habang abala naman silang dalawa sa mga papel upang patunayan ang kanilang mga sinasabi.

“Alam kong mahirap paniwalaan, ngunit ikaw lang ang nag iisang tagapagmana your highness.” Napakunot muli ang noo ko dahil sa sinabi ni Sir Nicolai.

Kailan niya ba titigilan ang pagtawag sa akin ng ‘Your Highness” na ‘yan? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin ng diretso sa kanya.

“Tama si Nicolai, noong una hindi din ako naniwala na dito ka lang pala namin matatagpuan sa Gemolis City.” Nakangiting sambit ni Ma’am Vel, hindi ko na alam ang iisipin sa mga sinabi nila, kasi gulong gulo na ako.

“Okay lang po, pero kahit ano pong sabihin niyo hindi ako ang Grand Princess ng Rallnedia.”

“Hindi ka namin pipilitin na maniwala sa mga sinasabi namin sa ngayon, pero hindi kami titigil lalo.” Napansin kong nag iba ang timpla ni Sir Nicolai, tumayo siya sa pagkakaupo at nilisan ang kuwarto.
“Pagpasensyahan mo na si Nicolai, sige ipapahatid na kita sa inyo.” Nakangiting sabi ni Ma’am Vel, nginitian ko lang din siya at tumayo.

.

.

.

Binuksan ko ang phone ko matapos makapagpalit ng damit, nanlaki ang mata ko ng makita ang 20 missed calls at 40 messages mula kay Shine kaya agad akong lumabas ng dressing room. Pagkalabas ko nakita ko si Kuya Erick na naghihintay malapit sa sasakyan na ginamit niya sa pagsundo sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago siya lapitan.

“Kuya Erick may dumadaan po bang taxi or jeep dito?” Tanong ko sa kanya, sa halip na sumagot ay binuksan niya lang ang pinto sa back seat ng sasakyan, tiningnan ko siya ngunit walang expression ang mukha niya, napakunot ang noo ngunit sumenyas lang siya sa akin na pumasok na ako sa loob ng sasakyan, agad ko naman siyang sinunod dahil sa blanking mukha niya nakakatakot kaya tiningnan ang ganung hitsura parang mangangain ng tao. Pagkapasok ko sa loob ay nagseatbelt na din ako at sinubukang tawagan si Shine.

Ringgg!
Ringgg!
Ringgg!
Ringgg!

.

.

Nico’s POV

“Talaga ‘yun ang sinabi niya?” Nagtatakang tanong ni Kade sa akin habang nagdadrive, maging ako ay hindi makapaniwala na sasabihin niya sa amin ang ganun. Alam kong mahirap paniwalaan pero naipakita na namin sa kanya ang mga patunay namin. Bulong ko sa sarili ko sa mga oras na iyon

“Pero sigurado po ba kayo na si Miss Madrigal si Princess Ela?” Napatingin ako sa rear view mirror dahil sa sunod na tanong ni Kade.

“Sorry po.” Pagpapaumanhin niya ng tingnan ko siya. Alam ko naman n maaring nagkamali lang kami ngunit hindi sa DNA at hitsura ng Reyna na kasingtulad ni Dia.

Sanggol pa lang si Princess Ela ng mamatay ang hari at reyna, at noong panahong iyon ay nasa edad 4 pa lang ako nang mawala si Princess Ela. Iyon ang palaging ikinikwento sa akin ng babysitter ko noon at ginawan niya pa ng title ang pagkawala ni Princess Ela, kaya tumatak na sa isipan ko ang lahat lahat. “The Lost Grand Princess” iyon ang title na ginawa ng babysitter ko, kaya kahit may pagkacheesy pakinggan iyon ang favorite ko sa lahat ng bedtime story, kung ang ibang lalaki favorite ang robinhood ako ito ang favorite ko.

Flashback

“Nico matulog ka na at marami pang gagawin ang nanny.” Napatigil ako sa pagtalon sa aking kama ng marinig iyon kay Nanay Haide at umupo na lang sa kama ng nakasimangot.

“Oh no nagtampo na ang alaga ko, sige gusto mo ba ng bedtime story?” Gumuhit sa labi ko ang ngiti ng banggitin niya ang salitang bedtime story, kaya humiga na ako at kinumutan naman niya ako. Kung kanina ay nakasimangot ako ngayon naman ay abot hanggang tainga ang aking ngiti na akala mo naman ay binigyan ng isang laruan.

“Noong unang panahon, may isang Prinsesa na nakatira sa isang kaharian kasama ang kanyang magulang, si King L at si Queen C masaya silang naninirahan sa kaharian ngunit isang balita ang hindi inaasahan ng lahat ang balitang iyon ay ang pagkamatay ng Hari at Reyna.” Napasimangot ako sa sinabi ni Nanay Haide, maya maya pa ay umiyak na ako.

“Nanay Haide! Bakit mo pinatay ang Mama at Papa ng Prinsesa? Hu hu! Nanay Haide!” Niyakap ako ni Nanay Haide habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa mga oras na iyon.

“Sige sige hindi ko na papatayin ang Hari at Reyna, tahan na please.” Humikbi hikbi lang ako bago tumigil sa pag iyak, dahil ramdam ko pa rin ang mga luha ko sa mga sandaling pinupunasan ni Nanay Haide ang aking pisngi.

“Itutuloy ko na ang kwento ha?” Tumango tango bilang pagsang ayon sa kanya, maya maya pa ay unti unti na akong ngumiti dahil sa mga sumunod na kwento ni Nanay Haide, hindi ko mapigilan ang pagpikit ng aking mga mata habang nalalapit ng matapos ang istorya niya.

End of Flashback

Continue Reading

You'll Also Like

431K 11.8K 49
TAGLISH- A Princess who's trying to hide everything,even her identity,she lost someone that's very important and half of her life... will she found t...
358K 15K 64
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a lif...
134K 3.4K 45
She's beautiful,clever,a rich kid, cool she's almost perfect but she hates pink, girly dresses, cute high heels, in short she's kinda boyish, will l...
14.1K 479 43
Ardemount Series # 1 A school where life is priceless. A place ruled by darkness, with walls that shade the truth. A branch of hell on the living wor...