Forced Marriage - COMPLETE

Por whateverrr004

64.5K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... Más

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 25

1.4K 41 11
Por whateverrr004

"What's the result, Doc?" rinig kong tanong ni Ricci sa kaibigan nilang Doctor. Ramdam ko sa boses niya ang tuwa nang itanong 'yon.

Sinundan ko siya dito dahil ngayon ang labas ng resulta ng DNA. Sinabi kasi sakin ni Rasheed ang ginawa ni Ricci no'ng nasa park kami. Hindi sa ayaw kong makilala niya ang anak niya, ipapakilala ko naman sila sa isa't isa pero hindi ngayon ang tamang panahon para don. Lalo na at may asawa na siya.

Doc Raven smiled at him a little saka iniabot ang envelope kung nasaan ang resulta ng DNA Test na pinagawa niya.

Ang magandang ngiti niya ay unti-unting nabura nang makita ang result at parang nadurog ang puso ko nang makita ang isang butil ng luha na pumatak galing sa mga mata niya.

"N-Negative.." hindi makapaniwalang sabi niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"I'm sorry, Ricci.." Doc Raven said, guilty. I'm sorry too, Doc Raven.

Kinausap ko kasi siya na gawing negative ang resulta. Kilala niya naman ako dahil no'ng kasal namin ni Ricci ay nandoon siya. Alam niya rin kung anong nangyari sa pagitan namin dahil na rin sinabi ni Rasheed. Kaya ngayon ay wala siyang nagawa kundi pumayag sa sinabi kong gawing negative ang positive na result.

"It's...It's okay.." sabi ni Ricci na nakatingin pa rin sa papel. "Masiyado akong nag-assume. Masiyado akong nagpadala sa nararamdaman kong saya kapag kasama ko si Sophia. A-Akala ko nabuntis ko siya at ako ang ama ng anak niya, hindi pala." he said, disappointment was written all over his face and I am so guilty because of what I did.

Napatingin sa gawi ko si Doc Raven at malungkot siyang ngumiti.

Muli akong nagtago nang makita kong tumayo si Ricci at nagpaalam sa kaibigan saka lumabas dala pa rin ang resulta.

Hinintay ko siyang makalayo-layo muna bago ko siya sinundan at nasasaktan ako sa nakikita ko.

Wala sa sarili siyang naglalakad at nabubunggo na siya ng mga nakakasalubong niya pero wala siyang pakialam.

Sumakay siya nang kotse niya at sumakay ako sa kotse ko para sundan siya hanggang sa makarating kami sa bar.

Sunod lang ako nang sunod sakaniya at sa dulong table siya pumwesto. Ako naman ay binabantayan lang siyang uminom.

Inilabas niya ang phone niya at tumitig doon. Maya maya ay umiiyak na siya at na-curious ako kung bakit kaya lumipat ako ng table, yung nasa likod niya.

Maingat kong sinilip ang phone niya at nagulat ako dahil picture niya 'yon kasama ang anak namin. Nung nasa may hagdan sila. Kinukuhanan niya pa ng video si Sophia habang nagsasalita at naririnig ko ang tawa niya.

Sa napakalakas na tugtog dito sa loob ng bar ay narinig ko pa rin ang paghagulgol niya at ang tawa niya sa video.

Gusto kitang yakapin. Pasensya na kung kailangan kong gawin ang ginawa ko. Pero huwag kang mag-alala, pipilitin kong itama ang panahon para sa inyong dalawa. Para makilala niyo na ang isa't isa.

Alam kong lasing na siya dahil sinandal na niya ang ulo na at pumikit kaya tinawagan ko na si Rasheed para ipasundo ang kapatid niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nandito na siya.

Mula sa may ulo ni Ricci ay sinilip ko ang mukha niya. Marahan kong hinaplos ang kaliwang pisngi niya at hinalikan siya.

"I'm sorry, love.. I love you." I whispered as I gently kissed his lips.

Ngumiti sakin si Rasheed.

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko saka tinulungan si Rasheed na alalayan si Ricci.

"Mauna na ko." paalam ko kay Rasheed habang nakatingin ako kay Ricci na nakahiga sa backseat. "Baka hinahanap na rin ako ni Sophia."

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Rasheed at alam ko na kung anong ibig sabihin non.

"Hindi ko naman itatago si Sophia sakaniya dahil mag-ama pa rin sila. Hahanap lang ako ng tamang panahon para ipakilala sila sa isa't isa."

Ngumiti siya. "Salamat, Zoey."

Tumango ako at yumakap sakaniya saka nagpaalam na aalis na ako.

Dumaan muna ako sa bahay nila Mommy para sunduin si Sophia dahil doon ko siya iniwan.

Naabutan ko silang tatlo sa living room na nanonood ng Frozen.

"Mimi!" sigaw ng anak ko at tumayo saka ako sinalubong.

Ngumiti naman ako at niyakap siya.

"Where have you been Mimi?" tanong niya.

Humalik muna ako kila Dad bago siya sinagot.

"Kay Tito Pogi." pagtatapat ko.

Nanlaki ang mga mata niya at maya maya ay sumimangot.

"Why did you left me, Mimi? I miss Tito Pogi, too!" nakasimangot niyang sabi.

Too? Sinabi ko bang miss ko si Ricci?

"Tito Pogi?" Mom asked.

Nagbuntong hininga ako at sinalubong ang tingin niya.

"Ricci."

Her eyes widened. "She met him?"

I bit my lower lip. "Yes, My. Four days ago?"

Nagbaba siya ng tingin kay Sophia na ngayon ay nakakunot ang noo sa amin ni Mommy. She's confused.

"Alam na ba niya?"

"Muntik na po. Kung hindi sinabi sakin ni Rasheed na nagpa-DNA test si Ricci."

"What is DNA test, Mimi?" curious na tanong ni Sophia.

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya.

"Wala 'yon, baby. Let's go na? Ready ka na umuwi?"

She nodded. "Can I please visit Tito Pogi?"

Natigilan ako sa tanong niya.

"Baby, listen to Mimi, okay?" sabi ko at lumuhod para pantayan siya. "Busy kasi si Tito Pogi kaya baka hindi natin siya ma-visit pa ulit."

Nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko.

"Okay, Mimi." mahinang sagot niya.

I kissed her forehead.

Alam kong labag 'yon sa loob niya pero alam ko rin na naiintindihan niya ang sinabi ko. Mabilis siyang makaintindi at matuto dahil sa gano'ng paraan siya pinalaki ni Kyle. Kaya din kahit almost four years old palang siya ay deretso na siya magsalita dahil sobra-sobrang atensyon ang ibinigay namin sakaniya kaya panay ang pagtuturo at pagsasanay namin sakaniya. Natutuwa ako dahil don.

Nagpaalam na kami kila Mommy dahil tumawag na din sakin si Kyle at sinabing nandoon siya ngayon sa bahay.

"Dada!"

Kyle smiled at her sweetly, "Hello, Princess. Dada missed you.."

"Missed you too, Dada!" malambing niyang sagot.

Humalik sa noo ni Sophia si Kyle bago tumingin sakin.

"Babalik na ako sa Singapore the day after tomorrow. Sasabay na ba kayo?"

Sasabay ba kami? Sinasabi sakin ng puso ko na ayaw ko pa dahil gusto ko na ipakilala si Sophia kay Ricci pero sinasabi din sakin ng isip ko na bumalik na ng Singapore dahil may asawa na siya at imposibleng maipakilala ko pa sila sa isa't isa.

Naguguluhan ako.

"Follow your heart."

Natitigilan akong napatingin sakaniya.

"W-What?"

He smiled. "Follow your heart. I know na naguguluhan ka kaya sinasabi ko sayo na sundin mo kung anong gusto ng puso mo." sabi niya.

"Natatakot ako." pag-amin ko.

Hindi ako natatakot na baka tanggihan niya ang anak ko dahil nakita ko naman kanina kung paano siya nalungkot at nasaktan nang malaman niyang negative ang result ng DNA. Natatakot lang ako dahil baka umasa na naman ako para sa aming dalawa at para samin nila Sophia kahit imposible na kasi nga may asawa na siya. Natatakot akong mapalapit ulit sakaniya. Natatakot akong madaig. Natatakot akong matalo ulit.

He sighed, "Walang mangyayari kung magpapadala ka sa takot na nararamdaman mo, Zoey. Isipin mo nalang si Sophia. Isipin mo lang ang mag-ama mo, huwag yung ibang bagay at huwag yung takot mo."

Pabuntong hininga akong tumango. Tama siya. Gagawin ko 'to para sakanila, hindi para sa iba.

"Susubukan ko—"

"Gawin mo." pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Muli akong nagbuntong hininga at tumango.

Kinabukasan ay matapos kong ihatid sa airport si Kyle, tinawagan ko si Rasheed para sa plano ko. Pero sinabi ko sakaniya na huwag munang sabihin kila Tita.

Nakangiti niya akong sinalubong. He's happy..

"Thank you, Zoey!" masayang sabi niya at niyakap ako. Tinapik-tapik ko naman ang likod niya.

Humiwalay ako kay Rasheed nang maramdamang may humihila sa laylayan ng shirt ko.

"Mimi! I wanna see Tito Pogi!" nagpapaawang sabi niya.

Ngumiti ako at pinatayan siya.

"Pupunta tayo sakaniya. Sasamahan tayo ni Tito Rasheed." nakangiti kong sabi.

Wait for us, love. Wait for your daughter..

To be honest, sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil baka hindi siya maniwala kasi kahapon ay negative ang result tapos ngayon ay pupuntahan ko siya para ipaalam na anak niya si Sophia.

"Yehey! Thank you, Mimi! I love you!"

I kissed her forehead twice, "I love you too, baby."

Inayos ko na ang gamit ni Sophia saka kami umalis para pumunta sa condo ni Ricci. Sana lang ay wala doon si Grace para makapag-usap kami ni Ricci ng maayos.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko bago ako bumaba ng sasakyan. Nandito na kami ngayon sa condo.

"Good afternoon, Sir Rasheed, Miss Zoey.." bati ng receptionist.

Ngumiti ako sakanila. Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba.

"Calm down. Everything will be fine."

Sana nga. Pero iba ang kaba na nararamdaman ko at hindi ko 'yon maipaliwanag.

Hindi ako mapakali sa elevator hanggang sa makarating kami sa floor ni Ricci. Fucking shit!

Nagtaka ako kung bakit medyo nakabukas ang pintuan ng unit ni Ricci. Love, sana naman nandito ka..

Nakaramdam ako ng tuwa nang makita siya, nakatalikod sa gawi namin.

Napatingin ako sa bagong labas ng kwarto na si Grace. Tumatakbo siyang lumapit kay Ricci at yumakap mula sa likod.

"Aaaah! Sweetheart! I'm pregnant! I'm pregnant!"

Nagulat ako sa sigaw na 'yon pero mas nagulat ako sa sinigaw niya na 'yon.

Nagkatinginan kami ni Rasheed at nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pamumuo ng mga luha ko.

Fuck! She's pregnant. My love, the father of my child, got her pregnant..

Seguir leyendo

También te gustarán

331K 11.6K 52
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 Ellie Sloan reunites with her older brother when her hospital merges with his jackson avery x ellie sloan (oc) season six ━ season se...
884K 54.2K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1M 35K 62
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
417K 12.6K 94
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...