Ignored by Mr. Famous (ASHLEY...

By lady_assasin2004

67.7K 1.5K 29

Ignore me now... Regret Later. Read at your own Risk! Nicolette Fren Ashley's Story it is. •Ashley 5 (Third G... More

First Note
Ignored by Mr. Famous!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Nicolette and Kezia
Epilogue

Chapter 30

1.3K 32 0
By lady_assasin2004

Chapter 30

"Wala na bang mas gugulo pa sa buhay mo?" Naasar na sabi ni Lalaine.


Nandito ako ngayon sa condo niya, alam kong may nangyari sa kaniya pero di na ako nagtanong mukhang wala rin siyang balak sabihin eh. Ang plano ko talaga ay sa condo na ni Nathaniel tumuloy, total ay nandoon ang mga gamit ko, pero naiwan ko ang spare key na bigay ni Nathaniel sa bahay ni Papa, ayaw ko pang bumalik doon baka kasi di na ako paalisin kaya dumiretso nalang ako sa bahay netong lalaine.



At ang nakakatawa ay mukhang alam niya na mga sindikato sila, ni hindi siya nagulat nang sabihin kong mga sindikato ang nagpapatakbo ng HUE Empire.


"Pero in fairness, ang harsh mo kay papa Nic. Feeling ko talaga totoo siya eh, except lang dun sa sinabi mong may hinala kang kasabwat niya si Lola P! Baka rin naman kasi, O baka rin naman hindi!" Sabi niya habang feel na feel ang pagsasabon ng kaniyang mukha.




Huminga ako ng malalim saka inihiling ang ulo sa headrest ng kama niya, saglit akong pumikit, pero agad ding idinilat ang mga mata nang may narinig akong doorbell.




"Kez! Ikaw muna magbukas please! Nanghihilamos pa ako!" Sabi niya habang nasa sink na halos ang mukha, nakapikit na at mukhang kapag ididilat niya ang mga mata niya ay mapapsukan ng tubig na may sabon ang mga mata niya.



Um-oo ako at naglakad na papunta sa kaniyang pinto. May kalakihan din ang condo niya, pero mas malaki ang kay Nathaniel. Ang condo kasi ni Nathaniel ay pang dalawahang tao, pero itong kay lalaine ay pang-isahan lang.



Hinanda ko ang ngiti ko para batiin ang nasa labas bago ko binuksan ang pinto, pero agad ding nawala ang aking ngiti ng makitang si Braxten ang nasa labas.



Gaya ko ay nawala nadin ang ngiti niya. Nagdalawang isip pa ako kung ano ang susunod kong gagawin pero kusang umatras ang paa ko at mas niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto, hindi rin siya nagsalita at tuloy-tuloy lang ang lakad papuntang sala.




Ang huling usap namin ay nung sinabi kong mga sindikato sila, at di ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Dati-rati sa tuwing nakikita ko siya at maging kung sino man sa mga Ashley ay pakiramdam ko may karamay na ako sa pagharap sa mga probelma ko pero ngayon...



Bigla niya akong nilingon, saka ko pa namalayang nakatitig pala ako sa kaniya habang nasa pinto parin, hawak hawak ang pintong nakabukas. Natatarantang sinara ko ang pinto saka tumikhim at hinarap siya.




"Nasa banyo pa si Lalaine, ahm, anong gusto mo? Juice?"


Tinitigan niya ako, and I must say, I didn't saw him staring at me like this before, sobrang lamig ng titig niya at hindi ako sanay na makitang walang emosyon ang mukha niya.



"Gusto ko?"



Mas lumakas ang kalabog ng puso ko, kinakabahan ako. "O-oo? N-nauuhaw ka b-ba?"



"Gusto kong magalit sayo."


"A-ano bang-"


Tumayo siya habang di parin inaalis ang tingin sa akin, dahil sa takot ay bahagya akong napaatras.




"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Hmm, Kezia?"



Napalunok ako. Bigla kong naalala ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko nung huli kaming nagkita, inaamin ko, pati ako ay di nagustuhan ang nga iyon dahil kitang kita ko kung paano siya nasaktan dahil sa mga sinabi ko.





"W-wala, W-wala naman." Huminga ako ng malalim. "B-bakit? Ano ba ang... ang nangyari sa kaniya?"



Kung kanina ay wala siyang kaemo-emosyon ay ngayoy nagliliyab na sa galit ang mga mata niya, this is new to me and I don't like it. Ni minsan di ko naisip na maari niya akong tingnan sa ganitong paraan.





He sarcastically laugh. "Ano nga ba ang nangyari sa kapatid ko?" Nawala ang ngiti niya at nagtagis ang kaniyang bagang. "Galit lang ako sa kaniya pero kapatid ko parin siya, Kezia. At di ko nagustuhan ang naging epekto ng mga sinabi mo sa kaniya. "








"A-ano ba ka-"



"He almost killed himself, damn it!"



"Hoi! Ano ba, Bat kayo nagsisigawan?" Nagmamadaling nilapitan ni Lalaine si Braxten na ngayoy galit na galit sa akin.



Niyakap ni Lalaine sa giliran si Braxten para pakalmahin, Lalaine is whispering something to Braxten na dahilan ng pagkalma neto.





Ako naman ay halos di makagalaw sa kinatatayuan. He what? Totoong nagalit ako, totoong kinamuhian ko siya, pero mahal ko parin siya! At hindi ko... hindi ko gustong mawala siya. Mabilis kong pinahiran ang pisnge ko ng nagsimula na akong umiyak.




Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Lalaine para kunin ang sling bag ko, naabutan kong hinahalikan ni Braxten si Lalaline sa noo habang nakapikit at nakayakap sa kaibigan ko.



At di ko maiwasang mapangiti. She tamed the Playboy Ashley, good for you, Lalaine.



"Nasan ang Kuya mo ngayon, kung ganoon?" Kinalabahan kong tanong.




Dahil sa tanong ko ay napadilat siya at napatingin sa akin.



Ng magtama ang mga mata namin ay wala na akong makitang galit gaya ng kanina, para siyang bumalik sa dati pero di nga lang nakangiti.




"J.A Hospital, he attempted to poison himself."




Imbes na manlumo ay mabilis akong gumalaw para pumunta sa sinabi niyang hospital. Wala na akong pakialam sa kung ano, basta ang importante para sa akin ngayon ay makapunta sa kaniya, makita siya at makahingi ng tawad.





Maraming mga bagay na akong pinagsisihan, at ayaw kong pagsisihan ang hindi pagsabi sa kaniya ng totoo. I love him, and I'll tell him that, bahala na kung anong totoo, kung mahal niya ba talaga ako o ginagamit lang. Basta ako mahal ko siya.



"Miss, Ashley-"



"VIP ROOM 2 po ma'am." Agarang sambit ng nurse sa akin.




Tumango ako agad at nagpasalamat, ang tanga tanga ko pa dahil di ko tinanong kung aling floor iyon tuloy ay inisa-isa ko ang bawat floor dahil sa pagkataranta.





Nangilid ang luha ko at mabilis na kamalabog ang puso ko ng makita ang sinasabing kwarto ng nurse. Walang pagdadalawang isip ko itong binuksan, mabilis na lumipad ang mga kamay ko sa aking bibig ng makita ko si Nic.



"N-Nic..." nanginginig kong sabi.




He smiled at me, tinanggal niya ang syringe na nakatusok sa kamay niya maging ang nasal cannulang nasa ilong niya, nakasuot siya ng hospital gown. Dahan dahang naglakad palapit sa akin, napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko gamit ang dalawang tuhod.




"A-ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga!" Sabi ko pa at sinubukan siyang hawakan para tulungan siya sa pagtayo.




Ngunit Maingat niyang kinuha ang isang kamay kong hahawak sana sa balikat niya at tiningnan ako habang halatang nagpipigil na din siya ng sariling emosyon.




"I caused you a lot of pain. Simula nung college, alam kong nasasaktan kita sa mga pinagsasabi ko sayo. I'm sorry, hindi ko kasi alam kung paano ko ipakita sayong gusto kita, the feeling is new for me, ang magselos, ang biglang makaramdam ng tuwa makita ka lang kahit wala ka namang ginagawa, ang biglang makaramdam ng lungkot sa tuwing alam kong malungkot ka, ang biglang ngumiti dahil lang nakangiti ka. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa iyo na mahal kita. But I tried, I tried to show my love to you in the way I know, sa paraang ako ng ang nakakaalam. At hindi ko alam na, imbes na maipadama ko sayong mahal kita ay nasasaktan ka na pala."





Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ang tanging ginawa ko lang ay ang tumango at umiyak. I can't speak... pakiramdam ko ay sasabog na ako sa tuwa at sa halo-halong emosyon.





"Yes, I am a syndicate leader. It's a rule for Ashleys to be one. Nakabatay sa edad namin ang pagpili ng bagong leader. Lahat kami ay may tugkulin para maging leader, lahat ng mga Ashley ay dadaan sa pagiging leader ng HUE, kahit pa ayaw namin. Nung una, ok lang para sa akin pero nung makita kita alam kong nagbago na ang pananaw ko, dahil alam kong mag-iiba ang tingin mo sa akin. And Yes, Lola Purple made a new Rule, na kapag nagkapamilya na ang kasalukuyang leader ay pwede na niyang bitawan ang kaniyang tungkulin at ipasa ito sa kasunod ko. Hindi ko sinabi sayo ang lahat, ang totoo kasi gusto ko kasal ka na sa akin bago mo pa malaman ang lahat, para wala ka ng kawala, kamuhian mo man ako, mag-iba man ang tingin mo sa akin, asawa parin kita. And I know that's selfish. And I'm sorry."



Tiningnan  ko ang paligid, kami lang dalawa ang nandito. Wala namang ka-espesyal espesyal ang lugar na ito, walang kahit na anong palamuti pero para sa akin sapat na ang presensya niya, sapat na siya, kahit na walang kahit na ano, sapat na na mahal niya ako. Sapat na.





"Gustong gusto kitang balikan pagkaapak na pagkaapak ko palang sa lupa ng espanya, pero di ko magawa dahil nga may tungkulin ako. Patawarin mo ako dahil naging duwag ako, dahil sa akin kaya namatay ang mga anak natin, wala akong magawa eh, nagmakaawa ako kay Lola pero sabi niya may tamang panahon para sa atin. Heck, I even told her I got you pregnant, kahit na di ako sigurado dahil desperado akong bumalik sayo. Pero ilang araw lang sinabi niya sa aking kayo na ni Nathaniel... ayaw kong maniwala, pero, nasaktan ako eh."



"H-hindi naging kami. Kahit kailan, Nic."




Ngumiti siya at marahang tumango. "Kaya nga ang tanga ko eh. Kung sana hindi ako nagpadala sa selos ay baka... baka di ka galit sa akin, baka buhay pa ang mga anak natin, baka mahal mo na ako ngayon."




Imbes na magsalita ako ay yumuko ako at dinampian siya ng halik sa kaniyang labi.




He is not my first kiss, He is not my First love, He is not my first heartbreak. Pero alam kong sa kaloob-looban koy gusto kong siya ang huli sa akin, huli sa lahat. I got my first kiss back in highschool at iyon ay sa una kong first love, sa una ko ding pagkabigo.




But his kisses are sure taste like heaven, pakiramdam ko sa tuwing nadadampi ang labi ko sa kaniya ay iyon ang kauna-unahan pagkakataong nahalikan ako. At sa tuwing nasasaktan ako dahil sa kaniya pakiramdam ko iyon na ang pinakamalala. Hindi man siya ang una kong minahal, siya naman ang mas mahal ko.






Ng akmang ilalayo ko na ang mukha ko ay hinawakan niya ang batok ko at siniil ako ulit ng halik, nagpaubaya ako at tinugon ang halik niya, his kisses deepened, kaya ng maghiwalay ang mga labi namin ay hinihingal na kami.




Nakaluhod parin siya sa harapan ko, nagkatitigan kami, naging seryoso siya bigla, gusto ko sana siyang tanungin kung bakit pa siya nakaluhod ng bigla ay may inilabas siyang rectangle box na kulay pula.




"I want to ask  you something."




Ang nasa isip ko ay necklace ang nasa loob pero napasinghap ako ng makitang mga singsing iyon, mga, hindi lang isa kundi sampung singsing, ibat-iba ang mga desenyo, may hugis puso, may plain diamond, may ginto at iba pa.




Nakita ko din iyong pamilyar na singsing na binili niya sa resort. Napatakip ako ng bibig gamit ang kaliwa kong kamay, I can't help but cry, palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa mga singsing.




"A-ang dami naman niyan." Pabiro ko pang sabi pero emosyanal.




Ngumiti siya sa akin at masuyong hinawakan ang kanang kamay ko gamit ang bakante niyang kamay.





"Sa tuwing nakakakita kasi ako ng singsing, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko, I want to buy you rings not just a ring, cause I'm gonna marry you again and again not just once. I love you not just today neither just tomorrow, but Forever."





"H-hindi pa nga tayo eh."




Saglit na nawala ang ngiti niya. "Bakit naman?" Tanong niya habang nakaluhod padin. "Diba pumayag kang maging Girlfriend ko?" Kunot noo niyang sabi.



"Nag break tayo."



"Ha? Kailan naman iyon? Bat di ko alam?"





Imbes na dagdagan ang pagkalito niya ay hinaplos ko ang pisnge niya gamit ang kaliwang kamay ko, I look at him with so much love, hinayaan kong ang mga mata ko ang magsabi ng tunay kong nararamdaman, because words can't even explain how much I love this man.



"Will you marry me?"



Ngumiti ako habang patuloy na pumapatak ang mga luha, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at marahang tumango.





"Mahal kita eh, kaya malamang, Oo."





Mas ngumiti pa siya at natatarantang tumayo, halos mahulog pa ang box dahil sa pagmamadali niyang kumuha ng singsing.





"Wag ka ngang magmadali dyan!" Nakangiti kong sabi, at tinulungan siyang hawakan ang box, nanginginig kasi siya at baka mahulog pa ito.






"Baka magbago isip mo eh." Sabi pa niya na halatang kabado talaga.




Pinapili niya ako ng singsing at ang pinili ko ay iyong binili niya sa resort, nagtaka pa siya kung bakit iyon at hindi ang ibang singsing na may diamonds, I just give  him a smile.





Hindi naman kasi basehan sa diamonds o halaga ng singsing ang dapat mong tingnan eh.




I want to tell him that, but I chose to kiss him wholeheartedly and let my kisses tell him that I love him so much, he snaked his arms around my waist and pull me closer to him. As we kiss, I let my tears flow just like how I let my heartbeats go wild for him... too much happiness.





Pero alam kong mas masaya kung kasama namin ang mga anak namin.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 66 11
Beautiful female supporting characters in period novels (年代文里的漂亮女配) Author: December is not cold In an accident, something happened to the Meng famil...
17.1K 486 45
I'll make you cry. Read at your own Risk! Abraham Second Ashley •Ashley 8 (Third Generation ) Date Started: 03/16/21 Date Ended: 06/16/21 Status: Com...
447K 25.4K 46
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ☆|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
58.5K 4.1K 48
You want to know what is there is story..... 👇👇 Then plz 🙏🏻 peep into know more 🤫😜 Date:- 23 June 2021(And steal ongoing) Thanks @disha_mishra...