A Little Bit of Sunshine

By aennui

865 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

2

26 9 57
By aennui

Kabanata 2: I Didn't Wish For This!

"Good morning Section Yellow! I'm Olivia Joyce Buenaventura and I will be your adviser for this school year!"



Good vibes na good vibes ang buong klase dahil sa bago naming adviser habang ako naman ay ilang beses na sinusulyapan ang lalaking katabi ko. Nangangati na ang bibig ko na makipag-usap sa kanya pero nahihirapan pa rin ako sa pag-absorb sa pangyayari.



Pinagtripan ko lang siya kanina, humiling ako sa kwintas, pero heto talaga siya ngayon sa tabi ko! At infairness, ang bango bango niya pa ha.



"Now lets start with the introduction, Sunshine Ortiz?" Nanlaki ang mga mata ko bago natatarantang lumapit kay Maam.



Introduction na pala! Masyado akong natulala sa bagong seatmate ko.



Sunod sunod na kaming nagpakilala. Nagsimula na ring umingay ang buong classroom dahil nagkakakwentuhan na ang magkaka-seatmates.



"Prince Hanson Miranda?" Bumalik ang tingin ko sa seatmate ko ng tumayo ito.



"I'm here, Maam."



Parang may dumaang anghel ng magsimula siyang maglakad papunta sa harapan. Kung nasa anime series siguro kami ay nagkaroon na ng stars at hearts ang mata ng mga babae. Pero siyempre! Exempted ako diba?



Nang tumigil na siya sa tabi ni Maam Olivia, agad itong napausog ng malula sa katangkaran niya. Pinigilan kong matawa ng makita ang reaction ni Maam pero mukhang na misinterpret ata yun ni boy seatmate. Nakita ko kasi kung paano umarko ang kilay niya sa angle ko na nagpaupo sa akin ng maayos.



"Good morning everyone. I'm Prince Hanson Miranda. 18 years old. I hope that all of us could be friends."





Dumating na ang lunchtime at pinili kong hindi sumama kay Ouie dahil kasama niya na ang mga boys ng classroom. Nakikipag socialize na sa wakas ang kapre sa tulong ni Bryle kaya naman thankful ako.



Pero kapalit nito, nagmistula naman akong loner habang mag-isa sa lamesa.



Dapat na ba akong umiyak? Wala naman kasing nagyaya sa akin na kumain! Bumaba tuloy ang tingin ko sa kwintas at nakaisip na subukan ko nanaman ang werpa nito.



'Dear kwintas. Hehe. Bigyan mo naman ako ng kasama dito sa table please.'



'Ang iyong pangalawang hiling ay natupad na.'



"Hi Bakla! Pwedeng makishare?"



Muntik lumabas sa ilong ko ang kanin na nginunguya ko ng makita ko sina Gracie, Greggy, at Happy na nakatayo sa harap ko. Grabe! Ang instant naman ng wish!



Parang Palawan express lang? Walang kuskos balungos?



"Woy. May pangalan yung tao!" Binatukan nila Gracie at Happy si Greggy na sumimangot bago nagpeace sign.



"Uy! Okay lang naman sa akin na matawag na bakla!" Nakangiti ko silang sinenyasan na umupo. "Sige lang! Umupo lang kayo!"



Dahil pang-apatan ang table ay umupo sa tabi ko si Greggy. Mabilis na umupo naman sina Gracie at Happy sa upuang kaharap namin at nilahad ang mga kamay nila.



Bagong friends! Ohmy!



"Hindi pa kami nakakapag-introduce ng maayos sayo. By the way, I'm Greggy ang diyosa ng grupo!" Inabot ni Greggy ang kamay niya na mabilis kong kinamayan.



"Pfft. Greggy Greggy pa. Gregorio Consuelo Jr. naman." Kantsaw ni Happy na naging dahilan ng pagpipigil naming tatlo ng tawa. Nag-iba tuloy ang mood ng bakla!



"Oo na! DUH!"



"Happy Salvador, Sunshine. Number 17 sa balota." Tinanggap ko ang kamay ni Happy na parang action star ang peg.



"Hello Happy!"



"Hey Sunshine! Kilala mo naman na siguro ako diba? Gracious Cadenas!" Inabot ni Gracie ang kamay niya at kabado ko naman itong tinanggap habang nakangiti.



"Hehehe. Hello Gracie!" Pinanggigilan niya ang kamay kong hawak niya.



"Ano ka ba? Wag ka ngang ma tense! Hindi na ako basta-basta nanghihila ng buhok no!" Napakamot ako sa batok ko bago tumango. "People change. And I've fully embraced that change! Oh diba? English yun?!"



Sabay-sabay kaming nagtawanan bago nagsimulang kumain.



Mabilis naman kaming nagkagaanan ng loob ng magkwentuhan kaming apat tungkol sa mga kaklase namin. Naging topic din namin sandali si Ouie dahil crush nga talaga siya ng baklang katabi ko. Nang mas tumagal na ang convo ay naalala nila ang katabi kong transferee.



"Prince Hanson Miranda. Ang aking Prince of the year! Goodbye na ako kay Ouie no! Dahil ayon sa aking source ay nagmula si fafable sa Scholastica." Humaba ang nguso niya habang kinukulot kulot ang buhok niya gamit ang daliri niya.



"Shucks. Diba hundred thousand ang tuition dun?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Happy.



"Woah seryoso?!" Napanganga ako.



Pucha. Hinding hindi ako papayag na pumasok sa ganung school kahit na mayaman ako! Bibili nalang siguro ako ng lupain gamit yung tuition fee ko o mag-iinvest sa stocks ng isang business gamit ang perang 'yon.



"Tumpak ka diyan gurl. Rich to the max ang ating new classmate kaya dapat ay mapabilang siya sa ating grupo!"



"Bakit naman?" Nagsalubong ang mga kilay ni Happy.



"Siyempre, para may yayamanin sa grupo na magaling kumanta! Atsaka fafable pa talaga at may abs. Ooh lala~" Nangintab ang mga mata niya kaya sabay sabay kaming napainom ng tubig.



"Ah okay."



"Sige recruit mo."



"Aba naman?! Tigil-tigilan mo yang kalandian mo Gregorio ha?!"



Bumilog ang bibig ko ng biglang hilain ni Happy ang buhok ni Greggy. Ngunit yung tipong hilang-hila talaga na mapapanganga ka! Kaya tuloy napapasunod na si Greggy kung nasaan ang kamay niya.



"Ano ba Happy?! Stop it! My hair!" Pinagsasampal niya palayo ang kamay ni Happy pero hindi ito tumigil.



"Pota ka. Ang arte mo! Wala ka namang matres!"



"Bleh! Wala kang betlog." Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa awayan nila.



Aba naman. Iba talaga ang tandem nitong dalawa.



"Tama na nga yan mga bakla! Balik nalang tayo kay transferee boy." Wika ni Gracie na ikinakunot ng noo ko.



"Eh? Bakit siya pa rin ang topic?"



"Kase walang ibang matopic?" Napangiwi ako bago sumenyas samin si Gracie para ilapit ang mga ulo namin sa kanya.



"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit siya nagtransfer?"



"Bakit?" Sabay sabay kaming tatlo. Pati ang bakla ay hindi nasagap ang information na yun.



"Di ko rin alam pero dapat alamin natin!" Sabay-sabay kaming bumalik sa pagkain at hindi na pinansin si Gracie.



Iba-iba talaga ang mga birtud ng tatlong to. Maswerte ba akong mapabilang sa grupo na to?




Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Ngunit bigla nalang ako napamura at napahawak sa dibdib ko ng isang tray ang pabagsak na nilapag sa tabi ko.



"Pwedeng makishare?"



Sabay sabay na umangat ang tingin namin para makita kung sinong gago ang gumawa nun. Sabay-sabay naman kaming napasinghap nang makita namin ang pagmumukha ni Hanson.



Inshort, ang kanina pa gustong i-recruit 'daw' ng bakla sa aming nabuong squad.



"Sure naman Prince! Dito ka! Hihi!" Mabilis na gumalaw ang bakla at tinapik ang maliit na space sa tabi niya. "Tabi tayo! Hihi!"



Nagkasalubong naman ang mga mata namin na mabilis ko namang iniwasan. Medyo ilang pa rin ako sa kanya! Siyempre! Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa kong kagagahan kanina.



Dahil wala ng bakanteng upuan sa sa table namin ay kumuha siya ng upuan sa kabilang table para may mauupuan siya. Bale nasa isang side siya ng table at katabi niya ako pati na ang kaharap ko na si Gracie.



"Please don't call me Prince. Mas prefer ko ang Hanson."



Hate niya ang Prince? Okay, no worries. Noted ko na po ang Hanson, Sir.



"Pero pwede namang may exception, diba Prince?" Ngumiti siya kay Greggy na malagkit ngayon ang tingin kay Hanson.



"Pwede naman. Kayo nalang bahala kung saan kayo kumportable."



Sabay sabay kaming napalingon kay Greggy at nginiwian siya nang pagsisipain niya ang mga paa namin sa ilalim.



Tigas din ng ulo ng baklang to. Mabuti nalang ay hindi masungit ang rich boy na to.



Habang kumakain, hindi ko mapigilang amuyin ang pabango ni Hanson habang nagkukwentuhan.



Bukod sa ang linis na tignan ng lalaking to ay ang bango bango niya talaga. Halatang mamahalin at pangmayaman ang pabango niya. Bakit ngayon ko lang naamoy ang ganitong pabango?



Amoy pawis at putok lang ba ang pinagmamalaki ng mga bois namin?



"Hoy bakla." Napaayos naman ako ng upo ng bulungan ako ni Greggy na nakangisi ngayon. "Mabango ba? Lakas mo makasinghot diyan ah?"



"Hehe. Masyado bang obvious?"



Yung pabango nva ni Ouie ay hindi ko pinagsasawaang amuyin. Simpleng pagtabi niya lang sa akin ay talaga namang nagreregister kaagad ang amoy sa nostrils ko. Pero iba talaga kasi tong pabango ni Hanson!



"Oo kaya. Hinay-hinay lang pwede?" Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya ng sandali kaming sulyapan ni Hanson. "Hindi na ako magtataka kung type mo rin si Fafa Prince. Balak mo ba akong agawan ha?"



"Shhh. Marinig tayo! Wag kang mag-alala dahil sayong-sayo yang fafable mo."



"Sure na yan ha? Walang bawian."



"Ewan ko sayo."





Ang buong akala ko ay tatahimik lang sa buong lunch itong si Hanson pero nakipag usap siya sa mga kasama ko. Infairness, magaling pala siya sa pagsasalita hindi katulad ng inaasahan ko.



Pinili lang naming manahimik ni Happy dahil si Gracie at Greggy lang naman ang nakakakilala sa kanya at binakbak siya ng interview. May mga times na nakikitawa kami pero never talaga kaming nagtanong sa kanya.



"Uy! Oo nga pala Hanson! May kakilala ka na ba dito sa school?" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nabilaukan sa tanong ni Gracie. Nagmamadali akong kinuha ang isang baso ko ng tubig at kabadong uminom.



"Wala naman. But I met an ACHS student before at tumatak talaga siya sa isipan ko." Parang gusto kong magpakain sa lupa ng makita ko ang pag-angat ng isang gilid ng labi ni Hanson.



"Wow talaga? Pero paano ba tumatak sa isipan mo Prince? I want to try!" Malanding tanong ng bakla na sinubukan pang abutin ang kamay niya pero kinarate chop kaagad ito ni Happy.



"It's a secret. But don't worry Greggy, may part naman na kayong lahat sa utak ko ngayon." Tumawa siya bago nagpatuloy sa pagkain.



Isang subo nalang at mauubos na ang pagkain ko ng magvibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita si Syrene, isa sa mga beshywaps kong hinahanap ko kanina pa ang tumatawag ngayon.



"Ayo! Wazzup Syrene?"



"Hoy Sunshine! Nasaan ka ba?!"



"Kumakain ng lunch. Ano pa nga ba?" Uminom muna ako ng tubig habang hinintay ang sagot niya. "Kayo? Bakit hindi ko kaya mahagilap dito ha? Diet mode nanaman ba kayo?"



"Gaga! Nakalimutan mo ba na kailangan nating magmeeting ng squad?!" Hindi ko mapigilang masamid dahil sa tubig na iniinom ko.



Pucha! Ilang beses pa ba akong masasamid sa araw na to?!



"Nandiyan na ba si Coach Chelsea?"


"Oo gaga! Puputok na nga si Coach kakahanap sayo eh!"


Natataranta akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko. Ready na ready na sana akong tumakbo ng mahawakan naman ni Greggy ang braso ko.



"Hoy bakla! Saan ka pupunta?"



"Mamaya nalang! Tawag ako sa cheering squad! Paki excuse nalang ako sa klase mga bakla!"



Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bago tumakbo papuntang gymnasium. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makaabot ng mabilisan ngunit kapwang bumagsak ang mga balikat ko nang makitang puro mga members pa lang ang nandito.



"Good noon Sunshine!"



Pinikit ko ang mga mata ko habang naghahabol ako ng hininga. Gusto kong sumigaw at pataubin ang makita kong bagay dahil talaga namang pinagkakaisahan nanaman ako ng mga gaga kong kaibigan.



"Sabihin niyo sa akin. Nasaan ang demonyitang kambal?!"



Walang nagawang sumagot sa akin kaya naman naiyukom ko ang mga kamao ko bago mabibigat ang mga hakbang na hinahanap ang kambal.



Nakita ko silang nakaupo sa may bleachers at dahil nakaharap sa pwesto ko ang kausap nila ay itinuro ako nito. Mabilis silang nakalingon sa akin at naging alerto ng makitang kaya kong makapatay sa mga oras na to.



"Sunshine, let us explain!"



"Please spare our lives, our queen!"



"Walang queen queen! Tumigil kayo diyan mga gaga!"



Kumaripas kaagad ng takbo ang dalawa nang mag echo ang boses ko sa buong gymnasium habang hinahabol sila. Malas lang nila dahil aas mabilis akong tumakbo plus mahahaba pa ang mga buhok nila.



Kaya naman agad ko itong nahila para mapigilan sila. Panay tuloy ang pagsigaw nilang dalawa habang kinakaladkad ko sila pabalik sa puwesto nila kanina.



"Pota. Pinahirapan pa talaga ako ha!" Napahagod ako sa buhok ko bago ginamit ankamay kong pamaypay sa mukha ko. "Ano? Ipaprank niyo pa ako? Ha?!"



Sabay silang napanguso habang inaayos ang buhok nilang parang sinabunutan ng pitong orangutan.



"Hindi na. Wala na kaming lakas na iprank ang isang dating gangster." Wika ni Syrene habang napapailing.



"Huhu. Hindi na talaga! Baka mabunot mo na lahat ng hair strands namin sa susunod." Nakatingin naman sa salamin si Serene habang ichinicheck ang braid niyang nagulo.



Napabuntong hininga ako bago umupo sa gitna nila habang naka cross arms.



"Ang lakas din naman kasi ng mga trip niyo no? Naglulunch pa nga ako diba?"



"Hindi pa din naman kami kumakain eh." Mas humaba ang nguso si Serene.



"Pota. Damayan na to gurl. Hindi lang kami ang magugutom!" Palihim kong pinakyuhan si Syrene na ikinatawa niya.



Haist. Mahirap talagang maniwala sa lukaret na kambal.



"Good afternoon Coach!"



Natigil ako sa pagsermon sa kanila ng dumating na talaga si Coach Chelsea, ang coach ng ACHS cheerleading squad. Hindi ko alam kung anong year siya nagstart na maging coach ng grupo pero siya na ang naabutan ko nung Grade 7.



Maliit lang si Maam pero ipinagmamalaki talaga namin ang confidence niya. Palagi kasi siyang taas noo kung maglakad tulad nalang ngayon na para siyang magarang reyna habang paakyat sa stage.


Nagdikit dikit kaagad kaming magkakagrupo sa baba ng stage. Inaayaos pa lang ni maam ang mic nang maramdaman kong may kumalabit sa akin.



"Hi Sunshine! Hello Kambal! Wooh! Mabuti nakahabol pa ako!"



Kumapit sa akin si Vince na galing pa ata sa pagtakbo. Isa siya sa mga nakasabay kong mag audition noong Grade 7 kaya naging magkaclose kami. Grade 9 pa naman kasi sumali ang dalawang kambal kaya ang lalaking to ang naging kasa-kasama ko sa dalawang taon na yun.



Sabay sabay naman naming itinuon ang pansin sa kanya para batiin siya bago kami nakinig kay Coach.



"Everyone! Ipinatawag ko kayo because of a very important announcement. Since gumraduate na ang inyong Ate Zea ay pipili nanaman tayo ng bago nating Cheerleader for this year!"



Nabalot ng ingay ang buong gymnasium dahil sa announcement ni Maam. Halos lahat kasi ng babae sa squad ay pinapangarap talagang makapag-lead sa grupo.



"Yieeee Sunshine. Alam naming ikaw na ang mapipili."



Tinignan ko si Serene na napakalapad na ang ngiti habang si Syrene ay sinusundot sundot ako sa aking tagiliran. Sumangayon din naman si Vince sa sinabi ni Serene pero sinubukan kong pigilan ang ngiti ko.



"Shhh. Ayoko namang mag expect no."



Ilang taon na din akong masaya at the same time ay naghihirap sa grupong to. Kung aayon ang tadhana ay bakit ko naman tatanggihan ang opportunity? Siyempre yayakapin ko na! Last year ko na to eh!



"I am happy to announce that I have chosen two suitable candidates for the position. Please come up here Sunshine Ortiz and Emily Jade Cartagenas."



Nagkatinginan kaming apat bago nila ako excited na pinagtulakan paakyat sa stage. Panay ang pag cheer nila sa baba kaya parang feeling Miss Universe tuloy ako. Napakalawak na ng ngiti ko ngunit unti-unti itong nawala ng makita si Emily na as usual ay nakataas ang isang kilay na halatang ginuhitan.



"Oh Sunshine! Nangangamoy talo banda diyan!" Inginuso niya ang pwestong kinatatayuan ko bago matamis na ngumiti.



Grade 7 din ng makapasok sa squad itong si Emily at aminado akong napakagaling rin ng performance niya. Nagmula siya sa STEM pero dahil HUMSS na ang naglead ng squad for 3 consecutive years, mahirap ng putulin ang bagay na yon ngayong taon.



"Wag kang ganyan Emily. Nangangamoy malas din kasi diyan." Ngumuso din ako sa pwesto niya na ikinaikot ng mata niya. "Mahina lang siguro pang-amoy mo kahit na malakas ka namang sumagap ng malas sa ibang tao no?"




"Whatever!"



Inirapan niya ako na ikinailing ko nalang. Nasanay na ako sa kamalditahan ng babaeng to. 6 years ba naman na halos araw-araw kong nakikita ang mukha niya? Tinatawanan ko nalang tuloy ang lahat ng bagay at kapikunan na ipinapakita niya.




"Hello girls! I'm expecting the two of you to prepare a 3 minute dance choreography in any genre. I'll be giving you 2 weeks to prepare so I want the two of you to give your best."





"Yes Coach!"



"That's all for today. Please take your lunch before the bell rings."





Para akong nasa alapaap habang papalabas ng gym at naglulupasay sa tuwa sina Vince at ang kambal. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang dumating na ang araw na magkakaroon ako ng pagkakataon na mabuhat sa pinakaibabaw ng final pyramid!




Kakayanin ko talagang manalo! Dapat akong manalo!



Abot tenga ang ngiti ko habang naglalakad ako papunta sa classroom at kinakain ang isang pakete ng Nips na binili ko sa canteen. Palihim akong pumasok nang makitang wala pa ang teacher namin ngunit halos mapalundag naman sa upuan niya si Hanson ng makita ako.



"Uy, wala ba tayong teacher?"



"Whatthe-? May nakikita ka ba?"



Napangiwi ako at humalukipkip nalang sa lamesa habang sumusubo ng Nips. Mabait siya kanina sa kaibigan ko pero sinasabi ko na nga ba! May tinatago pa ring ka-supladuhan ang lalaking to.




"Hoy. What's your name again, fuck you girl?" Bahagyang napalingon ang kaklase na nakaupo sa harapan namin kaya mabilis kong pinitik ang tenga niya.



"Ouch! What was that for?"



"Hindi ka ba nakinig sa introduction? Yung tinawag sa akin ng mga kaibigan ko? Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos hindi mo alam?"



Ifinlip ko ang buhok ko at hindi ko alam kung maooffend ba ako sa reaction niyang nandidiri na ewan. Napatikhim tuloy ako bago umayos ng pag-upo.



"O-kaaaay. Ako nga pala si Sunshine Ortiz. Call me Sunshine." Inabot ko ang kamay ko sa kanya habang nakangiti.



"Okay."



Kahit na ganto ang ugali ng lalaking to ay dapat subukan ko pa rin siyang makasundo. Siya din ang unang hiling ko gamit ang kwintas na to no kaya hindi ko hahayaang mawala ang pagkafriendly ko dahil sa kanya.



"Okay? So Sunshine na yung itatawag mo sa akin?"



"Hindi." Napangiwi ako ng ngitian niya ako. "You have no right to order me kaya tatawagin kita kung anong gusto ko."



Napanganga ako at hindi makapaniwalang tinitigan ang lalaki sa tabi ko.



Wow! Grabe! Ito ba talaga ang lalaking hiniling kong makita ulit?! Ito talaga ang taong ginamit ko na pangchallenge sa kwintas na niregalo sa akin?! Kung wala lang akong kasalanan sa isang to eh kanina ko pa siya tinadyakan!

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 252 57
Nyder Christopher Veromonda is known for being a campus heartthrob since its high school days. He's a desirable man and an Ideal. He has a drooling l...
73.6K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...