A Little Bit of Sunshine

By aennui

865 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

1

46 9 65
By aennui

Kabanata 1: Genie in a necklace

Eksaktong alas 4 ng umaga nang dumilat ang mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos at para bang nagka insomnia dahil sa kakaisip na pasukan na ngayong araw.



Kailangan ko nanamang matulog ng maaga, gumising ng maaga, at gumawa ng sandamakmak na school works lalo na ngayong Grade 12 na ako. Shuta. Last year ko na sa high school at sa loob ng ilang buwan ay magcocollegena ako kaya kailangan ko ng magsipag!



Dear Lord at lahat ng mga santo. Nawa'y pakisamahan ako ng utak at brain cells ko ngayong school year.



"Sunshine anak. Ayos ka lang ba?"


Papikit na sana ako ngunit pilit kong kiinurot ko ang braso ko para tumingin kay Tatay na katabi ko at minamaneho ang jeepney namin. Palagi niya akong inihahatid sa eskwelahan para mamasada na rin at the same time.



Nakita kong nataas ang isang kilay niya ngayon habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa daanan.



"Ayos lang ako Tatay. Hindi lang po talaga ako nakatulog ng maaga." Pagkatapos ko magsalita ay nagpakawala naman ako ng isang malakas na hikab.



"Yan! Facebook ka kasi ng facebook. Wala ka ng ibang inatupag!" Nahihiya akong ngumiti at nagpeace sign.



Kilala na talaga ako ni Tatay. Nagsisisi na tuloy ako na panay ang scroll at pagshare ko ng mga memes kagabi!



Lumingon na ako sa bintana at tinignan ang napakaraming mga sasakyan sa kalsada. Mukhang mauumay nanaman ako sa ganitong scenery na makikita ko araw-araw. Dahil balik eskwela ay mas gumugulo nanaman ang mga daanan ng Alveolar at sumisikip na ang mga daanan.



Kinurot ko ulit ang sarili ko ng maramdaman kong mapapapikit nanaman ako. Mapapagalitan ako ni Tatay nito kapag nagpatuloy pa tong antok ko.



Kaya naman para magising ako ay pumasok ang isang kalokohan sa isip ko.



Operation: Maghanap ng mapagtitripan sa kalsada!



Halos araw-araw ko tong ginagawa nung nakaraang school year. Pipili lang naman ako ng biktima sa mga tao sa tabing daan na papakitaan ko ng nakakatawang expression or magpapacute.



So far, wala naman akong nakakasalubong ulit na nagiging biktima ko.


Nang mag green light na ay humanap na ako ng una kong biktima sa mga taong naghihintay ng masasakyan sa tabi-tabi. Pero ang daming tao! Ang hirap tuloy pumili!


Pinasingkit ko ang mga mata ko at agad na nakuha ng pansin ko ang isang lalaking nakapameywang habang may kausap sa telepono.


Ohmygas. Ang tangkad niya! Papasang basketball player o model ang height niya! At talagang napapalingon lahat ng dumadaan malapit sa kanya dahil bukod sa height niya ay gwapo din siya. Napagkakamalan nga sigurong artista ang isang to dahil sa suot niyang puting polo at shades.


Target Lock!


Nang mag red light na ay dahan-dahan kaming napalapit sa pwesto niya. Nilabas ko ang malaking parte ng braso ko, itinaas ang kaliwang middle finger ko pero pinalitan ko kaagad ito ng finger heart.


Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya ng makita ako. Tinanggal niya ang shades niya para siguro makita ako ngmaayos pero itinago ko ulit ang ulo ko sa loob ng jeep habang nagpipigil ng tawa.


"Ano nanaman yon Sunshine?" Nakita ko ang sandaling pagsulyap ni Tatay sa akin na para bang naramdaman nanaman niya ang kalokohang ginawa ko.


"Wala po Tay."


"Umayos ka ha."


Nagmove on na ako sa nangyari ng mapansin kong papalapit na kami sa Alveolar City High School. Na excite ako ng makita ang ilan sa mga estudyanteng sabay sabay na naglalakad papasok sa school sa unang araw ng pasukan.


Sa kabilang kanto pa lang ng school ng makita ko ang isang pamilyar na mukhang naglalakad mag-isa. Sakto naman ang paghinto ni Tatay dahil may bumaba ding pasahero kaya naman kaagad akong tumalon pababa ng jeep.


"Oh? Saan ka pupunta anak?"


"Dito nalang po ako, Tay! Ingat po kayo! Labyu!" Nagflying kiss ako sa kanya bago kumaripas ng takbo.


Madami dami pa ang mga estudyanteng sakay niya na ilan pang traffic ang madadaanan kaya pinaandar niya agad ang jeep pagkatapos kong makaalis.


Patuloy lang ako sa pagtakbo para mahabol ang tukmol kong bestfriend na may mahabang legs. Mabilis pa naman siyang maglakad dahil malalaki ang hakbang niya at may lahi siyang kapre.


Hindi naman ako nahirapan na makita siya sa dami ng mga taong nakakasabay naming maglakad ngayon. Lumilitaw talaga ang ulo niya eh! Pero kung ako siguro ang hinahanap niya, paniguradong mahihirapan siya.


"Kapreng Ouie mah friend! Sandali!"


Habang hinahabol ko siya ay nahagip ng mata ko ang isang matandang babae na parang mahihimatay. Tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit lahat sila ay walang paki sa matanda. Busy kasi sila sa pag-aabang ng masasakyan lalo na't agawan pa sa oras na to.


Humanity! Wala na ba kayong pake sa kapwa niyo tao?!


Napakamot ako sa batok ko bago naglakad papalapit kay Lola. Nanlaki ang mga mata ko ng pumikit ang mata niya ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig ay nakatakbo na ako at hinawakan siya sa braso.


"Lola! Ayos lang po ba kayo?"


Nakahinga ako ng maluwag ng muling dumilat ang matanda at nakatayo ng maayos. Tantsa ko ay nasa line of 80's na si Lola. Nakasuot siya ng puting saya na hanggang ibaba ng tuhod, tsinelas at simpleng t-shirt.


"Ayos lang ako anak. Wag mo akong alalahanin." Nginitian niya ako ngunit hindi ako nakuntento at inakay siya papunta sa gilid ng flower bed para umupo. "Sige na, pumunta ka na sa eskwelahan mo at baka malate ka."


"Nako lola! Okay lang din po malate kasi first day of class naman." Kinuha ko ang baon kong tubig sa bag at pinaypayan siya ng notebook. "Uminom po muna kayo ng tubig para mawala po ang hilo niyo."


Pinanood ko si Lola na tanggapin ang tubig at inumin ito. Ilang beses niya pa akong tinaboy ngunit namumutla pa rin siya kaya nagpaiwan pa rin ako para paypayan siya.


"Ang bait mo namang bata, anak. Mukhang maganda talaga ang pagpapalaki sayo ng ama at ina mo." Napangiti ako at napahawak sa batok ko dahil sa sinabi niya.


"Hindi naman po ako masyadong mabait pero aminado naman po akong napalaki ako ng maayos ng Tatay ko." Tinitigan niya ako bago siya muling ngumiti.


"Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sayo ngunit kailangan mo na talagang umalis." Bahagya siyang tumalikod sa akin at may kung anong kinuha siya sa kanyang bulsa. "Dahil sa kabutihang loob mo ay ibibigay ko sa iyo ang pinakamahalagang kayamanan ko."


Nagulat ako ng ipakita niya ang isang napakagandang kwintas. Kulay ginto ito na may sunflower na pendant na kuminang ng panandalian sa mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama dito.


"Ibibigay niyo po talaga to sa akin?"


"Oo naman anak. Ikaw ang nakikita kong pinaka karapat dapat na magmana ng kwintas na to."


Hinawakan niya ang mga balikat ko at initusan akong tumalikod sa kanya. Sumunod naman ako sa kagustuhan niya bago ko naramdaman ang pagdampi ng kwintas sa leeg at dibdib ko.


"Bakit po kayamanan ang turing niyo sa kwintas, lola? Mahal po ba to? Tunay na ginto? O pwedeng masangla?"


"Gawa sa tunay na ginto ang kwintas na yan anak ngunit hindi mo maiisip na isangla ito kapag nalaman mo ang maibibigay nito sa iyo."


"Ano po bang meron sa kwintas na to?" Humarap na ulit ako kay Lola at nakita siyang nakatitig sa kwintas.

"Malaki ang maitutulong ng kwintas sa buhay mo, anak. Kung may gusto kang hilingin, hawakan mo lang ang kwintas at sambitin sa iyong isipan ang iyong kahilingan. Matutupad agad ang hiling mo ngunit madalas ding namimili ang kwintas depende sa ikabubuti mo."


Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Lola. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid dahil baka hidden camera prank ang lahat ng to.


Kasi naman, ano tong kwento ko? Episode ng Wansapanataym? Pidol's Wonderland? Mga Kwento ni Lola Basyang? O baka naman Daig Kayo ng Lola Ko?


"Seryoso talaga kayo Lola?" Gusto kong tumawa ng malakas ng tumango siya pero mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. "Weh? Seryoso po talaga? Final na?"


"Seryoso talaga ako anak."


"Hindi pa ba kayo magsasabi ng it's a prank?" Nagsalubong ang mga kilay niya.


"Ano ba yung prank?" Nagtitigan kami ng ilang segundo bago kami sabay na napakamot sa ulo. "Hindi ka pa rin talaga naniniwala anak? Bakit hindi mo nalang subukan?"


Kahit na nagdududa ako kung high lang ba si Lola ay ginawa ko ang sinabiniya. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko para matapos na to!


Hinawakan ko ang pendant ng kwintas, pumikit, at inisip ng madiin ang kahilingan ko. Hindi ko pinili ang masyadong heavy na kahilingan dahil baka ma upset lang ako kapag hindi natupad.


"Tapos na po ako-" Nang buksan ko ang mga mata ko ay nagulat nalang ako ng mawala na si Lola sa harapan ko. "Lola? LOLA?!"


Lumingon-lingon ako sa paligid at tinignan ang mga taong malapit sa akin. Pucha. Baka multo si Lola?! Napayakap tuloy ako sa sarili ko dahil sa naisip ko.


'Ang iyong unang kahilingan ay matutupad na.'


Nagsimula na akong maglakad ng makarinig ako ng pabulong na boses na ala 'Resorts World Manila'. Natigilan tuloy ako bago napalingon-lingon sa paligid ko.


Pucha. Sino yun? Multo?


Nagmamadali akong tumakbo patakbo sa ACHS habang nakayakap sa sarili ko. Nakakatakot! Ano bang boses yun? Saan galing? Mababaliw na ata ako!


"Dwendeng Sunshine mah friend!"

Napapreno nanaman ako sa paglalakad matapos kong makapasok sa ACHS dahil sa narinig ko ang boses ni Ouie. Lumingon ako sa paligid at nakita siyang nakangiti habang papalapit sa pwesto ko.


"Dwendeng Ouie mah friend?"


Napapatingin sa kanya ang mga estudyanteng nakakasalubong niya sa paglalakad dahil ang 6'1 na kapre ay nagmumukhang model sa suot niyang black and white striped polo, black pants, at white sneakers habang nakasukbit ang backpack sa isang balikat niya.


Sinalubong ko siya habang nakangiti ng malapad. Nang makalapit siya sa akin ay ngumiti din siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.



"How are you? Bakit hindi ka yata tumangkad ni isang inch lang during summer?" Aapakan ko sana ang sapatos niya dahil sa panggigigil pero nakaiwas siya agad.


"Gago!"



"PIkon ka talaga. Kaya ka hindi tumatangkad eh." Kagat niya ang labi niya habang nagpipigil siya ng tawa. Napairap tuloy ako at inisip kung anong connect nun sa pagkapikon ko sa height ko.


"Psh whatever! Kumusta ang bakasyon mo sa Lachlane?" Inakbayan niya ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Since nag-start ang summer ay hindi na kami nagkita nitong si Ouie. Umuwi kasi sila sa Lachlane ng buong pamilya niya at doon nagpalipas ng summer. Napansin ko ngang umitim siya ng konti pero infairness, bagay naman sa kanya dahil may itsura ang mokong.


"Maganda naman siyempre. We went to visit different beach kaya ito, medyo umitim ako." Tumawa siya. "Oh by the way, hinananap ka nga pala nila Corrine. They were so excited to see you pero nadismaya sila dahil hindi ka pala namin kasama. Miss na miss ka na nga daw nila."


Nangintab ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ng kababata namin. Nakatira pa rin sila sa Lachlane at solid na mga probinsiyana pa rin unlike sa amin na nagpaka city boy and girl na.


"Talaga?! Kumusta naman sila?!"


"They're good. Pero bad news nga lang dahil ikaw na ang pinakamaliit sa ating lahat." Napasimangot ako sa sinabi niya.


"Haist! Oo na! Hindi mo na kailangang sabihin dahil halatang halata naman!" Nakikita ko pa rin naman kahit papano sa pictures ang mga kaibigan namin.


"Babalik nga pala kami doon ngayong sembreak. Do you want to come?"


"Mabuti kung papayag si Tatay. Alam mo naman yun, hindi napapalagay kapag nawawala ako sa paningin niya." Napakamot ako ng ulo ko.

Hindi na ako nakatapak muli sa Lachlane mula nung mamatay si Lola. Yun kasi yung time pinila nalang ni Tatay na pumunta dito sa Alveolar. Gusto niya kasing kumati ng mas malaki at dahil wala namang gaanong trabaho sa Lachlane ay sumugal na siya. Binenta niya ang bahay at lupa namin doon para makapagsimula dito sa siyudad.


"Sus. That's just a very easy problem. Ipagpapaalam kita kay Tito and you can stay in our resort!" Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.


"Weh? Talaga?"


"Oo nga. Ang kulit?" Napapalakpak ako ng umirap siya.

Kapag si Ouie ang nagpaalam kay Tatay, alam kong finish na. Since magkababata kami ay kilalang-kilala niya na ang isang to kaya pumapayag kaagad siya kapag nagyayang maggala si Ouie. Malaki ang tiwala niya sa kapreng to eh.


"Libre kain din ha?"


"No problem. Dwende ka rin naman kung kumain." Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinangiwi niya. "Aray! Napakabrutal mo talaga!"


"Che! Asan na yung ipinangako mong pasalubong ko ha?!"

Dumating na kami sa HUMSS department at napangiti ako ng mapansing bagong pintura ang mga pader ng buildings. May malaking greeting banner para sa balik eskwela at may picture ng principal namin. Nagkalat na din ang napakaraming mga estudyante kaya madugo ang nangyayaring pagkukumpulan sa mga bulletin board para hanapin ang sections nila.


"Ako na bahala humanap sa section mo. Mahirap na, baka malunod ka pa." Balak ko sana siyang hampasin ng bag ko pero kaagad na siyang nakasuong sa dagat ng mga tao.


Iba nga naman talaga ang may kapreng kaibigan. Tumingin nalang ako sa bright side dahil atleast hindi ko na kailangan makisiksik.


Sumandal muna ako sa pader habang pinagmamasdan ang mga estudyante. Parang mas dumami ngayon ang nag-enroll kaysa last year ah. Paniguradong pahirapan at dagdag sakit sa ulo nanaman to sa pagbili sa cafeteria.


"Sunshine! Same section tayo!" Inapiran ko si Ouie pagbalik niya.


"Ayos! May makokopyahan na ako!" Nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng pagsimangot.


"Psh. User."


"Hihi. Hi Source!"


Last year kasi hindi kami magkaklase kahit na sabay naman kaming nagpa-enroll. Nakaka-excite na tuloy ngayong taon dahil sa wakas ay makakatabi ko na ang kaibigan kong pinakamatalino sa buong HUMSS Strand. Soon to be valedictorian din ng batch!


Nasa fifth floor ang classroom namin kaya sinimulan na naming umakyat ng hagdan. Ang sarap magmura ng malutong dahil ito naman pala ang kapalit ng tuwa ko. Feel ko ngayong school year ay wala na talaga akong pag-asang tumangkad dahil sa pagod.


"Hello Sunshine!"


"Uy hello! Musta ang bakasyon?"


May nakakasalubong kaming dating mga kaklase kaya medyo natagalan kami sa pagdating sa fifth floor. May kamustahan at yakapan portion pa aki ng mga naging kaklase ko pero kapag si Ouie ang may kakilala ay tinatanguan niya lang ito.


"Ngayon di na ako magtataka kung bakit wala kang ibang kaibigan." Snob talaga ang isang to kaya napagkakamalang mayabang. Palibhasa matalino kaya siguro hindi niya na kailangan ng mga kaibigan.


"If they really want to be my friend, they will stay despite of my attitude." Napailing naman ako.


Magkaibigan kami pero magkaiba naman kami ng prinsipyo.


Dumating na kami sa classroom at nagsalubong ang mga kilay ko ng wala pa akong makita ni isa sa mga naging close kong kaklase last year. May mga mukha namang familiar at yung iba ay naging kaklase ko noong junior high. Kinawayan at nginitian ko naman ng parang kandidato lahat ng nakita kong pumansin sa akin.


"What are you waiting for, Sunshine? Hindi pa ba tayo uupo?" Hinarang ko kaagad ang kamay ko kay Ouie ng umakto siyang dadaan.


"Teka lang! Wala na halos bakante eh."


Napahawak ako sa baba ko habang tinitignan ang limang upuan sa iba't-ibang parte ng classroom. Nawala na talaga ng tuluyan ang saya ko. Hindi pa naman kami late pero talagang mas inagahan ng mga to ang pagpunta sa school.


"May mauupuan na ako! Pumili ka nalang ng sayo." Napanganga ako ng iwan niya nalang ako sa harapan.


"Taksil!"


Sinundan ko lang siya ng tingin habang sinusumpa siya sa utak ko. Nakita ko siyang umupo sa tabi ni Bryle na kaklase niya rin last year. Nang makasalubong ang mga tingin namin ay kumaway siya na ginantihan ko rin ng ngiti.


Okay. May kaibigan din naman pala ang kapreng to kahit papano.


Tinignan ko isa-isa yung mga posible na maging ka seatmate ko. Wala na akong pake kung pinagtitinginan nila ako pero pinag-iisipan ko talaga ang magiging desisyon ko ngayon. Makakatabi ko siya sa isang buong school year kaya naman kailangan kong makahanap ng taong makaka-vibe ko.


First possible seatmate ay si Gracie na once ko naging kaklase nung Grade 7. Palaayos siya sa sarili niya kaya mas lalong umaangat talaga ang ganda niya. Friendly ako pero never ko siyang nilapitan dahil isa siya sa mga matatalino ng batch namin na napakataray at palaaway.


Napalingon siya sa pwesto ko bago ngumiti. Sinabi naman nilang nagbago na siya pero natatakot akong mahila ang buhok ko. Gumanti nalang ako ng kabadong ngiti sa kanya.


Second seatmate ay lalaking mukhang bading. Greg? Greggy? Nakalimutan ko kung anong pangalan niya pero sikat naman siya sa school dahil volleyball player siya. Napansin kong panay ang pagsulyap niya sa mga boys lalo na kay Ouie pero parang alanganin? Mas mukha pa rin siyang lalaki para sa akin kahit na babading-bading ang kilos niya eh.


Nang magkatama ang mga mata namin ay kumaway siya. Kinawayan ko nalang din siya habang nakangiti.


Third candidate ay babaeng nagpapakalalaki. Si Happy na kilala bilang astiging babae ng buong strand. Di kami sure kung ano talaga siya dahil kung tomboy man siya ay sayang naman ang ganda ng mukha niya. Atsaka mahaba din ang buhok niya pero iba nga lang ang pagkakaupo at mga kilos niya.


Kumakain siya ng lollipop ng magkatinginan kami. Sumaludo siya kaya naman ginaya ko nalang din. Napaka cool talaga ng babaeng to! Siya na nga lang ang magiging seatmate ko!


Nakangiti akong naglakad papunta sa kanya ng dumating ang tatlong hinihingal na mga boys. Kanya-kanya silang pwesto sa tatlong mga bakanteng upuan ng candidates ko kaya agad akong nanlumo.


Sayang naman oh! Mukhang kailangan ko nalang iconsider itong si fourth candidate.


Tumingin naman ako kay fourth candidate na nakasubsob ang ulo sa desk na parang natutulog. Nakawhite siya na polo at mukhang lumaklak ng gluta dahil parang kumikinang ang balat niya ngayon. Hindi ko makita ang mukha niya pero may hint na ako na gwapo at mayaman ang isang to.


Dahil no choice na ako ay pinili ko nalang na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Nakalagay yung bag niya sa uupuan ko kaya dahan- dahan ko itong sinabit sa upuan sa harap niya.


"Wow jansport na real. Big time nga ata ang isang to." Bulong ko.


Nang kumportable na akong makaupo ay nakita kong pare-parehas na nakatitig sa akin ang mga kaklase ko. Bakit parang gulat na gulat sila? Ano bang meron sa katabi ko?

Tatanungin ko sana ang nasa harapan ko ng maramdaman kong gumalaw na ang katabi ko. Nilingon ko siya at parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko ng makita ko kung sino siya.


"H-Hi?" Ngumiti ako ng pilit habang nilalamon na ako ng kahihiyan.



Shet na malagket. Nagkatotoo nga talaga yung hiniling ko!



'Maniniwala ako sa kwintas na to kung makikita ko ulit yung lalaking napagtripan ko kanina. Sa mismong araw na to!"



Ready na akong makarinig ng sunod-sunod na mura mula sa kanya pero tinitigan lang ako ng lalaki bago muling sinubsob ang ulo niya sa desk.



Okay lola. Naniniwala na talaga ako sa werpa ng kwintas na to!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 72.3K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
74.2K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
361K 8.9K 35
[COMPLETED] Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingd...