WE BROKE UP

By izevessiell

7.8K 405 166

Huling taon na ni Kanarrie sa kolehiyo at kung kailan desidido na siyang kalimutan ang dating kasintahan, ay... More

Prologue
Broke: One
Broke: Two
Broke: Three
Broke: Four
Broke: Five
Broke: Six
Broke: Seven
Broke: Eight
Broke: Nine
Broke: Ten
Broke: Eleven
Broke: Twelve
Broke: Thirteen
Broke: Fourteen
Broke: Fifteen
Broke: Sixteen
Broke: Seventeen
Broke: Eighteen
Broke: Nineteen
Broke: Twenty-one
Broke: Twenty-two
Broke: Twenty-three
Broke: Twenty-four
Broke: Twenty-five
Broke: Twenty-six
Broke: Twenty-seven
Twenty-eight
Epilogue

Broke: Twenty

201 8 1
By izevessiell

20

Akala ko ay makakaiwas ako sa kanya sa sumunod na araw. Dahil nagawa ko kahapon at noong mga nakaraan. But when Saturday came ay nadatnan ko siya na nasa tapat ng gate with his hands on his pockets.







Gusto ko sanang pumunta sa library kanina, pero naisip ko na baka magkita kami roon kaya umuwi na lamang ako. But shit talaga, dahil may usapan nga pala kami!







“You didn't reply on my messages so I thought that I should have fetched you instead...”







Noong Wednesday hanggang Friday ay lagi ko siyang tine-text na huwag na akong sunduin at ihatid dahil kasama ko sila Cha. Kahit kaninang umaga ay ni-text ko siya na huwag na akong sunduin. Iniwan ko rin ang cellphone sa bahay at ni-silent. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinitingnan.







Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko na uuwi nga pala ako sa Dene ngayong araw. And damn it, dahil may usapan kami! Nasa loob pa sila Cha at mamaya pa ang uwi, at parang mauuna ako sa kanila ngayon.







Kailangan ko rin na sabihin kay Ken...







Alam kong may kasalanan ako. Kasalanan na hinalikan ko si Prince, na hindi ko man lang siya pinigil o itinulak. It's not Prince fault and I don't want to blame him 'cos partly I want it to. Nadala rin ako! Gusto ko rin na sisihin si Fred dahil kung hindi niya pinaalala sa akin na i-text si Ken ay hindi ko lalapitan si Prince. Hindi sana mangyayari 'yung kiss. Gusto kong mang-blame, gusto kong ilipat ang sisi sa ibang tao pero hindi ko magawa, dahil alam kong ako talaga ang may kasalanan. And shit lang, dahil parang wala akong natutunan sa nakaraan. Hindi ko man lang naisip na baka for the second time ay masaktan ko ulit si Ken.







Right now, I am torn between, will tell him or I'd rather not.







“Do you still want to go home with me?” he huskily said, but it brought a pang on my chest. Alam kong pwedeng alam na niya ngayon because someone told him lalo na't ang mga bisita noong Tuesday night ay karaniwang taga-YU at alam kong hindi lingid sa kaalaman nila na nililigawan ako ni Ken! But, I am hoping na sana hindi pa niya alam. Gusto kong ako ang magsasabi. Gusto ko na sa akin niya malalaman, na sa akin manggagaling.







“Oo...” mahinang sabi ko. Kung hindi lang siya ngumiti ay baka akalain ko na hindi niya narinig.







“Okay, I'll wait you here,” aniya. I nodded and run my way back to the house. I'm disheartening for not letting him in! Pero, hindi ko alam ang gagawin kaya hindi ko na lang siya inalok sa loob.







Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko. Ayoko rin na paghintayin si Ken sa labas, lalo na't sobrang guilty ako.







Hindi ko pa nasasabi kina Cha, wala akong pinagsabihan. Ilang araw ko na rin na iniiwasan si Prince, kahit sila Theo. Ayoko na ulit makagawa ng kasalanan, kaya hangga't maari ay kailangan kong dumistansya sa kanila.







Sinalubong din ako ng mga panunukso nila Cha but I just shrugged it off, bagkus din ay sinabihan ko nalang sila na i-lock ang gate at pinto then ibinigay ko kay Carme ang spare key.







Natataranta ako!







Lalo na noong nadatnan ko si Ken na nasa ganoong pwesto pa rin! Hindi siya tulala, more like nagiisip and I felt guilty even more.







Tahimik akong sumakay sa kotse, kahit noong nasa biyahe na kami. Ganoon din si Ken, pero nagtatanong pa rin ito kung komportable ba ako. Like, kung ayos lang ba ang lakas ng aircon o kung gutom ba ako. At ako naman ay parang ewan kung sumagot, tinatapos agad ang usapan!







Noong malampasan namin ang Arch ng Dene at lumalapit na sa town hall ay hindi na ako nakatiis. Nabibingi ako sa lakas nang tibok ng puso ko. Gusto kong sabihin na ngayon!







“Ayoko munang umuwi...” sabi ko at nagkagat labing tumingin sa kanan ko, para hindi magtagpo ang paningin namin ni Ken at para rin hindi ko makita ang reaction niya.







“Saan mo gustong pumunta?”







“Kung saan kita sinagot noon?” patanong na sabi ko. He just chuckled and answered, “Opo.”







Pinigilan kong tumingin sa gawi niya dahil alam kong anytime ay magbo-broke down ako. Alam ko sa sarili ko kung gaano ko kaayaw na masaktan siyang muli dahil sa akin. Dahil pakiramdam ko ay hindi ako worth it para sa kanya. Gusto kong maging deserving para kay Ken katulad noon, pero habang tumatagal ay parang mas nakikita ko na hindi ko siya deserve at hindi niya rin deserve ang isang tulad ko.







Pero nakakainis lang dahil gusto kong lumaban, ayokong sumuko, hindi ngayon at hindi magpakailanman. Alam kong magiging deserving ulit ako para sa kanya.







Nang makalampas sa Town hall at makarating sa North Capitol ay lumiko si Ken sa kanto pababa sa may Planta. Mendez Power Plant... Ang tagal na noong huling punta ko rito pero natatandaan ko pa rin. Ang saya lang balikan. At kung pwede lang ulit bumalik, gusto kong bumalik sa panahong sixteen years old pa lang ako.







“No. Huwag na tayong bumaba.” Pagpigil ko sa kanya, kahit gusto kong bumaba at mag-reminisce.  Muli naman niyang isinara ang pinto at bumalik sa dating pwesto. Nasa akin na rin ang atensiyon niya at ganoon din ako sa kanya.







“I'm sorry...” mahinahon kong sabi. Nanatili itong tahimik. Nagbago rin ang expression ng kaninang mapungay nitong mata, seryoso na ito ngayon. Ipinagpatuloy ko naman ang sasabihin kahit na sobrang bilis nang tibok ng puso ko. “I kissed Prince noong Tuesday night. Sa party ni Keith. I'm sorry.”







Hindi ko mapigilang pumatak ang mga luha ko. Naiiyak ako sa sobrang guilty. Umiiyak ako dahil baka nasaktan ko ulit siya. Scratch that, nasaktan ko ulit siya for the second time. Hindi man niya amin, wala man siyang sabihin pero alam kong nasaktan ko siya. Dahil kung ilalagay ko ang sarili sa posisyon niya ay baka nasaktan na ako ng sobra.







Iniwas kong muli ang tingin. Ayokong kawaan niya ako. And damn it, ako itong nakasakit pero ako naman itong ukiiyak. No, mas okay nang ako ang umiiyak kaysa siya.







“Kanarrie...” he softly said. Marahan din niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. Hindi ako pumalag. Nag-move rin siya palapit sa akin at marahang pinunasan ang mga luha ko gamit ang thumb niya. Mas gusto ko lalong umiyak!







“Hindi mo kaagad sinabi sa akin,” marahan niya pa rin na sabi habang patuloy na pinupunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak.







“Sorry. I don't have plans to tell you either. But then, I know that you have the right to know.” Tinulungan ko rin siya na punasan ang pisnge ko gamit ang likod ng palad ko.







“Kaya mo ba ako iniiwasan?”







“Yes. I am so sorry...”







“I am waiting for you to tell me that since Wednesday morning,” maingat niyang sabi. Nabigla naman ako. He knew. Damn it! Alam niya na bago ko pa sabihin. Para naman akong binuhusan ng malamig na yelo, dahil nanlamig ako. Pakiramdam ko pa ay namumutla ako.







“I'm sorry.” Kanarrie! Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry?







“Forgiven.” Ngumiti siya sa akin at isinipit sa kaliwang tainga ko ang buhok kong dumikit sa pisnge dahil sa luha.







“No...” nahihirapang sabi ko. Ang sakit lang din sa puso.







“What do you mean?” mahinahon niya pa rin na sabi.







“I keep hurting you. Kaya baka masaktan ulit kita...” Namungay ang mga mata niya kaya ibinaba ko ang tingin, pero hinawakan niya lang ang baba ko at itinaas muli para magka-eye contact kami ulit.







“Listen. You initiated the kiss?”







“No.” But I want it! Damn it. Gusto kong sabihin pero hindi ko nasabi.







“Then it's not your fault...” marahan niyang sabi. Napapikit naman ako noong patakan niya ng halik ang noo ko.







“But still-”







“Kahit paulit-ulit mo akong saktan, hinding hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa'yo. Okay?”







Nakakainis. Alam kong mahal na mahal ko si Ken. He's my first love and I want him to be my last love too. Kaya mas nasasaktan ako kapag nasasaktan ko siya. Ayoko nang maulit 'yung dati, ayokong magkalayo kaming muli.







“Sorry, talaga...”







“I'm sorry din dahil nagseselos ako. I want your kisses to be mine. Only mine. Pero, wala pa nga pala akong karapatan.”







Gusto kong sabihin na may karapatan siya pero hindi ko na lang sinabi. Gusto ko sanang sabihin na girlfriend na niya ako, pero ang wrong timing naman. Ayokong takpan noon ang kasalanang nagawa ko. Gustong gusto ko na siyang sagutin pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa siya deserve and I want to be deserving for his love.







“Please, give me more time...” sabi ko. Ngumiti naman siya at muling hinalikan ang noo ko.







“I can wait...”







God, napaka-swerte ko kay Ken.







Mabilis na lumipas ang mga araw. Ganoon naman siguro kapag masaya ka, bumibilis ang takbo ng oras.







Masaya ako dahil maayos na kami ni Ken. Hindi pa kami, pero alam kong malapit na. Kung sana lang ay mas bumilis pa ang araw, sana mag-bagong taon na. I want to be his girlfriend again sa unang araw ng taon...







“I already group you into two,” my professor in AFAR 2 said. My classmates just groaned including Cha.







May inihandang 10 questions si Sir na kailangan naming sagutan. Next meeting pa naman ibibigay, sa Tuesday, and Friday pa lang ngayon. Ang thrill lang ay magkakaiba kami ng questions, basically hindi kami pwedeng mag-gayahan. Nakaka-inspired tuloy si Sir, napakataba nang utak.







Also, the final week is coming. Pagkatapos nang sumunod na linggo ay umpisa na ng finals. May mga final recitation din kami next week, kaya kailangan naming magsunog ng kilay.







“Austria and Kobe.”







Shit! Napaawang lang ang labi ko nang marinig kung sino ang magiging ka-partner ko. I even froze from my seat. Nakita ko na lang si Prince na tumayo at kinuha 'yung papel na may lamang 10 questions. Hindi niya ako kinausap, bagkus ay dumiretso lang ito sa upuan niya. Geez! Paano rin niya ako kakausapin kung hindi ko naman siya pinapansin? Simula noong nagkausap kami ni Ken ay umiwas na ako kay Prince. Hangga't maaari ay ayokong nakakasama siya sa isang lugar. Kapag kasama siya nila Cha ay hindi ako sumasama, kahit sa pagkain ng lunch at paghihintay for our next class. Alam kong hindi manhid sila Cha kaya kinausap nila ako noong mapansin nila ang pagiwas ko kay Prince and that, sinabi ko sa kanila... Hanggang sa one day, umiiwas na rin sa akin, sa amin, si Prince.







Nanatili akong tahimik hanggang matapos ang klase. Hindi rin ako inasar o tinanong nila Cha, and I am thankful for that.







Pero nakakainis lang! Nakakainis ang tadhana! Ang dami kong kaklase pero bakit si Prince pa? Ang layo rin nang last name ko sa Austria! Kobe ako at Austria siya kaya malayong malayo! Gusto ko tuloy tanungin si Sir kung paano niya kami ni-grupo! Damn it, Kanarrie!







“Kayo?” tanong ni Arlo. Naupo kasi kami nila Cha sa may kubo. Wala na kaming next class at alas-dos pa lang. Pupunta sila sa library, 'yung iba ay uuwi na, pero ako ay wala sa mood.







“Pass muna,” si Cha ang sumagot.







“Puntahan mo ako sa library,” si Adrian kay Cha.







“Yes, babe!” si Cha at tinaboy na si Adrian. Noong nakaraang buwan lang naging sila. Hindi na torpe si Adrian at hindi na rin in denial si Cha na gusto pa rin niya si Adrian. I'm happy for them.







Nang makaalis sila ay kami lang tatlo ang naiwan. Wala pa rin akong naiisip! Ni hindi man lang ako tiningnan ni Prince kanina, kahit tinanong about sa gagawin namin. For fuck sake, we're groupmates!







“You better tell Ken about this, hindi naman 'yun magseselos,” pagbubukas ni Cha ng conversation.







“Kaya namang sagutan 'yun ng one day. Knowing, Prince,” si Carme.







“Totoo! Baka nga nasa library na 'yun at nagsasagot na...” si Cha.







“Kung siya na lang kaya ang magsagot?” pabirong sabi ko.







“Kaya ng pride mo?” natatawang sabi ni Carme. Kilala talaga nila ako. Hindi ko maaatim na binuhat lang ako ni Prince rito sa gagawin namin. Ayokong magkaroon ng utang na loob!







“Tara sa library...” pagyaya ko kina Cha. Niyakap naman nila ako! Tumawa lang ako dahil medyo gumaan ang pakiramdam ko. Thanks to them. Masarap din sa pakiramdam na may nakakaalam ng problema mo at the same time ay pwedeng masandalan. I'm such a lucky one because I have them.

Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 1.2K 38
BL STORY (COMPLETED)
705K 10.5K 46
Bradley Teo Lauchico Sabi nila, the more you hate... the more you love. Kapag aso't pusa, sila iyong mga madalas na nagkakatuluyan. And that's what h...
750K 19.4K 41
Kaelion Vreese "Vree" Castellano is the openly gay SSG President, whose world is a masterpiece of elegance and absolute shimmer. His heart, reserved...
188K 1.8K 44
To care about the opinions of others is to live in a prison you built yourself-but what if caring beyond one's capacity is the only way to keep the w...
Wattpad App - Unlock exclusive features