MEGAN's POV
(Now Playing: Safe and Sound - Taylor Swift Ft. The Civil Wars)
Ang tagal naman ni bi! Sabi nya, saglit lang sya! Hays.
Mapayapa akong naghihintay kay bi hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na pagputok. Malakas ang pakiramdam ko na hindi lang yun basta-bastang putok, kundi putok ng baril.
Ang unang pumasok sa isip ko ay si bi. Nag-alala at kinabahan ako. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sundan sya. Dapat talaga sinamahan ko sya.
Natanaw ko na yung locker room pero natigilan ako sa nakita ko.
Nakita ko si ate Charm na kaharap si bi. Nakaitim sya at parang ibang-iba na ate Charm ang nakikita ko ngayon.
Malayo ako sa kanila kaya hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Pero sa nakikita ko, parang natatakot na si bi habang hindi naman ako makapaniwala sa mga ikinikilos ni ate Charm.
Maya-maya'y nakita ko na pinadaan ni ate Charm sa pisngi ni bi ang....ISANG BARIL?!
Bakit may hawak na baril si ate Charm? Bakit parang hindi na si ate Charm yung nakikita ko ngayon? Sya ba ang nagpaputok ng baril kanina? May masama ba syang binabalak? Babarilin ba nya si bi? Hindi. Hindi ako papayag na barilin nya ang bestfriend ko.
Nakita kong dumistansya na si ate Charm kay bi. Itinaas nya ang kanyang baril at itinapat ito kay bi. Tama nga ang hinala ko na may balak syang barilin si bi.
Kaya walang anu-ano'y tumakbo na ako ng mabilis papunta doon para harangan si bi. Ayoko syang mabaril.
Sobrang lapit ko na kay bi na halos konting hakbang nalang para maharangan ko sya pero may tumulak sa akin na ikinadahilan ng pagbagsak ko sa lupa kasabay na din ng pagkarinig ko ng isang malakas na pagputok ng baril.
"SILVER!!!" malakas na sigaw ko nang matamaan si Silver ng baril ni ate Charm. Nakita ko na niyakap nya si bi sa harapan kaya sya yung natamaan. Nadala si bi sa pagkakabagsak ni Silver sa lupa.
"Wow! Such a great scene!" napatingin ako sa nagsalita na si ate Charm. Nakangiti sya at mukhang napakasaya pa sa nangyari. Ang sama pala nya.
"ATE CHARM! BAKIT MO 'TO GINAWA?! PAANO MO 'TO NAGAWA?! ANG SAMA-SAMA MO!" sigaw ko pero tumingin lang sya sa akin at ngumiti pagkatapos ay naglakad sya papalapit dito.
"Susunod ka na." ang bulong ni ate Charm sa akin na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.
Pagkatapos akong bulungan ni ate Charm ay umalis na sya. Hindi ko muna inisip yung ibinulong ni ate Charm at agad muna akong lumapit kina Silver.
"Waaaaah Silver! Gumising ka!" natatarantang sabi ko nang makita kong nakapikit at wala nang malay si Silver. Ang dami na ding dugo ang nawala sa kanya.
"S-Silver?" sabi ni bi na kamumulat lang. Agad syang bumangon nang makita nya si Silver.
"A-ang daming d-dugo.." umiiyak na sabi ni bi pagkatapos ay nilapitan nya si Silver at hinawakan ang pulso nito.
"Bi, h-hindi sya pwedeng mamatay. H-humingi ka ng tulong. Kailangan natin syang madala sa ospital bago pa sya mawalan ng pulso." sabi pa ni bi.
Natataranta na talaga ako. Saan ako hihingi ng tulong?
Bigla kong naalala si Vester. Oo tama! Si Vester! Tatawagan ko si Vester!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan na si Vester.
"Tsk! Patay yata ang cellphone ni Vester!" inis na sabi ko habang patuloy paring kino-contact si Vester.
"S-sila k-kuya..." naghihingalong sabi ni bi. Teka, anong nangyayari sa kanya?
"B-Bi, okay ka lang?" tanong ko. Nakahawak na kasi sya kanyang kaliwang dibdib at hirap na hirap nang huminga.
"O-oo, o-okay l-lang ako. Ta...t-tawagan mo s-sila ku...k-ku----" hindi na natapos ni bi yung sasabihin nya dahil bigla nalang syang hinimatay! Agad ko syang nilapitan at sinubukang gisingin!
"Biiiii!!!! Dumilat ka biii!!! Gumising ka!" tinapik-tapik ko yung pisngi nya pero wala na talaga syang malay!
Waaaah! Lalo akong nataranta! Pareho na silang walang malay!
Bilis-bilis ko ulit kinuha yung cellphone ko at tinawagan naman si Lucas.
Wala pang dalawang segundo ay sinagot na agad ni Lucas ang tawag ko.
"Duck ko! Pumunta ka dito! Ngayon na!" inunahan ko na syang magsalita.
[B-bakit? Tsaka nasaan kayo ni Princess? Bakit hindi pa kayo umuuwi?]
"Yun nga eh! Nandito pa kami sa school! Kaya pumunta ka na dito, pleeease? Now na, Lucas."
[T-teka lang Megan, hindi kita maintindihan. May nangyari ba? Bakit mo ako pinapapunta dyan?]
"Oo meron! Si bi atsaka si Sil----ay amp*ta!" naputol yung tawag kaya bigla nalang akong napamura. Nakakainis naman kasi! Napaka wrong timing nitong cellphone ko! Ngayon pa na-deadbat!
Eh ano na ang gagawin ko ngayon? Pupunta ba kaya si Lucas dito? Hindi ako sigurado kung pupunta sya eh! Hindi ko naman kasi sya narinig na umoo.
Tinignan ko sila bi at Silver. Napaiyak nalang ako. Paano nalang kung may mangyari sa kanilang masama? Wag naman sana.
Bigla kong naalala yung guard na nagbabantay dito sa school. Oo tama! Doon nalang ako sa guard hihingi ng tulong! Hindi naman kasi ako sigurado kung pupunta pa si Lucas. Atsaka kung pupunta man si Lucas, wala nang oras pa para hintayin sya. Dahil kung hihintayin ko pa sya, baka matuluyan na yung dalawa na syang ikinatatakot ko.
Kaya ginawa ko ang lahat para makatakbo ng sobrang bilis patungo doon sa guard house.
Pero nang makarating ako sa guard house ay nainis ako ng SOBRA!
"HOY MANONG GUARD! GUMISING KA!" walanghiya talaga! Naturingan na gwardya, tapos natutulog?! Yung nakanganga pa talaga tsaka with matching tulo laway pa ha! Yuck!
Sobrang lakas na nga ng pagsigaw ko, hindi parin nagigising yung gwardya! Kaya sa sobrang inis ko, sinapak ko ng malakas yung gwardya sa mukha habang tulog!
Nagulat yung gwardya sa ginawa ko. At ng dahil sa gulat nya, nawasak yung plastic na upuan na inuupuan nya. Ang taba naman kasi.
"Aba! Bastos kang bata ka ah!" galit na sigaw sa akin nitong matabang gwardya.
Pero hindi ko na pinansin pa yung gwardya dahil may narinig ako na busina ng kotse kaya naman nilingon ko yun.
Nakita ko ang isang red-orange na kotse. Ang kotse ni kuya Jazi. Kaya naman tumakbo na ako papalapit doon sa kotse. Narinig kong tinatawag pa ako nung gwardya na sinapak ko pero hindi ko na sya pinansin. Kung balak man akong habulin nung guard, hindi na nya yun magagawa dahil siguradong masakit ang pwet nun sa pagkakabagsak nya mula doon sa nawasak na upuan.
Sabay na lumabas doon sa kotse sina kuya Jazi at Lucas. Mabuti nalang at pumunta sila. At isinama pa ni Lucas si kuya Jazi.
"Kuya Jazi! Tumawag ka ng dalawang ambulansya! Ngayon na!" utos ko agad kay kuya Jazi. Hindi na pwede pang patagalin sila bi at Silver doon, baka kung ano na ang mangyari sa kanila. Good thing dahil may malapit-lapit na ospital dito sa school, kaya madali naming madadala sina bi at Silver sa ospital.
"Dalawang ambulansya?! Bakit? Ano ba ang nangyari?!" tanong ni kuya Jazi. May time pa sya dyang magtanong! Eh hindi na nga pwedeng paghintayin pa sina bi at Silver doon!
"Mamaya ka na magtanong kuya Jazi! Basta tumawag ka nalang ng dalawang ambulansya! Ngayon na!" sigaw ko pero natulala lang sa akin si kuya Jazi. Tsk! Mapapamura nanaman ako nito eh!
"KUYA! NGAYON NA! TUMAWAG KA NA NGAYON NA!" malakas na sigaw ko. Agad nang kumilos si kuya Jazi at kinuha yung cellphone nya sa bulsa.
"Meganphone ko, a-ano bang nangyari? N-nasaan si Princess?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lucas.
"Duck ko, sumama ka sa akin sa loob. Bilis!" hinila ko si Lucas papasok sa school.
"Hoy gabi na. Bawal na kayong pumasok." paghaharang sa amin nung matabang guard. Nakakainis naman oh! Sasapakin ko ulit 'to eh!
"Papapasukin mo ba kami o bubugbugin ulit kita?" pananakot ni Lucas doon sa gwardya. Natakot naman yung gwardya kaya pinapasok na kami.
"Duck ko, tumakbo na tayo ng mabilis! Kailangan na natin magmadali!" tumakbo na ako at hinila ko ulit sya kaya napatakbo na rin sya. Agad kaming nakarating kina bi.
"ANONG NANGYARI SA KANILA?!" gulat na gulat ang reaksyon ni Lucas nang makita sina bi at Silver na walang malay at pareho nang namumutla. Agad na lumapit si Lucas kay bi.
"N-nabaril si Silver sa likod, k-kasi hinarangan nya si bi. T-tapos si bi naman, p-parang nanakit yung dibdib nya at nahirapan syang huminga h-hanggang sa hinimatay nalang sya." sagot ko. Nakita ko naman na umiiling-iling si Lucas habang hawak-hawak yung pulso ni bi.
"Wa...w-wala akong m-maramdaman na pulso ni Princess." umiiyak na sabi ni Lucas.
"H-hindi." lumapit din ako kay bi at chineck din yung pulso nya. Pero katulad ni Lucas, wala din akong maramdaman.
"Biii! Gumising ka bi!!" umiiyak na sabi ko kay bi pero wala talaga.
"P-Princess, gumising ka na please? O-okay lang na bugbugin mo ako kapag nagising kita. B-basta't g-gumising ka lang." umiiyak na pagmamakaawa ni Lucas sa kapatid na ngayon ay yakap-yakap na nya pero wala pa din.
Nilingon ko si Silver, mas malala yung lagay nya. Nabaril sya at marami nang dugo ang nawala sa kanya. Lumapit ako sa kanya para i-check din yung pulso nya.
Wala. Wala din akong maramdaman na pulso nya.
Hindi lang naman si bi yung iniligtas nya eh, kundi pati ako. Dahil kung hindi nya ako itinulak, malamang ako ang nasa lagay nya ngayon.
Narinig ko na yung tunog ng ambulansya kaya tumakbo ulit ako papunta sa labas nitong school. Nakita ko si kuya Jazi pati na din yung mga paramedics. Ni-guide ko sila papunta kina bi.
Pagkadating namin ay agad na inilagay sina bi at Silver sa mga stretchers pagkatapos ay isinakay na sila sa kanilang mga ambulance.
Nang makarating na kami sa ospital ay agad na dinala sina bi at Silver sa emergency room. Bawal naman kami doon sa loob ng E.R. kaya hanggang dito lang kami sa may waiting area. Sana makaligtas sila.
"M-Megan, ano ba ang nangyari sa kanila?" nilapitan agad ako ni kuya Jazi at tinanong. Hinarap ko sya at sinabi ang lahat ng nangyari including si ate Charm.
"S-si Charm? Sinasabi ko na nga ba eh!" galit na sabi ni kuya Jazi kasabay ng pagkuyom ng mga kamao nya. Kitang-kita sa mga mata nya ang galit.
"Tinawagan ko na sina mommy at sina kuya Trion, pupunta na daw sila dito." sabi ni Lucas.
"Megan, yung kapatid ni Silver, natawagan mo ba?" malamig na tanong sa akin ni Lucas. Palibhasa kasi, si Vester yung tinutukoy nya at mainit ang dugo nya dun. Alam nyo na siguro kung bakit. Hays.
"H-hindi eh. H-hindi ko sya ma-contact kanina t-tsaka na-deadbat na rin ako." sagot ko.
"Pahiram ng sim card mo. Ako ang tatawag." malamig ulit na sabi sa akii ni Lucas sabay lahad sa akin ng isang kamay nya.
"Uhh L-Lucas, ako nalang kaya ang tata----"
"Akin na ang sim card mo, ako ang tatawag." madiin na sabi ni Lucas. Nakakatakot na sya kaya ibinigay ko nalang sa kanya yung sim ko.
Kinuha nya yun atsaka ini-insert doon sa cellphone nya. Mabuti nalang at sa sim memory ko naka-save yung number ni Vester.
"Ano ang pangalan nun sa contacts mo?" tanong ni Lucas habang nakatingin doon cellphone nya.
"A-ano...V-Vester.."
Maya-maya'y inilagay na ni Lucas yung cellphone nya sa tenga nya at pagkaraan ng mga ilang segundo ay nagsalita na sya. Mabuti naman at nasagot na ni Vester.
"Hoy kapatid ni Silver, pumunta ka ngayon dito sa ****** Hospital. Nandito ang kapatid mo." dire-diretsong sabi ni Lucas pagkatapos ay agad na din nyang inend call.
Pagkatapos nun ay umupo na kami sa mga upuan dito sa waiting area at hinintay yung mga doctor na umasikaso kina bi at Silver.
Sana okay sila. Sana ligtas sila. Sana walang masamang mangyari sa kanila.
Pagkaraan ng mga ilang minuto ay may lumabas nang doctor...
At sinabi ang mga salitang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I'm sorry..."
.
.
.
"Dead on arrival."
to be continued...
A/N: Wag po muna kayong magalit sa akin. HINDI PA PO ENDING. Pero MEDYO malapit na.
Vote and comment po. Thank you! ^_~