The Night We Met in Intramuros

By Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... More

Prologue
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

01

135 15 24
By Savestron

THE IMPULSIVE INTROVERT

Kielvinson's POV

IF there's one word I would like to use to describe happiness, that'd be the word alone. I don't mind spending a day just by myself. Who cares about quantity if there's no quality? I don't hate people, I just. . . don't like getting along with others. Who knows? Maybe they're kind to me just because they think I need anybody's company-or if I need friends. Certainly not, but I still believe in miracles. So maybe, someday, I'll make some friends.

Kung kaya ko lang pahintuin ang oras, baka hindi na sumapit ang birthday ng kaklase kong bukas ang kaarawan. Gustuhin ko mang hindi pumasok sa klase, kailangan kong magpakita sa teacher namin dahil hindi malabong mapatawag ang magulang ko. Ilan lamang ang mga karumal-dumal na 'yan sa iniisip ko ngayon-o mas mabuti kung sasabihin kong problema ko sa tuwing papasok ako sa school.

Hindi ko alam sa nanay ko, ang aga-aga akong pinahahatid dito. Ano naman kaya ang gagawin ko sa thirty minutes na bakante sa umaga bago magsimula ang klase? Seven-thirty a.m. ang klase pero wala pang alas-siyete ng umaga, nandito na ako. Pero kahit na gano'n, hindi ako nagrereklamo. At kahit madalas akong naiinis, hindi ko kinalilimutang napakasuwerte ko dahil hindi nawala sa piling ko ang aking mga magulang.

That accident caused me and my family a lot of trauma. Akala ko noon, hindi ko na sila makakasama. Akala ko iiwan na nila ako, pero hindi. Lumaban sila, kaya tinatagan ko ang loob ko kahit ang bata ko pa noong mga panahon na 'yon. Si mommy ang nagma-manage ng food business namin dito sa Pampanga sa kasalukuyan, while my dad works abroad, rooting for his promotion.

I barely knew how to spell my parents' names at that time, yet I still managed to recover from that nightmare. But all of those were because of my guardian angel. He was always right by my side, but now, I don't know if I can still remember how his voice sounds-how he looks-because even shadows of him can't be seen by my eyes now. Mula noong araw na inilabas ako ng ospital, hindi ko na siya nakita pa. Hindi na rin niya ako kinausap mula noon. Bigla na lang siyang naglaho matapos gampanan ang kaniyang tungkulin.

Naputol man ang koneksyon naming dalawa, sigurado akong nandiyan pa rin siya at palagi lang nakabantay sa akin saan man ako magpunta. If not because of him, we could've died that day, so I can't just waste my second life-my second chance to live.

Napatingin akong bigla sa aking harapan nang mayroong tumakbo, kaya naantala ang malalim kong pag-iisip habang nakatambay rito sa gazebo ng school, malapit lang sa canteen, kaya maraming estudyanteng dumaraan. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtanto kong halos ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase, kaya kailangan ko nang umalis at magpunta sa classroom.

Pinisil ko ang plastic bottle ng kape na kasalukuyan kong hawak. Ubos na ang laman nito, kaya isinilid ko na sa bag ko ang sketchpad kong nakalapag pa sa tabi ko. Pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa hallway na nagdurugtong sa ABM at STEM Building. Nang may madaanan akong basurahan, itinapon ko na ro'n ang pinagkapehan ko at lumiko na patungo sa hagdan dahil sa third floor pa ang classroom namin.

***

AS usual, Mrs. Rodriguez commended my late arrival. Nasanay na akong kami ang laging "magkaaway" sa klase. Hindi na bago sa akin 'yon, lalo na't ako ang madalas mapalabas ng classroom. Sadyang hindi ako fit sa klaseng ito. I look at things differently, and it's weird for me because that's what makes me weird to them.

Wala man lang sumusubok na kumausap sa akin, kahit pa ang seatmate ko. Pero palaging may naiiba sa lahat-'yong kaklaseng all-around. Railey often sits beside me during our break time, especially lunch time. Sa isang araw, one hour and thirty minutes kong kailangang tapatan ang ugali niya-o tiisin. Sa oras na maupo siya sa tabi ko, dadaldal na siya nang dadaldal, at nagagawa niya 'yon habang kumakain.

Ang set-up namin araw-araw, siya ang daldalera at ako naman, nakatulala lang. Madalas lang akong nakadungaw sa bintana dahil katabi ko lang naman ito. Maganda ang view sa labas dahil kitang-kita ko ang quadrangle ng school, pero nasisira ang moment dahil sa boses ni Railey. Kung hindi pa niya kailangang lunukin ang pagkaing nasa bibig niya, hindi siya tatahimik. Her attitude makes her different among our classmates. If there's a chance that I'll have a friend, it's gonna be her, though I'll need some time to adjust. Kailangan kong masanay sa boses niyang parang hindi na mawawala sa pandinig ko.

Kinuha ko ang isa pang bottled coffee sa bag ko at ininom 'yon habang nakadungaw pa rin sa bintana, kasabay ng pagdaldal ng katabi kong daldalera. Ang kasalukuyan niyang ikinukuwento ay ang pagsagot ko sa tanong ni Mrs. Rodriguez kanina. Akala kasi niya ay hindi ako nakikinig sa klase niya kaya ako ang tinawag para sumagot. Well, totoo naman, hindi ako nakikinig, pero nabasa ko na ang topic namin kanina sa Biology kaya hindi na ako nakinig. Gano'n lang naman 'yon. During class, you only have the right to float your mind in the air if and only if you already know what they're discussing. That's what I believe, at least.

Isa ang paniniwala kong 'yan sa dahilan kung bakit madalas akong mabiktima ng stereotyping. Maraming nakakakilala sa akin bilang nerdy introvert na masama ang ugali-what the heck? Ang hirap sa mga tao ngayon, nauuna silang manghusga kaysa alamin ang katotohanan. Wala naman silang alam pero ang dami nilang nasasabi tungkol sa 'kin. They don't even feed me, yet they're the ones who seem to know everything, when in fact they've only seen the tip of the iceberg.

Mukha lang akong walang pakialam, pero alam ko kung paano ako tingnan ng ibang tao. Siguro, dahil na rin sa ugali ko. Hindi ko naman itatanggi na mukha akong unapproachable. Naikuwento pa nga sa akin ni Railey minsan na may iba raw kaming classmates na ayaw akong maka-group, dahil baka English-in ko lang daw sila at husgahan dahil "matalino" ako. Tinawanan ko lang 'yon noong narinig ko. Another stereotype: Matalino ka kung marunong kang mag-English. Isa pa sigurong dahilan ang pananaw at mga sagot ko sa philosophy class namin. Ako kasi ang madalas tawagin ni Mr. Castillo dahil gustong-gusto raw niyang naririnig ang mga sagot ko-ang mga opinion at say ko sa mga topic.

"Hoy, naintindihan mo ba ang mga pinagsasasabi ko rito?" Naramdaman kong may tumapik sa aking pisngi kaya napapitlag ako. Nawala sa isip ko na recess pala namin kaya katabi ko na naman siya.

Napalingon akong bigla sa kanan ko at natagpuan kong nakatitig lang sa akin si Railey, mukhang naaasar dahil hindi ko na naman pinakinggan ang chika niya. Pero hindi naman lahat, dahil may napakinggan naman ako kahit papaano.

"Nakikinig ako, hindi lang ako nakaharap sa 'yo," sabi ko na lang at hindi pa rin siya gaanong pinapansin. Sana tumunog na ang bell.

"Tse! Sa pagtunganga mong 'yan, hindi malabong ang lalim na naman ng iniisip mo. Ano ba'ng iniisip mo, ha? May imaginary friend ka ba dahil annoying ako?" may halong pang-aasar niyang balik sa akin, at talagang may diin sa salitang "annoying."

Nag-i-imagine ako na mayroong zombie apocalypse sa campus natin, at ikaw ang una kong ipakakagat. "Wala nga akong iniisip-" Napapikit ako nang bahagya sa tuwa dahil narinig kong tumunog na ang bell, hudyat na makakalaya na ako mula sa kadaldalan niya.

Nang nakaupo na ang lahat, saktong bumukas ang pinto ng kuwarto at agad naming nakita si Sir Marco-ang teacher namin sa Contemporary Arts.

Tumayo kaming lahat dahil 'yon na ang nakagawian namin kapag siya ang teacher namin. "Good morning, sir."

"Good morning, class," pagbati niya sa amin bago maupo. "You may take your seats."

One thing about him that I like the most is that we don't fight. Natatawa na lang nga ako kapag naiisip ko ang ilang beses kong pakikipagtalo sa mga teacher namin. Hindi naman ako against sa kanila, it's just that hindi nila gusto ang ugali ko at hindi ko alam kung bakit. I guess that's what makes them pissed off sometimes-or frequently, I must say. Naiiba kasi ako sa mga kaklase ko.

Nang mapansing nakatahimik na ang lahat, nakipagtitigan si Sir Marco sa amin. Base sa tingin niya, alam ko nang mayroon siyang balak ipagawa, pero siyempre, wala akong reklamo dahil forte ko ang arts.

"Last meeting, nasabihan ko kayo na mayroon kayong gagawing artwork for today, right?" Lumingon siya sa gawi ko, pero hindi ako kumibo dahil marami naman akong katabi na puwedeng sumagot. "Mr. Ybañez?"

Umangat agad ang aking kilay nang marinig ko ang pangalan ko. "Um..." Umubo ako nang sadya. "Yes po, sir," sabi ko na lang.

"Bring your materials out." Tumayo siya at naglakad sa gitna ng aisle sa pagitan ng dalawang column ng mga upuan namin.

Sa part na 'to, titingnan niya kung mayroong manghihiram ng gamit dahil ayaw niya 'yon. Medyo against ako sa kaniya dahil doon pero kung 'yon ang rule niya, kailangan naming sundin. Last time, napilitan pa akong ipagamit kay Railey ang bago kong art materials para lang mapaniwala siyang hindi nanghihiram ang babaeng 'yon. Nahuli na kami sa akto, kaya kinailangan kong palabasin na sa kaniya 'yon.

Binigyan lang niya kami ng isang oras upang gumawa ng malayang artwork, kahit anong art. Habang gumagawa kami ng kani-kaniyang artwork, bigla siyang nagsalita para sabihin ang panibago naming assignment. "You have an assignment for tomorrow," panimula niya. "Grab a sketchpad or a bond paper, then create a portrait of your crush, that's it." Nang sabihin niya 'yan, nabalot ng bulungan at tuksuhan ang classroom, samantalang ako ay tahimik at problemado dahil wala naman akong crush. Mukhang ngayon ako magiging lowest sa subject na 'to.

Nang matapos ang oras, isa-isa niyang kinolekta ang outputs namin. Ako ang nakakuha ng highest score at si Railey naman ang pinakamababa, na hindi naman nakakabigla.

Matapos ang klase namin kay Sir Marco, tinamad na akong um-attend ng afternoon class namin. Naka-schedule kasi sa hapon ang mga ayokong subject, kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang umuwi, though alam kong mali. Pagkatapos kaming i-dismiss ni Sir Marco, lunch time na dahil siya ang last subject namin sa umaga. Hindi ko na hinintay pang mauna ang mga kaklase ko na lumabas. Pagkalabas ni Sir Marco ay tumayo na agad ako at lumabas na rin.

Takang-taka si Railey dahil hindi naman ako umaalis ng classroom kapag lunch time. Hinabol pa niya ako, pero mabuti na lang at naharangan siya ng iba naming mga kaklase kaya nawala ako sa paningin niya. Lumiko ako sa hallway papuntang library dahil alam kong doon ang iisipin niyang pupuntahan ko, just in case matanaw niya ako. May isa pang exit malapit sa building namin, kaya 'yon ang pinili kong daanan palabas.

Mukha namang nakikisama ang panahon dahil makulimlim nang makalabas ako ng school. Maglalakad na lang ako pauwi dahil hindi naman gaanong malayo ang bahay namin mula rito. Kung magpapasundo naman ako, malalaman ni Mommy na sinundo ako, kaya ito na lang ang choice ko.

Sa 7-Eleven muna ako pupunta bago dumeretso sa bahay. Bibili muna ako ng kape at doon na rin siguro ako magtatanghalian. Okay naman na kasi ako sa sandwich at iced coffee, baka nga hindi ko pa maubos 'yong sandwich.

Eleven minutes past twelve noon na ako nakarating sa 7-Eleven. Mas mabilis pa sana akong nakarating, kaso hindi ako nagmadaling maglakad dahil hindi naman mainit. Usually, kapag ganitong oras ay maraming tao rito sa loob, pero ngayon, mukhang ako lang ang customer. Kung hindi ako nagkakamali, dadalawa kaming customer dito. Palabas na ang isa nang makarating ako sa counter, at mukhang napasama pa yata ang pagtingin ko sa hawak niyang maliit na paper bag dahil mukhang nailang siya kaya binilisan na lang ang paglabas.

Inialis ko na lang 'yon sa isipan ko. Wala naman akong ginawang masama, tiningnan ko lang 'yong hawak niya. Nang humarap ako sa cashier, iniabot ko na sa kaniya ang bottled coffee at ang sandwich. Pagkatapos magbayad, dumeretso ako sa sulok kung saan naroon ang mga upuan at lamesa. Sa bandang ito ang paborito kong puwesto dahil tago at hindi masiyadong nakikita ng iba pang tao rito sa loob.

Nang makakain ako, lumabas na rin ako dahil lagpas ten minutes din akong kumakain, at parami na nang parami ang mga tao. Habang naglalakad, biglang lumihis ang makakapal na ulap, kaya bigla ring sumilip ang araw. Tumakbo na lang ako dahil wala akong dalang payong ngayon. Malapit na rin naman ako sa bahay, halos isang kanto na lang ang layo, kaya dineretso ko na ang pagtakbo.

Humahangos akong napaupo sa pintuan ng bahay namin nang makauwi ako. Yeah, I won't deny it, hindi ako sanay sa gano'ng mga bagay. Mahina ang katawan ko sa physical activities dahil hindi naman ako pinapayagang makipaglaro sa labas noong bata ako. Nasa subdivision din naman kasi kami, kaya wala akong ibang makakalaro dahil halos lahat ng bata ay hindi pinalalabas.

Sa pagod ko ay napahiga na ako sa sahig, pero napabangon ako nang makita kong nakatutok nga pala sa pintuan ang isa sa mga CCTV camera namin, kaya baka makita pa ni Mommy ang pinaggagagawa ko-mukha pa naman akong tanga. Nakasimangot akong umakyat sa kuwarto ko para magpahinga saglit bago mag-shower.

Habang naliligo, napagtanto kong wala akong dinatnan na kahit na sino. Bakit walang tao rito sa bahay? Pero matapos ang ilang saglit kong pag-iisip, naalala kong Huwebes nga pala ngayon. Wala kaming kasama rito sa bahay kapag Thursday dahil every Friday ang shifting ng mga helper namin. Pero dapat nandito si Mommy, dahil sarado ang restaurant kapag Thursday.

Whatever. Bakit ko pa ba iniisip ang bagay na iyon? Kilala ko naman ang nanay ko. Bigla-bigla na lang 'yong sumusugod sa supermarket kapag bored at saka mamimili ng kung ano-ano. Noong minsan ngang na-highblood iyon ay muntik ko nang sabihin sa driver namin sa isugod si Mommy sa pinakamalapit na supermarket dahil baka iyon pa ang maging lunas.

***

UMUPO lang ako sa study table ko nang makapagbihis ako pagkatapos maligo. Nakipagtitigan muna ako sa sarili ko gamit ang salamin bago mag-isip kung ano ang dapat gawin, dahil ang dapat ko talagang ginagawa ngayon ay maupo sa upuan ko sa classroom at labanan ang sariling lumabas na lang. I made a good decision. May free time ako. Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Kapag ganitong mga oras at wala akong magawa ay pagguhit ng kung ano-ano ang takbuhan ko.

Hinila ko ang drawer ng aking study table at kinuha ang isa ko pang sketchpad. Naalala ko, mayroon nga pala kaming assignment kay Sir Marco.

"Grab a sketchpad or a bond paper, then create a portrait of your crush, that's it."

Napakamot-ulo na lang ako nang marinig kong muli ang sinabi niya kanina. Pero dahil wala pa akong subject na gagawan ng portrait, sinubukan kong mag-isip ng paraan. Pumikit ako at nag-focus. Baka mayroon akong maisip na kahit na sino na puwede kong gawan ng portrait. At hindi nagtagal, nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses ng aking guardian angel na matagal ko nang hindi naririnig, at inakalang nalimutan ko na.

"Think, focus, and you'll see her..."

Nang rumehistro sa akin ang kaniyang sinabi, bigla akong nakabuo ng isang makatotohanang imahinasyon. Napunta ako sa isang lugar na hindi pamilyar ngunit tila malapit at konektado ang lugar na ito sa akin. Nakatayo lamang ako at pinagmamasdan ang lugar. Maya-maya, mayroon akong nakitang dalaga. Nakasuot siya ng puting floral dress. Sa paningin ko, mukha siyang diwata dahil nagliliwanag ang imahen niya. Mabagal ang lahat at tila nanonood ako ng scene sa isang movie na naka-slow motion. Nang magtagpo ang aming mga mata, bigla akong napadilat, kaya bumalik ako sa aking sarili.

Napabuntong-hininga ako nang blangkong pahina ng sketchpad ang una kong nakita. Hindi ko alam, pero napakabilis ng tibok ng puso ko at nag-iinit ang aking katawan, lalong-lalo na ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang nararamdaman ko. Ang gulo, hindi ko maintindihan. Ang hirap ipaliwanag.

Pero dahil sa imahinasyong iyon, nagkaroon ako ng ideya at inspirasyon. Nagsimula na akong gumuhit, at hindi ko namalayang ang iginuhit ko ay ang dalagang nakita ko. Dahil dito, mas lalo kong nasilayan ang taglay niyang kagandahan nang titigan ko ang sketch na ginawa ko.

Napatango na lang ako at napangiti dahil maganda ang pagkakaguhit ko, kaya isinara ko na ang sketchpad, saka ako nagtungo sa kama. Humilata lang ako at ipinikit ang aking mga mata upang pigilan ang sariling isipin ang dalagang nakita ko. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi siya mawala sa isipan ko. Paulit-ulit kong nakikita ang scenario sa imahinasyon kong iyon kung saan naglalakad siya at nakatingin sa akin.

Bandang huli, hindi rin ako nakatiis. Bumangon din ako at muling kinuha ang sketchpad upang minsan pang silayan ang kaniyang mukha na iginuhit ko.

Sa puntong ito, may naisip akong gawin na alam kong hindi ko dapat gawin. Pero mula nang makita ko ang mukha niya, tila ba hindi ko na makontrol ang aking sarili. Alam kong hindi magandang plano ang naiisip ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Natawa na lang ako sa sarili ko nang mapagtanto kong nakapag-empake na ako. Ano ba'ng ginagawa mo, Kiel?

Dahil sa pinaggagagawa ko, naisipan kong matulog na lang. Nagtagumpay naman ako sa plano na matulog. Pero nang magising ako, halos magdidilim na, pero hindi pa rin ako nakakawala sa matinding bagay na nag-uudyok sa akin na gawin ang binabalak ko. The next thing I knew, nakalabas na ako ng bahay matapos kong magmukhang akyat-bahay sa sarili kong bahay habang dala-dala ang backpack kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

"Don't fight it, Kiel." Narinig kong muli ang boses ng guardian angel ko. "Free yourself, let it happen."

"What do you mean let it happen?" sarkastikong tanong ko sa kaniya kaya wala akong natanggap na sagot. "Hindi ko nga alam kung saan ako papunta."

"You do, and you have to trust yourself on this. I can't stop you, but I'll be here to help you..."

"Kapag ako napahamak, kasalanan mo," biro ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad.

Mula rito, tinanaw ko ang aming bahay. Alam kong walang tao, at nakapagtataka na rin dahil wala pa si Mommy. Pero bahala na. Hindi nagtagal, may tricycle na huminto sa tapat ko. Sumakay na lang ako at nagpahatid sa terminal dito sa San Fernando. Suwerte nga ako dahil saktong may sumakay sa kaniya na taga-rito rin sa subdivision kung saan ako nakatira.

Mga malalaking bus ang nadatnan kong nakaparada rito sa terminal. Hindi man ako sanay makihalubilo sa ibang tao, kailangan kong gawin, 'yan ang una kong naisip. Sumakay na lang ako sa bus na papuntang Cabanatuan.

Nang maupo ako sa gawing dulo ng bus, biglang nag-ring ang cell phone ko, tumatawag si Mommy. Tinatanong niya kung kumain na ba ako. Male-late raw kasi siya ng uwi dahil dumaan pa siya sa kaibigan niya. Sinabi ko na lang na huwag siyang magmamadali dahil safe na safe ako sa bahay. Mabuti na lang nga at hindi siya masyadong nagtanong, kaya hindi ako nahirapang magpalusot.

Maya-maya, bigla na lang rumehistro sa isipan ko ang mukha ng dalagang nakita ko sa aking imahinasyon. Dahil dito, napagtanto kong siya ang dahilan ng lahat ng ito, kung bakit ko ginagawa ito. Gusto kong mapatunayan sa sarili ko na totoo siya, at sana... magtagumpay ako.

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
13.2K 1.1K 53
Mortal Series 4: Kieran Pilantro Crimson cover not mine.
2.6K 192 32
Zandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She w...
26K 2.3K 33
~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's...