Past and Future

By DarkPncyl

221K 5.5K 280

BOOK THREE OF SWEET BACHELOR SERIES |Rated SPG Matt is a gorgeous man. All woman was easily captivated by his... More

Synopsis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter

Chapter 1

14.8K 253 5
By DarkPncyl

"YAYA, IKAW na ang bahala maghanap ng bagong katulong ha." Aniya. Aalis na kasi ang pinagkakatiwalaan niyang katulong bukas dahil nga may edad na rin ito. "Pupuntahan ko kasi ngayon si Marc."

"Sige ho, sir Matt." Nakangiting wika nito. Limang taon din itong nagtrabaho sa kanya kaga masasabi niyang napamahal na siya rito. Alam nito lahat ng pinagdadaanan niya sa buhay. "May nahanap na rin ho ako."

"Talaga ho?" Gulat na na tanong niya. 'Ang bilis naman.'

"Oho. Yung pamangkin ko ho kasi ay naghahanap ng trabaho. E wala siyang mahanap kaya pinilit niya ako na siya na lang ang pumalit sakin dito." Sagot nito habang nililinis ang sala. "Pansamantala lang naman ho 'yon, sir. Kapag nakahanap na siya ng trabaho e aalis din ho siya sa pagiging katulong."

"Ah, sige ho. Tutulungan ko siyang maghanap ng trabaho." Sabi niya habang nakangiti ng malamig.

"Ay nako, sir. Maraming salamat ho." Pasalamat nito at tumango lang siya. "Paniguradong matutuwa 'yon kapag nalaman niya ito. Maraming salamat ho ulit, sir."

"No problem, yaya." Aniya at kinuha ang cellphone sa center table. "Sige ho, aalis na ho ako. Baka hinihintay na ako ni Marc."

"Mag-iingat ho kayo, sir." Pahabol nito habang naglalakad na siya palabas ng bahay.

Nang makalabas siya ng bahay pati na rin sa gate ng bahay niya, mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot 'yon patungo sa Dev-Laux Restau. Do'n sila magkikita ni Marc at alam niyang naghihintay na 'yon sa kanya.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na rin siya sa restaurant dahil ilang minuto lang naman ang byahe papunta ro'n galing sa village.

Pagpasok niya sa restaurant nakita niya agad si Marc na nakaupo na sa pinareserve nitong table at nakatutok lang ang mata sa cell phone nito.

"Hey." Tawag pansin niya rito. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti. Umupo siya sa kaharap nitong upuan at tinago naman nito ang cell phone nito kanina.

"Umorder na ako kanina habang hinihintay kita." Biglang sabi nito. Tumango lang siya at sumandal sa upuan. "So, ready ka na ba bukas?"

"Ikaw ang ikakasal bukas, Marc. Hindi ako." Sarkastikong wika niya at ininom ang tubig na nasa baso. "Kung may dapat mang tanungin rito ay ikaw 'yon. Ready ka na ba bukas? Pwede ka pang magback out."

"Gago. Mahal ko si Unyce at hindi ako magbaback out sa kasal namin." Mayabang nitong sabi. Kahit lalaki siya napapairap pa rin siya. "Alam mo, kung ako sayo maghahanap na ako ng babaeng pwedeng mahalin. Hindi 'yung nagkukulong ka sa bahay mo at umiinom araw gabi."

"Tsk. Sakit lang sa ulo ang mga babae." Sabi niya. Tinaas niya ang kamay para kunin ang atensyon ng waiter. Agad naman na may tumalima na waiter. "Our order, please."

"Yes, sir Devien." Wika ng waiter at mabilis na pumasok sa kitchen. Binalik niya naman ang tingin kay Marc.

"Hindi naman lahat ng babae sakit sa ulo e." Wika nito kaya biglang tumaas ang isang kilay niya. "Tignan mo si Unyce. Matigas ang ulo niya minsan kasi buntis pero dahil mahal ko siya, hindi kailanman sumakit ulo ko sa kanya."

"Ulo sa taas hindi. Pero ulo sa baba, oo." Sabi niya habang nakangisi. Pinanliitan naman siya nito ng mata. "What? Totoo naman ah."

"You're so nude, man." Wika nito na ikinatawa niya ng mahina.

'Minsan lang ako tumawa kaya manahimik kayo.'

(-.-)

"Aminin mo na. Masakit naman talaga." Aniya habang tumatawa ng mahina.

"Tarantado. Ang bastos ng bunganga mo ulol." Nakangusong wika nito.

Dumating na ang order nila pero nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa kasal nito bukas.

Actually, they've been together for six months. At ngayon lang ng mga ito napagdesisyunan na magpakasal. Masyado kasing maaga kung ikakasal ito agad kaya mas minabuti ng mga ito na huwag muna.

"Tingin mo makakapunta si dad bukas?" Tanong nito sa kanya kaya napatigil siya sa pagnguya. "I mean, busy siya sa work at nasa Italy siya ngayon. Tingin mo he'll make it?"

"Of course." He said with a smile to cheer him up. Yeah, their dad is busy at work. And he's not even here in the Philippines. But he know he'll come. "Dad will come."

"Yeah." Parang hindi kumbinsidong wika nito. "I want him to see me get married to the woman i love the most."

"He'll come, Marc." Seryosong sabi niya. He have he's words. "I know he'll come. And besides, you're his son. We both are."

"Thanks, man." Anito at ngumiti lang siya.

NASA KWARTO ngayon si Margaux at inaayos ang nga gamit na dadalhin niya bukas. May trabaho na kasi siya bukas bilang katulong at excited na siya. Sita kasi ang papalit sa Tita niya sa pinagtatrabahuhan nito kasi may edad na rin ito.

At isa pa, pansamantala lang naman 'yon. Habang nasa manila siya maghahanap siya ng trabaho para makatulong siya sa pamilya niya. Ang ama niya kasi ay sumasakit na ang likod sa kakatanim ng palay sa bukid nila tapos ang ina naman niya ay nagkakarayuma na. Yung dalawa niyang kapatid ay kailangan makapagtapos ng pag-aaral.

Siya pa lang ang graduate sa kanilang magkakapatid. Ang kapatid niyang si Marah nasa elementary pa lang at si Miguel naman ay nasa high school na. Siya na lang ang inaasahan ng pamilya kaya kailangan kumayod siya.

"Ate?" Tawag sa kanya ng kapatid niya. Kumatok ito sa pinto ng kwarto niya bago pumasok. Tumingin naman siya rito at ngumiti. "Si Tita Nora hinahanap ka."

"Nandito na si Tita?!" Gulat na tanong niya. "Di ba bukas pa siya uuwi dito?"

"Sa telepono kasi, Ate." Natatawang wika ni Marah at pinanliitan niya lang ito ng mata. "Dalian mo daw kasi may gagawin pa siya."

"Oo na." Sabi niya at nauna nang lumabas ng kwarto at bumaba. May second floor sila pero tatlong kwarto lang ang meron tapos maliit pa. Pagbaba niya ng hagdan dumeretso siya sa telepono at inabot 'yon. "Tita, bakit po?"

"May magandang balita ako sayo." Masayang sabi nito sa kabilang linya kaya naexcite siya. "Sabi ni sir tutulungan ka daw niyang maghanap ng trabaho dito sa Manila."

"Talaga po?!" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Ang bait pala ni ser."

"Hindi lang mabait, sobrang bait pa." Masayang wika nito. "Oh siya, may lilinisin pa ako ha. Agahan mo bukas ang pagpunta dito. Para hindi ako abutin ng gabi pag-uwi d'yan."

"Opo, Tita." Sabi niya na bakas ang saya sa boses. "Salamat, Tita."

"Sige, sige. Paalam." Pinatay na niya ang tawag at bumalik sa kwarto niya at inayos ang gamit niya.

Sobrang excitement ang nararamdaman niya ngayon! Grabeee!

'Mabait pala 'yung magiging boss ko e.'

Biruin mo, tutulungan pa siyang maghanap ng trabaho.

Buti na lang talaga nalaman niya na aalis na ang Tita niya sa trabaho nito kaya pinilit niya ang magulang niya na siya na lang ang papalit kay sa Tita niya sa trahabo.

*flashback

"Anak, alam mo bang uuwi na dito ang Tita mo sa makalawa?" Wika ng kanyang ina habang sabay-sabay silang kumakain.

"Talaga, Nay?" Tanong niya tapos mabilis na nilunok 'yung nginunguya. "E di, maghahanap po sila ng bagong katulong?"

"Ganoon na nga, anak." Wika ng ama niya kaya natuwa siya.

"Ako na lang. Para po may trabaho ako at makatulong na ako dito sa bahay." Natutuwang wika niya. Tinignan niya ang mga ito ng nakapuppy eyes.

"Hindi na anak. Magtatrabaho kami ng Nanay niyo ng maayos wag ka lang magtrabaho bilang katulong." Wika ng kanyang ama.

"E, Tay, halos sumakit na magdamag ang balakang niyo kakatanim ng palay at si Nanay naman halos rayumahin na kakatrabo sa palengke." Singit ni Miguel. Pangalawa sa kanilang magkakapatid.

"Hindi pa rin pwede. Delekado ang Manila para sa ate niyo lalo na babae siya. Maraming loko sa Manila." Ani ng kanyang ama. Kailangan talaga ng lambing nito e.

"Tay, sige na." Lumapit siya sa ama at niyakap ito sa gilid. "Gusto kong tumulong sa inyo sa pagtatrabaho. Para san pa ang paggraduate ko kung hindi naman po ako magtatrabaho. Pangako, mag-iingat po ako sa Manila at habang nando'n ako, maghahanap ako ng trabaho. 'Yung sa office."

"Pero nag-aalala ako para sayo, Marga." Wika nito na bakas sa boses ang pag-aalaa.

"Huwag kang mag-alala, Tay. Mag-iingat ako." Sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay niya at nangako. "Pangako, mag-iingat ako sa Manila at tutulungan ko po kayo sa pagtatrabaho. Ako rin po ang magpapaaral kila Marah at Miguel."

"Gilbert, mahal, payagan mo na ang anak mo." Singit naman ng ina niya tapos nilambing din ito. "Malakas ang anak mo. Magtiwala ka lang sa kanya. Tama si Marga, pasasaan pa ang pagtatapos niya ng kolehiyo kung hindi mo naman pagtatrabahuhin. Wala naman maayos na trabaho dito."

"Hay, oh siya, basta mag-iingat ka do'n." Wika ng ama niya kaya napangiti siya ng malapad at niyakap ito ng mahigpit. "Huwag naman masyadong mahigpit ang yakap, anak. Baka mawalan ako ng hininga."

"Ay, sorry, Tay." Niyakap niya ulit ito at hinalikan sa nuo. "Makakatulong na din ako dito sa bahay."

*end of flashback

Ang hirap pa naman pilitin ng ama niya minsan. Kailangan mahaba ang pasensya mo at dapat marunong kang lumambing.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit, nahiga na siya sa kama at nagpahinga. Maaga pa siya bukas.

'Goodbye province, hello Manila!'

(^____^)

A/N: Hi everyone, I'm back hahaha. Hindi ako makaka-update araw araw kasi madami akong modules na sasagutan. Sobrang kapal pa leche. Sakit sa ulo legit. Parang puputok na ugat ko sa utak.

By the way, enjoy reading everyone.

Continue Reading

You'll Also Like

191K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
10K 241 34
I'm 20 and his 27. I'm a student while his professor. Unfortunately, fate finds its way for us to meet, and that is because of our families' agreemen...
24.5K 211 33
MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED The Villarreal family was known as the third richest in the world. Even the Villarreal Business Empires are known i...
333K 12.5K 21
Jane Rogers never meant to save the Mysterious, Vincent Marino, from bleeding out; but what she really never expected was for him to want to 'Repay h...