STS #2: Give Me More

By Missflorendo

2.2M 47K 12.8K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57

Kabanata 41

21.8K 1K 251
By Missflorendo

Angel's note: 500 votes and I'll post the next update. Kaya sa nga mahiyaing silent readers d'yan kahit vote na lang magparamdam kayo. Hahahaha. Labyu.

***

Kabanata 41

Kulang na lang ay gumulong ang mga mata ng China Doll na 'to sa pag-ikot nang magtama ang mga tingin naming dalawa. Aba syempre nagpatalo ba 'ko?! Kung sa pang-iirap lang ay expert ako d'yan. Praktisadong Allyson yata ang mga mata kong 'to!

"I'll just comeback when you're done with your guest," matabang na sabi nito at nilagpasan kami. At bago ito tuluyang makalabas ng pinto, tinama 'ko ang mali sa sinambit nito.

"Correction—his fiancée, not his guest."

Napahinto ito ng ilang segundo bago nakangising lumingon muli sa akin.

"Will you stop assuming, Portia? Wala ng media para i-record 'yang kasinungalingan mo. Stop involving Sam in your life issues." She looks so irritated with me. Gusto ko tuloy matawa.

"Luh? Di naman ako nag-a-assume." Nakanguso at naka-puppy eyes akong tumingala kay Fyuch. Hinawakan ko ang kamay niya at saka itinaas. "We're really engaged." tukoy ko sa singsing na suot naming dalawa.

Parang nakita kong nangalahati 'yung blush on sa pisngi ni Jenny sa pamumutla. Mabilis itong nakarating sa harapan namin para tignan ng malapitan ang aming mga kamay.

"What the hell, Sam? Are you not yet done playing with her?"

May usok yata akong naramdaman na lumabas sa magkabilang tenga ko. Anong tingin niya sa 'kin?! Pampalipas oras lang ni Fyuch?! Aba't talagang inuubos ng babaeng 'to ang pasensya 'ko!

Mahigpit kong kinuyom ang mga kamao ko pero hinawakan iyon ni Fyuch para kalmahin ako. Napapikit ako ng mariin. Mahabaging Bathala, pigilan n'yo 'kong makasapak ng kapwa ko babae at baka masira ko ng wala sa oras ang mukha ng China Doll na 'to.

"Portia is really my fiancée, Jenny. Whatever you saw in the news were not true."

"What the hell? Y-you're marrying... that woman?" she asked in a serious tone. Her piercing gaze bored a hole on my forehead already.

"Yes, he's marrying me," pangungunang sagot ko. "Pero 'di ka invited. Bawal kasi sa simbahan ang mga bad spirit na katulad mo."

Pikon na napabuga ito ng hangin. "I can't believe you let yourself be fooled by that woman."

"Watch your words, Jenny. You're not referring to just a simple woman. Disrespecting my fiancée means disrespecting me as well."

Umawang ng malaki ang labi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. This... this is the first time someone defended me. And it felt so good. But don't get me wrong. Hindi kasi ako ang tipo ng babae na nagpapaapi. Kapag inagrabyado ako, lumalaban ako ng patas. Hindi ko kailanman kinailangan ng tagapagtanggol at hindi ko rin naman pinangarap 'yon.

Pero gan'to pala 'yung pakiramdam. Parang ang sarap magpaapi. Char!

"I hate you, Sam." Tinapunan kami nito ng matatalim na tingin bago padabog na lumabas.

"I hate you, Sam." I said, mimicking her voice. Tumaas na naman ang isang sulok ng labi ni Fyuch. Sobrang amused na naman siya sa pag-a-attitude ko. "Problema nun? Masyadong patay na patay sa 'yo." Nauna akong lumakad at kinuha iyong dala kong lunch sa lamesa niya.

Sumunod naman siya sa 'kin sa receiving area. "Wag mo na lang pansinin."

"Wag pansinin? Eh, kung 'di pa 'ko dumating mukhang plano ka ng pakainin ng mga bola bola niyang fake!" Kusang umikot na naman ang mga mata ko kahit 'di niya nakikita.

Pabagsak akong umupo sa couch.

"But I will only eat yours... only yours, Portia Deanna," he said with a huge grin on his face.

My brow arched. "Just reminding you na ang pagkaing dala ko ang lunch mo. Hindi ang kung anumang tumatakbo d'yan sa utak mo."

At parang wala rin akong sinabi sa ginawa niya! Dahil sa isang iglap lang ay literal na ako yata talaga ang balak niyang gawing tanghalian!

"Your jealousy turns me on, baby."

"Fyuch, tama na...baka may pumasok bigla." I gasped when he playfully sucked my nipple.

"Don't worry...my secretary knows... that no one can disturb me when you're here," he said while kissing my mounds.

"You're so naughty, Attorney."

Kinailangan ko pa tuloy ayusin ang sarili ko sa cr after ng making out sesh namin sa sofa. Pagbalik ko ay kinakain na niya iyong dala kong lunch. Inirapan ko siya ng magtama ang mga mata namin habang gutom na gutom siya sa pagkain.

"Inuna pa kasi ang kaharutan. Nagutom ka tuloy."

"That's not kaharutan. That's what you call appetizer, baby."

"Dami mong alam."

Pinanood ko lang siyang kumain dahil tapos na 'ko before ako pumunta rito. Nakakatuwa siyang panoorin na enjoy na enjoy sa mga luto ko. Simple lang ang kasiyahan ng lalakeng 'to bukod sa 'kin—pagkain. 

Mas gusto niyang pinagluluto ko siya kaysa kumakain kami sa labas. Di ko nga alam kung ginogoyo na lang niya ba 'ko minsan dahil kahit anong kainin namin sa labas, wala pa ring nakatatalo ng luto ko sa panlasa niya. Lagi niyang sinasabi na sana pinagluto ko na lang daw siya. Kaya kahit pagod ako ngayon galing ospital, nag-decide akong lutuan siya para makabawi man lang sa mga ilang araw na hindi ako nakakuwi.

Magising lang talaga ngayon si Kairo, lubusan nang mapapanatag ang kalooban ko. Wala akong gaanong alalahanin ngayon sa kaso laban kay Pablo dahil maganda ang kinalalabasan ng arraignment nito.

Marami kaming hawak na ebidensya.

Atty. Zenobius North Agravante is working really hard on the case. Tama nga ang sinabi ni Fyuch na magaling ito. Tho pinagpipilitan pa rin ni Zeno na mas magaling pa rin si Sam. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Pero gayunpaman, ayoko pa ring magpakapanatag hangga't wala pang verdict na mabubulok na ng tuluyan ang hayop na Pablo na 'yon sa kulungan. Knowing that his family can do all the dirtiest tricks in the world just to get him out, we can't let our guards down. Sa ngayon ay hawak nilang lahat ang mga witness. We only have Kairo, but he's still unconscious.

"Portia? Is that you?"

Inabot ko ang order kong hot choco sa counter bago nilingon ang pamilyar na boses ng lalaki. Malapad ang ngiti nito pagkaharap ko sa kanya.

"Captain! Long time no see!" Nakita yata niyang hirap na hirap ako sa bitbit kong mga libro at folders kaya't walang alinlangan niyang kinuha ang mga ito sa 'kin. "Thank you."

"Bakit daig mo pa ang estudyante dito sa mga dala mo?" tanong niya habang papunta kami sa isang vacant table. Balak ko sanang bumalik na sa office pero since nandito naman si Captain, dito ko na lang tatapusin ang break ko.

"Pinag-aaralan ko kasi currently 'yung company ni Dad. Alam mo bang suspended ako ngayon sa PBN?" nakalabi akong umupo sa katapat niyang seat.

"Nabalitaan ko nga. Kaya pala 'di na kita napapanood."

"Pinapanood mo 'ko??"

"Oo naman," derechong sagot niya. "Ikaw nga lang pinapanood ko sa TV."

Muntik akong masamid sa paghigop ko ng inumin ko. Nagpanic tuloy si Captain dahil akala niya'y napaso ako. Nag-aalalang inabutan niya 'ko ng panyo.

"T-thank you."

"Magdahan dahan ka kasi. Ang init init pa niyan."

"Nambibigla ka naman kasi d'yan," paninisi ko pa sa kanya.

"What is so surprising about it? Totoo naman 'yung sinabi ko. "

Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko at pagkatapos ay napatingin ako sa kanya.

"Hala, Captain, nadumihan ko 'yung panyo mo." Ang ganda ganda pa naman at mukhang pasadya pa. "Labhan ko muna bago ko ibalik sa 'yo, ha?"

"It's okay. Sa 'yo na lang."

"Nyeeek. May nakasulat kayang Alavarez. At saka mukhang regalo pa 'to sa 'yo," sabi ko habang pinagmamasdan ito sa kamay ko.

He ordered food since hot choco lang 'yung binili ko. Then we talked about random things. Catching up lang like friends na matagal hindi nagkita. Iniwasan namin parehong mapag-usapan ang tungkol sa kaso ni Pablo dahil pansin din yata niya na ayokong buksan muna ang tungkol doon.

Before mag 1pm hinatid niya 'ko sa tapat ng MGC. Nilakad ko lang kasi 'to kanina since malapit lang. Kaso biglang taas ng sikat ng araw kaya pumayag na 'kong magpahatid.

"Portia, kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo," salubong na sabi ni Mr. Champ bago pa 'ko makapasok sa office ko. Yes, may sarili akong office at ni-request ko iyong medyo malayo sa opisina ni Dad.

"Bakit daw po? Nand'yan pa ba siya?"

"Kakaalis lang. Nagkasalisi kayo. Pero binilin niyang pumunta ka bukas ng umaga sa Ilocos." May inabot itong invitation sa 'kin na binuksan ko naman agad.

"Birthday party?"

"May birthday salubong si Senator Dela Vega. Personal niyang ni-request na gusto ka niyang makita roon."

Ilang segundo kong tinitigan lang ang hawak ko bago muling bumaling kay Mr. Champ. "Sige po pag-iisipan ko. Marami pa kasi akong dapat tapusin." Nginitan ko ito bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Habang nagtatrabaho ay hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa party bukas. Ayoko sanang pumunta kaso nakakahiya naman kay Tito Clarence kung personal pa 'ko nitong ni-request. At saka parang gusto ko rin siyang makausap para makapagpasalamat ako sa pag-intindi niya sa desisyon kong 'wag ituloy ang pagpapakasal sa anak niya.

Hanggang sa pag-uwi ko sa condo ay pinag-iisipan ko pa rin 'yon ng mabuti. Hindi na pala ako nagpasundo kay Fyuch dahil biglang may binigay na sasakyan sa 'kin si Dad kahapon. Gulat nga 'ko pagkakita sa BMW i8. Muntik ko pa nga itong hindi tanggapin dahil mas bet kong hatid sundo ako ng bb ko. Kaso naisip ko na napakalaking abala ko na sa kanya.

Pagdating ko sa condo wala pa siya. Hindi naman siya nagsabing gagabihin kaya nagluto na lang ako ng dinner namin para may food na agad siya. After kong makapagluto ay nagligpit ligpit na rin ako habang hinihintay siya.

Nang matapos ako sa ginagawa ay saktong narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Kaya kahit naka-apron pa ako ay sinalubong ko na agad siya. Kaso nawala ang malapad na ngiti ko pagkakita sa pagod na pagod niyang itsura. Hindi naman nabawasan ang kagwapuhan niya but he really looks tired and lacks sleep.

But when we looked at each other, a smile quickly flashed on his lips. He loosened his tie as he walked closer to me. And when he stopped in front of me, he slowly wrapped his arms around my waist, resting his chin on my shoulder.

"Mukhang pagod na pagod ka," bulong ko at ginantihan siya ng yakap.

I felt him nodded. "Pero hindi na 'ko pagod ngayon. Nakita na kita."

Nagawa na naman niyang tunawin ang puso ko nang walang kahirap hirap! Sa simpleng mga salita lang niyang 'yon ay nagwawala na agad ang damdamin ko. Napakarupok naman talaga ng sistema ko pagdating sa lalakeng 'to! Gusto ko mang magpakatatag, nanlalambot agad ako!

Tumawad pa siya ng ilang minutong yakap para daw ma-full charge siya ng husto bago tuluyang humiwalay. Kaya naman habang nasa shower siya, inihanda ko na ang lamesa. Paglabas niya ay sinaluhan na agad niya 'ko sa hapag.

"Fyuch, may importante ka bang gagawin bukas?"

"Hindi ko pa alam. Di pa 'ko nagche-check ng sched. Why?"

Nilaro ko ang kutsara ko sa pinggan at nanatiling nakatingin doon. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan pero hinayaan ko na lang ang bibig ko kung saan niya gustong magsimula.

"Pinapapunta kasi ako ni Daddy bukas sa Ilocos. Tito Clarence wanted me to attend his birthday party tomorrow night. And gusto ko rin sana siyang makausap... para mag-thank you." Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka nag-angat ng tingin sa kanya. His eyes were intently looking at me. "Can you come with me?"

"Hindi naman ako invited."

"I'm inviting you. At saka nakalagay naman sa invitation na pwedeng magsama," muntangang palusot ko. "And besides, hahayaan mo ba 'kong maki-party doon mag-isa?" Hinaluan ko pa ng tono ng pagtatampo ang boses ko.

Nakita ko ang malalim na paghugot niya ng hininga at para bang na-lowbat ulit siya. Mukha na siyang pagod at inaantok, but he still managed to give me a smile.

"Okay, fine. I'll accompany you."

Yes! Hindi rin niya 'ko natiis! Ayoko namang agawin siya ng isang araw sa trabaho niya pero tingin ko ito na 'yung pinakahihintay naming pagkakataon para malinaw ko 'yong misunderstanding sa pagitan naming dalawa sa publiko.

Siguradong iba't-ibang malalaking mga tao ang nandodoon. At nasisiguro ko rin na hindi mawawala ang media. Isang napaka-perpektong pagkakataon no'n para ipakilala ko sa lahat ang tunay kong fiancé... ang tunay kong mahal.

Nag-ayos kami ng gamit after naming kumain. Isang gabi lang naman kami doon kaya kaunti lang ang dala namin. Tinawagan din ako ni Daddy para i-remind na hindi ako pwedeng mawala bukas. Tsk. Nandoon na pala siya at dapat pala ay isasama na ako nito kanina. So, buti na lang 'di niya 'ko inabutan.

"Bili muna tayong food? Baka gutumin tayo sa byahe," sabi ko pagkalabas ng sasakyan namin sa condo.

Kotse niya ang dala namin dahil ayaw niyang magpa-drive kami. Nagpumilit pa nga ako kase alam kong malayo ang byahe at mapapagod lang siya. Kaso kelan ba 'ko nanalo sa pakikipagtalo sa lalakeng 'to?

"What do you wanna eat? Shall we grab food from your favorite resto?"

"Drive thru na lang tayo para mas mabilis. Baka ma-traffic pa tayo."

"Okay."

Nag-inat inat ako sa upuan ko habang humihikab. Feeling ko kulang pa 'yung tinulog ko na 6 hours sa lahat ng pagpupuyat ko nang mga nakaraang araw.

"Why don't you sleep first?" he asked and glanced me for a moment.

"Ayoko. Baka mainggit ka at makatulog habang nagda-drive." Kapag kasi gumagala kami ng mga pinsan ko at ako ang naka-assign na mag-drive, badtrip na badtrip ako kapag tinutulugan nila 'ko dahil inaantok din tuloy ako. Kaya 'di ko gagawin 'yun kay Fyuch.

"I'm okay. I had enough sleep. Unlike you, you look like you're about to sleepwalk," he said. His face was still impassive.

A playful smile appeared on my lips when I thought of something that will wake us both. I fished for my phone inside my bag when he suddenly gave a meaningful look. Iyon bang parang wala siyang tiwala sa susunod na gagawin 'ko.

At nang marinig na niya ang pag-connect ko sa music player niya, tuluyang napabuntong hininga na siya. Hindi ko napigilan ang pagtawa ko ng malakas sa itsura niyang animo'y parurusahan na naman!

"Pampagising natin 'to, Fyuch."

"Ewan ko sa 'yo."

"At saka don't worry, hindi 'to sexbomb. Viva Hot Babes naman 'to."

"Whatever. I'm sure their songs still reflect your whole being."

"HAHAHAHA. Gago ka!" Sinapak ko siya sa braso pero tawang tawa kami pareho! Napamura na lang siya nang mag-start na 'yung new playlist ko at sabayan ko ito.

"I-shoot mo, i-shoot mo,

I-shoot mo na ang ball!

I-shoot mo na ang ball,

Ang sarap mag-basketball!"

Umakto pa 'kong nagshu-shoot ng basketball sa direksyon niya kaya tawang tawa siya lalo. Kunwari pang ayaw niya sa playlist ko pero enjoy na enjoy naman siya! Ako naman, heto feel na feel ko 'yung pagso-solo concert ko.

"Basketball, basketball

Exercise namin ay basketball

Papagurin ka, hihingalin ka

Lalabas ang pawis mo sa basketball"

"Tanginang kanta 'yan," bulong niya pero rinig ko naman. Di ko tuloy alam kung tatawa muna 'ko o itutuloy 'yung kanta ko! Sa huli ay pinagsabay ko na lang.

"Basketball ang laro na gusto ko

Laro na gusto mo, laro na gusto n'yo

Basketball ang sports ng boyfriend ko

Kahit nakapikit, shoot walang sabit

Ang sarap-sarap-sarap mag-basketball Shoot that ball, ah!"

Puro kami kwentuhan at tawanan buong byahe. Hinayaan lang niya 'kong kumanta nang kumanta. Napansin ko na ngang nakakabisado na rin niya 'yung mga lyrics! Eh, paano ba naman kasi nahuhuli ko siyang nagli-lipsync na!

"Napakalayo naman pala nito," bulong ko habang hinahanap namin iyong hotel. Na-guilty tuloy ako ng slight dahil ang tagal ng dinrive ni Fyuch. Pagod na pagod panigurado ang bb ko nito. Pero 'di bale at aalayan ko na lang siya ng mga haplos ni Portia later. Ahehehe.

Pagbaba namin ng sasakyan, kumapit ako ng mahigpit sa braso niya para hindi siya makaalis sa tabi ko. May binook na kasing room sa 'kin si Daddy and syempre ayokong maghiwalay pa kami ng kwarto.

"Baby, let me get another room."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko!

"Ayoko," nakasimangot na pagmamatigas ko. "Malaki naman 'yung room ko. Doon na lang tayo."

He held my hand in his arm. "I don't want your father to think anything bad about you. He doesn't even know that you live with me," he explained in a very low voice, trying to make me understand. Unti-unting lumuwag ang hawak ko sa braso niya.

Alam na ni Daddy ang tungkol sa relasyon naming dalawa at mukhang hindi naman ito tutol sa kanya. But here he is, still wanting to earn my father's trust. Sino ba naman ako para kontrahin ang pagpapalakas ng fiancé ko sa Daddy ko?

Ngumiti na lang ako at sinamahan siyang mag-book ng room. Buti na lang at hindi pa occupied 'yung katapat ko kaya 'yun ang kinuha niya. Sinandal ko ang ulo ko sa braso niya at yumakap sa baywang niya habang hinihintay namin pareho 'yung key cards namin. Tingin kasi ng tingin 'tong mga staff at akala naman nila 'di ko sila nakikita! Tsk.

Akin 'to uy!

Lingkis na kung lingkis basta kumapit akong parang tuko sa kanya. But we both turned around when we heard someone behind us clearing his throat. Napalayo ako ng kaunti kay Fyuch nang makita ko ang masamang tingin ni Daddy.

"H-hi, Dad," medyo awkward na bati ko at saka bumeso. Si Mr. Champ lang ang kasama nito dahil nga malapit ng manganak 'yung bruha. Buti naman at hindi ako mababadtrip ng babaeng 'yon dito sa Ilocos.

"Good afternoon, sir." Inilahad niya ang kamay niya sa Daddy ko pero tinitigan lang nito 'yon. Parang gulat pa rin ang mukha ni Dad sa presensya ni Fyuch pero tinanggap din naman nito ang kamay niya at tipid na nginitian.

Galit ba siya na sinama ko si Fyuch? Parang 'yun kasi ang nababasa ko sa mga tingin nito kanina pa. Hindi ko kasi binanggit na isasama ko siya dahil tingin ko ayos lang naman. Walang masama na isama ko ang fiancé ko.

"Kumain na ba kayo?"

"Yes, dad."

Tumango ito at napabuntong hininga. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtaka kung bakit ganito ang kilos nito ngayon.

"Sige magpahinga muna kayo. Siguradong napagod kayo sa byahe." Tumingin na naman ito ng seryoso kay Fyuch. "Where will you stay?"

"I booked my own room po," mabilis pa sa alas kwatro na sagot niya sabay pakita ng dalawa key cards namin. Pinigilan ko tuloy ang sarili kong matawa. Shit. Buti na lang pala talaga at nag-book siya ng sarili niyang kwarto!

Pagkaalis nina Dad at Mr. Champ ay dumiretso na rin kami sa mga kwarto namin ni Fyuch. Binitawan ko nga lang ang mga gamit ko sa loob at lumabas agad ako para lumipat sa kwarto niya.

Kaso naka-lock!

Aba't talagang ayaw niya 'kong makasama sa isang room?!

Padabog tuloy akong bumalik sa kwarto ko. Nakakainis! Wala naman na si Daddy sa harapan namin kaya anong pinaglalaban ng lalakeng 'yon? Tsk! Pabagsak akong humiga sa kama pero hindi ko pa rin sinarado 'yung pinto ko. Baka sakaling pumasok siya at mamiss ako.

Sa tagal kong naghihintay na pasukin niya 'ko sa kwarto ko ay nakaidlip na 'ko. Paggising ko ay alas sais na at may 30 mins na lang ako para maghanda sa party sa baba! Putspa.

Bumangon agad ako at mabilisang naligo saka nag-ayos. Naglagay lang ako ng light makeup tapos sinuot ko na 'yung halter V neck ko na short dress. Kulay silver ito na hanggang ibabaw lang ng tuhod. Umikot ako sa harapan ng salamin at masayang pinagmasdan ang likod kong nakabalandra.

Mula sa repleksyon ng pinto ko sa salamin, nakita ko ang pagbukas nito at pagpasok ni Fyuch na gwapong gwapo sa suot niyang suit na terno sa suot ko. Ako ang pumili niyan kagabi para matchy matchy kami! Tho hindi ko pinakita sa kanya 'yung isusuot ko dahil gusto kong masurpresa siya.

"Oh, bakit pumasok ka sa kwarto ko?" nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi siya sumagot, bagkus nanatiling nakadikit ang mga tingin niya sa likod ko.

"Medyo kinulang yata sa tela 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya. Natawa ako pero tumayo ako sa harapan niya at nag-pose pose pa na parang nasa isang photoshoot ako.

"Sobrang ganda ko ba?" Tinaas ko ang isang kamay ko at inilagay sa likod ng ulo ko. Tapos yung isa sa may baywang ko. Then I gave him a very seductive look. "Anong tingin mo sa itsura ko?"

Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya nang mapalunok. Bahagyang nakaawang ang labi niya habang matamang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Binabaliw mo na naman ako," aniya at lumapit pa ng husto sa 'kin.

Napangisi ako. "Talaga?"

He nodded as he put his hand on the small of my back. I bit the insides of my cheeks to stop myself from being too obvious. Wag kang magpahalatang mamatay ka na sa kilig, Portia, utang na loob!

"You look stunning, baby." He pulled me closer and I felt him smelling my hair. Biglang ayoko na yatang pumunta sa party. Gusto ko na lang na dito kami magdamag. Kaso panira ng moment 'yung kumakatok sa pinto.

Napairap ako at inis na bumuntong hininga.

"Come in!" sigaw ko. Kung makakatok pa wagas! Kala mo namang natutulog 'yung kinakatok! Ugh.

"Ms. Deanna—" Agad na napaiwas ito ng tingin pagkakita sa posisyon namin ni Fyuch. Nang ma-realize kong sobrang lapit namin ay bahagya kaming dumistansya sa isa't isa.

"Hinahanap na po ba 'ko ni Daddy?"

Tumango ito at bumalik naman ang tingin nito sa 'kin nang makitang maayos na akong nakatayo. Sinabihan ko na lang na susunod na kami.

Paglabas namin ng kwarto ay halos hindi umalis sa likuran ko si Fyuch, matakpan lang niya ng maayos ang likod ko. Umikot ang mga mata ko nang pilit ko siyang pinasasabay sa tabi ko.

"fiancé ba kita o bodyguard?" inis na tanong ko habang naglalakad kami papunta sa venue.

"Both."

"Ugh. Edi sana sinabihan mo na lang akong magpalit kanina. Kung ayaw mo naman pala 'tong suot ko, hindi mo na sana ako pinalabas," singhal ko. Alam niyo 'yung pabulong na nanggigil? Gano'n 'yun.

"Hindi naman kita binabawalan. You can wear whatever you want. Kaya nga nandito ako para takpan ka."

"Then what's the point of letting me wear what I want?" Huminto ako sa paglalakad at salubong ang kilay na hinarap siya. Napa-preno din tuloy siya at napalunok nang makita ang bwisit kong itsura.

"S-sorry," agap niya bago ko siya mabugahan ng apoy.

Anak ng tukneneng! Bakit ang cute niyang mag-sorry?! Ang hirap niya tuloy pagalitan. Ghad! Pinagkrus ko ang mga braso ko habang tinitignan siyang parang bata na pinapagalitan ko. Imbes na maipagpatuloy ko ang pagsusungit sa kanya ay natatawa tuloy ako.

Inabot ko ang mga kamay niya at dahan dahang hinawakan ang mga ito.

"Hanggang tingin lang naman sila. Iyong iyo pa rin lahat 'yan," I said which resulted to the end of his ears turning red.

Pagpasok namin sa mismong venue ay sinalubong agad kami ng enggrandeng ayos ng party. Karamihan sa mga naririto ay mukhang mga bigating negosyante. May iilan din akong nakitang mga pamilyar na mukha sa senado.

"Deanna," nilingon ko si Daddy na malapad ang ngiting sinalubong ako. Ngunit agad na napawi iyon nang makita niya sa likuran ko ang kasama ko. Nainis tuloy ako bigla sa paraan ng pagtingin niya kay Fyuch. Para bang ayaw nitong isinama ko siya!

Nakakaasar ha.

Nang mapansin nito ang mabibigat kong tingin ay mabilis na nag-iba na naman ang ekspresyon nito sa mukha. Tinapik nito sa braso si Fyuch at binati saka sinabihang hihiramin muna ako saglit.

"Atty. Smith?"

Napatingin ako roon sa tumawag sa kanya habang hinahatak ako ni Daddy. Nagsenyasan kami kung okay lang bang iwan ko siya saglit at nginitian naman niya 'ko saka tinanguan. Napanatag na lang ako nang makitang kausap na siya nu'ng grupo ng mga lalaking kakilala yata niya.

"I'm glad na nakarating ka, Portia." Malapad ang ngiti ni Tito Clarence na bineso ako. Ganoon din si Tita na Estella na panay papuri sa itsura ko.

"Happy birthday po, Tito."

Todo ang pangungumusta sa 'kin ng mga ito dahil sa nabalitaan nilang nangyari sa pinsan ko. And Tito Clarence even volunteered to look at the case himself! Kaya sobrang pasalamat tuloy ako. Ayoko mang magkautang na loob dito ay iniisip ko na lang na tinutulungan lang niya kaming mailabas ang katotohanan. At iyon ay bilang isa siyang opisyal ng gobyerno na may malasakit sa mga tao.

Kumpleto rin pala sa party na ito ang board of directors ng MGC. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang mga ito dahil kahit halos araw araw akong nasa opisina ay hindi ko naman sila nakakadaupang palad.

Pinakilala ako sa kanila ni Daddy at pati si Tito Clarence ay kung kani-kanino ako ipinakilala.

"Where's your fiancé pala, Hija?" tanong ni Tito Clarence na medyo ikinagulat ko. Napatingin pa 'ko kay Daddy na nakangiti lang at sinenyasan akong sagutin si Tito.

Sinabi ba niyang kasama ko si Fyuch? Ugh, si Daddy talaga, excited! Nakita ko rin tuloy ang excitement ng mga matatandang nakapalibot sa amin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang malapad kong pag-ngiti. "May kumausap lang po sa kanyang kakilala kaya naharang."

"Oh, I see. Gusto pa naman namin kayong makitang dalawa ng Tita Estella mo."

Gosh, parang lulubog tuloy ako sa hiya. Grabe sobrang bait nila. Huhuhu. Napaka-swerte talaga ng impaktong Easton na 'yon dito sa mga magulang niya! Napa-understanding! Kahit ngawit na ngawit na 'ko kakangiti tuloy tuloy lang ako sa pag-smile.

"Oh, nandito na pala siya, anak," sabi ni Daddy at parang nakita ko ang mabilis na pagkinang ng mga mata nito. Natatawa ko tuloy 'tong pinaningkitan ng mata dahil kanina ay kulang na lang itaboy ng mga titig niya sa Fyuch. Amp.

"Where have you been, son? Hindi mo dapat hinahayaan ang fiancée mo na mag-isang humaharap sa mga tao."

Naglaho ang mga ngiti ko pagtingin sa lalakeng kausap ni Tito Clarence. He's also wearing a suit that matches the color of my dress. Nanginginig ang mga kamao kong kumuyom at naluluhang napatingin kay Daddy na agad iniwasan ang mga titig ko.

How could you do this to me?

Nagsimulang manlabo ang paningin ko dahil sa makakapal na luhang nagbabadyang bumagsak. But still, I managed to speak.

"P-please, excuse me for a while." Hindi ko na sila hinintay pa na tumugon at mabilis akong tumalikod.

Wala akong pakealam kung masira man ang makeup ko sa sunod sunod na pagpalis ko ng mga luha sa mga mata ko. Panay ang punas ko ng mga ito para makita ang nanlalabo kong daanan ko.

"Portia, wait!" Hinawakan ako nito sa braso pero agad na kumawala ako rito.

"Bitawan mo 'ko, Easton!" nanginginig pati ang boses ko sa galit.

Paano nila nagawa sa 'kin 'to?

"Mag-usap muna tayo please 'wag kang magalit!"

"Tangina bitawan mo 'ko, Easton," banta ko dahil sa pagpupumilit nitong hawakan ako. "Sinasabi ko sa 'yo magugulo 'tong party na 'to kapag hindi mo 'ko tinantanan. You know how far I can go."

Naghanap ako ng lugar kung saan walang masyadong tao na pwede kog matawagan si Fyuch. Ayoko na rito. Gusto ko ng umalis. Kumukulo ang dugo ko sa lahat ng nandito!

Agad na lumiko ako nang may makita akong pasilyo. Pumasok ako roon at pakiramdam ko ay ngayon pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Napayuko ako habang hawak ang sumasakit kong dibdib dahil sa labi na sama ng loob.

Niloko nila 'ko. Mga manloloko sila!

"Portia, please?"

Tangina. Sinabi ko ng 'wag akong susundan, e!

"Bakit ba ang kulit mo?! Break na tayo at wala ka ng aasahan pa sa 'kin! Mahirap bang intindihin 'yon?!"

"I don't think I can ever understand it." Humakbang pa ito palapit sa 'kin. Sinubukan kong umatras ngunit malamig na pader agad ang lumapat sa likod ko. "I'm still drowning in you. And I don't know if there's still hope I can get up."

I can't properly breathe in tears. I feel so frustrated! Pakiramdam ko pinagkaisahan nila 'kong lahat! Lahat sila na inakala 'kong nagbago na!

He rested his head on my shoulder. I wanted to punch him! I wanted to kick him! But when I was about to push him away, he was suddenly thrown on the floor.

My eyes widened.

I looked at the furious man in front of me. His fists furiously landed repeatedly on Easton. His eyes were raging. His whole being was burning.

Now everything is totally fucked up.

***

Angel's note: kabanata 42-50 are now available on Patreon. 52 will be posted there tomorrow.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
298K 3.5K 31
Bet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pi...
173K 2.4K 23
"A boy and a girl can never be just friends, one of them will DEFINITELY fall for the other.. but in this story, where love game strikes, where fate...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...