Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER ONE

2.3K 49 1
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

"Ma, ok ba kayo diyan? Sabihin niyo kung hindi ay maghahanap tayo ng pwesto niyo.."

(Ok na kami dito anak, mas maganda na ito kaysa sa dati nating tirahan. Hindi ito magigiba ng mga bagyo o ano man...)

"Ganun ba, si Drake nasaan?"

(Drake!!!! Halika rito!! Oh si Ate...Hi ate!!! Musta na diyan, kailan ka uuwi?)

"Soon baby...."

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ni Drake bago ko binaba ang tawag. Nandito ako ngayon sa coffee shop na tinatrabahuan ko. Dito na ako nagtagal sa pagtatrabaho.

Nag-asawa na si Nicole kaya alam kong maginhawa na ang buhay niya. Masaya akong makita ang anak ko at makasama ng ilang araw nung nagbirthday si Nicole.

Oo, anak ko si Drake. Pero dahil puno ng judgmental sa mundo ay kailangan ko siyang itago. Galit na galit si mama nang malaman niya na buntis ako.

Ayaw niyang magaya daw ako sa kaniya. Lumaki akong wala ama dahil iniwan si mama.

Ayaw ko rin na mangyari sa akin yun kaya nandito ako sa Maynila dahil malaki ang porsyentong nandito ang lalaking yun.

Sobrang nabigo ko si mama sa point na napaiyak ko siya. Masakit makitang umiiyak ang minamahal mo sa buhay dahil saiyo.

Isa lang ang matalik kong kaibigan na si Nicole Irish Knight at ang problema ay matalik ko nga siyang kaibigan pero hindi niya alam na anak ko si Drake. Ang alam niya lang ay kapatid ko siya. Kami lang ni mama ang may alam nun at ang lahat ng taong nakakita sa kaniya ay kapatid lamang ang alam nila.

Bago pa ako magkwento ay ang pangalan ni mama ay Syrina Montefalcon. Maganda ang pangalan ni mama, pandagat. Pero ang pangalan ko ang hindi ko alam ang meaning. Tinanong ko si mama kung saan niya daw nakuha ang pangalan ko.

Ang sabi niya lang ay sa diyaryo. Sa ganda kong ito, sa diyaryo lang nakuha ang pangalan ko.

Nagandahan daw siya sa Serenity kaya iyun ang pinangalan.

Pinangalan ko naman si Drake sa lalaking yun.

Draco ang narinig kong pangalan niya, kaya Drake.

Lahat ng Draco sa Facebook ay talagang pinaghahanap ko. Gusto kong may makilalang ama ang anak ko.

Mahirap maghanap ng taong hindi ko naman kilala. Gusto ko lang na makita siya at sabihing may anak siya.

Pero natatakot din ako dahil baka kunin niya ang anak ko.

Nagbago ang lahat ng mga pananaw ko sa buhay ng may makilala ako nung kasal ni Nicole.

Sana kapag ikakasal ako ay ganito din kay Nicole. Maganda lahat. Pati ang simbahan..

Napatingin ako ng magsilakad na ang lahat sa aisle at nang ako na ang maglalakad ay talagang feel na feel kong ako ang bride. Kahit na hindi naman ako ay alam ko balang araw ay lalakad din ako sa aisle na ganito at magiging masaya din ako katulad ng kaibigan ko.

Habang nasa seremonya pa ay napadako ang paningin ko sa best man ni Clay. Ngayon ko lang ito nakita at familiar sa akin ang kilay at mata niya.

Parang minsan ko nang nakita pero ewan, basta.

Nang matapos ang kasal ay nandito kami ngayon sa reception na sa bahay lang ni Clay ginanap.

Nabigla ako ng lumapit siya sa akin at ako naman ay parang tanga lang.

"Hi...."

"Hi....din"

"Nakita kitang nakatingin sa akin kanina, nagwapuhan ka nohh.."

Banggit niya habang umiinom ng wine.

Puno pala ito ng hangin.

"Hindi, ngayon lang kasi nakita. Hindi ka kasi sa amin nababanggit ni Clay. Akala ko yung Kent ang best man niya. Meron pa pala..."

"Nahh, bestfriend niya kasi ako kaya ako, dahil may Pilipino sa pamilya nina Clay ay doon kami natuto. Taga-Europe kasi kami at doon kami lumaki pero dahil nga may nagtuturo sa amin ay nasanay na kami... Well, Draco Scott.."

Napatingin talaga ako sa kaniya, at sa kamay niya. Draco ang pangalan niya pero taga-Europe siya. Napakaimposible naman kung siya yun dahil nasa Europe ito.

"Draco?"

"Hmm yup, nakuha ko yun sa papa ko. Hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo ang name niya."

"Ano naman yun?" Tanong ko habang kinakain ko mga strawberry.

"You like strawberries, huh?"

"Huh? Amm oo, ngayon lang ako nakakain nito, masarap naman pala.."

"Hmmm.."

"Ano pala doon sa papa mo?" Tanong ko ulit habang kumakain.

"Dracula..."

Napatingin ako sa kaniya habang seryoso niyang sinabi iyun.

Yung totoo, Hindi naman pangit.

"Ano naman sa pangalang Dracula, wala namang masama doon. Mukhang maganda pa nga.."

"Hindi mo ba alam ang movie---nevermind.."

"Buti ka nga may papa ehh"

Napatingin siya sa akin na para bang naaawa na hindi.

"Wala kasi akong papa, lumaki akong wala ama, ok? Huwag mo nga akong tignan ng ganyan..."

"Ok?..."

"Alam mo hindi ka naman mukhang taga-Europe. Parang mukhang kang American na ewan basta!"

"Dahlia ang pangalan ng mama ko at tama ka ngang mukha akong American kasi ang mama ko ay American. Kamukha ko kasi si mama.."

"Hmmm...ok." banggit ko nalang at kumain na. Napatingin pa ako sa kaniya na pinapanood lang akong kumain.

"Hindi ka kakain?" Tanong dahil nakatingin lang siya sa akin. Nakakailang ang ganun...

"Nakakabusog ka kasing tignan.." sagot niya. Hindi ko nalang pinansin pa kahit na ang awkward lang.

Kukuha pa sana ako ng isa ng saktong kukuha rin siya. Lumapat ang kamay niya sa kamay ko na kinabigla ko kaya agad kong hinila.

"Ay! Ano sorry.." sabi ko nalang.

Bakit familiar ang pakiramdam na nahawakan niya ang kamay ko.

"Baby.." rinig kong sabi ng isang babaeng lumapit sa aming dalawa at pumalibot ang kamay nito sa braso ni Draco.

"Your name?"

"Ako?"

"Yes, of course. Sino pa ba ang nandito?"

"Ako baby!!" Sabi ng babaeng nakapalibot ang kamay sa braso ni Draco.

Napatingin ako sa buong paligid at gabi na. Napatingin ako kay Draco na nakatingin lang sa akin.

"Serenity......Serenity Montefalcon.."

Nakita ko ang pagngiti nito bago umalis kasama ang babaeng yun. Bakit ko nga ba binigay ang pangalan ko?

Pagkatapos nun ay lagi na kaming nagkikita at minsan ay pumupunta siya sa inuupahan ko na hindi ko namja alam kong paano niya nalaman.




"Uy! Serenity. Kayo talagang magkaibigan ay lapitin ng gwapo. May naghahanap sayo sa labas?!"

"Huh?"

Sino naman maghahanap sa akin, baka yung Kent na yun. Baka may iaalok din sa akin na trabaho.

Pero iba nadatnan ko doon.

Kundi si Draco, bakit siya nandito? Paano niya nalaman ang lugar ko, sinabi ba ni Nicole?

"Hey, how are you?"

"Ok naman, bakit ka nandito?"

"Gusto ko lang magpasama, ngayon lang ako napadpad sa Maynila at gusto kong puntahan yung MOA daw dito..."

"Ahhh, anong gagawin mo naman doon?"

"Wala lang, can you?"

"Ammm sige, wala naman akong gagawin baka pwede kitang samahan doon.."





Ilang linggo ko siyang hindi na nakita hanggang na umabot na ng taon. Hindi ko na alam.

Nang umalis si Nicole ay parang umalis na din si Draco, nakakainis kasi hindi na siya nagparamdam pa.

Pero nung nagkabalikan na sina Nicole at Clay ay nakita ko ulit siya. Doon mismo sa birthday surprise ni Nicole at doon ko nakasama din ang anak ko.

Nabigla nga ako ng lumapit siya sa akin at may tinanong.

"Your son?"

"Amm no, brother..." Tumango lang siya at umalis din.

Nandoon din si Elizabeth na malaking problema noon kay Nicole pero bati na pala sila.

Nakasama ko pa si Draco sa birthday party ng kambal ni Nicole, nakakabigla nga na kambal ang anak niya. May lahi naman kasi silang kambal kaya ganun.

Nang makita ko ang anak ni Nicole nun ay namiss ko si Drake.

"Ok tapos na ang break! Trabaho na.." rinig kong sabi ng Manager namin kaya tumayo na ako. Binulsa ko na ang cellphone ko. Tuwing lunes hanggang biyernes ang trabaho ko dito dahil tuwing sabado at linggo ay sa isang bar. Bartender ako doon, natuto ako sa mga usapang alak sa may-ari nubg bar.

Nakilala ko lang sa daan yun. Nung mga oras na kailangan ko pa ng trabaho. May bar daw ito at kulang sila sa trabaho. Nagwaitress muna ako doon bago naging bartender.

Masaya naman ang trabaho ko doon dahil wala namang nagbabastos.

Si Lucas Bright, siya ang may-ari ng bar.

Siya rin ang nagturo sa akin kung paano ang paghahalo ng alak.

Nakakasama ko siya kaya close na kami ng lalaking yun. Dahil din sa kaniya kaya hindi na ako sa isang murang kwarto na ako nanunuluyan. Dahil malaki ang sweldo doon sa bar niya kaya sa isang apartment na. Mas maganda doon at malinis. Hindi maingay din. At saka mas magandang pakinggan ang apartment kaysa sa mumurahing kwarto.

Atleast ay umuunlad din ako at nakakapadala ako ng pera kay mama at kay Drake.

"Serenity, sa table 6 ang order nito. Sige na puntahan muna at ibigay yang kapeng order niya."

Agad ko nang inabit dahil baka mainipin ang nag-order nito.

Agad kong hinanap ang table 6 at may taong nakaupo doon. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha at saka anong care ko kung hindi ko makita.

"Sir, order niyo po--" lumingon ito sa akin at napalaki ang mata ko kung sino.

"Hmm...Serenity, good to see you here.." sabi nito.

"D-Draco..."

..

...

.....

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
830K 21.7K 23
ALEX CLYN VERGARA(GSB-1)-The leader of GANGSTER SQUAD BOYS(GSB). Tahimik at seryoso sa lahat ng magkakaibigan. Bihira lang kung makipagbiruan sa mga...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...