Soledad

By mystrielle

4.6K 190 153

Ever since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in e... More

Soledad
credits
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Not an update

Kabanata 8

172 4 12
By mystrielle

"SOLEDAD, hija!"

Natilian na napalingon sa pinanggalingan ng boses si Solea. Hindi niya talaga makasanayan ang pangalan na ipinantatawag sa kanya. It was not her name to begin with. Iyon lamang ay naguguluhan na rin siya sa sarili pagkat awtomatikong nakukuha na ng pangalang iyon ang kanyang atensiyon.

Ugh! So much for being called with a name that is not my name at all!

"Hanggang ngayon ba'y hindi ka makapili nang masusuot?" Ang tanong sa kanya ni Nana Lucinda na ngayon ay naglalakad patungo sa kanya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap nang bukas na aparador upang mamili nang maisusuot. Pero, imbis na mamili nang isusuot na damit ay pagkilatis sa materyales at disenyo nang mga iyon ang ginawa niya. Masyado nga ata siyang natuwa na makahawak nang terno sa panahong ito. Nawala na sa isip niya ang realidad at panaginip na nitong nakalipas na mga araw ay nagpapagulo sa kanya.

"Ito ang isa sa paborito mong damit, hija." Patuloy ni Nana Lucinda na inilabas mula sa aparador ang baro't saya na may disenyo nang plaid na pinaghalong itim at dilaw na kulay.

Alanganin na napangiti na lang si Solea. The clothes however fancy it look was too dressy for her liking as everyday wear. She admired the beauty of the clothes as part of fashion history alright but not really that fond on dressing up. But, this is the 1920s and she is in a place where the latest trends in fashion of the era had not yet reached. Nasa gitna siya nang kabukiran, sa lugar na malayo sa kabihasnan.

And whether she like it or not, she still has to wear those.

"Hala at magbihis ka nang bata ka pagkat maya't maya ay narito na ang iyong papa." Ang may pagmamadali na saad ni Nana Lucinda na iniabot sa kanya ang damit na pinili nito. The Don was out early for a business related appointment that she was not interested to know.

Pasimpleng napabuntong-hininga na lamang si Solea nang talikuran niya ang nakatatanda upang tunguhin ang kama at doon ilapag ang damit na ibinigay nito sa kanya. This would be the first time that she would meet the Dela Rama patriarch on flesh. Marami nang naglalaro sa kanyang isip sa pagkikitang mangyayari at hindi niya maiwasang kabahan. Just what should she suppose to do? The person she suppose to meet had a long standing pent up emotion to this person that became her.

Oh, ho! ho!

Nasa akto na siyang huhubarin ang tapis sa katawan nang muli ay matilian sa boses ni Nana Lucinda.

"Dios mio santo, Soledad!" Hinila nito ang dulo ng tapis sa kamay niya at itinulak siya patungo sa dulong bahagi nang silid kung saan mayroong divider na gawa sa kahoy at capis shells. "Dito ka magbihis, hija! Ganito ba ang ammisya? Maging ang pang-araw-araw na gawain ay nakakalimutan? Oh Diyos ko na mahabagin, ano ang kasalanan nang aking alaga at siya ay nagkakaganito?"

What the bleep! Ang piping usal na lamang ni Solea. Halos magdugo na ang kanyang ibabang labi sa pagkakakagat upang hindi matawa. Just who could peep on her in such place? Malawak ang lupaing sakop nang mga Dela Rama upang mapasok at masilipan lamang siya. But the heck, she was afterall in a different era. Naiiling na ipinagpatuloy na lamang niya ang paghuhubad nang tapis sa katawan. Isinampay naman ni Nana Lucinda sa divider ang damit na kanyang susuotin na kanya namang kinuha.

Such decency, which was so not the case in fashion and modelling world. Napangiti siya nang malawak nang maisip ang mundo nang mga modelo. She would bet a hundred thousand bucks for Nana Lucinda's horrified expression had the latter chance upon seeing almost naked models doing the ramp walk. Paniguradong walang katumbas ang nervous breakdown nito pag nagkataon.

As much as that was a bad idea, she would love to see that.

Nang matapos ay lumabas na siya sa likod ng divider, malayo sa unang impresyon niya ang pakiramdam na suot ang terno na baro't saya na suot. It felt light with the downside of the slight itch on her arms whenever her skin come in contact with the clothing. Mabuti na lamang at may panloob na damit pa siyang suot kung hindi ay baka hindi niya matagalan ang damit.

Nagpatangay na lamang siya kay Nana Lucinda nang igiya siya nito patungo sa tokador upang ayusan ang buhok. Maingat nitong sinuklay ang kanyang buhok na iniiwasan ang bahagi nang sugat. Hindi na nga rin niya napansin kung sa paanong paraan at naipusod na nito ang mahabang buhok na hindi man lang nakaramdam nang kirot.

But anyway, she was done with this prepping and it was time to meet the Dela Rama patriarch.







KUMPLETO na ang mag-anak na Dela Rama sa silid-tanggapan ni Don Romualdo nang dumating si Solea. She had no idea what this urgent-like meeting was for and whatever topic it maybe was none of her concern.

Nang buksan niya ang pinto ay halos lumabas na ang puso niya sa dibdib sa sobrang kaba. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit ganoon ang nadarama pagkat sanay na sanay naman na siya sa pakikiharap sa iba't ibang klase ng tao, lalo na nang hindi basta-basta na miyembro nang alta socialidad sa buong mundo na kanilang clientele.

Saan nga ba nanggagaling ang kaba kong ito? Must it be Soledad's because it's her body to begin with?

"Bueno, ngayong narito na ang lahat ay marapat na masimulan na ang dahilan bakit ipinatawag ko kayong lahat." Ang pumailanlang na winika nang boses na may himig awtoridad. She need not guess who the voice came from, it was Don Romualdo Dela Rama.

Hindi na nagawa pang makapagsalita man lang nang kanyang pagbati si Solea. Bentahe na rin sa kanya pagkat hindi na niya kailangan pang mag-aksaya nang salita na ikagaganda nang kanyang imahe. Ipinagpasalamat rin niya na nakatalikod ito sa pinanggalingan niya at kasalukuyang nakatanaw sa labas ng bintana. Tahimik na tinalunton na lamang niya ang direksyon kung saan nakaupo ang magkapatid na Regina at Elena. Bagamat nanatiling kalmado ang mga ekspresyon nang mga mukha nang dalawa ay naroon ang tensiyon sa ere na sa mga oras na iyon ay nadarama nang mga ito. Bakit ba at parang takot na takot ang magkakapatid sa haligi nang tahanan na ito?

Naupo si Solea sa pagitan ni Regina at Elena. Awtomatikong pinagsalikop naman nang dalawa ang magkabilang kamay niya sa mga kamay nang mga ito. Elena's hand are cold. Hindi tuloy niya maiwasan na lingunin ito.

"Sa susunod na linggo ay darating ang pamilya nang aking kaibigan mula San Antonio, hindi na rin lingid sa kaalaman ninyo ang kasunduan sa pagitan nang ating mga pamilya...

Nawala sa sinasabi nang Don ang atensiyon ni Solea dahil sa paghigpit nang pagkakasalikop nang kamay ni Elena sa kanyang kamay. Aaminin niyang hindi niya masundan ang sinasabi ng Don at naguguluhan din siya sa inaakto ni Elena.

...at ikaw, Soledad, ang napupusuan ni Artemio upang makaisang-dibdib ang kanyang unico hijo."

Sukat doon ay lumuwag ang kanina ay halos ikadurog na nang kanyang kamay sa higpit nang pagkakahawak ni Elena. Siya naman ay hindi na inintindi iyon at napatingin na lang sa mukha nang Don.

She came face-to-face with one of the patriarch's of the founding families of their town, and she admits that she was shookt.

The heck, he's so damn handsome at such age! Way more handsome than Don Julian Manuel Guevarra! Piping paghanga ni Solea sa kaharap. She once saw the latter's picture on a yearbook like album for the town's defunct vocational school which her aunt, uncles and father attended back in the days. Don Julian Manuel Guevarra was the founder of the vocational school which was named after him. He was the husband of Caridad Tanhueco. Naaalala tuloy niya kung gaano siya patay na patay sa namayapa nang Don.

Me and this heck of a thing for old guys back in the days. Ang iyak-tawa na lang sa isip ni Solea. Pero, iba ang itsura nang mga lalaki noong unang panahon. They all had this classy charisma that drew people's attention. Must be because of the era, perhaps.

Don Romualdo Dela Rama had the Chinese mestizo features, small eyes that she bet would no longer see what was in front of him when he smile or laugh. Matangos ang ilong at manipis na labi. He had round face shape that kind of softened the thick arched brows he had. He was also tall on her estimate of five feet and nine inches and lean. He does not look old to pass as a father of grown up girls. He looks like he was still in his thirties when he probably was around late forties. Kung nasa kasalukuyang niyang panahon sa hinaharap ang Don ay maaari pa itong pumasa bilang modelo nang luxury brand suits. Bagay na bagay rito ang iba't ibang estilo at disenyo pag nagkataon dahil kayang-kaya nitong dalhin ang anuman na ipasuot dito.

Ang makailang-ulit na pagkurot sa kanyang baywang ang nakapagpabalik sa kasalukuyan kay Solea. Napalunok na lamang siya nang mapagtanto na mataman na nakatingin sa kanya ang Don.

Parang gusto nang kumawala nang kanyang kaluluwa sa uri nang tingin nang Don sa kanya. Paniguradong sermon ang aabutin niya sa nakikinita niyang seryosong ekspresyon nang mukha nito.

I'm so dead!

"Soledad."

"So-sorry po, Don Romualdo." Fuck! Gusto niyang sampalin ang sarili lalo na at tumaas na ang isang kilay nang Don. He must be pissed. I'm really dead big time!

Ipinikit na lang ni Solea ang mga mata at hinintay ang sermon na isasabon sa kanya nang don. But instead, she heard a chuckle.

"Ito ang unang pagkakataon na tinawag ako nang aking sariling anak sa pangalang iyan." Don Romualdo said in a pleasant almost joking tone. Tumikhim ito pagkaraan bago nagsalitang muli. "Soledad, kumusta na ang iyong kalagayan?"

Hindi siya agad nakaimik, tila ba naumid ang dila niya dala nang pagkapahiya.

"Papa, siya ay maayos po ang kalagayan ayon kay Señor Llanes. Maliban sa sugat na natamo sa kanyang ulo, ilang galos at pangingitim nang mga bahaging nasaktan sa katawan. Maaari na rin po siyang makalabas nang kanyang silid pagkat nakabawi na rin nang lakas." Ang mabilis na pagsalo sa kanya ni Regina.

"Maaari nga lamang na naapektuhan po ang kanyang utak dala nang pagkakahulog sa hagdan, papa." Ang segunda naman ni Elena. Humigpit ang pagkakahawak nang kamay nito sa kanya. "Magmula po nang mahulog siya sa hagdan ay hindi po niya tayo maalala, maging ang kanyang sarili."

Ang don naman ngayon ang hindi nakaimik. Mataman lamang itong nakatingin sa kanya bago inilihis ang paningin at umangat sa kung saan. Mukhang wala na ang atensiyon nito sa kanila at malalim na ang iniisip. The don, out of nowhere, sighed.

"Ikaw, Soledad, ang nais ni Artemio para sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki. Sa inyong magkakapatid ay ikaw ang nakasundo ni Manuel at siyang kalaro sa tuwing tayo ay nagbabakasyon sa San Antonio. Kaya noon pa man ay amin nang inilatag ang kasunduan nang inyong pag-iisang dibdib." The don said unwavered as he looked back at her. "Ngunit kung totoo man ang pagkawala nang iyong mga alaala ay paano mo pakikitunguhan ang anak ni Artemio? Sa kabilang banda, sa ilang taon na hindi ninyo pagkikita ay ang paninibago sa isa't isa. Maaari na hindi makaapekto ang pagkawala nang iyong alaala sa inyong napipintong pagsasama."

Mahabang patlang ang sumunod na nagdaan sa pagitan nila. Solea did not know what to say, she was simply shookt to even react. Sino ba siya upang kumontra sa pinagsasabi nang don?

The fuck!

"Ma-maari naman po na ipagpaliban na muna ang inyong kasunduan ni Señor Artemio, papa. Hin-hintayin na po muna ang aming pag-iisang dibdib ni Miguel, anim na buwan na lamang po iyon papa." Sabat ni Regina na ikina-seryoso nang mukha nang don.

"Mahalaga ang pagpapatibay nang kasunduan sa pagitan nang ating mga pamilya, Regina. Hindi ako tumatalikod sa aking palabra de honor. Isa pa'y mahabang panahon na ang dalawang taon na palugit na aking hiningi para kay Soledad."

Hindi na masundan ni Solea ang pinag-uusapan kaya nanatili na lamang na tikom ang kanyang bibig.

"Maaatim mo ba na mapahiyang muli ang ating pamilya kung sa pangalawang pagkakataon ay tututol kang muli, Soledad?"

Ngunit bago pa man makasagot si Solea ay umalingasaw ang nanunuot na amoy na hindi niya maipagkakamali.

Amoy nang utot.

To her doom, it was hers.






KANINA pa paroo't parito si Solea sa paglalakad sa loob nang silid ni Soledad. How she wanted to scream her lungs out of the embarrassment she felt. Hindi nakakatulong ang tila sirang plaka na paulit-ulit na pag-play nang dahilan nang kanyang kahihiyan. Mas higit na nakakadagdag pa iyon sa pagkapahiya niya.

It was her inescapable kind of torture slowly killing her wits.

Tila siya tinakasan nang katinuan nang kausapin na siya nang Don. She could not help but think of how lousy the excuse Regina and Elena blurted to defend her crack self. Alam niya na hindi iyon dahilan nang amnesia. She simply lose her wits for getting caught off guard admiring an old man that happen to play as the father of this body she was currently at.

To make matters worst was the bomb she unconsciously let explode on a seemingly heightened moment.

Hindi rin naman niya maiwasan na ipagpasalamat ang kahihiyang iyon pagkat nakalusot siya sa guilt trip nang don.

Still... I'm so effin embarrassed!

Don Romualdo seem a pleasant fellow yet distant. Masyado nga siguro siyang nag-focus sa mga nalaman patungkol sa relasyon nang mag-ama kaya maging siya ay nagkaroon nang bias na pagtingin sa Don.

Anyway, shut up! Go and fade! Ang paulit-ulit na litanya niya upang mawala na sa isip ang dahilan nang ikinagugulo nang kanyang isipan. She instead focused on what the important information the Don had said.

Soledad was engaged to the son of her father's friend. Just who the heck was that guy? Was she so against the marriage that perhaps made her resort to running away and unfortunately met some sort of a reason for a tragedy?

Napasabunot si Solea sa buhok para lang mapaaray nang masabunutan niya ang parte nang ulo na papahilom pa lamang ang sugat.

Ano'ng gagawin ko?

Her vision went straight to the door of Soledad's room.

Come to think of it? Why had I not gone there yet?

_____________________________________________
It had been a month or so since I last updated this story. I had forgotten this story and how I should write it as well. Sorry about that.

Sana this 2021, matapos ko ang isang ito. Fighting!

brimo_torch thanks for the little chat we had on private message. Also thank you for the support you give through the years and those every new year's greeting you leave on my message board.

To all the readers who are reading this story, old and new! How are you all? What are your thoughts?

Please do not be shy to correct me if ever you spot my flaws. And for the support on this story, thank you very much.

This maybe 'usad pagong' kind of story but someday I'mma get to finish this. Crossing my fingers for now.

Stay safe everyone! Make health a priority always. 💜

Continue Reading

You'll Also Like

Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.4M 81.1K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
Segunda By Binibining Mia

Historical Fiction

12K 898 5
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at mal...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.1K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
48K 2.8K 144
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...