School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

752K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 44: Sa wakas.

10.9K 237 69
By chufalse

April 04, CS262. Halos dalawampung taon na ang lumipas. Sa ngayon ay may kani-kaniyang pamilya na ang magkakaibigan at halos madalang na din silang magkasama-sama, dahil na rin sa kani-kanilang mga trabaho.

Kasalukuyang naglalakad papasok sa loob ng Olympus university si Annie kasama ang kaniyang mga anak. Halos madaming tao at mythical shaman ngayon ang nandito, dahil ito ang araw ng enrollment.

 

“Mama, magkikita-kita po ba kayo nila tita?” Tanong ni Lyra.

*** Lyra Lionheart. 15 years old at tulad ng kaniyang ina ay may natural siyang kagandahan. Nagmana si Lyra sa kaniyang ina na isang tao, ngunit hindi nila masabi kung hanggang kailan ito magtatagal.

Slim ang pangangatawan ni Lyra, nasa 5’3” - 5’4” ang kaniyang taas, medyo brown ang kulay na kaniyang buhok na hanggang balikat ang haba, maputi at makinis ang kaniyang balat at maganda ang kaniyang pyutsur. (If you know what I mean :3) ***

*Uhm!  Kaya bilisan nyo ang pag-fill up para maka-uwi na kayo. Ipapasundo ko na lang kayo sa driver na’tin ah.” Tugon ni Annie.

 

“Pwede po ba kaming magpunta sa mall after ng enrollment?” Tanong ni Ryna.

*** Ryna Lionheart. 15 years old din at siya ang kakambal ni Lyra. Nagmana naman si Ryna sa kanilang ama, kaya kahit bata pa ay nagagawa na niyang makontrol ang higit sa isang elemento ng sabay.

Slim din ang pangangatawan ni Ryna, nasa 5’3” - 5’4” din ang kaniyang taas, medyo brown din ang kulay ng mahaba niyang buhok, maputi din at makinis ang kaniyang balat at mukhang inagaw ni Lyra ang lahat ng genes, dahil mas malaki ang hinaharap nito kaysa sa kaniya. (If you know what I mean :3) ***

 

“Okay, okay. Pero tawagan nyo ang Lolo nyo ah! Para siya na ang sumundo sa inyo don.” Tugon ni Annie.

 

“Yes! Thank you, mama!” Masayang pagkakasambit ni Ryna.

Matapos sandaling mag-usap ay napalingon si Annie, dahil may pamilyar na boses ang kaniyang narinig.

 

“Melisa! Kamusta?!” Masayang pagkakasambit ni Annie.

“Eto okay lang naman. Ikaw? Ang balita ko ay sobrang busy ni Mark sa company nyo ah.” Tugon ni Melisa.

“Oo nga eh, pero lagi naman siyang may oras para sa’min.” Tugon ni Annie.

 

“Mabuti naman kung ganon.” Sambit muli ni Melisa.

 

“Kamusta po tita Annie?” Masayang pagkakasambit ni Emma.

*** Emma Oceanus. 14 years old at halos nakuha din nito ang mga katangian ng kaniyang ina. At nakuha naman niya ang kaniyang mga abilidad sa kaniyang ama.

Slim ang pangangatawan ni Emma, nasa 5’2” ang kaniyang taas, light blue ang kulay ng kaniyang buhok na nasa katamtamang haba, maputi at makinis ang kaniyang balat at may pyutsur naman. (If you know what I mean :3) ***

 

“Mabuti naman ako, Emma!” Tugon ni Annie.

Matapos magkakuha ng tugon ay agad nilapitan ni Emma ang mga anak ni Annie at kalaunan ay bukod silang nagkwentuhan.

 

“Oo nga pala, makakapunta ba si David?” Tanong ni Annie.

 

*Umm.. Kasama niya si Thara at ang anak nila.” Tugon ni Melisa.

 

*Ahh.. Sayang no?” Sambit muli ni Annie.

 

“Ang alin?” Tanong ni Melisa.

 

“Na hindi kayo nagkatuluyan ni David.” Tugon ni Annie.

“Nakaraan na yon, Annie. At isa pa ay hindi na’min kayang gawin ang ginawa nina sir Azys at mrs. Lyrices.” Sambit muli ni Melisa.

 

“Pero natutuwa naman ako dahil masaya naman kayo ngayon.” Sambit muli ni Annie.

“*Uhm..” Tugon ni Melisa.

 

“Mama, si Sapphire po oh!” Sambit ni Lyra.

Agad napalingon sina Annie sa kaniyang anak at dito ay nakita nila si Sapphire habang naglalakad papalapit sa kanila.

 

*Oh Sapphire. Nasaan ang Papa mo?” Sambit ni Annie.

 

“Hindi ko po alam tita, baka po natutulog pa yon.” Tugon ni Sapphire.

*** Sapphire Draken. 15 years old at siya ngayon ang pinagmamalaki ng Draken family, dahil siya lang ang nag-iisang Elemental dragon na taglay ang elemento ng kidlat.

Slim ang pangangatawan ni Sapphire, nasa 5’3” ang kaniyang taas, maganda ang mahabang silver niyang buhok, maputi at makinis ang kaniyang balat at medyo may hinaharap naman. (If you know what I mean :3) ***

“Si Aron talaga, hindi na siya nagbago.” Sambit ni Melisa.

 

*Eh ang Mama mo? Nandito na ba siya?” Tanong muli ni Annie.

 

“Opo, nandun po siya sa office kasama nina lolo’t lola.” Tugon ni Sapphire.

 

“Hindi na nakakapagtaka ang mga sinabi mo.” Sambit muli ni Annie.

 

“Annie! Melisa!” Sigaw ni Carl.

Agad napalingon ang lahat matapos marinig ang pagtawag ni Carl sa kanila. At sa kanilang paglingon ay nakalapit na ito.

 

*Oh Carl! Bakit hindi mo kasama ang baliw mong asawa?” Masayang pagkakasambit ni Annie.

 

“Grabe ka naman Annie, pero bakit nga ba? At bakit hindi mo kasama si Sera?” Sambit ni Melisa.

 

*Huh? Wala pa ba sila dito? Pinauna ko na sila ah!” Sambit ni Carl.

 

*Hmm.. Mukhang alam ko na kung saan nagpunta yon.” Sambit ni Annie.

 

“Ako din.” Sambit ni Melisa.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin si David kasama si Thara at ang kanilang anak. Agad nilang nilapitan ang kanilang mga kaibigan at kalaunan ay masayang nagkwentuhan.

 

“Sino pa ba ang hinihintay na’tin?” Tanong ni David.

 

*Hmm.. Sina Lina, Alex, Jigo at Mishia?” Tugon ni Melisa.

 

*Eh si Aron at Sophia?” Tanong muli ni David.

 

“Si Aron baka sumunod na lang yon, kilala nyo naman ang bugok na yon. Si Sophia daw nandito na, tawagan na lang na’tin siya pag dating ng iba.” Tugon ni Annie.

 

“Okay.” Sambit muli ni David.

Halos ilang minuto pa silang naghintay para sa pagdating ng iba at ng makumpleto ay nagpa-alam na sila sa kanilang mga anak.

Samantala, ilang sandali pa ay naglakad na sina Lyra at ang iba pa papasok sa main campus upang dito ay kumuha ng mga forms para sa kanilang enrollment.

 

“Ate Sera, saan kayo nagpunta ni tita?” Tanong ni Emma.

“Nagpunta kami kina tita Lina, pero iniwan ako ni Mama don tapos mga 15 minutes ay bumalik na din siya agad.” Tugon ni Sera.

*** Sera Culwen. 15 years old at nakuha niya ang kaniyang kagandahan sa kaniyang ina. At sa unang pagkakataon ay siya ang unang mythical shaman ng Kraken na isinilang sa natural na paraan. Kung maalala nyo kasi ang Kraken ay nagluluwal ng isang itlog sa oras na malapit na itong mamatay.

Slim ang pangangatawan ni Sera, nasa  5’4” ang kaniyang taas, medyo may pagka-orange na parang red ang kulay ng mahaba niyang buhok, maputi at makinis ang kaniyang balat at higit sa lahat ay ang ganda ng kaniyang pyutsur! (If you know what I mean :3) ***

 

“Ganon ba? Saan naman kaya nagpunta si tita?” Sambit muli ni Emma.

 

“Baka may kalaguyo si tita? Hindi kaya?” Walang emosyong pagkakasambit ni Xela.

*** Xela Isenhart. 15 years old at halos kuhang-kuha niya ang ugali at anyo ng kaniyang ina. Nightmiere ang ginagamit niyang apilyido sa ngayon, dahil hindi pa rin na-aayos ang problema tungkol sa pagiging legal ng Isenhart sa loob ng Travincial na kanilang tunay na lupain.

Slim ang pangangatawan ni Xela, nasa  5’4” ang kaniyang taas, maganda ang mahabang itim niyang buhok, mapusyaw ang kulay ng kaniyang balat at hindi tulad ng kaniyang ina ay kahit papaano ay may hihanarap naman. (If you know what I mean :3) ***

 

“Grabe ka naman, Xela! Hindi magagawa ni Mama kay Papa yon.” Sambit ni Sera.

 

“Tama si ate Sera! Hindi magagawa ni tita yung sinasabi mo, Xela!” Sambit ni Emma.

 

“Okay..” Walang emosyong pagkakasambit ni Xela.

Napa-iling na lang ang iba matapos marinig ang sinabi ni Xela.

 

“Ang weird mo talaga, Xela.” Sambit ni Lyra.

 

“Wag nyo na lang pansinin pa si Xela. Ang sabi ni Mama ay nagmana daw siya kay tita Alex eh.” Sambit ni Eugeo.

*** Eugeo Isenhart. 15 years old at nakuha niya ang ugali ng kaniyang ama’t ina at ganon din ang lakas ng mga ito. At tulad ni Xela ay ibang apilyido ang ginamit niya ngayon dahil sa parehong rason.

Slim ngunit medyo matipuno pangangatawan ni Eugeo, nasa  5’5” ang kaniyang taas, dilaw na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok at maputi ang kulay ng kaniyang balat. ***

Matapos marinig ang mga sinabi ni Eugeo tungkol sa kaniya ay napatingin na lang si Xela dito suot ang nagtatakang ekspresyon. Natawa na lang iba matapos nilang makita ito, ngunit ilang sandali pa ay may isang lalaki ang lumapit sa kanila at kalaunan ay nagtanong.

 

“Excuse me? Maaari bang magtanong?” Sambit ng isang lalaki.

 

“Sure, ano ba yon?” Tugon ni Sera.

“Pwede nyo bang sabihin sa’kin kung saan ako pwedeng makakuha ng form para sa enrollment?” Tanong muli ng lalaki.

 

“Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa’min, papunta din kami don eh.” Sambit ni Dave.

*** Dave Higantes. 15 years old, namana naman niya ang angking sipag at talino ng kaniyang ama. Mahilig din siyang magbasa at magsiyasat sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman.

Slim ang ngunit medyo matipuno pangangatawan ni Dave, nasa  6’5” ang kaniyang taas, itim na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok at medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat. ***

 

“Maraming salamat, by the way ako nga pala si Jared.” Sambit ni Jared.

*** Jared Euphemia. 15 years old at isang tao. Halos ilang linggo palang ng makalipat sila dito sa Odin city, Travincial. Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang kaniyang pagkatao, ngunit base sa kaniyang suot na salamin ay mukha siyang matalino at mabait.

Slim ang pangangatawan ni Jared, nasa  5’4” ang kaniyang taas, brown na may kahabaan ang kaniyang buhok at maputi ang kulay ng kaniyang balat. ***

Nagpakilala na ang iba pa kay Jared at matapos nito ay sabay-sabay na silang naglakad papasok sa loob ng main campus.

Samantala, mapunta naman tayo sa isang sikat na restaurant sa loob ng Odin city. Sa ngayon ay sarado ito para sa iba, dahil ni-rentahan ni Annie ang buong gusali para sa muli nilang pagsasama-samang magkakaibigan. Ngunit sa pagkakataong ito ay kulang na sila, dahil sa nangyari nakaraang dalawampung taon na ang nakakalipas.

Augost 04, CS242, dalawampung taon na ang nakakaraan. Sa panahong ito ay patuloy pa ring nakikipaglaban sina Hades kay Izual sa dating bayan ng mga werewolf. At sa tindi ng paglalaban ay malaki na ang naging pinsala sa kastilyo, nasawak na ang bubong nito at halos naging kontektado na ang mga kwarto.

Ganito na ang mga pangyayari ng makarating si Drake kasama si Sophia at Mishia dito. Naabutan nilang nakikipaglaban ang bawat isa sa mga Isenhart, kaya hindi na sila nagsayang pa ng oras at mabilis na silang tumulong sa kanilang mga kasama.

Makalipas ang ilang mga minuto ay nagawa nina Poseidon na mai-hiwalay ang ilan sa mga malalakas na Isenhart sa naturang kastilyo at nalipat ang kanilang paglalaban sa ibabang parte ng kastilyo. Sa ngayon ay konti na ang nagbabantay kay Izual na kasalukuyang nakikipaglaban kay Hades, Eclaire at sa mga phoenix.

 

“Sisiguraduhin kong ako ang tatapos sayo, Izual!” Sambit ni Hades.

 

“Sige subukan mo!” Tugon ni Izual.

Gamit ang kaniyang Doom Bringer ay buong lakas niya itong iwinasiwas, ngunit bago ito tuluyang tumama kay Izual ay biglang tumilapon ng malakas si Hades.

 

“Ama!” Sigaw ni Rain.

Sandaling napahinto sina Rain sa pagkakataong ito at inalaman ang dahilan kung bakit biglang tumilapon ang kanilang ama.

 

*Fufufu.. Maraming salamat, Zinon.” Sambit ni Izual.

 

“Zinon..” Mabagal na pagkakasambit ni Rain.

 

“Kuya, ako na ang bahala kina Kiel.” Sambit ni Zilan.

 

“Okay. Kaya na na’min ang mga ito.” Tugon ni Rain.

Ilang sandali pa ay mabilis na inatake ni Zilan si Kiel at dala ng lakas nito ay hindi na napigilan ni Zilan ang momentum at sabay silang tumalsik papalabas ng kastilyo. Sa ngayon ay si Zinon at Izys na lang ang kasama ni Izual sa kaniyang tabi. Habang kaharap niya si Hades, Eclaire at ang tatlo pa sa mga phoenix.

Batid na nina Hades ang tagumpay, ngunit labis pa rin silang nababahala dahil hanggang sa ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa labi ni Izual.

 

“Okay ka lang ba, Hades?” Tanong ni Eclaire.

 

“Wag kang mag-alala, galos lang ang tinamo ko sa pag-atakeng yon.” Tugon ni Hades.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakabalik si Hades sa tabi ng kaniyang mga anak at ilang sandali pa ay muli na itong nagsalita.

“Alam kong may binabalak ka pa, Izual. Pero ito na ang iyong wakas!” Sambit ni Hades.

 

“Mag-iingat ka, Hades. Natitiyak kong may binabalak gawin si Izual!” Sambit ni Eclaire.

“Batid ko rin ang tungkol sa bagay na yan, ngunit hindi na na’tin kailangan pang hintayin gawin niya ang bagay na yon.” Sambit muli ni Hades.

 

“Zenon, Zelin, humanda na kayo. Oras na para tapusin ang labang ito.” Sambit ni Zeren.

“*Uhm!” Tugon ni Rain.

“Okay, kuya!” Tugon ni Zelin.

Matapos mag-usap ng sandali ay agad naghanda ang tatlo para sa kanilang espesyal na pag-atake. Batid ni Izys ang skill na gagawin ng mga phoenix, dahil minsan na niya itong nakita.

 

“Ang Phoenix strike?” Gulat na pagkakasambit ni Izys.

*** Note: Ang “Phoenix Strike” ay ang isa sa pinakamalakas, ngunit pinakamapanganib ding skill ng mga phoenix. Halos katumbas ng “Supernova Explosion” ang skill na ito na magagamit lang sa anyo ng isang tao/normal. Halos triple kasi ang init na taglay ng skill na ito kung maikukumpara sa “Phoenix Storm”, kaya sobrang delikado ito na maaaring ikasawi ng isang phoenix. ***

Batid din ni Izual ang gagawin ng tatlo, ngunit laking gulat niya matapos makaramdam ng parehong aura sa kaniyang likuran. Agad siyang napalingon dito at nakita si Zinon habang nakaposisyon katulad ng tatlo.

 

*Fufufu.. Kung ganon ay itinuro din ni Zenon sayo ang Phoenix strike? *Fufufu.. Magaling! Pero mamaya mo na gawin ang bagay na yan, dahil may surpresa ako para kay Zenon.” Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

Ikinagulat ni Rain ang kanilang narinig, ngunit hindi nila itinigil ang kanilang paghahanda para sa gagawin nilang pag-atake. At nang tapos na sila sa paghahanda ay bigla na lang silang napahinto matapos makita ang hindi inaasahang pangyayari. Isang babae ang biglang nagpakita sa harapan nina Izual at ito ang dahil ng sandaling paghinto nina Rain sa balak nilang gawin.

 

“Selina?! Pero ano ang ginagawa mo dito?!” Gulat na pagkakasambit ni Rain.

“Rain! Patawad pero wag mo na akong isipin pa! Talunin nyo na sila.” Umiiyak na pagkakasambit ni Selina.

Ikinagulat din ni Zinon ang kaniyang narinig at sa pagkakataong ito ay inihinto na niya ang kaniyang ginagawa tulad ng kaniyang mga kapatid.

 

“Nagustuhan mo ba ang surpresa ko, Zenon? Nakita siya ng isa sa mga familiar ko na gagala-gala dito kanina, kaya naman naisip kong gamitin siya laban sa inyo. *Fufufu.. Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

Hindi magawang gumalaw ni Rain sa ngayon, dahil hindi niya tukoy kung totoong si Selina ang nasa kanilang harapan o isa lamang itong patibong para sa kanila.

 

“Kung iniisip mong isa siyang ilusyon na aking nilikha ay nagkakamali ka at sa mga sandaling ito ay hawak ko ang buhay niya sa aking mga palad.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Izual.

 

“Rain! Wag mo na akong isipin pa! Wag nyong hayaang makasagabal ako sa misyon nyo!” Umiiyak muling pagkakasambit ni Selina.

“Mag-iingat ka, mukhang nagsasabi ng totoo si Izual at natitiyak kong kinokontrol niya ngayon ang kaibigan mo.” Sambit ni Zeren.

“*Tsk!” Sambit ni Rain.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay mabilis na umatake si Selina at patungo ito kina Rain sa ngayon. Agad namang nasalag ni Rain ang pag-atake nito, ngunit laking pagtataka niya dahil hindi ganito kalakas si Selina, higit na mas malakas ito ngayon kumpara dati.

 

“Mag-iingat ka Zenon! Walang paraan para mapahinto mo ang pagkilos ni Selina at kahit magawa mo siyang mapatulog ay hindi nito mapapahito ang kaniyang pagkilos, dahil kinokontrol ni Izual ang buo niyang katawan.” Sambit ni Eclaire.

Walang magawa si Rain, kundi ang umiwas at sumalag sa bawat pag-atake ni Selina sa kaniya. Walang tigil naman sa pag-iyak si Selina habang patuloy sa pag-atake ng kaniyang katawan.

“Tapusin mo na ako Rain! Paraang awa mo na! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa maging dahilan ng inyong pagkabigo!” Umiiyak na pagkakasambit ni Selina.

“Alam mong hindi ko kayang gawin ang bagay na sinasabi mo Selina. Pero wag kang mag-alala, dahil mamaya lang ay makakatakas ka na dyan.” Tugon ni Rain.

Ilang sandali pa ay tumalon paatras si Selina at kasunod nito ay inatake niya ang iba pa. Halos lahat ay inatake ni Selina, ngunit tanging pag-iwas lang ang ginagawa nina Hades sa ngayon. At ang pagkakataong ito hindi na pinalampas pa nina Izual para umatake.

*** SFX: SLAAAAAAAAAAASH! ***

“Ama!” Sigaw nila Rain.

Isang hindi inaasahang pag-atake ang pinakawalan ni Izual at tumama ito sa likuran ni Hades. Nagdulot ito ng malaking pinsala, ngunit hindi ito naging dahilan upang mapigilan si Hades sa patuloy niyang paglaban.

Labis na ikinagalit ni Eclaire ang pangyayaring ito kaya mabilis niyang itinutok ang kaniyang kamay kay Izual. Nakahanda na siya para sa isang pag-atake, ngunit agad niya itong itinigil matapos humarang si Selina.

 

*Tsk! Isang kaduwagan ang pamamaraan ng iyong pakikipaglaban, Izual!” Sigaw ni Eclaire.

 

*Fufufu.. Isa itong matalinong pamamaraan Eclaire at hindi isang kaduwagan!” Sambit ni Izual.

Sa mga sandaling ito ay nanatiling alerto sina Hades, ngunit labis na mahirap ang sitwasyong itong para sa kanila.

“Rain! Miss Eclaire! Wag nyo na po akong alalahanin! Gawin nyo po ang dapat kanina nyo pa ginawa!” Sigaw ni Selina.

Sa ngayon ay halos palubog na ang araw at lalong nagiging aktibo ang mga Isenhart sa ganitong oras. Batid nina Hades na ito talaga ang pakay ni Izual sa ngayon at labis nila itong ikinababahala.

Patuloy lang si Izual sa kaniyang ginawa at ito ay ang pag-utos sa katawan ni Selina na umatake sa kanilang mga kalaban. At umaatake lang sila ni Izys sa tuwing nakakakita ng pagkakataon. Hindi naman magawang gumanti nina Hades, dahil humaharang si Selina sa oras na sila’y aatake.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumubog na ang araw at makikita sa mukha ni Izual ang malaki nitong pag ngiti. Sa ngayon ay nasa hindi magandang sitwasyon sina Hades, dahil mukhang hindi pa rin tapos makipaglaban sina Poseidon sa iba pang mga Isenhart.

 

“Ilang sandali na lang at matatapos na ang labanang ito, Hades.” Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

Ngunit matapos magsalita ay isang pag-atake ang natanggap ni Izual. Labis itong ikinagulat ng lahat dahil sa bilis ng pangyayari.

 

“Mahal!” Sigaw ni Izys.

Agad napaluhod si Izual at kalaunan ay napahawak sa kaniyang kaliwang balikat. Laking pagtataka niya kung saan nagmula ang pag-atake na nagdulot para maputol ang kaniyang kaliwang braso. Ilang sandali pa ay napahinto na niya ang pagdurugo nito at kalaunan ay napalingon sa kaniyang kanan. Isang malaking werewolf na puno ng pilat ang buong katawan ang kaniyang nakita habang kagat-kagat ang kaliwang braso niya.

 

*Spit! Hindi ko talaga gusto ang dugo nyong mga Isenhart!” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

 

“Viel..” Sambit ni Izual.

Sa pagkakataong ito ay napangiti si Izual at kalaunan ay inutusan ang katawan ni Selina para atakehin si Viel. Ikinagulat ito nina Rain ngunit huli na sila, dahil nagawa ng atakehin ito ni Viel.

 

*** SFX: SHAAAAAAAAAAAAAK! ***

Mabilis na pumasok ang buong kanang kamay ni Viel sa kaliwang dibdib ni Selina na agad nagpahinto sa paggalaw nito. Ilang sandali pa ay sumuka na ng dugo si Selina at matapos nito ay napangiti.

 

“Selinaaa!” Sigaw ni Rain.

Nagtaka si Viel matapos marinig ang pagsigaw ni Rain, ngunit ng hugutin na niya ang kaniyang kamay ay tangan-tangan na niya ang puso ng kaniyang inatake.

Mabilis na tumakbo si Rain patungo sa kaniyang kaibigan upang tulungan ito. Ngunit hindi na ito gumagalaw pa.

 

“Selina?! Selina?! Selinaaaaaaaaaaaaaa!!” Sigaw ni Rain.

Biglang napaatras si Viel matapos makaramdam ng labis na kapangyarihan mula kay Rain. Agad namang na-alerto sina Zeren at Zelin kaya mabilis na silang naghanda para ipagpatuloy ang nahinto nilang pag-atake kanina.

Naalerto sina Izual sa pagkakataon ito, ngunit muli ay naramdaman nila ang kaparehong aura na nagmumula kay Zinon.

 

“Zinon! Ngayon mo ipakita sa kanila ang bunga yong pagsasanay sa kanila!” Sambit ni Izual.

 

“Masusunod po!” Nakangiting pagtugon ni Zinon.

Napangiti si Izual matapos marinig ang naging tugon ni Zinon sa kaniya. Kasabay nito ay ang paglusob ni Izys kay Viel, dahil batid niyang ibubuhos na ng kaniyang asawa ang buong lakas nito sa gagawin nitong pag-atake.

 

“Ngayon na, Zinon!”  Sigaw ni Zeren.

Nagulat si Izual at Izys matapos marinig ang sinabi ni Zeren at kalaunan ay sabay silang napalingon kay Zinon.

 

“** PHOENIX STRIKE! **” Sigaw ni Zinon.

Nagulat si Izual matapos makita ang mabilis na paglapit ni Zinon sa kaniya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya nagawang maka-iwas sa binitiwang pag-atake nito.

 

*** SFX: SLAAAAAAAAAAAAASH! BOOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad nasunog ang likurang parte ng kaniyang katawan at kasabay nito ang mabilis niyang pagtilapon patungo kina Hades.

 

“Mahal!” Sigaw ni Izys.

 

“Ngayon na Zelin! ** AZURE PHOENIX STRIKE! **Sigaw ni Zeren.

“** PHOENIX STRIKE! **” Sigaw ni Zelin.

Halos sabay na sinalubong nina Zeren ang mabilis na pagtilapon ni Izual patungo sa kanila. At dahil sa lakas ng momentum ng pag-atake ni Zinon kanina ay hindi na nagawa pa ni Izual na makaiwas sa mga pag-atakeng papalapit sa kaniya.

*** SFX: SLAAAAAAAAAAAAASH! SLAAAAAAAAAAAAASH! BOOOOOOOOOOOOOM! BOOOOOOOOOOOOOM! ***

 

“*Raaaaaaaaaaaaaaaaaa!” Sigaw ni Izual.

Mabilis tumilapon papalabas ng kastilyo si Izual habang patuloy na nasusunog ang buo niyang katawan. Ngunit si Rain ay tapos na para sa paghahanda sa kaniyang pag-atake, kaya mabilis siyang tumakbo para habulin ang mabilis na pagtalsik ni Izual.

Ikinagulat nina Hades ang  ginawa ni Rain, dahil ngayon palang nila nakita ang skill na ito. Sa ngayon kasi ay nababalutan ng apoy na hugis ng isang Phoenix ang buong katawan ni Rain. At nagawa siyang ilipad nito patungo kay Izual.

 

“** PHOENIX DRIVE! **” Sigaw ni Rain.

 

*** SFX: PSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSST! BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha at naging dahilan ito para masunog ang buong kagubatan.

 

“Zenon!” Sigaw ni Eclaire.

Halos nahinto ang lahat ng paglalaban matapos ang pagsabog at sa pagkakataong ito ay mabilis pinuntahan nina Poseidon sina Hades upang alamin ang mga nangyari.

Mabalik tayo sa kasalukuyang taon, sa ngayon patuloy na hinihintay ng magkakaibigan ang iba pa. Halos ilang minuto lang naman ang kanilang hinintay ng dumating si Aron, kasama si Eimi.

 

“Pasensya na ah. Tinanghali kasi ako ng gising eh. *Hehehe..Sambit ni Aron.

 

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Aron.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

 

“Ganon ba? *Hahaha!Sambit muli ni Aron.

Ilang sandali pa ay lumapit na sina Aron sa kanilang mga kaibigan at kalaunan ay umupo sa tabi ng mga ito.

 

“Pasensya ka na sa’kin ah..” Sambit ni Aron.

“Wag mo akong kausapin at wag na wag kang hihingi ng tulong kay Sapphire dahil lalo lang ako magagalit sayo.” Sambit ni Sophia.

 

“Sorry na kasi, hindi kasi nag-alarm yung orasan ko eh.” Sambit muli ni Aron.

 

“Sinabi ng wag mo akong kausapin ngayon. At mabuti kung wag ka munang umuwi sa bahay!” Sambit muli ni Sophia.

 

“Mahal naman, sorry na. Pangako gigising na talaga ako ng maaga.” Sambit muli ni Aron.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya tinugon ni Sophia at tahimik na lang ito habang umiinom ng kaniyang kape.

 

*Hahaha! Ayan sige! Buti nga sayo!” Sambit ni Eimi.

Biglang nagtawanan ang magkakaibigan sa pagkakataong ito, samantalang napakamot na lang ng ulo si Aron.

 

“Teka, sino pa ba ang hinihintay na’tin?” Tanong ni Aron.

 

“Sino pa ba? *Eh di yung baliw na asawa ni Carl! Saan ba kasi nagpunta yon?” Sambit ni Annie.

*Hahaha! May tinawag lang siya at natitiyak kong magugulat kayo kung sino ang kasama niya mamaya.” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

Halos sakto ng matapos sa kaniyang pagsasalita si Carl ay biglang nagbukas ang pinto. Agad napatayo ang magkakaibigan matapos makita kung sino ngayon ang kasama ng asawa ni Carl.

“Zazan?!” Gulat na pagkakasambit ni Alex.

*Hehehe.. Kamusta? At kung pwede lang sana ay Zinon na ang itawag nyo sa’kin? Naalala ko kasi ang nakaraan sa oras na naririnig ko ang dati kong pangalan.” Tugon ni Zinon.

Matapos magsalita ay mabilis na tumakbo si Lina at kalaunan ay mahigipit na niyakap si Zinon.

 

“Zinon! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Si Rain? Nasaan siya?!” Sambit ni Lina.

Hindi nagawang tumugon ni Zinon sa pagkakataong ito at sandaling napatingin muna sa magkakaibigan.

 

“Ang mabuti pa ay kumain muna tayo? Medyo nagugutom na kasi ako eh. *Hehehe.. Sambit ni Zinon.

Tila nalungkot ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig mula kay Zinon. Batid nila na piniling hindi tumugon ni Zinon upang hindi sila masaktan sa mga posibleng marinig nila tungkol kay Rain.

Ilang sandali pa ay umupo na si Zinon at ang asawa ni Carl sa tabi ng kanilang mga kaibigan. Halos kasabay nito ay ang pagdating ng mga waiter dala ang mga pagkain na para sa kanila.

 

“Sandali lang, saan mo naman nakita itong si Zinon? *Hah Selina?!” Sambit ni Annie.

*Ahh.. Si Carl ang nagsabi sa’kin tungkol dito. Sa totoo nga ay ayaw daw ipaalam nila miss Eclaire ang pagkikita-kita nila kasama si Poseidon eh. Pero naawa itong si Carl sa’tin, kaya sinabi niya sa’kin.” Tugon ni Selina.

 

“Pasensya na kayo ah. Gusto na kasing lumagay sa tahimik nila ama, kaya magkakasama na kami sa ngayon. Pero lagi naman na’ming dinadalaw sila tiyo Poseidon, kaya nakakakuha kami ng impormasyo sa mga kalagayan nyo.” Sambit ni Zinon.

 

“Alam mo ba ang tungkol dito, mahal?” Tanong ni Aron.

Ngunit hindi siya pinansin ni Sophia at tila hindi siya narinig nito. Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Aron at muli ay natawa ang magkakaibigan dahil sa kaniya.

 

“Ano na ang balita sa inyo ngayon Zinon? May balita na ba kayo tungkol kay Rain?” Sambit ni Alex.

“Oo nga.. Ang sabi ni Mama ay wala pa din siyang balita tungkol kay Rain. Halos 20 years na rin yun.” Sambit ni Mishia.

 

“Pasensya na kung wala akong impormasyong maibibigay tungkol sa kaniya.” Sambit ni Zinon.

Muli ay nakaramdam ng kalungkutan ang magkakaibigan, dahil umaasa pa rin sila na nabuhay si Rain sa naganap na labanan nung nakaraang dalawampung taon.

 

“Kasalanan ko kung bakit nangyari kay Rain ang bagay na yon.” Mabagal na pagkakasambit ni Selina.

Mabalik tayo sa nakaraang dalampung taon. Matapos ang nangyaring malakas na pagsabog ay batid na nina Hades na tapos na ang laban. Lumubog na ang araw ngunit nanatiling maliwanag ang kalupaan at dahil ito sa nasusunog na kagubatan. Nang gabi ding iyon ay prinoklama ni Azys ang kaniyang pamumuno sa buong lahi ng Isenhart. Kinilala ito ng lahat dahil na rin sa tulong ni Yena, Lara at ng iba pang nakakakinala sa kaniya.

Samantala, labis na nagulat si Jigo at Alex matapos makita ang katawan ni Selina.

 

“Selina? Pero ano ang ginagawa niya dito? At ano ang nangyari sa kaniya?” Sambit ni Alex.

 

“Patawad pero wala na siya. Ginamit siya ni Izual laban kina ama.” Sambit ni Zinon.

Hindi makapaniwala si Alex at Jigo sa kanilang narinig. Ilang sandali pa ay mabilis nilang nilapitan ito at napaiyak matapos makita ang malalim na sugat sa kaliwang dibdib nito.

 

“Patawad, ako ang may gawa nito sa kaniya. Huli na ng malaman kong kaibigan nyo pala siya.” Sambit ni Viel.

Narinig nina Alex ang sinabi ni Viel, ngunit hindi nila magawang magalit dito dahil sa nananaig sa kanila ang labis na kalungkutan.

 

“Si Rain? Nasaan si Rain?” Sambit ni Alex.

 

“Wala pa kaming balita sa kaniya, kasalukuyan na siyang hinahanap nila master ngayon.” Tugon ni Carl.

“Anong ibig mong sabihin, Carl?” Tanong ni Jigo.

“Sabay sumabog si Zenon at si Izual. At ayon kay master Zeren ay ngayon lang nila nakita ang skill na ginawa ni Zenon. Malaki ang posibilidad na na-reincarnate na siya ngayon o posibleng hindi.” Sambit muli ni Carl.

 

“Posibleng hindi? Anong ibig mong sabihin don Carl?” Mabagal na pagkakasambit ni Alex.

 

“Posibleng wala na talaga siya.” Tugon ni Carl.

Muli ay nagulat sina Alex matapos marinig ang sinabi ni Carl.

“Imposible na para kay kuya Zenon ang makaligtas sa pagsabog na yon. Higit pa sa lakas ng supernova explosion ang init ng kaniyang apoy at dahil hindi ganon kalaki ang naging pinsala ng pagsabog ay natitiyak na’min na pinilit ni kuya na kunin ang lahat ng init na kaniyang inilabas, kaya imposible na para siya ay makaligtas pa.” Sambit ni Zinon.

 

“Hindi maaari!” Sambit ni Alex.

Ilang sandali pa ay nagbalik na si Zeren, agad siyang nilapitan ng iba pa upang tangunin tungkol sa paghahanap nila kay Rain.

 

“May balita na po ba kay Rain?” Tanong ni Alex.

 

“Wala pa.” Tugon ni Zeren.

 

“Pero bakit po kayo nagbalik, master?” Tanong ni Carl.

 

“Natitiyak kong mahahanap nila si Zenon, kaya siguro ito na ang tamang panahon upang gamitin ko ang natatangi kong abilidad.” Tugon ni Zeren.

Walang ideya ang lahat tungkol sa sinabi ni Zeren.

 

“Ano ang ibig mong sabihin, kuya?” Tanong ni Zinon.

 

“Hindi magugustuhan ni Zenon kung malalaman niyang namatayan na naman siya ng isang kaibigan, kaya gagawin ko na ang bagay na ito. ** TAKE OVER! PHOENIX AZURE! **Nakangiting pagkakasambit ni Zeren.

Labis na nagulat ang lahat matapos mag-take over mode si Zeren. Lahat sila ay napaatras ng makita ito. Samantala, mabilis na nilapitan ni Zeren ang katawan ni Selina at kalaunan ay niyakap niya ito gamit ang kaniyang mga pakpak. Ilang sandali pa ay binilog niya ang kaniyang katawan at ilang sandali pa ay lumutang siya ng ilang mga pulgada.

 

“Supernova Explosion?! Pero bakit?” Gulat na pagkakasambit ni Zinon.

Hindi ngayon alam ni Zinon ang kanilang gagawin matapos masaksihan ang ginawa ni Zeren. Ngunit ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala ang mga asul na apoy. Halos tumagal ng ilang minuto ay nakikita na nila ang katawan ni Selina sa loob ng asul na bolang apoy.

 

“Ano ang nangyayari?” Tanong ni Alex.

 

“Sa totoo lang ay wala rin akong ideya.” Tugon ni Carl.

Ngunit labis na nagtataka si Jigo at Mishia matapos makita ang pag-iyak ni Zinon habang pinapakiramdaman nito ang mga asul na apoy na nagtutungo sa kaniya.

 

“Zinon?” Sambit ni Jigo.

Hindi tumugon si Zinon bagkus ay naglakad ito papalapit sa asul na bolang apoy. Wala namang nagawa ang iba kundi ang panoorin ang gagawin ni Zinon. Ngunit ilang sandali pa ng makalapit ito ay tuluyan ng nawala ang apoy at ang katawan ni Selina ay nasalo niya.

Mabilis na nilapitan nina Alex si Zinon at kalaunan ay tinanong.

 

“Si master Zeren? Nasaan na siya?!” Sambit ni Carl.

 

“Wala na si kuya.” Tugon ni Zinon.

Nagulat ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Zinon.

 

“Imposible!” Sambit muli ni Carl.

Kasabay ng pagtataka ay napatingin si Alex sa katawan ni Selina at ilang sandali pa ay laking tuwa niya matapos mapansin ang mabagal na paghinga nito at ang malalim na sugat nito kanina at naghilom na.

“Selina?!” Sambit ni Alex.

Agad pinulsuhan ni Alex si Selina at dito ay nakumpirma niyang buhay ito.

 

“Selina buhay ka! Salamat kay Odin at ibinalik ka niya sa’min!” Sambit ni Alex.

Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Ganito din ang nangyayari ngayon kay Zinon, ngunit hindi katulad ng kay Alex ay pawang kalukutan ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

 

“Nitong mga nakaraang araw ay may sinabi si kuya Zeren sa’kin tungkol sa isang alamat. Isa itong kwento tungkol sa isang asul na phoenix na namatayan ng isang kaibigan. At dahil maraming nalungkot sa pagkawala ng kaibigan nila ay naisipan ng asul na phoenix na buhayin ang kanilang kaibigan sa pamamagitan sa pag-reincarnate dito.” Umiiyak na pagkakasambit ni Zinon.

 

“Wag mong sabihin..” Gulat na pagkakasambit ni Carl.

 

*Uhm.. Ipinagpalit ni kuya Zeren ang kaniyang buhay para mabuhay muli si Selina. At sa paraang ito ay hindi na siya mare-reincarnate pa.” Umiiyak na pagkakasambit muli ni Zinon.

Napaluhod na lang si Carl matapos marinig ang sinabi ni Zinon. Ilang sandali pa ay dumating na si Zelin at Lyrices.

“Umalis na daw kayo dito at magbalik na sa bahay. Magpapaiwan kami dito para hanapin si kuya Zenon. Bukas na lang daw ulit tayo magkita-kita. *Huh? Ano nangyari dito? At nasaan si kuya Zeren?” Sambit ni Zelin.

 

“Si master..” Sambit ni Carl.

 

“Ako na ang bahalang magpaliwanag kay ate Zelin. Ang mabuti pa ay umalis na kayo at magtungo sa bahay.”  Sambit ni Zinon.

 

“Nauuwaan ko.” Sambit muli ni Carl.

 

“Kung ganon ay tayo na.” Sambit ni Lyrices.

Matapos magsalita ay gumawa ng isang portal si Lyrices at derekta na itong patungo sa bahay nina Rain. Hindi na nagsalita pa ang iba at mabilis na silang pumasok sa loob at umaasahang bukas ay makikita na si Rain.

Agad ipinaliwanag ni Zinon ang mga nangyari at dito ay hindi na naiwasan pa ni Zelin ang maiyak. Gayumpaman ay naunawaan nito ang hakbang na ginawa ng kanilang kuya, kaya kahit masakit ay tinanggap na nila na wala na talaga ito. Agad na silang nagtungo sa gubat upang tumulong sa paghahanap at doon na din nila sinabi sa iba ang nangyari tungkol sa ginawa ni Zeren.

Kinabukasan, walang nakuhang balita sina Alex sa paghahanap kay Rain. Nagising na rin si Selina at labis siyang nagtataka dahil ang alam niya ay patay na siya. Hindi rin magawang maniwala ng magkakaibigan matapos malaman ang nangyari. Labis na nalungkot ang lahat matapos malaman ang nangyari kay Rain at sa kaniyang kapatid, ngunit hindi pa rin nila maalis na hindi magalit kina Alex at Selina dahil naglihim ang mga ito sa kanila. Sa bandang huli ay nagkaayos-ayos naman sila at hanggang sa ngayon ay nananatiling magkakaibigan.

Mabalik muli tayo sa kasalukuyan, halos ilang oras nagkwentuhan ang magkakaibigan habang masayang kumakain. Samantala ang kanilang mga anak ay natapos na sa pag-eenroll.

Sa labas ng Olympus university.

 

“Maraming salamat sa lahat. Magpapaalam na ako.” Sambit ni Jared.

 

“No problemo! *Hehehe! Sambit ni Eugeo.

Muli ay nagpasalamat si Jared at matapos nito ay nagpaalam na siya sa iba. Halos ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang sundo nina Lyra at Ryna. Agad bumaba ang driver nito at kalaunan ay lumapit sa anak ng kaniyang amo.

 

“Pinapasundo na po kayong lahat nila ma’am Annie.” Sambit ng driver.

 

“Kaming lahat?” Tanong ni Ryna.

“Tama po, pinapasundo kayo nila ma’am sa restaurant kung nasaan sila ngayon.” Tugon ng driver.

“Yes!” Sambit ni Lyra.

 

*Tsk! Pero ang sabi ni Mama ay magsha-shopping daw tayo eh.” Sambit muli Ryna.

“Wag ka na ngang magreklamo! Tayo na at sumakay sa loob!” Sambit muli ni Lyra.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Ryna at ilang sandali pa ay sumakay na ang lahat sa mahabang sasakyan at kalaunan ay dumiretso sa restaurant kung nasaan ang kanilang mga magulang. Samantala, may isang lalaki ang nakangiting naglalakad papalayo matapos makita ang pag-alis ng magarang sasakyan.

 

*Fufu.. Mabuti naman at mukhang okay lang sila.” Nakangiting pagkakasambit ng isang lalaki.

Mapunta naman tayo sa isang malayong isla.

 

“Ano ang balita sa bagong silang?” Sambit ng isang lalaki.

“Mabuti po siya, Elder Erdie.” Sambit ng isang babae.

 

“Magaling, Athena. Bigyan mo ako ng kabuoang ulat tungkol sa bagong silang na yan.” Sambit muli ng lalaki.

 

“Masusunod po.” Tugon ng babae.

Matapos magsalita ay naglakad na papaalis ang babae.

 

*Fufufu.. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay nalalapit na aking paghihiganti.” Nakangiting pagkakasambit ng lalaki.

Wakas!

Continue Reading

You'll Also Like

20.7K 1K 16
Isang senior high school student sa Victoria High si Matilda Quijano. She started living a depressing life matapos mamatay ang kanyang mga mahal sa b...
5.1M 138K 78
Have you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of i...
91.4K 2.7K 57
Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-walang taon na ang nakalilipas. Muling na...
930K 32.7K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...