School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.

8.8K 231 15
By chufalse

Augost 04, CS242 araw ng lunes. Sa ngayon ay pasugod na rin si Viel kasama ang ilan sa kaniyang malalakas na tauhan. Inaasahan na rin ng mga Isenhart ang paglusob ng mga ito kaya agad napalaban sina Viel.

Samantala, patuloy sa pakikipaglaban sina Rain sa mga Isenhart. Labis silang nahihirapan dahil hindi nila intensyon na patayin ang kanilang mga kalaban. Tanging si Izual lang ang pakay nila kaya kung makakaiwas sa laban ay hindi na nila ito pinapalampas pa.

Sa ngayon ay patungo na sina Hades sa loob ng kastilyo. Mas mapapadali sana kung dere-deretso sila sa pagpunta dito, ngunit batid nilang mas lalo silang mahihirapan dahil agad silang sasalubungin doon ng lahat ng kanilang mga kalaban at yon ang bagay na kanilang iniiwasan.

Walang hirap na natatalo ni Azys ang mga Isenhart na hindi nakakakinala sa kaniya. Ganon din si Mishia at ang kaniyang ina.

Samantala, sa ngayon ay napapalibutan sina Jigo, Alex, Sophia at Drake ng mga kalaban. Gusto sana silang tulungan nina Carl, Tyki at Warren ngunit hindi pa nila natatalo ang kanilang mga kalaban sa ngayon.

 

“Ang mama ni Jigo?” Gulat na pagkakasambit ni Alex.

Agad napatingin si Lara kay Alex at tila nagtataka sa reaksyon nito sa ngayon. Ilang sandali pa ay mabagal na nalakad si Alex patungo kay Lara. Naalerto naman ang mga Isenhart at ilang mga hakbang pa ni Alex ay sinugod na siya ng isa sa mga ito.

“Alex!” Sigaw ni Jigo.

Isang mabilis at malakas na pag-atake ang pinakawalan ni Ryura. Derekta itong tumama kay Alex, ngunit laking pagtataka ng lahat ng biglang mawala ang imahe nito. Sa mga sandaling ito ay napahinto si Ryura.

 

“Isang illusion? Isa din ba siyang Isenhart?” Gulat na pagkakasambit ni Ryura derekta sa kaniyang isipan.

Kahit sila Lara ay nagulat sa pangyayari, ikinagulat din ito nina Jigo, Sophia at Drake. Sa ngayon ay nasa harapan na si Alex ni Lara.

 

“Hello po, ako po si Alex Nightmiere. Ako po ang kasintahan ni Jigo. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Mama.” Magalang na pagkakasambit ni Alex.

Labis na nagulat ang mga Isenhart, lalo na si Lara na hanggang sa ngayon ay hindi magawang magsalita o gumawa ng kaulang aksyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagblush si Ryura at kalaunan ay galit na nagsalita.

 

“Naunaahan mo pa akong magka-girlfriend Jigo?! Hinding-hindi kita mapapatawad! *Grrrr!! Sigaw ni Ryura.

*Ahh! Pasenya na, biglaan kasi ang mga pangyayari eh. At isa pa ay gusto ko din naman si Alex.” Medyo nahihiyang pagkakasambit ni Jigo.

Lalong nagalit si Ryura sa kaniyang mga narinig. Samantalang hindi naman magawang mabasa nina Sophia at Drake ang kanilang sitwasyon ngayon.

 

“Natutuwa akong makilala ka, Alex. Sana alagaan mo ang anak ko.” Nakangiting pagkakasambit ni Lara.

 

*Uhm! Wag po kayong mag-alala, Mama.” Masayang pagkakasambit ni Alex.

Agad napalingon si Ryura kay Lara matapos marinig ang sinabi nito at muli ay galit itong nagsalita.

 

“Miss Lara!! Mga kalaban po sila kaya dapat po na’ting silang paslangin!” Sigaw ni Ryura.

Sa mga sandaling ito ay agad na-alerto ang mga Isenhart. At sa pagkakataong ito ay agad na ring naalerto sina Sophia at Drake, batid na kasi nila na malapit ng magsimula ang paglalaban.

Ilang sandali pa ay muling sinugod ni Ryura si Alex, ngunit bago pa siya tuluyang malakapit dito ay nagawa na siyang maunahan ni Jigo. Biglang napaatras si Ryura matapos makaramdam ng malakas na aura.

 

“Hindi ko hahayaan saktan mo si Alex.” Sambit ni Jigo.

Hindi inaasahan ni Lara na ganito na kalakas ang kaniyang anak. Halos kahalating taon din kasi niya itong hindi nakita, ngunit ayon sa mga ulat na ibinibigay kaniyang tungkol dito ay hindi pa rin ito nagbabago o lumalakas. Ngunit iba na sa pagkakataong ito, natitiyak niyang malakas na ang kaniyang anak at malaki na ang inilakas nito mula ng huli niya itong makita.

 

“Jigo!!” Sigaw ni Ryura.

Sa pagkakataong ito ay sinugod na ni Ryura si Jigo gamit ang kaniyang weapon phantasm. Ngunit ang gamit na sandata ni Jigo sa ngayon ay hindi isang phantasm at sobrang lakas nito, ang Shadow fang. Halos ilang sandali lang ang lumipas ay sumugod na rin ang iba pang mga Isenhart kina Sophia, Alex at Drake. Hindi magawang makipaglaban ni Lara sa ngayon, dahil masaya niyang pinapanood ang malaking pagbabago sa kaniyang anak.

Mabalik tayo, malalakas at mabibilis ang mga pag-atakeng pinapakawalan ni Ryura kay Jigo. Ngunit tila balewala lang ang mga ito kay Jigo, dahil walang hirap niya itong nasasalag at naiiwasan.

 

“Hindi hamak na mas mabilis ang mga pag-atake ni sir Azys kumpara sa mga pag-atake niya.” Sambit ni Jigo derekta sa kaniyang isipan.

Pansin ni Ryura na hindi nahihirapan si Jigo sa pakikipaglaban sa kaniya, ngunit labis siyang nagtataka kung bakit ganito ang nangyayari. Batid kasi niya na di hamak na mas malakas at mas magaling siyang makipaglaban kay Jigo, ngunit iba ang nangyayaring ito sa ngayon.

Sa kalagitnaan ng mga mabibilis at malalakas na pag-atake ay may isang mas malakas pang pag-atake ang pinakawalan ni Ryura. Ngunit bago pa man niya ito mapakawalan ay napansin na ito ni Jigo, kaya agad niya itong sinabayan ng isang pag-atake.

 

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumilapon si Ryura matapos tamaan ng ginawang pag-atake ni Jigo. Labis itong ikinagulat ni Lara at hindi akalain na magagawang talunin ng kaniyang anak si Ryura. Samantala, ikinagulat din ito ni Jigo dahil ngayon lang niya nasukat ng ganito ang kaniyang lakas magmula ng matapos siyang magsanay sa kamay ni Azys.

Hindi naman gaanong nahirapan sina Drake at Sophia sa pakikipaglaban, dahil agad nilang natalo ang kanilang mga kalaban. Ngunit ilang sandali pa ay may ilang mga Isenhart pa ang dumating at sa ngayon ay delikado na sina Jigo.

 

“Lara! Okay lang ba kayo?!” Sambit ni Yena.

Agad napalingon si Lara kay Yena at sa mga kasama nito. Halos labing limang Isenhart ang kasama ni Yena sa mga sandaling ito, kaya nagdadalawang isip na si Lara kung papanig pa ba siya sa kaniyang mga kalahi.

 

“Hindi ko hahayaang masawi ang anak ko.” Sambit ni Lara derekta sa kaniyang isipan.

 

Agad napansin ng mga kasama ni Yena na natalo na ang mga kalahi nila, kaya mabilis na nilang sinugod ang grupo nina Jigo. Agad namang inihanda nina Jigo ang kanilang mga sarili para sa paparating na mga kalaban, ngunit bago pa tuluyang makalapit ang mga kalaban sa kanila ay tumilapon ang isa sa mga ito. Bigla tuloy napatalon paatras ang mga Isenhart, dahil nakaramdaman sila ng isang malakas na aura.

 

“Okay lang ba kayo?” Tanong ni Mishia.

Labis na nagulat si Yena matapos makita ang hawak na sandata ni Mishia.

 

“Ang Athena’s Wrath! Pero imposibleng magamit ito ng kung sinuman!” Sambit ni Yena.

Agad napalingon si Mishia sa nagsalita at napangiti matapos makita ang gulat nitong ekspresyon.

 

*Hehe.. Alam ko na po ang tungkol sa bagay na yan. Pero ang mga decendant lang ni Cleglaw ang mga nakakagamit nito, tama po ba?” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia.

Muli ay nagulat si Yena matapos marinig ang mga sinabi ni Mishia.

 

“Isang bata? Pero sino ang batang ‘to?” Sambit ni Yena derekta sa kaniyang isipan.

 

“Magpakilala ka, sino ka?” Sambit ni Yena.

Ngunit ilang sandali pa ay dumating na si Azys sa lugar kung nasaan sila Jigo. Agad nitong napansin si Yena at si Lara hindi kalauyan sa kanila.

 

“Yena?” Sambit ni Azys.

 

“Azys?!” Sambit ni Lara.

 

“Buhay ka, Azys?” Gulat na pagkakasambit ni Yena.

Nagtatakang lumingon si Mishia sa kaniyang ama at kalaunan ay nagtanong.

 

“Kinala mo po sila, Papa?” Tanong ni Mishia.

 

“Papa?! Kung ganon ay anak mo ang batang ‘to?!” Gulat na pagkakasambit ni Yena.

 

“*Hehehe..” Sambit ni Mishia.

Matapos magsalita ay bigla na lang itong naglaho sa paningin nilang lahat at halos ilang segundo lang ang pagitan ay bigla na lang itong nagpakita sa harapan ni Yena at nakahanda na para sa isang pag-atake.

 

“Sorry po, pero kailangan po na’ming kayong talunin!” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia.

Muli ay nagulat si Yena sa bilis ng mga pangyayari at kasabay nito ay ang pagtataka, dahil imposible para sa isang vampire na mabilis maglaho, maliban na lang kung isa itong ilusyon. Ngunit batid niya na hindi isang ilusyon ang ginawa ni Mishia, dahil higit na malakas siya kumpara kay Izual, kaya hindi tatalab sa kaniya ang ganong klaseng kapangyarihan.

“** WRATH OF THE HALF BLOOD DEMON! **”Sambit ni Mishia.

Isang malakas na pag-atake ang pinakawalan ni Mishia at wala ng oras si Yena para maka-iwas.

 

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumilapon si Yena matapos tamaan ng pag-atake ni Mishia. Nagdulot ng malaking pinsala ang pag-atakeng ito, ngunit mabuti na lang at nagawa niya itong masalag dahilan upang hindi siya tuluyang natalo sa isang pag-atake lang.

 

*Whoa! Katulad ng inaasahan ko ay magagawa din niyang masangga ang pag-atake ko.” Sambit ni Mishia.

Napatalong pataas ang mga Isenhart kabilang si Lara. Batid nilang hindi isang ordinaryong vampire ang batang babaeng umatake kay Yena.

Samantala, mapunta naman tayo kay Yena. Sa ngayon ay mabagal itong naglalakad pabalik sa lugar kung nasaan ang kaniyang mga kasama at kalaban.

 

“Anong klaseng pag-atake ang ginawa ng batang yon? Ramdam ko ang elemento ng kidlat sa pag-atake niya, ngunit wala namang taglay na ganong kapangyarihan ang Athena’s wrath.” Sambit ni Yena derekta sa kaniyang isipan.

Halos kalahating minuto ng tuluyang makarating si Yena sa kaniyang mga kasama. Malaki din ang pinsala na kaniyang tinamo, ngunit mabilis itong naghihilom sa hindi maipaliwanag na dahilan.

“Pasensya ka na sa anak ko, Yena. Sabik lang talaga siyang makaharap ng malakas na katunggali.” Sambit ni Azys.

 

“Hindi ako makapaniwalang kalaban ka na’min ngayon Azys! Pero bakit?! Bakit ka nasa kanilang panig?! Bakit ka umalis ng walang pasabi?!” Sambit ni Yena.

Hindi magawang sumugod ng mga Isenhart sa pagkakataong ito, dahil alam na nilang isa sa mga malakas na Isenhart ang kanilang kalaban. At base na rin sa lakas ng anak nito ay delikado para sa kanila ang basta na lang sumugod ng walang kaukulang plano.

 

“Patawad, ngunit tsaka ko na sasagutin ang tanong mo. Sa ngayon ay balak ko ng magbalik at mangyayari lang yon sa oras na makuha ko na ang trono sa kapatid mo.” Tugon ni Azys.

Hindi inaasahan ni Yena ang kaniyang mga narinig at sa ngayon ay mas lalo siyang napapaisip sa dahilan ng pagkawala ni Azys.

 

“Ang akala na’min ay kaya ka umalis dahil ayaw mong ikaw ang maging pinuno ng mga Isenhart. Pero ano itong sinabi mo sa ngayon? Gusto mong agawin ngayon ang trono kay kuya?” Sambit muli ni Yena.

 

“Katulad ng sinabi ko kanina ay tsaka ko na sayo ito ipaliliwanag. Hindi ko alam kung alam mo ang mga ginawa ni Izual para maubos ang lahi ng mga druid at sorcerers! Kaya hinihiling ko sayo na umatras na sa laban at hayaan na lang kaming magtagumpay.” Sambit muli ni Azys.

 

*Tsk! Sa tingin mo ay susuko na lang kami basta-basta?” Sambit ni muli ni Yena.

 

“Alam mong hindi mo ako kaya sa labanan, Yena. At base sa lakas ng aking anak ay natitiyak kong hindi nyo kami magagawang matalo, dahil anak ko siya sa isang sorceress.” Sambit muli ni Azys.

Muli ay ikinagulat ni Yena ang kaniyang mga narinig. (Putek! Kung may sakit lang sa puso ‘tong si Yena, malamang ko ba patay na ‘to ngayon! xD)

 

“Imposible! Anak mo ang batang yan sa isang sorceress?!” Gulat na pagkakasambit ni Yena.

“Pero base sa ginawa ng batang yon kanina ay masasabi kong isa sa kapangyarihan ng mga sorcerer ang ginawa niyang mabilis na paglapit sa’kin. Teleportation? At ang elementong nakapaloob ngayon sa Athena’s wrath ay kapangyarihan din ng isang sorcerer? Pero imposibleng magka-anak ang vampire at sorceress!” Sambit ni Yena derekta sa kaniyang isipan.

“Nagsasabi ng totoo si Papa! Anak niya ako sa isang sorceress! Anak niya ako kay Lyrices Castellar!” Sambit ni Mishia.

Muli ay ikinagulat na naman ni Yena ang kaniyang mga narinig. (Shet diba? Hahaha! xD)

 

“Imposible! Sa babaeng yon?! Kay Lyrices?!” Sambit ni Yena.

Ilang sandali pa ay bigla na lang napalingon si Yena kay Lara, dahil bigla na lang itong bumuwal.

 

“Lara!” Sigaw ni Yena.

Matapos magsalita ay agad itong napalingon sa kaniyang mga kasama, ngunit pati ang mga ito ay pawang mga nakabuwal na rin.

 

“Ano ang nangyari?” Sambit ni Yena derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay napalingon si Yena sa kaniyang harapan at isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig.

 

“Kamusta ka na, Yena?” Nakangiting pagkakasambit ni Lyrices.

 

“Lyrices?!” Sambit ni Yena.

Mapunta naman tayo sa kastilyo. Sa ngayon ay nakapasok na dito si Hades kasama ang kaniyang mga anak at si Eclaire. Halos natalo na rin nila ang mga kalaban sa loob at sa ngayon ay patungo na sila sa pinakataas upang makaharap ang tunay nilang pakay, si Izual.

Samantala, kasalukuyan ngayong nag-uusap sina Izual kasama ang kaniyang asawa, mga anak, si Zinon at ang ilan sa kaniyang mga tapat na tagasunod.

 

*Fufufu.. Malapit na sila dito, kaya maghanda na kayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

 

“Masusunod po ama.” Tugon ni Kiel.

 

“Zinon.” Sambit muli ni Izual.

 

“Ano po yon, pinuno?” Tugon ni Zinon.

 

“Gusto kong ikaw na ang tumapos sa mga anak ni Hades.” Sambit muli ni Izual.

 

“Masusunod po.” Tugon ni Zinon.

Mabalik tayo sa pangkat ni Viel. Sa ngayon ay halos nakalapit na siya sa kastilyo habang ang kaniyang mga kasama ay patuloy na nakikipaglaban sa mga Isenhart. Hindi sana gusto ni Viel na iwan ang kaniyang mga kasama ngunit kailangan niyang makapunta sa kastilyo upang siya na mismo ang tumapos sa buhay ni Izual.

Samantala, halos matalo na nila ang lahat ng mga Isenhart na nagbabantay sa may labas ng kastilyo. Ngunit sadyang hindi natitinag ang mga ito, kaya patuloy pa rin silang nakikipaglaban. Marami na ring pinsala ang natamo nina Poseidon, Warren, Tyki, Carl at iba pa, dahil na rin sa walang hintong pakikipaglaban. Ngunit labis na nagtataka ang mga vampire kung papaano mabilis na naghihilom ang sugat ng mga ito. Ngunit ang hindi nila alam ay ang bawat isa sa kanilang mga kalaban ay may tangan na isang maliit na bote at naglalaman ito ng luha ng Phoenix.

 

“Humanda na kayong muli, papasugod na sila.” Sambit ni Poseidon.

Handa naman sa pakikipaglaban ang mga Isenhart, ngunit ang hindi nila napaghandaan ay ang abilidad ng kanilang mga kalaban. Batid nila ang lakas nina Hades, Poseidon, Eclaire at ang mga Phoenix, ngunit hindi nila inaasahan ang iba pa nilang mga nakalaban, tulad nina Mishia, Lyrices, Azys, Alex, Warren at Aviona.

Ilang sandali pa ay muling sumugod ang mga natitirang Isenhart. Agad naman silang napigilan ng kapangyarihan ni Aviona at nagawang mapahinto sa pag galaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga ugat na gumapos sa kanilang mga binti. Nagawa namang masira ng mga Isenhart ang mga ugat, ngunit huli na para sa kanila ang umiwas o sumalag dahil malapit ng tumama sa kanila ang mga pag-atake ng kanilang mga kalaban.

Sabay-sabay umatake sina Poseidon at sa pagkakataong ito ay nagawa na nilang matalo ang natitirang mga kalaban. Matapos nilang magawa ito ay hindi na sila nag-usap pa at sabay-sabay ng tumakbo upang sumunod kina Hades. Hindi na nila inisip pa o hinintay ang iba pa nilang mga kasama, dahil batid nilang makakasunod ang mga ito.

Mabalik tayo sa lugar kung nasaan sina Azys. Sa ngayon ay batid ni Yena na nasa panganib siya, dahil ang kaniyang mga kasama ay kasalukuyan ng mga nakabuwal. Hindi niya tiyak kung patay na ang mga ito dahil walang gumagalaw sa kanila.

 

“Lyrices!” Sambit ni Yena.

“Sumuko ka na Yena, wag kang mag-alala dahil hindi na’min pinaslang ang iyong mga kasamahan.” Sambit ni Lyrices.

“Tama ang sinabi ni Lyrices. Sumuko ka na Yena, wala ng patutunguhan kung makikipaglaban ka pa sa’min.” Sambit ni Azys.

Samantala, mabilis nilapitan ni Jigo at Alex si Lara upang tingnan ang kalagayan nito.

 

“Kamusta si Mama? Okay lang ba siya?” Tanong ni Alex.

 

*Uhm.. Mukhang nawalan lang siya ng malay.” Tugon ni Jigo.

 

“Mabuti naman.. Nag-alala ako dun matapos siyang atakehin ni mrs. Lyrices.” Sambit muli ni Alex.

Agad napatingin si Yena kina Jigo suot ang nagtatakang ekspresyon.

 

“Mama? Sino ang batang babaeng kasama ni Jigo? Wag mong sabihing anak din siya ni Lara?” Sambit ni Yena derekta sa kaniyang isipan.

 

“Sandali lang, sino ang babaeng kasama mo Jigo?” Tanong ni Yena.

Agad napalingon si Alex kay Yena at kalaunan ay nagsalita.

 

*Ahh! Ako po si Alex Nightmiere, ang mapapangasawa ni Jigo.” Sambit ni Alex.

 

*Puuuuuh! (Saliva burst!) Mapapangasawa?!” Gulat na pagkakasambit ni Yena.

Napakamot na lang ng ulo si Azys matapos marinig ang sinabi ni Yena.

 

“Wag mo na lang silang pansinin, pero Yena..” Sambit ni Azys.

Sa pagkakataong ito ay seryosong napalingon si Yena kay Azys at kalaunan ay nagsalita.

 

“Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka biglang nawala?” Tanong ni Yena.

 

*Ahh! Si Mama ko po ang dahilan kung bakit po siya umalis! *Hehehe! Masayang pagkakasambit ni Mishia.

Nagulat si Yena sa kaniyang mga narinig at tila hindi makapaniwala dahil ang huling pagkikita nila ni Lyrices ay magkakalaban sila.

 

“Mishia anak, hindi ba’t sinabi ko sayong wag kang makikisali sa usapan ng mga matatanda?” Sambit ni Lyrices.

 

“Sorry po.” Mahinang pagkakasambit ni Mishia.

 

“Imposible! Ngunit nakalaban pa na’tin siya bago ka tuluyang mawala!” Sambit ni Yena.

 

“Tama, pero ang paglalabang yon ang nagbigay daan para magustuhan ko siya. Tatlong araw ang lumipas matapos na’ting makalaban sina Lyrices ay umalis ako upang makita siya. Nagtungo ako sa Nilfleheim para lang gawin ang bagay na yon at palihim kong nalaman na magkatulad lang pala kami ng naramdaman. Nagustuhan din niya ako nung mga sandaling naglaban kami, kaya hindi na ako nagdalawang isip na kausapin siya sa kaniyang kwarto ng gabing yon. At doon na’min napagdisisyonan na lumayo na lang at magsama.” Sambit ni Azys.

 

(chufalse: Parang si Goku at Chichi lang no? xD)

Muli ay nagulat si Yena dahil hindi talaga siya makapaniwalang ginawa ni Azys ang bagay na yon.

“Ngunit papaano nabuo ang batang yan?! Imposibleng magka-anak ang isang Vampire sa isang Soreceress.” Sambit muli ni Yena.

 

“Alam na’min ang tungkol sa bagay na yan, pero nitong nakaraang labing siyam na taon ay nakakinala kami ng isang nilalang na may kakayahang gawin ang napaka-imposibleng bagay na ito. At salamat sa kaniya dahil biniyayaan kami ni Lyrices ng isang makulit na anak.” Sambit ni muli ni Azys.

 

“Imposible! Sobrang imposible ng mga bagay na sinabi mo!” Sambit muli ni Yena.

“Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo kami, Yena. Ngunit mauunawaan mo ito sa oras na matapos na na’min ang aming misyon.” Sambit muli ni Azys.

 

“At ito ba ay ang tapusin ang buhay ng aking kapatid?” Sambit muli ni Yena.

 

“Ganon na nga. Batid kong wala kang alam sa mga krimen ginawa ng iyong kapatid sa nakaraan, dahil hinahanap mo ako nung mga panahong yon.” Sambit muli ni Azys.

 

“Krimen?” Tanong ni Yena.

 

“Tama, nagkasala ng malaki ang iyong kapatid, Yena. At nakahanda kaming ipaliwanag sayo ngayon ang lahat.” Sambit ni Lyrices.

                                

“Sige, makikinig ako.” Sambit muli ni Yena.

 

“Maraming salamat.” Sambit ni Azys.

Sa pagkakataong ito ay nagkwento na si Azys kay Yena. Kinuha naman nina Sophia, Drake at Mishia ang pagkakataong ito upang sumunod sa iba pa nilang mga kasama.

Samantala, mabalik tayo sa kastilyo. Sa ngayon ay nakikipaglaban na sina Hades sa mga Isenhart at hindi sila yung mga nakalaban nila sa labas, dahil kilala nila ang mga ito at gayun din ang mga ito sa kanila.

 

“Nagkita tayong muli, Rigon!” Nakangiting pagkakasambit ni Poseidon.

 

*Fufufu.. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na tayo magkaibigan pa, Poseidon.” Tugon ni Rigon.

Chapter end.

Afterwords

Isang linggo na lang! Expect more twist sa dulo at maghanda na kayo ng calculator dahil baka mapa-isip pa kayo! Hahaha! Pero ano kaya yung kinalaman ng calcu? xD

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.    

Chapter 44: Sa wakas.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 1.7K 39
Limbo, lust, gluttony, greed, anger, heresy, violence, fraud, and treachery. The psychopath who was playing Satan brought hell in the quiet Province...
6.7M 12.2K 4
May tatlong hiling ang pumayapa niyang lolo. Ang una ay pamahalaan niya ang academy na itinayo nito. Pangalawa, lumipat sa academy bilang isa sa mga...
287K 6.5K 89
Kaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat d...