Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 16

286 91 157
By night-firefly


Clover pov:

"Where are you?" I texted her.

"Home."—First replied..

"Where? Sa unit mo?". tanong ko ulit.

"No!".. —reply ulit niya..

Ang tipid naman nitong magreply..

"Saan ka nga?!" 😒 —text ko with emoji! naiinis ako sa tipid niyang magreply.

"Home." 😏 —reply niya with an smirking emoji.. nang-iinis siya.

"Tsk!" 😑. —tipid kong reply..

Akala ko pa naman nasa unit siya yayain ko sana siyang magmukbang.. —ay kumain pala.

Tumunog ulit ang phone ko at tamad kong binuksan ang mensahe nito.

"Help!" 😞napaayos ako sa pagkakaupo ko at kaagad siyang tinawagan. May load naman pala ako nagpakahirap pa akong magtext sa kanya..

"Why? What happen?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya na tinawanan lang niya ng bahagya. Niloloko lang ba niya ako sa help niya?

"Wala kasi akong maisip!" —sagot niya sa kabilang linya. Hindi ko alam sa babaeng ito kung normal lang talaga sa kanya ang walang maisip. Ganoon din kasi ang sinabi niya noong naabutan ko siyang tulalang nakaupo sa sofa niya.

Ano kayang laman ng utak niya kung wala siyang naiisip?

"Tsk! Kumain ka para may maisip ka.. Doon ka magaling diba?" suhestiyon ko..

"Good idea! Hihi.. wanna come?" —tanong niya..

"Yeah.. Sa mall na lang tayo magkita gutom na din ako.." aayain ko naman kasi talaga siya kaya tinext ko siya. Siya kasi ang naiisip ko ngayong mga nagdaang araw kapag naaalala ko ang pagkain..

She always have the appetite! Gusto ko tuloy magmukbang.

"Tss! Patay-gutom.. bye!"

Hindi ko man lang nasagot ang sinabi niya. Patay-gutom? —nagsalita ang hindi!

Kaagad na akong nagbihis at mabilis na umalis ng unit ko.. Gusto ko na din naman siyang makita kaya kaagad na akong pumayag sa alok niya..

Sa isang mall kami dito sa city nagkita. Akala ko magcocommute siya but she's driving her car.

"Woahhh!"bungad ko sa kanya habang tinitignan ang sasakyan niya. A top down Ferrari.. ngayon ko lang siya nakitang nagmaneho ng sasakyan..

"Ganda ba?" may pagmamalaki niyang tanong kaya tumango ako.

Ngunit sa pagtango kong iyon ay napangisi siya.

"Ako? ..hihi! Thank you!" dagdag niya. Napailing na lang ako sa kanya. Lakas ata ng trip niya ngayon.

Pumasok na kami sa isang buffet restaurant at kaagad na pumili ng pagkain. Natuloy nga ang mukbang na iniisip ko kanina dahil pinili niyang dito kami kumain.. Eat all you can!

Sabay kaming kumuha ng pagkain at napapatingin ako sa plato niya dahil kaunti lang ang laman nito. —Kaunti na lang at mapupuno na ang laman nito. Napapailing na lang ako sa katakawan niya. Dapat ata siya ang tawaging patay-gutom sa aming dalawa.

"Kumuha ka pa, huwag kang mahiya.." ani First.

Umiling lang ulit ako at napanguso naman siya sa harap ko. Ang cute niya tignan.

Umupo na kami sa bakanteng upuan at nag-umpisa ng kumain. Napapatingin pa ako sa kanya dahil sa bilis niyang sumubo. Ginugutom ba siya sa kanila o may alaga lang talaga siya sa tiyan niya!

Hawak-hawak ko ang baso ng inumin at hinahandang ibigay sa kanya oras na mabulunan siya. Ibang klase siya kung kumain parang dumaan siya sa isang matagal-tagal na hunger strike.

Nauna pa siyang matapos kumain sa akin at napapahawak pa sa tiyan niya dahil siguro sa kabusugan. At ngayon ko lang napagtantong sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko sa mga sandaling ito.

What happen to me? Bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin?

"Nabusog ka ba?"tanong niya..

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Really? Nakakabusog ba ang ganda ko kaya nabusog ka?"inosente niyang sambit na nagpasamid sa akin.

Mabilis niyang inabot ang tubig sa akin na ininom ko naman. Pinalo-palo ko pa ang dibdib ko upang makahinga lang ako ng maayos. Ngunit bakit dibdib ang pinalo ko? Hindi ba dapat ay lalamunan ang dapat hagurin? —-ang lakas ng tibok ng puso ko!

"Hahaha.. your funny Clover.. Kanina ka pa tumitingin sa akin, what's the matter. Huh?" tatawa-tawa niyang sambit.

"Tss! —ang lakas mo kasing lumamon kaya napapatingin ako sayo." sabi ko na nginitian lang niya..

"I need to eat more para may lakas ako! —uhh i need to go."sambit niya matapos tignan ang relong pambisig niya.

"Where did you go? Uuwi ka na?" tanong ko naman.

"No! I will be gone for two days." seryoso niyang sambit at maya-maya ay ngumiti siya. A faint smile. What's wrong?

"Why?"nakakunot nuong tanong ko.

"Some important matters.. —and by the way don't tell others that I will be gone. Sayo ko lang sinabi ito para lang may makaalam na mawawala ako. Hihi." sambit niya na lalo kong kinunutan ng nuo.

"Why?"tanong ko ulit. Na-curios tuloy ako sa dahilan ng pag-alis niya..

"Importanteng bagay nga." nakanguso na niyang sagot.

"What is it?" patuloy ko pa ring tanong. Alam kong ang tipid kong magtanong pero ang hirap naman kasi niyang kausap.

Nagkibit-balikat lang siya sa akin at nagpatiuna ng lumabas ng restaurant. Sinundan ko naman siya at tinanong ulit katulad ng tanong ko sa kanya kanina.

"What is it First?" naiinis ko ng sabi. Kung wala siyang balak sagutin dapat hindi na lang niya sinabi sa akin.

"Don't worry I will be back in two days." tanging sagot niya. Nainis ako lalo at mabilis ko na siyang pinigilang maglakad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit ramdam ko ang inis dahil sa pag-alis niya.

"First sagutin mo nga ako ng matino!" mariing utos ko habang hawak ang pulsuhan niya..

Seryoso lang siyang tumingin sa akin ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. She gave me again her faint smile na laging nangangahulugan sa akin na hindi siya okay.

"It's nothing Clover. I just need to tell it to you para alam mo. —-at may makakaalam pa na babalik ako." marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa pulsuhan niya. "Thank you for today Clover. Goodbye!" huling sambit niya bago ako iniwang nakatanaw lang sa papalayong likuran niya. Something's wrong!


First pov;

There are two types of fears;

One is forget and run.

The other — face and overcome.

Lahat tayo ay may kinakatakutang mga bagay o pangyayari sa buhay. Mga alaalang pilit nating binabaon sa limot at patakbong tinatakasan. Ngunit may mga lihim pa rin na hindi kailanman mababaon sa limot at patuloy ka pa ring dadalawin ng nakaraan. A nightmare that will haunts you down no matter how much you hide yourself.

"It's nothing Clover.— I just need to tell it to you para alam mo.— at may makakaalam pa na babalik ako.." huling sabi ko sa kanya bago siya iniwang tulala sa loob ng mall. I don't know kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon sa kanya. Siguro naalala ko lang ang mga sandaling nagkasama kami sa may tabing dagat noong nagdaang gabi.

I also feel something strange. Normal lang siguro iyon kapag may bagay kang matagal mo nang gustong gawin at alamin. Mga bagay na matagal mo nang gustong mahanap. Mga katanungang may pag-asa nang pweding masagot.

Tuloy-tuloy na akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis nilisan ang lugar baka kasi maisipan pa ng impaktong iyon na magtanong ulit at masundan pa kung saan ako pupunta.

I pick up my phone at nag-dial sa telepono ko.
Ilang ring lang at sinagot na kaagad ang tawag ko.

"Hi Tork! What's up?" usal ko sa kabilang linya.

"I miss you.." malambing na pambungad naman niya..

"I miss you too." natatawa ko pang sagot sa kanya. "Lead the way Tork. I need your direction." dagdag ko at napabuntong hininga naman siya sa kabilang linya.

"Kailangan mo ba talagang gawin ito First? It's too dangerous to go there.. He's an ex-convict First, ipapaalala ko lang sayo." ramdam ko sa boses niya ang pag-aalinlangan at pag-aalala.

"Tss. Don't worry Tork. I can handle him." sabi ko nalang upang mabawasan ang pag-aalala niya.

Rinig ko ang mabilis na pagpindot niya na sa tantiya ko ay ang laptop niyang palaging gamit ang kaharap na niya.

"In an hour you will exit the main road First. There's an extension way 500 miles away from your location. Drive safely dahil makakarating ka din sa pupuntahan mo." paliwanag niya na may kaunting sermon sa hulihan.

"Are you really a 12 years old kid Tork?" biro ko sa kabilang linya.

"Tss! I'm not a kid First!" inis niyang sabi na nasisiguro kong sa uri ng pagkakasabi niya ay nakanguso na naman siya.

"You're too cute when your pouting Tork." nakangiti kong sambit. Rinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya at kasunod nito ang pagtunog ng parang signal na nanggaling siguro sa laptop niya..

"You're exceeding First! —not too fast, okay!" ani niya patungkol sa mabilis kong patakbo.

"I'm out of time Tork.. Dalawang tao ang pupuntahan ko, remember?" —

"I know!— and I forget to tell you that I'm regreting the fact na pumayag ako to lead you the way to that dangerous man.. —bumalik ka na lang kaya First, wag mo na lang ituloy ang plano mo. Those place is a secluded part of Nueva Ecija and I don't see any neighborhood in that place." nag-aalala niyang mahabang sabi.

"Don't worry, okay? Kaya ko ang taong iyon." mahinahon kong sagot sa kanya.

Katulad nga ng sinabi niya kanina matapos ang isang oras I'm exiting the main road.

Rinig kong nag-beep ulit ang monitor sa linya niya.

"Turn to the left road First. 100 miles take the rough road." turo niya sa direksyon na tatahakin ko. Alam kong naka-monitor pa rin siya sa bilis ng patakbo ko ngunit mas lalo ko pang binilisan ang pagpapa-andar ko.

"Hard-headed girl.." bulong niya sa kabilang linya.

Tuloy lang ang pagbibigay niya ng direksyon siya at pagsermon na din sa mabilis kong pagpapaandar pero wala na din siyang magagawa dahil talagang nagmamadali ako..

Tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok dahil mula pa sa city ay hinayaan ko lang nakabukas ang itaas ng sasakyan ko.

"Your taking the rough road. Turn left again and you will see an Old Ark Cemetery. It's creepy because it's the old cemetery." ani Tork.

Alam kong tinatakot lang niya ako sa sinasabi niya upang umatras ako sa pagpunta sa taong iyon pero hindi ako natatakot sa ganoong bagay. Mas matatakot pa ako sa buhay dahil may kakayahan ang mga itong manakit at magpahirap.

Katulad nga ng sinabi ni Tork ay dinaanan ko ang lumang sementeryo. Aaminin kong nakaramdam ako ng kakaiba na waring may nakamatyag sa akin ngunit nagpatuloy pa rin akong tahakin ang daan papunta sa taong iyon.

"You're almost there First." Loob sabi ni Tork sa kabilang linya.

"Okay! Thank you Tork.."

"Be safe First. Don't drop the call so —-

Ngunit bago pa man niya natapos ang tawag niya ay napatay ko na ang telepono ko. Ayokong marinig pa niya ang pag-uusapan namin ng taong hinahanap ko.

Hininto ko ang sasakyan sa isang makalawang na gate ng isang lumang mansyon. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala man lang akong nakikitang ibang bahay na nakatayo sa lugar maliban sa lumang mansyon.

Huminga muna ako ng malalim upang patatagin ang loob ko bago ako nagpasyang lumabas ng sasakyan ko.

Nilinga ko ulit ang paligid at magbabasakaling may ibang tao akong makita ngunit isang bulto ng may katandaang lalake ang nakita ko.

Kunot noo niya akong tinignan at matatalim ang mga mata niyang kinikilatis ang hitsura ko.

"Mr. Mariano Ambrosia!" tawag ko dito na lalong nagpakunot ng noo niya. Alam kong hindi na niya ako nakikilala ngunit tandang-tanda ko pa ang mukha niya. Lahat ng impormasyong tungkol sa kanya ay alam ko na.

"Sino ka?!" mabigat niyang tanong na nakapagseryoso ng tingin ko sa kanya.

"First Villera!" malamig kong pagpapakilala sa kanya at kita ko sa hitsura niya at pagkabigla.

"Villera?" pabulong niyang tanong at waring may inaalala sa nakaraan.

Dapat niya lang itong matandaan dahil isa siya sa taong may kaugnayan sa pagkamatay ng ina ko noon.

"I—ikaw ang anak ni —-

"Who killed my mother?" sambit ko bago pa man niya masabi ang pangalan ng ina ko.

"Hi—hindi ko alam! Wala akong alam... —mali ang bintang nila sa akin! Hindi ako.. hindi ako ang pumatay sa ina mo!!" utal-utal na sagot niya kasabay ng pamumutla niya.

"Then who?! Kung hindi ikaw sino?" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Wala akong alam.! Hindi kita masasagot sa tanong mong iyan kaya umalis ka na!" biglaang sigaw niya sa akin. Bigla lang nagbago ang reaksyon niya at matalim na naman na napatingin sa akin ngunit pansin ko pa rin ang pamumutla ng mukha niya.

"Mr. Mariano, alam kong kakalabas mo pa lang mula sa kulungan. Hindi mo naman siguro nanaising muling bumalik doon kapag hindi mo nasagot ang tanong ko sayo.!"banta ko sa kanya ngunit mabilis lang siyang nakalapit sa pwesto ko at walang pagdalawang isip na sinakal ako sa leeg.

"Wala akong kasalanan sayo at mas lalong wala akong kasalanan sa ina mo! Baliw siya.. baliw ang ina mo kaya siya namatay. Dinamay niya pa ako at nagbayad ng kasalanang hindi ko naman ginawa!!"galit niyang sigaw habang patuloy pa rin akong sinasakal. Mariin akong nagpumiglas ngunit masyado siyang malakas kaya unti-unti akong napabitaw sa pagkakahawak sa kamay niya.

Mauubusan na ako ng hininga ng bitawan niya ang leeg ko at nakangising lumayo sa akin.

"Umalis ka na bago ko pa magawa ang bintang na hindi ko naman ginawa!!!!" malakas niyang sabi at nag-umpisa ng talikuran ako.

"BALIW KA!" sambit ko.

"Ano??!" baling niya sa akin.

"BALIW KA! Hahaha.. ikaw ang baliw hindi ang ina ko! Iniwanan ka ng pamilya mo dahil baliw ka. Tumakas ka lang hindi ba at nagpanggap na nasisiraan ng ulo sa kulungan para maipasok ka sa mental hospital?! You're not an ex-convict but an refugee! Gusto mo ibalik kita?" nakangising sambit ko sa kanya. Mahapdi ang nararamdaman ko sa parteng leeg ko ngunit kelangan kong isantabi muna iyon.

Napamaang siya sa harapan ko at tumalim muli ang titig niya sa akin..

"Bakit? Hindi ba totoo? Takas ka hindi ba, kaya dito mo napiling tumira. Tss! Isang liblib na lugar na walang mag-aakalang may nakatira." tumaas ulit ang gilid ng labi ko. "ilang buwan din kitang hinanap, dito ka lang pala nakatira. Alam kaya ng pamilya mo ito? —uhh wait wala na pala silang pakialam sa isang taong wala ng pag-asa sa buhay! Hahaha." sarkastiko kong dagdag na nagpa-igting ng panga niya. Mabilis uling siyang nakalapit sa akin at aaktong muli na naman akong sasakalin ngunit naunahan ko siyang tadyakan sa sikmura. Napaatras siya ng bahagya ngunit inulit ko pa ng ilang beses ang pagsipa sa kanya at sinigurado ko ng mapupuruhan siya.

I'm wearing my killer heels kaya mapupuruhan talaga siya.

Napahiga siya sa lupa habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya at hinatak ang buhok niya kasabay ng pagtutok ng kutsilyo sa leeg niya..

I always have my pocket knife in my jacket's pocket.

"Who killed my mother?" ulit kong tanong.

"Wa—wala akong alam!!" pagmamaangan niya.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Mr. Mariano.—." ngumisi ulit ako sa harap niya. "Mr. Francisco found dead in his barn, baka gusto mong ganon din ang mangyayari sayo!" banta ko..

Kunot noo siyang napatingin sa akin at kita ko ang unti-unting pagtanto niya sa nangyari sa dati niyang kasamahan.

Sina Mr. Mariano at Francisco ay mga tauhan ng Mommy ko noon na siyang nahatulang pumatay dito, pero malakas ang kutob kong ibang tao ang may kagagawan kaya siya namatay.

"Baliw ka na! Katulad ka lang ng ina mong baliw!!!" sigaw niya sa mukha ko. "Ikaw ba ang pumatay kay Francisco?"

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Na —ah! It's an accident., hindi ko siya pinatay Mr. Mariano!" inosente kong sambit sa kanya. "But he really used those rope huh! Hahahhahaha!" malakas akong tumawa sa harap niya.

Nagpumiglas siyang makaalis ngunit mahigpit ang pagkakasabot ko sa kanya at iniinda pa rin niya ang pagkakatadyak ko sa sikmura niya.

"Bitawan mo ako baliw ka!!!! Umalis ka na, wala akong alam sa sinasabi mo. Magsama kayo ng ina mong baliw!" muli niyang sigaw na nagpaigting ng pandinig ko dahil sa paulit-ulit niyang sinasabi.

Mula sa bulsa ng suot kong itim na jacket, kinuha ko ang may kakapalang tali na katulad ng dinala ko noong binisita ko si Mr. Francisco Oliveros. —ang taong hinanap ni Tork noon na natagpuang patay sa barn nito.

I was there before he died!

"Ito ang huling pinakita ko kay Francisco bago siya namatay. Do you want to die like him?"

Pilit niyang nilalabanan ang takot niya ngunit pansin ko iyon sa pamumutla ng mukha niya.

"Huwag... —huwag mo kong patayin! Maawa ka, wala akong kasalanan..!! Si — si Natividad.." natigilan ako sa pagbanggit niya sa pangalan ng katulong namin noon. "—siya ang may alam kung paano namatay ang ina mo! Siya ang tanungin mo.. Wala akong alam.. Wala akong kasalanan. Nadamay lang ako..Maawa ka. Wala akong kasalanan!!" takot niyang dagdag.

Napabitaw ako sa pagkakahawak  sa buhok niya at wala sa sariling napalayo sa pwesto niya.

"Yaya... where's Mom?!"

"She's in the pool baby."

May ala-alang biglang pumasok sa isipan ko..

"First help me! I'm drowning. First!!!!"

"Mom!"

"Get in here, you brat!!!! Help me!"

"No! I don't want!"

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. May mga imaheng tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko alam kung totoo iyon.

Nawala sa isipan kong nabitawan ko na pala ang hawak kong tali. Napabalik na lang ako sa sarili ng maramdaman ko ang pagsakal sa leeg ko mula sa likod.

"Ikaw ang pumatay kay Francisco!!!! Kelangan mong pagbayaran iyon!!! Nasira ang mga buhay namin dahil sa ina mo tapos heto ka naman at gusto din akong patayin!!! .." mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakatali sa leeg ko. Umuubo na ako at hirap ng huminga. Tumulo na din ang luha ko dahil sa malakas na pagkakasakal niya. "MAMATAY KA NA!!!! IKAW ANG PUMATAY KAY FRANCISCO KAYA MAMATAY KA NA DIN!" sigaw niya mula sa likod ko.

Imbes na matakot pa ako sa pagbabanta niya ay napatawa pa ako. Mamatay? Iyan ang ilag na mangyayari sa akin.

Nagulat siya sa pagtawa ko kaya wala sa sariling napaluwag ang hatak niya sa tali na nasa leeg ko..

Binuhos ko ang lahat ng natitira kong lakas upang itulak siya sa likod, ngunit ng pagtulak ko ay nahatak niya din ang taling nasa leeg ko kaya gumadgad pa ito sa balat ko. Ramdam ko ang hapdi ng pagkatuklap ng balat ko ngunit mabilis ko siyang muling tinadyakan sa sikmura ng ilang ulit kaya nawalan siya ng malay.

I don't kill him. I don't kill Francisco either.
He just choose to die because he is hopeless.
He really committed suicide that day! Hindi niya nakayanan ang konsensiya niya.

Continue Reading

You'll Also Like

409K 13.2K 97
Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng mga ito at iniiwas sa mga gulo. Ngunit a...
131K 4.3K 68
Everyone has a secret.Just like her.She's beautiful but...She's a maid.Madaming nakakapansin sa kanyang kagandahan pero sa likod nito ay isa siyang...
649K 14.4K 49
HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 IN ACTION TAG | #1 IN TEENFICTION TAG | #1 IN THRILLER TAG MUST READ: First and foremost, I would like to warn you about...
466K 12.4K 59
I can't be your 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒐𝒏𝒆 if you really love 𝒂𝒍𝒍 of me.