ONE-SHOT STORIES

Von lalieneee

52 5 5

0 Mehr

OLD HOUSE

HIS PROMISED 11 YEARS AGO

22 2 4
Von lalieneee

WARNING: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the product of the Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

AUTHOR'S NOTE: Please, paki-correct ako if may mali sa mga grammar ko. You know, I'm not perfect.


HEKA GARCHI

Naghahanda ako ngayong linggo dahil magsisimba kami ni Klei, boybestfriend ko.

Napagdesisyunan namin na sa simbahan nalang magkita para iwas issue.

Alam nyo na, maraming cctv sa tabi-tabi.

Pagkarating ko sa bungad ng simbahan ay agad ko syang nakita na kumakaway sa akin.

Napangiti ako at sinalubong sya ng yakap. Natural na iyon sa amin dahil close na close kami sa isa't-isa.

Minsan nga lang ay nalilito ako sa nararamdaman ko. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing magkakalapit kaming dalawa.

Nagsimula na ang misa nang makaupo kami ni Klei. Lalaki ang katabi ko sa kaliwa kaya pilit nya akong pinapausog papunta sa kanya sa kanan.

Ewan ko sa lalaking 'to, pero kinikilig ako sa ginagawa nya.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng simbahan.

Luminga-linga ako sa paligid dahil gusto kong bumili ng sampaguita pero mukhang walang nagbebenta ngayon.

Bigla naman akong napalingon kay Klei nang hawakan nya ang braso ko.

"Heka, maganda itong simbahan na ito 'no?"

Napatango-tango ako at sumagot.

"Oo. Kapag kinasal ako, gusto ko dito iyon ganapin.." kwento ko habang ini-imagine si Klei na nakasuot ng tuxedo at ako naman ay nakasuot ng white gown.

"Talaga? 15 years old ka palang pero yung mga iniisip mo ay pang-twenties na." Aniya at pinitik ang noo ko.

"Eh ano naman?!" Inis na tanong ko rito.

Tinawanan nya ako at tinignan ang simbahan. "Gusto ko rin dito ikasal.." biglang saad nya at tumingin sa akin.

"Ako.. gusto ko sayo ikasal.." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

"Kailan mo gusto ikasal?"

"Uhm, siguro kapag 26 y/o na ako.. yung tipong wala na akong ibang poproblemahin kun'di yung kasal nalang."

Tumango sya at tila nag-isip. "Uhm, okay. I will marry you after 11 years." He promised.

HINDI ako nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa sinabi nya.

Pwedeng imposible at pwede ring posible.

Imposible dahil alam kong sa daraan na 11 years, magbabago ang pagtingin nya sa akin at syempre makakahanap sya ng ibang taong magmamahal sa kanya.

Posible naman kung ako lang talaga ang babae sa buhay nya pero hindi.

So, hindi na ako aasa.

LUNES na ngayon kaya papunta na ako sa school. Malapit ang school, walking distance lang.

Maya-maya ay naramdaman kong may sumusunod sa akin. Palingon-lingon ako sa likod pero wala akong nakikita na sumusunod sa akin.

Mabuti ay agad kong nakita si Klei na nag-aabang sa labas ng gate ng school.

Mukhang inip na inip na sya pero nang makita ako ay agad lumiwanag ang mukha nya.

Nawala ang takot na bumalot sa akin kakaisip tungkol sa pakiramdam ko kanina.

MABILIS na lumipas ang oras at ngayon ay vacant na. Sinundo ako ni Klei sa classroom ko kahit na mamaya pa ang vacant nila.

Lagi nalang ganito, umaasa ako sa motibo na pinapakita nya.

Pagdating namin sa cafeteria ay puro bulungan ang bumungad sa amin.

Ang iba ay nakatingin sa akin habang bumubulong. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ako ang pinag-bubulungan nila.

Umupo kami ni Klei sa bakanteng upuan. Doon ay mas lalong lumakas ang bulungan.

'Diba sya yung nasa video?'

'What video?'

'Iyong scandal'

'Nag-iisip kaba?'

'Bakit?'

'Magkaiba ang uniform natin sa suot na uniform nung babaeng nasa video, so stop spreading fake news.'

Lumakas ang boses nila kaya nakita kong tumingin sa akin si Klei. Napa-kagat ako ng labi, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sigurado akong kapag nagsalita ako ay sasabihin nilang totoo ang nasa video, na ako 'yon kahit hindi naman.

Dahil sa panahon ngayon, makikitid na ang utak ng mga tao.

Akmang tatayo na si Klei nang pigilan ko sya.

"W-Wag ka nang maki-alam.."

"Huh? Mag-oorder ako bg pagkain natin."

Napayuko ako at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kanya.

Alam kong narinig nya 'yung mga bulungan.

At hindi nga ako nagkamali, nilapitan nya ang babae at may ibinulong sa mga iyon.

Pagkatapos ay dumiretso sya sa linya at um-order ng pagkain.

Pagkabalik nya ay agad ko syang sinabihan.

"Sana hinayaan mo nalang.."

"Hayaan? Heka, nasisira ang pangalan mo dahil sa video'ng kumakalat ngayon. Alam kong hindi mo magagawa 'yon kaya ginawa ko lang kung ano ang tama.." imbes na ako ang magalit ay sya na ngayon ang halos sumiklab sa galit.

ISANG linggo ang lumipas at paunti-unting nawawala ang balita tungkol sa video.

Pero sira na ang pangalan ko. Muntik pa akong palayasin ng mga magulang ko ng dahil sa video.

Not until one day, may dumating na isang babae sa bahay namin ng hindi inaasahan.

Sya ay si Nika, ang identical twin ko.

Sinabi nya ang lahat-lahat sa amin ni mama.

Sinabi nyang ang papa namin ang nagpalaki sa kanya. Doon lumabas ang katotohanan na hindi ko tunay na tatay ang asawa ngayon ni mama.

Dahil ang tatay ko, patay na, ayon kay Nika.

Kahit na sya ang dahilan kung bakit nasira ang pangalan ko ay hindi ako nagalit.

Nagpasalamat pa nga ako dahil mayroon pala akong kambal nang hindi ko alam.

PINATRANSFER kami sa ibang school ni mama para iwas daw sa mga kakilala ko sa dati kong school.

Hindi ko nasabi kay Klei ang pag-lipat namin dahil narin sa dami ng pasabog sa buhay ko.

Ngayon ay busy kaming lahat sa pagbabalot ng mga gamit namin sa bahay dahil medyo malayo daw ang school kung dito lang kami sa lumang maninirahan.

Pagkatapos ipadala ang mga gamit sa titirhan naming apartment ay pinauna na kaming dalawa ni Nika papunta doon sa lilipatan namin.

Ang sabi ay may gagawin pa silang importante kaya hindi makakasabay sa amin.

HABANG nasa byahe ay bigla kaming nakarinig ng malakas na putok.

Mukhang pumutok ang gulong ng aming sinasakyan na van.

Bigla ay nawalan ng kontrol ang sasakyan. Nataranta ang driver at sinasabayan pa ni Nika.

Pinanatili kong kumalma dahil walang maitutulong kung matataranta ako.

Lalo lang mawawala ang pokus ng driver kapag dumagdag pa ako.

Maya-maya ay gaya ng inaasahan, namalayan ko nalang na bumunggo ang van sa kung saan.

Dahilan para mauntog ako at mawalan ng malay.

11 years later..

ITS been 10 years mula nang magising ako sa hospital.

Sunod na nagising si Nika na kakambal ko. Naaalala ko ang lahat pero si Nika ay nagka-amnesia.

Ang sabi pa ay dahil iyon sa nauntog ang ulo nya sa salamin ng sasakyan at ako naman ay sa foam lang kaya mas malala ang damage sa utak ni Nika.

And now, tinutulungan ko syang maalala ang lahat-lahat.

Pinagpalit ko ang sitwasyon namin. Kinuwento ko sa kanya ang mga naranasan ko, sinabi kong iyon ang mga kwento ng buhay nya.

Kaya ngayon, I'm living like Nika. Namumuhay ako katulad ng pamumuhay ni Nika, nagkapalit ang pwesto namin.

Sa lumipas na taon ay itinuring ko syang bestfriend ko since wala kaming kaibigan sa school noon.

Nai-kwento ko din sa kanya ang tungkol sa video na dapat ay hindi ko pala sinabi dahil nagalit sya sa akin.

Kung bakit ko daw ginawa iyon, nang dahil daw sa akin ay nasira ang pangalan nya.

Naging masikreto sa akin si Nika.

Hinayaan ko nalang baka dahil lang iyon sa isa katangian nya.

NGAYON ay papunta ako sa simbahan dahil nag-text sa akin ang co-worker ko na palitan ko daw muna sya sa simbahan dahil may family problems syang kailangan ayusin.

Sumang-ayon agad ako at ngayon ay narito na ako sa labas ng simbahan sa kung saan ako pinangakuan ni Klei ng kasal.

Sa lumipas na taon ay wala akong naging balita sa kanya. Naging busy din ako kaya hindi na ako nag-abala pa para hanapin sya.

Pumasok na ako sa simbahan habang hindi pa nagsisimula ang kasalan.

May ikakasal daw sa loob at kailangan kong kumanta. Walang problema sa akin iyon dahil nag-eextra talaga ako sa ganitong okasyon.

Nagsimula ang seremonya at nakita kong pumasok na ang groom kaya kumanta narin ako.

'I found the love, for me..
Darlin, just dive right in..
And follow my lead..'

Para akong sinaksak sa puso ng makita kong si Klei ang groom.

Muntik pa akong pumiyok.

Nakatitig lang ako kay Klei habang hinihintay nya ang bride.

I started to sing the chorus.

'Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms..
Barefoot on the grass, we're listenin' to out favorite song..
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath,
But you heard it, darlin', you look perfect tonight..'

Nananalangin ako na sana, hindi ako masaktan kapag nakita ko kung sino ang bride nya.

Pero..

Nabigo ako.

Nakita ko ang magandang ngiti sa labi ni Nika habang naglalakad sya palapit sa altar, hawak ang bulaklak. Nakaalalay sa kanya sina Mama at tito.

Ikakasal na sila.. si Klei at si Nika

Ako ang pinangakuan pero sa iba tinupad.

Nasaktan ako roon pero mas nasaktan ako ng mabasa ko ang message ni Nika.

'Sorry, Heka.. wala talaga akong amnesia.'

+++++

-Jellenjen, harthart <3

Don't forget to vote and comment! Enjoy!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2M 23.6K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
78.4K 2.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
1.6K 103 4
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.
31.2K 57 16
I don't own this story credits to the rightful owner. 🔞