My Naughty Girl

By yourmodern_binibini

29.5K 957 94

"He wants me to be scared of him? Oh please , Not A Fucking VIENERA" -Iyana Xyra Vienera More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 ( Meeting The Cold Billionaire )
CHAPTER 3 ( Wattpadian vs Billionaire)
CHAPTER 4(The Childish Billionaire)
CHAPTER 5 (Drunk)
CHAPTER 6(Meet-up of the Billionaires)
CHAPTER 7 (Boyfriend)
CHAPTER 8(Just a Play)
CHAPTER 9 (Birthday)
CHAPTER 10(Bestfriend)
CHAPTER 11(His Past)
CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)
CHAPTER 13(Protecting her best friend)
CHAPTER 14 (Knowing You)
CHAPTER 15 (It's him)
CHAPTER 16 (Memories Of You)
CHAPTER 18 (letting you go)
CHAPTER 19 (memories to keep)
CHAPTER 20 (Choice)
Chapter 21 (Goodbye)
CHAPTER 22 ( Wedding Dress)
CHAPTER 23 (Photoshoot)
CHAPTER 24 (Wedding)
Chapter 25(Pain)
Chapter 26(Rest)
Chapter 27 (Chasing Him)
Chapter 28 (End)
Chapter 29 (Special Chapter)

Chapter 17 (His Queen)

627 27 5
By yourmodern_binibini

Iyana's POV

"Ang iyakin mo talaga kahit kailan" saad nito at simpleng pinunasan ang luha na dumadaloy sa pingi ko

"Ok lang ako" malamig na saad ko at simpleng nilayo ang mukha ko sa kamay niya

"Kamusta na kayo ni cyrus? " tanong nito at umupo sa tabi ko

" Ok lang naman, nagkakasundo na"
Simpleng saad ko dito

"Mabuti naman kung ganon, sana maging masaya kana talaga para hindi kana maging iyakin" saad nito at simpleng tumawa.

Napatigil ako.

C-chenchen

Si chenchen nga ang kaharap ko.

Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya kahit na ang totoo gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

I missed him.

I missed chenchen

"Ano bang pake mo kung umiyak man ako? We're nothing but business partners Mr. Weiller" malamig na saad ko at tumingin sa kawalan

"Tama ka, we're just business partners " nakangiting saad nito

Paano mo nakakayang saktan ako chenchen?

Bakit ikaw pa? Bakit naging ikaw pa siya?

Ang dating chenchen na kilala ko ay pinagtatanggol ako sa lahat .

Bakit ngayon? Bakit pinipili mong maging dahilan ng sakit na nararamdaman ko?

Bakit nakakaya mong nakikita akong nasasaktan chenchen?

Ikaw pa ba ang chenchen na kilala ko? O baka naman tinangay na rin ng panahon ang dating chenchen na kababata ko?

Gusto kong umiyak pero ayokong makita niya dahil alam kong hindi na siya ang chenchen na kilala ko.

Siya si knight Weiller, ang taong nagiging dahilan ng problema ko at ngayon siya na rin ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi na siya ang chenchen na kilala ko.

"How are you xyra? "
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nubg banggitin niya ang pangalan na iyon.

Only chenchen I allow to call me with that name.

"Please don't call me with that name just iyana, like what you said we need to forget and let go" malamig na saad ko.

He just look at me maybe almost 3 minutes

"Do you really want to forget xyra? Did you really forget chenchen?" tanong nito na ikinatigil ko

"Yes" simpleng sagot ko at umalis na

I didn't really forget and let go of you chenchen, it's you who never treasure me the way i do.

Kinabukasan

"Hello dear , good morning" nakangiting bati ni tita

"Hello po tita" nakangiting saad ko dito.

Nandito kami sa isang coffee shop sa labas ng hotel nila

"Iha, magsimula tayo magdesenyo sa coffee shop sa loob nf mall. There are just 3 to 5 shops akong gustong ipahandle sayo ang pag aarrange ng design nito. What do you think sa coffee shop na ipapatayo natin? " tanong nito at ibinigay sakin ang picture ng actual look nito sa kasalukuyan

" Tingin ko po is maganda kung nature ang theme ng coffee shop niyo, mostly po kasi sating mga pinoy kape ang lagi nating hinahanap kapag pagod tayo o inaantok o kahit sa umaga ay kape ang hinahanap ng panlasa natin. " saad ko dito

"Hmm, interesting. Continue iha"

" Para po sakin maganda if nature ang theme ng coffee shop kasi for me po is nakakarelax sa paningin natin and also kahit sa ganong paraan is makahanap sila ng peace of mind" dagdag ko

"Tama ka I like your idea, mamaya kakausapin natin ang Archetect for some changes " sagot nito

" Yes po tita, and also tingin ko po mas maganda kung sa 2nd fl. Niyo po ilagay iyon and hindi po siya close talaga , for me lang po mas masarap padin sa pakiramdam kapag sariwang hangin ang nararamdaman mo" nakangiting saad ko

"Tama ka iha" sagot nito

"O sige si knight nalang ang kausapin mo sinabihan ko ng iguide ka niya dito, mga ilang araw din kasi akong magiging busy dahil itu-tour ko ang mga investors natin sa hotel " saad nito na ikinatigil ko

"S-si knight po? " tanong ko

"Yes si knight iha, any problem? Hindi kaba komportable sa kanya" tanong nito

"H-hindi naman po, ok lang po" simpleng saad ko

" Kung ganon mag breakfast ka muna dito, mayamaya darating na rin naman na siya at ako naman pupunta muna ako sa office dahil may mga papeles pa akong kailangan pirmahan" saad nito

" Ok po tita" saad ko at nakipag beso dito.

Maya maya pa ay nakita ko na si knight na naglalakad patungo sa table ko.

Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kung dati wala lang ang presensiya niya ngayon para akong aatakihin kapag nasa paligid ko na siya.

"Good morning " nakangiting saad nito.

Ako lang ba ang nakakapansin? Napapadalas ang pagngiti niya sakin parang may balak ang kumag -,-

"Morning" simpleng saad ko
At uminom ng kape

"Ngayon pala tayo bibili ng mga kagamitan ng mga shops at dahil ikaw mag dedesign ng loob ng bawat shop iga guide nalang kita mamaya sa town para makabili ng kagamitan" mahabang saad nito

" Hindi mo na naman kailangan gawin iyon at tsaka hindi na ko bata para magkaroon ng bantay" simpleng sagot ko

" Hindi mo kilala ng lubos ang mga tao dito kaya sasamahan na kita at tsaka mas alam ko ang shops na pupuntahan natin" sagot nito at umorder na ng kape

Bigla akong napaisip, napakabitter ng mga galaw ko. Halatang apektado pa rin ako sa nangyari.

Aish!! Ang bobo iyana!!

Dapat formal lang ok?

"Sige ikaw bahala kung sasama ka, mamaya pupunta tayong hardware para bumili ng pintura sa coffee shop at ung iba next time na ung coffee shop muna ang unahin natin" paliwanag ko

"Bahala ka" saad nito at uminom ng kape

"Siguro pinakita na din sayo ni mommy ang loob non kaya tingin ko alam mo na ang magiging desenyo non" dagdag nito

"Yes, maganda ang napili ni tita na lugar kasi maaliwalas at open air siya" saad ko.

Tumango tango lang ito

"Nga pala, kailan ang kasal niyo ni cyrus? " tanong nito

"Hindi ko pa alam at hindi rin naman kami nagmamadali. Sa ngayon we're getting to know each other , alam ni cyrus na hindi ako magpapakasal sa taong hindi ako komportable kasama at nirerespeto naman niya iyon" paliwanag ko

"Mabuti naman kung ganon, anong pagkakakilala mo kay cyrus? " tanong nito

"Hmm, well for me cyrus is the type of husband material and a man of words dahil kapag sinabi niyang mahal ka niya, totoo yun at walang halong pagsisinungaling" simpleng sagot ko at uminom ng kape

"Ikaw naman, bakit wala ka pang girlfriend? Well, you have a good look and tanyag ding business man. Alam kong maraming magkakagusto sayo" saad ko dito

"Hmm, may hinihintay kasi akong babae" saad nito

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Is it the reason why you forget me that easily?

Until now ako lang pala ang nag eexpect sa past namin.

Bigla akong napangiti ng mapakla

" I hope na magkita na kayo, everyone deserves to be happy" nakangiting saad ko

"Are you happy? " out of blue na tanong nito.

Am I happy?

" Oo naman " sagot ko at simpleng ngumiti dito

"Sapat ng sagot yan sakin" nakangiting saad nito

Tanging ngiti lang ang isinagot nito

"Sige babalik muna ako sa room ko, ano oras tayo bibili ng materials? " tanong ko

" Mamayang 12 pm nalang" saad nito at uminom ng kape

"Sige enjoy your coffee"
Saad ko at umalis na.

Pagbalik ko sa room ko ay inilabas ko ang wattpad book ko at nagbasa.

Ang sarap sa pakiramdam na magbabasa ka habang nakatingin sa kalikasan, napapalapit na ako sa lugar na ito.

Mayamaya ay hindi kona namalayang 11 am na pala.

Nagmadali akong naligo at nag ayos at habang nagsusuklay ng buhok ay biglang nag ring ang phone ko

"Nasa lobby ako aantayin kita dito" saad ni knight at pinatayan ako

Bigla akong napatingin sa salamin.

Chenchen? How can I bring you back?

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng butil ng luha mula sa mga mata ko.

Alam ko namang hindi big deal yon kasi bata pa kami pero para sa kagaya kong naghintay at umasa ng mahigit na 15 years , ang sakit sa part kong nagmahal ako ng tao na mula sa nakaraan ko.

Ang tanga ko dahil nagmahal ako ng taong hindi pinahalagahan ang ang salitang binitawan niya dahil lang sa bata pa kaming dalawa.

Gusto kong gumawa ng paraan para mapasakin ka chenchen pero hindi ko magawa dahil may isang tao akong masasaktan na hindi ko nais saktan sa kahit anong paraan.

Gusto ko mang ako'y mapansin mo pero mas ayaw kong masaktan siya dahil sa kaligayahan ko

Sobrang hirap na ang dinanas niya at ayokong ako ang maging dahilan ng muling kabiguan niya

Hindi ko alam, may mahal ka na namang iba knight pero bakit hindi matanggap ng sarili ko yun? Dahil lang ba sa nag expect ako na ako ang babaeng yon? O dahil hindi ko matanggap na iba ang babaeng mahal mo?

Ang bigat ng nararamdaman ko parang sobrang lungkot ko ngayon.

Maya maya pa ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.

" Hello" nakangiting bungad sakin ni knight pagdating ko sa lobby

" Hi, let's go? " tuma'go la'g ito at nagpatiuna sa paglabas ng hotel

" Para sa coffee shop anong kulay ang naisip mo dun?" tanong nito

" Hmm, dahil nature ang napili nating design then maybe yung wall is combination of light blue and green kumbaga ang wall natin is green color of nature and blue color of sky then ang floor natin is artificial grass. Wala akong alam sa Archetecture kaya I don't know if tama ang nasa isip ko " saad ko dito

" Hmm sa totoo lang hindi siya gaya ng mga normal coffee shop but I like the idea, well mom said you will be in charge so hindi na ko mangingialam" saad nito

Tumango tango lang ako.

Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang mailang sa presensya niya though hindi naman talaga ako dating ganito nakakailang parin kapag naiisip kong si Chenchen ang kaharap ko.

Pumunta kami sa hardware para bumili ng pintura at ewan kung ano pa binili niya.

After sa hardware ay naglibot naman kami sa isang flower shop , may terrace din kasi ang coffee shop dahil napagpasyahan ni tita na ung dating pwesto nalang which is nasa 2nd fl. ng mall at katapat ng beach resort kaya tanaw ang dagat dito.

Mga fresh flowers ang binili namin dahil may part sa terrace ng Coffee shop na nasisinagan ng araw at dahil nature ang design ng coffee shop tanging floor lang nito ang lalagyan namin ng artificial grass.

"tara kumain muna tayo" saad ni knight at nagpatiunang pumunta sa isang fast food restaurant.

Habang ako naiilang, siya naman walang pakialam.

Ang unfair sa part ko na ako lang nagluksa -,-

Puro mga native food ang nandito at parang hindi familiar sa paningin ko even the name, adobo lang ata ang familiar sakin at ung buttered shrimp

"hmm yung buttered shrimp nalang ung akin and the adobo " nakangiting saad ko Sa waiter.

" Same as mine" saad ni knight

"copy po ma'am , by the way ang cute niyo po" saad ng waiter na ikinatawa ko.
Ang landi ng waiter ah.

"Thank u" nakangiting saad ko dito

"Leave us" simpleng saad ni knight kaya umalis din agad ang waiter

" Why so mean? " tabong ko dito

"I just hate seeing someone flirting in front of me" simpleng saad nito

Tsk.

Lahat ba ng nag uusap na babae at lalaki sa harap niya naglalandian na? -,-

"Nandito na po ang order niyo" nakangiting saad ng waiter

"Kumain na tayo para makabalik tayo sa hotel" saad ni knight at nagsimula ng sumubo

Hindi nalang ako umimik at tahimik na kumain

After namin kumain bumalik na kami sa pamimili

Natapos ata kami 4 pm na

"Umuwi na tayo" saad ni knight at dinala sa parking lot ang mga binili namin.

Pagkarating namin sa hotel ay pinadala na namin sa mga tauhan ni tita ang mga pinabili namin.

Umakyat na ko sa room ko at naghalf bath, gusto ko kasi maglakad malapit sa dalampasigan mayamaya paglubog ng araw kaya nag half bath na ko para fresh sa pakiramdam.

After 30 mins ay natapos din ako. Time check 5:10 .

Kinuha ko ang wattpad books ko at pumunta na sa dalampasigan.

Hindi ako magsasawa sa hangin dito, nakakarelax.

Maya maya ay may nakita akong malaking bato na tinatamaan ng agos ng dagat hindi ka naman mababasa dahil malaki ito.

Tumuntong ako dun at umupo. Ang ganda ng sunset dito, as in kita mo talaga ang paglubog ng araw.

Nung tiningnan ko ang wattpad books na dala ko nadala ko ang librong binabasa namin ni cyrus.

Bahagya akong napangiti, kung si cyrus siguro ang pipiliin ko siguro pang wattpad story talaga ang storya namin.

A girl who waited for her first love to comeback and a man who scared to fall in love and hiding in a mask.

Napangiti nalang ako.

Cyrus.

If I can just loved you the way you love me siguro ngayon parehas na tayong masaya pero hindi dahil iba ang laman ng puso ko kahit hindi ko siya gustong mahalin siya parin ang tinitibok nito .I loved him even he didn't loved me too.

" Pwede ba akong makiupo??" saad ng isang boses sa likod ko

Nang tingnan ko ito si knight ang nakita ko.

"Ikaw pala" saad ko at binigyan siya space para makaupo

"Ang ganda ng tanawin dito no? " saad nito

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Xyra" saad nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Knight bakit mo ba ko pinapahirapan ng ganito?

"Call me iyana dahil hindi na ako ang xyra na kilala mo at hindi narin ikaw ang chenchen na kilala ko kaya iyana ang itawag mo sakin"
Saad ko dito

" Pwede bang maging si chenchen nalang ako sa paningin mo at ikaw naman ay si xyra na batang nakilala ko noon? " tanong nito

Maraming nagbago knight pero hindi ko kayang pakisamahan ka gaya ng dati dahil hindi gaya ng nararamdaman ko sayo ang nararamdaman mo para sakin.

" Ayoko manatili sa ala-ala ko ang taong hindi kayang tumupad sa pangako niya knight, alam mo ba sa lahat ng taong kilala ko ang chenchen na kababata ko ang taong lubos kong pinaniwalaan knight pero anong nangyari? He said that the promise he did from his past is nothing but just a past, knight kung ikaw lang si knight na naging boss ko baka magiging komportable pa ako pero si para maging si chenchen na sumira sa pangako niya , hindi ko kayang ibigay ang hiling mo" naiiyak na saad ko

"Alam ko naman na bata pa tayo non pero nag expect ako at naniwala sa sinabi mo" saad ko at tuluyan ng bumuhos ang luha sa pisngi ko.

Chenchen is not just a friend for me, he's my knight, my prince and my first love.

" Napaka iyakin mo talaga kahit kailan" natatawang saad nito at dahan dahang hinawakan ang mga pisngi ko upang punasan ang mga luha ko.

"C-chenchen" umiiyak na saad ko

" Ikaw parin si xyra na kilala ko pero masaya ako dahil ako lang ang nakakakita ng mga luhang pumapatak sa mga mata mo."

Nakangiting saad nito

"Bakit ba nag manhid mo? Bakit ganon mo nalang akong kadaling kalimutan? " umiiyak na saad ko

" I didn't forget even a single day xyra, you were still the little princess I met before that the only thing I want is to protect her in all cost but now is totally different because you have cyrus, Hindi na ako ang poprotekta sayo kung hindi siya cause I was just the prince you met in your past but there's a king who's willing to make you his queen at hindi ako yun. I don't want you to suffer just because of our promise because I want to see my princess xyra to be happy" mahabang saad nito habang pinupunasan ng mga palad niya ang luhang pumapatak sa mga mata ko.

Why? Why can't you just be my king C-chenchen?

" We are in a reality but I want you to have your dream fantasy story exist even I'm not the man at your side to make it happen. I want you to let me go iyana because I want you to be happy.. "

"With him" pilit na ngiting saad nito

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
265K 25.8K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
288K 33.2K 83
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...