At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

5.6K 287 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
Epilogue
𓍯𓂃𓏧♡

Prologue

632 16 107
By serendipitynoona

Keira Monteza


Life is like a sport. It's fun but sometimes it would just give you fouls in a very unexpected way. And 'til then, everything just changed or it's just only my perspectives among things...





It's almost midnight and everything already went quiet. All of my college friends were down - wasted. Sa sobrang laki rin ng resort na 'to ay hindi ko na mahagilap ang iba sa'min. Kahit ang boyfriend ko ay hindi ko rin mahanap ngayon. We had a little fight lately. Pagkatapos no'n ay halos hindi ko na siya makita.





I tried contacting Ashley Araño, one of my closest, pero kahit siya ay hindi rin sumasagot. I was left alone at the pool area with some of our drunk friends. Nagpatulong na lang din ako sa mga staff ng resort na dalhin sila sa kanilang mga kwarto saka ako nagpatuloy sa paghahanap sa boyfriend ko.





I'm sure Ashley's already in her room or someone's I may say. Hindi na rin naman bago sa'kin 'yon. Bumalik ako sa pool area at naghintay, nagbabakasakaling magkita kami ni Jayson dito. I wanted to say sorry from what happened lately. I was saving it hanggang sa hindi na ako nakatiis at tinext na lang siya.





I smiled bitterly at my phone, hoping and waiting for his reply. Pero nang makaramdam na ako ng antok ay napagdesisyunan ko na lang din bumalik sa kwarto ko. Jayson know where to find me pero ako itong walang alam kung saan ba siya hahanapin.





The elevator finally reached the 4th floor. Lalakad na sana ako patungong kwarto ko nang may marinig akong kakaiba sa tapat ng isang kwarto kung saan ako nakatigil ngayon. Napakunot ang noo ko dahil baka guni-guni ko lang iyon. Lumakad na lang ako muli pero napatigil ulit nang hindi lang isang pamilyar na pangalan ang narinig ko kundi pamilyar na boses na rin.





I went back in front of that room. There's this feeling of satisfaction when I saw that the door was slightly open. I know I shouldn't be doing this dahil baka kwarto 'to nang hindi ko kilala. Pero ang dami nang gumugulo sa isip ko. Tinungo ko ang mahabang hallway hanggang sa unti-unti nang lumilinaw sa pandinig ko ang lahat.





"Ang sarap mo, Ashley, shit..."



"What can I say? I'm better than your virgin girlfriend. Bakit kasi ayaw mo pa hiwalayan?"



"I'm planning to."




"How am I supposed to believe that? Ah-Fuck, Jayson... Ah..."




Napatakip ako agad ng bibig sa sobrang gulat sa mga narinig ko. Hindi lang din balikat ko ang bumagsak sa'kin kundi pati parang ang buong sistema ko. Parang bumaliktad din ang sikmura ko kasabay ang matitinding emosyon na hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag.





Hindi na ako nagtangkang sumilip pa dahil alam ko naman na ang nangyayari. Pero hindi ko rin alam kung bakit ayaw pa ring umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.





"You'll never experience this kind of heaven unless you're with me, Jayson Perez. Nag-away na rin naman kayo kanina, make that a way to break up with her." I heard Ashley's flirtatious laugh. Kahit hindi ko rin naman makita ay alam kong tuwang-tuwa rin si Jayson sa ginagawa nila ngayon.






Hindi na lang bibig ang nanginginig sa'kin kundi pati ang kamao ko na. Pinilit ko ang sarili kong lumakad paatras hanggang sa may masagi akong vase at nabasag.





Napalingon din ako ro'n dahil sa gulat pero hindi rin naman nagtagal nang marinig ko ang pangalan ko sa bibig ng kaibigan ko. Kasunod din niyang lumabas ang boyfriend ko.






"K-keira? W-what are you doing here?" Bakas sa boses ni Jayson ang kaba at inis. Naka-twalya lang din siyang humarap sa'kin. Napakuyom lalo ang mga kamao ko nang makita ko na sila. "E, ikaw, anong ginagawa mo rito sa kwarto ni Ash?" I did my best not to stutter. Hangga't kaya kong itago ang nararamdaman ko, hindi ko ipapakitang nanghihina ako.







Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya saka nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sampalin ako ng reyalisasyon. "Kaya pala hindi ko kayo ma-kontak parehas because you're already in one room having fun. I'm sorry for ruining your night, then."







Nanginginig na ulit ang mga labi ko at mas lalo akong nanghina nang tignan ko si Ashley na halos walang pakialam sa nararamdaman ko ngayon. She seems so unbothered on what's happening between us. Paano niya nakakayanan 'yon? Pano nila nakayanang gawin 'to sa'kin?







"Ang ganda ng regalo niyo sa'kin..."




"Keira, baby. Let me-"




"Fuck you!" Hindi na napigilan ng sarili ko ang magtaas ng boses. "Fuck you and your explanations. Fuck all your lies, Jayson! Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang nangyayari at gano'n ka rin! Pero sa dami ng tao, bakit kaibigan ko pa?"





Nangingilid na ang mga luha ko at mayamaya lang din ay hinayaan ko na itong bumagsak. Ito rin ang unang beses na nakita nila ako pareho na ganito. "Sa dami ng tao, bakit kayong dalawa pa..."




Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang sarili. Hindi ko na hinintay pa kung may magsasalita sa kanila. Wala rin naman akong gusto pang marinig dahil sapat na iyong kanina. Ang bigat...






Palabas na rin sana ako ng kwarto nang maramdaman ko ang hawak ni Jayson sa palapulsuhan ko. Hindi ko na napigilan at sinampal ko na siya para mabitawan ako. Pakiramdam ko ay may kung anong delubyo ang dumikit sa'kin nang hilahin niya 'ko pabalik. Agad din namang lumapit si Ashley sa kanya para i-comfort siya. Oh, my bad. I didn't use the right word. It's comflirt.






Mas lalo akong nagagalit kapag nakikita ko silang magkatabi."I trusted you..." nanghihina na rin ang boses ko. Saka niya ako pinantayan ng tingin nang makatayo na rin siya. "Well, I never did. No wonder why all the guys you loved before left you, Keira. You're such an emotional, pathetic, boring virgin girl they ever met."





"G-ganyan din ba ang tingin mo sa'kin?"





"Hindi pa ba obvious, Keira?" She crossed her arms in front of her chest. Napangisi na lang ako at pinunasan ang tumulong luha ulit. "You want me to be honest with you, too? Oh, why am I asking anyway? It'll be unfair kung ako lang ang makakarinig sa'ting dalawa ngayong gabi." Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya. Matangkad lang siya ng kaunti sa'kin pero ako? Kaya kong lumaban.







"Well, Ashley Rose Araño, you're an insecure snake and that's a very serious disease. I don't know if there's a cure for that. Pero kung meron man, hindi ka tatablan."





May balak pa siyang pagbuhatan ako ng kamay pero agad kong nahawakan ang palapulsuhan niya para pigilan iyon. Naagrabyado na ako ngayong gabi sa mismong kaarawan ko. Hindi ako papayag na masampal pa 'ko ng isang ahas katulad niya.






"'Wag mong tangkaing manampal, Ashley. Dahil hindi mo alam kung ano rin ang pwedeng isukli ng kamay ko sa'yo." Saka niya kinuha ang palapulsuhan niya sa pagkakahawak ko.






Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Jayson na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa pisngi niya pero mukhang handa ring bitawan ang parteng sinampal ko, maprotektahan niya lang ang kaibigan ko.







"You fucking cheaters. You two disgust me." Duro ko sa dibdib niya. "Rot in hell both of you," mariin kong sambit saka tuluyan nang lumabas ng kwarto nila.






Kinuha ko na rin ang mga gamit ko sa kwarto ko at tuluyan nang umalis doon. Nakasalubong ko pa ang iba naming kaklase. Mukhang nahimasmasan na sa kalasingan. Binati nila ulit ako pero hindi ko pinansin. Bagkus itinaas ko ang aking gitnang daliri bilang sagot sa lahat ng nangyari ngayong gabi.






Nagmamadali akong umalis ng resort. Halos hindi ko na rin makita ang daan dahil sa luha kong sunod-sunod na ulit bumagsak. Madilim pa ang paligid. Kakaunti lang din ang streetlights. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayaw ko pang umuwi. Hindi mapakali ang paa ko at hinayaan ko na lang kung saan ako dalhin.






Pinagtitinginan na rin ako ng mga taong nakakasalubong ko. Napatigil lang ako sa mabilis kong paglalakad nang may malakas na bumusina sa'kin. Iyon lang din yata ang nakapagpabalik sa'kin sa wisyo saglit.




"I'm sorry!" Hindi ko alam kung rinig ba ng driver 'yon pero wala na akong pakialam. Nagpatuloy na lang ako ulit sa paglalakad hanggang sa 'di ko na namalayan na malapit na ako sa school namin dati no'ng high school ako.





Saka ko lang din napansin na ang nilalakaran ko na ngayon ay ang daanan kung saan kami nag-cutting noon. Bigla ko tuloy naisapang i-text ang mga kaibigan ko kaso busy sila ngayon kaya itinago ko na lang ulit ang phone ko. Napagdesisyunan ko ring puntahan ang paboritong lugar ng isa pa naming kaibigan na malapit lang din dito. Iyong tulay sa may bandang dagat.




Hawak-hawak ko pa rin ang maleta ko habang malayo ang tingin. Kung kanina sa resort ay halos balutin ako ng galit, ngayon naman ay nilalamon na 'ko ng pangyayari. I stared at the sunflowers peacefully swaying with the cold wind beside me. I wonder what Mitch will do if she's here...




Ayoko na lang din ipaalam sa mga kaibigan ko ang nangyari dahil alam kong gulo ang kasunod. Halos ganoon ang nangyari sa nangbu-bully kay Michelle noon at ayoko namang umabot sa gano'n at mas lalong ayaw kong makaabot sa mga kuya ko 'yon. Dahil hindi lang ako ang malilintikan, kundi pati ang pinakamamahal kong sport.





Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak ulit. Kaunti na nga lang din ay pipikit na ako sa sobrang pagod ng mga mata ko. Napapunas lang ako ulit ng luha nang may maramdaman akong may nagpatong ng leather jacket sa mga balikat ko. Napalingon ako agad sa likuran ko at laking gulat ko nang makita ko siyang nandito ngayon.





"Sorry, I followed you. I got worried," he said with his calming voice. He's wearing a black cap and shirt. Naka-gray shorts lang din pero wala ako sa mood para sa mga ganoong bagay ngayon. Ano ba, Keira? Umayos ka.



"Joaquin..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 197 32
PHOENIX SERIES 1 Vien is running away from her ex-boyfriend, who made her life miserable, and for the past five years she has been able to, but then...
2.3K 74 47
Algea Series #1 Right person, wrong time. That doesn't exist. Only right person in the right time. Someone will be never be right for you in the wron...
132K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...