BALETE CHRONICLES: Unang Aklat

By bernardcatam

22.7K 1.7K 1.6K

What if Philippine folktales, myths and legends are set in the present time? What if scary mythological creat... More

#
0 Ang Lawin, Ang Tandang, at ang Inahin
1 Ang Manananggal
2 Ang Tiyanak
3 Ang Tik-Tik
4 Ang Duwende
5 Ang Kumakatok
6 Ang Kumintang
7 Ang Tikbalang
8 Ang Santelmo
9 Ang Lamang-Lupa
10 Ang Aswang
11 Ang Kapre
12 Ang Balete
13 Ang Liwasan
14 Ang Engkanto
15 Ang Dambana
16 Ang Diwata
A Message from Robin
17 Ang Tala
18 Ang Umalohokan
19 Ang White Lady
20 Ang Sarangay
21 Ang Katalonan
22 Ang Anito
23 Ang Maharlika
24 Ang Bungisngis
25 Ang Makiling
26 Ang Ibon
27 Ang Wak-Wak
28 Ang Agimat
29 Ang Anggitay
30 Ang Tigmamanukan
31 Ang Buwaya
32 Ang Sirena
33 Ang Batúgan
34 Ang Nuno
35 Ang Engkantada
37 Ang Sundo
38 Ang Kasal
• Ang Anito, Ang Lawin, At Ang Binhi
Balete Chronicles Spin-Off
Author's Note
TALAAN NG MGA SALITA

36 Ang Isla

116 23 32
By bernardcatam

Ika-Tatlumpu't Anim na Kababalaghan

Ang Isla

ANG ISANG DIGMAAN kadalasan ay natatapos kapag may nanalo nang panig. Ngunit sa pagkakataong iyon, wala ni isa sa kanilang nakatarok ng magiging dahilan para itigil ang labanan.

Ilang oras pa lang ang lumilipas simula nang sumabak si Mart sa pakikipaglaban. Nakakailang aswang pa lang ang kaniyang napatatamaan. Dalawang sugat sa dibdib, tatlong hiwa sa likuran. Umangat na kuko sa paa, mga brasong puno ng pasa, isang ngiping lagas at nagdurugong labi. 'Yan pa lamang ang natatamo niya nang biglang humina ang patak ng ulan.

Nung una'y inakala pa niyang gawa ito ng kaniyang lolong si Gat Panahon ngunit maging ito'y nagtataka sa nangyari.

Sandaling huminto rin sina Yana at Rigel para magpahinga. Malaki ang naitulong ng hukbo ni Tomás. Lalo na ng bago nilang kaibigang higanteng bituin, ang Talang Batúgan na minsan nga'y 'di namimili sa pinupuntirya.

Isang malakas na lindol ang nagpatigil sa kanilang ginagawa. Tila nagaalboruto ang isla, kung posible man iyon.

Hinanap ni Mart ang tingin ng kaniyang mga kasamang nakatulala at nagtataka. Hanggang sa masaksihan nila ang bagay na alam naman nilang mangyayari't mangyayari. Pero 'di nila inasahang ganoon kabilis.

Natuon ang atensyon nila sa matayog na Balete, ang tinaguriang hari ng mga puno. Kulay abo na ito't maputlang nauubusan ng buhay. Hanggang sa unti-unting naglalagas ang mga dahon at bumabagsak ang mga baging nito. Ang puno ay dahan-dahang nawawasak.

"Ang engkantada," sambit ng Supremo. Ang bawat kabalyero'y nakanganga at 'di makapaniwala. "Tuluyan na siyang lumisan."

Napalunok ng laway si Mart. Totoo ba ang narinig niya? Ang tusong engkantada, si Reyna Ana, ay totoo nga bang natalo na ng kuya niyang si Mike? Ngunit bakit lungkot ang nangingibabaw sa mukha ng bawat malignong naroon? Ang kaninang mababangis na nakikipaglaban, ngayon ay mga nakaluhod at nakayuko, tila nagsisisi sa kanilang mga ginawa.

Agad na nag-aalala si Mart at kinamusta ang kaniyang lolo sa may kabilang panig ng parang, katabi ng bungisngis na ngayo'y malalim nang nakabaon sa putikan.

Matikas ang tindig at pang-datu ang kasuotan ngunit wari'y hinabol ng edad ang itsura ngayon ni Gat Panahon. Bagama't bakas ang lungkot at panghihinayang, mariin pa rin nitong pinagmasdan ang pagbagsak ng dati nilang Kaharian.

"Lo," halos pabulong na tawag ni Mart.

Ilang segundo bago ibinaling ni Gat Panahon ang kaniyang tingin. "Alisin mo ang iyong takot, Mart. Malayo na ang iyong narating. Dito ka pa ba susuko?"

"Hindi po." Kinagat niya ang mga labi at huminga ng malalim.

Sabay-sabay silang napatingin sa liwanag sa may gilid ng puno na ngayo'y malaking tipak na lamang ng buhangin. Nang maglaho ang ilaw, bumungad ang tatlong taong magkakahawak ng kamay- ang nakaputing dalaga na si Maria at ang dalawang magiting na Maginoo.

"Ate! Kuya!" sigaw ni Mart sabay takbo papunta sa direksyon ng kaniyang mga kapatid. Sabik na sabik silang nagyakapan.

Tumigil na ang buhos ng ulan at lumabas ang liwanag ng araw na malapit na ring lumubog. Nawalang kusa ang mga hamog sa paligid.

Namangha ang bawat malignong naroon sa muling pagbabalik ng anito ng pagmamahalan, ang dalagang binihag ng ilang buwan ngunit wala pa ring kupas ang kagandahan.

"Mahal na Diyan Masalanta," tawag ni Señor Tomás na agad na iniluhod ang isang tuhod sa lupa at yumuko bilang paggalang. Sumunod rin sa kaniya ang lahat ng mga maligno. Maging ang mga aswang at engkanto na ngayo'y mga bihag na ay 'di makatingin ng maayos sa dalagang umaapaw ang kadalisayaan.

"Salamat sa kagitingang inyong ipinamalas," ngiti ni Maria. "Ngunit wala nang dahilan pa upang maglaban-laban. Supremó, dagli mong tipunin ang natitira mo pang hukbo sa ating paglisan."

"Masusunod po," mabilis nitong sagot at pinamunuan ang pagbihag sa mga nagpupumiglas pa rin at tinulungan ang mga kapwa mandirigmang sugatan. Tumulong rin sa paglikom sina Yana at Rigel.

Nang masilayan ni Gat Panahon ang kaniyang "anak" ay agad niya itong niyapos ng pagkakahigpit. Tila ba libong taon nang hindi sila magkita.

Napangiti na si Mart. Umusal siya ng maiksing pasasalamat sa mga anito na sa wakas ay tapos na ang digmaan. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang dahilan ng kanilang pakikipaglaban- ang Kaharian ng Balete.

Nilapitan niya ang kaniyang Ate Maggie na may iniinda. "Anong nangyari d'yan sa kamay mo, Ate?" tukoy niya sa braso nitong hanggang siko na ang pamamaga.

"Lintik na nuno 'yan," galit nitong sabi sabay inikot ang paningin sa paligid. "Huli ka." Lumapit ito sa isang bunton ng mga lamang-lupa at agad na hinablot sa may balbas ang isang nuno na nakasuot ng pulang bahag. "At, nakaligtas ka pa pala, ah."

"Oh, mga mahabaging anito. Ako'y patawarin," pagmamakaawa ng malignong maluha-luha na sa kahihiyan.

"At, hindi mo talaga babawiin ang sumpa mo?" mataray na tanong ni Maggie. Ipinailaw nito ang nagbabagang kamay.

"Ito na po. Ito na." Dumura ang nuno sa mga kamay, ipinagdikit ang mga palad at kinuskos ang mangitim-ngitim na plema. "Ipunas mo na parang losyon."

Halos masuka si Mart sa nasaksihan ngunit wala namang nagawa ang ate niya at sinunod ang payo ng nuno. Unti-unti ring humupa ang maga ng braso nito hanggang sa maging normal. Alam na ni Mart ngayon kung aling klase ng mga maligno ang dapat iwasan.

"Anak!" sigaw ng isang lalaking nakibunggo sa mga nakaharang na maligno. Pasuray-suray pa ito sa pagtakbo at nakaangat ang isang pilay na braso.

"Tay!" mabilis na tawag nilang magkakapatid. Sabay-sabay silang nagyakapan at hindi na napigilan ang pagluha.

Hinalik-halikan ni Miguel ang noo at pisngi ng kaniyang mga anak. Sa loob lamang ng ilang araw, kita niya ang pagbabago ng mga ito. Mga mandirigmang sugatan ngunit matatapang na tumupad ng kanilang kapalaran.

"Ipinagmamalaki ko kayo, mga anak," sambit niyang pagsinghot-singhot pa mula sa pag-iyak. "Nasaksihan ko kung paano niyo isinabuhay ang inyong plano at nagtagumpay."

"Okay ka na po ba, Tay?" tanong ni Mart.

"Okay na 'ko, anak. Ito nga't nakasisipa na sa tulong ng sirena." Muli pa niya silang niyakap at nang bumitaw ay ipinatong ang kamay sa magulong buhok ng panganay niyang lalaki.

"Mahusay, Mike. Patawarin mo kung duwag ang iyong tatay. Ikaw pa mismo ang tumupad ng tungkuling matagal ko na dapat nagawa."

"Hindi ka po duwag, Tay," singit ni Maggie. "Sino pong Maginoo ang lumusob sa gitna ng panganib para lamang makita kaming muli." Napangiti niya si Tatay Miguel. "And correction, kami ang tumalo sa kalaban. Team effort 'to, eh."

"Tama ka riyan, Maggie."

"Miguel," tawag ni Gat Panahon. Agad na napalingon ang kanilang tatay at 'di makapaniwalang makakatagpo muli ang kaniyang ama.

"Tay." Nagyakapan ang dalawang magiting na kalalakihan. "Salamat po at ligtas kayo."

"Ang mga anak mo ang pasalamatan mo. Nagmana sila sa'yo ng katapangan at busilak na kalooban."

Napabaling sila sa lumapit na dalaga.

"Magandang araw po, Diyan Masalanta," bati ni Miguel.

"Magandang araw rin. Muli tayong nagkita. Hindi mo na tiyak na natatandaan dahil musmos ka pa lamang noon."

"Ikinagagalak ko rin pong makita kayong muli."

"Paumanhin ngunit tama ba ang nakikita kong tatak sa iyong noo?"

"Ang alin po?" Napahinto si Miguel sa tinukoy nito.

"Hindi na ito mababanaag ng karaniwang paningin ngunit ramdam ko ang kapangyarihan ng ibon." Napatahimik sila't naging seryoso ang mga mukha. Tila ba may naalalang malaking panganib na kani-kanilang nakatagpo noon.

"Tama po, Maria. Muli siyang nagbalik. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit hindi niya ako pinigilan. Ginawa niya pa akong tigmamanukan at hinayaang makasunod sa Makiling."

"May binabalak ang haring isinumpa. Nakasisiguro ako," singit ni Gat Panahon.

"Ganoon na nga, mga ginoo," turan ni Maria. "Hindi ko napigilan ang kampon niyang santelmo sa pagkuha ng binhi ni-" Nagdalawang-isip pa siya sa ngalang sasambitin, "ni Anagolay, ng aking ina." Mabilis na dumapo ang lumbay sa mga mata niya.

"Ipagpatawad mo, Diyan. Ako ma'y nalulungkot din sa nangyari," simpatiya ni Gat Panahon.

"Ayos lang po. Natapos na ang bagay na matagal na nating tanggap. Ngunit ang ikinakatakot ko'y ang susunod na hakbang ng ating kalaban. Nasa kaniya ang kapangyarihan ni Ana. Madali niyang makikilala ang kinaroroonan ng mga nawawalang bagay. Ngunit, ano nga bang balak niyang hanapin?"

"Ano pa man 'yon, sama-sama nating kahaharapin," sagot ni Gat Panahon sabay hawak sa mga balikat ng kaniyang mga "anak". Hindi nila alam kung gaano katindi ang tuwang nararamdaman niya sa muli nilang pagkikita-kita.

Sa buong usapan ay tahimik lamang na nakikinig si Mart. Tila ba nag-aaral na siyang mabuti para sa susunod na laban.

Isang lindol na naman ang nagpanginig sa kanila. Nagtatakbo ang ilang maligno nang ang lupang kinapupwestuhan ng Balete dati ay lumubog na at nagsimulang umapaw ang tubig ng lawa.

Gumilid silang lahat sa isang tabi. Sa isang iglap ay naglaho ang kalahating bahagi ng isla at inabot na sila ng mga alon ng lawa. Napalitan ng dalampasigan ang kaninang malagong kagubatan.

"Kailangan na nating magmadali," pag-aalala ng Supremó. "Unti-unti nang lulubog ang isla at magbabalik sa tirahan nito sa ilalim ng lawa."

Dumaloy ang hilakbot sa katawan ni Mart sa tinuran ng kabalyero. Hindi siya marunong lumangoy.

"Ngunit paano tayo makababalik sa Makiling?" tanong ng anggitay na si Perlas.

"Hindi ko na kakayanin pang buhaying muli ang maliit na pulo ng kalikasang ito," sagot ni Maria. "Ngunit pipilitin kong igawi ang natitira pang bahagi ng lupa papunta sa pinakamalapit na pampang na ating pinanggalingan. Malamang ay naghihintay na roon sina Sergio at iba pang diwata ng Makiling.

"The island is sinking. We really have to go," pag-aalala ni Maggie.

"Sandali," pigil ni Gat Panahon. Nakatulala ito sa kung saan. Wari'y nasa ibang lugar ang isip nito't diwa.

"Ano po 'yon, Tay?" tanong ni Miguel.

Napasinghap pa si Gat Panahon bago tumingin sa kaniyang anak. "Ang nanay mo. Si Nimpa."

Agad na napalingon sina Mart sa ngalan ng kanilang lola. Nakaabang sa susunod na sasabihin ngunit tila alam na nila ang tinutukoy ng kanilang lolo, ang bagay na kanilang kinatatakutan.

"Kailangan na nating makabalik sa Maynila. Bilang na ang panahon ng katalonan."

Lumakas ang tibok ng puso ni Mart at namula ang kaniyang mga tainga sa narinig. Wari bang bumalik muli ang kaba at pagkaduwag niya.

"Hahanap tayo ng pinakamalapit na lagusan pagdating sa pampang," suhestiyon ni Maria.

"Hindi maaari. Hindi na tayo aabot kung ganoon," iling ni Gat Panahon.

Sumingit sa usapan ang batang si Yana. Sugatan rin ito't ubos na ang bala ng sandata. "May alam po akong makatutulong na maghatid sa inyo pabalik ng Maynila sa pinakamabilis na paraan."

"Ano iyon, Maharlika?"

Hindi sumagot si Yana. Bagkus ay tumalikod siya sa kanila at humakbang papunta sa dalampasigan. Inilapat niya ang isang kamay sa malamig na alon ng lawa.

Nag-abang si Mart sa mangyayari. Kasabay niyang napasigaw ang mga maligno sa biglang pag-ahon ng isang higanteng buwayang may sakbit na kabaong sa likuran. "Anak ng Crocodile!"

Siya pa mismo ang natakot nang makitang sinubukan ni Yana na lumapit sa halimaw at hawakan ang nguso nito para kausapin sa ibang lenggwahe. Ngunit sadyang mailap ang buwaya. Gumilid ito at tila hindi pumapayag sa gustong sabihin ng dalagang Maharlika.

"Binibini," tawag ni Gat Panahon kay Yana. "Kausapin mo siya ng tapat gamit ang kabuuan ng iyong paningin."

Napalunok ng laway si Yana at napahawak sa suot niyang takip sa kaliwang mata. Nag-alinlangan pa ito ngunit lakas-loob na humarap muli sa buwaya.

Nagulat pa si Mart nang makitang lumapit rin ang kuya niyang si Mike para hawakan ang kamay ni Yana. Baka sakaling makapagdagdag ng katapangan. Anong meron? tanong ni Mart sa isip.

Hinubad ni Yana ang eye patch at nakita nila ang malalim na pilat sa mata nitong kulay puti na ang balintataw at malamang ay wala ng paningin.

Habang kinakausap ang buwaya, naagaw ang atensyon ni Mart ng higanteng bituin, ang Talang Batúgan.

UwU.

Saka niya lamang naalalang busog pa ito ng mga kalabang nakadikit pa rin ngayon sa bola nitong katawan. Malamlam itong nagliwanag at bumalik sa pagiging tansan.

Agad na nagpumiglas ang mga nabihag na maligno't nagtangka pang tumakas ngunit nahagip din naman ng mga kabalyero.

Pinulot ni Mart ang pilak na tansan at pinunasan. "You've fought well, soldier."

Lumapit siya sa Kuya Mike niya sa may dalampasigan. Sa wakas ay pumayag rin ang higanteng buwaya na ihatid silang mag-anak pabalik ng Maynila.

"Mabilis lumangoy ang isang nóno," paliwanag ni Yana. "Dadaan kayo sa may bunganga ng Ilog Pasig papunta sa pinakamalapit na tulay sa inyong bahay."

"Magkakasiya ba siya r'on? Paano kapag nakita siya ng mga chismosang kapitbahay?" tanong ni Maggie na lumapit na rin sa kanila.

"Hindi n'yo pa alam ang kayang gawin ng buwayang ito," nakangiting pagmamayabang ni Yana.

"Kuya, ito na pala ang tansan," abot ni Mart kay Mike.

"Ah. Oo nga pala. Pero sa tingin ko, ikaw na dapat ang magmay-ari n'an."

"Gan'on ba?" Tinignan niyang muli ang piraso ng pilak sa kaniyang palad at nakaisip ng gagawin.

"Rigel!" tawag niya sa kaibigang abala sa pakikipag-usap sa anitong si Maria. Kanina pa ito sabik na sabik na makatagpo muli ng mga matataas na anito. Nilingon siya nito.

"Yes, buddy?" Tumakbo ito palapit sa kanila.

"Ah. Siya na buddy mo?" reklamo ni Yana.

"Joke lang. Siyempre 'di kita pagpapalit. Meet my new bestfriend," tawa nito sabay akbay sa bagong kaibigan.

Iniabot ni Mart ang tansan. "Para sa'yo."

"Ano 'ka mo?"

"Oo nga. Naalala ko ang sabi ni Tala. Ang mga bituin niya ang magiging gabay namin. Ngayon, alam ko na ang ibig sabihin. Hindi siguro nagkataon na nakatagpo namin kayo ni Yana sa may lagusan."

"Ang sweet naman, bespren. Nagbago na isip ko, tayo na lang buddy." Mabilis nitong kinuha ang inialok ni Mart.

"Hoy, Astroboy! Hindi porke't may bago ka ng cosmic weapon, mabibiro mo na ako ng gan'yan. Sige ka, 'di kita papasukin ng Klab Maharlika, eh."

"Ito, 'di na mabiro. Nag-iisa lang ang Captain namin."

"Halika nga rito." Inaliw sila ng halakhakan at kulitan.

Masaya si Mart na makitang nagtatawanan muli silang magkakapatid. Bigla niyang naramdaman ang pagod.

"Mga anak, magpaalam na kayo. Kailangan na nating umalis," utos ni Tatay Miguel. Akay-akay na nito si Gat Panahon at sabay na umakyat sa malaking kabaong ng buwaya.

"Kailangan rin naming bumalik ng Makiling," sabi ni Yana sa kanila. "Sasama na muna kami kina Maria para masigurong maayos na makababalik ang mga maligno. Kami na rin ang bahalang mag-report sa Klab." Pilit ang ngiti nitong nagtatago ng sariling kalungkutan.

"Thank you, Yana and Rigel," sabi ni Maggie at kinamayan ang dalawang Maharlika. "Both of you showed us what courage really is."

"Totoo ba 'yan?"

"Oo naman. Sinusumpa ko sa harap ng pulang bangs ko."

Saglit pang nagpaalam si Mike kay Yana. Si Mart naman ay nagpaturo pa sa kaiimbento lamang ni Rigel na secret handshake.

"Hanggang sa muli nating pagkikita-kita." 'Yun lamang at umakyat na rin sila sa kabaong ng buwaya.

Pinagmasdan ni Mart ang unti-unti nilang paglayo sa Isla. Siguro'y kakayanin naman ni Maria na dalhin ang maliit na pulo papunta sa kabilang direksyon pa-Makiling.

Habang sila nama'y mabilis nang bumibiyahe pabalik sa piling ng kanilang lola. Nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Mart sa tagpong kaniyang masasaksihan.

*************************************************************

Ang hirap pala 'pag resolution na. Daming characters sa scene na 'to. Hayst. Tapos, closing pa ng ilang subplots.

Anyway, last 2 chapters na tayo, guyzzzz!

Up Next: Ang Sundo

Keep on reading! You my vote and comment any suggestions and/or reactions.

Love y'all! ( ˘ ³˘)♥

-- Catam, B.C.A. of Klab Maharlika

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
GLITCH┃WANNAIOI. By l

Mystery / Thriller

16.6K 1.6K 101
❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa...
112K 4.1K 54
Zheyran Angel Briones and Gabriel Felix Monteser, their path has crossed because of the crime on their school days. Together with the Secretum Oculi...
22.4K 2K 17
Kristine Ferrer's Story I was born in Darkness. Sa Chasm. Mundo ng mga tunay na elemental, at sa mundo kung saan naghahari ang kadiliman. We were...