"LEAVE her out of your games, Kuya."
Parang patalim na paulit ulit na humihiwa sa utak ni Nikon ang sinabi ni Canon sa kanya noong isang gabi—matapos manuod ng sine ng dalawa, ay sinita niya ito kung bakit halos dis-oras na ng gabi umuwi ang mga ito.
Then Canon looked at him sternly, asking him why he was dragging Tutti through this mess. Gusto niyang itanong sa kapatid kung nagsumbong ang dalaga dito, but knowing how protective Canon is when it comes to Tutti, malamang kahit wala itong sabihin, handa itong ipagtanggol ng kapatid niya—at the expense na pati siya, pagsasabihan nito.
Hindi niya maunawan ang nararamdaman kung bakit naiinis siya kay Canon sa pagiging protective nito kay Tutti, pero mas lalo siyang naiinis dahil kahit alam niyang tama ang kanyang kapatid, ay gusto parin niyang makasama si Tutti sa mga plano niya.
Pero hindi na pwede. In fact, sa tingin niya kahit wala na si Tutti sa tabi niya, maisasagawa niya ng maayos ang mga bagay bagay lalo na at si Arienne na mismo ang tumatawag sa kanya at nagyayang lumabas sila.
Kagaya ngayon.
Kasalukuyan silang nasa isang fashion event kung saan panauhing pandangal ang dalaga. She had asked him to be her escort for the night.
"Are you okay?"
Napabaling siya kay Arienne nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya. "Uh? Y-yes." Mabilis niyang hinuli ang kamay ng dalaga at tinanggal iyon sa pisngi niya. Ewan niya, parang bigla hindi siya kumportable na sobrang lapit ng dalaga sa kanya.
"Sigurado ka?"
Tumango siya dahil kung mag-e-elaborate pa siya, parang mas hahaba pa ang kanilang usapan. At kapag naguusap sila, Arienne is too sweet, too caring, and too much of a nice girl. Hindi niya alam kung paano i-deal ang babaeng kagaya nito. But he had to, because tonight he was going to ask her to be his girl.
It wasn't a sudden decision dahil noong una palang, iyon naman talaga ang balak niya hindi ba? Kaya wala na siyang balak patagalin iyon lalo pa ngayon at malapit na malapit na silang dalawa ni Arienne sa isa't isa.
But inside him, there was that small voice nagging him. Iyon nga lang ba talaga ang rason?
Si Arienne?
Awtomatikong nag-flash sa kanyag isip ang mukha ni Tutti—si Tutti na ilang araw na yata siyang palaging binubulabog nang walang kaalam-alam. Si Tutti na biglang nag-iba ang pagtingin niya.
It's too incredulous thinking about it now, pero higit kailanman siya ang nakakalam na siya at si Tutti ay parang dalawang bagay na impossibleng magsama. Never silang naging compatible.
And Arienne, he believed, was his perfect match.
ISANG outreach program ang pinapangunahan ng pamilya Elizalde minsan sa anim na buwan taon-taon. Sa outreach program na iyon, pumupunta ang buong mag-anak sa mga maliliit na foundation kung saan madalas hindi naaabot ng tulong ng mga mas malalaking nagbibigay ng tulong.
This time, sa Holy Child Center ang naging destinasyon ng pamilya. Bukod sa buong mag-anak, may ilang mga photographers din silang nahihikayat na sumali sa programang ito. Iyon kasi ang main point ng programa, ang bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ma-appreciate ang pagmamahal sa pagkuha ng larawan. Bukod pa roon ay nagkakaroon din sila ng games, reading sessions, at mga pagpapakain sa mga bata.
Mula noong simulan ng pamilya ang panata ng mga ito ay palaging kasama si Tutti doon. Ani Papa Olsen, it was their own way of giving back the blessing they have got through the years.
Kasalukuyang nagkakaroon sila ng basic photography session para sa mga teen agers na pinangungunahan ni Pentax nang lumapit kay Tutti si Canon. Umakbay sa kanya ang binata. "Kumain ka na ba?"
Umiling siya, "Hindi pa. Mamaya nalang siguro kapag kumain na rin ang mga bata."
"Bago yan ah," komento ni Canon sa kanya. "Tumatanggi ka sa pagkain? O wala kang ganang kumain dahil wala si Kuya?"
Tiningnan niya si Canon na para bang gusto niyang pabukain ang lupa at ipalamon ng buo ang kaibigan. But she realized, hindi niya kayang pabukain nag lupa, lalong hindi niya kayang ipalamon doon si Canon dahil nagsasabi ito ng totoo.
Wala pa rin hanggang ngayon si Nikon.
Ang sabi ni Papa Olsen sa kanya, umalis umano si Nikon noong nakaraang gabi at nangakong hahabol nalang para sa outreach program. May kailangan umano itong puntahan.
Sa totoo lang nagiging restless siya dahil hindi niya nakikita ang binata. God, it has been days since the last time she saw him at iyon ay noong sabihin pa nito sa kanya na hindi na nito kailangan ang tulong niya kay Arienne.
Nagalit siya noon, dahil pakiramdam niya, para lang siya nitong ginamit para makipaglapit kay Arienne, pero on the contrary, iyon naman talaga ang deal nila hindi ba? But still, she felt like some kind of a phone book list that even after using the numbers she got, he'd throw her away when the number he dialed answered.
Walang sense, dahil ayaw niyang maikumpara sa isang phone book o sa kahit anong bagay, pero mas walang sense ang ginawa niya dahil sinuntok niya si Nikon matapos ang sinabi nito. Since that day, hindi na sila muling nag-usap dahil pareho silang nag-iiwasan ng binata.
Para silang naglalaro ng patintero na sila lamang ang nakakalam at kasedohang magkatapat lamang ang bahay nila, never talaga silang nagkita ng binata.
Hindi niya alam kung dala ba iyon ng konsensiya, pag-alala o pagkamiss pero gustong gusto na niyang makita si Nikon. It was as if the days were too bland without him—parang nilutong walang Magic Sarap. Masama para sa kalusugan, pero masarap.
"Tigilan mo nga ako, Canonuevo," iyon ang tawag niya kay Canon kapag naiinis siya dito. "Tigil tigilan mo ako sa kapatid mo dahil wala akong balak makipag—"
Natigilan siya sa pagsasalita dahil mula sa entrada ng Holy Child Center ay nakita niyang pumasok si Nikon. Her heart started catapulting to the highest heights and then it went down like a meteor from outer space when she saw that he was with someone.
Kailangan pa bang itanong kung sino ang someone na iyon na ngayon ay hindi lang kaholding handang ng kutong lupa, kundi nakaangkla pa ito sa braso ni Nikon!
Natural na lumingon ang lahat ng makita nila ang agaw eksenang pagpasok ni Nikon at ni Arienne. Mabilis na lumapit sina Papa olsen at Tita Rissa kay Nikon, habang itinuloy naman ni Pentax ang ginawang pagtuturo sa mga bata. Nawalan naman siya ng choice kundi ang lumapit sa binata dahil magmumukha siyang masama kung hindi lalo pa ata kasama nito si Arienne.
"Good afternoon po, tito , tita," bati ni Arienne sa mga magulang ni Nikon.
Dahil ever friendly ang mag-asawa, nakangiting binati din ng mga ito si Arienne. "Mama, Papa, si Arienne nga po pala," sabi ni Nikon nang balingan ng mga magulang nito. "Girlfriend ko po."
Wait, tama ba ang narinig niya? Ilang araw lang niyang iniwas-iwasan si Nikon tapos heto, girlfriend na nito si Arienne. Gusto niyang kastiguhin ang sarili, hindi na dapat siya nagulat doon pero parang binibiyak ang kanyang puso ng mga oras na iyon. Oh, she can swear na hindi lamang meteor ang bumagsak sa kanya, maging ang buong universe yata nagcollapse kasabay niya.
MAY MGA bagay daw na mas madaling sabihin kaysa gawin, kagaya ng pag-mo-move on. Totoo naman, dahil hindi alam ni Tutti kung paano gagawin ang pinakasikat na yatang salita sa mga babaeng heartbroken kagaya niya--move on.
Pero kahit mahirap, alam niyang kailangan niyang gawin. Hindi naman siya masokista para patuloy na habulin si Nikon gayong nakuha na nito si Arienne—ang babaeng gusto talaga nito.
Mayroon kayang self help book para sa mga babaeng kagaya niya na nasasaktan ng sobra? O mayroon kayang gamot na sa isang pag-inom lang, kayang tanggalin ang sakit ng halos kalahati ng buhay niya ang katumbas?
It was just now that she realized that loving Nikon from the sidelines all this time was an old story she kept on repeating over and over. Gasgas, luma, at nakakasawa. Sabagay, may mga ang may nagmamahal bang nagsasawa sa gasgas na kwento ng buhay nila? Wala siguro hanggang sa dumating ang turning point ng istorya.
Para sa kanya, ang turning point can be summarized into one word: Arienne.
Kaya ngayon, papalitan na niya ang plot line dahil, heck! Kailangan pa ba ng ibang rason?
She needed to be happy! She needed to end the misery she had put herself through the years at magagawa lamang niya iyon kung kakalimutan na niya ang lahat ng bagay, kasama na roon ang kutong lupa na si Nikon.
Nagpunta sa mall nang araw na iyon si Tutti para magshopping, magpagupit at ipamper ang kanyang sarili. Hindi ba't ang first step sa pagmo-moveon ay pag-re-re-invent ng sarili? Ginawa niya iyon ngayon.
Ang dating mahabang buhok ay hanggang balikat nalang ngayon, pinalagyan niya ng bangs at kaunting brown highlights. It complimented her skin dahil lalong tumingkad ang pagkaputi niya.
Bumili rin siya ng bagong damit, something that she would always love to wear comfortably. No, hindi heels kagaya ng mga suot ni Arienne. Kahit na hindi siya katangkaran, confident siya sa kanyang height.
After shopping to her heart's content, kumain naman siya to her stomach's content. She had never felt this good. Pag-uwi niya ay tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin at nakita niya ang ibang mukha ni Tutti. She smiled, from this day forward, ibang Tutti na ang makikita ng lahat.
Para na rin niyang binigyan ang sarili niya sa isang napakagandang regalo para sa nalalapit niyang kaawaran. The gift of letting go.
NAGLALAKAD si Tutti papunta sa sakayan ng jeep sa kanto ng subdivision nang may humintong sasakyan sa harap niya. Pula. Crosswind. At ang plate number, mas kabisado pa niya kaysa sa sarili niyang phone number.
"Sakay ka na," ani Nikon na nang ibaba nito ang tinted na salamin ng bintana nito. Isang linggo na noong huli niyang makausap ang binata, iyon ay noong outreach program pa.
"Hindi na," tanggi niya. Simula noong ipangako niya sa sariling magmomove-on na siya, iniwasan na niya si Nikon. Naisip niyang all this time, never siyang nageffort na malaman ng binata ang nararamdaman niya dahil alam niyang hindi siya seryosohin nito kapag nagkataon. The story of her life.
Bakit ba siya lagi ang nag-aadjust para kay Nikon noon pa man?
"Mahihirapan kang makasakay diyan ngayon Prutas. Rush hour."
Kahit narinig niya ang simabi ni Nikon ay dire-diretso lamang siya sa paglalakad. Hinayaan lamang siya ng binata pero nakasunod parin ang sasakyan nito sa kanya. Pagdating niya sa sakayan, wala nga siyang maabutang may bakanteng jeep dahil pagdating niyon sa kinatatayuan niya, puno na. Idagdag pang marami rin siyang makakasagupang ibang mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan.
Gustong mapapadyak ni Tutti. Bakit kasi biglaan ang pagpapatawag sa kanya ng boss niya para sa isang prospect project na gagawin niya? Alas-onse ang appointment niya. Mag-aalas otso na at kung hindi pa siya aalis ngayon, aabot man siya sa meeting pero siguradong haggard na siya. Sigurado siya roon, dahil bukod sa jeep, kailangan din niyang makipagbuno sa MRT.
Tiningnan niya si Nikon na hanggang ngayon ay nakabukas ang bintana at nakatingin sa kanya na tila ba hinihintay siyang sumakay doon.
Pride o ang trabaho niya?
Utak o puso niya?
Siya o si Nikon?
Lahat ng pinili niya ay palaging kontra sa kung ano ang dapat gawin niya. Kagaya ng pagsakay niya sa sasakyan ni Nikon.
EKSAKTONG paglabas ni Nikon sa grahe ay lumabas din si Tutti mula sa bahay nito. Nakabihis si Tutti ng paborito nitong get up, a cropped top, pencil skirt and chuck taylors. Ewan, para paring teenager kung pumorma ang babae kahit na kasing edad niya ito.
Habang pinagmamasdan niya si Tutti mula sa loob ng sasakyan ay hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi na niya matandaan kung kalian ang huling beses siyang ngumiti nang ganoon but in the past few weeks, it has been too rare.
Parang sila ni Tutti.
Bukod sa parang mutual understanding nila na mag-iwasan matapos siyang suntukin nito nang sabihin niyang hindi na niya kailangan ang tulong nito, hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon para makausap ang dalaga.
Naging abala siya bigla nagkaroon sila ng sunod-sunod na event para sa mga kasal—buwan kasi iyon ng Hunyo. Kaya naman noong magkaroon nang outreach program ay saka lamang siya ng nagkaroon ng pagkakataon para makita ulit si Tutti.
Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para makausap ang dalaga dahil iyon ang araw na ipinakilala niya si Arienne sa mga magulang at kapatid niya. They had both been civil but he felt a wall was built between them. Kung noon ang pader na iyon ay kaya pa niyang akyatin, ngayon parang kahit gumamit pa siya ng kahit anong equipment ay hindi na kaya.
One week passed that Tutti was just a recurring memory in his mind. Hindi niya nakikita ang dalaga, kahit ang anino nito. Kaya naman nang makita niya ang dalaga naglalakad papunta sa sakayan ay walang pag-aalinlangan niyang nilapitan ito at pinasakay ito.
If truth be told, he missed her. Hindi niya alam na maaari palang mamiss ang isang tao kahit na napakalapit lamang nito sayo. And he instantly got his fill when Tutti stepped inside his car dahil mukhang nawalan na ito ng choice dahil walang ibang masasakyan.
He felt like he was cheating with Arienne, but he also felt like he would be cheating himself if he coulnd't even talk to Tutti. Hindi niya alam kung kalian pa siya naging ganoon dahil noon pa naman, nawawala si Tutti dahil sa trabaho nito pero hindi niya naramdaman ang ganoong pagka-miss para sa babae.
But now, it was too much that it made his chest tighten wanting to look at her. Pero hindi lang ang dalaga ang namimiss niya, nangungulila rin siya bangayan nila—kagaya ngayon.
Nag-red ang stoplight and he almost wanted to say yes dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para pagmasdan ang dalagang nakaupo sa tabi niya. Noon niya napansin na may kakaiba dito. Her hair was shorter, her cheeks were flushed, and she was wearing a mascarra.
Even her scent smelled different, parang pinagsama-samang apple, cherries, and strawberries—enough to make his mouth water. Bakit parang hindi niya napapansin ang mga ganoon ka-trivial na bagay tungkol sa dalaga noon?
He eyed the mole on the corner of her lips that had always caught his interest. Mahirap tanggalin ang kanyang tingin sa parteng iyon lalo pa at parang mas nakakaakit na tingnan ang labi nito—pink, luscious and soft. Ano kayang pakiramdam kung—
He immediately cut his thoughts. Bakit ganoon ang naiisip niya para kay Tutti? Ngayon na nga lang sila nagkita ng dalaga, para pa siyang baliw na nag-iisp ng kung anu-ano.
Tiningnan siya ni Tutti kaya naman naiilang na binawi niya ang tingin dito. Mukhang napansin nito ang ginagawa niyang pagtitig dito. "Pakibaba nalang ako sa istasyon ng MRT," anito sa malamig na tono. When did her voice sound soft yet harsh? Gusto niyang marinig iyon ulit.
"May pasok ka?"
Tumango lang ito at nadismaya siya. Hindi niya alam kung paanong magbubukas ng usapan sa pagitan nilang dalawa dahil parang naghuhumiyaw ang malaking pader sa pagitan nila. Pero kailangan niyang magsalita, the silence was too awkward. He needed a distraction dahil kung hindi, mas kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip niya and he really don't want to entertain any of them.
Tumikhim siya, "T-thank you for everything Tutti."
Nakita niyang parang bahagyang natigilan ito, "okay."
Silence.
Silence.
And another silence.
Ganoon lang sila dahil mukhang wala nga yatang balak ang dalaga na kausapin siya. She was mad at him, but for the reason he couldn't quite pinpoint.
Well, siguro kung siya si Tutti, magagalit din siya sa sarili niya. They may not be really on good terms, pero dahil sa ginawa niya mas lalo lamang niyang pinalala ang sitwasyon nilang dalawa. Siya lang naman kasi ang nagkaroon ng benepisyo sa deal nila kahit na nangako siya kay Tutti na hahanapan niya ito ng boyfriend.
But encountering someone like Mark was already enough. Kung mangyayari ulit ang ganon, mas gugustuhin nalang siguro niyang magalit si Tutti sa kanya.
Oh, since when did he start thinking like that?
Parang magic naman na biglang lumitaw sa kung saan ang isang drive thru sign. Walang paga-atubiling lumiko siya doon para bumili ng makakain nila. The usual. Pero nang ibibigay na niya kay Tutti ang mga inorder niya, tinanggihan nito iyon. Kumain na daw kasi ito.
How was he supposed to eat so much food kung parang wala siyang ganang kumain niyon mag-isa? Disappointed siya. He wanted Tutti to eat it with him.
Just like before.
Dahil sa mga naiisip niya, pakiramdam niya pwede na siyang bigyan ng parangal para mga gagong lalaking hindi alam kung ano ang iisipin at kung ano ang mararamdaman.
Walang duda, siya ang mananalo roon.