JustBeFriends presents: POR D...

Par shoutsnthoughts

18 0 0

Another bestfriend eklabu thoughts/// XD Plus

JustBeFriends presents: POR DA PERS TAYM

18 0 0
Par shoutsnthoughts

POR DA PERS TAYM

For the first time,

naiyak ako

For the first time,

naiyak ako

For the first time,

naiyak ako.

Kelan ba matatapos yung pag-iyak na yun? Kung pwede lang na gaya ng ginawa kong lagyan ng period yung paulit ulit na naiyak ako ginawa ko na…………….  -__________________- ayoko ng umiyak. Wala naman daw kwentang bagay yun. Palibhasa di nararanasan, kaya kung makareact parang alam yung feeling. Haayayayyay. Eto kasi yun. For the first time, naiyak akoTAKSIL NA MGA LUHA. haaay… Nakakatawa. Siguradong matatawa ka pag nalaman mo ang dahilan ng sinasabi kong POR DA PERS TAYM. Eto kasi yun…… UYYY.. excited siya. XD LOL. Sinong kausap ko? haha .. si Tumble? :P whatever. Gusto ko lang maglabas ng feelings naka bold at italicize pa yan para may dating. xD Okay, para akong tanga. WELL TANGA NAMAN TALAGA KO.XD As always. Eto na nga.. wow… nakikisabay yung panahon sa nararamdaman ko. Nakiramay di sakin X’D Now what? haaay… 

Paligoy ligoy na ko. xD eto na.. haay.. I don’t know what should I call to that. How can I explain it ba?? Err.. hindi naman kasi kami . Kaya hindi break up or cool off ang tawag dun. Haaay.. whatever. XD Para akong engot na, nagsabing wag na niya kong antayin pa. Pero… ako ung umiyak. At first time yun. I know, hindi dapat iniiyakan ang mga ganung bagay they said. Pero pag naramdaman mo, di pwedeng di ka maiyak. Plus factor mo pa yung pagkamababaw ng luha ko. haaay.. lechugas na text yan eh. Jan nagsimula ang lahat.

____________________________________________________________________________

Let me tell you a story, my story.. An epic story of a.. Kontrabidang…. bida.. haha…

    Eto kasi yun.. Nagkaroon ako ng bestfriend. I considered him as my bestfriend, kahit na kakakilala lang namin. It happened 4 months ago. Yeah, four months ago lang. Dahil yun sa bagyo. Nag-evacuate yung school namin sa ibang school. Madaming sections (1-21). Tapos siyempre, apat na year yun. Medyo hindi kasya kung tig-iisang section kada room. So, the teachers decided na magsasama sama yung ibang sections.

    Nung nalaman namin yun, siyempre nag-angalan kami. Dahil bukod sa madami na kami sa section namin (48 kasi) e mainit pa tas ang liit lang ng room. Sa elementary school kasi kami nakituloy. Pero dahil nakikituloy lang din naman kami eh wala na kaming magagawa. Naging temporary classmates namin yung section 21.

    Tho last section sila, hindi sila ang pinakamahina ang .. alam na .. XD mga transferee kasi sila kaya napunta sa last. Actually, matatalino sila na pwedeng pang section 1. At yun… lumipas yung maraming araw.. naging ka close namin sila, madali naman eh. At naging isa siya sa mga naging sobrang close ko na dumating sa point na naging bestfriends kami.

    Madami akong bestfriends, lahat naman gusto siya pwera lang sa isa—- yung best bestfriend ko pa, :(. Haay. Edi ayun, di sila magkasundo. Kahit na sinusuyo siya ni itago natin sa pangalang Dragon, eh ayaw pa din talaga niya. Pinabayaan ko na lang muna, kasi akala ko magkakasundo din sila. Si Dragon kasi, parang boy version lang ni Mimay, my best bestfriend. Pareho ng trip, ng ugali, halos. Kaya I thought magkakasundo din sila. Kaso hindi.

   Medyo nagkalabuan pa nga kami ni Mimay eh. Kasi, nao OP ako sa kanila ng isa ko pang bestfriend, si Kelz. Mabuti na lang, andun siya. Enjoy ko naman ang company niya eh. We have lot of things in common, especially music. We both love music. Kino comfort niya din ko pag may probs ako, and so I to him. I always help him solving problems with his girlfriend. Nakita ko na siyang umiyak ng dahil dun sa girl. pero I kept on fighting na wag siyang mapagod sa girl at pangalagaan ang LDR nila. Long Distance e.

    Naging friend ko din yung babae, kaso feel ko na ayaw niya sakin at nagpapaka plastic lang siya. Inignore ko yun kasi girlfriend siya ng bestfriend ko. Lagi ko pa nga siyang pinagtatanggol sa bestfriend ko eh. Lagi ko siyang katex (si Dragon) at ganun din ako. Mas madalas nga na kami ang magkatext kasi busy yung babae. Nagtatampo na nga siya eh, kaso sabi ko.. baka busy lang siya, mag-wait lang. Sabi naman niya, namimiss niya daw yung lambing nung girlfriend niya.

    Haay… sakin niya binaling. =________= napapansin ko na na.. Alam mo naman pag may gusto sayo yung tao.. Pero inignore ko yun. Dati kasi pag humihingi naman ako sa kanya ng advice tungkol sa nagugustuhan ko.. maayos yung sagot niya. Kaso, nung tumagal tagal eh.. binabara niya na ko. -____- big help. tch. Lalo tuloy akong naghinala na baka… haay .. inignore ko na lang ulit.

  Tas napansin ko naman sa sarili ko na, di na ko sanay na wala siya, na hindi siya nagpaparamdam, na di ko siya nakakausap, na natutuwa ako sa mga simpleng text niya. Inignore ko na lang ulit. Kasi alam ko masama. May girlfriend na siya e. Nilayuan ko siya nun ng hindi niya napapansin… (kaso pansin pala niya) para dumistansiya..

    Kaso, BOOOM.. Bigla kaming naging magka-group. Nakalimutan ko na lumalayo pala ako. At ang nangyari, lalong lumala. Nagkaroon pa ng time na nagkaroon ng overnight samin. Apat na lang kami na natira. Siya lang yung nagiisang lalaki na kasama nung dalawa. Hindi naman sa kung anong masama ang iniisip ko sa kanya pero siyempre lalaki pa din siya. Kaya naman nakisama na lang ako matulog sa kanila.

    Para nga akong ewan nun eh, nagselos yata ako. Kaso nawala naman yun nung patulog na kami.. tas balik ewan na naman.. Kasi.. nung sinabi kong malaki yung kamay ko, sinabi niya mas malaki yung kanya. Edi sinukat namin, tas.. hinawakan niya yung kamay ko. Namiss niya daw si Kim, yung holding hands nila and whatsoever. Kaso sabi ko ampangit ng holding hands nila XD hindi kasi nakapasok yung mga daliri sa daliri. Gets mo ba? XD sadjang magkahawak lang talaga ng parang sa “Ama Namin”.

    Kaya dinemo ko sa kanya yung gusto kong holding hands. Tapos ayun… Hindi na niya binitawan hanggang sa matulog na kami. Niyakap pa nga niya ko nun sa tiyan. Ang adik eh. =___________=… Kinabukasan, siya agad bumungad sakin. Tapos, bago sila umalis„ Niyakap niya ko.. sa likod… habang nakahiga. Well hindi gaya ng mga green ang utak. =________= naka upo siya nun, ako nakahiga. Sa likod niya ko niyakap. Harmless.

    Haay.. ang hirap iexplain. Basta. XD haay… tapos.. nung tanghali, bumalik siya ulit samin para kunin yung mga bagay bagay na kelangan. Siya pa lang yung kauna unahang lalaki na pumunta mag isa sa bahay. At take note, andun pa si Kuya XD Inaasar din kami na boyfriend ko daw siya. Mula school hanggang bahay. Yung mukha niya parang ang saya. =________= samantlang ako .. duhhh… may girlfriend siya, at bestfriend ko lang siya.. Yun yung mga word na pinipilit kong ibaon sa kokote ko.

   Kaso ang kulit eh, ayaw pabaon! Hanggang sa .. nahulog na ko sa kanya.. At alam ko.. nararamdaman ko nun.. na.. gusto niya din ako. KASO NGA, MAY GIRLFRIEND siya. At kung hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, iisipin mo na nilandi ko lang siya at inagaw ko sa isang tao na distansiya lang ang lamang ko sa kanya.

     Duhhh.. kung ico compare sakin, talagang maganda siya.. yung mukha niya.. kaso ampangit nga lang ng ugali. At dahil dun, inignore ko na lang talaga yun. Hanggang sa isang araw, nagconfess siya. Mahal niya daw ako. AGAD AGAD??? dahil lang sa bwisit na kantang “Lucky”.. nagka confessan tuloy.

    Kaso siyempre sinabi ko, baka iba yung nararamdaman niya. Na kaya niya lang nasasabi yun kasi wala dito si Kim, yung girlfriend niya. Sabi niya, naguguluhan din naman daw siya eh. TIME.. yun yung kelangan. Kaya di ko muna siya tinext ng halos… 2 Linggo yata. Nag-isip din ako.. Humingi ng advice, sabi nila.. depende daw talaga kay Dragon yun.

    Nasa kanya yung decision kung ano yung ipagpapatuloy niya. Yung amin na di pa sure kasi kakakilala lang o yung sa girlfriend niya na 7 months na sila. Siyempre, ako naman… alam kong yung girlfriend niya pipiliin niya, maganda yun eh. Isa pa,sayang yung 7 months, bihira na lang yung mga nagtatagal ng ganun. LDR pa.

    Hanggang sa dumating na yung birthday ko…. Nung umuwi na sila, hinatid ko sila.. Tapos… bigla na lang niyang sinabi, break na sila. Ang engot niya lang. =______= ako ang pinili niya. Haay.. I feel sorry for Kim.

    Di man lang niya sinabi na makikipag break na siya. Edi sana, napigilan ko. :(Hindi naman sa ayoko sa kanya, actually .. mahal ko na nga yata siya eh.. In just two months. Sadyang.. hello??? di ako dapat magsaya kasi may taong nasaktan dahil sakin.. dahil sakin nga ba? Ako ba talaga dahilan? Nagi guilty ako.. hanggang ngayon.

   Hayyayayay. Lalo na ngayon, alam na ni Kim na ako yung pinalit sa kanya. Nagalit siya, at expected ko naman yun. Inintindi ko siya, kaso… sinabi niya yung pinaka ayokong sinasabi sakin. Gaga siya. Nag init yung dugo ko, at nakalimutang kaawaan siya. Gumanti ako. Pero siyempre tinigilan ko din nung nahimasmasan ako.

      Pero siya, di pa din tumitigil. Marami ng araw ang lumipas… ang sabi sakin ni Dragon.. alisin na yung mga bagay na nagbo bother sakin. Di ko daw kasalanan yun … Desisyon niya daw yun.  Mejo nacomfort naman ako. Kaya, kinalimutan kuno ko si Kim.

     Tho, mutual feelings ang meron kami ni Dragon, ayoko pa. Di pa naman talaga ko ready sa relationship eh. Kaya sabi ko wag muna siyang manligaw. Um-oo naman siya. Pero, alam mo yun? Parang kami na e. Wala nga lang commitment. Sinusundo niya ko everyday, sabay umuwi pero ayoko ng magpahatid.. ayoko.. =__________=

     Hanggang sa bigla na namang sumulpot yung first love ko for the THIRD time. Hindi na daw niya ko iiwan pa. lol. Mag-isa siya. Pero, ayun… nung fiesta, siya yung kasama ko. Hinawakan niya kamay ko, ayaw bitawan. HHWW =_______=  masyadong PDA yung lalaking yun. Hinatid din niya ko pauwi. Tas lagi niya kong pinupuntahan twing gabi.

     Tas nung nagpunta kami sa wawa.. Haay… Dapat makikipag usap lang ako sa kanya. Sabihin na may iba na kong gusto. Bigla ba naman akong niyakap. Siya na lang daw ulit. LOLO niya. =____= ilang taon niya kong ginago. Sabi niya kaya naman daw siya umaalis ulit kasi hindi pa ko ready.

      Nagdrama pa! Kung kelan naman daw ako ready na, di na daw siya yung mahal ko. Tss. Tama lang yun sa kanya. =___= Hinayaan ko lang siyang yakapin ako at geh .. magsawa siya sa kamay ko. Tama na. Si Dragon na talaga yung gusto ko.

    Haay .. tapos.. eto pa yung isa.. Yung katatapos lang, si Booby bird. matagal ko ng gusto mula 2nd yr ata, mahal daw ako. =____= haay.. Andaming what ifs na pumasok sa isip ko nun.. Paano kung nauna si booby bird o kaya si Kokey na nag confess? Edi sana.. Siya ngayon.. Edi sana.. walang kami ni Dragon, edi sana walang nasaktan na Kim, edi sana masaya lahat. Dahil dun, napagdesisyunan ko na… tapusin yung.. kalandian.. err .. hate the term.. I mean yung… nagaganap samin ni Dragon.. at maging bestfriends na lang. 

Just be friends.

     Yan ang tema ko ngayon. :’D Nung sinabi kong itigil na niya yung ginagawang pag aantay sakin (aantayin niya daw ako hanggang sa pwede na ko e), eh.. naiyak ako.. Promise.. first time kong umiyak ng dahil sa isang lalaki.

     Kadalasan kasi, hindi sa nagiinaso, sila yung umiiyak sakin. Tsaka, sa lahat ng nagustuhan ko, sa kanya lang ako naging ganito.. Selfish, jelly, sweet, kakaiba.. At sa lahat, sa kanya lang talaga ko umiyak. Ang epic pa, kasi ako naman yung nagpapalayo sa kanya tas ako yung unang umiyak. X”D

    Ayoko kasing iwan niya ko e. Napalapit na din talaga siya sakin, dahil siyempre tinuring ko na siyang bestfriend. Pero dahil sa lechugas ng feelings na yan., =__________= nagulo. Haay… 

    Kaso, alam ko naman na pagdating ng araw.. Iiwan din ako nun. Kaya nga, mas mabuti pang mas maaga umalis na siya. xD Hindi ako maganda, hindi ako pansinin, topakin pa ko, Im not the ideal woman, tamad, boyish, basta.. hindi gustuhin.

     Kaya naman, alam kong iiwan din niya ko. Bad ba ko kasi jina judge ko na siya? XD Nagsasabi lang ako ng totoo.. Anytime, pwede niya kong ipagpalit. Kung maganda na nga iniwan niya, ako pa kaya?

Buti na lang, nagsimula kami bilang bestfriends.. At ang sabi ko, we’re bestfriends no matter what. Maging kami man talaga o hindi sa dulo, magkaroon man kami ng ibang gusto, hindi man niya matupad na ako ang Last niya, tatanggapin ko.. Kasi, bestfriend ko siya. At parang, hanggang dun na lang. Siya, ang lalaking nakapagpaiyak sakin POR DA PERS TAYM. At take note, hindi lang basta iyak, hagulgol pa XD

<3IsangnobelafromKwentongThoughts

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

117K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
150K 8.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...