MASH Romantic (Chase Series #...

By Starine

185K 4.8K 330

Nicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko... More

Prelude
1st Paper
2nd Paper
3rd Paper
4th Paper
5th Paper
6th Paper
7th Paper
8th Paper
9th Paper
10th Paper
11th Paper
12th Paper
13th Paper
14th Paper
15th Paper
16th Paper
17th Paper
18th Paper
20th Paper
21st Paper
22nd Paper
23rd Paper
24th Paper
25th Paper
26th Paper
27th Paper
Video Clip 0314.avi
28th Paper
Video Clip 0537.avi
29th Paper
3oth Paper
31st Paper
32nd Paper
33rd Paper
34th Paper
Video Clip 0215.avi
35th Paper
36th Paper
37th Paper
38th Paper
39th Paper
40th Paper
41st Paper
42nd Paper
43rd Paper
44th Paper
45th Paper
46th Paper
47th Paper
48th Paper
49th Paper
50th Paper
51st Paper
52nd Paper
53rd Paper
54th Paper
55th Paper
Postlude

19th Paper

2.4K 77 12
By Starine

19th Paper

Sick Bastard

Lumipas ang dalawang linggo simula nang magpasukan. Si Mae na lang ang lagi kong nakakasama dahil sa Maynila na nag-aaral sina Elaine, Aria, at Ten. Parehas din ang kurso namin ni Mae kaya't mahaba-habang sawaan ang mangyayari sa aming dalawa. We are taking Medical Technology. Hindi ko lang alam kung ipagpapatuloy ko pa ito sa medisina kapag nakapagtapos na ako.

"Bakit kasi hindi mo pinayagan si Drian ang maghatid sa akin?" Reklamo ko habang napapasipa sa inis. I am riding shotgun in mama's car while Gage drives.

"Hindi mo ba nakita kung gaano niya kaayaw ihatid ka? He's already late, Jes. 'Wag ka nang mag-reklamo."

"AGH!" Napalipad na lang ang dalawa kong kamay sa magkabila kong pisnge. Alam ko naman talaga kung bakit niya ako gustong ihatid. And no, wala siyang gusto sa akin. Ang gusto niya lang mangyari ay ang inisin ako. Ayaw na niya akong nalalapit nang ganoon kay Drian. He's that mad! Sick! Annoying arse!

"'Wag mo na akong sunduin mamaya! Nako, Gage. Kapag sinundo mo ako ay talagang malilintikan ka sa akin."

Nginisian niya ako nang hindi tumitingin. "Try me."

Muli akong napasigaw dahil sa kakulitan niya. Dahil doon ay sirang sira na ang umaga ko. Nakasimangot ko tuloy na sinalubong si Mae pagkapasok ko ng gate sa Summerridge.

"Tingnan mo iyong lalaki, nakatingin sayo. Sa laki mong 'yan, may hahanga pa pala sa ganda mo." Tawa ni Mae nang ituro niya ang lalaking pamilyar ang mukha sa akin. I squinted my eyes to see his face clear.

"Wala lang iyan. Nakausap ko kasi siya noong mag-exam ako noon. Pinagtanungan ko lang." Depensa ko. Hindi na niya ako kinulit dahil mali-late na rin kami sa klase.

Nang mag-uwian ay inasahan ko na talaga na susunduin ako ni Gage. Dahil sa pagkainis ko kaninang umaga ay sa likuran ng sasakyan ako sumakay. Hindi ko siya pinansin. Tanging si Mae lang ang kumakausap sa kanya, na siyang nakaupo ngayon sa shotgun.

"So, Mae. I'll pick you up tonight?"

Noong una ay akala ko nagkamali lang ng tawag sa akin si Gage. Pero nang makita kong tumango nang mahinhin si Mae ay nanlaki na ang mata ko. Hindi ko naman maalalang nagkakausap na silang dalawa para magkaroon ng ganoong paguusap. That's even barely a conversation!

May hindi ako alam!

"Ikaw na ang una kong ihahatid, Jes." Sabi ni Gage.

Well, that's new. Laging si Mae ang inuuna niyang ihatid dahil parehas naman kami ng uuwian. Gusto kong itanong sana kung bakit pero naalala kong hindi ko nga pala siya pinapansin kaya't itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Whatever." Bulong ko sabay tingin sa labas ng bintana.

Laking tuwa ko na lang nang maabutan kong naroon na si Drian sa bahay. Kadalasan kasi ay ako ang nauunang umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit maaga siya ngayon. Pero kunsabagay, hindi ko naman alam ang schedule niya. Hindi niya rin iyon ibinibigay. At wala pa akong balak nakawin sa kanya ang binder niya. Next time na lang.

"You're early." Nagulat ako sa sinabi niya. It's the first time this week that he said a word to me. Inilapag niya ang baso ng juice sa coffee table habang ang mata niya ay nakatingin pa rin sa akin.

"Ito talaga ang uwi ko, Drian. Ikaw yata ang maaga ngayon?" Binigyan ko siya ng mahinang tawa.

Iniwas na niya ang tingin niya sa akin at nagsimulang tanggalin ang dalawang butones sa itaas ng uniporme niya. Gosh, unbutton all of 'em!

"Got too tired. Sumakit ang ulo ko." Pagkasabi niya noon ay umupo siya sa couch. Ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya at sinapo ang kanyang leeg.

"May sinat ka, Drian. Uminom ka na ba ng gamot?" Tinignan ko ang lamesa para hanapin kung may ininom o iinumin ba siyang gamot, pero tanging ang juice lang ang nakita ko. "Bakit malamig na juice pa ang iinumin mo? Teka, ikukuha kita ng gamot."

Tatayo na sana ako, ngunit hindi natuloy nang pigilan niya ako gamit ang kanyang mainit na kamay.

"Don't bother. Kaya ko." Umupo siya nang maayos. Ang mga mata niya ang nakatingin sa lapag. Hindi ko naiwasang hangaan kung gaano siya kakisig ngayon. His hair rise in different angle, complementing his handsomely-sick expression. Pumikit siya nang mariin bago nagsalita.

"Aiana will be here later. I don't want to give her something to worry about so I request you do not leave your room, Jesca."

Pagkasabi niya noon ay siyang tayo niya. Iniwan niya ako rito para pumunta sa kitchen.

Kahit hindi mo sabihing magkulong ako sa kwarto ko ay gagawin ko iyon oras na makita ko si Aiana rito. I like you, Drian. But I am sure as heck I respect you and your feelings for Aiana. Hindi ako manggugulo. Not unless things go out of control.

Kahit palagi akong naiinis o nagtatampo kay Gage ay gabi gabi ko pa rin siyang hinihintay sa pagkain. Nasanay akong ganoon ang set-up dahil nakakalungkot kumain mag-isa. Pero mukhang ngayong gabi ay mag-isa nga akong kakain. It's eight in the evening and Gage is still not here. Kumakalam na ang tiyan ko kaya't kumuha na ako ng pagkain.

Bago ako tumungo sa kusina ay hinanap ko si Drian. Kanina bago ako bumaba ay pinakiramdaman ko kung nasa kwarto ba siya, pero wala ang maingay na music na kadalasa'y tanda na naroon siya.

Sinilip ko ang labas at doon ko nakita si Drian. Nakaupo siya sa hagdan at halatang nilalamig na dahil sa panginginig ng kanyang mga braso at binti. Nilunok ko ang kabang nararamdaman ko at tsaka lumapit sa kanya.

"Drian." Lakas-loob kong tawag nang umupo ako sa tabi. "Nag-dinner ka na ba?"

Umiling siya at lumayo nang kaunti sa akin. I flinched at his move, pero hindi ako nagpatinag.

"Kumain ka na. Uminom ka na rin ba ng gamot kanina? You should go inside, malamig dito." Mismong ako ngang kalalabas pa lang ay nilalamig na kaagad, siya pa kayang may sakit at kanina pa rito?

Tinignan niya ako. His eyes were daggers. "Look, Jesca. Kung nalalamigan ka ay pumasok ka na. And I don't need you here. Aiana will be here in a minute or two, and she's bringing my food and med. So quit it and go inside." Matigas niyang sabi.

Kinagat ko ang labi ko like the usual when he's mad at me and I cannot hold it any longer.

"I-I, uh." Umiwas ako ng tingin at kumuha ng lakas para makatayo. "P-Pasok na ako."

Nagawa ko pang magpaalam sa kabila ng panginginig ng labi ko. I'm that dumb, I know. Tumakbo ako sa kusina para kumuha kaagad ng pagkain at bigyan ang sarili ko ng pagkakaabalahan. Ngunit hindi pa rin nawala sa isip ko ang nangyari.

Hindi ko na rin nagawang maubos ang pagkain ko dahil sa pagiisip. Naalala ko rin si Gage, siya lang ang nagpapalubag ng loob ko sa mga oras na ganito, pero wala pa siya. At kung nandito na siya ay malamang nasa kwarto sa baba na siya ngayon.

I tried reading, jamming to music, and watching movies to clear my mind. But none of those seemed to work perfectly fine. Nakakalimot ako nang ilang sandali, pero matapos ang ilang segundo ay naalala ko ulit si Drian. Nagaalala pa rin ako. Gusto kong sumabak ulit at puntahan siya sa baba kahit na alam kong itataboy na niya ako ulit. Pero hindi ko na ginawa.

Nakaidlip ako ng ilang minuto base sa orasan ko. It's quarter to eleven pm. Kinuha ko ang pinagkainan ko para ibaba iyon at hugasan na rin kung sakaling nakapaghugas na ng mga plato si Gage.

Naabutan kong bukas pa rin ang ilaw sa sala... at sa labas. Mabilis kong ibinaba ang hawak kong plato at baso sa lamesa at tinakbo ang labas. Sinasabi ko na! Drian is still there.

Nanikip ang dibdib ko. Naghihintay pa rin siya kay Aiana na hindi na darating. Umaasa pa rin siya na may sasalubungin siyang Aiana sa ganitong oras!

Bumaba ako hanggang sa maharap ko siya. Kumunot ang noo ko at inihanda ang sarili ko sa pagsigaw. Tumingin siya sa akin nang may pagod sa mata.

"You know, you're one sick bastard, Drian! It's eleven pm! Wala ka nang aasahan sa Aiana mo! Let this night go and eat. Please, put some sense in your mind, Drian! Para kang tanga dyan na umaasa sa wala. You're going to kill yourself! Go inside now!"

Huminga ako nang malalim matapos ko siyang sigawan. Parang wala lang ang sinabi ko sa kanya. Tumungo siya ngunit nakita ko pa rin kung paano siya ngumisi. Humawak siya sa kamay ko at unti unting lumambot ang puso ko.

"Take care of me, then. Tutal wala na naman akong aasahan sa iba. You're all I've got right now, Jesca. Take care of me."

Continue Reading

You'll Also Like

427K 7.8K 24
He left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA
406K 5.4K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
234K 5.8K 33
Will those fourteen days be enough or never enough? | ©2014 - Cover made through CANVA
372K 6.6K 136
TOP DEFINITION out·of·my·league | \awt-op-may-lig\ someone you can never be with. someone you have no chance with. someone... unreachable. Epistolary...