Maniac 4 Sale (Completed)

By mharizt

9.4K 417 66

Equipped with fame, money and looks - Viel Valderama basically has it all. He can do everything he wants, eve... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III (Finale)

Chapter 33

118 4 0
By mharizt

M4S (33)


"Hello!"

Napahawak si Rainy sa dibdib niya habang nag-aayos siya sa locker niya dahil sa gulat at sa lakas ng pagbati ko sa kanya, kasabay na rin nung pag-alog ko ng balikat niya mula sa kanyang likuran.

Nagmadali talaga akong pumunta sa Nursing building ng Eastville mula sa klase ko para abutan siya dito kasi may nabanggit siya sa akin kagabi na hanggang hapon ang klase niya ngayong araw.

"V-Viel! Bakit ka nandito?" sabi niya nang nakilala niya kung sino ako. Tumalikod na rin siya sa locker para maharap niya ako.

I smiled. "I want to spend my breaks with you."

Her mouth parted for a couple of seconds before she was able to respond.

"'Wag na, Viel. Busy ako ngayon. Ang dami kong aaralin at ica-catch-up na lessons. 'Tsaka may klase ka pa, 'di ba?" tanong niya.

"Oo meron pa. Pero maaga kami pinalabas ng professor namin. Tapos break ko na."

"Hindi ka man lang ba magre-review?" tanong niya sa akin.

I smirked. "Rainy over reviews."

Napairap siya sa kakornihan kong 'yon. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"Alam mo, magkita nalang kaya tayo sa condo ko after ng school ko, G?" alok niya.

I tilted my head on one side. "Tapos? Anong gagawin natin?"

Namula siya ng konti bago niya kinibit ang kanyang balikat. "The usual."

Isinandal ko siya sa kanyang locker at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.

"Rainy, listen. Hindi ka pang-condo o pang-kwarto lang. I will prove you that. Hindi lang naman iyon ang habol ko sa 'yo," malumanay kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya bago niya ako mahinang tinulak palayo. "Baliw! I wasn't talking about that! Meron ako ngayon, 'no! What I meant was... we can eat in my condo!"

Napa-halakhak nalang ako sa sobrang defensive ng tono niya sa akin. At talagang nag-explain pa rin kasi siya pagkatapos. Lalo ko lang siyang tinawanan kaya lalo lang din siyang napikon sa akin.

Gano'n lang natapos yung break ko kasama ni Rainy. Ang bilis talaga ng oras kapag siya ang kasama ko. Tapos nung bumalik na ako sa klase, parang ang bagal na ulit ng lahat. Ultimong bibig ng prof ko ay parang slow-mo, ampota.

May group project discussion kami mamayang lunch time kasama yung mga ka-group ko sa Political Science subject namin, pero naki-usap ako sa kanila na sila nalang muna ang mag-usap. Sinabihan ko sila na ako nalang ang magre-report at buti naman ay pumayag naman sila.

Dali-dali akong pumunta sa ECN or Nursing Cafeteria pag-tunog palang ng bell ng lunch. Malaki ang Eastville colleges at napakalaki ng Nursing Department kaya naman may sarili silang Cafeteria na dedicated lang sa mga med courses. Ganoon din sa mga business courses tulad ng kinukuha namin nila Ash.

Tinakbo kong muli yung layo ng building ko papunta sa Nursing building kasi ayaw kong may nasasayang na oras lalo na pagdating sa amin ni Rainy.

I want to prove her that no matter how hard the situation is, or no matter how busy our schedules can get, we can still do it. We will find time for each other. Kasi kapag ginusto naman namin, may paraan. Magagawa namin. Kakayanin namin.

Saktong nakita ko siyang mag-isang naka-upo at may nakahain na pagkain sa isa sa mga tables sa cafeteria nila. Bumili ako agad ng akin, bago ako pumunta sa may pwesto nila.

"Hello, Ate!" I squeezed her cheeks. Nagulat pa rin siya roon sa ginawa ko at medyo napatili pa nga. Her mouth parted when she saw me putting my newly ordered food on her table.

"V-Viel!" gulat nga.

"Pasabay," sabi ko bago ko siya nginisian. "May pwesto pa naman, 'di ba? Marami ka bang kasama?"

I also decided that I wanted to know who her friends are. Dati kasi, wala akong pakialam sa mga kaibigan niya nung Grade School palang kami kasi nakita kong hindi naman magaganda ang ugali ng mga iyon.

Hindi ko napansin na nadala ko iyon hanggang college. Ni hindi ko man lang kinilala kung sino yung mga nakakasalamuha niya dito. Samantalang ako, alam niya at kilala niya ang lahat ng mga kaibigan ko.

"Viel, why are you here?" pabulong niyang sinabi bago siya tumingin sa paligid at medyo yumuko.

"I want to eat with you. Bawal ba?"

She blinked her eyes a couple of times. "Hindi naman bawal. Kaso first time mo kasing ginawa ito. Hindi sila sanay na kasama kita dito sa cafeteria namin. Sa college of business kasi tayo madalas."

"Kinahihiya mo ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya.

"No... but... you know, I'll probably be the center of chismis later on our classes."

I smirked. "Kasi ang gwapo ng kasama mo?"

Umirap lang siya sa akin. Humalakhak ako dahil doon.

Nilapit ko ang sarili ko ng konti sa kanya para bumulong. "Yung kanina palang sinabi ko, seryoso ako do'n. 'Wag na muna tayo mag-wild nights. Pa-sweet muna. K-drama feels muna."

"W-What?" nanlaki ang mga mata niya. "I said I wasn't suggesting it!"

"Kaya nga, ako nga nagsu-suggest ngayon na 'wag na munang ganoon. I want to show you that I can be an ideal too. Sweet type. Gentleman type. I can do that for you, Rainy."

Mataman niya akong tinignan. "Viel... you don't have to try too hard."

"It's my choice. I want us to have a different air in between us. Something that you might want to experience. I want it all coming from me and not from any man."

"I can stay away from temptation for probably a month," sabi ko pa.

Nakatingin lang siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nang na-realize ko yung binitawan kong salita, parang 'di na rin tuloy ako makapaniwala sa sarili kong sinabi.

"Joke lang," pagbawi ko. "Sige, kahit mga three weeks max to two weeks mininum. Para realistic."

Natawa siya roon bago niya hinalo yung spaghetti na binili niya.

"Nasaan na ba yung mga kasama mo? Bakit ang tagal nila? Gutom na ako," sabi ko. Medyo may iilang minuto na rin kasi ang nakakalipas.

Napatingin siya ng matagal sa akin bago nagsalita. "Wala akong kasama."

"Absent?" tanong ko. "Sayang naman, balak ko pa naman i-introduce ang sarili ko ngayon sa mga kaibigan mo."

Nagsimula nalang akong sumubo ng pagkain ko. Gutom na rin kasi talaga ako dahil na rin siguro sa pagtatatakbo ko kanina pa.

"Wala akong kaibigan dito," sabi niya.

Napatigil ako sa gitna ng pagsusubo sa narinig.

"Ikaw lang... ang kaibigan ko sa buong Eastville," dagdag pa niya bago siya umiwas ng tingin.

Napakunot ang noo ko ro'n. "What? What do you mean? Ang dami mong mga kasama—"

"Are you talking about Vernice's review team? That's just because I signed up for it. I really liked nursing a lot and I know how I'm quite a bit slow when it comes to acads that's why I joined them. But they're not my friends. We... never hanged out."

Ako naman ngayon ang napatahimik habang nakatingin sa kanya.

I looked around the cafeteria, and everyone was with someone. May mga barka-barkada. Nagtatawanan. Nagtutulungan. Nagre-review. Everyone but Rainy.

Don't tell me she's been doing this for three whole years? Sino nalang ang nagiging partners siya sa group works? Sa internship niya? Sino ang napagtatanungan niya kung sakaling wala ako? Wala?

"May kinalaman ba si Vernice dito? O si Mama? Tell me, Rainy," I said. I was getting furious.

Umiling siya at ngumiti. "I don't think so. And if ever they are involved, then it's fine too. I kinda liked being this way anyway. It's more peaceful."

"You never told me this," I said seriously.

She smiled faintly. "I thought it was obvious. We're always together. I have you and Lali all the time. You two are enough."

"And please, 'wag mo akong tignan na parang naaawa ka sa akin," sabi pa niya. "I don't like it."

From looking straight at her, binaba ko nalang ang tingin ko sa pagkain. We started eating slowly without talking to each other. Akala ko talaga ay alam ko na ang lahat tungkol kay Rainy. Turns out, ang dami ko pa palang nakaligtaan na detalye tungkol sa kanya.

Habang kumakain kami ay nilabas na naman niya yung videocam niya. She smiled at the camera first and started filming the way I eat. Tinakpan ko yung camera gamit ang kamay ko habang ngumunguya. I made a sound saying I don't like what she's doing.

"Naaasiwa ako d'yan. Ayaw!" sabi ko nang tuluyan ko nang nalunok yung nginunguya kong manok.

She glared at me. "Then leave."

Nanlaki ang mata ko roon. Ang pikunin naman nito. Ayoko lang naman 'yon kasi pakiramdam ko tuwing nilalabas niya yung videocam niya na 'yon, aalis talaga siya. Hindi ko kayang isipin na aalis siya. Hindi siya aalis. Akin lang siya. Magkakasama lang kami hanggang grumaduate siya.

Pero sa huli, hinayaan ko nalang din siya sa gusto niya. May inaayos kaming pagsasama. At iyon ang importante sa ngayon.

"Joke lang! Ito naman. Eh 'di mag-video ka d'yan."

The next days were the same. Ginugulat ko lang siya sa balikat niya. Minsan naman ay kinikiliti ko siya kung sa'n ko man siya makita. Nagnanakaw din ako ng mga halik sa kanya paminsan-minsan.

It was sweet and heartbreaking at the same time. Kasi kita sa mga mata namin ang pagod at paghihirap at yung effort na ayusin kung ano pa man ang natitira sa kung ano man ang mayroon sa amin.

Ilang classes na ang na-cut ko para lang sumakto ako sa break niya. Yung ibang prof ko din ay nagbigay na ang ng final warning sa akin sa absences ko. Pagod at puyat na rin ako sa pag-catch up ng requirements. Umiinom nalang ako ng Biogesic kapag pakiramdam ko lalagnatin na ako.

We're trying... trying really hard for this.

"Ate!" bati ko sa kanya nang natagpuan ko siyang muling mag-isa sa cafeteria.

"Ouch!"

Napayuko si Rainy habang hawak-hawak niya ang kanyang balikat na tinapik ko. Hindi naman malakas ang pagkakatapik ko pero parang sobra siyang nasaktan.

Akala ko ay nagjo-joke lang siya nung una pero nang napansin kong medyo may kinang yung mata niya at parang namimilipit siya ay kinabahan na ako.

"Anong nangyari, Rainy?" nag-aalala kong tanong.

"Wala. Wala," she said in pain. Hawak-hawak pa rin niya ang balikat niya.

"Rainy." Titignan ko sana yung hinahawakan niya pero pinigilan niya ako.

"Please, Viel, no," pakiusap niya.

"Ano bang nangyari? Nahulog ka ba? Nasugat? Binully? Dadalhin kita sa infirmary!"

Iiling pa sana siya para mag-deny pero hinila ko na ang upuan niya papalapit sa akin. Pinilit pa niyang itago sa anggulo ng uniform niya pero nakita ko na agad na mayroon siyang sobrang laking pasa.

Pasa na naman.

Pota. Ano bang nangyayari?

"That's just n-nothing," she said, still in pain. "Training lang sa volleyball. Napag-initan ni coach."

I scoffed at that reasoning. "Stop it with your lies, Rainy. Just once. Ano bang nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba?"

"Wala!" mabilis niyang sagot.

"Then tell me! Para naman alam ko kung paano ako makakatulong. Tell me or dadalihin kita ngayon din sa clinic."

Hindi man lang niya ako masagot ng maayos kasi nasasaktan pa rin siya sa simpleng pagtapik ko na 'yon. Halatang-halata na bago lang yung pasa niyang 'yon. Wala 'yon kahapon at mga nakaraang linggo kasi lagi ko naman siyang tinatapik noon at wala naman siyang reklamo.

Imposible ring namang training sa volleyball practice 'yon. Kadalasan ng pasa sa training ay sa binti. Bibihira lang ang sa balikat. At simula nung nalaman ko na wala pala siyang kaibigan, pinilit ko talaga siyang samahan sa araw araw niya sa school kahit nahihirapan ako. Kaya alam kong wala siyang pinuntahan na kahit isang training.

"Bubuhatin na kita papunta sa clinic," sabi ko. "Kailangang matignan 'yan."

"No, Viel. I'm fine. It must've just been the sensitive part of the bruise. May class na pala ako. I have to go," palusot pa niya.

Kahit hirap siyang ayusin yung mga gamit niya na nagkalat sa mesa ng cafeteria, pinilit pa rin niya. She awkwardly smiled at me before she left me there.

Sinundan ko pa siya pero nang nakitang pumasok nga siya sa kanyang classroom, ay hindi ko na muna siya inabala. Instead, I went to Valderama Med to talk to her mom about it. Kahit may duty is Nurse Ariela ay pinuntahan ko pa rin siya.

Tatlong klase yata ang magda-drop out na sa akin kapag hindi ako pumasok ngayon pero wala na akong pakialam. Pwede ko namang i-summer class 'yon para makasabay pa din ako sa block namin sa susunod na taon.

Busy ang ospital pagpasok ko sa loob at busy din ang nurse station kung nasaan nakatoka si Nurse Ariela, pero hindi 'yon naging dahilan para hindi ko siya puntahan. Anak niya si Rainy at nurse siya. Kailangan niyang malaman ang pinagdadaanan nito nang maagapan kung ano man 'yon.

"Nurse!"

Nagulat siya at tinuro pa ang sarili sa pagtataka kung siya nga ba ang hinahanap ko. Tumango naman ako.

"Sir Viel, bakit kayo napadaan dito? Si Rainy, mamaya pa siya pupunta. May klase pa siya, hanggang alas dos pa yata siya roon sa school."

"Kayo po ang sadya ko," simula ko. "May malaki kong iniindang pasa si Rainy sa kanyang balikat banda. May sakit po ba ang anak niyo? Nahulog po ba siya kagabi? At saka... hindi ko lang nasasabi sa inyo pero medyo may katagalan ko na ring napapansin iyon sa kanya... napa-check up niyo na ba siya?"

Napa-awang ang bibig ni Nurse Ariela at napa-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata para sa anak niya.

Naglakad papalapit sa akin si Nurse Ariela at dinala niya ako sa may gilid kung saan wala masyadong nagtra-trabahong mga nurse.

"Sir Viel, ayos lang si Rainy."

Mabilis akong umiling. "Hindi po siya maayos. Hirap po siya kanina. Masakit po at napakalaki—"

"Sir, pasensya na ho, alam kong anak po kayo ng boss ko pero anak ko po kasi si Rainy. Alam ko po ang nakabubuti at hindi para sa kanya. Alam ko rin ang mga nangyayari sa health niya dahil head nurse ako."

Napatigil ako sa biglang pagputol niya sa akin. Umiwas naman ulit siya ng tingin bago nagsalita. "Ayoko po sanang makialam pa kayo ulit pagdating kay Rainy."

Ako naman ngayon ang napa-awang ang labi sa huli niyang sinabi.

Napalunok ako doon pero mabagal pa rin akong tumango sa kanya. After all, she's right. She's still the mom and I need to honor her that title.

"Sige po," sabi ko nalang.

"Mauna na ho ako sir," sabi niya bago siya bumalik sa kanyang duty.

Hindi ko alam kung bakit parang sa sandaling iyon, naramdaman kong parang si Mama ang turing ni Nurse Ariela kay Rainy. Yung tipong wala siyang pakialam sa anak niya. Yung tipong tinitiis niya ang kanyang anak para sa sarili niyang kagustuhan. Hindi ko sigurado pero ganoon mismo ang nararamdaman ko sa tono ng pananalita ni Nurse Ariela kanina sa akin.

Mabagal akong naglakad palayo sa station ni Nurse Ariela hanggang na natagpuan ko nalang muli ang aking sarili sa lumang morge kung saan ako tumatambay noong bata pa ako. Ang tagal kong hindi na dumalaw dito kasi ang akala ko ay masaya na ako sa buhay ko. Pero hindi pala. Babalik at babalik din pala ako dito. Tangina.

Umupo ako sa maduming sahig at isinandal ang sarili ko sa pader, nakatitig lang sa kawalan at hindi na alam ang gagawin. Pinikit ko ang mata ko para makapagpahinga pero mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.

Napapikit lang ako at paulit-ulit na malalalim na hininga lang ang aking pinakakawalan hanggang sa may bumukas ng pintuan.

Yapak palang niya ay alam ko agad kung sino 'yon. Naamoy ko agad ang usual na pabango ni Rainy nang umupo siya sa tabi ko.

"You told mom..." mahina niyang simula. May basag sa kanyang boses.

"Nag-aalala lang kasi ako," sagot ko habang nakapikit pa rin. Ayoko kasi siyang makitang nasasaktan. Hindi ko alam kung paanong nakakayanan ng nanay niya 'yon. Ayokong may iniinda si Rainy. Ayokong makita. Kung pupwedeng sa akin nalang mapunta ay kukunin ko agad 'yong sakit sa kanya.

"Anong sinabi niya sa 'yo?" she asked now.

"Huwag daw akong makialam."

I heard her sigh really hard before she started sniffing.

"Viel, I don't want you in this room. I don't want you to be reminded of your childhood."

"Hindi ko ba talagang pwedeng malaman?" tanong ko. Binuksan ko na ang aking mata at pilit na tinignan siya.

"Aalis ka pa rin ba?" tanong ko pa. "Kung sabihin kong araw-araw akong maglalagi dito kapag umalis ka, aalis ka pa rin ba?"

She looked down. "Viel, please."

Mapait akong natawa. "I see. You're really decided, huh?"

She started tearing up. Pinupunasan niya yung luha niya pero ayaw tumigil. Hindi nagdadala ng panyo si Rainy kaya binigay ko nalang yung akin tulad nang lagi ko namang ginagawa. Tinanggap niya 'yon at pinunas sa kanyang luha bago humarap muli sa akin.

"Viel, listen. Alam kong marami akong tinatago sa 'yo. At may tinatago ka rin sa akin. A-Alam kong ginagawa natin 'to pareho para sa isa't-isa. Pero yung pag-alis, Viel, yung pagnu-nurse—maniwala ka naman na gusto ko talaga 'yon. Kasi 'yon ang totoo. Gustung-gusto ko ang propesyon. Gustung-gusto kong magkasariling pangalan sa larangang iyon—"

"At yung mga ibang hindi ko sinasabi sa 'yo, 'wag ka nang mag-alala. Matatapos din 'yon. Kaya na namin 'yon ni Mama. Kaya ko na 'yon."

Sasagot pa sana ako pero tumatawag na ang nanay ni Rainy sa kanya. Sinagot niya 'yon sa harap ko kaya narinig kong pinauwi na siya. It also sounded urgent.

Imbis na makipagtalo pa ako kay Rainy ay hindi nalang ako nagsalita. Nag-offer ako na ihatid siya kasi may pasa pa siya pero hindi niya tinanggap. Mabilis siyang tumakbo papalayo habang ako naman ay ilang oras pang nanatili sa morge bago ako tuluyang umalis na rin.

Sa sumunod na araw ay may meeting ulit kami ni Ash tungkol doon sa plano sa aming negosyo.

Pumunta pa rin ako kahit pagod na ako kasi kailangan. Ayoko rin namang isipin ni Ash na hindi ako seryoso dito. Pero mukhang napansin pa rin niya yung pagbabago sa mood ko.

"Just talk to her, bro. We can re-schedule this meeting," si Ash.

"Hindi na, Abo. Pagkatapos nalang."

Ash threw me a worried look, pero hindi naman niya ako pinilit pa. "Okay," he just said.

The following week, I was jumping in joy when Rainy announced that her flight will be delayed until she graduates. Sinabihan pala siya ng Zulekha hospital na sa employment na siya kukunin at hindi na internship para daw hindi na siya bumalik pa sa Pilipinas para lang grumaduate.

Ang buong akala ko ay magiging sapat na yung dalawa pang taon na kasama ko siya. Akala ko ay magiging sapat 'yun para mas pilitin ko pa siya na tumaliwas sa desisyon niya.

Pero traydor ang panahon. Sobrang bilis lang lumipas at sa huli, dumating pa rin kami sa punto na malapit na ang kanyang alis. After all, we kinda just prolonged the agony.

Rainy's last year before she leaves was really, really, exhausting for the two of us. We did try our best to have a great friendship and a relationship but sometimes, 'trying' just couldn't make the cut.

Minsan pinakikiusapan ko pa rin siyang 'wag nang umalis. Pero tuwing nakikita ko sa mga mata niya yung pagiging desidido niya, unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Sumabay pa yung sobrang pakalat na ng pakalat sa media yung nalalapit naming pagpapakasal ni Felicity.

Tapos yung mga acads ko pa sa third year, sobrang tagilid na. Pumasok na rin yung mga internship applications namin. Sinubukan na rin namin ni Ash na magbukas ng isang branch ng Kop Kun Cup sa Taguig.

Lumipas nalang yung panahon na parang wala nang naging tama na nangyayari.

Tuwing magkikita kami, pinipilit nalang naming maging masaya kahit alam naman namin na nagbubulag-bulagan lang kami.

We're just making most of the time left for us. And she still keeps on recording videos every now and then.

"Ang galing niyo! Sobrang lakas ng bubble tea branch niyo sa Taguig," si Rainy. Nasa nursing cafeteria ulit kami ngayon, sa sulok kung saan wala masyadong tao at medyo madilim. Magkatabi kami habang kumakain ng bagnet.

Sa nakaraang dalawang taon, ito na yung naging pinaka-meet up place namin.

Medyo malaki ang kanyang eyebags lately. Sobrang laki din ang nabawas sa kanyang timbang. I think I mirrored the same physical attributes. Ganoon kami kapagod. 

Sa lumipas na dalawang taon ay sinasamahan ko siya laging kumain dito. Hindi na ako sumasama sa Vengeance dahil marami naman sila roon. Halos hindi na rin ako nakakapaglaro kasama nila kasi tinatapos ko lahat ng na-miss kong school works sa mga klaseng cinut ko para kay Rainy.

"Kaya nga 'wag ka nang umalis. Hindi mo na kailangan. Yayaman na tayo dito," pahaging ko.

She glared at me. "Didn't we talk about not mentioning that one anymore?"

I shrugged. "Wala lang. Baka kasi nagbabago na pala isip mo. Kasi medyo successful na kami ni Abo. Mag-o-open din kasi kami ng second branch niyan dito mismo sa Eastville. Or baka sa LIAM."

"I'm so proud of you."

Napatingin ako ng matagal sa kanya dahil sa sinabi niyang 'yon. No one has ever said that to me. Not even my parents.

I was stunned for a moment.

Ganito pala yung pakiramdam na marinig 'yon?

"Thank you. Means a lot," I said. I bit the insides of the mouth to stop being emotional.

She gave me a quick smile before she looked straight into my eyes. It was like she was memorizing my facial features. 

Matagal kaming nagkatinginan bago ko ikinawit ang baba niya papalapit sa akin pata bigyan siya ng isang malambot na halik.

She responded to my kiss but as the time gets shorter for the two of us, our kisses becomes more and more painful.

"I'm leaving soon," bulong niya pagkatapos.

I gave her one deep keep again before I left our foreheads touching. "You're not."

Hinawakan niya ang mga pisngi ko. "Viel, I am."

Naiiyak na naman siya. Sobrang nakakabanas na ganito na naman yung usapan namin. Hindi na natapos 'to. Lagi nalang tungkol sa pag-alis. Tungkol sa paglayo. Lagi nalang. Ang hirap hirap nang indahin ang lahat ng ito. Minsan, ang hirap lang magpanggap at magsinungaling sa sarili ko na kaya ko 'to.

Pero tulad ng dati, sinusubukan ko pa rin.

"Rainy, I promise I will become even more successful. Magpapaturo ako kay Chase because he's into stocks and cryptocurrency. I will also invest in REITs. Give me a year and I'm sure I will be ready to pay for your Med school. I will open more and more branches of our shop too—"

Tinakpan niya ang aking bibig para patgilin ako sa mga sinasabi ko. She was already crying non-stop but she still tried to response to me.

"I-I'm already very proud of you, Viel. I already said it and I will say it again and again. B-But I am not proud of myself yet... and for that very reason, I'll still would like to go. Viel, please, ibalato mo na sa akin 'to."

Napatakip ako sa mata ko dahil pakiramdam ko nanlalabo na rin ang tingin ko. Inalis ko na rin yung kamay niya sa bibig ko.

"Paano yung relasyon natin?" hirap na hirap kong tanong sa kanya.

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya habang nagsasalita. "You're in a relationship with Felicity... not me."

"Rainy!"

Umiling siya. "Mahirap ang mga kalaban natin sa ngayon, Viel."

"Pero may plano naman kasi ako! Bakit ba hindi mo ako mapagtiwalaan? Sinasabi mong proud ka sa akin pero bakit naman iiwan mo ako? Kaya naman natin, e! Kaya ko naman! Just please fcking give me a chance!"

"Rainy naman... please, you are all I have..." I begged.

"That's not true. You have the world, Viel. You have friends... At k-kahit aalis ako, you'll always have me. I promise you that."

Magsasalita pa sana ako para sumagot pero bigla niya akong hinalikan. She kissed me. But this time, it didn't feel right. It felt like it was the last. And I hate to think about that.

"I don't like your kisses if that means goodbye," I whispered.

"Viel, I'm am going to leave. I'm sorry."

"Hindi ako papayag," sagot ko. I know I was already getting stubborn. But hell I care. Hanggang sa kahuli-hulihan, ipipilit ko pa rin ang gusto ko. Kahit mahirap na at kahit wala na yatang pag-asa na matupad pa.

Hindi na niya ako sinagot. Pinunasan nalang niya ang kanyang luha at nag-ayos na naman ng gamit niya. Nag-ring na rin yung bell hudyat na tapos na ang lunch time. She was already standing up and carrying her things when she looked at me for the last time.

"Viel. Try to have a dream. Something big. Something that you really want to experience. Mangarap ka, Viel. At kapag nalaman mo yung pangarap mo, maiintindihan mo ang desisyon ko," huli niyang sinabi bago naglakad palayo.

Natawa ako ng pabalang habang tinitignan ang paglalakad niya palayo sa akin. Bakit ganoon? Parang ang dali lang sa kanya na mag-advise sa buhay ko? Ang dali lang rin sa kanya na sabihin yung dapat kong gawin. At talaga, wala akong pangarap? Hindi ba niya nakikita ang mga sakripisyo ko para sa pangarap ko?

"Ikaw kasi ang pangarap ko..." bulong ko sa sarili.

.

.

.

© mharizt

Continue Reading

You'll Also Like

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
954K 32.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
454K 17.3K 48
Isa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makap...
42.9K 1.8K 11
Insecure si Cola dahil sa family nila, siya lang ang walang "gift" o sixth sense. Pero one night, may nakita siyang guwapong multo na nagpakilala as...