Slendrina's Dark SECRET

By MiD_Kn1GHT

1.7K 334 16

A simple girl who loves to read, found a mysterious diary. A diary that contains a lot of secrets. Secrets th... More

Panimula
Parte Uno
Parte Dos
Parte Tres
Parte Cuatro
Parte Cinco
Parte Siete
Parte Otso
Parte Nueve
Parte Diez

Parte Seis

85 26 0
By MiD_Kn1GHT

༒In the CELLAR༒

Mr.Guzzman's POV

"Hah. Hah.hah" hingal na hingal ako dahil sa kakatakbo. Hindi parin ako makapaniwala na napatay ko siya. I'm so sorry Ted

[FLASHBACK]

"Pare" sobrang lamig ng boses niya. Sana hindi siya impostor. Sana Joke lang ang lahat. Kinuha ko ang aking baril at naghanda sa mangyayari.

"Pare..." Ramdam ko ang pag hawak niya sa aking likoran.

"Pare..IT'S A PRA---"

Hindi ko na siya pinatapos kaya Lumingon ako at binaril siya.
"Bang!"
D-Dugo?! May dugo na lumabas sa kanyang nuo! Ibig sabihin, hindi siya shape shifter!

"T-Ted! Gumising ka Ted!!! Gumising kaaaaa!" Napaiyak ako habang hinahawakan ang walang buhay niyang bangkay. Tinignan ko ang brief niya. Baliktad ito! Si Ted nga ito! Bakit ba kasi nagawa niyang magbiro ng ganito! Ang sakit mawalan ng kaibigan! Dalawa na kayong nawala sa akin! Una si kumpare, sunod ay ikaw!

Halos isang minuto rin akong nakatunganga sa harapan ng bangkay niya. Naalala ko si Reina at yung mga kasama nya. Kailangan ko silang iligtas. Tinabi ko ang bangkay niya para hindi masagasaan. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ngunit ayaw magstart!
"Damn! Wrong timing naman to!" Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang inis.

[END OF FLASHBACK]

Napagdesisyonan ko na tumakbo nalang dahil sayang ang oras. Wala na akong oras para magluksa! Kailangan kong iligtas si Reina at yung iba! Masydong matarik ang daanan kaya medyo hinihingal ako.

Reina's POV

Nandito kami ngayon sa Cellar. Cellar kasi ang tawag sa imbakan ng alak. Isa lang ang daanan ngunit may mga kwarto. Isa-isa naming titignan ang kwarto baka sakaling makahanap kamj ng clue paano maka alis dito. Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Sana ok lang siya. Huminto kami sa harap ng pinto nga unang kwarto.

Binuksan ko ang pinto..Hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa loob ng kwarto na ito. Pagbukas ko ay bumungad sa amin ang maalikabok na lalagyan ng Wine. May mga bote pa ng alak. Sa pinakadulo ay may cabinet. Madilim ang kwarto at isang ilaw nalang ang mayroon kami. Sinara namin ang pinto, pagkatapos ay Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa cabinet.

Mayamaya ay may narinig kaming mga yapak mula sa labas ng pinto. Rinig na rinig ko rin ang pagkuskos ng metal niyang palakol sa sahig na para bang hinihila niya ito.

"Yepeeey!"

"Shhh. Wag tayong gumawa ng tunog" bulong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating na ako sa cabinet ay binuksan ko ito. Wala namang laman kundi ang isang susi. Puro alikabok lang.May mesa din sa gilid at may nakapatong na bote dito. Hindi ito napansin ni Marky dahil nakatalikod siya rito.Babalik na sana kami sa pinto nang matumba ang bote.

Nagulat si Marky dahil hindi niya naman ito ginalaw. Minumulto na naman kami!
"Yepeeeey!" Sigaw ni Granny mula sa labas.
"Naku patay!" Sigaw ni Klein.

"Tsack! Tsack!" Hinampas na naman niya ang pinto gamit ang kanyang palakol.
"Yepeeey!" Isip! Mag isip ka Reina! Ayaw kong may mawala pa sa mga kaibigan ko!
"Takbo papunta sa may gilid ng pinto" bulong ko sa kanila.
"are you crazy?!" Iritang tanong ni Klein.
"Just trust me!" Pinatay ko ang flashlight at dinampot ang isang bote. Pagkatapos ay nagtago kami sa gilid ng pinto. Masyadong delikado ang posisyon namin pero ito nalang ang naiisip kong paraan.

Baka upo kami sa gilid ng pinto habang winawasak ni Granny ang pintuan. Isang hampas nalang at sigurado akong mawawasak na ito
"Bogssh!" Nawasak ang pinto at pumasok siya. Dala dala ang kanyang palakol na puno ng dugo. Wala siyang makita kaya kinakapa niya ang nasa loob. Matalas din pala ang pang amoy niya.

Lumingon siya sa amin habang inaamoy kami. Dali-dali kong itinapon ang bote sa gitnang bahagi ng kwarto. Nabaling ang kanyang atensyon at naglakad papunta sa gitna.
"Yepeeeey!" Sigaw niya habang hinahampas ang mga sahig at upoan.

"Bilis!" Bulong ko sa kanila at mabilis kaming lumabas ng kwarto. Patakbo kaming lumayo sa kwarto. Maya-maya ay may sumigaw mula sa likuran namin..
"Wraaaaaaahg!!" Lilingon sana ako nang pigilan ako ni Klein. Wag kang lilingon. Binuksan ko ang flashlight at tumakbo kami ng napakabilis. Lumiko kami sa isang daanan. Pagliko namin ay may nakita kaming kwarto ngunit ayaw mabuksan.
"Gamitin nyo ang susi!"

"Wraaaaagh!" Papalapit na siya! Buti nalang ay nabuksan na ang pinto at dali dali namin itong isinara. Nakahinga kami ng malamim at napasandal ako sa ding ding dahil sa pagod. Nilibot ko ang liwanag ng flashlight sa buong kwarto. May isang malaki na kama at isang litrato. Ang kama ay may mantsa ng dugo. May mga parte ng kama na mukhang pinunit.

"Ok lang kayo?" Tanong ni Marky.
"Tignan nyo ito guys"Tanong ni Klein habang nakatingin sa litrato. Ano kaya ang tinutukoy niya? Lumapit ako kay Klein.

Nagulat ako sa nakita kong litrato!
"Kamukha niya  yung matandang naghahabol sa atin?!" Tumango si Klein. Lumapit narin si Marky. Nanlaki ang aming mga mata dahil sa aming nakita. Magkamukha sila! I-Ibig sabihin, may isa pang nakatira dito?

"Eyyyyyykkkk" Isang tunog mula sa aparador sa aming likoran ang nagpanginig sa amin. Ibig sabihin, may nakatira sa kwartong ito! Ramdam namin na papalapit na siya. Nanginginig ang mga tuhod ko. Mayamaya ay may humawak sa aking balikat.

"Rein?"

"Aaaaaaaaaahg!" Napasigaw ako sabay hablot ng painting at hinampas ko ito ng napakalakas sa kanya.

"A-Aray naman!" Boses lalaki. Itinutok ko ang flashlight sa kanya.
"Ericson!?" Bigla akong sumaya. Iwan ko ba bakit ako naging masaya bigla. Hindi ko napansin na ngumingiti ako. Tinulongan siya ni Marky para makatayo.
"Good to see you Bro" nag high five sila ni Marky.

"Wait! B-Baka Impostor ka! Lumayo kayo dyan!" Napakunot ang nuo ni Ericson sa sinabi ko.
"Impostor mo mukha mo! Hindi ka kikiligin ng ganyan kung impostor ako. "Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ako? Kinilig? Halata pala.hehe

"Wala nang makakakopya sa kapogian namin!" Pagmamayabang ni Marky.

"Tumugil kana nga Mark! Hindi ka pogi!"Sigaw ni Klein. Natawa nalang kami dahil Complete na ulit ang Grupo. Tumingin ako sa larawan. Sa likod nito ay may nakadikit na isang pahina. Kinuha ko ito.
"Guys. Tignan niyo. Ang nawawalang pahina!" Binasa namin ito

[NARRATOR in Book]

Umalis sina Angeliene at Semon sa lugar na yon. Hindi sinabi ni Semon ang tungkol sa sumpa kay Angeliene dahil ayaw niyang magtanim ng galit si Angeliene sa Ina. Nilakbay nila ang kagubatan palayo sa Mansion ni Granny. Bumaba sila ng bundok at namuhay sa kabihasnan. Namuhay sila bilang mga normal na tao. Noon ay konti palang ang tao sa lugar nila pero masaya ang kanilang pamumuhay.

"Mahal na mahal kita Angeliene" bulong ni Semon na may pagnanasa. Napakagat si Angeliene sa labi habang hinahayaan si Semon na gawin ang gusto niya.

Kinaumagahan ay nagising sila sa huni ng mga ibon. Binuksan nila ng bintana ng muting kubo at nagyakapan sa harap ng masayahing araw. Habang si Granny. Ay sigaw ng sigaw at tinatawag ang pangalan ni Angeliene.

"Angeliene! Bumalik kaaaa!" Umalingawngaw sa buong gubat ang sigaw ni Granny. Ang mga ibon ay nagsiliparan dahil sa nakakatakot na sigaw.
Isang araw, nagpasya si Granny na bumaba ng bundok daladala ang isang palakol na sobrang kintab. Nagbabakasakali na makita si Angeliene. Tinahak niya ang matarik na bundok. Napansin niya na may sumusunod sa kanya na isang maitim na ibon. Ang hindi alam ni Granny ay sinubaybayan siya ni Karasu.

Sa likod ng malaking bato, sa harap ng kanilang kubo ay nakatago si Granny nagmamasid. Hindi makapapaniwala si Granny na kaya siyang ipagpalit ni Angeliene para sa lalaking yun. Ano ang pagkukulang niya kay Angeliene?

Nalungkot si Granny sa kanyang nakita. Gusto niyang patayin si Semon ngunit Malaki na rin ang tiyan ni Angeliene at ayaw niyang masaktan pinakamamahal na anak.

Naghintay siya ng tamang pagkakataon. Pabalik balik siya sa bahay ni Angeliene. Hanggang sa isang gabi,. Maulan ang gabi at sobrang mahangin. Kasabay ng ulan ay ang sigaw ni Angeliene. Lalabas na sa kanyang sinapupunan ang bata.

Tarantang lumabas si Semon sa bahay at kukuha sana ng tubig sa balon. Ngunit bago paman niya marating ang balon ay hinampas siya ni Granny. Nawalan siya ng malay. Pagkatapos niyang matumba ay binuhat ni Granny ang katawan ni Semon papunta sa Mansion. hinampas ni Granny ng paulit ulit ang kanyang katawan gamit ang matulis na palakol. Pagkatapos ay inilibing niya ito sa kanyang bakuran.

Kinabukasan, nagising si Angeliene ng may galak sa mukha. Kasama niya ay ang isang komadrona na daladala ang bata.

"Uhaaa. Uhaaa" napangisi si Angeliene dahil sa iyak ng bata.

"Babae ang anak mo Angeliene"pangiting sabi ng komadrona

"Asan po si Semon?"

"Umalis siya kagabi para kumuha ng tubig ngunit hindi na siya bumalik" Umalis ang komadrona dahil may gagawin pa siya.

Gustong umiyak ni Angeliene ngunit may tiwala siya kay Semon. Babalik din yun at maghihintay siya. Ilang linggo ang lumipas ngunit walang Semon na bumalik. Nawasak ang puso ni Angeliene. Lagi siyang umiiyak. Iyak siya ng iyak hanggang sa nagpakita ulit si Granny.

"Anak, bumalik kana. Miss kana ni Granny" Umiiyak siya habang hawak ang kanyang anak. Niyakap niya ang matagal ng hindi nakikita na ina. Nagyakapan ang mag ina. Hindi alam ni Angeliene kung nasaan si Semon pero alam ni Granny. Pinangalan nila ang bata na Slendrina.

Bumalik sila ng Mansion kasama si  Slendrina. Naging masayahin ulit si Angeliene sa piling ni Granny pinalaki nilang masayahin at magandang bata si Slendrina. Minsan ay tumatawa ito sa may sulok habang naglalaro mag isa.

"Dada" lagi niyang bigkas tuwing naglalaro siya sa bakuran kung saan inilibing ni Granny si Semon. Paborito niya ang lugar na yun. Hanggang sa nagdalaga siya ay pborito parin niya ang lugar na iyon.

Slendrina's POV

Isang araw, habang naglalaro ako sa bakuran ay napansin ko ang isang pinto na nakadapa sa lupa. 17 years old na ako kaya pwede na siguro akong makialam sa mga kung anong bagay dito. Lumapit ako sa pinto na natabunan ng lupa at parang pinaglipasan ng panahon. Inangat ko ito gamit ang isang daang porsiyento ng lakas ko.

"Aaahhg" nabuksan ko ito. Pumasok ako sa loob ng pinto. Pababa ito papunta sa ilalim ng lupa. Maliwanag ito dahil sa mga inilagay na kandila. Pagbaba ko ay nakita ko ang napakalawak na daanan. Binaybay ko it. Gawa sa bato ang mga dingding at mga kahoy ang pundasyon nito. Masasabi kong matibay ang lugar.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang pinto. Kinatok ko ito. Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mama.

"Anak, ano ginagawa mo dito?"

"Hinahanap kayo. Bakit kayo nandito?"

"Dito na ang bago kong kwarto. Maganda ba? Marami kasing daga doon sa itaas" pumasok ako sa loob. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa ganda ng kwarto. May pulang carpet at puti ang bedsheet ng kama. May litrato ni Mama sa loob.

[NARRATOR in the Book]
namuhay sila ng Normal hanggang sa...

Reina's POV

"Hanggang sa ano!" Binaliktad ko ang pahina ngunit wala ng nakasulat..
"Wala ng ibang nakasulat" Nanlumo sila sa sinabi ko. Paano namin maliligtas si Jessica kung ito lang impormasyon meron kami!

"So hindi natin siya maliligtas?"

"Oo Marky, hindi natin alam kung sino ang huling nagtataglay ng sumpa"

"Pero Meron tayong daanan paano maka alis dito diba?"

"Aber, paano naman tayo tatakas Ericson?" Tanong ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Nagbabasa kaba? Diba sabi sa pahina na yan na may isa pang daanan papunta sa bakuran?" Oo nga no? Bakit hindi ko napansin yun. Napahiya tuloy ako. Napansin ko na tahimik na ang paligid. Umalis na kaya sila?

Roke's POV

"Aaaaaaaaahg!" Nandito kami ngayon sa 2nd Floor. Sa malawak nadining Area. Kasama ko si Angela. Patay na yung iba dahil nahuli sila ng lalaki na may mahabang binti! Ang haba ng binti niya! Punit punit ang kanyang mga damit. Sino naman tong lalaki na ito! Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa makakita kami ng isang maliit na butas. Kasya kami dito. Ako ang naunang pumasok. Sumunod si Angela ngunit nahila parin siya ng lalaki.

"Rokeee! Tulonggg!"

"Tulong ka dyan! Hmmp! Crushback muna bago tulong!"

"D bale ng mamatay! Kesa makasama ka! Patayin nyo na akooo!" Che! Crushback lang, ang damot damot pa! Nagpatuloy ako sa paggapang sa madilim na butas. Saan na naman kaya ako dadalhin nito? Di bale na. Kailangan kong makaligtas dito.
Gapang lang Roke!
Masaya akong gumagapang hanggang sa...

"Aaaaaaah!" bigla akong mahulog! Holy shit! Hindi ko namalayan na butas pala yun! Napasok ako sa maling butas.
"Bogshhh!"

Reina's POV

Nag uusap kami nang may biglang sumigaw mula sa itaas.
"Aaaahg"
Kinabahan na kami. Baka kung anong nilalang na naman yun.
"Bogssh!" Nagsilaparan ang mga alikabok dahil may bumagsak na kung ano mula sa itaas. Napasandal kami sa may pinto at kinakabahan.
"A-Ano na namang nilalang yan!" Sigaw ni Marky habang nanginginig.
Tumayo ito. Sobrang itim ng kanyang katawan at tanging mata lang niya ang nakikita.

"Aaaaaaahhhhg!"

Continue Reading

You'll Also Like

163K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
2.3K 229 34
Sa bawat gabing bukas ang mga mata, sa mga paghikbing walang nakakakita, sa bawat unang nalunod at nabasa, at sa mga pag-ibig na hindi itinadhana. ...
211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...