Slendrina's Dark SECRET

By MiD_Kn1GHT

1.7K 334 16

A simple girl who loves to read, found a mysterious diary. A diary that contains a lot of secrets. Secrets th... More

Panimula
Parte Uno
Parte Dos
Parte Tres
Parte Cuatro
Parte Seis
Parte Siete
Parte Otso
Parte Nueve
Parte Diez

Parte Cinco

88 28 0
By MiD_Kn1GHT

༒Inside the Mansion༒

Mr.Guzzman's POV

Nandito na kami sa office. Nagtimpla muna ako ng kape para kumalma ang isip ko. Hindi parin kasi ako makapaniwala sa kwento ni Mang Erny. I mean, how come na totoo ang mga sumpa sumpa na yan.

"Tignan mo to!"
Dali dali akong naglakad papunta kay Ted ,at tinignan ang footage ng CCTV sa school.
"Weird right?" Tanong niya.
"Bakit mo nasabi?" Pagtataka kong tanong.
"Look closely,(he zoomed the video) wala namang tao sa loob ng bus. Walang driver yung bus pero nagsitakbuhan ang mga bata. Pagkatapos ay umandar ito? "

Biglang tumayo ang mga balahibo ko.
"Zoom out mo nga. May napansin ako" pagkatapos niyang mazoom out ay nanlaki ang mga mata namin. Isang babae ang nakadapa sa itaas ng Bus! Mayamaya ay bigla itong nawala! Binalik namin ang footage kung saan nandoon ang babae ngunit wala na ito! Impossible namang mabura kaagad! CCTV to eh! Binalik namin ulit sa mismong minutes ng video ngunit wala na talaga ang babae! Namutla si Ted habag nakatingin sa akin.

"Kringgg  Kringgg" May biglang tumawag sa telepono.
"Hello,this is Mr. Guzzman speaking, how can I help you?"
"Mamatay na silaaaaa" isang mahinang tinig ang nagmula sa kabilang tainga.
"S-Sino ka?!"
Walang sumagot. Binaba ko na ang telepono at bumalik sa CCTV footage.
"Hays. It's just a prank call"

Mayamaya ay tumunog na ulit ang telepono. Sino na naman kaya to!
"Hello! We don't have time for your childish pra--"

"Nawawala si Reina! Tulongan mo akong hanapin siya" nanay ni Reina pala. Ang asawa ni pare..umiiyak siya.
"Ted, may pupuntahan tayo!"

Reina's POV

"Si Slendrina"
isang tinig mula sa madilim na sulok ang aming narinig. Itinutok ko ang flashlight. Napanganga kami sa gulat! Si Jessica pala ang nagsalita. Pero bakit nasa malaking hawla siya!

"Jessica! Butin naman at ligtas ka" ngumiti lang siya. Sa tabi niya ay ang isang babae na nakahiga. Nakatalikod siya sa amin . Naka uniform siya ng katulad sa uniform namin. Hindi namim makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok. Sa sahig ay nagkalat ang napakaraming dugo.

"P-Paano ka napunta dyan Jessica?" Tanong ni Roke .
"Alas sais ng gabi ngunit wala pa si mama. Kaya nagpasya ako na pumara ng taxi. Habang bumabyahi kami ay napansin ko na ibang daan na ang tinatahak ng driver. Papunta ito sa gubat. Wala akong maggawa kundi ang manginig dahil sa takot. Pagdating kasi sa gubat ay nawala ang driver ngunit patuloy lang ang sasakyan sa pagtakbo. Gusto kong hilahin ang brake ngunit parang may nakahawak sa mga kamay at paa ko. Huminto lang ang sasakyan sa mansion na ito. Nagpasya ako na pumasok sa Mansion nang biglang may tumama sa ulo ko na isang matigas na bagay na naging dahilan ng pagbagsak ko" I-Ibig sabihin, nabiktima siya ng taxi na yun?!

"Pero papaano nagsimula ang lahat?!" Hindi ko napigilang magtanong. Nagsimula na siyang umiyak.

"Dahil sa diary! Binasa ko ang diary sa pinagbabawal na section ng library!" Nanlaki ang aking mata. Hindi maari! Isinumpa nga ito!
"Papakawalan ka namin!" Hinanap namin ang lock ng hawla ngunit wala ni isa! Wala ng itong pinto!
"Isang sagot mula sa katanungan ang makakapagpalaya sa akin. Alamin ninyo ang pinakatatagong sekreto ni Slendrina at Tapusin ninyo ang pinakahuling tao na may dala ng sumpa" Sekreto? Sumpa? Anong pinagsasabi niya! Paano namin gagawin yun!

"Bog! Bog! Bog!" Biglang may humampas sa pinto.
"Bakit nila kami hinahabol?" Tanong ni Roke
"Marahil ay may kinuha kayo mula sa kanila. Umalis na kayo! Wag nyong sayangin ang oras!" Anong pinagsasabi ni Jessica? Anong kinuha namin? Kinapa ko ang aking shoulder bag. May kung anong matigas rito. Isang parihaba na matigas. Ang diary?!

Tumakbo kami sa madilim na sala. May mga sofa at mga antique na gamit. Sobrang lawak naman nito.Ang buong bahay ay puno ng mga sapot.
"Dead end!"
Lumingon kami sa kaliwa.
"May pinto sa kaliwa!"Sigaw ni Ericson.
"May pinto sa kanan" sigaw ni Roke

Narinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto! Nakapasok na sila! Paano na si Jessica? Nagsitakbuhan kami papunta sa mga pinto. Nahati ang grupo sa dalawa. Nahiwalay si Roke kasama ang tatlo kong kaklasi. Alam kong hindi na kami pwedeng lumabas dahil nasa sala na silang dalawa.

"Nasaan tayo?" Bulong ni Marky.

Mayamaya ay may tumunog na piano! Itinutok ko ang flashlight sa tumutunog na piano ngunit wala namang tao na pumipindot dito.

"Ahmm guys, nasa music room tayo"  napasandal kami sa pinto dahil sa sobrang takot. Patuloy parin sa pagtunog ang piano. Nanginginig na kaming apat. Maya maya ay may biglang
"Tsak!" May biglang humampas sa pinto! At tumagos ang ulo ng palakol dito! Muntik na akong matamaan.

"Lumayo kayo sa pinto!" Sigaw ni Ericson habang hinihila ako.

"Tsack!" Humampas ulit siya. Maalapit ng masira ang pinto! Tumakbo kami palayo sa pinto. Mas nakakatakot pa yung palakol kaysa sa tumutunog na piano .

" saan kayo pupunta?" May biglang sumulpot sa harapan namin na isang babae. Nakatalikod ito sa amin at naka uniform ng kagaya sa amin
"Sino ka!".. Tanong ni Klein
"Saan kayo pupunta? Iiwan nyo na ako?" Nagsimula na siyang umiyak. Napansin ko na may mga dugo ang damit niya.Sino ba tong babae na ito? Biglang umikot ang kanyang ulo at humarap sa amin. Ang kanyang katawan ay nakatalikod parin ngunit ang kanyang ulo ay nakaharap sa amin.

"Aira!?" Si Aira pala. Nakatingin siya sa amin habang umiiyak. Ang mga luha niya ay ang kanyang sariling dugo.
"Iiwan nyo na AKO!" Bigla siyang sumigaw at padabog na naglakad papunta sa amin
"Tsack!" hinampas na naman yung pinto! Binalik ko ang tingin kay Aira. Naglabas siya ng kutsilyo na binunot niya mismo sa kanyang tiyan.
"Iiwan nyo AKOOO!?"

"Takboooo!" Nagsitakbuhan kami. Pinatay namin ang aming mga ilaw at nagtago sa mga sulok. Nagtago ako sa may malaking piano. Iwan ko lang sa mga kasama ko kung nasaan sila.

"Bogssssh!" Nabasag ang pinto! Nandito na naman siya! Ang matandang may dala ng palakol!
"Yepeeeey! Grrrr! Grrranny is Here!" Sigaw niya habang hinahampas niya ang lahat ng madaanan niya. Malawak ang music room na ito at may maraming instruments.

Naglalakad parin si Aira ng nakatalikod. Nang makita ito ni Granny ay mabilis niya itong tinalunan at hinampas ng palakol.
"Tsack!" Nahiwa ang katawan ni Aira at bigla itong naging hangin. Grabi ang lakas ng matandang yan!

"Bogssh!" Nawasak ang isang set ng Drum nang hampasin niya ito. Nanginginig na ako..baliw na ata tong matanda na to. Mayamaya ay bigla siyang nawala. Natahimik ang buong paligid. Lumingon ako sa palaigid para hanapin sila. Hindi parin ako tumayo, baka kasi nag aabang lang siya.

"Yepeeeey!" Isang sigaw mula sa aking likoran. Lumingon ako! Nakatayo siya sa aking likuran at nakahanda na sa paghampas ng palakol. Dali dali akong tumakbo para hindi niy ako matamaan. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Pumasok ako sa ilalim ng piano.

"Tsack!" Tumagos ang ulo ng palakol at ilang inches nalang ang layo nito sa ulo ko

"Reina!.dito!!" sigaw ng mga kasama ko.
"Yepeeey!" Hahambalos ulit siya! Minabuti kong tumakbo bago pa tumama ulit ang palakol. Binilisan ko ang takbo papunta sa kanila ngunit biglang tumalon si Granny sa harapan ko!.Katapusan ko naba!

Humambalos siya mula sa gilid at sasalubongin niya ako ng hampas. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Nang malapit na ako sa kanya ay nagpadulas ako sa sahig at dumaan sa gitna ng kanyang dalawang paa. Tumilapon ang kanyang palakol dahil sa lakas ng kanyang paghampas.

"Hurry Rein! "Sigaw ni Ericson habang hinahawakan ang pinto ng trap door..papunta ito sa ilalim ng sahig.

"Yepeeey! Granny will kill you!" Hinahabol niya parin ako.
"Hurrry!".sigaw ni Ericson na parang galit na. Ngunit masyadong mabilis tumakbo si Granny. Parang toro na bumubulosok. Sa tingin ko maabutan niya parin ako.

Nang makapasok na ako sa ilalim ay binulongan ako ni Ericson.
"Lock the door and don't mind me" pagkatapos ay bigla siyang binangga ni Granny na naging dahilan para tumilapon silang dalawa.
"Ericsooon!!!" Kasalanan ko to! Kung naging mabilis lang sana ako! Pabigat talaga ako sa grupo na to!
"Reina, bumaba ka dito" sigaw ni Klein mula sa ilalim. Bumaba ako at nagulat ako sa aking nakita. Isa na.nang kwarto?
"Nasaan si Ericson?" Tanong ni Marky. Hindi ako sumagot. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
"Damn! Pahamak talaga yung lalaki na yun!" Sabi ni Marky habang nakatalikod sa akin.
Lumapit si Klein at hinimas niya ang aking likod.
"Kahit na kaligtasan niya ay isinugal niya para sayo. Pwede ka namang iwan ni Ericson pero nanatili parin siya dahil gusto niyang makita ka na ligtas.

"B-Bakit pa niya kailangang gawin yun! Hindi ko naman kailangan ng tulong niya!"

"Galit kaba dahil tinulongan ka niya, o galit ka dahil wala na siy---"

"Shut up! Buhay pa si Ericson!" Alam kong buhay pa siya! Mabuhay ka para sa akin Ericson!

Mr.Guzzman's POV

"vrooooom!"
Binilisan ko ang pagmamaneho! Alam na namin kung nasaan sina Reina. Kagagaling lang namin sa bahay nila at inamin na niya ang lahat. Hindi ako makapaniwala na ganun ka tapang si Kumare. Kaya pala under si Kumpare.
"Legit ba talaga yung sinabi niya? Wala pa akong nababalitaan na bahay sa gubat na yun"

"Nakita mo naman paano tayo napunta sa 10th floor dba? Walang duda na---

"Na effective ang ginawa ko kanina? Hahaha!" Natawa nalang ako nang maalala ko ang ginawa niya. Kahit papaano ay nawala ang kaba sa aming dibdib.

"Nandito na tayo sa entrance ng gubat pare." Madilim ang buong paligid at walang sasakyan na dumadaan. Hindi pa kami nakaka akyat ng bundok kaya may signal pa dito.. Mayamaya ay biglang nag vibrate ang phone ko. Hindi ko nalang ito pinansin. At nagpatuloy kami ni Ted sa pagtahak sa madilim na gubat. Habang binabaybay namin anh gubat ay biglang naging mas malamig ang hangin. Tinignan ko ang aircon pero nakapatay naman ito. Bakit mas lalong lumamig? Baka ganito lang siguro kapag umaakyat ka sa bundok.

Ang daming liko liko dito. Mahirapan pala daanan to kapag gabi dahil masyadong curve ang daan. May posibilidad na mahulog ka. Maya maya ay may tumawag ng pangalan ko. Hindi ako lumingon kay Ted dahil ayaw kong maalis ang tingin ko sa daan.

"Tinawag mo ba ako Ted?"
"Hindi"

Sino yung tumawag. Tumingin ako sa side mirror. Pagtingin ko sa side mirror ay nagulat ako at muntik ng mabangga sa gilid ang sasakyan. Shit! Isang babae. Ang mas nakakatakot ay ulo lang niya ang lumilipad! Ulo lang ng babae. Nakangiti ito at nangingitim ang mata. Hindi ko nalang pinansin.

Mayamaya ay may humaplos sa likod ko. Isang malamig na kamay. Ang lamig!
"Ted! Bakit ang lamig ng kamay mo?"

"Hindi ako yannnnnnn !aaaaaahhg!"

Kahit nanginginig ako sa takot ay hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa pagmaneho. Ayaw kong mahulog sa maling tao! I mean sa malalim na bangin! Masydong matarik para huminto ako. Nakahawak na ito sa leeg ko.
"Pare! Pare hilahin mo!" Sigaw ko kay Ted. Hindi ko na kinaya. Naghanap ako ng medyo patag at huminto ako sa gitna ng kalsada. Nang huminto ako ay nawala ang kamay. Lumabas muna ako para umihi.

Habang umiihi ako ay tinignan ko ang aking keypad na cellphone. May isang message. Wala namang signal dito.

[Pare. Asan kana? Bakit mo ako iniwan dito sa bahay ni pare. Umihi lang ako tapos pagbalik ko ay wala kana]

Nagsitayuan ang mga balahibo ko pati bolbol nang mabasa ko ang text ni pare.K-Kaya pala panay ang vibrate ng phone ko kanina....

"Pare tara na. "Isang malamig na tinig ang narinig ko sa likoran. Binunot ko ang aking baril. Sana joke lang to! I-Ibig sabihin nalinlang ako!? H-Hindi!

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
2.2M 75.1K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
1.7K 334 11
A simple girl who loves to read, found a mysterious diary. A diary that contains a lot of secrets. Secrets that are not meant to be discovered. And c...
211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"