STS #2: Give Me More

By Missflorendo

2.2M 47K 12.8K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57

Kabanata 39

22.1K 866 269
By Missflorendo


Kabanata 39

From: Captain Alvarez

/I hope you're okay. Just call me if you need an update on the case. Take care always, Portia./

Napangiti ako pagkabasa sa reply ni Captain. Nag-text kasi ako na hindi makakapunta sa meeting at si Fyuch na ang a-attend para sa 'kin.

Pagkatapos ko sa pagsusulat ng mga script ko dumiretso agad ako sa MGC. Alam ni Daddy ang nangyari kay Kairo kaya hinayaan naman ako nitong pumunta sa kumpanya sa oras na libre ako. He's been very patient with me kaya hindi ko masyadong pinoproblema sa ngayon ang pag-aaral sa pagpapatakbo nito. Kung ano lang ang kaya kong i-handle ay 'yon lang muna ang binibigay nila sa 'kin.

"Thank you, Mr. Champ," sabi ko sa assistant ni Dad pagkabigay nito sa mga dokumentong hiningi ko. May mga ongoing projects and deals kasi ang MGC na kailangan kong pasadahan ng basa. Tangina, daig ko pa ang nagbalik eskwela sa dami kong ni-re-review araw araw. Kaya kapag napapatingin ako sa itsura ko sa salamin, napapabuntong hininga na lang ako.

Hindi na nga sapat ang 24 oras sa isang araw para sa mga trabaho ko, saan ko pa isisingit ang pag-aayos ng sarili ko doon? Genes ko na lang talaga ang nagdadala ng pagiging mukhang tao ko recently. Kung hindi lang ako natural na maganda ay baka marami nang natakot sa estado ng itsura ko ngayon.

"Natutulog ka pa ba?" singhal na tanong sa 'kin ni Dior pagdating ko sa ospital. Humila ako ng upuan at pumwesto sa tabi ng kama ni Kai. Nasa normal room na ito ngayon pero hindi pa rin nagigising.

"Nakatulog naman ako ng dalawang oras ngayon."

"Sige tuloy mo lang 'yan. Para sa susunod na araw ikaw na ang nand'yan sa kalagayan ni Kairo," pamimilosopo ni Lyra na nasa likuran ko. Silang dalawang kasi ngayon ang nagbabantay at pinauwi muna nila sina Mona at Tita Hilda. 

"How's he?" pag-iiba ko ng topic. "May sinabi ba ang doktor kung bakit hanggang ngayon wala pa ring pagbabago sa lagay niya?"

Lumapit si Dior sa tabi ko. "May mga organs siyang tinamaan ng husto kaya hindi pa nila masabi kung kelan siya gigising. They just told us... to wait."

Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa gilid ng kama at saka sinubsob ang mukha ko roon. Lalong tumitindi ang galit ko sa tanginang Pablo na 'yan sa bawat araw na lumilipas na hindi pa rin gumigising ang pinsan ko.

Miss na miss ko na si Kairo. Hindi ko na kayang pagmasdan ang kasalukuyang kalagayan nito. Sobrang nakakapanlumo. Malayong malayo sa makulit at gagong Kairo na pinsan ko.

"Alam ba ng jowa mo 'yang ginagawa mo sa sarili mo?" Narinig ko ang paglapit din ni Lyra sa kabila ko. "Kung ako si Sam baka sinapak na kita para matauhan ka at umayos."

Tinagilid ko ang mukha ko. "Rinding rindi na nga 'ko sa panenermon ni Fyuch," walang ganang sagot ko. 

Kada uuwi ako ng late nang hindi nagsasabi sa kanya, pinapagalitan ako. Tapos minsan nahuhuli niya 'ko na nagtatrabaho pa hanggang madaling araw kaya inaaway niya 'ko para lang matulog na. 

"Aba, dapat lang! Eh, mas malala pa itsura mo kaysa dito kay Kairo, eh!"

"Kaya ko pa naman."

"Ngayon kaya mo pa. Pa'no kung bukas mauna ka pang mamatay d'yan?"

"Lyra!" bulyaw ni Dior. "Dahan dahan ka naman d'yan sa bunganga mo!"

"Bakit? Totoo naman, ah? Tingin ba niya nakakatulong siya d'yan sa ginagawa niya? At palagay ba niya matutuwa si Kai kapag nagising at makitang ganyan ang itsura niya?!"

Gigil na gigil ito sa likuran ko. At tingin ko nga ay kung wala lang si Dior dito, baka kanina pa 'ko sinabunutan ni Lyra.

"Intindihin na lang natin ang isa't isa," pagod na ani Dior. "Pare-pareho naman tayong nahihirapan sa sitwasyon." She sounds so stressed.

"Hindi, Dior. Dahil pinapakita niyang si Portia na mas nahihirapan siya sa ating tatlo. Samantalang tayo, mukhang ayos lang gano'n," sarkastikong dagdag pa nito.

Gusto ko mang patulan ito pero wala na 'kong lakas para makipagsagutan. At isa pa, naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit sa 'kin. She's just too worried about me.

"Titigil lang ako kapag nasigurado ko nang mabubulok sa kulungan ang hayop na Pablo na 'yon." Marahan kong hinawakan ang kamay ni Kai at ingat na ingat na hinaplos iyon. "Bangon na, Kairo. Kahit ipaglinis at ipagluto pa kita araw araw hindi na 'ko magrereklamo basta tumayo ka lang d'yan," idinikit ko ang kamay nito sa pisngi ko.

Naramdaman ko ang dalawang kamay ng mga pinsan ko na sabay humaplos sa likod ko nang hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak.

Alam niyo 'yung pakiramdam na galit na galit ka, pero sa sobrang galit mo, maiiyak ka na lang? P*tangina. Parang gusto ko laging magwala. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ilalabas ang galit na nararamdaman ko.

Ilang beses na 'kong nagpabalik balik sa presinto para harapin ang tanginang si Pablo, pero ayaw tumanggap ng bisita ng gago. Kating kati na ang mga kamao ko na dumapo sa mukha nitong gawa yata sa bakal sa tigas!

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para kalmahin ang sarili. Hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko pala ay nakaidlip na 'ko. Paggising ko wala na 'kong mga kasama.

Napakunot noo ako nang parang may kumakalabog at nagsisigawan sa labas. Kinapa ko ang phone ko para tignan kung gaano ba 'ko katagal nakatulog, pero umawang nang malaki ang pintuan at iniluwa no'n ang taong pinaka kinasusuklaman ko sa mga oras na 'to.

Napatayo agad ako at nangangatal ang mga kamaong kumuyom. "Anong ginagawa mo ritong hayop ka?" Matalim kong tinitigan ang demonyong nakatayo ngayon sa harapan ko. 

Ang kapal naman talaga ng mukha nitong magpakita rito sa ospital! 

Lumapit sa magkabila ko sina Dior at Lyra. Marahil sila iyong naririnig kong nakikipagsigawan kanina sa labas.

"Gusto lang makita ng kliyente ko ang biktima at humingi ng pasensya," sagot ng abogado nitong kasama. Parang may kung anong masamang salita akong narinig doon sa sinabi nito na lalong nakapagpainit sa ulo ko.

"Humingi ng ano? Pasensya?" hindi makapaniwalang pag-uulit ko. Sarkastiko akong napatawa. "Pagkatapos mong tumanggi sa mga pagbisita namin sa 'yo sa kulungan, pupunta ka rito para manghingi ng... pasensya?"

Napasuklay ako ng mga daliri ko sa buhok ko habang natatawa pa rin sa gusto nitong mangyari.

"Hindi ko naman sadya. Pinagtanggol ko lang ang sarili—"

"Lamunin mo 'yang p*tangina mong pasensya!" putol ko sa paliwanag nito. Sa galit ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong paghahampasin ito. Wala akong pakealam kung saan dumapo ang mga kamay ko at wala naman itong magawa dahil nakaposas ang mga kamay. "Hayop ka! Wala kang puso! Hindi na dapat nabubuhay sa mundo ang mga katulad mong salot!"

Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng mga kasama nitong guwardiya. Hindi ko agad napansin na may kasama rin pala itong media sa labas ng pinto kaya mabilis akong hinatak ni Dior at itinago sa mga flash ng camera.

Mabilis namang kumilos si Lyra para isarado ang pinto at pigilan ang mga ito sa pagpasok. Narinig ko pa kung papaano nito tinarayan ang mga reporters na nagpupumilit pumasok.

Nagpumiglas agad ako sa pagkakahawak ni Dior pagkarinig ko sa pagsarado ng pinto. Pero nauna na si Lyra sa paglalabas ng galit nito.

"Tangina kang demonyo ka! Nakikita mo ba ang kalagayan ngayon ng Kairo?! Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising dahil sa kagagawan mo! Tapos gusto mong humingi ng pasensya? Eh kung pinapalamon ko 'yang dila mo sa 'yo nang 'di ka na makapagsalita? Ang tigas ng mukha mong hayop ka!"

"Mabuti pa ilayo n'yo na rito ang mamamatay tao na 'yan!" sigaw ni Dior sa mga kasama nitong pulis sa labas. "Kapag 'tong hawak ko pinakawalan ko, tiyak na hindi lang mukha niyan ang mababasag," dagdag pa nito habang pilit na hinihigpitan ang hawak sa 'kin para hindi makawala.

"Nag-so-sorry na nga, ayaw pa," rinig kong walangyang bulong pa ni Pablo. Pakiramdam ko ay umusok ang ulo ko sa galit at bigla akong lumakas kaya nakawala sa mga kamay ni Dior. 

Marahas kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng mga nakapalibot na pulis at hinarangan agad ako sa balak kong gawin.

"Tangina! Padaanin n'yo 'ko! Wag n'yong itago 'yang hayop na 'yan! Ano ba! Bitawan n'yo ko!" Inangat ko ang mga binti ko nang mahigpit na hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso. Pinagsisipa ko ito pero talagang protektado ng mga alagad ng batas! 

Mga walangya!

Kumukulo ang dugo ko sa pagmumukha nitong wala man lang bakas ng pagsisisi! Kaya sinong niloloko n'ya? At talagang nagdala pa 'to ng media para ipangalandakan ang panghihingi niya ng pasensya!

Mabilis na inilayo ng mga pulis si Pablo. Sinubukan pa kaming kausapin ng abogado nito pero napaatras din nang sabay sabay naming pukulan ng masamang tingin nina Dior at Lyra.

"Ayos lang kayo?" pagalit na tanong ni Lyra pagkaalis ng mga ito. Nasa baywang nito ang isang kamay habang ang isa ay sapo ang ulo. "Tingin ko kailangan nating maglagay ng mga security sa labas. Baka 'pag bumalik pa ulit 'yon dito, ako na ang susunod n'yong mapanood sa TV na nanaksak."

"Bigyan pa kita ng kutsilyo," bulong ko.

"Tapos ako mag-di-direk kung papaanong klaseng saksak ang gagawin mo. Yung malalim, madiin, at pinakamasakit na paraan."

Nagkatinginan kaming tatlo ng ilang segundo bago sabay sabay na natawa. Napa-iling iling na lang ako dahil kanina bago dumating ang mga ito ay para na kaming magsasabong ni Lyra. Tsk. 

Nagsalitan kami sa pagbabantay dahil pare-pareho kaming may mga trabao. Si Mona ang madalas na maiwan sa ospital dahil sa aming apat ay siya ang may pinakamaraming oras.

"I saw the news," bungad na sabi ni Fyuch pagsakay ko sa shotgun seat. Sinundo kasi niya 'ko at inayang mag-lunch sa labas. 

Napangisi ako habang nagsusuot ng seatbealt. "Ang funny ba?" natatawa kong tanong. "Ako na trabaho ang magbalita, ako ngayon ang laman ng balita."

"You should've calmed yourself, baby. You can be sued for that." He really sound like a lawyer now.

Taas noo akong lumingon sa kanya. "What should I be afraid of? I got the best lawyer beside me."

"You badly wanted to be my client, huh?"

"I wanted to see how you would defend me in court."

"You know I can defend in and out of the court," he said as a matter of fact.

"I know." I whispered and smile.

We had lunch first before kami dumiretso sa MGC. Pupunta rin kasi doon si Zeno para i-discuss kay Tita Hilda iyong kasalukuyang usad ng isinampa naming frustrated murder case kay Pablo. Nagsampa rin ng murder case ang pamilya ni Mika Andrada at dahil kalilibing lang nito kahapon, ngayon lang napagtuunan ng pansin ng pamilya nito ang pag-aasikaso.

Patong-patong ang mga kasong kinahaharap ni Pablo ngayon. Hindi na rin magkandaugaga ang ama nitong gulat na gulat sa ginawa ng anak. Marahil abala na ito sa pag-iisip kung papaano lulusutan ang batas gamit ang kapangyarihan nito. Pero kapag ito nakawala pa sa dami ng mga ebidensya namin, ewan ko na lang talaga sa justice system ng bansang ito.

"It appears from the evidence that the defendant Pablo Vasquez and the victim Mika Andrada went to a hotel together about four o'clock in the afternoon on the day of the crime," Zeno started. "The defendant had an intent of raping the victim, but Kairo Martin appeared in the scene and tried to save her. Ibig sabihin, nagkaroon na ng kutob si Mika bago pa man siya dalhin sa hotel ni Pablo. That's why alam ni Kairo kung saan sila nagpunta.

".... Hindi lang nag-iisa si Pablo sa pinangyarihan. May mga tauhan itong nakasunod sa kanya at ang mga ito ang unang tumira kay Kairo. There were 10 of them." Fuck! 

Sampu laban sa isa! 

Tangina!

Napatakip ako ng braso sa mga mata ko. Maiinit na luha na naman ang tumulo sa mga pisngi ko. Hindi ko ma-imagine ang naging hirap ng pinsan ko sa kamay ng hayop na Pablo na 'yon at mga tauhan nito. 

Pinisil ni Fyuch ang kamay ko na hawak niya kaya nagawa kong kumalma ng kaunti. Pagtingin ko kay Tita Hilda, hindi rin maipaliwanag ang sakit na gumuguhit sa mukha nito. Napansin ko na nga ang pangangayayat nito simula nang maospital si Kairo. Ito lang kasi mag-isa ang nagpalaki sa anak dahil sobrang independent ng Tita ko na 'to, She didn't let men dictate her life so she chose to live alone with her son.

Hindi kami magkasundo, but I admire her bravery. 

"What about the stab wounds he got? Were you able to retrieve the weapon used?" Dagdag na tanong ni Fyuch. 

Sandaling tinignan kami isa isa ni Zeno na para bang inaalisa kung kakayanin naming malaman ang mga susunod na sasabihin nito. Nanlamig at nangatal lalo ang mga kamay ko.

"The investigators found it. It also appears from the evidences that Pablo already had a long knife in his hand. Kairo was stabbed in the back while still being beaten by Pablo's men. He probably tried to defend himself with the pocket knife he was carrying, but Pablo succeeded in stabbing him in the abdomen... in the chest... and under the breastbone. So, Kairo got stabbed 3 times, not only 2."

Parang pinipilipit ang sikmura ko sa pakikinig sa salaysay nito. Kumikirot ang ulo ko sa sobrang sakit.

".... Mika Andrada saw what happened, so she immediately called the police. We found her fingerprints on the knife she used in trying to fight back Pablo, but he hit her head to defend himself. She had defense wounds around her right arm too. Kairo was still conscious at that time, so he went to them to help her again. And when Pablo was about to stab him for the fourth time, Mika covered her body that caused her death."

Hinang hina ang buong katawan ko sa lahat ng nalaman ko ngayong araw, pero pinakiusapan ko pa rin si Fyuch na dalhin ako sa puntod ni Mika. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng pinsan ko sa oras na magising at malamang wala na ang babaeng mahal nito.

Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi makita na mahal ni Kairo si Mika. At siguradong sa paggising ng pinsan ko, muling mamatay ang puso nito sa sakit at paghihinagpis.

Ang lupit ng mundo. 

Kung sino 'yong wala namang ginagawang mali, sila pa ang naparurusahan ng ganito kabigat. Samantalang ang mga katulad ng mag-amang Vasquez ay patuloy lang sa paghahasik ng kasamaan. Hindi ko talaga maintindihan.

Pagdating ko sa puntod nito, iisang basket lang ng bulaklak mula sa pamilya nito ang nadatnan namin doon. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko pagkaalala sa mga artikulong nagkalat sa internet tungkol sa pagkamatay ni Mika. Panay pambabatikos ang mga komento roon imbes na pakikiramay.

'Malandi kasi siya kaya namatay agad. Kasalanan naman niya yan.'

'Lasengga daw kasi 'yan e. Kahit kanino sumasama. Dapat lang sa kanya 'yan.'

'Kung hindi siya nagpagalaw kung kani-kaninong lalake hindi sana siya na-rape.'

'Sana nagpa-rape na lang siya para hindi pinatay.'

Kung makapanghusga sila ay parang mga walang bakas kasalanan. Kung magsalita ay parang simula't sapul kilalang kilala na nila 'yung tao. Samantalang bumabase lang naman sila sa kung ano ang nabasa at napanood nila sa internet tungkol dito.

Alam kong minsan ko ring hinusgahan ito noon at iyon ay dahil sa pagpapaka-martir nito kay Pablo. Hindi ako makapaniwalang may babaeng katulad nito na kayang magtiiis ng ganoon katagal sa isang malupit na lalake. Nagalit at nainis ako dahil ayokong madamay si Kairo sa kaguluhan ng buhay nito. Pero hanggang doon lang 'yon.

Hindi ko tuloy mapigilang masaktan ngayon para kay Mika. Wala na nga ito sa mundo pero patuloy pa rin ang panghuhusga ng mga tao.

Being abused is never the victim's fault. And it's never the victim's responsibility to always explain themselves why they were abused.

Ipinatong ko ang dala kong bouquet of carnations sa puntod nito.

"Thank you, Mika. Thank you for saving Kairo." You should rest easy now. No more pain and sacrifices. You don't deserve to die this young, but you deserve the peace you're about to get with our creator's arms.

Kung hindi dahil sa sakripisyong ginawa ni Mika, baka nabaliw na 'ko kung may nangyaring mas malala pa sa pinsan ko. Kairo is more like a brother to me. Sobrang mahal ko 'yon kahit kupal minsan.

Yumakap ako kay Fyuch nang tabihan niya 'ko. He helped me lit a candle for her. We prayed for her soul and I promised her the justice I'll seek for her and my cousin.

Hindi sa ganito lang basta matatapos ang buhay mo Mika Andrada. At nasisiguro kong hindi rin mapapayagan ni Kairo na mabaon na lamang sa limot ang sakripisyo mo. Gagawin namin ang lahat mabulok lang sa kulungan ang hayop na may gawa nito sa 'yo.

Puno ng determinasyon kong nilisan ang puntod nito.

Pag-uwi namin sa condo ay sinimulan ko naman agad ang pagbabasa ng mga pinaaaral ni Daddy. He wants me to learn all these in just a week dahil magkakaroon ng board meeting before ito mag-leave. Wala talaga akong choice kundi ang pagsabay-sabayin ang lahat.

Nag-inat inat ako nang makalahati ko naman ang mga kailangan kong basahin. Humihikab akong tumayo dahil bigla akong nauhaw at ubos na pala ang laman ng baso ko. Paglabas ko ay maliwanag agad. Nakalimutan kayang magpatay ng ilaw ni Fyuch?

Dumiretso ako sa ref at naglabas ng pitsel.

"Ay! Kabayong may pakpak!" Muntik kong mabitawan ang mga hawak kong babasagin nang may dalawang braso ang biglang yumakap mula sa likuran ko. "Fyuch, naman. Bakit ka nanggugulat!"

"Sorry, nagulat kita?" bulong niya sa may tenga ko.

"Obvious ba?" Naglakad kaming parang bibe hanggang sa may countertop dahil nakayakap pa rin siya. Nilapag ko sa ibabaw ang hawak kong pitsel at baso. "Bakit gising ka pa?"

"I have an important hearing tomorrow morning. I had to prepare."

"Hala." Dahan dahan akong humarap sa kanya. At dahil nakayakap nga siya sa 'kin ay sobrang lapit tuloy nang mukha namin pagharap ko. Dinala ko ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya. "Ibig sabihin wala pang tulog ang bb ko na 'yan?"

Nakanguso siyang tumango. Biglang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya. Buti na lang talaga at may Fyuch ako sa buhay. Paano na lang ako kung mag-isa ako sa sitwasyong ganito? Marahil baliw na 'ko.

"You're working late again," naka-labi na sabi niya. Pinisil pisil ko tuloy ang magkabilang pisngi niya sa sobrang cute.

"May tinapos lang akong basahin. May upcoming board meeting kasi ang MGC."

Inilapit pa niya ang sarili sa 'kin saka ipinatong ang ulo sa balikat ko. "Lipat ka na lang kaya sa kwarto ko? Para mapatulog kita lagi sa tamang oras."

Napangisi ako. "Ang sabihin mo, pareho tayong late matutulog kapag sineryoso ko 'yang offer mo."

"Why do you think so? May balak ka bang gawin sa 'kin?" nakakalokong tanong niya. Natawa ako dahil madaling araw na ay naghaharutan pa kami sa kusina.

"Marami pero saka ko na gagawin 'yon 'pag 'di na tayo busy. Sa ngayon, kailangan nating matulog dahil maaga ka pa bukas." Bahagya ko siyang itinulak para ilayo sa 'kin.

"I'm not sleepy yet."

"Anong I'm not sleepy yet ka d'yan. May hearing ka bukas, you need proper sleep."

"Patulugin mo 'ko."

"Gusto mo tabi tayo matulog?" pabiro kong tanong pero ang loko ay tumango agad at mabilis na hinatak ako papasok sa kwarto niya. Di man lang pinag-isipan!

Pagkahiga namin ay naramdaman ko sa wakas ang kapayapaan na ilang araw ko nang hinahanap-hanap. Bago pa man kasi ang insidenteng ito ay wala na halos akong maayos na tulog sa dami ng trabaho kong tinatapos. Sobrang gaan tuloy ng pakiramdam ko ngayon na nakahiga sa braso ni Fyuch habang yakap siya.

"Baby?"

"Hmmm."

"I love you."

Awtomatikong umangat ang magkabilang sulok ng labi ko. "I love you more. And thank you for not leaving my side in times like this."

"Know that I will always be here for you. In good times and in bad. I promise." Hinaplos haplos pa niya ang ulo ko kaya't naramdaman ko agad ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng mga mata ko.

Tuluyang napapikit na 'ko at komportableng idinantay ang binti ko sa katawan niya. "Just do it, Fyuch. Because promises are always meant to be broken," bulong na sagot ko.

Kinabukasan kahit medyo inaantok pa 'ko pinilit kong gumising ng mas maaga sa kanya. Naghanda ako ng breakfast para makakain siya bago umalis. Nag-prepare din ako ng warm bath for him. Tapos ni-ready ko na rin ang isusuot niyang suit.

"Fyuch, bangon na d'yan. Kailangan mo ng mag-ready." Tinapik tapik ko ng mahina ang pisngi niya pero parang wala pa rin talagang balak na gumising. "Huy, may hearing ka today. Maya ka na matulog ulit."

"Hmmm." simangot na daing nito at isinubsob pa ang mukha sa dibdib ko. Bastos!

"I cooked breakfast for you. Gumising ako ng maaga para ipaghanda ka tapos hindi ka naman babangon," pangongonsensya ko.

Tumawad pa ito ng limang minuto kaya naman talagang 5 mins after saka siya tumayo. Nakasimangot pa! After niyang makaligo ay mukhang gising na ang diwa niya dahil maayos na ang itsura nito. Tumayo ako mula sa kama at nilapitan siya.

"Final hearing niyo na ngayon 'yan, 'di ba?" tanong ko habang inaayos ang suot niyang necktie.

"Yeah," tamad na sagot naman niya.

"Umayos ka nga. Para kang tulog pa, e."

"Wake me up then." Sabay ngumuso siya. Natatawa ko siyang dinampian ng halik pero ng akmang lalayo na 'ko ay hinawakan pa nito ang batok ko at mas pinalalim ang aming paghahalikan.

Napaungol ako nang sipsipin niya ang ibabang labi ko at paglaruan itong parang kendi. Nagsimulang gumapang ang mga kamay niya mula sa batok ko pababa hanggang sa baywang ko.

"M-ma-le-late ka..."

"Uhmmm..." daing lang niya na parang walang pake kung ma-late siya. Tinapik ko ang mga braso niyang nakapalibot sa 'kin at saka ako lumayo. Kung hindi ko pa itinigil ay baka kung saan na kami mapunta at tuluyan na siyang hindi maka-attend sa hearing niya. 

Salubong ang kilay niya habang kumakain ng agahan habang ako naman ay natatawang pinagmamasdan lang siya. Before he left, he gave me a very passionate goodbye kiss.

"Good luck, Fyuch! Galingan mo!"

"I love you, baby!" sigaw nito sa corridor habang naglalakad nang patalikod para makawayan ako. Loko talaga!

"I love you too!" Nag-flying kiss pa 'ko at umakto pa talaga siyang sinalo iyon agad. Sobrang gaan tuloy ng pakiramdam ko sa napakagandang umpisa ng araw ko. Hindi gaya noong mga nakaraan.

Pagkaalis ni Fyuch, ako naman ang nag-ready para sa coverage schedule ko ngayong umaga. Sinundo ako nina Kuya Raul at Kuya Archie sa condo kaya nagka-time pa 'ko para makapag-ayos ng konti. May live report kasi ako ng 9am kaya kinailangan kong magmukhang tao.

Pagkatapos ng coverage namin na puro takbo rito, takbo roon, pagod na pagod kaming bumalik sa opisina. Napasubsob na lang ako ng mukha sa mga braso ko pagdating ko sa work station ko.

"Tangina ang galing talaga ng abogadong 'yon! Panalo na naman niya 'yong recent money laundering case niya!" bulalas ng isang kasamahan kong reporter na si Ryan.

"Yun 'yong idol mong anak no'ng taga kabila, 'di ba?" dinig ko namang sagot ni Dei na nasa tabi ko. Reporter din. 

"Oo, lupet no'n! Simula pa lang no'ng unang panalong kaso no'n na kinover ko idol na idol ko na 'yon. Halimaw sa korte ampucha! Sayang lang talaga ngayon ayaw na niyang mag-handle ng criminal cases."

Napakurap kurap ako sabay kumurba paitaas ang magkabilang sulok ng labi ko. Walang duda na ang bb ko ang tinutukoy nila! Napaayos agad ako ng upo at humarap sa kanila.

"May nag-cover ba sa inyo no'ng hearing kanina?"

"Ako," sagot ni Ryan.

"Anong oras airing niyan? Panood naman ako ng raw mats mo!"

"Idol mo rin ba 'yon?" nanlaki ang mga matang tanong nito na parang na-excite pa. Natatawa akong tumango at dali-dali naman ako nitong hinatak sa tapat ng computer ng kanyang editor. Hinanap agad namin iyong footages ni Fyuch at nang panoorin ko na, akala ko ay maluluha ako sa sobrang proud sa kanya.

"Ang astig...napakagaling," wala sa sariling bulalas ko habang pinapanood itong ipinapanalo ang kaso. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nasa loob ng korte. 

"Sinabi mo pa."Tumatangong pagsang-ayon naman ni Ryan.

"Nasaan interview mo sa kanya? Panood din ako dali!" napatambol pa 'ko sa gilid ng table sa sobrang atat na panoorin ito. Kaso nagkamot lang ng ulo si Ryan.

"Wala, e. Ayaw magpa-interview no'n simula't sapul. Wala pa nga yatang reporter ang nakakaisa ro'n."

"Seryoso?!"

"Oo nga seryoso. Kahit nga mismong reporters nila sa ACF Net hindi pa 'yan naiinterview."

"Ayy grabe naman pala."

Humingi na lang ako ng kopya ng footages para may remembrance ako! Pagkatapos kong makakopya nagmadali akong lumabas agad ng building para personal na i-congratulate ang napakagaling kong bb.

Kung alam lang nila ay muntik na nga siyang hindi maka-attend kanina dahil sa kakahalik sa 'kin! Hmp! Pero grabe, puro siya lahat laman ng balita! Sobrang nakaka-proud. Huhu. 

Iyong husay talaga niya bilang abogado ay hindi lang iilan ang kumikilala! Hindi rin naman kasi biro iyong laki ng halagang involved doon sa money laundering case kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang ingay ng pagkapanalo nito ngayon. Maliban doon, may mga nagback track din ng mga previous cases niyang naipanalo. 

Kasama na ro'n 'yong kaso ng Papa ni Adara. 

May coverage pa dapat ako ngayon pero pinakiusapan ko si Dei na ito na muna ang mag-cover for me. Gusto ko muna kasing maglaan ng time para samahan sa tagumpay niya ang bb ko. Makabawi man lang ako sa kanya sa ilang araw na pagka-busy ko at hindi pag-asikaso sa kanya. 

"Congrats, Fyuch!" Dinamba ko agad siya ng yakap pagsakay ko sa kotse niya. 

"Is this my reward for winning the case?" natatawang tanong niya. 

"Sapat na ba 'kong reward?"

"More than enough, baby." He gave me a quich kiss on the lips before he drove to our favorite New York steakhouse. 

Habang nasa byahe kami ay kinwento ko sa kanya na pinanood ko 'yong coverage nung reporter namin sa hearing niya kanina. Tinawanan nga lang niya 'ko nang tanungin ko siya kung bakit hindi siya nagpapa-interview. 

"Because I wanna get home asap and sleep that's why I don't entertain interviews. Pero kung ikaw ang mag-iinterview sa 'kin, hindi yata ako makakatanggi." Sinulyapan niya 'ko saka nginisian. 

Sinapak ko tuloy siya sa braso sa kilig ko! Habang nasa byahe kami kunwaring iniinterview ko siya tungkol sa naging hearing kanina. Kung ako lang sana nag-cover, edi sana may exclusive kami! 

Hanggang sa pagbaba namin ng sasakyan nagtatawanan pa rin kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko pero bago kami makapasok sa loob ng restaurant, nagulat kaming pareho nang pinalibutan kami ng media at sunod sunod na nag-flash ang mga camera sa aming dalawa. 

"Atty. Smith, anong masasabi mo sa naging pahayag kanina sa hearing ni Atty. Jenny Abellana? Is there a possibility na magtulungan kayo sa isang bagong kaso?" 

Putek, ambush interview! At oo nga pala, si Jenny the China doll ang abogado kanina ng defending party. 

"I told you I'm not doing any interview. Please excuse us." Pinalibot ni Fyuch ang braso sa balikat ko para protektahan ako sa mga ayaw paawat na reporters. 

Anak ng tokwa! Ang hirap pa lang dumugin ng media! Akala ko mas mahirap maghabol ng interviewee!

"Teka! Hindi ba si Portia Martin 'yan?"

Ay fuck. 

"Siya nga! Taga PBN News 'yan, e!"

"Yan ang future daughter-in-law ni Senate President Dela Vega!" Muling hinarang kami ng mga ito at mas lalong nawala ang daanan namin palabas sa kumpol nila. "Portia! Bakit kayo magkasama ni Atty. Smith?"

"You two look very close! Anong relasyon n'yong dalawa?"

Shuta! Bakit nalipat sa 'kin ang spotlight?!

"Do you all wish to be charged with harassment?" Sam threatened. Pero gaya ko bilang isang reporter din, hindi sila nagpatinag. 

"Anong meron sa inyong dalawa? Bakit kayo magkasama?"  Sunod sunod ang pagbabato ng mga ito ng tanong habang pilit naman kaming kumakawala sa kanilang lahat. 

May mga security personnel na ng restaurant ang naglabasan para tulungan kami, pero hindi talaga sila nagpatinag! 

"Portia! Are you cheating on your fiancé Easton Dela Vega?!"

And with that simple question that I didn't answer, Sam and I were all over the news for cheating on my fiancé Easton Dela Vega. The fuck!

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.7K 41
Dice and Madisson
2.3M 58.4K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
606K 16.9K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
173K 2.4K 23
"A boy and a girl can never be just friends, one of them will DEFINITELY fall for the other.. but in this story, where love game strikes, where fate...