The Side Chick Woman✓

By Badmindchixxx

223K 4.8K 579

WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if yo... More

PROLOGUE
Disclaimer
1; The Second Woman
2; The Invitation
3; The Wedding
4; Honeymoon's Intruder
5; Mistress role
6; What if
7; The Meeting
8; Hurtful Truth
9; Almost Caught
10; Befriend of His Friends
11; Picture
12; Play Safe
13; Cross Paths
14; Enemy's Kindness
15; Meeting his Family
16; Out of Town
17; Date
18; Memories to keep
19; Assumption
20; The Masquerade Party
21; The Show
22; Backfire
23; Late Gift
24; Mistress vs. Wife
25; Meeting Him
26; Dangerous Voice
27; Hangover
28; More Better
29; Threat
30; Caught
31; Again
32; Video Scandal
33; So Called Side Chick
34; The Evil Sister
35; Truth Behind Plans
36; In exchange of..
37; Missing You
38; Meets the Stepmother
39; The Mistress's Wrath
40; He changed
41; Looked a like
42; Distant
43; Revenge
44; Never see it coming
45; Secret Out
46; Betrayal
47; Her last ace
48; Mistress' revelation
49; His Anger
50; Broken Pieces
51; Her Choice
52; I Love You Not
53; I Love You Goodbye
54; New Beginning
55; Unexpected Proposal
56; Kidnapped
57; Memories Bring Back Feelings
58; Stalker
59; Rejection
The End
Author's Note

60; Side Chick No More

4.6K 78 33
By Badmindchixxx


"Marie?"

"Marie!"

Nabalik ako sa reyalidad nang pitikin ni Kim ang noo ko. Napaayos ako ng tayo at humingi ng tawad sa baklang kinukuhanan ako ng picture.

"Pout your lips, Madame." wika nito na sinunod ko naman. Inayos nila ang veil ko at muling na namang kinuhanan ng picture.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa suit dahil kinakailangan kuhanan lahat ng suot at galaw ko. May nakatutok na video camera sa'kin habang lumalabas ako ng Hotel. May iilang media din akong natanaw sa malayo. Hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng bodyguards ko.

"Kita na lang tayo sa simbahan, Marie. Hoy, Maia," Kinalabit ni Kim si Maia na nagreretouch sa tabi ko. "Ingatan mo ang kaibigan na'tin, ha!"

"What the hell, Kim? Hindi ako ang driver kaya 'wag mo sa'kin sabihin 'yan." Umirap si Maia at napailing.

Natawa ako. "Sige na, Kim, mauna ka na. Sabihan mo sila na paparating na ang bride." wika ko at kinindatan siya. Wala itong nagawa kundi sundin ang sinabi ko.

Ramdam ko ang kaba ko habang papalapit kami ng papalapit sa simbahan. Nakita kong nagsimula nang magmartsa ang ilang abay sa kasal namin ni Bont. I even saw Ino wearing his tuxedo and Sharnella with her pretty cute gown made by Suada. Inalalayan ako ni Maia sa tail ng gown ko habang naglalakad kami palapit sa pinto ng simbahan. Nauna nang pumasok si Maia at naiwan na lang akong mag-isa.

There's no turning back now, Marie..

Huminga ako ng malalim bago hinanda ang sarili nang magsara ulit ang pinto pagkatapos pumasok ng huling abay. Binati ako ng ilang staff ng simbahan na nakatayo sa labas at inalalayan ng unti-unting bumukas ang pinto at pumailanlang ang magandang musika sa loob.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan na naglalakad sa gitna ng altar habang nakatingin sa harap kung saan naroon ang pari na magkakasal samin. Dapat ay masaya ako dahil ito na ang araw na hinihintay ko pero bakit gan'on? Bakit hindi ko makapa sa sarili ko ang kasiyahan na dapat ay mayroon ako ngayon? Tama ba ang desisyon kong ito?

"Marie! Hoy, Marie!"

Napakurap ako ng ilang beses nang makita kong nagtataka ang mukha ng mga tao sa loob. Doon ko lang namalayan na napahinto na pala ako sa paglalakad. Nilapitan ako ni Herman at Daddy Ronaldo at sila na mismo ang umalalay sa akin. Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang makita ko si Logan sa isip ko habang umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko. Napakagat ako ng labi at umiling-iling. Si Bont dapat ang iniisip ko. Tama si Bont dapat. Pagtingin ko kay Bont, nahulog ang panga ko nang si Logan ang nakita kong nakatayo sa harap. Kusang huminto ang paghakbang sana ng mga paa ko. Takhang hinawakan ako ni Daddy at tinanong kung anong problema.

Umiling ako at ngumiti na lang. Ilang dipa na lang ang layo namin kay Bont nang huminto ako. Napatitig ako sa altar ng ilang segundo.

"Babe?"

Napalingon ako kay Bont na lumapit na sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang braso ko at ngumiti.

"I'm s-sorry. I-I'm s-sorry.." Napayuko ako at napahagulgol ng iyak sa harapan niya.

Hindi ko kaya.. hindi ko pala kaya..

Inangat ni Bont ang veil ko at pinunasan ang luha na walang tigil sa pagtulo sa pisngi ko. Nanggigilid ang luha niya sa mata niya.

"B-bakit ka nagso-sorry, babe? Ayaw mo na bang makasal sa'kin? Nagbago na ba ang i-isip mo?" Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya.

"T-tell me.. gusto mo pa bang makasal sa'kin?" Tila nahihirapan na tanong niya. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I-I'm sorry, B-Bont. H-hindi ko.. hindi ko alam.."

He caressed my back. "Si Logan ba? Si Logan ba ang dahilan kung bakit ka naguguluhan? Alam k-kong siya pa rin, Marie. Masakit sa akin na aminin pero alam kong mahal mo pa rin siya.."

"B-Bont.." Humigpit ang yakap ko.

"Hindi k-ko makakalimutan k-kung paano ka u-umiyak gabi-gabi dahil sa k-kaniya. Hindi ko makakalimutan k-kung paano mo sambitin ang pangalan niya habang natutulog ka. Alam ko, Marie..  alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon."

"B-Bont.."

"You don't have to deny it. Ramdam ko 'yon, Marie. Lalaki rin ako.."

"I-I'm sorry.."

Humigpit ang yakap niya at hinarap ako. "N-naiintindihan ko.. naiintindihan ko kung bakit siya pa rin kaya kahit.. kahit masakit, hahayaan na kitang p-puntahan siya."

Umiling ako. "P-paano ka? Paano ang k-kasal na'tin? Ayoko, Bont, hindi k-kita iiwan.."

"Huwag mo naman akong p-pahirapan, Marie. Pinapakawalan na nga kita tapos.. tapos sasabihin mong hindi mo ako kayang iwan?" He held my face and looked at me. "S-sige na, b-bumalik ka na sa kaniya."

Napahagulgol ako ng iyak.

"Patawarin mo a-ako, B-Bont. Sorry.." Pumikit ako ng mariin at niyakap siya ng mahigpit bago ako kumalas. Tinitigan ko siya sa mata at umiiyak na ngumiti. "S-salamat. Salamat, B-Bont.." Walang humpay ang pag-agos ng luha sa mata niya kasabay no'n ang sakit na dumadaloy doon.

"M-mahal na mahal kita, Marie. Kung ito ang tama at nararapat para maging masaya ka, tatanggapin ko. Basta 'wag mong kakalimutan na kapag sinaktan ka ulit niya, nandito lang ako handang saluhin ka." Siya na mismo ang lumayo at umatras. Ngumiti siya ng matamis ngunit kababakasan ng lungkot ang mga mata niya.

Tumingkayad ako at hinagkan sa huling pagkakataon ang labi niya. God knows how I love this man. Pero ang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi katulad ng pagmamahal ko kay Logan.

I'm sorry, Bont..

Tumalikod na ako at lumabas ng simbahan. Hinanap ko 'yung kotseng sinakyan namin kanina pero hindi na ulit ito mahanap sa paligid.

"Marie,"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Luigi sa gilid ko. Ngumiti siya nang makalapit sa akin.

"Kakaalis lang ng kotse ni Kuya at papunta na siyang airport ngayon for his flight to Australia. Sundin mo ang puso mo, Marie. Sundan mo na si Logan."

Napaiyak ako at niyakap siya. Si Luigi.. isa rin siya sa mga taong nasaktan ko dahil sa bawal na pagmamahal ko. Mabait din siya tulad ni Bont at alam ko, alam kong makikita din nila ang babaeng para sa kanila.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay. Muntik ko ng punitin ang suot na gown ko nang hindi ko masara ng maayos ang pinto. Kung hindi pa ako tinulungan ng driver, hindi pa kami makakausad.

"Sa airport po, Manong. Pakibilisan po." Kinakabahan na nag-usal ako ng mahinang panalangin na sana hindi ako mahuli. Sana maabutan ko si Logan.

Bumuhos ang malakas na ulan habang nasa taxi pa rin ako. Kagat-kagat ko ang daliri ko habang pasilip-silip sa unahan. Bigla kasing nagkaroon ng traffic dahil sa aksidente na nangyari.

"Manong, wala ka na bang alam na shortcut? M-mahuhuli na po kasi a-ako." Pumiyok pa ako sa huling sinabi. Unti-unting kong naramdaman ang kaba at takot sa dibdib ko. Baka hindi ko na siya maabutan pa..

"Wala na po, Ma'am, eh. Saglit lang po at sisilipin ko sa labas kung makakaraan tayo." Lumabas ang driver at iniwan akong mag-isa. Nanginginig na hinawakan ko ang gown ko dahil nagsimula nang umandar ang ilang sasakyan sa gilid ko. Napatalon pa ako nang bumusina ang kotseng nasa likod ko.

Nasaan na ba si Manong?!

Akmang lalabas na ako nang makita ko 'yung driver na umiiyak. Pumasok siya at kinuha ang gamit niya.

"P-pasensya na po, Ma'am, sa iba n-na lang po kayo magpahatid sa airport. 'Yung naaksidente po kasi ay anak ko." Umiiyak na wika nito at itinabi ang sasakyan sa gilid. Akmang lalabas na sana siya nang may kumatok sa gilid niya. "Ma'am, pasensya na po t-talaga. Hindi ko na po kayo maihahatid pa."

Napaiyak ako. Lalabas na sana ako nang higitin ko ang manggas ng driver.

"P-pahiram na lang po ng t-taxi niyo, Manong. Promise p-po ibabalik ko din sa i-inyo.." Ito na lang ang paraan para makarating ako ng airport. Laking pasasalamat ko ng pumayag ito. Hirap man ay nagawa kong lumipat sa driver seat.

"M-mag-iingat po k-kayo, Ma'am. Sana po ay makaabot k-kayo sa pupuntahan niyo."

"Salamat po." Sinuot ko ang seatbelt at pinaandar na ang taxi. Umiiyak ako habang nagda-drive.

Lord, huwag niyo po munang hayaan na makaalis si Logan..

Hindi ko na naiparada ng maayos ang taxi sa tapat ng entrance at agad na lumabas. Inangat ko ang gown ko para makatakbo ako ng mabilis papasok. Hindi pa man ako nakakarating sa entrance ay hinarang na ako ng mga guard. Ilang minuto akong nagmakaawa na papasukin nila ako pero hindi nila ako pinapakinggan.

"Marie?"

Hilam ang luhang napatingin ako sa tumawag sa'kin. Nagulat ako at sandaling natigilan nang makita si Watson. 

"Papasukin niyo na siya."

"Sir?"

"Susundin niyo ang inuutos ko o matatanggal kayo sa trabaho niyo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Takhang tinignan ko ang kaibigan ni Logan na nakataas ang kilay sa direksyon ng mga gwardya. Lumingon siya sa'kin at ngumiti.

"Pumasok ka na. Hindi pa huli ang lahat."

Nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok at hindi na siya nilingon pa. Hindi ko pinansin ang mga mapanuring tingin sa akin ng mga tao at nagtungo sa escalator.

Logan..

Suminghot ako at humihikbing pinunasan ang luha ko. Muntik pa akong matalisod pagkarating ko sa taas buti na lang ay may nakahawak agad sa akin para alalayan ako. Yumuko lang ako sa babae at nagtatakbo na ulit.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 

"Logan.." Lumuluhang nagpalinga ako sa paligid. Para akong batang naliligaw sa itsura ko pero hindi ko na inisip pa 'yon. Wala na akong pake kung nasira na ang make-up ko. Ang mahalaga ay makita ko si Logan.

"Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight from Philippines to Australia. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately five minutes. Thank you."

Nanlaki ang mata ko. Australia. 'Yun ang flight ni Logan! Iniangat ko ang gown na suot ko at tinanggal ang pumps ko.

"Logan!" Halos magkandasubsob ako habang tumatakbo pababa ng escalator. Laking pasasalamat ko nang kusang nagsitabihan ang mga tao at hinayaan akong makadaan. Umikot ang paningin ko sa loob at napaiyak na lang nang hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"The plane to Australia is now taking off. Next plane will be Japan, and for the passengers, please, get ready."

Narinig ko ang malakas na ugong ng eroplano sa labas. Nagtungo ako doon at humahagulgol na pinagmamasdan na lang ang papalayong eroplano. Nanghina ang tuhod ko at hinayaan na lang ang sariling mapaupo sa sahig.

"LOGAN!" Halos maglupasay ako sa sahig habang hawak ang pumps ko. Ibinato ko iyon sa kung saan at tinakpan ng kamay ang mukha ko.

Wala na. Nahuli na ako ng dating.. 

Walang nagtangkang lapitan ako. Hinayaan lang ako ng mga tao na mag-isa sa gitna at parang batang nawawala.

Logan.. nandito na ako. Logan, bumalik ka na.. huwag mo akong iwan..

"Elizabeth!" Nakita ko si Daddy na tumatakbo palapit sa'kin. Niyakap ako nito agad paghinto sa harapan ko.

"D-Dad.. wala na si Logan. I-iniwan na n-niya ako.." Humihikbing tinignan ko ang ama ko. Ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pag-iyak.

"P-paano na ako, Daddy? P-paano na kami ni I-ino?"

Paano na si Ino? Paano na ang anak namin?

Mas lalong dumoble ang sakit at lungkot ko nang tumulo na rin ang luha ni Daddy dahil sa awang nakikita ko sa mata niya. Wala akong nagawa kundi yakapin na lang siya at humagulgol ng iyak na parang bata sa balikat niya.

"Let's go home. Padami na nang padami ang tao." Dahan-dahan akong tumango kay Daddy na inaalalayan na akong tumayo. Muli akong tumingala sa kalangitan at sinundan na lang ng tingin ang eroplanong unti-unting lumiliit sa paningin ko.

Siguro nga..

Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't-isa, Logan.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 1.5K 24
Am I crazy for wanting a little more of you?
25.7K 1.1K 25
Amadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish M...
143K 3.7K 25
Ariadna Arsola, ang babaeng reyna ng entablado. Kinababaliwan ng mga lalaki sa bar. Maganda siya, nahuhumaling ang sino mang tumingin sa kanya. Isang...
1.7M 23.1K 55
How does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second Woman?