The Side Chick Woman✓

By Badmindchixxx

223K 4.8K 579

WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if yo... More

PROLOGUE
Disclaimer
1; The Second Woman
2; The Invitation
3; The Wedding
4; Honeymoon's Intruder
5; Mistress role
6; What if
7; The Meeting
8; Hurtful Truth
9; Almost Caught
10; Befriend of His Friends
11; Picture
12; Play Safe
13; Cross Paths
14; Enemy's Kindness
15; Meeting his Family
16; Out of Town
17; Date
18; Memories to keep
19; Assumption
20; The Masquerade Party
21; The Show
22; Backfire
23; Late Gift
24; Mistress vs. Wife
25; Meeting Him
26; Dangerous Voice
27; Hangover
28; More Better
29; Threat
30; Caught
31; Again
32; Video Scandal
33; So Called Side Chick
34; The Evil Sister
35; Truth Behind Plans
36; In exchange of..
37; Missing You
38; Meets the Stepmother
39; The Mistress's Wrath
40; He changed
41; Looked a like
42; Distant
43; Revenge
44; Never see it coming
45; Secret Out
46; Betrayal
47; Her last ace
48; Mistress' revelation
49; His Anger
50; Broken Pieces
51; Her Choice
52; I Love You Not
53; I Love You Goodbye
54; New Beginning
55; Unexpected Proposal
57; Memories Bring Back Feelings
58; Stalker
59; Rejection
60; Side Chick No More
The End
Author's Note

56; Kidnapped

3.6K 81 12
By Badmindchixxx


Parang kahapon lang nung magpropose si Bont sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako sa isang buwan. Hindi ko mawari kung gaano ako kasaya ngayon.

Matagal kong tinitigan ang kulay luntiang bato habang maingat ko itong hinahaplos. Napangiti ako kapagkuwan.

Ikakasal na talaga ako..

"Someone's daydreaming here!" I heard a laugh after that. Maia and Kim barge in my office. Kusang napawi ang ngiti ko habang ang mata'y umiikot sa direksyon nila.

"Panira kayo ng moment!" Pinakita ko sa kanila ang kaunting inis kahit ang totoo ay natatawa ako.

Umupo sila sa couch at tinabihan ako. They tease me even more lalo na nung pumasok si Celeste na may dalang pumpon na bulaklak. Galing daw ang mga iyon kay Bont.

"Sweet naman ni lover boy." nakangising komento ni Maia.

Inirapan ko siya. "Bakit ba kayo nandito? Bukas pa naman ng gabi ang bridal shower ko, 'di ba?" They prepare me a bridal shower at ang pasimuno, si Maia. Kahit nga si Kim na bitter ay napapayag niya. Isa pa iyong si Misty, kahit nagla-labor na ay tumutulong pa rin sa pagpaplano ng bridal shower ko. Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako magpapa-party pa nang ganoon. Wala, eh, mapilit sila kaya um-oo na lang din ako.

"Bakit, masama bang dalawin ang soon to be Mrs. Bont Gallego?" Tumili pa si Kim na animo'y kinikilig sa kaniyang sinabi. Napangiti na lang ako habang umiiling sa mga pang-aasar nila.

Hindi naman nagtagal ang bisita nila sa'kin dahil may mga lakad pa daw sila. Nagpadrive na rin ako kay Manong driver papunta sa school ng panganay kong anak. On time lang ang dating ko kaya agad akong lumabas ng sasakyan at hinanap ang anak ko sa kumpol ng mga bata na nagsisilabasan sa room.

"Mommy!" I abruptly looked at the kid running towards to me.

"Hi there." I smiled at him. "Gimme your bag." Binigay naman niya sa'kin ang maliit niyang bag at kumunyapit sa beywang ko. Napatawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Where's Sharnella, Mommy? Is she not with you?" He cutely asked.

Napalingon ako sa anak ko at ngumiti. "Sharnella is still in your Pappy's house. Don't worry, we will fetch her."

"Okay." He nod his head and crease his forehead afterwards. Itinuon niya ang kaniyang mata sa labas ng bintana at hindi na nagsalita. Napailing ako at inalis ang sandaling alaalang pumasok sa isipan ko.

Tulog si Ino nang dumating kami sa bahay nila Daddy. Ginising ko siya nang makita kong lumabas na sila Tita Corazon bitbit si Sharnella na may hawak pang barbie doll.

"Hey, kid." My Dad tapped Ino's shoulder. Ino just nodded at hin and looked at Sharnella.

"Baby Sharnella!" Tumakbo siya papunta kay Tita at inabot ang paa ni Sharnella.

"Bakit hindi mo yata kasama ang magiging manugang ko, anak?" tanong ni Dad.

"You know how busy Bont is, Dad. Besides, uso ang sakit sa mga hayop ngayon."

"Puro trabaho na lang palagi ang inaatupag niya. Aba, paano naman kayo? Malapit na ang kasal niyo." segunda pa niya.

Napabuntong hininga ako. Sa sobrang busy ni Bont these past few weeks, bihira na lang kami magkita. Namimiss na rin siya ng mga bata at itong si Ino palaging hinahanap ang Daddy niya. He missed playing with Bont.

"Baka naman umatras ang lalaking 'yon sa kasal niyo--"

"Ronaldo, tumigil ka nga." Lumapit si Tita Corazon at ibinigay sa akin si Sharnella. "Huwag mo na lang pansinin ang ama mo, Marie. Namimiss lang niya kakuwentuhan ang future husband mo."

Natawa ako sa sinabi ni Tita Corazon. Siguro nga tama siya. Close kasi si Daddy kay Bont. Sa tuwing bumibisita kami dito, walang sino man ang makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa. Daddy loves animal at nasaktuhan pang veterinarian itong si Bont.

"We'll go now, Dad, Tita." Nagpaalam na kami sa kanila bago sumakay muli sa van. Napalingon ako kay Ino na nakatitig kay Sharnella. He suddenly get Sharnella's doll and place it to his side and hug her left arms.

"Do you want to carry your sister, Ino?"

"Can I? Sit her to my lap, Mom." I did what he said. Sounds so bossy, huh? Lihim akong napangiti at pinagmamasdan ang dalawang anghel ko.

__

"Manang, pakibantayan muna ng dalawang bata sa kwarto. May kukunin lang ako sa mall." Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng bahay. Ngayon ko kasi makukuha 'yung bracelet na pinacustomize ko pa. Malapit na kasi ang birthday ni Bont. Weeks from now, actually. Kaya naisip kong regaluhan siya ng bracelet na naka-engraved ang pangalan niya. Hindi naman materialistic na tao si Bont, kahit mga simpleng bagay lang na binibigay sa kaniya tinatanggihan pa rin niya. That's the reason why I love him tho.

Dumaan muna ako nang comfort room kasi kanina ko pa pinipigilan ang pantog ko habang nasa biyahe. Tumawag kasi si Manang at sinabing nagwawala si Sharnella nung magising ito. Sinabi ko na lang na uto-utuin niya na lang at laruin.

I was about to go out in the comfort room when someone grab my arms. Sandaling kumunot ang noo ko pero agad din napalitan ng pagkagulat ang reaksyon ng mukha ko.

"Marie,"

Hailey..

Mas nagulat ako nang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko at akmang patatayuin siya nang magsalita siya.

"I-I'm begging, Marie, p-please.." she said, crying. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya nang mag-angat siya ng ulo.

"Matagal akong nanahimik sa isang tabi. Matagal akong naghintay, Marie, pero bakit naging ganito?" Napahagulgol siya ng iyak.

Anong sinasabi niya?

"Binigay ko naman ang lahat. Naging mabuting asawa naman ako pero bakit gan'on?"

"H-hindi kita maintindihan, Hailey." wika ko sa kabila ng pagkalito. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Seven years had passed at ngayon lang kami nagkita ulit. Pinutol ko na lahat ng communication ko even kay Herman kaya wala na ako masyadong balita sa kanila.

"H-hindi na siya u-umuuwi sa'kin. H-hindi n-na n-nagpakita pa sa'kin si L-Logan."

Natigilan ako pero agad ding nakahuma. "Why are you telling me this?" Bakit niya sa'kin sinasabi– wait, is she suspecting na nagkikita pa kami ng asawa niya? What the fuck?

Hindi makapaniwalang tumawa ako. Seriously? Nanliit ang mata ko kapagkuwan nang maalalang hindi nga pala anghel ang kaharap ko.

"Are you up to something, Hailey?" Luminga ako sa paligid. Baka kasi kasama niya ang bruhildang ina niya at bigla na naman akong sigurin. Malay ko ba kung may pinaplano sila ulit sa'kin.

Umiling siya. Patuloy lang siyang umiiyak habang piping nagmamakaawa sa akin. Habang pinagmamasdan ko si Hailey, kapansin-pansin ang pagbagsak ng katawan nito. I can say that, hindi na siya katulad noon na attractive. Payat na payat siya ngayon. Ibang iba sa dating Hailey na palaban.

Umirap ako sa hangin. "Then, tell me what do you want. Alam kong may kailangan ka kaya ka nagpakita sa'kin, Hailey. Is it all about your husband?" tanong ko. "For your information, matagal na kaming wala ni Logan. Hindi ko na nga kayo ginugulo pa. Nananahimik na ako, Hailey, kaya tantanan mo na ako." Nilagpasan ko siya at pinihit na ang doorknob. Handa na akong lumabas pero nagsalita siya.

"Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo ibinabalik sa akin ang asawa ko!"

Napabuntong hininga ako at nilingon siya. I can see the anger in her eyes. Namumula din ang ilong niya.

"Logan needs us. K-kailangan siya ng anak niya.. ng a-anak n-namin.."

Natigilan ako sa sinabi niya at nablangko ang utak. Ilang saglit lang ay napatawa ako ng bahagya.

Hanggang ngayon ba iniisip niya pa rin na nilalandi ko si Logan? Like, hello, ni hindi ko na nga nakikita ang lalaking 'yon simula nung umalis ako ng manila 7 years ago.

"Logan d-did not come home again after he heard the knews about your child."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kaniya.

"Umalis siya at hindi na ako binalikan pa noong araw na sinabi ni Dad sa kaniya na nawalan kayo ng anak."

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob kasabay nang panlalambot ng mga tuhod ko. So he knew..

"Hindi na siya nagpakita pa sa'kin, Marie! Kinalimutan na niyang may asawa't anak siya." Humihikbing tumayo siya at tinignan ako sa mata. "And it's all because of you! It's you, it's you again!" Galit na galit ang mata niya.

Napailing ako ng ilang beses at tuluyan nang binuksan ang pinto pagkatapos kong makarecover sa gulat. Kailangan ko ng hangin para makahinga ako ng maayos. I feel suffocated. Ihahakbang ko na sana ang paa ko palabas nang pigilin niya ang braso ko. Nang lumingon ako ay gan'on pa rin ang istura niya.

"Tell me where is h-he. P-please, Marie, ako na ang nagmamakaawa.. ibalik mo na sa'kin ang asawa ko."

Napapikit ako ng mariin at dumilat din kapagkuwan. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at dahan-dahan umiling. 

"Wala akong ibabalik dahil wala naman akong kinuha sa'yo, Hailey." Malumanay na wika ko. Totoo naman, ni hindi nga ako nagtagumpay nung planuhin kong agawin ang asawa niya. Logan loves her, that's all I needed to know to back off and burned all my feelings. Wala na rin naman akong magagawa kung siya na ang mahal ni Logan.

"He.. he fucking l-loves you. All those years we've been in a relationship, he never loved me back."

"No, he doesn't love me. He never loved me even just for a second. It's all just sex for him." Gumuhit ang kaunting kirot sa dibdib ko. At kung totoo man ang sinabi niya. Why not me? Bakit hindi ako ang pinakasalan niya?

Itinaas ko ang left hand ko at pinakita sa kaniya. Bakas ang gulat at pagkalito sa mukha niya nang makita ang singsing sa daliri ko. "Matagal ko nang kinalimutan si Logan kaya tigilan mo na ang pag-iisip na may namamagitan pa sa amin ng gago mong asawa."

Malay ba niya, baka may kabit na naman na bago ang asawa niya. How dare she accused me? Porket ako ang dating kabit, pag-iisipan na niya na ako ulit? Napairap ako at tinalikuran siya. I'm half away to the door when I face her.

"And oh, hindi ko kasalanan kung hindi na siya umuuwi sa'yo. Baka naman kasi nabagot na kaya naghanap na ng panibago na magpapainit ng katawan niya." I almost flipped my hair when I turn my back at her. I just smirked and went to the store.

Kinuha ko na ang bracelet at binayaran na sa cashier. Habang naglalakad sa exit door, bigla kong naalala ang itsura ni Hailey dahil sa huling sinabi ko kanina. Sayang at hindi ko na-ivideo.

"Hi, Miss Marie." Ngumiti lang ako sa mga iilan na nakapansin sa akin. Mabuti na lang at wala masyadong nakakilala sa'kin hanggang sa makalabas ako ng mall. Napailing iling na lang ako at tumungo sa parking lot.

Kinuha ko ang susi sa bag ko at akmang bubuksan na ang kotse ko nang may tumakip sa bibig ko. Nanlaki ang mata ko at nagpumiglas nang tangkain ako nitong buhatin. Pinagsisipa ko ang lalaki sa likuran ko pero parang hangin lang ang sinisipa ko dahil hindi ito natatamaan.

"Sumama ka sa'min!"

Mas lalo akong nagulat nang may isa pang lalaki ang huminto sa harapan ko. Una kong nakita ang itim na tela na nakatakip sa mukha nito at kasunod ay ang hawak nitong itim na panyo.

"S-sino ka-kayo? Anong kailangan ni-niyo sa-- hmmp! Hmmp!" Pinilit kong tanggalin ang panyo na tumakip sa ilong ko. Hinawakan ng lalaking nasa likod ko ang kamay ko at iginapos sa likod ko. Nagpumiglas ako at nagpalinga-linga sa paligid.

T-tulong! Tulungan niyo ako!

Nanlaki ang mata ko nang may kung ano akong naamoy sa panyo. Kasunod no'n ay naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng mata ko hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na napaungol nang maramdaman kong parang sinasakal ang palapulsuhan ko. Binalot ako ng kaba at takot dahil nakatali ang kamay ko sa likod. Wala rin akong makita dahil nakablindfold ako.

"M-may tao ba dyan? Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagsimula na akong magpanick. Sinubukan kong kalasin ang tali sa kamay ko pero fuck, hindi ko matanggal!

"Tulong! Tulong!" Narinig ko ang ingay ng pinto sa hindi kalayuan. Nanginginig na lumingon ako sa direksyon ng taong naglalakad palapit sa'kin. Malakas at mabibigat ang mga yapak nito.

"Anong kailangan niyo sa'kin?! Pakawalan niyo ako dito!" Sumipa ako sa hangin habang pilit pa rin tinatanggal ang tali sa likod ko. Naramdaman kong may umupo sa harapan ko.

"S-sino ka?" nauutal na tanong ko sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Tinalasan ko ang pandinig ko. "Kung s-sino ka m-man, p-please, pa-pakawalan mo na a-ako.." Napalabi ako ngunit pinigilan kong hindi mapahagulgol sa takot.

Wala akong narinig ni isang salita sa taong sa tingin ko'y nasa harapan ko.  Narinig kong bumukas ulit ang pinto at isang yabag na naman ang papalapit sa kinaroroonan ko.

"A-anong gagawin niyo sa'kin?! Bitawan niyo ako!" sigaw ko at nagpumiglas nang pilit akong pinapatayo ng kung sino.

"Sumunod ka na lang, Miss, kung ayaw mong masaktan."

"S-sino ba kayo? Anong ka-kailangan niyo sa'kin?" Wala naman akong nakakaaway o nakakasagutan-- "Si Hailey. S-si Hailey ba ang nag-utos sa inyo?" Hindi sumagot ang lalaking patuloy pa rin akong kinakaladkad sa kung saan.

"Sagutin niyo ako! Si Hailey ba ang may pakana nito?!" Wala akong nakuhang sagot. Bigla kaming huminto at sapilitan akong itinulak ng lalaking nakahawak sa'kin.

"Ano ba! Dahan-dahan naman!" Maniyak ngiyak na nag-usal ako ng mahinang dasal. Hindi pa ba tapos ang paghihirap ko? Karma ko pa rin ba 'to?

Narinig ko ang mga yapak na pinalibutan ako. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang may humintong yapak sa harapan ko.

"Mag-magbabayad ako ng malaking halaga p-pakawalan niyo lang ako dito!" Narinig ko ang malakas na tawa ng ilang lalaki sa gilid ko.

"This is kidnapping! Kakasuhan ko kayo mga deputa kayo!" Mas lumakas lang ang tawa nila dahil sa sinabi ko. What the? Are they playing with me?!

"Ano ba kasing kailangan niyo sa'kin? P-pwede naman idaan na lang na'tin sa m-maayos na usapan k-kung ano man ang gusto niyong mangyari b-basta.. basta huwag lang ganito."

Oh, Lord, what is this? Lubos ko ng pinagsisisihan lahat ng kasalanan ko 'di ba? Bakit may ganito pa?

May humaltak ng piring ko sa mata. Sa una ay nasilaw ako at kailangan ko pang mag-adjust hanggang sa makarecover na ang mata ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at gan'on na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita pa. Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkalito.

"Long time no see."

to be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.9K 55
"He hates her for chasing him and loves to pretend he doesn't care" Master Stony's goal is to harshly reject the desperate girl who claimed she likes...
120K 3K 25
Cavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on him. That girl is always saying the word...
235K 5.3K 35
DEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De León pledged to God that she will serve him for the rest of her life. Raffy is an innocent de...
109K 1.5K 24
Am I crazy for wanting a little more of you?