Wishing For A Happy Life

By Azuu_Myhomaru

1.5K 378 3.5K

━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa... More

/01/ Nakalimutan Mo 'Ata Magpagpag
/02/ Imposibleng Kahilingan Mo!
/03/ Potek Na Posteng 'To
/04/ Mura at Bulok Na Daya
/05/ Dinekwat Na Rice Crackers
/06/ Nagkalat sa Pamilihan ( Buset Ka Rikko )
/07/ Bagong Tsismis sa Freedom Board
/08/ Jumbo Cheese-filled Hotdogs
( Special Chapter ; Valentines )
/09/ Pero Mas Didilim Pa Mula Rito
/10/ Rikko?
/11/ Patatapos Na Hotdog Incident
/12/ Yes, Outside World!
/13/ Lumpiang Binugbog
/14/ Ji
/15/ Hokage at Consent Slips
/16/ Bisita Sa Kamukha Niya
/17/ Basbas Ng Bente Pesos Na Holy Water
/18/ Walang Swimming Pool Sa Villa Beatriz
/19/ Darix Grayson Ruthernford the Third, the Knight Alpha of Black Dimension
/20/ Premyong Pambabuhay Na Bato
/21/ Kaunti Na Mga Biro
/22/ Sa Kaguluhan, Puro Sikreto
/23/ Pilit Ang Mga Ngiti Nilang Dalawa
/24/ Dumalaw Para Magkunyaring Masaya
/25/ Ikaw Ang Kaunting Liwanag Ko
/26/ 'Wag Mo Ako Iwanan
/27/ Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim Dilim DILIM DILIM
/28/ Pero Ikaw Ang Mang-iiwan
/29/ Wishing For A Happy Life
/30/ Bata Tula, Makataong Dula
/31/ Pasensya Na Sa Kapabayaan Ko
( 1K Special ; RomCom AU )
/32/ Shitposts At Ang Dakilang Gagampis
Author's Extra Notes!

PROLOGO

286 28 139
By Azuu_Myhomaru


"Rikko Miguel V. Aguirre."

Agaran kong naimulat ang mga mata sa pagbanggit ng pangalan. Luminga-linga ako sa paligid. Madilim, halos wala na akong makita. Ang tanging naaaninag ko lamang ay ang kaliwanagan ng ginintuang pitong pintong nasa harap ko.

Ginintuang pitong pinto. Parang Tongue-twister ah.

"Pumili ka ng pinto," pagsalita muli ng sinumang tumawag sa'kin.

Nakipagtitigan ako sa kaniya. Madilim ang paligid kaya't 'di ko masiyadong makita ang kaniyang mukha. Ang alam ko lang ay nakakapa siya ng kulay itim, may hawak na mahabang patalim sa isang kamay at makapal na libro sa kabila.

Kamatayan.

"Para saan 'to?" usisa ko.

"Basta, pumili ka lang," sagot niya.

"Kapag nakapili na ako, anong gagawin ko?"

"Pumili ka muna."

"Tapos na."

"Alin?"

"Yung pagpili ko ng pinto."

"Pumili ka nga muna."

"Tapos na nga."

"Pili ka lang."

Potek na, ano ba itong kausap ko?

"Tapos na?" tanong ulit ng timang sa harap ko.

"Oo."

"Pumili ka."

"..."

Naghintay ako ng kaunting segundo. "Nakapili ka-"

"Oo nga!"

"Ramdam kong hindi pa."

Ah, kaya pala paulit-ulit 'to. "Ay, sorry boss. Ako lang 'to."

Pinagmasdan ko muli ang mga pinto. Doon ko na lang napansin na naliliwanagan pala ito ng mga ringlight sa itaas. Sosyal naman.

Pipili lang ako ng isa rito? Eight kasi lucky number ko eh, pero hindi pwede lumagpas.

"Eeny, meeny, miny, moe, pwet ng kabayo–"

"Oy, bawal yan," sabat ni Kamatayan.

Ow. Sige, ibang istratehiya na lang. Sa isang linggo... ano ba paborito kong araw? Sabado. Ika-anim na araw ang sabado, so...

Narining kong tumawa si Kamatayan. "Hindi ko yan pipiliin kung ako ikaw." Luh, may ganon? Sige, iba na lang, nakakapanghinala.

Paano kaya kung 'yung una na lang? Hindi, 'yung pangalawa na lang. Sanay naman akong pangalawa lang lagi.

"Tsk tsk. Kabataan talaga. Sinabi ko na nga kay Rizal na wala na pag-asa 'tong henerasyon, eh."

'Wag na nga! Sabatero 'tong isa masyado! Unang numero pumasok sa utak ko ay... sixteen. Square root no'n ay four! Ah, ang talino ko talaga shet.

Napabaling ang aking tingin sa ikaapat na pinto. Nagliliwanag at kumikinang. Ito na 'yon! Itinadhana na ako para sa pintong ito. Naks naman this door.

"Pumasok ka na!" sabi ng sadistang ispirito.

Binuksan ko na ang pinto at napatitig sa kadilimang bumungad sa 'kin. Hindi kaya—

Bigla akong nakaramdam ng tulak mula sa'king likuran bago tuluyang mahulog, sa walang hangganang kadiliman.

"EPAAAAAAAAAL!"

~

Nang magising ako uli, tumumbad sa harapan ko ang kulay asul na kalangitan. Dinig na dinig ang ingay ng kapaligiran; mga nagdadaldalang Marites at mga tumitiling bata.

Tumayo ako at tumingin-tingin sa paligid. May mga kotseng dumadaan sa kalsada, mga tumatawid na tao, asong nangaamoy ng pwet... hmm, isang normal na araw sa bayang kinalakhan ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Nakasuot pa rin ako ng uniporme ng pinapasukan kong paaralan. Kulay puting may mahabang sleeves at may vest na rin na kulay dilaw na 'yung parang napapanood mo sa palabas. Tapos sa pang-ibaba, plain gray pants. Palibhasa, medyo sosyal kasi 'yung pinasukan kong school.

Medyo mabigat naman ang laman ng bulsa kaya sinubukan kong magtanggal ng laman. Sa pagkakalkal ay nakakuha ako ng mahabang lubid, tatlong blade, lagayan ng gamot na wala namang laman... at isang bag ng potato chips kong paborito!

Binuksan ko 'to agad at kinain pero tumagos lang sa katawan ko.

...

Why.

...Disappointment aside, kinalkal ko naman ang kabilang bulsa at nakakapa ng dalawa pang laman. Una ay ang paborito kong panyo, kulay pula pa ang peg. Ang pangalawa naman ay isang makalumang papel na 'di ko maalalang nailagay ko sa bulsa, nakatupi ng apat na beses. Binuksan ko ito at tumumbad sa'kin ang isang liham sa parchment paper, parang hinagisan lang ng kape.

"Rikko Miguel,

"Bago ka man litisin sa korte ng Langit at Impyerno, ipapaalam muna namin sa'yo na mayroon kang gawaing hindi pa tapos kaya't ang kaluluwa mo ay hindi pa mapapayapa. Ibinalik ka namin sa iyong mundo upang hanapin mo ang ikakapayapa ng iyong sarili.

"Bukod pa rito, kailangan mo ring pagbayaran ang mga ginawa mong kasalanan at gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa, habang hindi pa natatapos ang oras mo mamayani rito sa lupa.

"Sapagkat, sa hindi mo pagtupad ng bawat tungkulin na inilahatag sa'yo, ang kaluluwa mo ay unti-unting masisira at mawawalan ka na ng karapatan na ipaglaban ang iyong kahihinatnan.

( Assignment to be completed by 40 days. Completion date may vary from delaying factors. )

From: Langit and Impyerno <3"


...

Pagkatapos ko magbasa, nilamukos ko ang papel at binato sa kanto, na tumama naman sa asong umiihi. Ngumawa ito at tumakbo papunta doon sa may eskinita. Okay sorry, hindi ko naman sinasadya...

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na nga akong dahilan para bumalik sa mundong 'to, tapos magkakaroon pa ako ng ‘hindi natatapos na gawain’? Ano pa ba kailangan kong gawin dito? Akala ko ba tapos na ko?

Napatingala ako sa langit na tila bang naghahanap ng kasagutan. Ngunit pati rin pala sa kamatayan, 'di ako kaya bigyan ng malinaw na kasagutan.

Hala shet ang kyut ng Pomeranian don, oh!


~


"Bleh! Habulin mo ko!"

"Uy! Akin na kasi yung Barbie doll ko!"

Tilian ang mga batang naghahabulan sa likod ko. Tumagos lang sila nang madaanan ako, pero 'yung isa biglang nangatog.

Naisipan kong bumalik sa apartment ko at baka wala pang nakakaalam ng tinatago kong sikretong malupet. Napadaan ako sa mga aleng nagtsitsismisan at 'di maiwasang marinig usapan nila.

"Nena, alam mo ba? Doon sa apartment na tinitirhan ko, may nag-suicide daw!"

"Hala, di nga?" sabi ng isa.

"Oo nga, 'di ba, anak?" tanong naman ng isa sa katabi niyang teenager.

"Hanapin niyo pake ko," sagot ng bata habang nag-tatype sa cellphone niya.

"Kalaro niya kaya 'yon."

"Balita ko may Muscular Dystrophy daw 'yon eh."

"Grabe naman, kinaya niya magtali ng lubid sa kisame kahit meron siyang sakit na gano'n?"

Ah, nevermind. Grabe yung takbo ng balita sa lugar na 'to. Kailan ako nagkaroon ng Muscular Dystrophy? Sa'n ba nila pinagkukuha 'tong mga peyk news? Kay Barney the Pooh?

Hinayaan ko na lang dalhin ako ng sarili kong mga paa sa isang pamilyar na daan. Semento at napapaligiran ng mga puno't bukiran ng mga bulaklak, para bang sementeryo na. Nang makarating ako sa Academia de San Luciao, pakiramdam ko may katotohanan naman pala 'yung sinasabi nilang, "Anong school? Sementeryo muna!"

Ang ganda talaga pagmasdan ang paaralan na 'to sa may lapit ng kagubatan. Mas gumanda 'to lalo dahil sa mga disenyo sa taas at entrance gate ngayong Septyembre. May pa-event siguro sila sa nalalapit na festival, 'di ko nga lang alam kung ano tawag.

Sayang hindi man lang ako umabot.

Nagpagala-gala ako sa mga koridor at klasrum habang pinapakinggan ang mga tawa, daldalan at turo ng mga estudyante't guro. Nang tumunog ang Class Bell, nagsitakbuhan ang mga estudyante patungo sa kantina na may kaniya-kaniyang grupo. Masaya silang nagkukwentuhan, nagtatawanan at nagaasaran.

Bukod sa isang estudyante.

Sa isang babaeng nakaupo na wala man lang kasama. Halatang iniiwasan siya ng iba dahil walang taong nais tumabi sa bakanteng upuang kaharap niya. Umupo ako ro'n at nakititig na lang. Tulala siya sa malayo, matang maluha-luha. Wala siyang dalang pagkain.

Tahimik lang siyang nakatitig sa kawalan. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Mag-isa. Nakalimutan din 'ata baon sa bahay.

Nang tumunog muli ang Class Bell, kaniya-kaniyahang alis ang mga estudyante sa kantina. Tumayo na rin ang babae para pumunta sa sarili niyang klase. Napangiti ako bigla. Alam ko na kung ano gagawin ko.

~

"Porphyria Villaflores!"

Pagtawag ng galit na guro sa nakatulalang babae sa klase. Nagsitawanan naman ang mga kaklase niyang akala naman eh, hindi kumakain ng adobo at nagdadaldalan sa likod.

"Palagi ka na lang nakatulala! Hindi ka ba nakikinig?"

"P-pasensya na po," sagot ni Porphyria habang nakatingin sa paa niya.

"Hindi ka na nagaaral ng mabuti! Palagi ka na lang bagsak sa lahat ng mga test mo!"

Humakikhik naman na parang mga kinakatay na baboy ang mga babaeng kalapit niya.

Pang-apat na beses na 'tong nangyari. Kanina rin sa M.A.P.E.H., Physics, at Computer Sciences, pinatayo siya dahil sa 'di niya pakikinig— nakatingin lang sa bintana. Tuwang tuwa naman 'tong mga kaklase niya.

Nang matapos na ang Math Period, pina-dismiss na silang lahat. May mga dumaang babae kay Porphyria at hinampas sa mukha niya ang pinagmamalaki nilang mamahaling Loiusa Vittion na bag. No endorsing intended.

"Boba," sabi ng isa, tumatawa na para bang sinasakal.

Agad na tumayo si Porphyria at umalis sa klasrum pagkatapos no'n. Sinundan ko lang siya na parang multo— teka, totoo naman— at napadpad sa isang 'di pamilyar na daan. Mapuno pa rin dito banda, pero may senyales na ng sibilisasyon tulad ng tricycle terminal at lugawan.

"Sakay ka ma'am?" alok ng isang tricycle driver na gustong kumita ngayong araw.

"Hindi po, malapit lang bahay ko."

Pero hindi naman. Tumawid siya ng ilang kalsada, naglakad sa mga palayan, dumaan mula sa mga nagtsitsismisang mga matatanda bago makarating sa kaniyang bahay.

Pagbukas ng pinto ng bahay ay nagmamadali siyang nagtanggal ng sapatos na hinagis niya lang sa shoe rack. Dumiretso siya sa kwarto, nilapag ang bag at umupo sa kama.

Nagsimula siya magtanggal ng stockings niya nang maisipan kong, "Hala, baka maghuhubad na 'to."

Tumalikod ako bilang patunay na mabait akong nilalang, banal at maka-Diyos, nang makarinig ako ng hikbi.

Dahan dahan akong napatingin ako sa kaniya, at napansing nagbabadya na siyang umiyak. Hikbi siya nang hikbi hanggang tuluyan na siyang napahagulgol.

Siya lang ata ang nag-iisang taong napaiyak ng pagtanggal ng mediyas.

Okay wait, paano ba magpatahan ng umiiyak? Bigyan ng kendi? Teka sa bata pala 'yun. Nghh, parang mali kapag hahayaan ko lang siyang umiyak dito...

Sa dulo, napaupo na lang ako sa tabi niya. 'Di ko alam kung paano siya matutulungan, parang ang bigat masyado ng bagahe niya. Ano ba magagawa ko kung multo lang ako?

Ah, multo ako.

Napadpad ang tingin ko sa study table niya. Mayroong nakapatong na notebook doon. Kung mabubuksan ko 'yon... Heh heh.

...

...

...

Mukhang imposible.

Papel lang ito pero parang nagbubuhat ka ng malaking bakal!

Sa gitna ng panginginig ng mga kamay kong macho, nagawa kong buksan ang unang pahina. Pero may mga sulat na, kaya 'di ko masusulatan 'to. Pilit na lang akong napangiti sa kabila ng paghihirap.

Okay, 'yung susunod ulit.

~

Sana naman worth it 'to! Kanina pa akong naglilipat rito ng pahina para maghanap ng papel na walang sulat. Lahat naman pala nasulatan na! Gaano katagal akong naghirap para sa wala!

Ngayon, ito na ang ikalawang kuwadernong dapat kong buksan. Cue pagbukas ng page sound effects kasi mahina ako sa Onomatopeia.

Sa ngalan ng santong kabayo, mas madali ito kausa sa unang notebook. At wala ring sulat sa unang pahina. Jackpot. Inabot ko ang pencil holder at nanguha ng panulat. Isang red ballpen lang 'yung may tinta.


Oh well.

Kahit patuloy ang aking panginginig at pagtatae ng hawak kong ballpen, nakagawa ako ng isang pangungusap. Suavè at astiging handwriting. Tanda ko pa no'ng ako lagi 'yung inaatasang tagasulat no'ng grade three kasi mabait daw ako sa Noisy kapag binabayaran ng biscuit. Akala ko magaling lang talaga ako magsulat.

Nasira lang 'yung delusyon ko no'ng sabihin ni Ma'am na inaatasan niya lang ako para maayos ko raw 'yung sulat kong mukhang tinae ng kabayo. Her choice of words, not mine.

Anyway, kailangan ko magpapansin kay Porphyria!

"Psst, hoy!" Hindi siya natinag.

Kumuha ako ng papel sa sahig. Nilamukos ko ito hanggang maging bilog tulad ng itlog ni Donald Duck. Ano iniisip mo kaibigan?

Binatuhan ko si Porphyria. Tumigil siya sa pag-iyak, napatingin sa binatong papel. Sumitsit ako. Bumakas na sa mukha niya ang matinding takot.

Heh heh.

"Tuko!"

Napatayo na si Porphyria at hinanap 'yung pinanggalingan ng tunog, kabadong lumilinga sa paligid. "Uhm, tuko ba 'yun...?"

Mukhang napansin niya na ang nakabukas na notebook, kaya dumiretso siya sa study table. Sa una ay kumunot ang noo niya, tapos nanginig ang mga tuhod, saka—

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

Sa pagtili niya, tumakbo siya pabalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Napaisip ako, ano nagawa kong mali? Napa-kunot na rin ako ng noo kasi napaka-pangit ng reaksyon niya sa kabutihan ng isang nilalang na tulad ko. Akala ko naman matutuwa siya, bonus kapag kinilig.

Pero pagtingin ko sa notebook, saka ko lang napagtanto. Kitang-kita ang kapal ng pulang tinta na nakakalat sa pahina, manginig-nginig pa ang sulat, "HUWAG KA NA UMIYAK. NARITO LANG AKO SA TABI MO."

Oh, well. Nagawa ko naman siyang patahanin. At least 'di na siya umiiyak 'di ba?


1/15/22 ----------------

A / N : Yesu, re-published! Muling nagbabalik ang aking ( cringe ) na istorya! Nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa ngayon at sana pagtiyagaan ninyo ito hanggang sa dulo. Please 'wag niyo na pansinin 'yung imahe sa chapter na 'to. Wala akong budget, ih.

4/21/23 ----------------
A / N : Undergoing editing kasi bigla akong tinaasan ng balahibo habang nag-rereread  t∆t  Ang sabi naman ni Rikko, "Hit the star below bby, 'wag ka na mahiya."

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 54 12
Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang...
HIDE By peach

Mystery / Thriller

31.8K 910 39
Paano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong...
30K 1.1K 42
Complete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hi...
905 37 15
Nandito ka ngayon sa pinaka-madilim na bahagi ng wattpad, kung saan ang pagdilat ay kasalanan at ang pagpikit ay kamatayan. Hayaan mong tangayin ka...
Wattpad App - Unlock exclusive features