Many months have passed and we graduated
Wala pa ring paramdam si Lisa sa akin at si Bambam naman ay bumalik sa Thailand para sa business ng kanilang pamilya
I tried to contact Bambam pero ang secretary niya na lang ang sumagot dahil busy raw ito
•°•°•°•
"Rosé!!" sigaw ni Zero papasok sa kwarto ko dahil lumipat na siya dito sa bahay ko kagabi
"Ano na naman ba Z?" sagot ko
"Si Jisoo nanditoo!" sabi niya
WHAT? Nag ttext lang kami ah bat andito to?
Tumayo naman ako at sumilip sa bintana kung saan nakita ko si Jisoo na may dalang bulaklak at paper bag
"Girl, ilang buwan na yang nanliligaw sayo ah?" sabi ni Zero
Oo. 5 months nang nanliligaw si Jisoo sa akin. Simula kasi noong nagkakilala kami, naging mas close kami at nahulog daw siya sa akin sabi niya
Pero..
"Kung ako sayo, wag mo na yang paghintayin" advice ni Zero
Oo nga
Pinuntahan ko si Jisoo sa labas at hinalikan ko ang kanyang pisngi dahilan sa pagkagulat niya
"Parang hindi ka pa sanay ah haha" sabi ko sabay tawa
Tumawa na rin siya at ibinigay ang kanyang dalang bulaklak at paper sa akin
"For you, Chaengie. Beautiful flowers, and a paper bag full of your favorite snacks!" sabi siya habang nakatitig sa akin
"Thank you for this Chu! Pero why didn't you tell me na pupunta ka pala dito?" tanong ko
"I miss you eh kaya I went here and brought you your favorite stuffs" sabi niya
"That's so sweet of you Chu pero- " pinutol niya na yung sasabihin ko
"Pero pwede bang hindi na ako mag-abala sa pag-aaruga sayo kasi may mahal kang iba?" pagputol niya sa sinabi ko
Chu...
"I already told you Chaeng na maghihintay ako. Okay lang na hindi mo ako mamahalin pabalik pero please allow me to show you what I feel for you. Please Chaeng" mahinaon niyang sabi sakin habang hawak-hawak niya ang aking kamay
"Alam ko naman na ayaw mo akong saktan pero gusto ko lang kasi na ma feel mo na may napapasaya kang tao at may handang sasalo sa iyo kapag bibitaw ka na.. at ako yun Chaeng kaya maghihintay ako" patuloy niya
Nanatili lang akong nakatayo at dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso na para bang ewan
"Magpahinga ka na Chaengie. May trabaho pa tayo bukas kaya mag save ka na ng energy ha? Sunduin ko na kayo ni Zero dito" she said while tapping my head and went inside her car to go home
Oo nga! May flight pa kami bukas!
Ngumiti naman ako at bumalik na sa loob ng bahay. Nadatnan ko na natutulog na si Zero sa kwarto ko kaya pumunta muna ako sa veranda ng kwarto at tinitigan ang mga pagkain na ibinigay ni Jisoo sa akin
Bigyan ko kaya si Jisoo ng chance? Pero paano na si Lisa?
Try lang naman namin kung mag work. Pero paano na si Lisa?
Tinawag naman ako ni Zero at papatulugin na daw ako kaya pumikit ako saglit habang finifeel yung hangin
Sige, Jisoo. Let's give it a try
I opened my eyes and proceeded to bed kasi bukas na first day namin as a flight stewardess ni Zero habang magiging Pilot naman namin si Jisoo
•°•°•°•
"Chaeng!! Dalian niyo na ni Jisoo!" sabi ni Zero at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Hindi naman masyadong halata na excited na siyang magtrabaho ah
"Oo na, oo na teka lang" sabi ko at lumingon kay Jisoo
"Alam ko naman na kinakabahan ka. Don't worry, I'll be with you throughout this journey Chaengie" sabi niya habang hinawakan ang aking kamay at ngumiti dahilan sa aking pag kalma
"Jisoo, let's have dinner sa South Korea. Yung tayo lang dalawa" I said
She just nodded and gave me a small smile then walked out of the car to open the door for me
This is a dream come true
•°•°•°•
Finally! We landed safely here at South Korea, thanks to our awesome Pilot and the team ofc. As we went out from the airplane, we gathered so that we could proceed to the hotel we'll be staying in. Sa makalawa pa kasi flight namin pabalik sa Philippines
"Rosé!, dun ako sa bed na malapit sa window pleaseee" pagpapacute ni Zero
"Oh sure! By the way Z, I can't join you for dinner mamaya ha kasi I have something to do pa" sabi ko kay Zero
"Okay.. sasabay na lang ako sa iba nating ka team" sagot niya at may binulong sa akin
"Alam ko naman na mag ddate kayo ni Jisoo eh hehe take your time lang"
Ngumiti na lang ako at kinuha ang aking cellphone para mag message kay Jisoo na magkikita kami sa lobby ng hotel at 6 PM para mag dinner sa malapit na restaurant
Mamaya Jisoo, ikaw na papasayahin ko
I haven't noticed na nakatulog pala ako at ang tanging nakagising sa akin ay si Zero na dinaganan ako
"Gising na Rosé! May date ka pa in 10 minutes" sabi ni Zero na ikinagulat ko kaya nagmamadali naman akong mag-ayos ng aking sarili
"Okay na ba to, Z?" tanong ko
"Kahit ano pa ang suotin mo, magugustuhan ka pa rin ni Jisoo" sagot niya na may halong tukso
"Ewan ko sayo hahaha see you later Z!" sabi ko sa kanya at tumuloy na sa lobby
Nakita kong naghihintay na si Jisoo kaya linapitan ko na ito. Nakatingin lang siya sa akin na may malawak na mga ngiti habang papalapit ako sa kanya
"You're so beautiful, Chaeng" sabi niya nang makalapit na ako sa kanya
"Ikaw rin, Jisoo. Tara?" pag-aaya ko at naglakad na kami papunta sa restaurant na hindi naman malayo sa hotel na kung saan kami nag sstay
When we arrived at the restaurant, a man greeted us with a simple bow asking if we'll be having a table for two which Jisoo nodded as a response. We followed the man as he guided us at a table not that far from a little stage in the middle
"Here's the menu ma'am" said the man and handed us a menu
After we finished ordering, a girl went up to the little stage while bringing her guitar. And guess what? Siya yung idol ko na si Pat!! An international Filipino singer that has this soothing voice
"Alam mo bang pupunta dito idol mo, Chaengie? Parang planado mo lahat to ah" natatawang sabi ni Jisoo
"Hindi ah! Na shock nga ako nang nakita ko siyang umakyat dyan haha" sagot ko
Nagsimula nang kumanta si Pat at dinadama ko ang kanta
Sasabihan ko na si Jisoo
Natutuwang nakatingin lang sa akin si Jisoo at aakmang may sasabihin siya nang dumating na ang mga pagkain namin
"Diba may sasabihin ka sakin? Mamay na pagkatapos nating kumain Chaeng ha? Nararamdaman kong gutom ka na rin kasi" panunukso niya kaya tumawa na lang kami at kumain
Mamaya na lang
Nag kkwentuhan lang kami habang kumakain. Nauna pa akong natapos kumain kesa kay Jisoo kaya tumingin ako sa stage upang makita ko ang aking iniidolo na si Pat
Ibinalik ko ang tingin ko kay Jisoo na tapos nang kumain kaya nagsalita ako, "Chu... may sasabihin ako sayo"
She nodded her head as a sign for me to continue
"I.." tumingin naman ako sa may stage dahil tumigil na si Pat sa pagkanta. May babaeng pamilyar na nakikipag-usap sa kanya. Nang aalis na ang babae, napansin ko ang kanyang tindig na parang si..
Lisa?
"Chaeng? Sinong tinitignan mo?" tanong ni Jisoo na nakatingin sa banda kung saan ako nakatingin
"I can't Chu"
I pulled out my wallet and placed my payment enough for mine and Jisoo's meal, and stood up. Jisoo was startled with my actions so she followed me on my way out to where Lisa was
Nang nasa labas na kami ng restaurant, hinawakan ni Jisoo ang aking kamay at hinarap ako sa kanya
"Chaeng? Hey, why are you crying? Are you okay?" she asked
"Lisa was here, Chu. Nakita ko siya at sinundan pero wala Chu" naluluha kong sabi
"You can't because siya pa rin diba? I can wait naman Chaeng eh. I explained this to you kahapon diba na-"
"Chu, stop. I wanted to try pero I can't really remove her from my mind, from my heart. I really can't, Chu" pagputol ko sa sinabi ni Jisoo
"You can, Rosé. You can, but you don't and I understand you naman. She left you puzzled naman eh pero Chaeng, andito lang ako ha? I'm here for you as a friend, as a lover" sabi niya at niyakap ako
"I'm sorry Chu" sabi ko
Tahimik lang ang lakad namin pabalik sa hotel at nang makarating kami ay nagpasalamat lang kami sa isa't-isa at dumiretsyo na sa aming mga kwarto
Ikaw ba talaga yun Lisa?
Pumasok na ako sa kwarto at wala pa naman si Zero. Humiga na ako sa higaan at pumikit
Lumakas ang tibok ng puso ko eh kaya feeling ko ikaw yun. Alam ko yung tindig mo Lisa. Kilala kita
I sighed deeply
Ikaw man o hindi, you were a good dream Lalisa
•°•°•°•
Sa sumusunod na mga araw, linggo, at buwan ay pare pareho lang ang mga nangyayari. Hindi ko na nakita si Lisa mula noong nasa South Korea kami for work. I tried contacting her and Bambam after that pero nag change na yata sila ng number
Do you even remember me , Lisa?