4 months have passed mula nung nagkakilala kami ni Lisa at nina Xav and Zero
Pinakilala ni Lisa sa amin si Bambam na pinsan niya na galing rin sa Thailand
In that 4 months that we all shared, mas nakilala namin ang isa't-isa
Mas lalo na akong nahulog kay Lisa
Out of the three, si Lisa yung pinaka close ko. We were eachother's support. Just like what bestfriends do, we laughed, we shared our secrets, we travel around the city when we have time. Actually, we make time for eachother
We sleep at eachother's house kasi I'm living alone sa house ko and she's living with Bambam naman, we cuddle, we provide warmth para sa isa't-isa
That's what bestfriends do, right?
I was snapped out of my trance when Zero shouted
"Finally!! Exams are oveerrrr!!!!!!"
My classmates joined Zero screaming and clapping their hands
"Hey Rosé, let's celebrate later" Xav said as he approached me
"Ha? Saan?" tanong ko na si sinagot naman agad ni Zero na papunta sa amin ni Xav
"Celebrating sounds nice! Sabihan mo na yung girlfriend mo at pinsan niya, Rosé"
"Ha? Anong girlfriend?"
Ang supportive naman po ni Zero
"Ha ka nang ha. Pakainin kaya kita ng hatdog? Eh ang sweet niyo kaya to the point na parang hindi kayo mag bestfriend" sabi ni Zero
Eh bestfriend lang naman talaga kami
"Back to the topic, sa bar tayo" sabi ni Xav
Sa bar? Mag-iinuman kami?
Bigla naman umilaw ang aking cellphone dahil may na receive ako na message kaya tinignan ko ito
"Bat nakangiti? Si Lisa yan noh?" tanong ni Zero
Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako dahil lang sa simpleng text ng unggoy na ito
"Girl, sabihan mo si Lisa na sa X0X Bar tayo mamaya at 8pm tsaka tell her to bring Bammie" sabi ni Xav habang nakangiti nang malapad
Ganito ba talaga ka sweet ang isang Lalisa Manoban?
"Magkita na lang daw tayo dun gays" sabi ko
Tumayo naman kami sa kinauupuan namin at nagpaalam sa isa't-isa. Umuwi na ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako
•°•°•°•
I was awakened by the sound of my phone ringing and saw that it was Lisa calling
Hala 7:34 na!! Wala pa akong maisusuot!
I answered her call at nagmamadali akong pumunta sa cabinet para pumili ng damit
"Lisa! Sorry talaga because I overslept and could you wait for me for a bit kasi pipili pa ako ng da-"
"Kalma ka lang Chaeng haha wala namang sinabi na bawal ma late kaya take your time lang at pwede mo bang pagbuksan ako ng pinto because I'm so tired of standing here outside your door"
Outside my door?
Nagmamadali naman akong pumunta saking pintuan upang pagbuksan siya
As soon as I opened the door, she hugged me tight na para bang may pinaparating siya sa pamamagitan ng yakap
"Bihis ka na Chaeng, dito lang ako sa bed mo" sabi niya nang kumawala siya sa yakap
"Take your time" she added as she slumped herself on my bed
I think something's going on
Binalewala ko na lang yun at nagpatuloy aa pagpili ng susuotin ko. Nang may nakita ako na damit, I took my clothes off so that I could change
Yes, I am aware that she can see me almost naked sa harapan niya. Normal na samin to. Wala naman kaming ginagawa eh kasi bestfriends lang kami
Pagkatapos kong magbihis ay humarap ako sa kanya at natagpuan ko siyang nakatitig lang sakin
"Bakit ganyan ka makatingin Lalisa?" tanong ko
She just smirked at me
"Pervert!" sabi ko sabay bato ko sakanya ng kung ano yung hawak ko
Itinaas niya naman yung binato ko na denim short
"Who's the pervert now miss Park?" she said while grinning
I playfully rolled my eyes and pulled her hand saying, "Come on Lisa. They're waiting"
After how many minutes riding on Lisa's car that was filled with silence, we arrived at the bar. Pumasok kami at nakita naman namin na kumakaway sina Zero, Xav, at Bam
Tumungo naman agad kaming dalawa
"Wow, you're 8 minutes late tapos sabay pa kayo? I smell something fishy" sabi ni Xav
"Baka si Bam yung fishy" sabi ni Lisa kaya tumawa naman kaming lahat
Si Lisa at Zero na yung nag order ng drinks, si Xav naman ay may ka kwentuhan na lalaki, habang kami ni Bam ang naiwan sa table namin
Kay Bam ko na lang kaya tanungin? Baka may alam siya kung bat weird si Lisa ngayon
Kinalabit ko si Bambam dahilan sa paglapit niya sa kanyang tenga sakin
"May problema ba si Lisa? Bat ang weird niya ngayon?" tanong ko
Nakita ko naman ang pag-iba ng kanyang emosyon
"She just wanna be drunk right now so that she could tell you something that she's finding hard to say to you" he whispered
What?
"What do you mean Bam?" kabado kong tanong
"Hindi naman sa inuunahan ko siya, I'm saying this because I'm concerned about you both. Rosé, Lisa's mom wants her to go home to Thailand for good because her dad is sick. She'll be partially managing their company and continuing her studies there. Rosé, she's leaving tomorrow at noon" mahinahong sagot ni Bambam
Okay lang naman kasi mas importante talaga yung pamilya. Bestfrien-
"Ang lalim naman nyan beh" sabi ni Zero
Tinignan ko lang si Lisa na nakangiti lamang sa akin at binigyan ako ng vodka
Talaga bang masaya ka Lisa?
"Wag mong titigan, baka matunaw" panunukso ni Xav
Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy na silang magpakalasing
Time check: 1:56 AM
Wala nang umiinom samin dahil bagsak na si Lisa at Bambam. Kami na lang ni Zero at Xav ang sober dito kaya napasyahan namin na si Zero na ang magmamaneho sa sasakyan at maghahatid kay Bambam sa bahay nila at ako naman kay Lisa. Mag-isa lang uuwi si Xav kasi may dala naman siyang kotse at dun na didiretsyo sa bahay ng kanyang pinsan.
Tinulungan kami ni Xav sa dalawa patungo sa sasakyan at tsaka nagpaalam na kami sa kanya
Nagmaneho na ako papunta sa condo ni Lisa na ngayo'y nakatulog na sa gilid ko
Balikan mo kami dito Lisa ha?
Pagkarating namin sa condo, ginising ko siya para makapasok na kami. Inalalayan ko lang siya at sakto naman ang pagbuhos ng malakas na ulan nang makapasok na kami sa kwarto niya
She directly fell on the bed so I took off her clothes and wiped her body with a wet towel so that she'd be at least cooled. I trailed my finger from her face down to her neck and stopped on her abs
Nanunukso na naman abs mo. Kung hindi lang bestfriend turing mo sa akin, baka nagkasala na ako
Sinuotan ko na siya ng oversized shirt at kinumutan. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape at pinainom ko siya ng konti
Nakaupo lang aki dito sa may bintana, pinapanood ang bawat pagpatak ng ulan hanggang nagsalita siya
"Aint it refreshing?"
Liningon ko siya at nakita ko na nakapikit lang siya
The smell of rain through the window pane
I faced back to the window and closed my eyes. Then suddenly, a warm hug encloses me
"Chaeng, let's stay like this"
Ito na ba yun?
"Chaeng, I'm going back to Thailand tomorrow kasi need ako nila daddy. Babalik naman ako Chaeng at padadalhan ko kayo ng chocolates" sabi niya
"I understand, Lisa. Bam told me ahead of you basta mag-ingat ka dun ha? Wag mo akong kakalimutan" naiiyak kong sabi
"Mamaya na pala flight ko, Chipmunk. 12 PM. Send me off?" nahihiya niyang sabi
"Haha oo naman! I'll send you off" sagot ko
4:32 AM na pala. Dito na lang ako matutulog
"Dito na ako matutulog Lis ha? Umuulan pa kasi tsaka mamimiss kita kapag wala ka na kaya let's enjoy this small time to cuddle" sabi ko at nagtungo sa cr
Bumalik na ako sa kwarto at diretso akong humiga sa tabi ni Lisa. Tamang pagyayakapan lang
Aamin na ba ako? Natatakot ako eh baka kapag babalik na siya para sure na na hindi na siya aalis muli
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Agad ko naman itong tinignan at nakita kong si Zero ang tumawag kaya sinagot ko na ito
Nanginginig ang kanyang boses at hindi siya mapakalma
"Chaeyoung... s-si X-x-av nasa h-hosp-pital"
Lord, please don't
"Send me the address Z!" sabi ko
I wrote a note for Lisa to see when she wakes up saying na I left at 9:53 AM; Xavier needs me and I'll just be seeing her off
I booked for a cab and found my way to the hospital where Zero was waiting outside the operating room with some of Xav's family
"Z! What happened?" tanong ko habang nakayakap sa kanya at pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha
Tell me na okay lang siya, please
Nahihirapang sumagot si Z kaya tumingin ako sa cousin ni Xavier
"The investigators told us na she was on her way to our house on a rainy midnight. Nasa crossing na road siya ate at may malaking truck na nawalan ng brake at dun humantong mismo sa kanya" sabi ng pinsan ni Xavier
Nakatulog kami sa labas ng operating room habang naghihintay nang biglang bumukas ang pinto dahilan sa paglabas ng doktor at mga nurse
Bat ba ako kinakabahan? Please let this be a good news
Tumingin sa amin ang doktor at nag bow. Mga mata niya ay may pinaparating na pasensya..
"I'm really sorry guys, he lost a great amount of blood and his skull cracked. Time of death: 11:48 AM" sabi ng doktor
No Xav!!
My tears escaped my eyes, then suddenly I remembered the time
Hala! Si Lisa!! Kailangan ko munang magpaalam
Tumungo ako sa mga kamag-anak ni Xavier at nagpaalam ako na may aasikasuhin muna ako at babalik lang naman agad
Pagkalabas ko ng ospital ay pumara agad ako ng taxi at pina diretsyo na ito sa Airport habang tinignan ko cellphone ko
p.s(11:50 yan hehe sorry)
As soon as I arrived at the airport, I ran towards the gates, but as soon I saw that plane she's at took off, my knees weakened
I love you, Lalisa. Sa pagbalik mo, pupunuin kita sa pagmamahal
Tumalikod na ako at bumalik na sa ospital para tulungan si Zero at mga kamag-anak ni Xav
Ni hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sayo Xav