Patas ang Mundo Hindi ang Tao

By Edi-wow-pusa

513 159 29

"Libre lang Mangarap" Ika nga nila. Kahit sino Puwede Mangarap, mahirap, mayaman, may kapansanan, bata at ib... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 5

54 9 0
By Edi-wow-pusa

[Chapter 5]

Simula ng araw na 'yun hindi na ako inaaaar, binubully ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil ilag na ilag ang mga kaklase ko sa akin.

Gusto ko sanang itanong kay Bianca kung ano ang tinutukoy niya na pananakot kay Fiona at bakit nasindak ito ng ganun ganun nalang. Batid kong may nalalaman si Bianca sa Pamilya ni Fiona ngunit ayaw lang sabihin saakin ni Bianca.

Tinatanong at kinukulit ko siya noong araw na 'Yun pero paulit ulit lang ang sinasabi niya na

"Tinatakot ko lang si Fiona, w-wala Yun."

Hindi ko alam pero nararamdaman ko na Hindi sinasadya ni Bianca sabihin ang mga na sabi niya, pagkatapos kasing kumaripas ng takbo si Fiona nong araw nayun randam ko ang panginginig ni Bianca at gulat sa mukha nito na parang natauhan siya sa mga sinabi niya at bakas sa mukha ang pagsisi nito.

Nangyon ay araw ng ikalawang recitation namin,at absent si bianca.

Sa kauna unahan ay nag absent si bianca na walang pasabi,hindi ko alam ang dahilan at hindi niya sinabi saakin kung bakit hindi siya papasok ngayon.

Ayaw ko nalang isipin na pinag sisihan niyang pinagtangol niya ako kahapon,ayaw ko nalang isipin na ako ang dahilan kung bakit siya absent ngayon. Sana ay nasa mabuting kalagayan siya,sana maayos lang pakiramdam niya.Nagaalala ako .

Dumaan ang mga oras na hindi ko kasama si bianca,mabuti nalang ay kumain ako sa bahay bago umalis kaya hindi ako nagutom sa lunch break.dumaan ang mga subject namin na walang nag tatanong saakin upang mag paturo,hindi ko alam bat nararamdamn ko ito,seguro ay dahil ngayon lamang niya ako naiwan mag isa,Dahil hindi naman talaga kami nag aabsent ni bianca ng walang dahilan.

Pinag mamasdan ko rin ang bawat galaw ni fiona ng palihim,gaya ng iba ay hindi rin siya kumikibo,madalas siyang mag salita,at minsan ay tulala.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko iyun o ikakatakot ko ang mga di mapaliwanag na kilos na ginagawa nila.

Duman ang oras na recitation namin,ang English subject.don lang nag simula ang ingay dahil kaylangan mag salita ang iba kapag tinatawag, gayun din si fiona.nag sasalita rin siya kapag tinatawag siya ni maam.pansin ko ay hindi hinahanap ni maam edita si Bianca,hindi ko alam kung bakit hindi niya tinatanong kung nasan si biaca na madalas naman niyang ginagawa bago kami mag umpisa sa klase.

Natapos ang recitation namin ng maayos,natapos ang recitation namin na may nasisigawan dahil hindi masagot ang mga tanong ni maam.gayun paman ay natapos ito na may natutunan kaming lahat.hindi pa sasabihin ang score na nakuha namin lahat ay dahil kailangan pa itong e-compute.

Inayos ko muna ang aking mga gamit,at isa-isang pinasok sa loob ng bag ko. Lumabas ako ng aming silid na mag isa,wala si bianca na nag tatanong kung naintindihan ko ba ang lesson namin.

Ganun pala pag dimo lang nasakama ang taong nakasanayan muna ay parang nawala na sayo ang lahat.ang corny man pero na miss ko talaga si bianca. Sana pumasok na siya at maipaliawang niya kung siya nag absent.

"ate,wala ata si ate bianca?" napalingon ako sa aking likuran ng may nag salita.Ang kapatid ko.

"Wala eh, absent siya ngayon.Diko nga alam bat siya nag absent" ani ko.

Tumango tango nalang si bunso sa sinabi ko,at nag simula na kaming mag lakad pauwi.

Gaya ng dati ay kwentuhan sa mga ngyari saamin sa araw na ito,halos si bunso lang ang nag kukuwento sa nangyari sa araw niya ngayon at ako ay nakikinig lamang habang nasa baba ang aking tingin.

hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayon,wala naman kaming ginawang nakakapagod upang maraamdaman ko 'to.

sa halat ng sinabi ng kapatid ko ay wala akong naintindihan,lumilipad ang utak ko kakaisip sa mga ngyari saakin na simple lang naman kung titignan mo.OA ko nga seguro.

Naka uwi kami ng bahay na walang gulo na nadaan,medyo mainit init pa ang lugar namin sa mga pulis dahil sa ngyari na barilan nong nakaraang araw. May mga pulis paring nag iikot sa lugar namin,hindi ko alam kung may hinahanp paba sila dahil panay ang ikot nila kada barangay.

Nakarating kami sa bahay na wala sila inay at papa.

"bunso akina uniporme mo labhan kona yan,puntahan mo nalang sila inay at papa kila aling Melsi.don kanarin kumain ah"mahabang sabi ko habang hinuhubad ang aking suot na uniporme at isa isang isinilid sa basket ang aming mga damit.

"salamat ate,ako nalang mag dala ng pagkain mo dito alam ko namang pagod kapa eh.Para makapag pahinga ka naman" magiliw ngunit nag aalala nitong tugon.

Nginitian ko nalamang siya at dumeritso na sa likuran ng aming bahay upang mag laba,narinig ko ang pag sara ng pinto hudyat na luamabas na si bunso.

Ilang oras din ako nag lalaba dahil nilabhan ko narin ang mga damit nila inay at papa,kanina kopa hinihintay si bunso dahil sabi niya ay dadalhan niya ako ng pagkain ngnunit mag aalas sais na pero wala pa siya.

Napag desisyonan ko ng lumabas at mag tungo kila aling Melsi upang hanapin si bunso.

Dalawang bahay bago ang bahay ni Aling Melsi kaya pag labas ko palang ng bahay ay kitang kita na ang maliwang na bahay ni aling Melsi dahil sa mga ilaw at bulalak sa labas at mga nag susugal ay kita kitang may namatayan sa bahay na 'yun.

Maingay sa labas kung saan naroon lahat ng mga sugarol,panay ang sigaw ng iba at iyak ng mga sangol na bitbit ng mga ina nila na nag susugal rin.

Papasok na sana ako sa loob kung saan naka burol ang asawa ni aling Melsi ng makasalubong ko si bunso

"buso sabi mo hahatiran mo ako ng pagkain,kanina pa kita hinihitay"kunwaring galit kung sabi.

"ate sorry nakalimutan ko, si aling melsi kasi  nawawala"kabadong tugon nito.

"Ha? Panong nawawala"

"kanina pa namin siya hinahanap nila inay at papa,pati narin yung mga anak ni aling melsi kanina pa siya hinahanp"paliwanag nito

"ate kinakabahan na kami kung saan nag punta si aling Melsi"Habol pa nito.pati narin ang kamay ni bunso ay nanginginig na sa kaba.

Nag silabasan sila inay at papa mula sa loob,halata sa mga mukha nila ang pagod at kaba at kasabay non ay ang tatlong anak nila aling Melsi na nagsisi iyakan narin.

"oh edang andito kana pala kumain kanaba?"tanong ni inay kahit na may pag aala sa mata nito.

"busog papo ako nay,hanapin nalang muna natin si aling melsi" ani ko

"segurado kaba? Osya asan na ba si aling Melsi saan nanaman pumunta yun" nagaalalang tugon ni mama habang palinga linga nag babasakalig nasa paligid lang si aling Melsi.

"ate lian inikot niyo naba sa bahay niyo?"tanong ko sa isang anak ni aling Melsi

"oo edang kanina pa,jusko kinakabahan na ako.Ano bang buhay to" problemadong sagot nito.

"ate lian sa kuwarto nila ni papa hindi pa natin napuntahan"singit naman ng busno nilang kapatid na walang tigil sa kakaiyak.

Nandon lang kami sa labas ng pinto habang nag papalitan ng mga sagot ang mag kakapatid at nakikinig lamang kami dahil kahit kami ay walang idea kung saan naroon si Aling Melsi.

"Pero Bunso diba sabi ni mama bawal tayo pumunta don simula ng mawala si papa"malungkot na pag kakasabi nito.

"malay mo ate nandon lang si mama"pag pupumilit parin nito

"tama nga naman lian ,baka nandon lang si aling melsi" sagot rin ni inay na tila nabuhayan sila ng loob. " huwag kayong mag aalala ako na kakausap sa mama niyo kung sakaling papagalitan kayo"habol pa ni inay.

Napag desisyonan naming lahat na sabay sabay kaming aakyat sa taas. Ako si bunso,si inay at papa si ate lian at ang dalawa pa nitong kapatid.

Panatag naman na si ate lian saamin dahil kami ang pinaka close ni aling melsi sa lugar na ito.

Medyo malaki ang bahay ni aling melsi kumpara saamin na isa lang ang kuwarto, tatlo ang kwarto sa loob at isang cr sa baba. Medyo kaluma ang disenyo ng loob dahil medyo krema ang pintura ng pader nila at kaluma ang disenyo ng mga upuan pero nasa maayos pa ito na kondisyon.

Nag tungo kami sa ikatatlong kuwarto kung saan ang kuwarto ng mag asawa. Pintuan palang ay kaluma na ang disenyo kulay brown ito at maamoy mo ang amoy kahoy na nilagyan ang pang pakulay at pang pakintab.

"ito po ang kuwrto nila " ani ni ate lian habang nakatingin sa pintuan na tinutukoy niya,

Si inay na ang kumatok dahil walang balak kumatok si ate lian dahil sa takot na mapagalitan sila ng kanilang mama.

Kumatok ng tatong beses si inay"Aling Melsi?" pag tawag ni mama rito.Walang sumagot kaya kumatok ulit si inay.

Wala paring sumasagot kaya napag desisyonan ni inay na buksan nalang ang pintuan at di kami nabigo dahil hindi ito naka lock.

Dahan dahan binuksan ni inay ang pintuan at tumambad saamin ang malamig na k'warto at madalim, dahil naka patay ang ilaw pero makikita mo parin ang kabuohan ng silid dahil sa liwanag sa labas na nag mula sa bintanang naka bukas.

Naaninag namin ang isang babaing naka higa sa kama na animong natutulog.

"hayy nako aling melsi nandito kalang pala,kanina kapa namin hinahanap.Tignan mo mga anak mo umiiyak na akala namin saan kana pumunta natutulog kalang pala.jusko" Mahabang sermon ni inay na animong nakakatandang kapatid na sinesirmonan ang bunsong kapatid.

"Ano wala kang balak tumayo jan? Gusto mo hilain kapa namin palabas?" naiiritang tanong ni inay dahil hindi pa gumising si aling melsi.

Nanatiling nasa labas lang kami ng pinto pero naaninag parin namin sila inay at papa sa loob.tumigil narin sa kakaiyak ang tatlong mag kakapatid dahil nakita narin nila ang mama nila.

"lian asan ba switch ng ilaw niyo dito?" tanong ni papa.

Pumasok sa loob si ate lian at hinanap ang switch ng ilaw sa gilid ng pader at ng mahanap ay kaagad niyang binuksan .

Tumambad saamin ang naka higa na babae na may dugo sa parte ng leeg na hindi kaagad naming napasin dahil madalim ang silid kanina.

Kaagad lumapit si papa at si inay naman ay hindi makagalaw sa p'westo niya kanina,pumasok narin kami sa loob dahil sa nakita namin.nag sisimulang umiyak nanaman ang tatlong mag kakapatid dahil sa nakita nila.

Nanginginig narin ako dahil hindi na gumagalaw si aling Melsi at putalang putla na ang katawan nito.tinitignan ko si papa dahil sinusuri niya ang pulsuhan nito.nabigla nalang kami ng sabihin ni papa na wala na si aling Mesli.

At napuno ng luha sa silid nato.at sa araw na ito nasisiguro kong mag kasama na sila ngayon kung saan man sila naroon ngayon.

tatlong anak ang naiwang luhaan, dalawang tao ang lumisan.


















____

PS: sobrang tagal bago makapag update HAHAHA and im very happy na nakapag updatae narin yieee 

ENJOY READING!


















Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 362 13
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
67.9K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...