My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Onions

416 32 1
By HEYNEENAMOR

Ken's POV




AYOKO sa lahat ay yung taong nag-iinvade ng privacy ko. Masyadong matapang tong babaeng ito para pumasok sa kwarto ko. At parang takot na tigre naman ng makita ang alaga ko. Masyado naman niyang nilalapit yung sarili niya sa nakagatong na apoy.








Kakatapos ko lang maligo at nagmadali na akong nagbihis dahil luto na daw ang dinner. Anong klaseng beef steak naman kaya ang niluto niya.






Wearing my black t-shirt and gray jogger pants ay tumungo na ako sa dining table..















Pagdating ko doon ay halatang inip itong naghihintay sa akin. Walang gana akong umupo sa harap nito..












"Sigurado ka bang makakain yang beef steak na niluto mo?" bungad na tanong ko dito.







"Oo naman! Chaaaraaaaaan.." nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang luto nito. Beef steak nga... Pero yung sinabi kong more onions ay kabaliktaran sa ginawa nito.










"Isang pirasong onion???" inis na tanong ko dito..










"Ay bakit? Ano bang sabi mo?"











"I said more onions right?"








"Oh! Oo nga pala! Ito naman! Hindi pa ako tapos! More onions ba kamo? Chaaaaaraaaaan..." mas lalo akong nainis sa pinakita nito.. literal na sibuyas.. yung hilaw pa. malalaking red onions na nakalagay sa isang bowl..








"Anong gagawin ko diyan hah? Ako pang pagbabalatin mo niyan? Sinasama yan sa pagluto Miss!"









"Ow? Ang sabi mo lang naman ay more onions! Oh , ito na! More onions! Wala naman sa usapan na lutong onions diba?! Onions naman to.." pang-iinis nito.. Sinasagad niya talaga ang pasensya ko..









Pasalamat siya at gutom ako. Wala akong oras patulan ang sinasabi niya. Kumuha na ako ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain...




















Rita's POV


LIHIM akong napapangiti habang nakatingin dito. Nakailang sandok na kasi siyang kanin. Halata mong gutom na siya. Talagang inantay pa niya akong makauwi para makakain? Kung tutuusin ay pwede naman siyang magpadeliver ng pagkain kung nagugutom na ito.. Gusto lang yata talaga niyang mabwisit dahil sa akin eh. Aba, G na G din talaga no? Tingnan natin kung makakatagal ka na kasama ako.








"Nabusog ka na ba?" tanong nito sa akin kaya nabalik ako sa wisyo..









"Hah?"






"Kanina mo pa ako tinititigan.. Nabusog na ba kita? Well, mas masarap parin ako kaysa sa niluto mo.." seryosong sabi nito kaya napasandal ako sa upuan at madiin kong hinawakan ang tinidor tsaka ko kinalabog ang lamesa.. Pero kamay ko lang din ang nasaktan dahil gawa sa matigas at mamahaling kahoy ang dining table ko.. Karma. Gabi na!!!








"Ah talaga ba? Kaya pala nakadalawang plato ka na diyan! Aminin mo na kasi, nasasarapan ka sa akin—- I mean sa niluto ko.." pinagpawisan ako bigla sa nabanggit ko. Kinabahan ako ng unti-unti itong nag-angat ng mukha at ngayon ay nakatingin na naman sa akin..



Napansin kong unti-unti itong umiling. Teka! Bakit ako naiinsulto sa iling na iyon???



Sa bwisit ko ay mabilis kong tinapos ang kinakain ko at niligpit ko na ang mga plato sabay tambak nito sa sink.. Magkasunod lang kaming natapos at naabutan pa niya akong inaayos ang mga plato sa sink dito sa loob ng kusina.. Pagkalagay niya ng mga pinagkainan niya ay tumalikod na ito pero hinaltak ko ang t-shirt nito sakto lang para mapahinto siya sa paglalakad..








"Hoy! Saan ka pupunta aber??? Ako ang nagluto diba? So ikaw ang maghuhugas ng mga plato na iyan.." sabi ko sabay turo ng mga tambak na plato pati na rin yung pan na pinaglutuan ko ng beef steak..










"What?"









"Huwag mo akong ini-english diyan hoy! Huhugasan mo to or huhugasan mo??" tanong ko dito. Inis siyang nakatingin sa akin at umiling..








"Ken! Huhugasan mo ito and that's final!!!" sabi ko dito..











"Babayaran na lang kita para hugasan yan.. Wala akong time, may mga gagawin pa ako. Sabihin mo lang kung magkano.." sabi nito at nagsimula na naman itong naglakad..










"Ano? Hoooy! Hindi ako katulong dito!!"












"Wala naman akong sinabi, nag conclude ka agad.."










"Ganyan ka ba talaga? Pera ang pinapagalaw mo para may gumawa ng mga bagay para sayo? Unlimited naman pala ang pera mo, bakit hindi ka na lang bumili ng bagong bahay at lupa at iwan mo na to sa akin ng libre!!"











"This. is. my. House." halata sa boses nito ang pagkakadiin ng bawat words.. Bakit ba ayaw niyang isuko ang bahay na ito? Anong bang meron dito at hindi niya maiwan-iwan..














Wala akong magawa kundi titigan na lang ito habang naglalakad pabalik sa loob ng kwarto niya.. Irita akong nagsimulang maghugas ng mga pinagkainan namin..










Mabuti nga at hindi nabasag ang mga plato sa paraan ko ng pagkuskos ng sponge eh. Irita talaga ako sa lalaking ito kahit kailan!!! Medyo okay na yung araw ko kanina eh dahil kay Oliver pero pag-uwi ko naman ay ito ang madadatnan ko.. Haaayst!!!








Nakatingin ako sa orasan. 11pm na pero wala parin akong naririnig na kakaibang ingay sa kabilang kwarto. Tulog na kaya iyon? Himala yata? Walang rambulan tugs tugs sa kabilang kwarto ngayon.. Nakatulog sa kabusugan? Tss..


I opened my laptop para ipagpatuloy yung pag edit ng content na pinasa ni Iza kanina.. Bago maubos ang kape na iniinom ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Oliver.. Oliver??? Muntik na akong masamid sa iniinom kong kape at napatayo ako.. Tinitigan ko ang pangalang rumehistro sa phone ko. Text nga from Oliver!!!










From bebe Oliver

"Hey Dani! Do you have plans for tomorrow? How about we grab drink or coffee if you're free?"








Ilang beses kog binasa. Totoo ba ito or nanaginip lang ako? NIYAYA BA AKO NI OLIVER MAKIPAG DATE?? OMG! Ito na ba ang sagot sa lahat ng dasal ko? Huhuhu..




Napapakagat ako sa labi ko habang mabilis na magtitipa ng isasagot ko kay Oliver..










"Okay, let's meet! Where and what time?" reply ko dito..







"Have you tried Coffee Luminous? I swear, the coffee is so good! Hmm, 9am ?"










"See you!"
















Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at nagpipigil ng tili.. Hindi ako makapaniwala!!! Date yun diba??? Date yun!! Huhu!!


Mabilis akong tumungo sa closet ko at naghanap ng pwedeng isuot para sa date namin bukas.. Dapat ay maging espesyal ang ganda ko bukas dahil first date namin yun!!!






Ewan ko na lang kung makakatulog pa ako nito. Si Oliver naman kasi! Late na talaga magpakilig? alas onse??? Eeeeeeh!!!




























Maaga akong nagising at kumain ng breakfast.. After ko magshower ay nagtry ako ng sangkatutak na mga dress ko.. Nang makapili ako ay agad kong inayos ang mukha ko.. Nilabas ko lahat ng mga make up na binigay sa akin ni Camille at Tosh.. May pakinabang din pala ang mga ito. Magagamit ko na din.




Matapos ang higit dalawang oras ay natapos din ako sa pag-aayos sa sarili ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin bago ko kinuha ang sling bag tsaka lumabas ng kwarto. Sabado naman ngayon kaya wala naman yatang masyadong traffic.Paglabas ko ng kwarto mo ay napahinto ako sa paglalakad ng makita mo mula sa harap ko si Ken na may kahalikan. Nakapaibabaw ito sa babaeng nakahiga sa sofa..



Kita mo yan! Napakaaga at hindi talaga makatiis ng walang sex sa isang araw? Sino naman kaya tong babaeng katuklawan niya?
JUSKOOOO!! KAILANGANG KO NA NAMANG MAGPALIT NG COVER NG SOFA!! MADUDUMIHAN NA NAMAN !!! grrrrr!!!





Napatigil sila sa ginawa nila at sabay silang napatingin sa akin.. Inirapan ko lang sila tsaka ako nagmadaling lumabas ng bahay.. Taas noo ako maglakad padaan sa kanila tsaka ko finlip ang hair ko.. Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ng matapilok ako pero hindi naman ako nadapa.. Dedma lang ako kahit medyo nahihiya ako sa nangyayari.. Bakit ako yung kinarmaaaa! Wala akong ginagawang masama! Sila yung masakit sa mata! Grrrr.. Irita akong nagpara ng taxi papunta sa Coffee Luminous..




Plakado yung make up ko eh, pinipigilan ko talagang sumimangot buong biyahe dahil sa eksenang nakita ko.. Juskooo, kumukulo na naman ang dugo ko sa lalaking iyon talaga!!! tsss








Pagdating ko sa meeting place ay humugot muna ako ng lakas ng loob na humarap kay Oliver .. Ito yata ang first time na kakain kami na dalawa lang kami, madalas kasi ay nakakasama namin ito sa dinner or lunch out pero with my whole team.. Paunahan panga kami minsan ni Toshy para makatabi si Oliver sa upuan.. Syempre, lagi akong talo dahil kahit bakla si Toshy ay mas malakas ito. Natatawa na lang si Iza at Camille sa amin. Si Oliver naman, patay malisya lang..






"Hey! Dani!" napalingon ako dahil narinig ko na ang napakaganda nitong boses. Siya ang bukod tanging tao na tumatawag sa akin ng Dani and I felt special. Charrot. Bakit ba! Eh sa kinikilig ako eh!


Sinalubungan ko siya ng malaking ngiti at lumapit ako sa kanya.. Nasa isip ko na ang bumeso pero pinangunahan ako ng hiya. Pero nagulat ako ng lumapit ito sa akin at siya na mismo ang nag insist ng beso. HOY! BAWING BAWI ANG UMAGA KO! 100 points agad ako!! Sorry ka na lang Toshy!!



Actually, ipinaalam ko na ito sa team ko na magkikita kami ni Oliver, pero hindi sila naniniwala. Bahala sila.









"Sorry, kanina ka pa?" tanong ko dito.





"Actually kakarating ko lang din.."





"So bakit gusto mong nakipagkita today?" bungad na tanong ko dito..







"Sabihin na lang natin na I want to know you.. Ilang taon ka na ulet sa Ka-Vogue?"





"5 years.."






"5 years. Matagal na din pala. Pero bakit parang kailan lang no? Ang bilis ng panahon.. Bakit ka nag stay?"





"Ayaw mo ba?" biro ko dito at ngumiti ito.








"Dani, madaming opportunity sa paligid, magaling ka pero you stayed sa Ka-Vogue for 5 years.."






"I love my work and the people.. Kung nahanap  ko na yung trabahong kampante ako, bakit ako aalis diba?"






"In belf of Ka-vogue , thank you for staying sa.. "





"Ano ka ba! Bihira na lang sa mundo ang may magaling na boss tulad mo!" ngumiti na naman ito . Grabe naman yung dimple!!!








"Magaling kayo eh. Hindi na ako nahihirapan pa.."



























Hindi ko alam kung matutuwa ako or what habang papauwi ako. Akala ko ay intimate date ang mangyayari pero hindi. Puro about work lang naman ang pinag-usapan namin. Hindi manlang ako niyayang manood ng movie or mag shopping. Pero marami itong tinuro sa aking techniques sa editing kaya okay na din. Para akong nakalibre ng workshop sa isang boss. Pagdating ko ng bahay ay walang katao-tao. Tapos na sigurong magsunggaban yung dalawa. Irita akong napatingin sa sofa..







MAG PAPA-LAUNDRY AKO NG DI ORAS ! BWISIT NA LALAKI NA YAN!!! Matapos kong magpalit ng damit ay mabilis kong pinalitan ang sofa cover at pinadala sa laundry shop. Gastos na naman. Tsk.






Pagbalik ko ng bahay ay nakabukas na ang ilaw sa sala kaya nagmadali akong pumasok para talakan yung lalaking Tsinoy na iyon.











"Sinong nagsabi sayong umupo ka sa sofa ko hah?" inis na sabi ko kay Ken dahil naabutan ko itong prenteng nakaupo sa sofa at nakadekwatro pa! Hindi ko alam kung saang lupalop ba ito nanggaling.








"Pwede ba, kakauwi ko lang.. Tumahimik ka muna.." irita ding sabi nito.










"Tahimik? Wala tayo sa simbahan or library para tumahimik ako hoooy!! Nasa bahay kita kaya mag-iingay at magtatatalak ako hanggat gusto ko!!"









"I'm tired." rinig kong bulong nito..















"Ikaw lalaki ka! Kung gusto niyong gumawa ng kahalayan ng mga babae mo, pwede bang iwasan niyo naman na abutan dito sa SOFA ko? Gagawa na lang kayo ng dumi pwede bang sa kwarto mo na lang??! Yung furnitures and appliances, sige na.. Sayo na lahat yun! Yung nasa loob lang ng kwarto mo.. Dumihan mo yun, babuyin mo hanggat gusto mo pero please lang.. WAG NA WAG DITO SA SALA or SA SOFA KO. MAHAL TO."











"Wala kaming ginawa dito sa sofa mo, wag ka mag-alala.."














"Walang ginawa? Eh halos magkapatong na kayong dalawa kanina! Ano yun? Nadapa ka lang tapos nadaganan mo siya?? Tsss.." nabwisit ako ng bigla itong natawa..









"Anong tinawa-tawa mo hah?" inis na tanong ko dito..

















"Fine. Sa kwarto ko lang. Hindi na dito sa sofa or sa kahit na anong parte ng bahay mo.. So malinaw tayo sa ginagawa ko hah? I'm allowed."














"Ngayon ka pa magpapaalam eh ilang babae na ang pinasok mo sa kwarto mo!!!"

















"Hindi ako nagpapaalam Miss. Kinaklaro ko lang sayo.. Tsaka kahit anong gusto kong gawin sa bahay na ito ay gagawin ko dahil akin din ito. Hindi ko lang papakialaman ang mga gamit mo dahil sayo ito pero ang bawat sulok ng bahay na ito ay pagmamay-ari ko din.. Hindi mo ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin.."













"Duuuuuuuuh! Whatever!!" sabi ko dito sabay irap. Napansin kong seryoso itong nakatingin sa akin..













"Hindi mo sineseryoso yung sinasabi ko?" seryosong tanong nito kaya napaayos ako ng tindig at napalunok ng laway..









"Hindi." mataray na sagot ko.










"Ewan ko sayo." iritang sabi nito sabay lakad papasok muli ng kwarto niya.. Natawa ako ng mag walk out na naman sa harap ko ang malanding iyon.. Anong akala niya? Papatalo ako sa kanya sa pagmamay-ari ng bahay na ito? Akin to at akin lang. Kakayod ako hanggat mabigay ko sa kanya ang halaga ng pagkakabili niya sa katabing lupa na kinattitirikan ng bahay na ito.. Sa akin lang dapat ang bahay at lupa na ito. Sa akin lang.













❤️

Continue Reading

You'll Also Like

39.1K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
12.6K 712 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
26.9K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴