Catch me BY YOUR Wings

By Lexybrin

276 199 58

Sa iyong muling pag-gising, ibang ala-ala sa iyo'y mabubura. Rinig kong sabi nya sa isipan ko habang nilalaba... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 1

45 31 15
By Lexybrin

Clevrince Cleamonte

Nagdadrive ako ng kotse pauwi sa bahay. Kagagaling ko lang sa isa sa mga pinaka sikat na bar dito sa Cebu, medyo nahihilo at nanlalabo na ang paningin ko dala ng sobrang pag-inom habang nagda drive.




Napapikit at napahawak ako sa sentido ko ng bigla itong sumakit. Pero biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ang tila nalaglag sa harap ng kotse ko pababa sa kalsada, dali-dali akong bumaba para tingnan kung ano yun.




Ang kaninang nahihilo at nanlalabong paningin ko ay biglang nawala ng makita ko ang isang babaeng nakapikit habang namamalipit at pilit na tumatayo pero sa itsura nya, mukhang hindi nya kaya.




"Shit! Nakasagasa ata ako!" Nag- papanic sabi ko bago ko sya nilapitan.




"Miss! Miss! ok kalang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya ng malapitan ko sya.




Pero napatulala ako nang magmulat sya ng mata. Napaka ganda, para kang mahi hypnotize sa mga tingin nya sa sobrang ganda ng mga mata nya.




Nakipagtitigan sya pero nagulat ako ng bigla syang himatayin kaya nataranta akong buhatin sya at dalhin sa loob ng kotse ko.




"Damn it! What I have done?!" Inis na bulong ko at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.




Sa sobrang taranta ko, kung saan ko nalang pinark ang kotse ko at nagmamadaling binuhat yung babae at pinunta sa condo ko.




Nanginginig kong sinwayp yung card sa pinto at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko sya sa kama or sa couch, dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung may hihiga sa kama ko maliban sakin, but I afraid she might fall again in the floor and get herself hurt again because of me. And I don't think of what I feel when it's happened, maybe I become more guilty of what I've done so I slowly lay her to the bed. After that, I immediately called my personal doctor.




"Hello Mr. Chavez I need you here right now, mukhang may nasagasan ata ako at biglang hinimatay!".




"Ok Clevi calm down ok? papunta na ako dyan."




"Sige salamat" I said and turned off the call.




Naglakad ako at nilapitan yung babae, ngayon kolang napansin na sobrang ganda at napaka amo ng mukha ng babaeng ito, para syang Anghel na bumaba sa langit. Ang kanyang bilugang mukha, ang mahahaba nyang pilikmata, ang matangos nyang ilong, ang hugis puso nyang mga labi at ang pisngi nyang mamula-mula na parang ang sarap pisilin. At hindi lang iyun ang napansin ko, daig nya pa ang mga mayayaman at artista sa sobrang puti at kinis ng balat nya, pero ang pinagtataka ko, kakaiba ang kanyang pananamit. Isang mahabang damit na hanggang tuhod, ang itsura nito ay parang gawa sa balat ng hayop na hindi mawari.




Iniwan ko sya saglit sa kama ko at nagpuntang kusina para uminom ng tubig, maya-maya lang may nag doorbell.




Lumapit ako sa pinto at binuksan ito, bumungad sakin si Mr. Chavez dala ang mga kit nya at doon bumalik ang pagkataranta ko ng maalala kung bakit sya naririto. Dali-dali kong niluwagan ang pinto para makapasok sya.




"Asan yung nabangga mo?"




"Andito" Iginaya ko sya sa loob ng kwarto ko kung nasaan yung babae.




"Jusmiyo!" Agad akong napatingin sa kanya nung sinabi nya yon ng makalapit kami sa kama ko. "Tao paba toh?" Turo nya duon sa babae, binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.




"Ba-bakit?" Kinakabahang tanong ko.




"Hindi makatarungan ang ganda nya, para na syang anghel sa sobrang ganda" Tila nagugulat na sabi nya habang nakatingin sa babae, napailing nalang ako sa reaction nya, tss akala ko kung ano na.




Pinapanuod ko habang chinecheck ni Mr. Chavez yung babae. Lumapit ako sa kanya ng matapos nyang tingnan.




"She's fine right?" Hindi mapakaling tanong ko.




"Calm down Clevi, she's fine but she need a rest for a while, wala namang nadamage sa kanya." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya. "Pero bat ganon, kung nasagasaan mo sya bakit wala manlang syang galos sa katawan." Nagtatakang ani nya, kahit ako nagtataka ren dahil ang lakas ng impact nya kanina sa kotse ko, kaya kataka-takang wala manlang syang natamong sugat.




"Hmm by the way hindi rin ako magtatagal, masyado ng late" Sa sinabi nyang yun napatingin ako sa wristwatch ko at tama nga sya dahil alauna na ng umaga.




"Sige salamat at sorry sa abala" Paghingi ko ng paumangin na sinagot nya lang ng tango, hinatid ko sya sa labas ng dorm at nagpaalam bago bumalik sa loob.




Pumunta ako sa loob ng kwarto at nakita kong mahimbing ang pagkakatulog nung babae, kinuha ko ang kumot at inayos hanggang bewang nya dahil nakakailang tingnan yung mga binti nyang sobrang kinis at puti. Balak ko sanang mapalitan sya ng damit dahil narumihan sya, but wala akong ibang kasamang babae dito upang palitan sya, so I have no choice kundi hayaang syang matulog ng ganyan.  Hininaan konalang yung AC para hindi sya lamigin.




Iniwan ko sya duon at dumiretso ako sa Cr para magshower. Pagkatapos kong mag shower, tinapis ko sa baba ko ang towel at nagtoothbrush.




Pagkatapos kong magbihis, dumiretso ako sa couch to sleep. I don't want to sleep with her, baka maisip nya kinabukasan na may nangyari sa amin.








Nagising ako ng may maamoy na parang nasusunog. Napatingin ako sa kama ko at nakita kong wala na doon yung babae.




Pumunta ako sa kusina dahil parang doon galing yung naamoy kong amoy sunog.




"Shit!" Nanlalaking matang nakatingin ako sa kalan na sobrang lakas ng apoy, nagmamadali ko itong pinatay. Tinanggal ko ang takip ng kaldero na nakasalang.




Nanlulumo akong nakatingin sa sobrang dami na kanin na nasunog lang dahil hindi nahinaan ang apoy.




Tsk sayang!




"Tabi dyan bata, papatayin ko yung apoy" Napatingin ako sa likod ko kung saan may nagsalita. Nakita ko yung babae na nasagasaan ko kahapon na may dalang timba na puno ng tubig.




"Asan? Asan nayung apoy?" Nagtatakang tanong nya sakin.




"Anong ginawa mo?" Tanong kona ang tinutukoy ay yung nasunog na kanin.




Sa lahat ng ayaw ko, ayaw na ayaw ko yung may nasasayang napagkain, sapagkat sobrang daming tao na nagugutom sa lansangan.




"Ahm napanood ko kasi galing sa itaas, I mean sa tv na pag nakikitira ka sa ibang bahay, kailangan mong gumawa ng mga gawaing bahay, kaya nilutuan kita balak ko din sanang lutuan ka ng ulam pagkatapos nito, pero---" Hindi kona sya pinatapos, kasi parang nag eenjoy pa syang mag kwento dahil nakangiti sya habang sinasabi yan.




"Wait, did you say nakikitira?" Tanong ko at naguluhan ako ng mas lumawak ang ngiti nya, nag-iwas ako ng tingin dahil parang mahi hypnotize na ako sa ganda ng ngiti at mga mata nya.




"Diba yung tagalog nyan, Sandali, sinabi mobang nakikitira? Tama ako no?" Ngiting-ngiting sabi nya at bahagya pa akong napatalon ng lumapat ang kamay nya sa braso ko, para akong kinoryente dahil sa hawak nya.




"Dali naah, tama ako noh?" Pangungulit nya sakin at bahagya nya pa akong niyugyog.




"Are you crazy?" Naiilang na tanong ko dahil sa hawak nya, kaya tinanggal ko ito.




Nahihibang na ata tong babaeng toh, mukang may sayad pa yata.




"Ano yun?" Biglang kumunot ang mga noo nya sa sinabi ko.




"Wala dyan kananga!" Inis ko syang iniwan doon.




Ako pa ata ang mababaliw sa pinag-gagawa ng babaeng to.




Bumalik ako sa kwarto ko ng maalalang hindi kopa pala nagagawa ang morning routine ko, kumuha ako ng towel bago pumasok sa Cr pero...




"What the!"




A/N

Sunday will be my next update :)

*Don't forget to vote and comment*

Continue Reading

You'll Also Like

286K 6K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...