Chasing Lifetime (Chasing #5)

By Pezzaaa

6.9K 274 89

Kim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that... More

Chasing Lifetime
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Chasing Lifetime

Chapter 35

170 7 3
By Pezzaaa

"Kim?" Bakas din ang gulat sa mukha ni Brixel nang makita niya ako. "You're the buyer?"

I nodded. "Yup. Sa'yo pala iyong kotse."

"Magkakilala kayo? What a small world!" ani Ivan.

'Di lang basta magkakilala and what a small world talaga!

"So ito na nga, Ms. Kim, 'yong deed of sale." Inabot sa akin ni Ivan ang isang envelope.

"Do you still want to buy it?" tanong ni Brixel.

I tried my best to atleast give him a genuine smile kahit alam kong imposible kong maibigay iyon.

"Oo naman, bakit hindi?" Pakiramdam ko nga ay mas lalong nagustuhan kong bilhin. Sayang ang mga memories, bakit kaya binebenta 'to ni Brixel?

He nodded. "Okay. I just came here to meet the buyer and I know you will take care of Ratel."

Parang kinurot ang puso ko.

Ratel

I miss calling him Ratel. So Ratel pala ang pangalan ng kotse niya. Bakit hindi ko 'yon alam?

Pinilit ko ulit na ngumiti. "I will, Brix."

He smiled at me. "I know you will."

Damn! Bakit parang kinilig naman ako bigla?

Hindi na rin nagtagal si Brixel. Hinintay niya lang akong pumirma sa deed of sale tapos ay umalis na rin siya.

"Sige na, idrive mo na 'yong dream car mo."

Naningkit ang mga mata ko kay Chester. "Tumigil ka nga, wag mo akong asarin." Lumabi pa ako.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Paano nangyari 'yon?"

"Mukhang bang alam ko? Kahit naman ako ay gulat na gulat din. Of all people, diba?"

Tanging nakakalokong ngisi na lang ang isinagot ni Chester sa akin.

The moment I drive his Everest I couldn't stop my tears from falling, thousands of memories hit me.

Naalala ko 'yong mga panahon na hinahatid niya ako sa school tapos ay susunduin para ihatid sa Swiftea at matapos ang duty ko sa Swiftea ay ihahatid naman niya ako sa bahay. Tila naging driver ko siya noon but he didn't mind. I remember our roadtrips, how he held my hand while the other was in the steering wheel. I remember everything all too well.

"Tangina! Totoo ba?"

Halos lumuwa ang mga mata ni Kyril sa gulat.

"Totoo nga! Ayan, o!" I switched the camera to back camera ng phone ko para makita nila ang kotse ni Brixel na nabili ko.

Nagtitili naman si Briana. "Nakakakilig! Grabe naman maglaro 'yong tadhana! Alam na, girl!"

"Baliw ka! It's just a coincidence."

"Baka destiny!" pang-aasar din ni Vera. I just rolled my eyes.

Hay naku! Bahala kayo!

Pero teka? Ba't parang kinikilig ka Kianna?

Agad ko naman na ipinilig ang ulo ko dahil sa kung anu-ano nanamang naiisip ko.

Mabilis na nagdaan ang mga araw at natuwa naman ako sa binalita ni Briana na Dito na raw siya muna titira sa Maynila para tulungan si Brixel sa pamamalakad ng company nila, mukhang sariling choice ni Briana 'yon dahil panigurado ay hindi naman siya pipilitin ni Brixel na tumulong kahit na nahihirapan na siya. He always wants her sister's happiness and I really admire him for being a good brother, for being a good man.

Hay! Feeling ko kahit na mawala ang feelings ko para kay Brixel ay hindi na mawawala ang admiration ko for him, he's really one of a kind. Makakahanap pa kaya ako ng katulad niya? Wait, talaga bang katulad niya ang balak mong hanapin, Kianna Michaela? Oh great! Mukhang wala ka naman talaga atang balak na magmove on.

Napahilamos pa ako sa mukha ko dahil hanggang sa ngayon ay si Brixel at si Brixel pa rin ang naiisip ko.

I took a sigh.

Sayang.

Saturday and it's my rest day. Tamad na tamad akong kumilos at gusto ko lang humiga buong araw pero hindi naman pwede dahil kailangan ko rin maggrocery dahil wala na akong kakainin at isa pa ay kailangan kong bumili ng laptop dahil 'yong laptop pa na ginagamit ko ay pinahiram pa sa akin ni Andrea at ngayon ay tuluyan nang namaalam.

I just wear a simple plain white shirt and a ripped jeans then I pair it with a white sneakers. Kinuha ko ang sling bag ko at sumakay na kay Ratel, 'yong Ford Everest ni Brixel.

"Hi Ratel. How are you?" pagkausap ko pa sa kotse na akala mo ay may kakayahang sumagot sa akin.

Medyo traffic kaya inabot ako ng 30 minutes sa bago makarating sa pinakamalapit na mall sa bahay. At oo nga pala, last week ay nakalipat na ako sa bahay na nabili ko kay Chester.

Hindi pa ako naglalunch kaya kumain muna ako sa isang fast food bago pumunta sa cyber zone at huli ko nang pupuntahan ang supermarket para maggrocery.

Papasok ako sa isang gadget shop nang may namataan ako.

Si Yua ba 'yon?

Kakalabas niya lang sa kabilang shop.

I don't know pero nagmadali akong pumasok sa loob ng shop para hindi niya ako makita. Dahan-dahan akong lumingon para tignan siya muli.

Para saan ang pagtingin, Kianna?

Grabe! Ngayong napapalibutan siya ng mga bodyguard ay malalaman mo agad kung gaano siya kataas. She's very sophisticated, elegant. And Brixel is such a lucky man. Hindi mapigilan ng mga nadadaanan ni Yua na lingunin siya. Para siyang kumikinang at imposibleng hindi siya makita. Sa front glass window nitong shop ay nakita ko ang reflection ko.

I'am nothing compared to Brixel's fiancèe.

Balak ko na sanang ialis ang tingin ko kay Yua na nasa katapat na shop nang makita ko kung sino 'yong lunapit sa kanya.

My heart aches.

Parang gago naman! Bakit naman ganito ang tugtog ng shop kung nasaan ako?

And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last

And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night

Imbis na bumili ng laptop ay agad akong nagmadaling makalayo roon at magtungo sa restroom.

Sa loob ng cubicle ay hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit pa rin pala? Sobrang sakit pa rin pala? It's been years pero 'yong sakit parang kahapon lang.

Huminga ako nang malalim at inayos ko ang itsura ko tsaka lumabas ng restroom.

Mukhang tama ngang desisyon na hindi na lang ako umalis ng bahay? Kaya siguro tamad na tamad ako ngayong araw. Pero teka! Bakit sobrang liit ng mundo naming tatlo?

Nakakabaliw!

Pag-uwi ko sa bahay ay inayos ko lang ang mga pinamili ko. Habang namimili pa nga ako ay medyo wala ako sa sarili kaya hindi tuloy kumpleto ang mga nabili ko. Matapos kong ayusin ang mga pinamili ko ay naligo muna ako and here I'am now at the balcony holding a wine glass. Hindi ko rin alam kung bakit ganitong klaseng mga kanta pa ang pinapatugtog ko ngayon.

I recall when you said that you would never leave me
You told me more, so much more like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever

Kasabay nang pagsimsim ko sa wine ay ang pagtulo ng mga luha ko.

I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end.

Till my heartaches end, kelan ba?

Two weeks had passed at ngayon ay nandito sa bahay ko si Briana.

"Kumusta ang kuya mo?" I asked. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko.

"Masyado na siyang seryoso sa buhay simula nang mawala ka."

I gave her a weak smile. "He should be. He's getting married and I met her fiancée. She's elegant. Bagay sila ni Brixel."

Later this year ay ikakasal na nga pala si Brixel.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Briana hanggang sa nauwi ulit sa usapang lovelife.

"Nakakabaliw lang mainlove, Ate!" Napasabunot pa siya sa buhok niya.

Nangiti naman ako. "I agree with you, Bri. Nakakabaliw."

"Kung bakit ba kasi napakakomplikado magmahal."

Tipid lang akong ngumiti.

Isa rin 'yan sa mga bakit ko, Briana.

"Do you still love him?"

Natigilan ako sa tanong ni Briana.

"After all these years, mahal mo pa rin ba si Kuya?"

Napalunok ako. Hindi naman sa itinatago ko kay Briana dahil non-sense naman kung magsisinungaling ako dahil halata naman kaya lang ay hindi ko mabigkas, parang wala akong lakas ng loob na sumagot.

"He's miserable."

"Baka stress?"

She took a heavy sigh. "Miserable siya dahil sa sarili niyang katangahan kaya pati ako ay gusto niya rin na maging miserable!"

"Briana, your brother is just protecting you. Ayaw ka niyang masaktan dahil mas masakit 'yon para sa kanya sa oras na masakatan ka, for sure."

Ngumuso lang si Briana kaya napailing ako.

Gabi na rin nakauwi si Briana dahil sa napasarap na kwentuhan namin. Napakaunpredictable talaga ng pag-ibig. Sinong mag-aakala na mababaliw siya kay Dark Montreal? Grabe!

Ready na ako para matulog nang biglang nagvibrate ang phone ko at halos manginig ang mga kamay ko nang makita kung kanino galing ang message.

Kay Brixel. For real?

Ilang taon na rin nang huling lumitaw ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.

Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng number?

From: Ratel (Brixel)
Thank you for cheering her up, my sister. Hope you haven't changed your number yet.

Parang may nagkarerang kabayo sa dibdib ko.

Kailangan ko bang magreply?

At para saan pa, Kianna?

Mariin akong napapikit. Damn!

Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na wag na magreply kay Brixel. I think it's not necessarily.

Halos hindi ako nakatulog, I mean halos hindi ako pinatulog ni Brixel. Sa simpleng message ay muli nanaman niyang nayanig ang mundo ko.

"Sayang naman ang Friday night kung hindi tayo iinom, Kim." Ngumisi sa akin si Chester.

Nailing naman ako. "Oo na nga, diba? Tara na sa Revel!" patungkol ko sa paborito naming club sa BGC. Kinuha ko ang denim jacket ko tsaka tumayo na.

"Yes!" Umakbay pa sa akin si Chester habang palabas kami ng bahay.

"Ang tagal din nating hindi nagawa 'to," ani Chester nang papasok na kami sa loob ng Revel.

"Isang buwan lang? Matagal na ba 'yon?"

"Matagal na 'yon, Kim. Palibhasa kasi ikaw ay ilang taon nang naghihintay kaya hindi na matagal sa'yo 'yong isang buwan."

Namilog ang mga mata ko at agad na nag-init ang mukha ko. "Tumigil ka nga! Hindi ako naghihintay, no!"

Humagalpak lang sa tawa si Chester.

Nakakabwiset 'tong lalaking 'to! Ang lakas din mang-asar.

Nakakailang baso na ako ng margarita at bigla na lang nawala si Chester. Nakakainis talaga ang isang 'yon! Sa tuwing nagkaclub kami ay bigla na lang nawawala.

Gustuhin ko man na hanapin si Chester ay sobrang daming tao dahil Friday ngayon at isa pa ay nahihilo na rin ako dahil sa nakakarami na ako nitong iniinom ko. Biruin niyo ay nagwhiskey na ako kanina tapos ngayon naman ay margarita ang inuupakan ko.

"Hi! Are you alone?" May lumapit sa akin na isang lalaking foreigner. Based on his features I think he's a European.

I shook my head. "No, I'm not."

Tila hindi siya nakumbinsi sa sagot ko at nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Wala na rin akong energy para makipagtalo sa kanya.

"You are alone and lonely, I can tell." Nag-offer pa siya sa akin ng drinks.

Hindi ko na lang siya pinansin at sumandal na lang ako sa couch dahil parang umiikot na ang mundo ko.

Chester! Nasaan ka nanaman ba? Panigurado ay nakipaghook up nanaman 'yon sa kung sinong babae.

"Hey! Let's enjoy the rest of the night. I'm very sure that you are alone."

Ang kulit naman ng taong 'to!

I heard someone's cleared his throat. "I'm with her, leave her alone."

Namilog naman ang mga mata ko. Teka! Mukhang lasing na lasing na ata ako at naghahallucinate na ako? Naririnig ko na ang boses niya.

"Sorry, bro!" sabi ng makulit na foreigner tsaka umalis.

Muli siyang tumikhim. "I think you need to go home, Kianna."

Nang mag-angat ako ng tingin ay tumambad sa akin si Brixel na ang gulo-gulo ng buhok.

"I think I should take you home."

What?

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
90.6K 1.4K 48
Untold Stories of Marriage #1: Varsha Louise Vallinova-Scott Marriage is a three ring circus: an engagement ring, a wedding ring, and suffering. Gir...
26.6K 900 52
After an unexpected event, Amara Cassiel Alcantara decided to take the path of medicine and hopes to become a cardiothoracic surgeon. In a world of u...
834 132 44
Suelmin Estrada never gets tired of confessing her feelings towards Ramesses Mendez even though she can no longer count how many times she got reject...