Love Me, Engineer ✅

By SheisNaughty

26.1K 790 158

Engineer Series #2 "Maghihintay ako hanggang sa p'wede na.." _________ R16 Quaintrelle Mendosie is the type o... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Epilogue
Kabaliwan Ng Author
Daenrhu Valderama

Prologue

2.6K 39 5
By SheisNaughty

AUTHOR'S NOTE:

This story contains real life situation and real life person. I wouldn't say that it's not based from reality or it's just a coincidence because some personality or even names of the characters are from the reality. This tackles about family, friends and relationship. Beware.

I'm not a good writer and you can find some ungrammatical phrases, misspelled words, or plot holes. I'm still improving and learning.

Vote and comment your thoughts. Thank you!

----

Tingin


"Quaintrelle!" Dinig kong sigaw ng kaibigan ko.

Napalingon ako sa kaniya at agad na ngumiti. Kinawayan ko pa siya na tipong parang ngayon lang kami nagkita. Agad siyang lumapit sa akin at ikinawit ang braso sa braso ko.

"Nasa gymnasium ulit sina Ziv at 'yung mga kasamahan niya sa Cielo. Nagpapractice 'ata ulit ng sayaw." Saad niya na nakapagpalingon sa akin.

"May okasyon ba?" I asked. Wala akong maisip na okasyon sa school ngayon para mag-ensayo sila ng sayaw.

"Sa school natin, wala. Balita ko kasi, naimbitahan sila sa kabilang university na magperform kaya pumayag sila. Alam mo 'yung school ng ate mo? Doon!" Aniya at pumalakpak pa sa tuwa.

Nanlaki ang mata ko at napangiti. Ako man ay matagal ko ng gusto si Ziv. Hindi ko alam pero nakuha niya ang atensyon ko noong foundation day ng school namin. Lahat naman ng kasamahan niya ay may hitsura pero sa kan'ya ako nagkagusto. I even don't know if he has a girlfriend or none.

"Tatawagan ko si ate tapos magpapaalam ako na kung p'wede ay isama niya ako sa school niya!" I said and jump in excitement.

"Join mo naman ako! Parang hindi naman ako kaibigan!" Sheena said and I just nodded.

Sabay kami na dumaan muna sa gymnasium para sumilip sa practice na ginagawa nila. Hindi nga kami nabigo dahil kitang-kita namin kung paano sila mag-ensayo ng steps para sa sayaw nila. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig na gustong lumabas sa katawan ko. Gusto kong tumili dahil sa galaw nila, lalo na ang galaw ni Ziv!

Hinatak ako ni Sheena dahil napatingin na sa amin ang choreographer nila. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na parang walang nangyari. Kahit si Sheena ay gano'n din ang ginawa. Nang makarating kami sa cafeteria ay iyon agad ang napagkwentuhan namin.

"Ang g'wapo nila, ano? Halatang hindi mapapasaakin." Sheena mumbled that made me chuckled.

"Halos lahat ang iba doon ay may girlfriend na. Iyong iba ay may natitipuhan." Sumimangot ako dahil sa naisip. "Bali-balita rin na pati si Ziv ay mayroon nang natitipuhan sa ibang eskwelahan."

"H'wag kang madisappoint d'yan! Kung hindi siya ang para sa iyo ay manatili ka na lang sa pagiging fan niya! Bilyon ang tao at baka wala talaga ang para sa'yo doon." Sheena smirked that made me throw my tissue to her.

"Pangit mo kabonding." Sumimangot ako sa kan'ya at muli na lang itinuloy ang pagkain. Natahimik kami panandali dahil sa ginagawa namin na paglamon.

"I heard na magpeperform daw ang Cielo sa ibang school?" Dinig ko ang pag-uusap ng kabilang mesa tungkol sa grupo nina Ziv. "At ang rumors ay 'yung university na iyon ay nandoon ang natitupuhan ni Ziv!"

"Kaibigan ng kuya ko ang isa sa mga members no'n at ang sinabi raw sa kaniya ay ang surname raw ng babae ay Mendosie. Hindi ba, mero'n din na Mendosie ang apilyedo rito?" Tanong pa ng isa.

Napatigil ako sa pagkain at maski si Sheena ay natigil din marahil ay naririnig din niya ang usapan sa kabilang lamesa. Naibaba ko ang tingin at napaisip dahil do'n. Imposible naman na si ate ang gusto ni Ziv! Marami pa naman ang Mendosie sa pilipinas at panigurado ay marami siyang kaapilyedo.

"Do you think, it's your sister?" Tanong ni Sheena habang naglalakad kami patungong parking lot.

Nagkibit-balikat ako at napatitig muli sa kawalan. Kung ang Mendosie man na tinutukoy na gusto ni Ziv ay ang ate ko, walang problema! I'm not against it or I shouldn't have against it? I mean, wala naman akong karapatan, hindi ba? I'm just a mere fan.

"Ayos lang naman kung si ate ang tipo ni Ziv. Maganda naman at matalino si ate." Umiling ako at nginitian siya.

"Ayan ka na naman! You're sacrificing again! Ayaw mo bang ipaglaban ang gusto mo? Ang bait-bait mo kahit na nauubos ka na!" Singhal ni Sheena at inirapan pa ako. "Kung ako, ikaw? Matagal na ako lumayas sa bahay niyo."

"Hindi naman ako parating nagpaparaya. Sad'yang hindi lang talaga ako kontra kung gusto man ni Ziv ang ate ko. Baka magalit pa sa akin si Mama at Papa kapag nakipagaway ako dahil lang sa lalaki." Marahan akong ngumiti at hinigpitan ang kapit sa bag ko.

"Isa pa 'yang parents mo! Hindi ka ba nagtataka? Kulay berde ang mata mo habang ang kanila ay brown?" Paasik na tanong niya pa.

"Tunay na anak ako kung 'yan ang iniisip mo. Marami akong litrato noong bata ako at ang mata ko ay naiiba dahil sa pinaglihian ni Mama." ngumiti ako sa kaniya at siya naman ay nailing na lang.

Dumating ang sundo ko kaya naman ay nagpaalam na ako kay Sheena. Hindi ako p'wedeng malate sa paguwi dahil baka muli na naman akong pagalitan.

Nang makauwi ay wala pa si ate at ang tanging nando'n ay ang kasambahay namin. Ngumiti ako sa kan'ya at bumati.

"Nasa'n po sina Mama at Papa, ate Lusing?" I asked her when I'm done changing my clothes.

"Alam mo naman ang mga 'yon! Nasa trabaho na naman kaya wala rito sa bahay. Uuwi rin naman 'yon dahil susunduin pa nila si Kataleya," Saad niya.

"Gano'n po ba? Dito po ba sila kakain?"

"Hindi 'ata. Nagtext kasi kanina sa akin si Ma'am, ang sabi ay sabay daw sila ni Sir at ni Kataleya.." sagot niya pa na tinanguan ko lang.

Bakit nila sinundo si ate habang ako ay pinasundo sa driver? Busy ba sila? Sabagay, mas malayo ang school ko kaysa sa school ni ate kaya baka hindi na ako nasundo. Pero paano ako kakain kung sa restaurant na sila kakain?

"Manang, may pagkain ba d'yan?" Tanong ko na ikinangiti niya. Sinamahan niya ako patungong kusina at agad akong pinaghandaan.

Nang makita kung ano ang nakahain ay napapalakpak at napangiti ako. Paborito ko kasi ang kare-kare na luto ni ate Lusing kaya nakakaganang kumain ngayon.

"Salamat!" Saad ko sa kan'ya na ikinangiti at ikinatawa niya. Magana akong kumain habang si ate Lusing ay nakamasid lang sa akin na puno ng paghanga ang mata.

"Ang ganda mo, hija. Sa tingin ko nga ay ikaw ang nangingibabaw dito sa bahay. Hindi man sa pagmamaliit sa kay Kataleya pero sa akin ay mas maganda ka kaysa sa kan'ya." Ngumiti pa siya habang nakamasid pa rin sa akin.

"Si ate Lusing talaga! Nambola pa. Hindi naman ako gano'n kaganda. Mas maganda naman po si ate kaysa sa akin. Sinabi na rin po 'yan nila Mama at Papa," sabi ko na walang halong pait. Totoo naman iyon. Sina Mama at Papa na rin ang nagsabi sa akin. Sino pa ba ang paniniwalaan ko? Sila ang pamilya ko.

"Pero para sa akin, ikaw ang maganda! Mabait pa at matalino. Siguro nga noong nagpaulan ng kagandahang pangloob at panglabas ay sa'yo naibuhos ang lahat." Ngumiti si ate Lusing na nginitian at inilingan ko na lang.

Naging gano'n ang gabi kong iyon. Madalas ay gano'n lagi kapag umuuwi ako galing eskwelahan. Bilang lang 'ata na magkasama kami buong pamilya tuwing maghahapunan pero para sa akin ay ayos na 'yon, kaysa sa wala, hindi ba?

Bago matulog ay nagdasal muna ako sa kaligtasan ni Mama, Papa at ni ate. Ayaw kong may mangyari sa kanila na masama kapag pauwi na sila..

Kinabukasan ay agad akong nagbihis upang pumasok sa eskwela. Naabutan ko pa si ate Lusing na pinaghahandaan si ate Kataleya nang makakain.

Napalingon sa akin si ate Kataleya at agad na ngumiti. Tinapik niya pa ang katabi niyang upuan.

"Almusal ka muna, bunso! Masarap ang inihanda sa atin ni ate Lusing," paanyaya ni ate na nginitian ko.

Umupo ako sa tabi niya at agad naman akong inasikaso ni ate Lusing. Sad'yang masarap nga ang almusal namin ngayon.

"Pasensya ka na kagabi, ha? Sinabi ko naman kay nila Mama at Papa na sunduin ka na rin pero sabi nila ay malayo raw ang school mo," she said.

"Ayos lang naman ako ate! Masarap naman ang ulam ko kagabi." Ngumiti ako at nang maalala ay muli ko siyang nilingon. "Ate, p'wede ba kami sumama sa'yo kapag nagperform ang Cielo sa school niyo?"

"Sinong kasama mo?" Tanong niya na nakapagpangiti sa akin. Kapag kasi gan'yan ang tanong niya ay pumapayag na siya.

"Si Sheena, kaibigan ko," sagot ko na ikinatango niya.

"Sa isang araw na 'yon. Bakit gusto niyong mapanood? May natitipuhan ka ba sa myembro no'n?" Ngumisi siya ng nakakaloko at bahagya pang sinangga ang balikat ko.

"Wala naman ate! Magaling lang talaga sila na sumayaw kaya isa ako sa mga fans nila," namumula kong saad at inilipat ang atensyon sa pagkain.

"Asus! Sabihin mo lang at ako na ang bahala na maglakad sa inyo sa isa't isa," mapang-asar na sabi niya na ikinapula ko pa lalo.

Natahimik kami saglit dahil sa pagkain. Maya-maya ay ako ang bumasag no'n dahil sa isa pang katanungan na gusto kong masagot.

"May Mendosie pa ba ate sa school niyo?" Tanong ko na ikinalingon niya.

Nagtataka man sa tanong ko ay umiling siya, "Wala naman. Ako lang 'ata ang Mendosie roon pero kung lilipat ka ay baka tayo ng dalawa."

"Ano ka ba! Sabi ni Papa ay dapat hindi tayo magkasama sa isang school." Ngumisi ako at muling nagpatuloy sa pagkain.

Habang nasa loob ng sasakyan na patungong school ay napaisip ako sa napag-usapan namin kanina. Kung wala ng ibang Mendosie sa school ni ate ay baka siya nga ang gusto ni Ziv.

Ramdam ko man ang selos at inggit na bumalot sa puso ko ay iwinaksi ko iyon. Hindi ko ugaling mainggit at kung totoo man na si ate ang gusto ni Ziv ay magiging masaya ako.

Nagpatuloy ang araw kong 'yon sa normal na sirkulasyon. Kung hindi lang tuwang-tuwa si Sheena sa loob ng library na dahilan upang mapalabas kami ay marahil nagbabasa ako ngayon.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Lumiban kami sa klase namin at agad na sumama kay ate Kataleya patungong school niya. Nakasibilyan naman kami kaya hindi kami mahahalata na hindi tagaroon.

Tuwang-tuwa kami habang naglilibot sa school ni ate. Sad'yang maganda nga rito dahil sa mga building na makulay. Pangmayaman na school yata ang napasukan namin habang ang school naman na kung saan ay nag-aaral ako ay pang-average lang.

Hinila kami ni ate sa gymnasium nila at marami na rin ang tao roon. Naupo kami sa pangatlong row na inireserve raw mismo ni ate Kataleya. Tuwang-tuwa sa tabi ko si Sheena dahil mapapanood daw niya ng malapitan ang Cielo na magperform.

Marami muna ang sumayaw o kumanta sa stage. Masasabi kong magagaling silang lahat dahil sa perpektong performance nila.

"Cielo na! Ang g'wapo nila ngayon!" Tili ni Sheena nang lumabas mula sa backstage ang Cielo.

Napangiti ako at nang malingunan si ate ay nakita ko ang mapanukso niyang tingin kaya namumula akong nag-iwas. Itinuon ko ang paningin sa Cielo at nakita na nag-aayos na sila ng pwesto.

Pumailalim ang kantang 'That's what I like' ni Bruno Mars.

"Hey, hey, hey
I got a condo in Manhattan
Baby girl, what's hatnin'?
You and your ass invited
So gon' and get to clappin'
Go pop it for a player, pop-pop it for me
Turn around and drop it for a player, drop-drop it for me."

Lalo ang nahulog kay Ziv sa paraan nang paggalaw niya. I mean, they're so good but Ziv is best.

"I'll rent a beach house in Miami
Wake up with no jammies (nope)
Lobster tail for dinner
Julio, serve that scampi
You got it if you want it, got, got it if you want it
Said you got it if you want it, take my wallet if you want it, now."

Napatingin sa direksyon namin si Ziv pero agad din na nag-iwas ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya habang patuloy na gumagalaw sa saliw ng musika.

"Jump in the Cadillac
(Girl, let's put some miles on it)
Anything you want
(Just to put a smile on you)
You deserve it baby, you deserve it all
And I'm gonna give it to you."

Napatulala ako sa galaw nilang lahat. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kahulog na parang si Ziv kang ang nakikita ko sa paligid. Kung pupwede pa nga ay baka maghugis puso ang mata ko.

"Gold jewelry shining so bright
Strawberry champagne on ice
Lucky for you, that's what I like, that's what I like
Lucky for you, that's what I like, that's what I like."

Napatingin muli siya sa direksyon namin ngunit hindi na siya nag-iwas. Habang gumagalaw ay dito ang tingin niya.

"Sex by the fire at night
Silk sheets and diamonds all white
Lucky for you, that's what I like, that's what I like
Lucky for you, that's what I like, that's what I like."

"Nakatingin sa'yo si Ziv!" Tili ni Sheena sa tabi ko ngunit inilingan ko lang siya at malungkot na ngumiti.

Hindi ako ang tinitingnan niya. Kung siguro ay hindi ko alam ay baka kiligin pa ako ngunit alam ko ang katotohanan. That Mendosie that he likes is my sister.

I like him but he likes my sister.

I don't want to feel jealousy and envy but I can't help it.

Sucks, right?

_________________________
Hope you enjoy Quaintrelle and Ziv story! Vote and comment please!

-Meow

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 83 9
WARNING: RATED SPG | R-18 | MATURE CONTENT The Billionaire Girl's #2 : Daddy For Hire Jewel Athena Mier, the only daughter of the rich Mier family...
50.1K 343 50
This book contains spoken word poetry made by me. Ahm i just wanna share what's on my mind. But please don't copy my own poems. Kamsahamnida💕
632K 11.2K 41
"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kany...
Love Exists By JAM

General Fiction

116K 264 7
"Do Love Really Exists?" - Angelie Colt "Love Exists my love. I will show it to you until I die." - Jacob Mazen Manzano. Rank achived #7 General fict...