Evanesce

By allileya

46.5K 3.6K 955

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 32

496 20 0
By allileya

Did he just confess that he like me? Did I heard it right? Did he say it right straight to my face? Hindi naman ako namali ng pagkakaintindi, hindi ba? Pero... bakit naman niya iyon sasabihin sa akin? 'Yon ba talaga ang totoong nararamdaman niya? O baka naman kinakaawaan niya ako? He said it just to comfort me again, right? But there's also a probability that he meant it.

I don't know. Icarius is the only reason that confuses me ever since I got here. Palagi niya na lang ginugulo ang isip kong gustong manahimik, pero sa maikling panahon na nandito ako ay nakilala ko naman kahit papaano ang ugali niya. I can tell if he's lying or telling the truth. Besides, wala sa ugali niya ang magsinungaling nang walang sapat na dahilan. It might just complicate things more.

But then again, why would he say such things like that when his girlfriend– I mean, ex-girlfriend is here? Paano kung aksidente niya iyong narinig? Wouldn't I know that she's already planning something to harm me. This is so bothersome. Ilang gabi na akong hindi nakakasagap ng maayos na tulog.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at napatitig sa may hagdan. I sighed and blinked several times to process my introspection about what happened earlier. Kung hindi lang ako nagyaya na pumasok na sa loob ay baka kung ano rin ang masabi ko. I might end up saying the same thing to him but I highly doubt that I'd do it. May natitira pa naman akong respeto para sa sarili ko. Also, I don't want to stab Van. I don't want my mind to rule over my heart.

Nang makita kong alas singko na ay napagdesisyunan kong bumaba na. Hindi rin naman kasi ako dinalaw ng antok. I stayed up thinking about crazy things again. Hanggang kailan ba ito matatapos? Pakiramdam ko malapit nang bumigay ang katawan ko. Worst it, pati ang puso ko.

"Ma! Pa!"

I looked at the door when someone suddenly barged in. Dinaluhan agad siya ni Mama Encarnacion at Papa Narcissus, samantalang si Icarius ay nakatayo lang din sa tabi ko.

"Liro! Ika na an? Jusko, anak ko!" Yinakap siya ni Mama Encarnacion. Sumunod naman si Papa Narcissus. (Translation: "Liro! Ikaw na ba 'yan? Jusko, anak ko!") 

"Maray ta nakauli ka na ngunyan. Mayo man naging problema sa eskwelahan tapos sa paghali mo? Nuarin ka mabalik duman?" (Translation: "Buti naman ay nakauwi ka na ngayon. Wala namang naging problema sa paaralan at pag-alis mo? Kailan ang balik mo roon?")

Natawa ang tinawag na Liro ni Mama Encarnacion. Hinawakan niya sa balikat si Papa Narcissus. "Pa, easy ka lang. Bisto mo man baga ako. 'Tsaka kadarating ko lang ay mukhang pinapaalis mo na agad ako sa huli mong tanong." (Translation: Pa, easy ka lang. Kilala mo naman ako. 'Tsaka kadarating ko lang ay mukhang pinapaalis mo na agad ako sa huli mong tanong.")

"Naniniguro lang, 'nak." Papa Narcissus also laughed.

"Sino siya?" Napatingin ako kay Icarius. He also looked at me but didn't bother to give me an answer. Iniwan niya na lang ako bigla. Tsk. Ang aga pa kaya para mag-suplado. Isa pa, may hinuha na rin naman ako kung sino siya. Gusto ko lang din makasiguro.

"Kuya!"

Nagyakapan ang dalawa.

"Laki mo na." Ginulo ni Icarius ang buhok ni Liro. "Pero ang tangkad mo ganoon pa rin."

"Nadagdagan kaya ang timbang ko. Nagka-muscle rin ako."

"Saan?" Nagkunwari si Icarius na sinusuri niya ang buong katawan ni Liro para hanapin ang 'muscles' na sinasabi niya.

"Si Kuya talaga!" Sabay kamot si Liro sa ulo niya.

Napangiti ako ng palihim habang pinagmamasdan sila. They're siblings. Pero wala namang nabanggit si Mama Encarnacion tungkol sa kanya. Aasa pa ba ako kay Icarius? Maging ang mga bata ay walang nasabi sa akin tungkol sa isa pa nilang kapatid.

"Oh, siya, mag-agahan muna tayo. Sigurado akong gutom ka sa biyahe." Mama Encarnacion gave Liro a smile as she caressed his cheek.

Naglakad sila palapit sa akin, sa dining table sa kusina. Nang makalapit ay pansin ko ang mapanuring mga mata ni Liro. Nawala bigla ang mga masasayang ngiti niya pero hindi nagtagal nang mapalitan ito ng mapaglarong ngisi.

"May bisita pala," pahayag niya.

"Ah, oo, 'nak, si-"

Bago pa man makapagsalita si Mama Encarnacion ay agad na iyong naputol ng pagpapakilala ni Liro sa akin, extending his arm in a polite manner.

"Leif Proteus Escareal. Liro na lang. One of a kind kasi ang pangalan ko kaya pasensiya na pero nakakadagdag naman ng pogi points kaya walang kaso iyon sa akin."

"Aislinn." Nginitian ko siya nang tanggapin ang kamay niya. Bibitaw na sana ako pero mukhang wala pa siyang balak sa bitawan ang kamay ko. He's still looking at me, examining every part of me because of discontentment to my introduction.

"Aislinn," he repeated. "Anong ginagawa mo rito? Saan ka nakatira? Hindi kasi pamilyar ang mukha mo sa mga ibang kapamilya namin."

"Uh..." I don't think I can answer that immediately.

Nabaling ang tingin ko kay Icarius na nasa tabi niya. He looks serious as always. But it doesn't matter. Ang gusto ko lang ay patigilin niya na muna ang kapatid niya sa pagtatanong. Wala ako sa kondisyon ngayon para sagutin na naman ang mga 'yan. Kaya sana naman ay makuha niya ang signal ko.

"Or... are you my Kuya's girlfriend?"

That's a worst assumption for our first meeting.

"Hindi." I smiled to cast the awkwardness away.

His mouth formed a big 'O' like he just knew what he'll gonna do next with my answer. Sinubukan ko ulit na kalasin ang kamay namin pero hindi niya talaga magawang pakawalan. Buti na lang ay bago ako bumaba ay naalis ko na 'yong bendahe. Hindi rin ganoon kalala ang sugat ko sa kanan kaya ayos lang naman. Huwag lang sa kaliwa dahil masyado iyong napuruhan.

"Then, can I be your boyfriend?" He kissed the back of my hand that made my eyes widened in surprise.

"Aray!" Nakatanggap agad siya ng malakas na batok kay Mama Encarnacion, dahilan ng pagkakakalas ng mga kamay namin sa isa't isa. Narinig ko naman ang pagtawa ng malakas ni Papa Narcissus.

"Ikaw talagang bata ka!" Babatukan pa sana ni Mama Encarnacion si Liro pero nakaiwas na siya.

"Bilib na talaga ako sa tinik mo, 'nak!" komento naman ni Papa Narcissus bago siya maupo. "Nagmumukha kang mas matanda kaysa kay Jaimar dahil sa deskarte. Oh, Jaimar, kaya ka nauunahan ng iba lalo na nitong kapatid mo."

Icarius didn't gave any comment to it. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may ginawa na naman akong kasalanan. Kalaunan ay bigla na lang siyang umalis sa harapan ko't naupo na rin sa upuan niya.

The meal turned out well. Liro's lively stories and sense of humor gave life to it. He shared his experiences in Manila since the day he got separated to his family for his studies. He's still in his first year high school back then, but he managed to get through it all and now a graduating student. Pangalawang beses niya palang itong uwi rito dahil sa mga komplikasyon. Ang una ay noong nasa high school pa lang siya.

Mama Encarnacion said that he's still like a baby boy back then but he turned out to be a lively grown man. Indeed, nakaka-proud ito sa side ng mga magulang lalo na't honor student pa siya. The Escareal family is overflowing with blessings. Here I am, shamelessly sharing with their blessings in life.

Pero nakakapagtaka talaga ang katahimikan, kalamigan at kaseryosohan ni Icarius dahil salungat iyon sa tatlo niyang kapatid. Nabagok ba ang ulo nito 'nong bata siya or did he met an accident? Trauma like me? I don't think so. He seems perfectly normal. Kanino kaya ito nagmana?

"Kuya Liro, isama mo naman kami sa siyudad!" si Greya na tuwang-tuwa sa mga kuwento ng Kuya Liro niya na angkop din sa mga batang kagaya niya.

"Baka matagalan pa 'yan, Bunso. Nag-iipon pa si Kuya. 'Tsaka maghahanap muna ako ng trabaho para lahat ko kayo masama at maipasyal. Hindi lang sa Manila kundi pati sa buong mundo."

Liro is full of hopes and dreams which I do not see in Icarius. Icarius told me that he wants to take it slowly. He has plans in achieving his dreams, yes, but it'll take him years. He's thirty now. He should be stable now. But he chose to work in a small business.

That's kind of amazing. He's different from the others. Tila ba wala siyang pakialam kung ilang taon siya abutin sa pagtupad ng mga pangarap niya. Hindi siya nagpapahabol sa mga humahabol sa kanya. He's just staying lie low.

It's funny because at this age of mine, I wanted to be fully successful, yet here I am– still lost. While the others are one step ahead to their dreams, I'm here stuck. Magagawa ko pa bang ayusin ang lahat ng ito? I've wasted too much time, but it feels like nothing.

"So, you got lost in here?" Pasimpleng tumabi si Liro sa akin sa lababo. I'm currently washing the dishes after the happy moments.

"I guess so." Hindi na ako nag-abalang tingnan siya dahil pansin ko sa peripheral vision ko ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. It's uncomfortable so I just kept myself busy. Nakaramdam pa rin ako ng hapdi sa mga sugat ko sa kamay pero ininda ko na lang muna.

"Bakit? Based from my calculations, Laguna and Bicol are far from each other, so how come you end up here through the sea?"

"It's a long story."

"Then, make it short for me. Gusto kong malaman ang pinagmulan mo para naman makilala kita."

This time, I chose to give him a quick look. He's smiling widely while raising both of his brows. Umiwas ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nakita ko pa ang galaw niya sa pag-inom ng tubig habang nakatingin pa rin sa akin.

"Maybe next time, Liro. Sorry."

"Oh, sure. Sure. I'm not forcing you. Pasensiya na. Puwede rin naman akong magtanong sa pamilya ko pero mas maganda sana kung sa 'yo mismo nanggaling ang mga sagot. And now that I think about it, we have a lot of time to get along, right?"

Pagkalapag niya ng baso sa lababo ay agad na siyang umalis. Saglit akong napatigil sa ginagawa bago napabuntong-hininga. Bakit ang daming nagtatanong tungkol sa katauhan ko? Some are curious and some just wanted news for them to gossip.

"Anong ginagawa mo?" Icarius' voice thundered in anger and worry. Bago pa man ako makalingon sa kanya ay nahawakan na niya ako sa kamay. Kunot-noo niya akong binigyan ng mabilis na tingin bago sinuri ang dalawang kamay ko.

"Hindi ba't sabi ko huwag ka na munang gumawa ng mga ganitong gawain?" Iginiya niya sa may gripo ang kamay ko para mahugasan. He caressed it gently as the water ran down on our hands.

"Hindi na naman masakit-" Napangiwi ako nang madiinan ni Icarius ang kanan kong kamay.

"See? You're not healed yet." Kinuha niya ang isang bimpo na nakasabit sa may bintana. "Kahapon lang ito. Mukhang gusto mo pang palalain at dagdagan."

Nang mawala ang tubig ay doon ko ulit naramdaman ang sakit. Damn. I should've followed his orders. Hindi ko na muna dapat masyadong ginagamit ang kamay ko pero paano? Hindi ko naman kasi napansin kanina kaya siguro sa paghuhugas na naman ako napunta.

"Lumabas lang ako saglit ay naghuhugas ka na naman." Hinipan niya ang dalawa kong kamay. Napatitig ako sa kanya. How can he be this kind but indifferent?

Hinawakan niya ang palapulsohan ko pagkatapos. Sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok kami sa kuwarto. Pinaupo niya ako sa kama. Kinuha niya ang medical kit sa aparador. He knelt and started treating my wounds again. I remained silent the whole time even though my heart is palpitating in secret.

"This is my last warning, Aislinn. Hindi ka tutulong sa amin hanggang sa gumaling ang sugat mo."

"Okay," tanging nasabi ko. Napaangat siya ng tingin sa akin, mukhang hindi kumbinsido sa mabilis na pagsang-ayon ko.

Naging abala na naman ang mga tao sa paghahanda. Nasa kubo kami ngayon. Biglang nawala si Icarius kaya tumulong na muna ako sa kanila. Naghiwalay lang naman ako ng mga lumpia wrapper kaya madali lang. Wala namang gaanong bisita ang pamilya nila kaya bilang lang din naman ang mga putaheng gustong ihanda ni Mama Encarnacion at Papa Narcissus.

Ayaw pa sana akong payagan ni Mama Encarnacion pero nagpumilit na naman ako. Wala akong magawa, eh. Nasanay na ako sa pagtulong ko sa kanila, eh. Besides, Icarius is not around so it's okay.

Natigil ako nang biglang pumasok si Icarius. Agad dumapo ang tingin niya sa akin kaya kinausap ko si Liro bilang palusot at para makaiwas sa mga makahulugang tingin niya na naman. Nang tumingin ulit ako sa kanya ay abala na siya sa ginagawa niya. So, I resumed on what I'm doing.

"Hello, everyone!"

Napatingin ako sa may pinto. It's Karianna. Nakita ko ang paglapit ni Icarius sa kanya. Sumunod naman si Liro na halatang magkakilala na rin sila. Of course, he's Icarius' family. Hindi na iyon nakakapagtaka.

Hindi naman nagtagal ang batian. Nakita ko kasi sa reaksiyon ni Karianna na ayaw niyang manatili rito dahil sa usok at iba-ibang amoy. Papasok na sana siya, kaya lang ay nagtagpo ang mga mata namin. She waved her hand to me and smiled widely so I did the same like a plastic friend. Gosh. Get your act together, Aislinn. Don't add up to her attitude level.

"Ako na."

Hindi ko napansin na nakalapit na si Icarius. Shock and afraid, I just let him. Nang makaramdam na naman ng ilang ay lumayo ako sa kanya. Sinubukan ko ulit maghanap ng gawain pero palagi niya iyon inaagaw sa akin. Fine.

"Hindi ako naniniwala na hindi ka girlfriend ni Kuya." I almost jumped when Liro whispered to me when I was about to go inside. Napatingin naman agad ako kay Icarius. Umiwas nang makitang nakatingin na pala siya sa akin.

"Hindi talaga, Liro."

He narrowed his eyes. "Pansin ko kasi ang mga pasimpleng galaw niyo."

"Huh? Ano namang galaw?" Tumalbog ang puso ko at bahagyang iniiwas ang mukha sa mga tingin niya, suot ang ilang na ngiti. Mapanuri pala ang mata ng isang 'to. He's also saying what he wanted to say. He's kind of talkative.

Inilapit pa niya sa akin ang mukha niya kaya todo iwas naman ako. Akala ko tapos na ang usapan na ito. Masyado na akong naguguluhan sa papalit-palit niyang topic tuwing magkausap kami. Is he a reporter or something? 'Yon ba ang gusto niyang trabaho?

"Pero nga naman, Karianna's here. Sa pagkakaalala ko ay siya ang pinakilalang girlfriend sa akin ni Kuya."

I'm curious as to how Icarius introduced Karianna as his girlfriend to his family. Curious din ako kung paano sila nagkakilala. Itong mga ginagawa niya ba sa akin ay ginagawa niya rin kay Karianna? Or it's way more better? Well, of course! She's Icarius' girlfriend.

"Kilala mo na naman pala kung sino ang girlfriend ng Kuya mo tapos pinaghihinalaan mo pa ako?"

He chuckled. "Duda ako, eh. Mukhang ikaw na ang bago. Hindi naman ganoon ang trato ni Kuya kay Karianna noon, eh."

Walang 'Ate' bago ang pangalan ni Karianna. How old is he, anyway? I bet he's near on my age. And knowing that he doesn't call Karianna 'Ate' makes me think that he also doesn't like her.

"Bakit anong napansin mo sa trato ni Icarius kay Karianna?"

"It's-"

"Liro!"

Sabay kaming napatingin kay Icarius. I frowned. Ang hilig niya talagang manira ng usapan.

Binalik ni Liro ang tingin niya sa akin suot na ang malawak na ngiti. "It's a secret!" Saka na siya tumakbo papunta kay Icarius.

Napailing na lang ako. Umasa pa naman ako sa magiging sagot niya. Ano ba naman 'yan, Liro. Isa ka pa, Icarius.

"Aislinn!" si Karianna na prenteng nakaupo. "Let's talk."

"Magpapahinga ako, eh. Pasensiya na." Tinalikuran ko agad siya. Pumasok ako sa kuwarto.

Ang isa pang rason ay ayaw ko talaga siyang makausap. Baka i-push niya ang pabor na iyon. Isa pa, ayoko nang dagdagan ang mga naging usapan namin ni Liro. Masyadong maingay kaya ayoko na iyong dagdagan pa. Ayoko na ring bumalik 'yong pangit na pakiramdam tutal medyo nakampante naman ako sa mga sinabi ni Icarius.

Wala na sila kaya hindi ko na rin dapat iyon problemahin. Icarius made it clear to me last night. Tama. Hindi na dapat ako mag-isip pa ng kung ano-ano. It's not my concern anymore but thinking about their past relationship bothers me. Involving about Van in this complicates it more. Para nang sasabog ang utak ko. This is not healthy anymore. Kailangan ko na itong mahanapan ng solusyon.

Continue Reading

You'll Also Like

382K 20K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
13.5K 335 58
SURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and...
42.2K 589 40
"A promise. If it's not fulfilled... then it is not a promise." 'The words kept popping in Hailey's head over and over again when she heard the name...