bakit ako? (bl story)

By coffiquely

44.8K 2K 258

i thought it was grateful to have a supportive man on your side, especially if it's your father, but what if... More

PROLOGUE
EPISODE 2
EPISODE 3
EPISODE 4
EPISODE 5
EPISODE 6
EPISODE 7
EPISODE 8
EPISODE 9
EPISODE 10
EPISODE 11
EPISODE 12
EPISODE 13
EPISODE 14
EPISODE 15
EPISODE 16
EPISODE 17
EPISODE 18
EPISODE 19
EPISODE 20
EPISODE 21
EPISODE 22
EPISODE 23
EPISODE 24
EPISODE 25
EPISODE 26
EPISODE 27
EPILOGUE
●●●●

EPISODE 1

3K 102 9
By coffiquely

EPISODE 1


They are all shocked when I asked my question... it was unexpected to be honest. Tumingin ako sa paligid at lahat sila'y nakatingin sa akin. May iba namang palihim na tumatawa at may nakakunot ang noo.

"We've been waiting for you for almost an hour and you're just going to back out?" Ross asked me seriously why I am shivering.

He has a lot of point though but the way they're looking at me ay parang kahit isang liriko ng kanta ay hindi ko maibibigkas.

"Uh... so pwe-"

"Of course! Justine, go ahead. The floor is all yours," Christian cutted me off.

Ngumiti ang lalaki sa 'kin na para bang ako ang manok niya sa audition na 'to. He's also one of the three judges and I gave him a small smile.

I choose a song that I am comfortable to sing. Music is my life, they give me chills, happiness at higit sa lahat ay inaalis nito ang mga problema ko... noon. Lumaki akong nasa paligid ko ang musika ngunit ito rin ang nagbigay sa akin ng masakit na karanasan.

Handa na ang lahat. 'Yung kanta ayos na, hawak ko na rin ang mikropono at magsisimula na sana ako ngunit biglang nagsalita si Ross. He used his mic.

"What if you'll use a guitar?"

My heart start to run fast and my throat begin to dry because of what he asked.

Gagamit ako ng gitara? Bakit?!

"Uh b-bakit?" kinakabahang tanong ko at bigla akong nairita nang makitang ngumisi siya.

"Take a look at the time... what is your name again?" Christian whispered something on him and I feel that was my name, "ooh Justine... yeah. Just take this as a consequence... 'cause you know what I mean." He smiled like an evil.

Napakaangas niya magsalita, para bang siya ang nagtayo ng eskwelahan na 'to. Daig niya pa ang may ari ng mundo ah! Mas lalo pa akong nairita nang may sumigaw, ay mali, sabihin na nating gumatong.

"Deserve! Tama 'yan Ross, maaga kaming lahat dito tapos siya late?" My eyes widened when I looked at him. Si Chris.

'Yung isa sa mga kakumpitensiya ni Nicko.

The guy grinned in front of me. "You want to continue this?"

Sa naging tanong niya ay naramdaman kong parang pinagti-trip-an niya ako at siguro ang tanging alam niya lang ay ang pagiging bading ko.

Sige... bring it on Ross Ventura.

Tumango ako, "So... nasaan 'yung gitara?"

The shock flows on his eyes because of my daring question, akala mo ah. Nahuhulaan ko agad kung ano ang reaksiyon niya base sa kaniyang mga mata.

Magulat ka lang, ginulat mo rin ako e.

Nikita kong ngumisi siya habang pinaglalaruan ang ballpen an nasa kaliwang kamay at kinabahan rin ako nang makita ko si Janine na papalapit na may dalang gitara.

Ilang taon akong hindi humawak ng ganyan.

"Kaya mo bang gamitin 'to?" she mouthed softly. Alam kong kinakabahan siya para sa akin pero marunong ako.

Tumango ako, "O-oo, thank you," sagot ko at ngumiti siya sa akin.

Ang una kong ginawa ay sinabit ang gitara sa balikat at may napansin akong pick sa string kaya kinuha ko ito. Bigla akong nagtaka ng makita ang maliit na letter R na nakasulat dito pero isinawalang bahala ko 'yon. I need to focus.

Before strumming the guitar I glance on eyes of Ross again and the annoyance is overflowing. I know he was thinking that I am not expert of playing this thing... so let see.

I cleared my throat and sighed quitely bago kalabitin ang string at gusto ko pa tingnan sina Nicko pero nahihiya ako. I started to strum the string and the pressure is still there.

/Play Kundiman by Silent Sanctuary/

Marahang kumalabog ang puso ko nang marinig ang hiyawan sa loob ng room at rinig na rinig ko ang tili ni Nicko nang marinig nila ang tono ng kakantahin ko. Napili ko ang 'Kundiman' na kinanta ng paborito kong banda. Ang Silent Sanctuary.

Pinag-aaralan ko lang 'to noong high school ako and now I'm singing it in front of some of the people. My heart didn't stop to run fast when I heard Jeremy's supportive clap and Joaquin's scream, they are Ross's friends.

I looked at him in his place and the stares... it swiftly makes my heart flutter.

Damang dama ko ang bawat liriko ng kanta, wala pa namang nakabibiyak ng puso ko bukod sa isang tao, pero itong kantang 'to ang nagpaparamdam sa akin na parang nanggaling ako sa break up. Sounds ridiculous but its true and this song is one of my favorite. I only sang this when I'm alone and the feeling is not normal because I couldn't believe that I'm singing this in front of them.

Pinaikli ko na lang ang kanta at 'yung sarili ko mismong bersiyon ang ginamit ko para mas lalo silang magulat sa akin. Sa tingin ko nagawa ko naman and I'm happy with it. Nararamdaman ko rin na mas magagaling 'yung mga nauna, lalo na sina Nisha at masaya ako kung hindi ako makakapasok.

Nakita ko kung paano sikuhin ni Christian si Ross dahil magkatabi lang sila. Karamihan ay pumalakpak at bigla akong nagulat nang tumayo pa ang guest judge nila na hindi ko kilala.

"Sarili mong version 'yon iho?" tanong niya ng tumigil ang palakpakan.

Judging time.

Tumango ako at mahigpit kong hinawakan ang gitara na parang akin 'to, "O-opo," napapahiyang sagot ko. I startled when he clapped again gracefully.

"Pwede ka ng magtayo ng sarili mong banda, napakaganda ng boses mo iho. I mean lahat naman kayo magaganda ang boses pero ikaw? Ginawa mong iyo 'yung kanta." He commented positively.

"Keep it up!"

I don't know if he's just an exaggerated person or maybe just surprised by my performance.

"Prof, he is from Accountancy and magagaling talaga ang mga student doon," sabat ni Christian at napapikit ako nang tumili si Nicko sa tuwa. Feelingera pa naman soya. Tumingin ako sa likod at tinarayan niya ako, si Nisha naman ay pumapalakpak.

"Mr. Ventura what is your thoughts about his performance?" The Professor asked and Ross's only respond to him was a nod.

Tango lang? Grabe 'to.

Narinig kong tumawa si Jeremy at Joaquin sa bandang likuran pero hindi ko sila nilingon. Inalis ko na rin ang gitara ko at ibinigay kay Janine.

"Ang galing mo sis," she said.

Nagpasalamat ako sa kaniya at lahat kaming nag-audition ay pumunta sa gitna. Ang tanging naiwan sa mga nakapalibot na upuan ay 'yung mga datihan. Natatawa ako kay Nicko nang yakapin niya ako na para bang sigurado na siya na pasok kaming tatlo.

"The first batch is done! Congratulations to each of you and announcement guys, the result is on friday. Hihintayin natin ulit ang ikalawang grupo bukas at gusto lang namin malaman niyo na nakapili na kami sainyo.

We want to be fair kaya't sabay sabay ninyo malalaman kung sino ang pasok at hindi. If hindi kayo makakapasok... please don't stop singing. Music is still there, beside us."

Binigyan ng masigabong palakpakan ng mga naririto si Christian matapos niyang magsalita as unabated. Tawang tawa ako sa dalawa nang mahagilap sila ng mata ko, titig na titig si Nicko at samantalang si Nisha ay panay kuha ng litrato sa lalaki.

Hindi ko alam na photographer pala siya.

"Enjoy your lunch everyone and thank you so much for participating!" anunsiyo rin ni Janine at unti-unti na kaming nagsitayuan para mananghalian.

"Ang ganda ng boses ah, pero maganda rin kung maaga ka. Sayang hindi mo narinig boses ko." I was stunned when Chris complimented himself in front of us.

Agad na kumunot ang noo ko.

"Hoy, inaano 'yon?" tanong ko kay Nicko habang papalabas kami.

Kumalabit si Nicko sa braso ko, "Insicure ang bakla sa 'yo teh, may pa-grand entrance ka raw. Kanina nung gumigitara ka, talak nang talak. Eh kesyo papansin ka raw, attention seeker na bakla, kala mo naman hindi siya bakla. Nagtitimpi ako kanina sis pero nung sinabi ni Christian na magagaling daw tayong nasa Accountancy, shuta napawi. Sabi ko na lang sa sarili ko, 'kung ang Diyos nagpapatawad, siyempre ako rin'. Oh diba?" he said straightforwardly.

Deretso kong natakpan ang bibig ko dahil sa deretso niyang sagot. Walang preno.

"Humihinga ka pa?" alalang tanong ko at tinapik ni Nisha ang braso ko habang humahalakhak. I could see the happiness on them and it was pretty obvious. Humalakhak lang ako.

"Pero totoo Justine, malaki ata ang galit sa 'yo nung bakla na 'yon. Chris pala ang name niya, hindi bagay sa kaniya," dagdag ni Nisha.

"Hayaan niyo na, alam ko naman na hindi ako makakapasok," saad ko.

"Hala? Ang humble mo naman po ate, huwag ka ganiyan hindi rin bagay sa 'yo," insulto sa akin ni Nicko habang kinukuha ang baon niya. Kinunutan ko lang siya ng noo at tumawa.

"Lahat ba ng kasabay natin ngayon magagaling?" tanong ko at tumango silang dalawa. "Eh 'yung Chris?"

"Nako teh, nag-ballet dancing pa. Jusko si bakla eksenadora," sabat ni Nicko kahit may laman pa ang bibig. Hindi ako naniniwala.

"Maniniwala ako kapag nalunok mo na 'yang kinakain mo," girl ko sa kaniya at uminom ng tubig. Natawa naman si Nisha na nakatingin sa cellphone niya.

When Nicko was done swallowing it he answered me honestly. Maganda raw ang boses ni Chris at hindi naman ako nag-isip na ikakabahala ko dahil sa totoo ay gusto kong hindi makapasok.

Ayokong maraming lalaki at ramdam ko na parang naiinis si Ross sa 'kin. Well, main is siya.

"Kung sakali man na hindi ako makapasok ay baka sa Baking Club na lang ako."

Both of them looked at me with an irritated face when I informed that.

"Hoy be, nag-iinarte ka na naman. Sure ako na pasok ka kasi sina Jeremy tuwang tuwa sa 'yo at alam mo ba na 'yung ginamit mong gitara ay kay Ross?" Sa pagkakarinig ko ay medyo napahinto ako sa sinabi ni Nicko.

"Ano?"

Nicko rolled his eyes, "Gitara ni Ross 'yung ginamit mo kanina."

Agad naman akong dinapuan ng kaba nang makapasok na sa utak ko ang sinabi niya. Seryoso?

"H-hindi ko alam, ba't 'yon 'yung binigay sa akin ni Janine?" tanong ko sa dalawa at kibit-balikat lamang ang sagot nila sa akin.

"Maraming gitara doon girl, tatlo ata 'yon pero 'yung kay Ross ang binigay sa 'yo. Hindi mo ba nakita na may Ross sa ibabang gilid?" tanong ni Nisha. Umiling naman ako bilang sagot.

Kung nakita ko 'yon ay kahit 'yung string non ay hindi ko hahawakan. Deretso namang nanlaki ang mata ko nang kapain ko ang bulsa ng polo ko sa bandang kaliwang dibdib.

"Hala!"

Sigaw ko at nang makapa ko ang guitar pick sa loob ay parang gusto ko magpakain sa lupa. Hindi ko naibalik!

"Ano teh?" tanong ni Nicko at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang kunin ko ito.

Seryoso? Ba't hindi ko ibinalik?

"Nasa 'kin pa 'yung pick ng gitara niya," I said weakly. Napasapo agad ako sa noo ko nang biglang tumili si Nicko.

"Very bet! Hulog ka talaga ng langit, oh akin na 'yan ako na magsasauli," presenta niya at marahan kong ibinigay iyon ngunit pinigilan kami ni Nisha.

"Hindi pwede, dapat ikaw. Sino bang gumamit?" she asked while staring at me. I smiled and slowly rolled my eyes. I can't breathe normally!

"Alam kong gusto mo, oh ikaw na."

"Ako na nga, ano ba!" Kinuha ni Nicko sa kamay ko ang pick pero si Nisha ay ang gusto niya'y ako ang mag-sauli.

"Nish seryoso ka? Si Nicko na, nagmamakaawa ako. Ang pangit nung pakikitungo sa akin ng may-ari nito... hindi ko nga alam kung galit ata 'yon sa akin kasi late ako," pagpupumilit ko.

Umiling lamang siya, "Harapin mo siya girl," saad niya at umiling din agad ako. Hindi ko kaya.

"Ikaw na Nicko o kahit kayo ng dalawa. Hihintayin ko na lang kayo," sabi ko habang inaalis ang kaba sa katawan ko.

I do not understand why is she pushing me to give that to Ross personally. My anxiety was attacking me again, baka mahimatay na ako rito.

"Tayong tatlo na lang para walang away."

Kahit isama pa namin ang kapitan ng barangay namin ay hindi pa rin ako papaayag. Ayoko ng bumalik sa Music Club at alam ko na sa biyernes ang huli kong pasok do'n.

"Sorry, bilisan niyo na kasi baka hinahanap niya na 'yan. Ako na lang magbabantay ng bag niyo."

That was the only sentence that comes out in my mouth. Laking pasasalamat ko na nakumbinsi ko sila.

I don't have a bestfriend. I just considered them as my closedfriends... as of now, ilang buwan pa lang kami nagsasama and both of them did not know me yet. In short, marami pa silang hindi alam sa akin and I don't want them to know it. Maayos na sa akin na ang alam lang nila ay kung saan ako nakatira at ang pangalan ko.

"Hi! Gusto mong sumali sa Photo Club? Marami kaming activities do'n, baka gusto mo?"

Marahan kong inangat ang ulo ko dahil sa narinig at biglang lumakas ang pintig ng puso ko nang makita sila. Deretsong nanalaytay ang kaba sa katawan ko kaya hinawakan ko agad ang aking dibdib. I closed my eyes to calm myself.

"H-hindi... hindi ako interesado." Laking pasasalamat kong hindi na nila ako pinilit pa.

I took a deep breath while the two men is walking away, agad kong inabala ang sarili ko sa ibang bagay dahil nawalan ako ng hininga nang bigla silang lumapit.

"Hoy tanga! Hinahanap ka!" rinig kong sigaw ni Nicko habang papalapit sa akin. Marahan ko naman siyang tiningnan.

"Huh?"

Nisha sat beside me, "Hinahanap ka girl. Ba't daw kami ang nagbigay."

Nakaramdam ako ng pagtataka at tiningnan sila. What in a world that the guy who annoyed me a little time is looking for me? Galit nga ata siya sa akin.

"Edi sinabi niyo kumakain at hindi ko naman sinasadyang dalhin. Ano sinabi niyo?" tanong ko.

"Wala," Nicko answered me sarcastically, "umalis agad kami nung tinanong niya kung bakit hindi ikaw nagbigay."

"Oh ba't parang galit ka girl?" tanong ko muli at tumawa siya.

"Naiingit 'yan, kasi hinahanap ka ata ni Ross."

Nisha's respond gave me an astonishment.

"Huh? Ba't naman ako hahanapin no'n?" tanong ko pero hindi nila ako nasagot dahil wala rin silang alam.

We are just waiting the dismissal and next is the result on Friday. Wala akong balak pumasok bukas dahil gusto ko lang matulog. Friday comes and I'm glad that I am not late. Sabay kaming pumunta nina Nisha sa board ng Music Club at hindi na ako nagulat kung maraming students doon.

There's a lot of murmur and screams about the result, we didn't see it yet because Chris is glaring at me. Inaano ba siya?

"OMYGASH!!"

Rinig kong sigaw ni Nicko nang tingan ang nasa kaliwang bond paper na kung saan nakasulat kung sino ang mga nakapasok sa grupo namin. Nadagdagan nang pagkunot ng noo ang mukha ko dahil sa reaksiyon ni Nisha.

Tumingi siya sa akin,"Justine... h-hindi kami n-natanggap."

Her words frost me in a seconds. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya sa akin, I am stunned.

Sana ako hindi rin. Sana.

Nang tingnan ko ang siyam na pangalan ay gumagaan ang pakiramdam ko ngunit nang silayan ko ang ikasampu ay halos mabulag ako.


10. Justine Philip B. Hernandez - BS in Accountancy


Nakapasok ako.



Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
4.3K 208 4
(Numero Series #3) Zeroh Reo Vlardoni grew up without someone to look up to. He believes that he was deprived of it because of how society sees gays...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
4.5K 289 20
All Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at...