Code name: X [A Psycho's Game...

By Tinkerbellxxxx

17.8K 717 175

Louisiana quit her job as an agent in an organization called Sierra. It was for the safety of her members. Pe... More

Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 (End of Book1)

Kabanata 1

1.8K 35 0
By Tinkerbellxxxx

"Louisiana Amberly?" A sudden voice blended with the wind.

Nanatiling nakadayukdok si Siana sa kaniyang desk. Ilang sandali lamang ay marahan niyang inangat ang ulo. All eyes on her. Ignoring the people around her, she stood up and walked out of the room.

"Louisiana Amberly!"

Natigil siya sa paglalakad. "Absent..." She answered.

"My god, Louisiana! Hindi ka man lang ba maglalaan ng kahit kaunting respeto para sa akin?" Iritang tanong ng kanilang homeroom teacher.

"Absent...po." She said sarcastically.

Tuluyan na siyang lumayo sa silid na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang gusto lamang niya ay ang makalayo sa kuwartong iyon at sa kanilang guro.

"Allison Amberly." May pait na ngiting banggit niya sa pangalan ng kanilang guro.

She was her mother. Simula nang iwan siya nito sa kaniyang Lola Matilda ay tinanggap niya nang hindi ito ang kaniyang ina. Walang magulang ang mag-iiwan ng anak para lamang sa sariling pangarap. Isang kahibangan ang ganoon. People should know how to take responsibilities seriously. Maybe some will always be loyal to their family. But her mother, Allison is not one of them. She keeps on pursuing her dream na dapat ay hindi na nito gawin dahil may pamilya na ito. Ngunit ayaw paawat ni Allison. Umalis ito ng bansa at ipinagpatuloy ang pagmomodelo. That caused her father to find someone who can love him more than his own wife. At ang pagmamahal na iyon ay nakita nito sa matalik na kaibigan ni Siana.

The love that makes her mad to death. Ayos naman sa kaniya kung maghanap ng iba ang kaniyang ama. Ang hindi okay ay sa matalik pa niyang kaibigan nakita iyon ni Peter Amberly. Hindi niya kayang makita na malambing ang ama sa kaniyang matalik na kaibigan. Pakiramdam niya noo'y inaagaw nito ang pagmamahal ng ama na dapat ay sa kaniya. But who is she to question someone's feelings? Wala naman siyang nagagawa kundi ang hayaang maging masaya ang kaniyang ama. Kaya ang pagtira sa kaniyang Lola Matilda ang naging paraan niya para tuluyang malayo sa mga ito. Living with them will make her feel like an outcast.

At ang pangyayaring iyon ang naging ugat kung bakit siya ang pinagbubuntunan ng galit ni Allison. Hindi nito matanggap na wala siyang ginawa para pigilan ang kaniyang ama. Bakit niya iyon gagawin? Umpisa pa lang naman sirang-sira na ang pamilyang pakunwaring binubuo ni Allison. Louisiana's not a dumb. She already noticed how her mother changes mood whenever they have a family dinner, anniversaries or any event that involves their family. Hindi abot sa mga mata nito ang saya. But whenever she's with her Tito James, kulang na lamang ay magpaparty ito kapag dumarating ang kaniyang Tito. She knew then that her mother was in love with her Tito James. Alam niya ring palusot lamang nito ang pagpunta sa Paris para sa pagmomodelo. Kundi, para kitain ang kaniyang Tito James. How disgusting.

"Damn you!" Inis niyang sabi sabay sipa sa lata ng coke na nadaanan niya.

"Shit!" Malakas na daing ang nagpatigil kay Siana. "Are you blind?!"

Matalim na sinulyapan niya ang lalaking nakaupo sa bench na nasa gilid. It's true that she doesn't notice him, pero hindi siya bulag! Okupado lamang ang kaniyang isipan.

She clicked her tongue and continued to walk. Malayo-layo na ang nalalakad niya nang maramdaman ang bigla nitong paghila sa kaniyang braso.

"Aren't you going to apologize?" Malamig nitong tanong habang mariing nakahawak sa kaniyang braso.

Gumanti siya ng malamig na titig. Wala siyang kinatatakutan. Kaya hindi ang isang katulad nito ang magpapalambot sa kaniya.

"Ah, sorry." Malamig at mariin niyang sabi bago mabilis na hinila ang braso mula sa pagkakahawak nito.

Napansin ni Siana ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Kasunod ay ang marahas na pagbuntong-hininga.

"Whatever." Inis nitong sabi bago siya iniwan.

Napapairap na sinundan lamang ni Siana ng tingin ang lalaking papalayo. He's tall, hindi na siya magtataka kung maging isa man itong basketball player sa school nila. Pwede ring football player, pero ano bang pakialam niya? Player man ito o hindi'y wala naman siyang mapapala.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa school field. Marami-raming estudyante ang nakatambay. Pawang mga magkasintahan na sinusulit ang vacant period sa klase.

Tahimik na naupo si Siana sa bench na nasa gilid. Saglit na tumingala't pumikit para damhin ang nakakakalmang ihip ng hangin. Ilang sandali lamang ay marahan niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa at tahimik na naglaro ng online game.

It was an action game. Sometimes she wishes she could teleport in some place where she could flex her strength. Sa lugar kung saan pwede siyang makipaglaban.

Ah right. She used to be in the group of elite agents in town. Pero sa kasamaang-palad, napilitan siyang tumiwalag. Her reason; ayaw niyang madamay ang mga kasamahan sa ilang beses na muntikang pagpatay sa kaniya. A lot of death threats was sent to her house. Maging sa mga private emails niya ay binabaha siya niyon. Lalo siyang nabahala nang maging sa Sierra ay may nakalusot na spy. That time nabuo ang desisyon niyang umalis na lamang. Mahal niya ang trabaho, pero mas mahal niya ang mga kasamahan. She can face death without fear. But the thought of losing those people who truly cares for her, iyon ang hindi niya kaya.

"Nice game..."

Tumigil si Siana sa paglalaro nang biglang sumulpot ang boses na iyon. Inangat niya ang ulo't nilingon ang lalaking nasa kaniyang likuran.

"I'm Ryou."

Kumunot ang kaniyang noo't naningkit ang mga mata. "Did I ask for your name?"

He chuckled. "A loser, an outcast or just feeling misfit?"

Lalong tumalim ang titig ni Siana sa lalaki. Kahit alin sa tatlo ay pare-pareho lang naman para sa kaniya ang ibig sabihin niyon. Ipinamumukha pa talaga nitong mag-isa siya.

"Pissed off."

"You're alone and obviously need someone to talk to. Be grateful; instead of you paying me back from hurting me, I decided to just sit here and give you some company."

Napasimangot si Siana sa narinig. Hindi niya alam kung talagang bukal sa loob nito ang ginagawa o iniinsulto siya sa hindi maayos na paghingi ng sorry kanina.

"What do you want?"

She saw him smirked. Tahimik itong naupo sa dulo ng bench na kinauupuan niya. "Don't ever ask a stranger what they want. Hindi mo alam ang maaari nilang hilingin. Be careful with your choice of words next time."

Natahimik si Siana sa biglaang pagseseryoso ng lalaki. Maging ang titig nito'y tila nag-iba. Mapanganib at sumisigaw ng awtorisasyon. She wonder, kung paano nitong nagagawa iyon.

Mabilis niyang iniwas ang tingin. Pinatay saglit ang cellphone at kaagad na tumayo para umalis.

"You're graduating, pero hanggang ngayon wala ka pa ring kaibigan."

Mariing naikuyom ni Siana ang kamao. Para siyang sinampal nang marinig ang sinabi ng lalaki. She has friends! No-they were her friends. She thought they were.

"I can be your friend."

"I don't need one." Mariin niyang sagot bago tuluyang naglakad palayo. Wala siyang panahon para magpalamon sa galit. Nakalipas na ang mga iyon. Maayos na siya.

-

"Okay, get one and pass!" Malakas na sabi ng isang substitute teacher na nasa unahan.

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Siana bago tuluyang pumasok sa loob ng classroom. Panibagong araw na naman ang haharapin niya. Kailangan niya na namang patatagin ang pader na pinaghirapan niyang ipalibot sa kaniyang pagkatao.

Awtomatikong dumako sa kaniya ang tingin ng mga kaeskwela. Patay-malisyang tinungo niya ang kaniyang desk na nasa pinakadulo malapit sa bintana. She expected that no one will give her her examination paper. Pero nagulat na lamang siya nang may maglapag niyon sa kaniyang harap.

"Good luck." He said while smiling.

Saglit na tinitigan ni Siana si Ryou bago inilipat ang tingin sa test paper. Tahimik ang lahat, tila hinihintay ang pagsagot niya.

"Okay." She said sighing.

Muling ngumiti si Ryou bago tinungo ang katabi niyang desk. Doon ito naupo at nag-umpisang sumagot ng mga tanong na nasa papel. Kunot ang noong inilibot niya ang tingin.

How could she not know that they are classmates? O baka naman talagang wala lang siyang pakialam sa paligid niya't hindi niya na napagtutuonan ng pansin ang mga taong nakapaligid sa kaniya? Right, she realized that almost half of her classmates were still strangers to her. Hindi niya kilala ang mga ito.

Marahang paghinga ang ginawa ni Siana bago inabot ang papel. Hindi siya matatapos kung gugugulin niya ang oras sa pag-iisip patungkol sa mga kaeskwela niya.

"Why did you do that?" Nasa kalagitnaan ng pagsagot si Siana nang marinig niya iyon. Saglit niyang tinigil ang ginagawa at pasimpleng sinulyapan ang lalaking nakaupo sa unahan ni Ryou.

"Why?"

"We hate her." A guy whispered.

"Oo nga, Zeno. Everyone hates her. Huwag mo siyang kakausapin." Sulpot naman ng boses ng isang babae.

A sudden pain stirred in her chest. Siana hold her pen firmly. "Don't listen to them." She mouthed to herself.

Tahimik na muli niyang ipinagpatuloy ang pagsagot sa mga tanong. Minadali niya ang lahat pero siniguro niyang tama ang kaniyang mga sagot.

"Ah right, bago ka nga lang pala rito." Sabi naman ng isa pa niyang kaklase. "She was the reason why her best friend di-."

Malakas na ibinaon ni Siana ang hawak na panulat sa kaniyang desk. Matalim na tinitigan niya ang babaeng huling nagsalita. Walang pasabing nilapitan niya ito't mariing hinawakan sa kwelyo ng unipormeng suot.

"S-Siana..." natatakot nitong sabi.

"Louisiana Amberly!" Malakas na tawag sa kaniya ng substitute teacher.

Ilang sandali siyang nakatitig nang matalim sa babaeng hawak-hawak niya bago niya ito pabalang na pinakawalan. Walang salitang kinuha niya ang gamit at naglakad palapit sa pinto.

"You're not yet done with your exam, Louisiana!"

"I'd rather get a lowest score than to hear their bullshits." Malamig niyang sabi bago tuluyang lumabas ng classroom.

Everyone hates her. That's...sucks.

Hindi siya natatakot sa mga ito. Wala siyang pakialam kung habambuhay man siyang hindi gustuhin ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Pero, tao pa rin naman siya. Bawat salitang naririnig niya'y parang patalim na tuloy-tuloy na bumabaon sa kaniyang dibdib.

She hates the feeling of being hurt.

Ilang beses niya na bang narinig ang paratang na iyon? She never killed her best friend. She wanted to, pero isipin niya pa lang na masisira niya ang kasiyahan ng ama ay umaatras na siya. Her father was the most important person in her life. Hindi niya magagawang patayin si Bea para lamang sa sariling damdamin at selos. Yes she hated Bea for she stole her father's affection for her. Pero hindi siya ganoon kababaw. Mayroon pa rin naman silang pinagsamahan ni Bea at ang mga pagkakataong iyon ay maituturing niyang alaalang dapat na pahalagahan. She was her best friend. Namatay itong wala man lang iniwan na clue para tumukoy sa taong gumawa niyon. Even her father, hindi rin nito alam kung sino ang sisisihin. Nakamatayan na lamang nito ang paghahanap ng hustisya para sa kalaguyo.

Pagkatapos ng pangyayaring iyo'y sunod-sunod na dumating ang mga death threats. Saying that she should die. That she will eventually join her father and his mistress in hell.

Well at first, ang kaniyang inang si Allison lamang ang naiisip niyang may kagagawan niyon. Pero nalinis nito ang sarili sa husgado. There were evidences na siyang nagpatibay sa alibi niya. She was in Paris, nagtatrabaho bilang modelo. Pero ang tarabahong iyon ay may kaakibat na pagtataksil.

Ngayon naisip niya, bakit nga ba niya pagbabawalan ang ama gayong nagawa lamang nito iyon because of what her mother did. Samantalang ang ina, ginawa nito iyon dahil sa pansariling kagustuhan.

Kasabay ng pagpapakawala ni Siana ng buntong-hininga ang pagpikit niya nang mariin. Muli siyang dinala ng mga paa sa malawak na field ng kanilang school. Pinili niya ang parteng hindi malimit na puntahan ng mga estudyante.

"They hate me? As if I care! Kahit buong buhay nila akong hindi magustuhan wala namang magbabago. I still don't care. They're just bunch of stupid people. Pointing fingers at me without even knowing the truth." Mahina pero mariing sabi ni Siana sa kawalan.

"That was...amazing."

Napamulagat si Siana. Katulad kahapon ay muli na naman niyang narinig ang boses na iyon sa lugar kung saan siya nito kinausap nang maayos.

"You should-."

"I don't hate you." Seryoso nitong sabi bago naupo sa kaniyang tabi.

Kunot ang noong pinagmasdan ni Siana si Ryou. Labis siyang nagtataka kung bakit siya nito kinakausap gayong hindi naman sila close.

"I won't ask you about what happened before I transferred here." Nakangiti nitong sabi sabay baling sa kaniya. "I'm a friend Siana, don't hesitate to talk to me when you need someone to lean on."

Iniwas niya ang tingin dahil tila buong pagkatao niya'y binabasa ng mga mata ni Ryou. Para pa ngang kilalang-kilala siya nito. Na bawat galaw ng kaniyang mga kamay, bawat kisap ng kaniyang mga mata ay saulado nito.

"Why?"

"What why?"

"Why are you doing this?"

He chuckled. "Let's say, just like you, I experienced being an outcast."

Mabilis na nilingon ni Siana si Ryou. Nakangiti pa rin ito pero sa langit na nakatingin. "Ang kaibahan lang nati'y malaya na ako samantalang ikaw ay bilanggo pa rin ng nakaraan mo."

She isn't an outcast! Sadyang gusto niya lang malayo sa magulong mundo ng mga estupidong tao na katulad ng mga kaklase niya. Mas gugustuhin niya pang mag-isa kaysa araw-araw na nakikita ang mga ito. Mas gusto niyang marinig ang mga huni ng ibon kaysa marinig ang bulok na pangmamata ng mga ito sa kaniya.

Akmang magsasalita si Siana nang mabilis na tumayo si Ryou. Nagulat pa siya nang iabot nito ang kamay sa kaniya. "Let's go? Tapusin na natin ang exam. Malakas ang palagay kong ikaw ang mangunguna. I saw your paper, hindi ako makapaniwalang puro tama ang sagot mo. Ang talino mo naman."

Kumunot ang kaniyang noo. 'Di hamak na mas matalino ito dahil alam nitong tama ang sagot niya.

Saglit niyang pinakatitigan si Ryou at ang kamay niyong nakalahad. Handa na ba siyang magpapasok sa mundong pilit niyang binabakuran? Handa na ba siyang tumanggap ulit ng kaibigan?

Marahan ang ginawa niyang pagbuntong-hininga. Pairap na iniwas niya ang tingin. "Saka na ako babalik doon. I can still catch up with them. Gusto ko lang magpalipas ng galit."

Narinig niya ang pagpapakawala rin ni Ryou ng malalim na hininga. Muli itong naupo sa kaniyang tabi at pinagmasdan siya nang mariin.

"Matagal ka na bang ganito?"

Hindi kaagad sumagot si Siana. Paano ba niya sasagutin ang tanong na iyon? Ang alam niya kasi'y ayos naman siya noon. Pero nang mamatay si Bea at ang kaniyang ama'y nag-iba na ang lahat. People keep on blaming her for what happened to her best friend and to her father. Maging ang mga magulang ni Bea ay siya ang sinisisi. Kesyo alam naman daw niyang mali ang ginagawa nitong pakikipagrelasyon sa kaniyang ama'y hindi niya ito pinigilan. Paano nga niya iyong gagawin gayong nakikita niya ang tunay na saya sa mga mata ng kaniyang ama?

"It's okay if you don't want to answer me." Mahinang sabi ni Ryou habang binubunot ang ilang ligaw na damo sa malapad na bermuda grass.

Hindi na tuluyang umimik si Siana. Hinayaan niya na lamang na lamunin sila ng katahimikan. Mas maigi pang sabay na lamang nilang pakinggan ang mga huni ng ibon at pagsipol ng hangin kaysa bumalik sa classroom at muling marinig ang mga boses ng kaniyang mga kaklase.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 52.5K 55
Agent 012563: Rose Jade Manzano, isang SECRET AGENT sa INTERPOL, at bilang isang agent may mga bagay na dapat isakripisyo. They are not allowed to ge...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
2.4M 52.4K 70
[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because t...
174K 4K 31
"Babae ako" that's what Maki always say. Pero anong mangyayari kung desidido ang kanyang bestfriend na si Lynell na gawin siyang lalaki? But that's n...