Deal With The Playboy (COMPLE...

By Baby_Cute_sweetiepie

17.5K 692 61

Deal Series #2 NO PORTRAYER INTENDED. Mary Grace Mercado is an energetic and strategic woman who does ever... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Wakas
Special Chapter
Characters

Kabanata 3

705 40 3
By Baby_Cute_sweetiepie

Bwisit na bwisit ako ngayon dahil hilahin ba naman ako ng lalaking 'to papuntang mall, mukha raw akong hindi marunong mag-ayos. Aba si Aber, judger.

"Go, pick whatever you wang, I'll pay for that." Utos niya agad nang tumigil kami sa mga pambabae na damit, sumama naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya, taena niya.

"Libre 'yan, 'wag ka mag-alala." Dagdag niya pa at mahinang tumawa, napairap ako. Peste.

Nakakainis talaga siya. Ang pangit naman niya, joke lang, gwapo siya.

Inis ko siyang tinitigan sa mata, ngumisi lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Bakit ba kailangan ko pa bumili ng damit?" 

"I'll going to introduce as my fiance that's why but,  paano kita ipapakilala kung gano'n..." Pinutol niya ang sa sasabihin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Napaka-judger talaga nito! Peste na taena niya!

"Kung gano'n. Wala kang matinong itsura." Dagdag pa niya, kaya mas lalo ako nainis. Ako walang itsura?! 

"Bwisit!" Sigaw ko sa kan'ya saka siya tinalikuran narinig ko pa ang alakhak niya.
Bahala siya bibili ako kahit ilang na damit ang gusto ko libre naman pala.

Kuha lang ako nang kuha ng damit wala akong pakialam kung magkano basta sabi niya libre. Nang makakuha na ako nang madami ay saka ako naglakad pabalik sa kan'ya pero, mukhang hindi siya na gulat sa dami nang kinuha ko.

"Tss... Bakit gan'yan lang kinuha mo? Wala ka bang taste sa pananamit?" Sunod-sunod niyang tanong, sumama naman lalo ang mukha ko. Sumenyas siya roon sa mga babae at kinuha 'yung mga pinili ko.

"Sumama ka sa kanila, tutulungan ka nang mga 'yan mamili." Utos niya sa 'kin bago sinenyas na sumama roon sa mga babae, wala akong nagawa kundi ang sumama, daming arte, damit lang naman.

Kung ano-ano ang pinasukat sa 'kin ng mga bwisita na babae 'yun pero, no choice naman sila dahil trabaho nila iyon.

Mga magagandang dress, mga pormal na damit, may mga pang party pa! Labas ang kaluluwa ko sa mga damit na 'yun. Maikli, hindi ko bet.

"Ano? Ayos na?" Pagod kong tanong, sino ba naman hindi mapapagod sa dami nang sinukat ko nang paulit-ulit tapos lahat 'yun binili niya para sa'kin. Sinukat ko pa, kung lahat pala naman bibilhin niya.

"Yeah, may pupuntahan pa tayo." Sabi niya saka na naman ako hinila, putek naman oh.

"Saan na naman?" Irita kong tanong, hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-hila sa 'kin. Buti nalang may alalay siyang taga dala ng pinamili namin. Hirap kaya magdala ng gano'n kabigat habang hila-hila ako nitong peste na 'to!

Tumigil kami sa isang resto, hila-hila niya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa isang table na may dalawang lalaki na may kasamang babae.

Nice one, mga playboy.

Babaero moments.

"A, 'yan ang sinasabi mong fiance?" Tanong nung isang lalaki, based sa pagkakaupo niya mukha siyang matangkad, at gwapo talaga tignan, hindi maitatangi na ang nakakuha ng atensyon ng mga babae ay ang mata niya, natural tan ang kulay ng balat nito na mas nagpa-gwapo sa kaniya, may suot din itonh retro sunglasses, kulay ashen ang buhok nito, aha abo pa nga.

"Yeah." Si Ariel. 

"Hi, Adi." Malaking ngiti pakilala sa 'kin nung isang lalaki, moreno naman talaga ang isang 'to, maganda ang pangangatawan at mukhang matangkad din, medyo singkit siya nung ngumiti siya na dahilan ba't nagmukha rin siyang gwapo, hanep ah, samahan ng mga gwapo ang circle of friends ni Ariel.

Yayamanin!

"Kenedy..." Pakilala naman nung lalaking nagtanong kanina, saka inabot ang kamay ko, 'yung dalawa naman babae ay tinignan lang ako mula ulo hanggang paa, nang lingunin ko sila ay inirapan lang nila ako, ganda ka teh?

"Name?" Tanong ni Adi.

"Grace." Sagot ko.

"Bagong babae na naman?" Tanong bigla ni Ariel sa kaibigan, tumawa lang ang dalawa saka tumungo-tungo.

Umupo ako sa tabi ni Ariel. Wala naman silang ginawa kundi mag-usap tungkol sa mga alak, babae, at party, parang wala silang kasamang babae rito kung makapag-usap sila tungkol sa babae.

Tinignan ko 'yung dalawang babaeng nasa harap ko, ang taray-taray eh sila naman 'tong nakatingin sa 'kin.
'Di niyo matatalo beauty ko, teh .

"What did you want?" Tanong bigla sa 'kin ni Ariel habang pinapakita sa 'kin ang menu.

Nakakain na naman ako sa ganitong resto pero, sa tagal-tagal na rin ng panahon nang huli kong kain.

"Kahit ano." Sagot ko nalang, dahil sa totoo lang mas gusto ko pa umuwi kaysa kumain kasama nila may kapatid pa akong tutulungan sa assignment, may trabaho pa ako, iintindihin ko rin pang bayad ko sa school ng kapatid ko.

Tumungo lang siya at umorder ng pagkain bahala siya kung anong order niya basta ako gutom na at gusto na umuwi.

Maya-maya habang naghihintay sa pagkain ay bigla nalang may lumapit sa 'min tatlong babae at mga mukhang galit.

"Adi, sino 'yang kasama mo?" Tanong nung babaeng, hindi naman ito matangkad dahil pagkatingin ko sa paanan niya naka high heels ito siguro nasa 5'0 lang ang height niya, naka make-up ito pero hindi naman makapal tama lang sa kulay niyang morena.

"Kenedy! Kaka-break lang natin may bago kana agad!" Sigaw na sabi nung babae na mistisa, morena ako eh.

"At ikaw, Ariel ako ang fiancé mo pero, ibang babae ang date mo!" Sigaw na sabi nung babaeng, sobrang kapal ng eyelashes niya. Gagstock.

Ano raw? Fiance?! Jusko naipit pa ako sa gulo ni Aber!

"Jil, break na tayo ano bang pakialam mo kung may bago na ako." Walang ganang sabi ni kenedy saka tumayo at lumapit doon sa babaeng maputi.

"Rill, let me explain..." Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko malakas na sinampal nung Rill si Adi what the Aber?!

"Pauline..." Mukhang mauubosan na pasensyang sabi ni antonio. "Ano bang pakialam mo? At sa pagkaka-alala ko hindi kita fiance." Walang ganang dagdag na sabi ni Ariel, kinuha niya ang kamay ko at pinakita ang sing-sing na nakasuot sa roon.

"See?" Ngumisi siya "Si Grace ang fiance ko, at hindi ikaw." Dagdag pang sabi ni Ariel, kaya halos malaglag ang panga ko nang igala ko ang paningin sa buong resto, halos lahat ng customer ng resto ay nakatingin sa 'min lalo na kala kenedy at doon sa babaeng maputi nagsisigawan.

"What s-siya ang fiancé mo! Siya ang pinili mo kaysa sa'kin?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Pauline, halos sabunutan niya na ang sarili dahil sa inis.

"Siya ang fiance ko, kaya wala ka nang magagawa." Wala pa rin ganang sabi ni Ariel. Wala man lang siyang ka-react-react sa nangyayari.

"Hindi naman maganda 'yan, anong nagustohan mo d'yan?" Naguguluhan na tanong ni pauline at paulit-ulit na sumulyap sa 'kin. Ako hindi maganda?! Ang ganda ko kaya.

"Hoy babae, for your information! Maganda ako!" Singhal ko sa kan'ya, at mukhang nagulat siya ng bigla ako magsalita.

"What? Ikaw maganda?!" Naiirita niyang tanong.

"Poor girl!" Sigaw niya ano naman kung mahirap ako. Atleast hindi katulad mo desperada. "Mahirap na kung mahirap, atleast ako ang papakasalan at hindi ikaw!" Sigaw kong sabi nakina-usok ng ilong niya.

"Rill... Bee let me explain." Rinig kong sabi ni Adi kaya napabaling ako sa kanila para silang tanga naghahabulan palabas ng resto.

Peste bubuyog pa nga.

"Paano mo nasisiguro ikaw ang papakasalan? Mahirap ka lang kaya ko gumawa ng paraan makuha ko lang siya sa 'yo." Maarte niyang sabi. Gusto mo iyo na.

"Ika—"

"What!? Don't talk to me." Bigla niyang sabi, peste, tanga ba siya?

"Gusto mo ng tuktok?" Biro kong tanong na nagpakunot ng noo niya.

"Tuktok?" Naguguluhan niyang tanong ay gagstock.

"Antonio Ariel, umuwi na nga tayo! Mauubusan ako ng brain cell sa babaeng na 'to!" Sigaw kong utos, saka bumaling kay Ariel mahinang tumatawa sa likod ko.

"Sorry, Sweetie." Sabi niya saka tumigil sa pagtawa.

Sweetie ang abnormal.

"Let's go." Utos ko saka nanguna lumabas pero, bago pa ako makalabas ay may narinig akong sabi ni Pauline.

"You look so familiar..." Wika niya na hindi na aalis ang tingin sa 'kin.

"Ikaw ha, tigilan mo 'ko wala akong kamukha!" Irita kong sabi saka nagmadaling lumbas.

Lagi nalang may nagsasabing may kamukha ako tanging si Ate lang naman ang kamukha ko kaya imposibleng kilala nila ang Ate ko.

Continue Reading

You'll Also Like

930K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
13.8K 3K 71
Hazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highs...
41.8K 1.6K 35
Deal Series #1 Meisha Ann Lim is a woman who wants a happy and quiet life, she wants freedom, so she decided to run away from her family. One day sh...