The Hell Mansion

By rudePenguin

2K 125 12

Maraming kababalaghan ang nangyayari sa loob ng Mansyon ng pamilya Morgan. Maraming elemento at kahindik - hi... More

note
Sypnosis
Epilogue
KABANATA ISA
KABANATA DALAWA
KABANATA TATLO
KABANATA LIMA
KABANATA ANIM

KABANATA APAT

143 14 2
By rudePenguin

IV - Discovery




Jake



Narito kami ngayon ni Angelo sa labas ng bahay. Na-assign si Kiro at Hasmin sa mga cameras kaya't nasa bahay ang mga ito at nagbabantay sa mga CCTV's na kinabit namin kanina. While Kira and Matt is on the second floor, titignan nila kung may mga makukuha silang ebidensya and will also take photos. We plan to do ghost hunting. Yeah GHOST hunting habang iniimbestigahan namin ang nagyayari sa pamilya Ascenda.



"Kiro are we clear?" narinig kong tanong ni Angelo kay Kiro gamit ang earpiece. Nakatayo ito at hawak ang flashlight sa kamay. Pinasadahan ko ang itsura nito, nakasabit ang digital camera sa leeg nito also there's a small clip na nakasabit sa damit nito na isang audio recorder. Lahat kami ay ganito ang ayos maliban nalang sa dalawa na nagbabantay ng mga cameras.



"Yes, you may proceed wala akong nakikitang kakaiba." rinig ko sa kabilang linya. Tumingin ito sa akin at agad din namang nag-iwas ng tingin. "Okay. "



"Let's go to the backyard, mukhang wala tayong makikita dito." aya nito sa akin at agad na naglakad papunta sa likod na bahagi ng bahay. Sumunod naman ako.



Malamig ang simoy ng hangin ngayon dito sa labas at maririnig ang ingay ng mga kulisap sa paligid. Napahawak ako ng mahigpit sa magkabila kong braso ng biglang umihip ang hangin. Siguro dahil ber months na ngayon at malapit ng magpasko kaya ganto na lamang ang lamig ng hangin. Nasa likudan ako ngayon ni Angelo habang tinatahak ang daan papunta sa likodbahay. Pareho kaming tahimik at walang imik, ito ang dahilan kaya't tutol ako sa pag-grugrupo kanina eh. I pictured this in my mind happening, mapapanis ang laway ko kapag ito ang kasama ko at hindi ako magiging kumportable sa kanyang presensya. Parang wala itong pakialam at malamig ang pakikitungo. He seems so distant.




Ng bigla itong huminto sa paglalakad. Mabuti na lang at may dala akong flashlight at baka mabunggo ko ito dahil sa sobrang dilim ng paligid. Bigla akong napaisip kung nakukuha kaya ng video cam na hawak ko ang lahat ng nangyayari ngayon at ang nasa paligid. Sabagay high tec naman ito kaya't panigurado na kita ito kahit na madilim. Flashlight ang nasa kanan kong kamay at video recorder naman sa kabila.




"Narinig mo ba yun Jake?" tanong nito. Narinig ang alin? Wala naman akong naririnig o baka dahil marami lang akong iniisip kaya hindi ko marinig ang narinig nya.


Oh baka dahil madumi ang tenga ko?HAHAHAHA Magtigil! Seryoso na.



"Wala, a-ano ba yung narin-?" hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng pinutol ito nito "Sshh wag kang maingay" humarap ito sakin at nagpalinga linga sa paligid. Natutop ko ang sariling labi dahil sa inis. Magtanong ba naman tapos patahimikin ako? Sinong matutuwa sa ganoong bagay tsk. Para malibang at mawala ang inis ay aking pinakiramdaman ang paligid.



Naglakad si Angelo ng dahan dahan na agad ko namang sinundan. Nakarating na pala kami sa likod ng bahay. Maraming puno at masukal sa bandang ito. Naglakad lakad pa kami at pansin kong napapalayo na kami sa bahay. Ilang minuto ang lumipas na puro lakad lang ang aming ginagawa.




Ginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Tutok ng flashlight at tingin sabay lilinga ang aking ginagawa ng may naaninag akong isang bagay. Dahil nadin sa tulong ng flashlight ay aking napagtanto kung ano ito. Teka isa itong bahay at hindi bagay!


"Angelo! Tignan mo yun dali! " agad na sabi ko kay Angelo, "Ha? Nasaan ano ba yon? " lapit nito sa aking upang makita ang sinasabi ko. "Ayun oh! Isang bahay" agad kong sabi ng makalapit ito.



"Hindi yan bahay, isa yang bodega" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ng bigla itong tumakbo papalayo sa akin at tinungo ang daan kung nasaan ang sinasabi nitong bodega. Wala naman akong choice, ayokong maiwan magisa dito ano kaya patakbo din akong sumunod kay angelo. Lumapit ako dito at nakita itong nakatitig sa kabuuan ng bodega.


Malayo layo din pala ito kayat hinihingal akong nakatingin sa aking paanan catching my breath. Maliit lang akong tao di tulad nya na malalaki at mahahaba ang bias ng mga paa. Isa talaga to sa mga kahinaan ng pandak eh.



"Halika na, pumasok na tayo sa loob." turan nito. Nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi nito. "Are you sure? Baka may kakaiba dyan sa loob at mapahamak tayo." agad kong sambit.



Napatingin ito sa akin with a sarcastic smile. "Ngayon mo paba iisipin yan? Eh nung pumunta ka nga sa second floor ng bahay hindi ka nagdalawang isip at natakot."



Namula naman ako sa pagkapahiya. Ngayon ko pa nga ba ito iisipin? Tama nga naman sya. Napabuntong hininga ako tanda ng pagpayag. "Sige na nga, tara na."



Muli pa itong sumulyap sa akin at naunang naglakad. Napabuntong hininga ako. Ng makarating sa pintuan ay dahan dahang pinihit ni Angelo ang doorknob na gawa sa kahoy na pintuan. Parang ano mang pagkakataon ay masisira na ito dahil sa sobrang luma at anay na nakapaligid dito. Lumikha ito ng isang langitngit ng tuluyang mabuksan ni Angelo ang pintuan ng bodega. Pasalamat nalang dahil hindi ito naka-lock. Pumasok siya sa loob at sumabay naman ako. Diretso lamang ito sa paglalakad. Masyadong madilim sa paligid kaya ginala ko ang hawak na flashlight sa kabuuan ng bodega at nilibot ito.



Nanlalaki ang aking mata at nabigla ako sa aking nakita. Teka! Bakit ganito ito?! Parang isang torture room ang buong silid! Napasinghap ako sa aking mga nasasaksihan. Tinutok ko ang video recorder na hawak ko at nagsimulang itong i-record. Sobrang luwang ng bodega kumpara sa labas na kung iyong makikita ay aakalain mong maliit lamang. Maraming mga kadena na nakasabit sa taas ng dingding maging sa kisame ang makikita at puro na kalawang. Halatang hindi naalagaan at napaglipasan na ng panahon. May isa ring malaking kama na naging sentro ng bodega. Madaming mga sapot sa paligid nito at madumi nadin. Ng igala ko pa ang aking paningin ay may nakita akong isang banyo.




Humakbang ang aking mga paa at nagsimulang tahakin ang banyo na aking nakita. Iniwan ko si Angelo na tahimik na nagmamasid sa buong paligid. Nagulat ata sa nasaksihan. Bukod sa kahoy ang pintuan papasok ay plastic naman ang pintuan sa nasabing cr. May pahabang kuwadrado butas ang nasa taas nito sapat na upang silipin ang buong banyo.



Pumasok ako sa loob upang makita ang kabuuan nito. Agad akong napahawak sa aking ilong ng bumungad sa aking ang napakasangsang na amoy sa loob. Halos maiyak ako sa biglang baho na aking nalanghap. Ng makapag-adjust ay nagpokus ako sa paligid. Nakita ko ang maduming bathtub at isang shower. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang mga latigo, iba't ibang uri ng kutsilyo, at mga gulok na nakalatag sa sink. Basag din ang salamin ng banyo. Tumataas ang balahibo ko sa aking mga nakikita. Nakakapangilabot!




Sinilip ko ang loob ng bathtub, napakarumi nito at madaming mantsa ang makikita, ng may pumatak na likido sa aking braso. Hindi ko na lamamg ito pinansin sa pag-aakalang ito ay tubig lamang.



Ng masundan pa ng isa. At isa! Hanggang sa ang tatlong patak ay naging sunod sunod! Tinignan ko ang aking braso at nagimbal ng makitang kulay pula ito, hinawakan ko ito. Malapot at masangsang ang amoy! Isang dugo!



Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ang flashlight. Dahan dahan at paunti-unti kong iniangat ang aking flashlight sabay ng paningin sa itaas nang may nakita akong isang babae! Nakabigti ito sa taas sa may pahook na metal na nakakabit sa kisame, nakalawit ang dila nito. Ang dugo sa kanyang leeg ay dumadaloy paibaba sa kanyang inaagnas na mga paa at dilat ang mga mata na halos lumuwa na at mahulog sa sahig ang eyeballs nito.



Nahihinkatakutan akong paatras na lumakad habang nakatingin padin dito. Ng bigla itong ngumiti ng malaki! Nagulat ako ng biglang nahulog ang isa sa mga eyeballs nito at biglang gumulong sa aking paanan!



Napahiyaw ako at agad na tumakbo sa pintuan ng cr ng bigla itong sumara. Shit! Not again!



"Angelo! Help me, buksan mo to!" hiyaw ko ng malakas at kinalampag ang pintuan ng cr. Sobra ng pwersa ang pagkalampag ko dito at binuhos lahat ng natitira kong lakas ngunit ayaw padin nitong bumukas!



"Kiro" hawak ko sa aking tenga kung nasaan ang aking earpiece habang kinakausap si Kiro at nagbabakasakaling ito'y sumagot. "K-kiro say anything if you can hear me-


goddamn it! " hiyaw ko ng makita ang babae na gumagapang na ngayon at nasa sahig at papalapit sa akin. Hindi ko marinig sa kabila si Kiro, nawalan yata ako ng connection sa kanila.



"Angelo please open this! " gumaralgal na ang aking boses sa takot. Napapikit ako ng mariin at napakagat sa sariling labi. Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko si Angelo na humahangos sa labas. Sumilip ako sa kuwadradong butas at nakita ko itong may dalang itak.




"Lumayo ka konti Jake, " lumayo naman ako at muling tinignan ang babae sa aking likudan. Laking pasasalamat ko ng makitang wala na ito. Kasabay ng pag-atras ko ay ang malakas na pagbukas ng pintuan at niluwa nito si Angelo.



Agad akong nitong nilapitan at marahas na hinila palabas. Nasasaktan ako sa paraan ng paghawak nya. Nangilid ang aking mga luha ng pabalang ako nitong bitawan at halos masubsob sa lupa. Nasa labas na pala kami ng bodega.


"Ganyan kaba talaga?! Ano bang nasa kukote mo Jacky!Nagiisip kapa ba ha?! Bakit mo naman naisipang pumunta doon magisa! Pangalawang beses nato, hindi kapa nadala! " galit nitong sigaw sa akin at halos lumabas na lahat ng litid nito sa leeg. Seryoso ito at nakakatakot ang timbre ng kanyang boses. Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.


"S-sorry hindi k-ko naman kasi s-sinasadya." Hagulgol ko at tumalikod dito. Napapunas ako sa aking pisngi pero patuloy padin ang luha ko sa pagtulo.


Hindi ko alam kung sa takot ba sa nangyari kanina o dahil kay Angelo ako umiiyak. Napakababaw ko!



"Tumigil kana dyan bumalik na tayo. " malamig nitong sabi at naunang naglakad. Naiwan naman akong nakatayo.



"Ano pang tinutunganga mo dyan? Halika na!" agad naman kong napalakad at napilitang sumabay dito.

"Kiro nandyan kapa ba? " tanong nito habang naglalakad, sinusubukang kausapin sila Kiro.

"Kiro?" napabuntong hininga ito. Seems like na cut nga ang connection namin sa mga ito.

Wala yata itong balak pang magsalita. Patuloy padin ito sa paglakad habang nasa likudan ako at masama padin ang loob sa mga nangyari. Siguro nga deserve ko na masigawan. Ang tanga tanga mo kasi Jacky!

"A-ahm Angelo" lakas loob kong tawag dito.



"What? " mahina naman nitong sabi. "Ano kasi s-sorry about sa nangyari kanina" napayuko ko pang sabi habang naglalakad ng mabunggo ako sa likudan nito ng bigla itong tumigil. Napaangat ang tingin ko dito. Tahimik lamang itong nakatingin sa akin at hindi nagsasalita ng bigla itong tumalikod at naglakad ulit. Ilang beses akong napakurap. Yun na yon? Wala man lang itong ibang sasabihin?




Dismayado akong tumingin dito at patuloy na lumakad. Ano pa nga bang ineexpect ko sa isang Angelo Buenavista. Tsk.


Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na kami sa bahay. Wala na muling umimik samin pagkatapos kong magsorry. Nadatnan namin ang buong grupo na nagkukumpulan sa sala.


"Oh, andyan na pala kayong dalawa akala namin hindi na kayo babalik. Balak pa sana namin kayong sundan, bigla kasi kayong nawala sa GPS at hindi ko ma-trace ang tracking device na binigay ko sa inyo." Mahabang bungad samin ni Kiro.



Agad namang lumapit si Hasmin at Kira sa akin. "Ano okay ka lang? May nangyari ba?"



"Ayos lang ako" tipid ko ngiti sa kanilang dalawa.



Napabaling ako ng tingin kay Angelo ng makita itong lumapit kay Kiro at pasimple itong kinausap.


"Hayy kapagod ngayong araw. Tara na sa kwarto at magpahinga! " aya naman sakin ni Kira at pahila akong kinuha sa braso.


"Teka Jake! Yung earpiece at tracking device akin na. Ic-check ko lang at baka may sira." agad namang sabi ni Kiro ng aalis na kami. Dali dali ko namang kinuha ang hinihingi nito.



"Oh eto, " lumapit ako dito at binigay. Ng mahagip ng mata ko si Angelo na nakaupo. Seryoso lamang itong nakatingin at tila may malalim na iniisip.



Agad kong iniwas ang tingin ko dito at umalis na.



Pumasok na kami sa kanya kanyang kwarto. Nagpalit ako saglit ng pantulog at nahiga na.


Pabaling baling at iba iba ang pwesto ko sa kama. Hindi ako makatulog. Nagflash back sakin ang mga kaganapan kanina. Napabuntong hininga ako ng isipin ang galit ni Angelo kanina, bakit ba sya ganun? Oh baka dahil sobrang sensitive ko lang.




Hindi talaga ako makatulog. I checked my wristwatch. Alas tres na pala ng umaga. Siguradong sabog ako mamaya kung hindi pako matutulog. Kayat tumayo ako at nagtungo sa kusina.



Plano kong magtimpla ng gatas pampaantok. Nasa kalagitnaan ako ng paginom ng biglang bumukas ng malakas ang bintana sa kusina. Oo bintana. Glass ang window dito, hindi ko na lamang ito pinansin at agad kong inubos ang iniinom ko at bumalik sa kwarto.



--






Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 775 16
අදුරෙන් උපන් ඔහුගෙ ආදරයේ වියරුව!
2.8K 107 45
This is Demon Slayer yandere one shot. The Demon Slayer characters are NOT mine. Also the art is NOT mine, all credit goes to the artist. This book c...
17.6K 682 88
We all know how the story goes... A group of 6 highschool students on a fieldtrip that led to a disaster... Which also led them to cross realms betwe...
64.4K 1.4K 12
Adult sence တေ‌ွ ၊ age 21+🚨မို့ အသက်္မပြည့်သေးသူများမဖတ်ပါနဲ့ Horror , rape တဲ့အခန်းတွေပါရှိမှာမို့ ဇာတ်လမ်းက အချိုတွေသိပ်ပေးနိုင်မှာမဟုတ်လို့ပါ 🦋�...