The Hell Mansion

By rudePenguin

1.9K 124 12

Maraming kababalaghan ang nangyayari sa loob ng Mansyon ng pamilya Morgan. Maraming elemento at kahindik - hi... More

note
Sypnosis
Epilogue
KABANATA ISA
KABANATA DALAWA
KABANATA APAT
KABANATA LIMA
KABANATA ANIM

KABANATA TATLO

123 11 0
By rudePenguin


III- Preperation



Jake



  After we eat, kanya kanyang kilos ang lahat. Everyone clean and fix their self. Dahil sa nauna nakong mag-ayos ay tumambay muna ako sa sala. Mga ilang minuto ng pagkakaupo ay dumating si Matt at Kira. Nag-uusap ang dalawa. Wala naman akong balak makisali kaya hinayaan ko nalang.



"Wassup Jake bilis natin makaligo ah" pansin ni Matt habang umuupo.


"Ah oo, sayang naman kasi sa oras. Teka nasan naba ang iba?" tanong ko habang ginagala ang paningin.



"Nasan paba edi nag-aayos. Si Hasmin kanina pa sa salamin, nagpapatuyo ng buhok." sagot naman ni Kira habang ngumunguya ng bubble gum. Hindi kaya sumakit ang panga neto kangunguya?


"Ahh" ang sinabi ko nalang. Natuloy pa ang pag-uusap ng dumating si Kiro. Patago kong tinignan ang kabuuan nito. He's wearing a gray v-neck shirt at naka khaki shorts ito. Maayos ding naka-ayos ang kanyang buhok dahilan upang makita ang singkit nitong mga mata.


"Hoy kayong tatlo mauna na daw kayong maglagay ng CCTV's dito sa loob. Sa labas na kami at sa second floor sabi ni Angelo"



"Sige " agad naman na sabi ni Kira tanda ng pagsangayon. Agad naman umalis ang kakambal nito ng masabi ang pakay.


"Ano sa tingin nyo ang una nating lalagyan? Sa sala na lang kaya" tanong ni Matt habang sinisipat ang kabuuan ng sala.


"Sa kusina muna siguro ang unahin natin tapos susunod nalang ang sala" ang sabi ko naman.


"Hmmm... Sige sige"


Agad akong tumayo ng sumang-ayon ito. "Mauuna nako sa kusina, kayong dalawa nalang ang magbitbit sa mga gamit. Hihintayin ko kayo don"


Naglakad ako kaagad papunta sa kusina. Nabangga ko pa si Hasmin na kalalabas ng kwarto. Nagsorry ito at madali din naglakad papunta kila Angelo, siguro ay magkakabit nadin sila.


Tahimik ang buong kusina ng makarating ako Humila ako ng isang silya at naupo. Minuto lamang ay dumating nadin si Matt na may dalang mga kahon. Nandito siguro ang aming mga gagamitin. Kasunod naman nito si Kira na ngumunguya na naman at nilalaro ang buhok.


"Ang bigat di man lang ako tinulungan ni Kira" busangot na sabi nito habang inaayos ang salamin.

"That's okay, lalaki ka naman di ba? Kuya said that be always a gentleman soooo wag kana magreklamo dyan " hagikhik naman ni Kira sa nakasimangot padin na si Matt.



Nilapitan ko ang kahon. Tumambad sakin ang mga kagamitan sa pagkakabit ng CCTV's, madami ding wire ang nasa loob. Kumuha ako ng isa at nilabas ito.


"Tara na simulan upang mabilis tayong matapos." hindi na tumutol ang dalawa at tumulong nadin sa'akin.


Minutes have passed at sa wakas ay natapos na naming lagyan ang kabuuan ng kusina. Tumuloy kami sa sala. Pasalampak naman akong naupo dahil sa ngawit na pagkakatayo. Hinayaan kong ang dalawa muna ang magtrabaho. Hindi pa nag-iinit ang aking pwitan sa pagkakaupo ng may mapansin ako.


Dahil sa ang sala agad ang bubungad sa iyo pagpasok sa bahay ay makikita mo ang pintuan. Saktong nakapaharap ako dito ng may makita ako.



Isang babae... Maputla ang mukha nito na nakasilip sa may pintuan at tanging kalahati ng mukha nito ang makikita. Ang itim at mahaba nitong buhok ay sumasayad sa sahig. Ng bigla itong umalis.



Parang nahihipnotismo akong napatayo at naglakad papunta sa pinanggalingan ng babae. May kung ano dito ang nagtutulak sa'akin na sundan ito.


"Jake?  Where are you going,  hindi pa tayo tapos dito! "



Namalayan ko na lang na nasa labas na'ako ng bahay. Narinig ko pa ang sinabi ni Kira pero binalewala ko lang ito. May kung anong pwersa sa babaeng yon ang hindi ko mapaliwanag at tanging ang babaeng yon lang ang laman ng aking isip.


Tumambad sa akin ang bakuran ng pamilya Ascenda ng biglang umihip ang malamig ngunit banayad na ihip ng hangin dahilan upang magsilipadan ang mga tuyong dahon. Nagsitaasan ang mga buhok ko sa batok. Ng may marinig akong mga mahihinang kaluskos na nanggagaling sa gilid ng bahay.


Alam ko na malalagot ako kay Hasmin pag nalaman nyang may ginagawa na naman ako na pwede kong ikapahamak. Pero bahala na! Wala naman sigurong masamang mangyayari.


"S-sinong nandyan? " dumadagong ang dibdib ko sa kaba habang dahan-dahan akong naglalakad sa pinanggagalingan ng mahihinang kaluskos.


"Anong kaylangan mo. M-magpakita ka" sabi ko pa. Konti nalang ay malalapitan ko na ito.



Laging gulat ko ng may mga pares ng kamay ang humawak sa aking braso. Napatalon ako sa gulat at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa humawak sa'akin at handa na sana itong sigawan. Pero tila umurong pabalik ang aking dila ng makita kung sino ang nasa aking harapan.


"You're not planning to do something stupid aren't you?" his cold voice sent shiver down to my spine.


I look away at pasimpleng binawi ang braso ko dito. Edi sya na matalino!



"H-hindi naman sa ganon,  wag mo nalang sana sasabihin ito kay Hasmin. " paiwas kong sabi dito. Tiyak na ilang oras na sermon din ang matatanggap ko kapag nakarating sa kanya to.


"If you say so.. Ano ba kasing ginagawa mo dito? " tanong nito habang tumatabi pa ang ulo.

"W-wala!  Ikaw ano bang ginagawa mo dito? " pabalik na tanong ko dito. Hindi nya na kaylangan malaman pa kung bakit nasa labas ako ngayon.



Napaangat ang sulok ng labi nito sa sinagot. Ng bigla nitong itaas ang hawak na plastic bag na ngayon ko lang napansin. " Itatapon ko sana ang mga ito. Tapos nakita kita kaya lumapit ako baka may gawin ka na namang hindi pinagiisipan eh" pangisi pa nito.


Namula naman ako sa inis. So lahat ng ginagawa ko hindi pinagiisipan??? Hindi ako bobo! Loko to ah.



Palihim ko itong inirapan. "Oh sige itapon mo na yan. Mauuna nako sa loob." hindi ko na hinitay na magsalita ito at lakad takbo na agad pumunta papasok sa bahay.


Pagpasok na pagpasok ko ay nakasimangot at inis na mukha ni Kira ang tumambad sa akin.


"You didn't help Jake-chan! Saan kaba nagpunta ha you know naman na may ginagawa tayo here. Tinawag pa kita kanina pero dika sumasagot! Bingi kana ba just like my kuya ha?!" sigaw pa nito napatawa na lang ako ng para itong bata na nagpout at padabog na naupo. Ang cuteee


"A-ano kasi may ginawa lang ako sa labas. Sorry-" paumanhin ko.

"Anong sorry sorry? Dahil dyan ikaw ang magluluto! No buts, final na yan! Ginutom ako eh" sigaw naman ni Kira na may patayo pa. Parang bata talaga pailing iling kong sambit sa sarili.


"Hahaha oo na-"


"Teka tapos naba kayo? " tanong ko ng mapansin na may mga cctv ng nakakabit.


"Oo. Madaling natapos sila Kiro kaya tinulungan nila kami sa pagkakabit."


'Ahhhh



"Nasaan pala si Hasmin at Kiro? " tanong ko ng makita na wala ang dalawa.



"Si Hasmin busy sa paglalaro, si Kiro naman ay inaayos ang pagkakakonekta ng mga cameras. Chinecheck kung maayos ang pagkakalagay."



"Ganon ba? " tinignan ko ang relo ko. It's already 2 pm in the afternoon, kaya pala sumasakit na ang tyan ko sa gutom.


"Maiwan ko na kayo dito. Magluluto nako" paalam ko sa kanila at agad na tumungo sa kusina.


Hinanda ko ang mga kakaylanganin. Minuto ang lumipas at tapos ko ng maihanda ang lahat. Pumunta ako sa sala at agad ko silang tinawag.



Matapos kumain ay binanggit ni Angelo na may ibibigay ito. Agad agad kaming lahat na pumunta sa sala at palibot na naupo dito. Nilapag naman ni Angelo ang dalawang malalaking mga kahon sa aming harap. Ng silipin ko ito ay iba't ibang mga gadgets ang aking nakita.



"Everyone get one of these para sa nga kakaylanganin natin mamaya. But before that I will group you. "


Kiro and Hasmin.

Matt and Kira

Ako at Angelo.



Tututol sana ako sa pag-grugrupo pero nakakahiya naman kung ako lang ang magrereklamo. Wala namang mawawala sakin hindi nga lang ako magiging komportable.



Matapos maigrupo ay kumuha na kami ng kaylangan namin. Kumuha ako ng isang digital camera at video recorder. Dinagdagan ko din ng flashlight dahil kaylangan ito. Okay na siguro to pero may binigay si Kiro sa amin.




Earpiece and a tracking device sakaling mawala man kami and to always know where exactly we are. Binigyan nya din kami ng mga audio recorder. Napadako naman ang tingin ko sa isang seismograph. Maliit lamang ito, the device is like the one we're using on earthquakes. Pero kapag may high energy itong nadetect ay gagalaw ito at magsisimulang tumaas parang sa hearbeat line ng pasyente sa hospital. (sana nagets nyoo)




Binigyan muna kami ni Angelo ng instructions at sinabing pwede na kaming magpahinga. Nakaramdam naman ako ng antok kayat pumasok nako sa kwarto. Pagkayaring maghilamos at magtoothbrush ay agad akong nahiga at saglit na nagpahinga.


--






Continue Reading

You'll Also Like

396K 10.1K 36
This is a Collection of Real Life Horror stories. These stories are told by various different people who personally experienced paranormal events.
38.1K 881 33
Izuku Yagi along with his twin sister, Izumi, Parents Inko and Toshionori Yagi. At age 4, he was diagnosed as quirkless, he decided to have a normal...
5.8K 1.5K 61
Author(s) Mo Chen Huan 莫晨欢 Artist(s) N/A Year 2020 Status in COO 110 Chapters (Complete)
7.8K 1.8K 135
Volume 4 အစကို ရှေ့ book မှာ ဖတ်ပေးပါ Volume 4 အစကို ေရွ႕ book မွာ ဖတ္ေပးပါ