The Hell Mansion

By rudePenguin

2K 125 12

Maraming kababalaghan ang nangyayari sa loob ng Mansyon ng pamilya Morgan. Maraming elemento at kahindik - hi... More

note
Sypnosis
Epilogue
KABANATA ISA
KABANATA TATLO
KABANATA APAT
KABANATA LIMA
KABANATA ANIM

KABANATA DALAWA

182 12 1
By rudePenguin

II - Dream



Jake

   


      "Yan na nga ba ang sinasabi ko! Why don't you just listen Jake! Anong nalang ang mangyayari sayo kung hindi ka pa namin narinig na sumigaw! This is so frustrating" pagalit na singhal sakin ni Hasmin.


Nakatayo ito at parang nanay na nanenermon sa akin. I heaved a deep sigh and look away trying to ignore their stare. Mararamdaman ang tensyon sa paligid.


"I-im okay Hasmin look next time I will be careful." napayuko ako sa aking paanan. Nasa sala na kaming lahat ngayon, everyone is sitting at nakapabilog na nakaupo. Mabuti nalang at narinig nila ang sigaw ko, siguro tuluyan nakong hihimatayin kung hindi pa sila dumating. Hanggang ngayon nanginginig ang aking tuhod sa takot at kaba. What am I even thinking?! Aisshh

  "Anong next time Jake?! Wala ng next time! I will not let your curiosity takes you again baka yan ang ikapahamak mo. From now on everyone will decide, sabay sabay na tayong gagalaw. Don't be a hard headed understand?!" napaangat ang tingin ko dito at napairap.

   "I understand please stop nagging at me" Pasimple akong umismid dito. Well Hasmin is always like that akala mo nanay kung manermon but naiintindihan ko naman ito. She's thoughtful and caring lalo na sa mga taong nakakasama nya that's why I like her. I even treated her as my sister because of her actions and one I treasure the most.



Kaso sumosobra na ito minsan tulad ngayon. Alam ko naman na may mali ako dito. It's my fault I admit that pero she's just so persistent! Kanina pa ito daldal ng daldal for god sake it's been 2 hours! Hindi kaya magasgas ang vocal chords neto kakasalita? Sumasakit na ang tenga ko sa kanya kulang nalang na dumugo ito.



  "Listen to her Jake don't be like kuya na nasobrahan sa pagiging matigas ang ulo" lumapat ang tingin ko kay Kira na ngayon ay nasa pintuan habang ngumunguya ng bubblegum at nilalaro ang kulot na buhok na abot hanggang bewang nito.



"W-what did you say?! " bigla namang sabi ni Kiro na napalaki pa ng mata sa sinabi ng kapatid.


"Are you deaf kuya or marami lang talaga dumi yang tenga mo? Soooo not hygienic and thats gross" pangisi pang turan ni Kira lalong iniinis ang kakambal.


"Malinis to, gusto mong dito ka pa tumira para malaman mo" bwelta naman nito.


Nagmake-face lang ang kakambal at patuloy na nagasaran. Ginala ko ang aking paningin. Everyone now is busy doing their things, may kanya kanyang ng mundong pinagkakaabalahan ang mga ito. Matt is busy tapping on his laptop while the two twin is still fighting, Hasmin on the other side is busy shouting at may kasama pang mura habang naglalaro ng mobile legends. "Siraulo"

  I continue to look hanggang sa huminto ang aking paningin kay Angelo.


Tahimik lamang itong nakaupo at tila may malalim na iniisip. Well he's always been like that. Cold and silent minsan nga iniisip ko na baka napanis na ang laway nito. Bilang mo lang talaga sa daliri kung ito'y magsasalita except nalang kung about sa trabaho ang ginagawa.


I don't know but I kinda intimidated the way he look. His cold stare is penetrating sending me goosebumps all over. Sinabi ko ito sa iba kong kasama but they all just laugh at me at sinabihan akong masyadong OA o kaya ay baka dahil may gusto ako dito. Nariyang tutuksuhin kami ng mga ito lalo na pag nakita kaming sabay na maglakad o kaya ay naguusap. Nandyan na ang mapanuksong mga tingin nila at ngiti. Nakakainis lang at nakakahiya! Ano nalang kaya ang iisipin ni Angelo sa akin. Isang linggo ko din silang hindi pinansin dahil dito. Mabuti na lang at tumigil din sila.


  Iniwas ko din ang tingin ko kay Angelo dahil baka may makakita sakin na nakatingin dito at asarin na naman ako. I checked my wristwatch, alas siyete na pala ng gabi.


Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina. Wala yatang balak kumain ang mga kasama ko at hindi pa magluto. Oh well,  ako nalang ang magluluto. I open the ref to get some ingredients to what I'm about to cook.  Nagtataka siguro kayo kung bakit may mga pagkain sa bahay gayong wala ng nakatira dito. Masyadong maalalahanin ang maybahay kaya lahat ng kaylangan namin ay binigay na at inayos. Ang pagkain, bathroom pati nadin ang aming pagtutulugan. Maluwang naman ang bahay kaya kahit sa first floor ay may mga kwarto.

Chicken Adobo is what I plan to cook. Hinanda ko na ang manok at iba pang ingredients and after minutes of cooking ay naluto na ito. Agad kong tinawag ang lahat habang inaayos ang pagkakainan.


   "All of you guys come here kakain na!" malakas kong sigaw. Agad namang patakbong lumapit si Kira sa hapagkainan at nanlalaki ang mata ng makita ang ulam.


  "Omoooo adobo! This is my favorite, arigato gozaimashita Jake-chan!" sabi pa nito at agad naupo at kumain. Napangiti na lamang ako narinig ko din ang iba ko pang kasama na pumunta sa kusina at nagkanya kanyang upo.


  "Ikaw talaga Kira basta adobo. Hindi mo man lang kami hinintay bago kumain" iling iling na saway ni Kiro sa patuloy na lumalamon na si Kira. Parang hindi naman narinig ng kapatid ang sinabi nito dahil patuloy padin itong masaya sa pagkain.


Tahimik lang ang lahat na kumakain ng basagin ni Angelo ang katahimikan.


"Bukas nga pala ay maglalagay tayo ng cctv sa loob at labas ng bahay"



"Ok"


"Sigee"

"Alright"

Ang sabay sabay naman na sabi ng mga kasama ko.


Napatingin naman ako kay Angelo, patuloy padin ito sa pagkain. Bakit nga ba bukas? Eh dapat nung unang araw pa lang ay inilagay na namin yang mga yan. Iniwas ko ang paningin dito at inubos ang aking pagkain. Ng matapos ay nagpaalam nako sa kanila na mauuna sa kwarto sila na ang bahalang maghugas ng mga pinggan at mag-ayos. Okay naman siguro sa kanila yon ako naman ang nagluto.Kaylangan ko ng maligo at makapagpahinga.



Nang matapos ayusin at makapagpatuyo ng buhok ay agad akong humilata sa kama. Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan at ingay nila Hasmin at Kira. Hindi ko nalamang ito pinansin at agad na natulog.



--

What am I doing here?


I think I'm on the second floor now.

   Ginala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Aking pinagtaka kung bakit nakatayo ako ngayon sa banyo. Sa aking gilid ay nakita ko ang salamin, sa aking harapan naman ay ang nakabukas na pintuan dahilan upang makita ang kabuuang kwarto.


  Malamlam ang ilaw na nanggagaling sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Ng masanay sa dilim ang aking mata ay naaninag ko ang pulang dingding ng kwarto at itim nitong kisame. May malaking kama sa gitna at isang bedside table sa gilid nito. Meron ding closet at mini library sa loob.  Sa gilid ng pintuan ay may malaking wallclock na patuloy sa paggalaw at pagtik-tok.

  Sinubukan kong maglakad at gumalaw ngunit hindi ko magawa. Para akong pinako sa' king sariling kinatatayuan. Hanggang sa may marinig akong mga yabag. Mga hakbang na tumatakbo at tila nagmamadali, hanggang may pumasok na isang magandang babae. Tagaktak ang pawis nito sa mukha at punit punit ang laylayan ng suot na pantulog. Umiiyak ito at hindi mapakali, bakas sa mukha nito ang pagkaalilaga.




Nagulat na lamang ako ng bigla itong pumasok at sumuksok sa ilalim ng kama. Bakit sya sumuksok doon? A-anong nangyayari bakit takot na takot ito?


Nawala ang aking iniisip ng may marinig akong naglalakad papunta sa kwarto. Mabibigat ang mga yabag nito at maririnig ang tila metal na bagay na sumasayad sa sahig.


"Angelique? Nasaan kana?" tanong nito sa pinakamalambing na tono ng boses habang nakangiti. "Kanina pa kita hinahabol napapagod nako, at hindi mo gugustuhin ang mangyayari sayo kapag hindi kapa lumabas!" medyo lumakas ang boses nito na tila nagbabanta.


Nakakatakot sya para syang wala sa sarili. Pinilit kong aninagin ang kanyang itsura ngunit masyadong madilim ang paligid at hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa buwan.



"ANGELIQUEEEEEEEE!!" Nagulat ako sa biglaan nitong pagsigaw at paghampas gamit ng palakol ang wallclock sa gilid nito. Nabasag ito at tumumba. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog na galing dito. Ng bigla din nitong hinagis ang vase na nasa tabi ng bedside table. Madami ng dumi ang nagkalat sa sahig ng kwarto dahil sa ginawa nito. Ng matamaan ng liwanag ang mukha nito ay nakita ko ang mapula nitong mata, magulong buhok at malaki nitong katawan.




P-para syang hayok at baliw!


Nang mahimasmasan ay  nagsimula itong maglakad ng mabagal habang hinihila padin ang palakol mula sa kanyang likod.



"Alam ko na kung nasaan ka! HAHAHAHHAHAH-" nasisiraang tawa nito at tila ba asong ulol na humihingal.... "ANGELIQUE?!" sabay bukas nito ng malakas sa closet ngunit napasigaw ito sa inis ng malamang wala doon ang dalaga.. Galit na galit na ito dahil bigla itong nagwala at nagpadyak padyak sa sahig na parang bata na hindi nasunod ang gusto. Lalo pang namula ang mukha nito. Ng bigla itong tumigil at tumingin sa kama.


Ang kama!



Nooooo!  Parang alam ko na ang mangyayari!  Pinilit kong igalaw at pwersahang ilakad ang aking katawan. Pero hindi ko magawa,  parang tinambol ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito dahil sa takot at sa susunod na mangyayari. Ramdam ko ang ilang butil ng pawis sa aking noo ng nasa kama na ang lalaki...




Ng bigla itong yumuko at may hinila! "Sabi na nga ba at nariyan ka HAHAHAHA ngayon sakin kana! Wala ng makakaagaw sayo ngayon dahil AKIN KANA!" nasisiyahan nitong turan habang hawak hawak ang nagpupumiglas na babae.




"Agghhhhh bitiwan moko hayop ka!" sigaw ng babae. Nakakaawa ang kalagayan nito. Nagawa pa nitong kumapit sa bedsheet upang hindi matuloy ang pagkuha sa kanya ng lalaki subalit mas malakas ito dito at parang unan lamang na itayo ito.




"Bitiwan mona ako pakiusap!" "Tulungan mo ako!"  "Tulungan moko!!"  halos lumabas na ang litid nito sa leeg sa pagsigaw habang nakatingin sa aking pwesto at waring ako ang kinakausap. Nagsimula ng tumulo ang luha sa aking mga mata.  Wala aking magawa. Parang nanonood ako ng palabas at isa ako sa mga audience. Napakahina ko!

Napapikit ako ng mariin at napakagat sa sariling labi dahil sa eksenang nagaganap sa aking harapan.




Pagmulat ng aking mga mata ay nakita kong sinuntok ng lalake si Angelique sa sikmura. Nawalan ito ng lakas at lupaypay na napahiga sa sahig. Nakatitig ito sa pwesto ko!




"Akin ka lang ANGELIQUE akin lang at wala ng iba!" sigaw ng lalake at binuhat na parang sako ang sinasabi nitong Angelique at lumabas ng kwarto.


--



Nagising ako ng biglang may malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.




Agad akong napabalikwas ng bangon at masamang tinignan kung sino man ang poncio pilato na sumampal sa akin.



"U-umiiyak ka kase tapos sumisigaw k-kaya nasampal kita" takot na sabi ni Hasmin at agad na patakbong lumabas ng kwarto. Halos matisod pa ito sa pagmamadali.




Hinawakan ko ang aking pisngi. Ang sakit peste! Bakit ba kaylangan pang manampal tsk. Agad din namang nawala sakit sa aking pisngi ng maalala ang aking napaginipan.


'Angelique..... Who are you?


Papunta na sana ako sa malalim na pagiisip ng maramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Napatingin ako dito at nakita si Hasmin na nakasilip natakot yata.



"Oh bakit,?" taas kilay kong tanong dito. "A-ano bumangon kana dyan kakain na sabi ni Angelo! " at bigla din nitong sinara ang pintuan.



Napapabuntong hininga akong tumayo sa higaan at pumasok sa banyo. Naghilamos ako at nagmumog.   Akin ding itinali ang aking buhok into a high bun. Ng matapos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina.



Naabutan ko ang lahat na maingay na kumakain.



"Goodmorning Jake" bati ng mga ito sa'akin tipid ko silang nginitian at umupo na sa silyang bakante



"Good morning den."



Kumuha ako ng plato at kutsara at nagsimulang kumain. Tahimik lang ako ng magsalita si Angelo. Sinabi nito na pagkatapos kumain ay ayusin muna namin ang aming mga sarili bago ikabit ang mga CCTV' s.


Habang kumakain ay nagsimulang maglayag ang isipan ko.



Ano ba talagang nangyari sayo Angelique?Bakit ka nya hinahabol?


  Anong kinalaman mo sa mga pangyayaring nagaganap ngayon..



   At marami pang katanungan na walang kasagutan ang nadagdag na lalong nagpagulo sa isip ko.




--






Continue Reading

You'll Also Like

68K 1.4K 18
Maybe you shouldn't keep ignoring those love letters and bloodstains in your mailbox anymore, who knows when the person who keeps putting them there...
25.1K 2.6K 42
αž‚αŸ’αžšαž”αŸ‹αž‡αžΈαžœαž·αžαžŸαžαŸ’αžœαž›αŸ„αž€αž€αžΎαžαž˜αž€αž”αŸ’αžšαž€αž”αžŠαŸ„αž™αž€αž˜αŸ’αž˜ αž–αž½αž€αž™αžΎαž„αž‡αž½αž”αž‚αŸ’αž“αžΆαž–αŸ’αžšαŸ„αŸ‡αž“αž·αžŸαŸ’αžŸαŸαž™ αž˜αž·αž“αžαžΆαžαŸ’αž„αŸƒαž˜αž»αžαž˜αžΆαž“αžšαžΏαž„αž’αŸ’αžœαžΈαž€αžΎαžαž‘αžΎαž„αž–αž½αž€αž™αžΎαž„αžŸαŸ’αž˜αŸαž‚αŸ’αžšαž“αŸ…αž€αŸ’αž”αŸ‚αžšαž‚αŸ’αž“αžΆαž‡αžΆαž“αž·αž…αŸ’αž…
1.1M 36.9K 156
Urban legends and myths from around the world will be published here.
17.7K 685 90
We all know how the story goes... A group of 6 highschool students on a fieldtrip that led to a disaster... Which also led them to cross realms betwe...