Tell Me You Love Me

By HanSelarom

814 96 4

I like you too. Four words that I want to hear from you. Gaano ba kahirap sabihing gusto mo din ako? It is ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Note

Chapter 23

11 3 0
By HanSelarom

Chapter 23 - Congrats, my love

3 days and the competition begins

I only have 3 days to prepare now. Bawat araw na dumadaan ay lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko. This is my first time kaya normal naman talagang kabahan hindi ba?

Huminga ako ng malalim at ginawa na ang usual morning routine ko. Dinagdag ko na syempre ang simpleng pag aayos ko sa mukha at sa buhok.

Pagkadating sa school ay usap-usapan kaagad ang competition. Ang bawat araw ay ginagamit ko ng maayos para makapag ayos at syempre para makapag handa.

"Narinig mo ba na kasali na daw si Erika?"

"Sigurado akong matatalo nya si Iana"

"Mas maganda naman si Iana kaysa sa Erika na yon"

"Ano bida-bida lang yung Erika? Sasali kung kaylan ilang araw nalang?"

Parang gusto ko nalang mabingi dahil sa mga bulungan ng tao sa paligid ko. Oo nabalitaan ko na din na sasali daw si Erika. Tinanong ko nga din teacher namin kung paano nangyari yon dahil magka section kami.

Sabi nya na ibang section daw ang i pe-present kaya naman okay lang. Basta talaga wag syang eepal kundi isasaksak ko sakanya ang stilettos ko. Sabay ipapakain ko sakanya yung sarili nyang bagang

Pagkadating sa room ay usual set up lang naman. Walang bago.

"Hi Iana!" Bati sakin ng plastic na si Erika na yan. Wow ah. Porket kasali nadin sa contest. Epal ampt

Calm down Iana. You should always remember that you're not that low para patulan si Erika. Don't look down because you might drop your crown. I sighed

Taas noo akong humarap sakanya at bigyan sya ng flasy ko na ngiti. Tignan ko lang kung di ka masilaw sa mapuputi kong ngipin.

"I like your smile Iana. So beautiful" toothbrush toothbrush din kase pag may time. Napaghahalatahan eh.

"Thank you" I smiled at her "you also have a very beautiful smile" nung tumalikod na sya ay automatic naman ang pag ikot ng mata ko.

Automatic talaga yan pag nakaka-kita ng plastic.

Kinuha ko yung stilettos ko para ihamapas sakanya. Charot.

Pumunta na ako sa conference room dahil don ang practice namin. Di daw kase kami pwedeng mag practice sa stage mismo dahil baka makita kaagad.

Suot suot ko na ang heels ko at umakyat na agad ako sa stage dahil start na. Wala si Adrian ngayon dahil may mga kaylangan daw syang asikasuhin. Bahala sya dun no basta ako practice lang muna ang focus.

Ginawa ko ang pamatay kong turn and vuwala! Sis ako lang to.

I smirked and our trainer clapped at me. I feel so proud. Naglakad na ako sa pwesto ko pabalik at confident na confident na nakatayo doon.

"Iana and Erika, both of you are amazing today. And of course magaling din naman ang iba. That's all for today! See you tomorrow" na dismiss na kami at kinuha ko kaagad ang bag ko.

Sakto naman na nakita ko din si Erika na nakatayo don. Ano pang ginagawa nito dito? Tumaas ang kilay ko nung nakita ko ang pagdating ni Adrian.

Wtf?

Nawala ang ngiti ni Adrian sa kanyang labi nung nakita nyadin ako. Nakuuuu di pa kami kumakabet na.

Sakanya ko ata isasaksak ang stilettos ko eh.

"Hi Adrian! Tara na?" So si Erika pala ang lalakarin. Lalakarin o gagapangin? Ay kung ako lalakaran ko kaso ayoko umapak ng tae eh kaya never mind nalang.

"Uhhh, Iana mauuna na kami ni Adrian. Bye!!" Ngumiti ako sakanila at sakto naman na dumaan din si Rich

Ganito pala ang gusto mo ha. Ako pa talaga ang hinamon mo.

"Hi baby! Tara na" hinila ko nalang agad si Rich kahit na wala syang alam sa mga nangyayari. Buti nalang at magaling makiramdam ito at sinakyan ang trip ko

"Anong trip mo?" Tawa ni Rich habang hinihila ko padin sya.

"Asus gustong gusto mo naman Rich. Ano ba, ako lang to" pagmamalaki ko sa sarili ko at rinig ko ulit ang tawa nya. Sa lahat ata ng nagseselos ay ako padin ang pilyo.

Eh hindi naman kase talaga ako selosa. Awit yon ah

"Oo ikaw lang yan. Ang mapapangasawa ko" hinampas ko ang kamay nya at binitawan ko na sya dahil hindi naman na kami nakikita ni Adrian eh.

Nag thank you ako kay Rich dahil sinamahan nya ako hanggang makalabas kami at makapunta sa parking lot kung saan naka park si Kuya Iyu.

Umuwi na kami dun na nagtatapos ang araw ko ngayon.

KINABUKASAN

Maaga ulit akong nagising wala naring bago don.

2 days left...

We did the usual rehearsals and may improvements naman ako kaya happy padin dahil hindi ako napagiiwanan. Nanood din si Adrian ngayon.

Hindi ko ngalang alam kung para sakin ba o para kay Erika. Ano bang pake ko don.

Weh? Talaga ba Iana? Sinong niloloko mo? Tae mo?

Umiling ako sa sarili ko dahil sa dami ng naiisip ko. Yung utak ko talaga madalas di ko maintindihan

"Iana" tawag saakin ni Adrian pero hindi ko sya pinanasin.

"Iana" tawag nya ulit sakin. Gusto naman ng isang to

"Love" huh? Akala nya makukuha nyako sa pa love love nya? Sorry pero di ako marupok.

"Yes?" Sabi ko hindi ako marupok!

Ano na selp! Oo na hindi ako marupok kase sobrang rupok ko! Huhu

"Pwede ba tayong mag usap?" I tried so hard not to be angry at him. Yung mukha ko ngayon parang matatae na

"Naguusap na tayo" wowers ang witty ko talaga

"I mean, I want us to talk, privately and seriously" ay so anong akala nya? Nasa wow mali kame?

Di pa pala to seryoso para sakanya. Gusto nya ata umiiyak kami habang naguusap. Ano to joke? Am I a joke to you?

"Sorry busy ako eh" with that I left him without looking back. This is how I play Adrian Sullano....

I smirked "my time to play hard to get"

Kala mo ha. Hindi lang ikaw ang pa hard to get dito. Ako din. I'll be the hardest game you'll play Adrian and I'll make sure that you'll suffer every level.

Last day of rehearsals.

Agad akong dumating at hindi pa dumadating ang iba kong mga kasama pero andito na kaagad si Adrian. Wow, kasali ba to? Nauna pa sa mga kasali eh.

Mabilis syang tumayo nung nakita nya ako.

"Iana please talk to me" para syang walang tulog na bata. Binalot ako ng pagaalala dahil sa itchura nya ngayon. Anong nangyari sakanya?

"Uy hindi ka ba natutulog?" Tinignan nya ako at kita ko sa mata nya ang frustration

"Umupo ka nga muna" inalalayan ko sya paupo. Oo nga at pa hard to get tayo ngayon pero ayoko naman na ganito ang nangyayari kay Adrian. Kahit papano ay mahal ko padin naman sya.

Hindi ko sya kayang tiisin at alam kong alam nya yon.

"Pagod ka ba?" Nanghihina syang ngumiti saakin at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Hindi ako mapapagod dahil ikaw ang lakas ko" ngumiti sya ulit at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"Tumayo ka dyan, dadalhin kita sa clinic" sinunod nya naman ako at inalalayan ko sya. May puso padin naman ako

Nung dumating kami don ay inalalayan kaagad sya pahiga dahil wala daw syang tulog.

Nung humiga sya ay hinawakan nya muna ang kamay ko bago sya makatulog. Laging ganito ang ginagawa nya lalo na pag malalapit sya saakin. Hahawkan nya ng mahigpit ang kamay ko bago nya ipagpatuloy ang ginagawa nya.

Yun ang isa sa mga gustong-gusto kong ginagawa saakin ni Adrian dahil ramdam na ramdam ko kung gaano sya ka komportable kapag kasama nya ako.

Marahan kong hinawakan ang ilong nya at pinadausdos ang hintuturo ko sa matangos nyang ilong.

Hindi talaga kataka-taka na madaming nahuhumaling sakanya. He looks like a goddess.

Kung nung isang araw ay sya ang nagbantay saakin, ngayon ako naman. Ako naman ang magaalaga sakanya habang mahimbing pa ang tulog nya.

Hindi na muna ako pupunta sa rehearsals ngayon dahil alam ko na din naman ang gagawin at mas kaylangan ako ni Adrian ngayon.

Mas lalo ko syang minamahal ngayon.

Ramdam ko kung paano ako unti-unti pang nahuhulog sakanya. Na hindi na infatuation lang ang nararamdaman ko kundi pagmamahal na talaga.

My heart knows what it wants.

Ilang oras din syang tulog at andon lang ako nakatingin sakanya habang sya ay mahimbing na nakapikit. Nakakatawa nga dahil naririnig ko ang mahina nyang paghilik.

Hahawakan ko pa sana ang buhok nya pero bigla syang nagising kaya naman binawi ko kaaagad ang kamay ko.

Para nanuyo ang lalamunan ko nung nakita ko ang munting ngisi sa labi ni Adrian na para bang hinintay nya talaga ang moment na yon para gumising.

Nang aasar talaga ata tong lalaking to eh.

"Done enjoying the view?" Sarap hampasin eh.

Umiwas parin ako ng tingin kahit na halatang halata na ako. Tumayo at pumunta sa nurse para sabihing okay na si Adrian. Na check sya at sinabing pwede na daw sya iuwi mamaya.

Buti naman

"Thank you love" nakatingin Sabi saakin ni Adrian habang hawak padin ng mahigpit ang kamay ko.

Buti nalang talaga at hindi ako pasmado! HAHAHAHAHA

"Ano ba okay lang yon no" ngumiti din ako sakanya at hindi pa ako nakakakurap ay laking gulat ko na yakap yakap na nya ako. Hindi nadin ako nagpumiglas at hinayaan ko nalang sya na yakapin ako.

"Thank you for staying" Sabi nya bago ako bitawan. Nginitian ko lang sya at sabay na kaming lumabas.

Pagkauwi ko sa bahay ay duneretso ako sa kwarto para maligo at magbihis dahil tatawagin na nyan kami ni mommy para kumain.

Aaminin ko na medyo kabado ako para sa mangyayari bukas dahil hindi ko naman alam anong pwedeng mangyari.

Basta I'll try my best para ipanalo yon.

Pagkatapos maligo at magbihis ay hindi nako nag hintay pa na tawagin nila dahil bumaba na ako kaagad.

Pagkababa ko ay wala pa naman sila sa dining pero naghihintay sila sa sala. Ako ba ang hinihintay nila? Siguro ako nga.

Nung nakita nila ako ay sinabi na kaagad ni mommy na kakain na kaya naman dumeretso na ako sa dining at hindi na hinintay pa sila Kuya na tumayo.

"Iana, manonood kami bukas ng mga Kuya mo. Anong oras ang start?" Tanong ni mommy. Expected ko nadin naman na manonood sila eh.

Sila pa papahuli?

" 7AM po dapat nandon na ang mga contestant pero ang start po ay 10AM" sagot ko naman habang kumukuha ng pagkain

Nagutom ako dahil hindi ako nakapag lunch kanina sa paghihintay kay Adrian na magising.

"Maaga palang ay dapat nandon na kami! Gusto kong makita ang napaka ganda kong anak sa stage" Sabi naman ni daddy na ikinatuwa ko. Minsan lang kasi mag attend si daddy ng mga programs ko sa school dahil nung bata ako ay OFW sya at wala talagang time.

Ngayon lang talaga sya bumabawi saamin.

Ngumiti ako at inubos ko na ang pagkain sa plato ko.

Pagkatapos kumain ay naghilamos ulit ako bago matulog dahil gagawin ko naman ang skincare routine ko.

Naghilamos muna ako ng mukha gamit ang foam cleanser at pagkatapos naman ay nag apply ang serum sa mukha ko. Ang last step ay ang moisturizer at ang face mask.

Hinayaan ko munang mag stay ang beauty mask sa mukha ko ng mga 15 minutes at inalis ko na ito.

Beauty rest today! Tomorrow is the biggest event of my life at pinaghandaan ko talaga to kaya naman hindi ko dapat biguin ang sarili ko o kaya naman ang pamilya ko.

D-DAY....

I woke up extra early just for this day and I already felt really nervous. Naliligo palang ako sa banyo ay ramdam na ramdam ko na ang kaba ko.

This is gonna be my day! I'm claiming it!

Nagbihis ako sa isang komportableng damit dahil yung muna daw ang isuot at mamaya na kami magbibihis.

Pagkalabas ko ay sobrang ready na agad nila mommy. Nandun nadin ang makeup artist na kasama namin mamaya sa pageant.

Hala mas ready pa sila sakin ah. Sana lahat

"Ma, bakit? Ano to?" Tanong ko sakanya at nginitian nya ako bago ako sagutin.

"Syempre as your mother kaylangan laging prepared" napailing nalang ako dahil sa sinabi ni mommy. Nagdala ba naman kase sya ng maleta?! Grabe lang. Alam ko namang mother knows best pero grabe naman ang maleta.

Si Kuya Iyu at Kuya Clave ay sasama din. Nag absent pa talaga sila para lang panoorin ako.

Feeling ko tuloy ay may mga kasama akong artista. Paano ba naman kase sobrang ready nila. May mga pinopormahan ata tong mga to eh.

"Mga Kuya ko, ipapaalala ko lang, hindi fashion show ang pupuntahan natin" pormahan kase nila kala mo may sarili sila show eh.

Hindi naman nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagaayos. Si dad naman ay nasa dining dahil kumakain na at nagbabasa ng news.

Meanwhile, I'm just seating here thinking if I should call Adrian or not. I'm sure that he'll be there to support me. If he's not then I would be very disappointed

Umiling ako sa sarili ko at bumalik sa kwarto para kunin ang bag ko. This is it! This is the real tea.

Hindi na to laro nalang. I'm competing for my section and I'll really try my best to get that title.

Nasa sasakyan na kami and si dad ang nagmamaneho. It's currently 6AM in the morning at papunta na kami kaagad sa school dahil marami pangang kaylangan i ready lalo na hindi naman pwedeng madaliin ang mga costume ko.

I also brought my guitar with me.

This is the first time that I'm gonna sing in front of so many people and honestly, I'm kinda excited to perform and just enjoy the stage.

Pagkadating ay agad ako naupo para makeupan. It took a while and after the preparation ay nakita ko na agad ang itchura ko na naka make up.

This is actually my first time seeing myself wearing make up. I don't wear make up so this is new to me and I must admit that it made me more confident and I like it.

I looked myself in the mirror for the last time before going to the dressing room. I smirked and went inside.

I suddenly feel like I'm so beautiful

Nagbihis na ako sa first outfit which is yung white top and pants for opening. Saglit lang naman yon at magpapalit kami kaagad for our talent portion and of course ang pinaka nakaka kabang part ay ang question and answer.

Dun naman namin isusuot ang gown namin at sasagutin ang mga pangmalakasan nilang tanong.

Inalis ko ang kaba na bumabalot saakin dahil lalo akong di makakapag isip kapag inisip ko ang mga bagay na yon.

Lumabas na kami sa stage at nagumpisa ulit akong kabahan. Yung kaba ko to the next level talaga eh.

Tinignan ko ang mga nanonood at hindi ko mahanap si Adrian. Siguro hindi ko lang sya makita ngayon. Mamaya siguro makikita ko na sya.

Tumayo ako ng maayos at ngumiti sa harap ng madla.

Ang hirap pala nito. Nangangawit na ako dahil sa taas ng heels na suot ko. Pero Kahit na ngawit na ngawit na ako ay ngingiti padin syempre ako.

Pagkatapos ay mabilis kaming bumalik sa likod para magpalit naman.

I'm number 7 kaya naman marami akong time para mag prepare.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang gitara ko.

Baby please help mommy win this contest. Shet weird ba? Kinakausap ko yung gitara ko.

Umiling ako at nag relax muna.

When my name was called, I immediately went out holding my guitar. I saw mom and dad and they're both holding a camera. Geez, my parents are really that happy for me huh? Ang dalawa ko namang Kuya ay proud na proud ding nakatingin sakin.

Bago ako nagsimula ay tinignan ko muna kung andyan naba si Adrian pero wala parin. I was kinda disappointed pero inalis ko yun sa isip ko.

I started playing my guitar while feeling the music. My talent is not big like others but this is special for me because it's hard to play/learn guitar

"Nagsimula sa aking pusong humihiling
At no'ng ika'y nakita, 'di makapaniwala
At no'ng nakilala, ayaw na kitang mawala
Oh, alam mo ba, gusto kong sabihin na"

I closed my eyes and started singing the song. Feeling ko kase pag binuksan ko ang mata ko ay mahihiya ako at baka bigla lang akong pumiyok.

"Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal"

Binuksan ko ang mga mata ko at hindi naman ako nabigo sa nakita ko. I saw Adrian standing there holding a bouquet of flower.

Nakaharap lang sya sakin habang tinititigan ako at nakangiti. I almost melted because of his smile.

"Ikaw lang, sapat na
Ikaw lang, sapat na
Oh, kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na"

Feeling ko ay sumakto talaga sakanya yung lyrics.

Sya lang talaga ay sapat na...

Nung natapos ako sa pagkanta ay narinig ko ang palakpakan ng mga tao. That made my heart full specially because Adrian is watching me.

Habang iniisip ko tuloy pabalik sa back stage ay bigla akong kinilig. My gosh Adrian Sullano! Mamaya kana HAHA.

I changed into my evening gown even if it's not evening yet.

Pinasadya namin yung gown na to and i really like is and I was amaze because we only have 3-2 weeks to prepare and the fashion designer really did a great job.

I chose color red, blue, yellow and white, representing Philippines. I love the gown so much specially the details and the beads are on point.

Hindi din ako gaanong nahihirapan sa paglalakad dahil magaan lang talaga sya at hindi sya ganon kabigat gaya ng sa ibang gowns.

Sabay sabay na kaming lumabas at hindi naman pare-pareho ang mga tanong kaya naman hindi na kami nag head set.

Kabado ako habang naririnig ang sagot ng iba.

Grabe lang na sobrang galing nila.

Finally it's my turn.

I stepped forward and smiled at everyone. I even saw Adrian mounting 'good luck' for me. He's so adorable.

Pumili na ako ng tanong at binasa ng Mc ang tanong na nabunot ko.

"Is you are given a chance to exchange life with someone, who would it be? And why?" Huminga muna ako ng malalim bago ko itinaas ang mikropono ko para sumagot.

"First of all thank you for the question. If I were given a chance to exchange life with someone I would not exchange with anyone. I would still choose myself because first, why would i exchange life with someone If i have a lot of people loving and supporting me. Second, I grew up as an only girl in our family and my life is never easy. At a young age, I started question my love for myself and now the girl standing in front of everyone here already learned how to love herself. And lastly, I love Ryumi Iana Nuguid. I love me so why would i exchange life with someone if I have my own identity? At the end of the day, this is us! And starting today, we should all accept and love ourselves. That's all, thank you"

Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko basta sinabi ko lang kung ano sa tingin ko ang pinaka best answer sa tanong na yon.

Nagpawala din sa kaba ko ang mga sigawan ng tao. I think they loved my answer.

Bumalik ang ngiti ko sa labi at muling tinignan ang family ko pati narin Syempre si Adrian. Enebe

Announcement of winner na kaya naman lalong dumoble ang kaba ko.

Natawag na ang iba naming kasama at kaming dalawa nalang ni Erika ang natira for 1st runner up and the title holder.

Nagkahawakan kami ng kamay.

Buti nga hindi sya natunaw kase diba natutunaw ang mga plastic sa maiinit? Hot pa naman ako.

"And the winner isssss...." ang daming ssss naman po non.

"RYUMI IANA NUGUID!" Nanlaki ang mata ko kasama ang sigaw ng mga tao.

Teka lang. ako? Sure na? Baka wow mali to ah! Baka naman Miss universe 2015 season 2 ito!

Lumapit na ako sa crown at naghihintay talaga ako ng punch line na "I apologize" pero wala eh. So ako na talaga?

Luh bhie! Di mo kaya bhie! Miss Universe ako bhie! Charot

Nung nakuha ko na ang korona at sash at bumaba agad ako para yakapin si Adrian.

Sinalubong nya naman ang mainit kong yakap para sakanya. Hindi ako nakaramdam ng hiya basta niyakap ko lang sya ng mahigpit.

"Congrats, my love" bulong nya sa tenga ko at lalong hinigpitan pa ang yakap sakin.

"I love you" I was caught off guard because of what he said. Did he really say that 3 words?

——————————————————————

Longest chapter ata to na sinulat ko. Btw, enjoy reading!
Sinipagan ko talaga para sainyo :)

Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
315K 5.1K 23
Dice and Madisson
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...