Nagising ako dahil sa ring na nanggagaling sa cellphone ko.
Bwiset walang pasok pero may istorbo sa pagtulog ko!
Sinagot ko ang tawag without knowing who's the caller.
"Hello." I said with eyes closed.
"Samahan mo ko mamayang 11:30, I'll get my ID in laspiñas, please?" istorbo.
"It's just 7:30 in the morning, Amara! Alam kong maaga ka nagigising pero ako hindi!" Sigaw ko.
"Gumising ka na, papunta na ko.." ahhhhhh kulang ang tulog ko dahil madaling araw na ako natulog kakapanood ng k-drama.
"Wala ka talang sinasanto." Sabi ko pa.
"Takot ako sa santo..." Napatawa ako bigla! hahahahah! Yeah right takot siya sa santo.
"Hahahah! You really know how to wake me up huh." I heard her said "tss." And just by that may pumasok na sa kwarto ko at dinaganan ako.
"Amara shin!! Ang bigat mo ano ba!" Umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Samahan mo ko. Someone called me nung thursday, yung nawala ID ko. He said that nakita niya sa park 'yong IDko so I asked him if pwede ko makuha... Kaso lalaki yung nakakuha." Mahabang lintanya niya.
"Owwwwkay! But it's just 7:30 why are you here na?" She shrugged her shoulder.
" Pumasok na sila mommy wala akong kasama kaya pumunta na ko." Bumangon na ako tsaka kinuha ng damit sa closet.
"Saglit lang tayo?" I asked.
"Date, since nasa laspiñas na rin naman tayo." Nice.
"Geh, sml."Sabi ko at pumasok sa loob pero bago ko pa masara ang pinto ng banyo narinig ko ang sinabi niyang "pak you" hahaha!
After kong maligo at nagbihis ay niyaya ko muna kumain si amara, hindi yan nakain ng mag isa kailangan mo muna siyang pilitin.
"Date muna bago ko kunin yung ID ko." Tinanguan ko lang siya at kumain na.
Nang matapos ay naglakad na kami papuntang sakayan dahil wala naman kaming sasakyan. At as usual nakakapit nanaman ang braso niya sakin. Pero unting unti ay nasasanay na siya... Sinasanay ko.
"Classmate na tayo sa lahat ng ng subs." Sabi ko sakanya.
"Bakit?" She asked.
"Tinransfer ako." Tinignan niya ako ng masama.
"Nag palipat ka, ikaw mismo nag palipat sa prof mo." Kinunutan ko siya ng noo.
"Boang hindi, siya mismo nag palipat sa'kin may kasama akong tatlo, sobra kasi sa room." Di parin siya naniniwala.
Noon pa man ay problema na saamin 'yon dahil nga walang maupuan ang ibang studyante, hindi naman kasi private 'yong school namin, parang semi private and public school. Kaya nung sinabi na kung sino gustong lumipat kay Sir Ignacio ay nag prisinta ako.
"K, tabi ka sakin reserve kita ng seat since sa dulo naman ako nakaupo."
"K din, sana may matutunan pa ako." Pag bibiro ko.
"Ang sama mo!" May paghampas pang kasama.
Nakarating na kami sa milktea shop at ako na ang umorder.
I ordered strawberry and coffee crumble frappe and also fries para saaming dalawa.
bumalik ako sa napili niyang pwesto. sa hindi maingay at wala kami medyong katabi.
"Mag 11:00 na." She said.
"Ano naman?" Kinuha niya yung tissue sa harapan niya at pinaglaruan.
"Kukunin ko na ang ID ko. Pwede bang ikaw nalang kumuha." Nakatungong sambit niya.
"Ams, ikaw na para masanay ka sa mga tao at tsaka nasa likod mo naman ako, hindi kita iiwan."
Tumango siya. Dumating na 'yung inorder ko. Nang makita niyang starwberry and frappe niya ay natuwa.
"Kala ko ba wala!" Nakangusong sambit niya.
Sabi ko kasi na walang strawberry frappe kaya ang sinabi niyang order sakin ay cookies and cream frappe.
"Joke lang haha! Inumin mo na yan para mapuntahan na natin yung sinasabi mo dahil inaantok pa ko."
"Anong oras ka ba natulog?" Sus.
"5:00, insomnia again." Yep I have insomnia since highschool.
"Sus, sleeping pills." Nope kailangan muna raw ako resetahan sabi ni mommy.
"Alam mo na sagot." Sinabi ko na sakanya 'yung reason kung bakit bawal.
"Pilitin mo kasing matulog..." Pinipilit ko naman pero ayaw parin kaya nanonood or nag babasa nalang ako kapag hindi ako makatulog.
Ubos na ang fries at kalahati na ang frappe ko nang tumunog and cellphone niya.
"Eto yung nakakuha ng ID ko." Sabi niya. Binulungan ko siya na sagutin niya.
"Hello?" Bati niya sa kabilang linya.
"A-ah okay, papunta na." Binaba niya na ang tawag at saka tumingin saakin.
"Nandun na raw siya." Tumayo na ako at nauna nang lumabas, sumunod naman siya sakin. Malapit lang naman ang milktea shop na 'to sa park kaya mabilis kaming naka punta ro'n.
Nang nasa hagdan na kami ay tinawagan niya na ang nakakuha ng ID niya at sinabing nandito na siya.
Lumayo ako sakanya ng kaunti. At umakyat sa taas ng umakyat din siya.
Nakita ko ang apat na lalaking nakasandal sa railings ng park. 'yong Isa ay may hawak na cellphone, 'yong isa naman ay naka shades habang 'yong isa ay may kinakalikot sa cellphone at ang pinakahuli naman ay tinitingnan ang paligid...at ng makita niya ako ay tumagal ang tingin niya sa'kin. Napakunot noo ako. Kilala niya ba ako?
Lumapit si amara sa lalaking naka white channel shirt, mukhang mayayaman. Pero baka fake yung damit nila, joke.
"U-uhm hi? Ako yung my ari 'nong ID, ikaw ba si Chad?" Rinig kong sambit ni Amara mula rito sa pwesto ko.
"Ah yes, actually idinaan ko lang 'to rito since I have something to do right now." Tinanguan lang 'yon ni Amara.
Napatingin naman ako sa lalaking kanina pa nakatingin sa'kin. Tinitigan ko rin. Nag laban kami ng titig ng humarang si amara sa harapan ko.
"Tara na?" Aya niya saakin at hinila na ako. Nag patianod naman ako.
Tinignan ko ulit 'yong lalaki at nakitang nakatingin parain siya saakin. Weird.
Nag stay si amara sa bahay hanggang sa tawagan siya ni tita. Matutulog na sana ako ng may mag text sa cellphone ko.
"Hi?" Wala naman na akong pinag bibigyan ng number ko, sino naman 'to.
"Sino 'to?" I typed and send.
"You wanna know me? Then meet me at the mall near in your school." Scam 'yan! Rapist ang mga ganitong lalaki na nakikipag meet up para may mauto!
"Di mo 'ko mauuto tanga! Ibahin mo strategy mo next time!" Reply ko.
"What? Hahaha you think that I will do something horrible to you? Maybe yes but in the right time." Scam talaga ang mga ganito.
"Sino ka ba?" Unting unti akong nacucurios sakanya. "At saan mo nakuha ang number ko."
"Uhm call me sam. And about your number, I got it from my friend." Huh? Wala naman akong pinag bibigyan talaga ng number ko.
"I saw your Viber too, ganda ng profile ah." I checked my viber. Kung sino 'yong sender na 'yon. Grabe ang mga rapist ngayon may Viber na.
"Don't check your Viber haha! Ibang number ang gamit ko ro'n."
"kwento mo." Huling reply ko sakanya at nilagay ang cellphone sa side table.
Rapist ba talaga siya? Pero ba't english. Taga America? Pero nag tatagalog.. ahh ehh basta bwiset.
Bumaba ako dahil tinawag ako ni mommy. Nandito pala ang mga pinsan ko para syempre bonding since close talaga sila saamin. Nag kulitan at nanood lang kami at nang umuwi na sila ay umakyat na ako sa kwarto ko..
Bigla kong naisip yung nag text sa'kin...
Sino kaya siya? Sino ka, Sam...