*⁰⁹-¹⁵-²⁰*
Chapter 10: Sino siya?
Myke Point of view
Nasa bahay namin ngayon si Ashley nag mumuni-muni doon sa sala tapos ako naman eto nakatitig lang sa kanya. Hindi ko ba alam pero engaged naba talaga sya?
Bigla nalang akong natauhan nung tinawag ako nung isa sa mga katulong namin sya si Mia anak sya nung head ng mga katulong, nag luluto at iba pa.
"Sir!" Sigaw sa akin ni Mia kaya naman bigla akong nagulat.
"Wag mo nga akong ginugulat Mia." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Pasensya na sir pero nakatitig ka lang kasi diyan sa bisita mo kaya niyugyog na kita." Paliwanag naman nya ilang beses nyana ba akong tinawag?
"Ganon ba sige."
"Pangit na babae!" Sigaw ko kay Ashley humarap naman agad sya sa akin.
"Wag mo nga akong tawaging pangit dyan!" Sigaw nya namam atchaka lumapit sa akin.
"Bilisan na nating mag practice dahil kailangan ko pang umuwi."
"Oo na! Dito sumunod ka sa akin!" Sigaw ko naman sa kanya atchaka na kami pumasok sa loob ng Dance Room hindi to ganon kalaki pareho lang sila ng size ng kwarto ko kaya okay na din may sariling speaker din to.
"Sana may ganto din ako." Mahinang bulong nya habang tiningnan yung mga gamit.
"Pag naging tayo bibigyan kita ng mas malaking Dance Room." Sabi ko sa isip ko pero...
"Pardon?" Tanong nya nasabi ko ba yon ng malakas?
"Sabi ko umpisahan na natin." Sabi ko atchaka pumunta sa may computer.
"Yan yung sayaw tapos beat lang yung mga tunog nya wala yang lyrics kaya naman siguradong madali lang to." Sabi ko pa atchaka pinakita sa kanya.
Isang oras din naming mine-memorise yung unang part hanggang chorus pag nagkamali kami ulit agad para magawa namin ng maayos.
Mas maganda tong pangit nato kapag pawis sya...
Makikita mo talagang magaling sumayaw si Ashley hindi ko ba alam pero parang mas lalo akong nafafall sa kanya.
"Hoy!" Sigaw nya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa kita tinatawag sabi ko magpahinga na muna tayo." Sabi nya pa atchaka umupo sa may gilid.
"Mag papakuha lang ako ng pagkain nakakahiya naman sayo eh." Kailangan kong maging mean ng konti sa kanya para narin mawala na sila sa school nato at matanggal na yung pagkagusto ko sa kanya.
Kalabas ko ng Dance Room huminga na muna ako ng malalim atchaka palang pumunta ng kusina para hanapin si Mia.
"Mia!" Sigaw ko dito pero hindi pa rin sya lumalabas. "Mia!"
"Yes po?" Tanong nya sa akin.
"Pangdala mo kami ng merienda sa Dance room nakakahiya naman doon sa kasama ko baka gutom na."
"Sge po, dadalhin ko nalang doon." Sabi nya atchaka na umalis bumalik na agad ako sa Dance Room dahil wala na naman akong gagawin sa kusina.
"Myke?" Tawag nya sa akin kinabahan naman ako bigla ewan ko kung bakit parang bumilis kasi yung tibok ng puso ko eh.
"Bakit?" Kunwaring inis na sabi ko.
"Bakit mo kami gustong paalisin kami sa school?" Mukhang seryosong usapan to ah.
"Ang papangit nyo kasi." Hindi ko talaga alam kung tama ba yung sinabi ko o hindi.
"Yun lang yung dahilan mo?" Mahinahong sabi nya pa.
"Oo yun lang kaya kung maaari umalis na kayo." Sabi ko atchaka naman dumating si Mia dala yung sandwich at ice tea.
"Mauna na ako sir." Sabi nya atchaka umalis.
"Hindi kami aalis." Sabi ni Ashley atchaka kinuha yung bag nya nilabas nya yung cellphone nyang di-keypad kasama yung headset atchaka sinalpak sa tenga nya.
Habang nakapikit sya pinagmamasdan ko kung gaano ba sya kaganda pero mag aasawa na pala ata talaga sya kinakalikot nya kaso yung singsing nya eh.
"Ashley?" Hindi ko alam pero bigla ko atang nasabi yung pangalan nya.
"Bakit?"
"Kailan yung kasal nyo ng fiance mo?" Seryosong tanong ko sa kanya sana naman hindi nya ako barahin.
"Gusto mong pumunta?" Tanong naman nya ako sasama baka masira pang yung kasal nyo.
"Ako? Sasama! No way!" Nag iinarting sabi ko ayaw ko talagang pumunta lalo na kung yung taong mahal ko eh ikakasal tapos sa harap ko pa.
"Okay." Sagot nya atchaka ulit pumikit.
"Kumain kana dito" sabi ko naman kaya tumayo sya at lumapit sa akin.
"Nandito ba parents mo?" Tanong nya sa akin.
"Bakit gusto mo ba silang maging magulang?" Mahinang sabi ko.
"Ano?" Nagtatakang tanong nya.
"Wala." Sabi ko atchaka na sumubo.
Kumain na kami atchaka nag pahinga katapos nag practice ulit kami.
Dalawang oras na kaming nag prapractice walang pahinga-pahinga ewan ko ba pero parang hindi man sya napapagod. Nung nag pahinga na kami bigla nanaman syang pumunta sa may gilid at nag headset mukha syang natutulog pero ewan ko ba kung natutulog sya. Tapos nanamin lahat ng step memories na memories narin namin sya kaya okay lang kung matutulog o natutulog si Ashley.
Pinagmasdan ko lang sya dahil hindi nya naman minumulat yung mga mata nya.
"Sanang ako nalang yung taong pakakasalan mo." Mahinang bulong ko sa sarili.
Isang oras ko na syang tiningnan hindi parin nya binubuksan yung mata nya.
Alas-syete na kaya ginising ko na sya baka kasi hanapin sya ng mga kaibigan nya eh.
"Ashley?" Mahinang tawag ko sa kanya.
"Ashley? Gising na." Mahinang sabi ko pa din.
Ayaw nyang gumising kaya naman tiningnan ko nalang ulit sya mas maganda sya kapag malapit nakakahiya man sabihin pero parang mahal ko na ata talaga sya.
"Wag mo akong tingnan baka matunaw ako eh." Bigla namang bumilis yung tibok ng puso dahil sa nag salita sya tapos alam nya pang tinitingin ko sya.
"Wag kang feeling no iiwan na sana kita jan buti nalang gumising kana." Depensa ko sa sarili buti nalang at mukhang naniwala naman sya.
"Sge aalis na ako." Paalam nya atchaka na lumabas ng dance room agad ko naman syang sinundan para narin tingnan kung kabisado nya ba tong bahay namin.
Maya-maya lang huminto sya atchaka bumalik sa dinaraanan nya nakita nya naman ako kaya tiningnan nya ako.
"Saan ang palabas dito?" Yan umaalis ka kasi tapos hindi mo alam kung saan ka lalabas.
Hinila ko naman sya para ako na mismong magdala sa kanya sa gate namin at pra narin makita kong ligtas syang umalis sa bahay ko.
Ashley Point of view
Nakauwi ako ng ligtas kagabe karating ko kumakain na sila kaya sumabay na rin ako kayapos non natulog na agad ako dahil siguro sa pagod nung sumasayaw kami hindi ako nakakaramdam ng pagod pero nung nag pahinga kami parang ayaw ko ng tumayo.
Nasa school na kami ngayon wala nanamang klasi ng hapon dahil wala yung sa ibang Club hindi pa tapos ang mga audition kaya daw wala na ulit pasok.
Katapos naming kumain ng lunch pumunta na agad ako ng Music Club dahil pinapapunta kami ni Ms. Nicole. Karating ko sa Music Club nandoon na din yung iba naming kasama pati si Myke nandoon na din.
"Okay sa tingin ko nanjan na kayong lahat mula first year hanggang fourth year." Sabi ni Ms. Nicole.
"Ganto yan sa Intrums sasayaw yung mga sa Dance Club year by year kada isang year na sasayaw kakanta naman yung mga solo na male and then female tapos yung mga duet natin. Gusto ko na mag practice practice na kayo habang maaga pa sa bahay nyo or kahit saan pa kayo mag practice." Mahabang sabi nya pa.
"Kailangan nyo ding gumamit ng instrument kapag kakanta kayo hindi kayo pwedeng gumamit ng -1 okay ba yon?" Sabi naman ni Ms. Quezon.
"Yes Ms." Sigaw naman nila.
"Ms. Ashley and Mr. Rosales nabalitaan ko na hindi daw kayo magkasundo pero kahit ganon gusto kong kayong dalawa padin ang sa duet. Yun lang pwede na kayong umalis." Kasabi ni Ms. Nicole na pwede ng umalis pumunta na agad ako sa Dance Club para na rin hindi ako malate 1:30 kasi ang call time eh.
Karating ko doon nandon na si Ms. Ramoz pati yung ibang mga year konti palang kami kaya naman naghintay pa kami sa ibang mga grade.
"Na a-announce na siguro sa inyo ito kahapon pero sasabihin ko padin by year lalaban kayo ng Intrums and then kapag ibang school na ang laban mamimili lang kami ng pwedeng isala doon okay lang ba yon?" Tanong ni Ms. Ramoz.
"Opo." Sagot naman nila.
Hinanap ng mata oo si Myke dahil hindi ko pa sya nakikita dito.
"Yun lang naman ang gusto kong sabihin pwede na kayong mag practice. Mga fourth year maiiwan kayo dahil si darating na rin yung kahapon na sinasabi ko." Sabi naman ni Ms. Johanna Ramoz
Limang minuto din kaming nakaupo naghihintay doon sa student daw ng section Patient.
"Good evening everyone!" Malakas na bati nung babaeng kakapasok lang.
"My name is Jaimie Maña galing akong P-1 at ako ang magiging choreography nyo." Sabi nya chaka na kami nag sitayuan.
"Nasabi na sa akin ni Ms. Ramoz na meron daw siyang pina memories sa inyo na sayaw tapos titingnan ko kayo kung sino yung magaling sya ang ilalagaw ko sa gitna... Find your height muna." Sabi nya atchaka na kami pumila nasa likod ko si.... Myke? Ngayon ko lang sya nakita dito hindi ko kasi sya napansin mag kasing tangkad lang kami kaya nasa likod ko sya maliit lang ako ng konti sa kanya.
"Dito ka, ikaw doon, jan ka, doon ka." Naka ayos na kami ngayon isasayaw lang namin yung kahapon para daw alam nya kung sinong igigitna at ilalagay nya sa harap.
Natapos na yung kanta at lagi lang siyang nakatingin sa amin dalawa ni Myke ewan ko ba kung may mali sa ginagawa namin dahil lagi syang nakatingin sa akin at kay Myke.
"Magaling kayong lahat pero nakuha ng attention ko ay ikaw." Kaya pala tingin sya ng tingin sa akin. "Atchaka ikaw Myke."
"Pumunta kayo dito sa harap may ipapakita ako sa inyo." Sabi nya kaya naman pumunta na kami sa tabi nya.
"Gusto kong i memories nyo ito. Ang sabi kasi nila hindi daw tayo pwedeng gumawa ng sarili nating step kailangan daw is gagayahin lang natin yung sa YouTube." Pinakita nya sa amin yung cellphone nya.. isang lalaki at isang babae yung sumasayaw yung sayaw nila para syang zumba pero merong part na hahawakan nung babae yung lalaki o kaya naman yung lalaki yung hahawak sa babae.
"Imemorize nyo ito dapat pag minemories nya mag kasama kayo para alam nyo kung tama ba yung hawak nyo sa isa't isa... Bumalik na kayo dito gagawin ko na muna yung formation nyo." Tawag nya sa iba naming kasama.
Nasa bahay nanaman ako nila Myke ngayon formation lang yung ginawa namin kanina atchaka na kami pina-uwi alas-tres narin nung makarating kami dito sa bahay nya kaya naman pumunta agad kami sa dance room para mag practice tinext ko muna si Alexa para alam nyang hindi ulit ako uuwi ng maaga.
"Magpapahinga muna ako sumayaw ka lang diyan." Sabi niya sa akin atchaka umupo tumigil naman ako sa pag sasayaw dahil sa sinabi nya.
"Magpapahinga ka? Dapat ako din!" Sigaw ko atchaka pumunta sa tabi nya.
"Huwag ka nga dito sa tabi ko doon ka!" Ang arte ng lalaking to kala mo naman may mangyayaring hindi maganda kapag tumabi ako sa kanya.
"Ang arte mo." Mahinang sabi ko atchaka lumayo sa kanya.
"Ano?!" Kunot noong tanong nya.
"Sabi ko ang arte mo!" Sigaw ko naman ang arte arte kasi eh.
"Ano bang magagawa mo kung ayaw kitang katabi!" Sigaw nya din sa akin hindi talaga sya nag papatalo.
"Eh ano bang magagawa mo din kung gusto kong tumabi sayo!" Sigaw ko din sa kanya pero bigla namang nag iba yung expresyon ng mukha nya.
"Gusto mo akong katabi?" Ano namang masama kung oo.
"Ayaw ko!" Sigaw ko atchaka na umupo sa may dulo.
Tahimik lang kaming nagpapahinga ng biglang may kumatok sa pinto ng Dance Room nila.
"Sino yan?!" Malakas na tanong ni Myke.
"Sir may bisita po kayo." Sabi naman nung Mia ata yung pangalan.
"Sino?" Tanong nanaman ni Myke.
"Si... Ano... Albert puba pangalan non." Biglang tumaas yung balahibo ko dahil sa sinabi ni Mia. Bakit kaya nandito si Albert.
"Ganon papasukin mo sya." Sabi naman ni Myke atchaka tumayo.
"Jan kalang muna dahil meron akong pupuntahan." Sabi nya atchaka na tumalikod.
"Uhm... Myke?" Tawag ko sa kanya.
"Ano nanaman?" Naiinis bato sa akin o ano?
"San yung cr nyo dito?" Tanong ko sa kanya hindi talaga ako na ccr gusto ko lang makita kung sino yung Albert na sinabi ni Mia.
"Dito na sumama kana sa akin baka ano pang gawin mo jan." Sabi nya kaya naman sumunod lang ako sa kanya
Nung inatid nya na ako sa cr umalis na sya ako naman nandoon lang naghihintay ng taong maririnig kong pumasok sa bahay nila.
Myke Point of view
Inatid ko si Ashley sa may cr tapos pumunta agad ako sa sala para tingnan si Albert.
"Myke!" Tawag nya sa akin nung nakita nya ako. "Kamusta?" Tanong naman nya.
"Okay lang ikaw?" Tanong ko rin sa kanya.
Si Albert kaibigan namin sya simula first year at second year lagi kaming mag kakaklase kaming anim kasama sila Mark kaso nung nag Third Year na kami nag paalam sya sa amin na pupunta na daw sya sa ibang bansa.
"Eto okay lang, ang laki ng pinagbago mo ahh. May girlfriend kana ba?" Bigla akong nagulat dahil sa tanong nya ewan ko siguro dahil yung taong gusto ko meron ng boyfriend ang masakit pa don nag propose na sya.
"Wala pa din single paden since birth haha." Sabi ko atchaka tumawa pero deep inside masaket.
"Maraming magandang babae sa LA bakit wala ka paring mahanap?" Nag aasar bato o ano?
(LA- Lost Angel)
"Gusto mong malaman?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre naman." Sagot naman nya.
"Diba meron akong sinabi sayo dati na nakabungo ko bumilis ang tibok ng puso ko non tapos nung susunod na taon nakabungo ko ulit sya tapos nalaglag nya pa yung wallet nya dahil siguro nagmamadali sya tapos nung April nakita ko sya sa isang kainan nung tinanong ko yung pangalan nya sa Manager non hindi daw pwedeng sabihin tapos ngayon schoolmates ko na sya." Mahabang sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ligawan?"
"Meron na syang boyfriend at ang masakit pa don engaged na sila." Naiiyak na sabi ko.
"Oww, wag kang umiyak pre makakahanap ka ng mas worth it sa kanya." Sabi nya atchaka hinawak yung likod ko.
Bigla namang lumabas si Ashley sa banyo tapos nakatakip yung mukha nya. Anong meron at nakatakip yung mukha ng babaeng to.
"Sino sya?" Tanong sa akin ni Albert.
Sasabihin ko ba? Hindi nya naman siguro kilala yan. "Sya yung sinasabi ko sayo meron kasing pinapagawa sa amin kaya kasama ko sya." Sabi ko naman wala naman sigurong mawawala diba.
"Ang weird nya, tawagin mo nga." Inutusan pa ako ng mokong na to.
"Hoy! Ashley! Anong ginagawa mo?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.
"Ashley?" Tanong naman nya.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Ah wala may kilala kasi akong Ashley." Sabi nya pa. Parang baliw naman tong si Ashley kasi nakatayo lang sya sa harap namin habang nakatalikod.
"Hoy Ashley! Pumunta ka dito ipapakilala kita kay Albert." Unti unti naman syang umalis na parang walang narinig kya naman tumayo na ako para hilahin sya.
"Wag kang ano jan ipapakilala lang eh." Sabi ko naman habang tinatanggal yung kamay nya sa mukha nya ayaw pang ipatanggal. Ano bang meron at nag kaganon sya?
"Tama na!" Sigaw nya sa akin atchaka tinanggal yung kamay nya sa mukha nya.
"Okay na? Masaya kana?" Tanong ni Ashley.
"Ashley?" Parang naiiyak na sabi ni Albert ano kayang meron bakit nag kaganto to.
"Kilala mo sya?" Tanong ko kay Albert.
"Oo sya yung ka..." Hindi nya na natapos yung sasabihin nya kasi pinutol na yon ni Ashley.
"Boyfriend ko sya!" Sigaw nya kaya naman natahimik kaming pareho.
"Sya? Sya yung boyfriend mo?" Parang naiiyak na talaga ako pero kailangan kong maging malakas.
"O-oo." Sagot naman nya.
Ewan ko ba pero bigla nalang akong umalis sa sala atchaka umakyat sa kwarto ko nilock ko yon atchaka pumunta sa sarili kong banyo binuksan ko yung shower para walang makarinig ng iyak ko.
Hindi ko alam kung bakit sobrang drama ko at napaka-oa sa narinig at nalaman ko. Lagi nalang ganto!